Lumabas na rin ng banyo si Athena at Sara, holding hands pa ha! Ayos. Bumobrokeback! Habang papalapit silang dalawa, napansin kong medyo malungkot yung expression ng mukha ni Sara. Ano ba kasing meron? Anong nangyari sa loob ng cr? Ano bang alam nila na hinde ko alam? Ano ba yung tinatago nila sa akin??
Tumayo ako, “Anong nangyari?”
Napatingin si Sara kay Athena.. ano balak pa nilang itago sakin?!
“Anong nangyari?! Bakit ayaw niyong magsalita??”
Napayuko si Athena tapos si Sara tumingin sa akin, “She’s 8 weeks pregnant..”
Napatingin bigla si Athena kay Sara, “SARA!!” humarap siya sa akin, “Mi an.” Tapos naglakad siya papunta sa may bench na inuupuan ni Grace. [I’m sorry]
“Per..o.. hinde naman.. walang.. samin.. hinde… ako.. ginawa.. pano..?” sabi ko ng paputol putol. Hinde ko alam kung pano ko sasabihin yung nasa isip ko, buntis?! Tama diba? tagalog ng PREGNANT, BUNTIS?! Anak ng. SINONG TATAY?!
“YA!! I was just JOKING!” natawa sila Jigs at Kerb. Pinatong ni Sara yung kamay niya sa balikat ko, “Joke.” Tapos lumapit siya kay Jigs.
Naiwan ako doong nakatayo. Nakatulala. A JOKE? tch. Hinde nakakatawa yung joke na yun. Halos atakihin ako sa gulat nung sinabi niya yun!! ampotek! Ganun na ba mga joke ngayon?? Sasabihin bigla buntis yung girlfriend mo?! anak ng tokwa naman.
Lumapit sakin si Lucas, tapos inakbayan ako. “Ok ka lang ba?”
Tumango ako tapos ngumiti, “Buti naman at napilit ka nila Kerb bumalik dito. Matutupad na yung deal natin na dapat sabay sabay tayong gagraduate sa school na to.” Inakbayan ko rin siya
“Maiiwan ko ba naman ang Barney and Friends? Malamang hinde diba?”
“Thug Lords na kami papi!”
“Oh, sino nag bigay nun? Ayos ha! Thug Lords.. parang, sindikato lang!” natawa kami pareho
“Si Athena nag bigay nun, para daw kasi kaming gangster kung kumilos eh.” Sinabi ko habang nakangiti, “Iba siya paps. Ibang iba..”
“Alam ko..” sinabi ni Lucas habang tumatango, “Alam ko..”
Umakyat na kaming pito sa classroom, habang paakyat kami, nakasalubong namin si Abigail. Nagkatinginan kaming dalawa, ngumiti na lang ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay ni Athena. Napansin kong napatingin siya sa kamay namin kaya umuwas na ko ng tingin sa kanya. Pagkadating namin sa classroom umupo na kaagad ako sa upuan ko.
“Kelangan kita makausap.. Mamayang uwian.. Magkita tayo dun sa dating lugar.. Iintayin kita…”
Ano kaya yung sasabihin niya sa akin? Importante ba yun? pwede naman niyang sabihin sakin yun kanina kung ganun ka importante yung bagay na yun eh, pero hinde niya kaagad sinabi. Bahala na lang kung ano maging desisyon ko mamayang uwian!
Dismissal na, hinde ko pa rin alam kung anong desisyon ko. Lumabas ako at nilapitan ko si Athena, nag aayos siya ng locker niya habang kausap si Kerb. Pinagmamasdan ko lang siya.. habang tumatagal.. mukang hinde ko kayang mawala si Athena sa tabi ko. Dahil sa kanya, nakalimutan ko lahat ng galit ko sa past, napapakita ko na yung tunay na Kenji, naging masaya ulit ako at dahil sa kanya, natututo ulit akong magmahal at magtiwala sa taong mahal ko. FCUK CHEESY!
