Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [32]




“Kenji, uwi na muna ko..” sabi ni Abigail nung tumayo siya.

“Ha? Ah..” yun lang ang sinabi ni Kenji habang papalabas na ng kwarto si Abigail.

I smiled at him, “Misunderstanding lang to, diba? Tama. Friends kasi kayo.. wala namang meaning yung pagbisita niya diba? It’s not as if you’re doing something behind my back, right?”

“Athena..” he said while he’s trying to hold my hand.

I shook my head, “Don’t worry. Hinde ko naman binibigyan ng meaning yun eh. YA! If I caught you cheating on me, you’re dead!! I’m not asking for too much but you’re the one I love most and that’s why I need you right now… please don’t leave me..”

Pinulot ko yung papar bag na nabitawan ko earlier tapos inabot ko kay Kenji. Simpleng gift lang yun since hinde naman 1 year yung occasion na yun. Shirt lang siya na nakita ko sa mall. Nung unang kita ko pa lang kasi sa shirt nay un, si Kenji yung unang pumasok sa isip ko kaya binili ko yun.

Nagsimula na akong maglakad papalabas ng room niya pero napahinto ako sa may pintuan, “Ya… you can date her.. but don’t leave me..” pagsabi ko napapikit ako saglit tapos umalis na ng bahay ni Kenji.

Sumunod lang si Carlo sakin, hinde ko mapigilan ang hinde umiyak. Feeling ko isang malaking sampal yung inabot ko sa nakita ko.. Tama ba yung ginawa ko? Halata naman diba? Nagbubulag bulagan na lang ako.. hinde na ko pwedeng makipag talo pa sa kanya dahil kelangan ko siya.. para lang mag stay siya sa tabi ko magpapaka t@nga muna ko....

Napahinto kami ni Carlo sa paglalakad, niyakap niya ako tapos patuloy niyang sinabing ‘Ok lang yan… ilabas mo lang yung galit mo.’ bakit ko kelangan maranasan yung ganitong drama? Bakit ngayon pa?

Hinde ko namalayan na nasa bahay na pala ko. pag tingin ko na lang sa paligid ko nasa kwarto ko na ko. Pumasok si Carlo tapos nag smile siya sa akin

“Hinde mo siguro natatandaan kung pano ka nakauwi noh? Binuhat ata kita! Macho to noh!” tapos pinakita niya sakin ung braso niya na may ‘muscles’ daw. “Ok ka na ba? Yung nakita mo kanina al--”

“Hayaan mo na. ok lang ako. thank you..” pinutol ko yung sasabihin niya. alam ko kasing hinde maganda yung karugtong eh, ayoko na marinig pa.

“Pero ate hinde na kasi--”

Nag nod ako, “Ok lang ako Carlo..” pinutol ko ulit yung sasabihin niya.

Inalalayan niya akong humiga tapos tumayo siya para patayin yung ilaw at lumabas na siya ng kwarto ko. Pag kalabas niya hinde ako makatulog. Naiisip ko pa rin yung mga nakita ko kanina..

Pano pag hinde ako dumating? May nangyari na kaya sa kanila? Matagal na ba tong ginagawa? K
ung oo, kelan pa to nagsimula? Alam rin ba nila Kirby, Jigs at Lucas ito? Kung alam nila, bakit hinde nila binabanggit to sakin? hinde ako mapakasi sa kakaisip. Bakit ba ang pangit ng kapalaran ko.. mamamatay na nga lang ako, tapos ganito pa yung nangyayari.. sana isa na lang noh? Parang mas gusto ko pa ata yung mamatay ako kesa yung buhay na buhay ako pero parang unti unti rin akong namamatay..

Ang gulo ko. Ganun din eh. Pinapatagal lang nila yung pag hihirap ko. Sana isang bagsakan na lang para tapos na.

Dalawang araw na kong walang tulog. Hinde kami nagkita ni Kenji kahapon. Hinde ko rin siya tinawagan pero nag text ako. Ipinaalam ko lang na nandito lang ako. sapat na yun para malaman niya.

Gaya kahapon, naabutan kong unti unti ng sumisikat yung araw. Bumangon na ako at binuksan yung laptop ko. simula nung binuksan ko yun nilipat ko yung diary na file ko dun. Dun na rin ako nag susulat ng kung anu-ano. Kaya malamang nakalagay lahat ng deepest darkest secrets ko dun. Lahat ng mga nangyari sakin noon nakalagay sa diary ko. Pero siyempre may password yun para naman may privacy ako.

Pagkatapos kong mag blog, naligo na ako at nagready na sa pag pasok. Pagtingin ko sa orasan 7:30am na. hinde pa rin dumadating si Kenji. Napansin ata ni Carlo na napatingin ako sa clock kaya nilapitan niya ako.