Hinde ko mapigilang ngumiti habang tinitingnan ko siya, siguro iniisip nila na nababaliw na ko.. siguro nga. Pero mas mababaliw ata ako pag… nawala siya sa tabi ko.
Hinampas ako ni Lucas sa may balikat, “Hinde halatang masaya ka ha!! Tama na yan! Natutunaw na si Athena!” siniko ko siya, “Athena! Si Kenji kanina ka pa hinihintay!” napatingin sa amin si Athena tapos ngumiti
“Gag0 ka talaga! Hinde ka pa rin nag babago!”
“Lul! Nag bago kaya ako! Hinde mo ba napapansin? Mas gwapo na kaya ako sayo!” tapos nag Mr. Pogi pose siya (yung parang naka check yung kamay) “Sige mauna na ako.” kumaway siya sa akin habang nakatalikod na siya.
Nilapitan na ako ni Athena tapos bumaba na kami ng building. Bigla siyang humawak sa may braso ko, unconsciously, napangiti ako. Sa totoo lang.. masaya talaga ako at nakilala ko si Athena. Palagi ko na atang sinasabi yun eh, pero seryoso ako. masaya talaga ako at nakilala ko siya.
Ihahatid ko na siya sa bahay niya, habang papalapit kami ng papalapit naiisip ko na magkakahiwalay na naman kami at bukas ko na naman siya makikita. Parang ang bilis masyado ng araw ko pag kasama ko siya. tama nga sila, time flies when you’re happy.
Dumating na yung oras na magkakahiwalay na naman kami, bumitaw na siya sa pagkahawak niya sa braso ko tapos hamarap sa akin, “Sige, pasok na ko.. ingat ka sa pag punta mo sa work, ok? Tawagan mo na lang ako pagkauwi mo pag hinde hassle..” nag smile siya tapos tumalikod na.
Ayoko pang magkahiwalay kami kaya hinawakan ko yung kamay niya, “Gusto mo bang…… sumama sa work ko? Para naman ganahan ako mag trabaho..” sana pumayag siya.. pumayag ka! Amp.
Humarap siya sakin tapos ngumiti, “Akala ko hinde mo na itatanong yan eh. Pasok ka muna, magshoshower lang ako.”
Binuksan ng yaya nila yung gate tapos pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay. Tahimik yung bahay nila, wala ata si Nathan.
“Oppa’s not home, I think he’s with our uncle..”
“Ahh..” sabi ko. anong reply yan! Wala yung kuya Kenji! W-A-L-A!
“You wanna wait here, or in my room?”
“HA?!?!” nagsmile siya sa akin, sinabi niya bang sa room niya??? HER ROOM?? Wait sabi niya diba.. ‘my room’ my = akin.. sa room niya! tama ba pagkarinig ko?
“Halika, dun tayo sa room ko.” teka, bakit bumibilis tibok ng puso ko? nakapasok na ko sa room ni Athena dati eh! so wala ng problema kung papasok ulit ako, pati iintayin ko lang naman siyang matapos mali..go.. eh. ANAK NG!
Pagpasok namin ng kwarto niya, nilagay niya kaagad yung bag niya sa may table tabi ng PC niya. Amp! Ano ba siya! She’s fcuking teasing me!
“Upo ka muna.” Umupo ako sa may sofa tapos umupo siya sa may bed niya, “Ayaw mo tumabi sakin?”
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Anong problema niya?? SERYOSO! HINDE NAKAKATUWA! Lalaki ako.. I have my own needs..
“You don’t like?” nagsmile siya sa akin, “Araso.” [alright]
“Ya. Gumanhe!” tinutukso niya talaga ako! hinde niya ba naiintindihan na lalaki ako? AT DALAWA LANG KAMING NASA BAHAY NIYA! well, tatlo kami pero yung yaya niya hinde naman nakikialam yun eh. [geu man hae = stop it]
“Wow! Korean yun ah.. bakit ba ayaw mong tumabi sa akin? Psh. Sige, ako na lang tatabi sayo.” tumayo siya tapos umupo sa tabi ko, bigla niya akong niyakap.
“Hoy! Lalaki ako, natetempt din ako, alam mo ba yun? Bakit mo ba to ginagawa?”
“Kur sseh..” kiniss niya ako sa cheek ko, “Anong gagawin mo pag nalaman mong may twin sister ako? tapos hinde mo alam na papalit palit lang pala kami.. hinde mo alam na hinde pala talaga ako si Athena..” [keur sseh = well..]
“Malalaman ko naman kung sino yung Athena sa hinde eh. maffeel ko yun.. bakit may kakambal ka ba?” umiling siya, “bakit bigla mong natanong yun?”
“Wala lang. sige maliligo na ko! dito ka lang ha! Ay! May bago akong laptop! Pinadala ng dad ko galing korea.” kinuha niya yung laptop niya sa may cabinet niya, “Gusto ko sabay natin buksan eh, pero na excite ako kaya binuksan ko na siya kagabi. Cute noh?” nag smile siya tapos lumabas na ng kwarto niya.
Tiningnan ko yung laptop niya, maganda nga. Mukhang bagong labas lang kasi ngayon ko lang to nakita eh. Spoiled nga talaga to, binibilhan ng bagong gamit kahit hinde naman kelangan. Sa bagay, hinde naman siya magastos na tao eh. Premyo niya to dahil mabait siyang anak.
Binuksan ko yung monitor ng pc niya, tapos nag halungkat ng kung anu-ano. Pumunta ako sa My Pictures. Ang daming folders, siyempre una kong nakita yung MY G-PRINCE na folder, all caps ba naman eh.
“G-Prince.. Gangsta Prince. Tss.”
Clinick ko yung folder pero hinde ko mabuksan, may password pang kelangan! ANO BA TO!! Sino kaya yung nasa loob nun? Ayokong mag assume na ako yun. amp! Pano pag yung Tae Sung yun!? shiet!
Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto tapos pumasok si Athena. Tapos na siyang maligo?! Saan siya naligo!? Diba dito yung banyo niya?! kaya pala ang lakas ng loob niya kasi hinde siya sa sarili niyang banyo maliligo eh! tss.
“ANG INIT SA LABAS!! GRABE!” sinabi niya habang nag papaypay siya gamit yung kamay niya. OMG SHE LOOKS SOOOOOO... HOT? Basa pa yung buhok niya.. ano ba to! ang lakas talaga ng trip niya! Hinde hinde! change topic!
“Naka bukas na nga ac mo eh, teka, hinde mo ba to pinapatay?”
Umiling siya, “Simula last month ayaw nilang ipa-patay yung ac eh. Ok lang daw kahit tumaas yung bill ng kuryente basta wag lang daw patayin yung ac. Kahit si Sara ayaw niya ipa-patay eh nanagalit. Hehehe!! Weird noh?”
“Oo. weird nga. Ano, tara na?”
“5 minutes.” Umupo siya sa may couch tapos nag susuklay ng buhok.
Tumayo ako tapos umupo sa tabi niya, “Can I have a kiss? A long on--”
Naputol yung sentence ko kasi bigla niya akong kiniss.
After nung kiss namin, medyo naging awkward yung moment. Napansin kong nag blush siya tapos tumayo na. niyaya ko na siya sa bahay para samahan akong mag bihis. Pagkatapos kong mag bihis dumeretso na kaming dalawa sa work ko.
Pagkadating naming sa work ko, ang dami na kaagad na tao, puno na yung place pero wala namang mga inorder.
“Iniintay ka ata nila. Puro babae oh.”
“Tss. Wala akong pakialam. Ginagawa ko lang naman trabaho ko eh.” naglakad kami papunta sa may counter, “Dito ka sa table na to, dito mo ko hintayin ok? anong gusto mong kainin?”