“Tara sabay na tayong pumasok. Si Ate Sara pinapauna na tayo eh, susunduin din daw siya ni Kuya Jigs.” Tumango ako tapos nag smile kay Carlo

Eto ang masaya pag may kapatid kang lalaki tapos iisa kayo ng school eh, hinde ka hahayaang mag isa. Oppa used to be like that when we were still studying in Korea. Of course, it’s not the same na because he’s in college while I’m in high school..

Naglakad kami ni Carlo papuntang school. tahimik kami pareho.. napansin ko ring hinde siya masyadong tumitingin sa akin. Ang alam ko diba dapat pag alam mong may problem yung kasama mo palagi mo siyang titingnan? Pero si Carlo diretso lang tingin niya. tuloy tuloy lang sa pag lalakad. Mag sasalita lang siya pag may sinabi ako o tinanong. Pero pag wala, tahimik lang siya.

Alam na niya kaya? Siguro.. Maybe oppa told him last night.. or maybe last last night.. sinabihan nila ko nung Sunday na pumunta ng hospital eh, pero I insisted. I told them na I will go na lang ‘tomorrow’ after class. Ngayon yung tomorrow na yun.

Pagdating namin sa tapat ng school, nakasalubong namin si Kenji at Abigail. Bitbit-bitbit ni Kenji yung mga gamit niya. Napa stop sila nung nakita nila kami.

“Good morning.” I said with a smile on my face.

“ATHENA!” napatingin ako sa likuran tapos nakita ko si Lucas tumatakbo papalapit samin ni Carlo.

“Kuya Lucas. Ikaw na bahala kay Ate ok? mauna na ko..” pagkatapos tumakbo na si Carlo paakyat sa classroom.

Napatingin si Lucas kay Kenji at Abigail tapos nag smile siya, “Morning!” tapos humarap ulit siya sakin, “Sige mauna na kayo ni Kenji, ako na bahala kay Abi, pinasundo ko kasi si Abi kay Kenji eh.” Kinuha niya yung gamit ni Abi sa kamay ni Kenji tapos hinawakan si Abigail at hinila papalayo.

Nagsmile lang ako kay Kenji, “Wag kang mag alala, ok lang. Tara na?” hinawakan ko yung kamay niya tapos nag lakad na kami paakyat ng classroom. Habang nag lalakad kami at nakaraos rin sa pag akyat sa 4th floor, unti unti kong binitawan yung kamay niya tapos nagmadali ako papuntang classroom. Nung na-reach ko yung classroom agad agad kong pinatong yung mga gamit ko at nagmadaling pumunta ng cr. I can’t breathe -- My chest was suddenly in pain.

Nakalimutan kong kunin yung gamot sa may bag ko, kinuha ko yung cellphone ni Kenji from my pocket and called Lucas.

“Athena o Kenji?”
“Lucas… yung gamot….. nasa cr ako… bilis..”
“Teka! intayin mo ko ok?? nasa 3rd floor na ko, wag mo munang ibababa!!” naririnig ko yung paghinga ni Lucas. Tumatakbo siya paakyat.

“Athena?? Nandyan ka pa ba??”
“Oo… sa may bulsa nung backpack yung gamot..”
“Yung maramihan??? Yun ba  yun?? Dadalhin ko na lang!! intayin mo ko!! Wag mong ibababa!” nagmadaling sinabi ni Lucas. Halatang nag papanic siya.. “Akin na to! Babayaran na lang kita!” narinig kong sinabi niya.

“Athena?? Ikaw lang ba tao sa banyo??”
“Oo..bilis.. ang sakit na talaga ng dibdib ko..” narinig kong bumukas yung pintuan tapos nag end bigla yung call.

“Ano dito?!?” nakita ko sa harapan ko si Lucas dala yung lalagyanan ko ng med tapos may dalang bote ng tubig.

“Yung una pati pangalawang lalagyanan..” sabi ko habang hawak hawak yung dibdib ko.

Kumuha ng tag-isang pill si Lucas at inabot sa akin. Pagka subo ko nung mga gamot inabot naman niya sa akin yung bottled water. After 5 minutes naging ok na ulit ako.

“Loko ka. Pinakaba mo ako.. buti na lang nasa 3rd floor na ko nun kung hinde pareho pa tayong hinde makakahinga ngayon.” I smiled at him, “kelan ka pupunta ng ospital? Hinde na tama yung nangyayari sayo eh. 2 weeks ka ng madalas mahilo at halos mahimatay.. hinde mo nga pinapaalam kay Kenji yung mga nangyayari sayo eh. hinde ko na rin alam minsan yung pwede kong matulong.”

“Ano ka ba. Epekto lang to ng gamot noh. Ibig sabihin tumatalab!” Proud kong sinabi pero biglang tinakpan ni Lucas yung muka ko gamit yung kamay niya. amp! Anong ginagawa niya?

“Eh ano yung pag susuka mo? hinde ka naman dapat nag susuka ha? Alam kong pinepeke mo lang yun. Sigurado akong gusto mo lang palabasin na common lang yung sakit