“KIMCHI!!” nagsmile ako sa kanya tapos hinawakan yung mukha niya, “Ay.. kelan pa nagka piano dito? Wala naman yan dati ha..”
“Gusto kasi ni boss gawing medyo sosyal yung place eh, kaya ayan naglagay sila ng space para sa piano. Yun nga lang walang marunong mag piano.”
“Magkano bayad???” Mukhang pera.
“250 per night. Mga 10 songs dapat!”
“Sige! Sabihin mo mag aapply ako bilang pianist! Hehehe! Start na ko ngayon ha?” tumayo siya tapos pumunta sa may piano, umupo siya tapos binuksan yung cover ng keys.
Nagsimula na siyang tumugtog. Lahat ng tao napatingin sa kanya, kahit si boss napalabas ng opisina niya at napatingin kay Athena.
“Siya yung girlfriend mo diba? Magaling siya mag piano.”
“Gusto niya raw mag apply, kung ok lang daw..”
“Tanggap na siya. Sabihin mo, kung marunong rin siyang kumanta mas maganda. Dadagdagan ko ng P50.00 bawat song na kakantahin niya. ok ba yun?”
Tumango ako. parang mas malaki pa yung kikitain niya kesa sakin ha?? Piano at kanta lang siya, samantalang ako naglilinis kumukuha ng orders nagpapakahirap mababa sweldo!
Nakaka 5 songs na si Athena, sabi ni boss mag break daw muna siya ng 1 hour, hinde naman daw kami nag mamadali.
Umupo kaming dalawa ni Athena, binigay ko na sa kanya yung kimchi na inorder niya kanina, napansin kong masaya siya habang nag pipiano. Siguro hilig niya talaga yun.
*bzzzzt*
Nilabas ko yung cellphone ni Athena, tiningnan ko kung sino yung tumatawag,
Calling..
Carlo Paez
Flinip ko yung phone para sagutin yung tawag niya, nakatingin lang sa akin si Athena
“Si Kenji to.”
“Si Ate Athena?? Kelangan ko siya makausap..”
“Teka lang..” inabot k okay Athena yung cellphone niya, “Si Carlo. Mukhang importante eh.”
Kinuha niya yung phone, “Hello?”
Biglang nanlaki yung mata ni Athena, “Nasan ka ngayon? Ok ka lang ba??”
Tumatango siya, pucha parang nakikita ni Carlo yung pag tango niya ah.
“Sige, pupunta ko dyan! Intayin mo ko, ok??” binaba na niya yung phone.
“Ano raw yun?” dahan dahan inangat ni Athena yung ulo niya, “May nangyari ba?”
Tumango siya. “Yung lola ni Carlo dinala sa hospital kagabi.. hinde niya alam yung gagawin niya kasi hinde pa raw gumigising.. hiwalay na kasi yung parents niya at may kanya kanyang pamilya kaya yung lola na lang niya yung nag aalaga sa kanya.”
Halatang nagaalala siya kay Carlo. Parang magkapatid na rin kasi ang turingan nila. Mabait na bata si Carlo kahit kelan lang namin siya nakilala. Lagi niya kaming binibigyan ng pagkain tuwing recess, pag lunch lagi silang nag kkwentuhan ni Athena.. kaya pala kanina wala siya kasi nasa ospital siya.
“Sige, tapusin na lang natin yung work, tapos diretso na tayo sa ospital ok?” nag nod siya sa sinabi ko.
Tinuloy namin yung work namin, kunwari wala na lang nangyari, tumugtog siya ng masasayang kanta, ako naman tuloy sa pag silbe sa mga customers. Habang tumatagal dumadami pa rin yung customers. Masaya sana eh, kaya lang si Athena nag aalala na. pag dating ng 10:00 pm, nag madali na kaming makakuha ng taxi at pumunta na sa ospital kung saan naka confine yung lola ni Carlo.
Mga 2 hours din kaming nandoon, gusto pa sana mag stay ni Athena pero sinabi ko sa kanya na may pasok pa kami bukas. Medyo kumalma na si Athena dahil napansin niyang ok lang naman si Carlo. Nag taxi na lang rin kami pabalik tapos nag pababa sa tapat ng village namin. Nakabalik naman kami ng kampante yung loob.
Hinawakan ko yung kamay niya para alam niyang nasa tabi niya lang ako.
“Alam mo, ang laki ng pinag bago mo. Hinde ka na gangster. Lover ka na ba?” tumawa siya ng mahina. “Ayoko ng makikipag away ka ha. ayaw ko ng may mangyayari sayo..”
“Lalaban lang ako pag sinabi mong lumaban ako..” tumingin siya sakin tapong ngumiti. “Seryoso. Babawian ko lang yung mga hayop na yun pag sinabi mong lang na ‘Kenji lumaban ka!’ para may permission ako.”
“Promise?”
“Promise.”
Pagkadating namin sa may park hinarang kami ng 5 lalaki. Kakasabi lang ni Athena na ayaw niya akong makipag away pero yung away talaga yung lumalapit sakin eh! Potek.
“Tigas rin ng mukha mo noh? Pwede bang layuan mo nga yung girlfriend ng kaibigan ko!” Sinong girlfriend ang pinag sasasabi nito?! Hinde ko nga siya kilala eh! “Nag away yung dalawa ng dahil sayo alam mo ba yun?!”
“Hinde ko alam pinagsasabi mo.” lumapit sakin yung lalaki tapos sinuntok ako sa may kaliwang pisngi
“Siguro ngayon naaalala mo na.”
“SINO KA PARA SUNTUKIN SI KENJI HA?!?!” sigaw ni Athena. Tapos bigla niyang sinampal yung lalaki, “Siguro naman naaalala mo na rin na hinde ka namin kilala diba?!” napatingin ako bigla sa kanya.
Ang labo nitong babaeng to. Siya nagsabi sakin na wag makikipag away tapos siya tong nakikipag away! Hinde niya ba naiisip na lima sila dalawa lang kami? Walang magagawa yung sampal niya. lalo na’t hinde niya pa sinasabi yung permission ko.
“Matapang ka ha!” inangat niya yung kamay niya tapos pasampal n asana siya kay Athena pero hinawakan ko yung kamay niya
“Ako yung kelangan niyo, hinde siya. gawin niyo na gusto niyong gawin sakin. Wag na wag niyo lang gagalawin si Athena.”
“Sige.” Sumenyas na siya gamit yung kamay niya.
Naglapitan sakin yung mga lalaki tapos nag form siya ng circle habang nasa gitna ako.
“Tutuparin ko yung promise ko sayo. Tumalikod ka muna, ayokong makita mo yung mangyayari sakin.” Ngumiti ako sa kanya tapos bigla na akong sinuntok ng mga lalaking hinde namin kilala.
Nakakarami na sila ng suntok sakin. Naririnig ko si Athena, sumisigaw.. sabi ko sa kanya wag siyang tumingin eh! Taena matigas talaga ulo niya! kung ayaw niya akong mabugbog ISIGAW NIYA YUNG MAGIC WORD!!!! Nagparinig na nga ako eh!!! shyet!
“YA BABO!! FIGHT BACK!!!! YOU DUMBASS! LUMABAN KA!!!!!!”
Napangiti ako bigla, tumayo ako tapos sinimulan ko ng gumanti. Nabigla yung tatlong lalaki dahil hinde ata nila inaakalang lalaban ako, tumakbo na yung tatlo naiwan yung dalawa. Ginantihan ko ng tuluyan yung lalaking sinampal ni Athena. Pero biglang tumakbo na sila. lumapit sa akin si Athena tapos hinawakan yung mukha ko, “Gag0 yung mga yun ha!! sinira mukha ng sexylove ko.. gwaen chah na??” [are you alright?]
Umiling ako, “Malamang hinde.. ang tagal mo kayang sabihin ung magic word.. ayan nakarami tuloy sila sakin! Tinupad ko yung promise ko ha..”
Niyakap niya ako tapos bigla siyang umiyak, “Ya! What if wala ako ngayon sa tabi mo then they suddenly jumped on you.. you won't be able to fight back kasi hinde ko masasabi yung magic word..”
Niyakap ko siya ng mahigpit, “Kaya nga kelangan palagi kang nasa tabi ko.. para hinde ako masasaktan. Pero sa totoo lang.. mas tatanggapin ko tong sakit ng katawan kesa bigla kang mawala..”
Potek! Nakapag bitaw na naman ako ng cheesy line. Nakakaasar! Bigla bigla na lang lumalabas sa bibig ko yung mga yun! parang.. ah ewan! Hinde ko rin alam gagawin ko minsan. Parang kelangan ko talagang sabihin sa kanya yung mga nafifeel ko eh. Tch.
Naglakad na kami pabalik sa bahay ni Athena. Hinde ko na iniisip yung sakit ng katawan at mukha ko kasi kasama ko siya. Halos 17 hours ko siyang kasama ngayong araw.. lagpas pa ng kalahating araw eh. pero siyempre kelangan na talaga naming mag hiwalay.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Athena, dalawang beses na nangyari tong ngayong araw. Pero ngayon, seryoso na.
“Umm.. Kenji.. gusto mo bang..” pinutol niya yung sasabihin niya. SAY IT D@MMIT!
Naka yuko lang siya. parang nang aalinlangan siyang sabihin sakin yung karugtong nun, “Ano yun? gusto kong ano..?”
“Gusto mo bang..” ANO YUN? AYOKO NA NG PAPUTOL PUTOL PA!!
“Samahan kita ngayong gabi?”
ANO DAW?!
Nagulat ako sa sinabi niya. hinde ako makapag react sa narinig ko, tama nga ba yung narinig ko??
“Kasi, wala kang kasama tuwing gabi sa bahay mo.. eh, walang mag aasikaso sayo.. tingnan mo yung itsura mo oh..” hinawakan niya yung mukha ko, “kung gusto mo dito ka na lang matulog sa bahay namin.. Oppa will understand..”
Teka, san ba as walang sagabal? Sa bahay ko o sa bahay niya??? SHIET! SA BAHAY KO!
“Dun tayo sa bahay ko.” nag nod siya, tapos tumalikod siya at nag doorbell.
Napansin kong medyo nag stiff yung katawan niya tapos nakaturo pa rin siya sa doorbell. HAHAHA naisip niya ata na dalawa lang kami sa bahay ko!
Lumabas si Nathan, “Oh bakit ngayon lang kayo??” napatingin siya sa akin, “Ano nangyari sa mukha mo??? ok lang ba kayo!?”
Nag nod si Athena, “Oppa, Kenji will sleep here tonight. He’s hurt because of me.. he saved your dongseng so let him sleep here.”
TEKA!!! USAPAN SA BAHAY KO HA?? AMP!! NAISIP NIYA NGA NA DALAWA LANG KAMI DUN!! SHIET!
“Araso araso.” Sinabi niya habang nag nonod. Pumasok na kaming dalawa ni Athena sa loob ng bahay niya tapos pa tungo na kami sa kwarto niya, “YA!!! You’re gonna sleep together?”
“You wanna sleep with him instead?”
“ANYO!!” [NO!]
“See. So he’ll be sleeping in my room.” Amp! Matalino talaga tong babaeng to! Pati si Nathan nagagawang mauto eh!
“MALDO ANDWE!” [maldoh andwae = No way]
“Oppa, listen ok? MATUTULOG LANG KAMI.”
“Aish. Kure araso.” Tumingin bigla sa akin si Nathan, “Kenji, I trust you.” [Ok fine]
“Jin jja komawuh, oppa!!” niyakap niya si Nathan tapos kiniss sa pisngi, “Jalja!” [Jin jja komawuh = thanks a lot; oppa= older brother; jalja= goodnight]
Hinawakan ako ni Athena sa braso nag lakad na kami papunta sa kwarto niya. pagpasok namin umupo ako sa may couch tapos siya may kinuha sa banyo, lumabas siya ng may dalang first aid kit. Tss. Babae nga siya!
Umupo siya sa tabi ko, binuksan yung first aid kit na bag tapos kinuha yung gamot.
“It might sting.” Nilagyan niya ng gamot yung cotton buds tapos dahan dahan nilagay sa part ng left jaw ko na may sugat. “Masakit ba?” hinipan niya yung sugat, para hinde kumirot.
Nilagyan niya ng band-aid yung sa may jaw ko tapos nilagyan niya naman ng gamot yung sa may lower lip ko. ang seryoso ng itsura niya habang nag lalagay siya ng gamot. Pati yung sa may kamay ko napansin niya rin yung mga sugat.
“Tanggalin mo yung shirt mo.” napa ‘ha’ ako sa sinabi niya, “Pupunasan kita.. gamitin mo muna yung damit ko..”
Napasmile ako sa kanya tapos tumango ako. lumabas siya ng kwarto tapos pag balik niya may dala na siyang ice.
“YA!!! WHAT’S THAT FOR!!!” biglang pumasok si Sara sa kwarto, “YA!!!! WHY ARE YOU NAKED???”
“He got into a fight. He’s gangstering again.”
“YA!! Stop gangstering, araso? Goodnight!” sinara ni Sara yung pinto, si Athena nilagyan muna ng ice yung part na may pasa [araso = ok]
“Hinde ko alam kung tama tong ginagawa ko eh haha! Wag na nga lang natin lagyan ng ice! Punasan na lang kita!” kinuha niya yung basin na may water tapos yung small face towel nilubog niya sa basin na may tubig. Piniga niya yun at dahan dahan niya pinunasan yung katawan ko, “Ayoko na, ikaw na gumawa!”
Binigay niya sakin yung towel
“Tuloy mo! parang maaabot ko eh!” tinuloy niya yung pag punas ng naka simangot. Sususggest suggest hinde naman pala itutuloy. Tss. Pagkatapos niya akong punasan, inabot niya sakin yung shirt niyang malaki.
Humiga na siya sa kama niya, “Sige dito na lang ako sa sofa. Goodnight.”
“Ano ka ba, tabi na tayo.. ok lang naman eh..”
Napangiti ako bigla. Siyempre hinde ko pinakita sa kanya! tumayo ako at umupo sa may kama niya, “Ok lang ba talaga?” tumango siya habang nakangiti.
Humiga na ako sa tabi niya.
“Kenji.. anong ibig sabihin ng happiness para sayo?”
Ano nga ba ang happiness? Yun yung feeling na kuntento ka diba? ewan ko.. hinde ko pa ata nafifeel yun eh.. siguro.. ata.. baka.. hinde ko madescribe kung ano talaga yun eh, mahirap sabihin.
Niyakap ko siya tapos bumulong sa tenga niya, “Etong feeling na to..”
Hinde ko kayang i-explain sa kanya kung ano ba talaga ang happiness, kasi sakin, yung feeling na nararamdaman ko ngayon, alam kong happiness yun. Alam kong walang makakatalo sa nararamdaman ko ngayon. Yung tipong sasabog yung puso ko pag hinde ko napatunayan sa kanya na mahal ko siya. Kung hinde pa siya handa sa mga bagay na gusto kong mangyari, ok lang. sobra sobra respeto ko sa kanya.. sa sobrang respeto ko, lahat titiisin ko. KAHIT ETONG URGE NA TO!
“I love you.. so much..” bulong ko sa kanya. “Thanks for making me this happy.. please let me spend forever with you..”
Hinde na siya sumagot, sinilip ko kung tulog na siya, tss. Tulog na nga.. pero naka smile pa rin siya.
This is the girl I wanna be with, forever.
ITUTULOY

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento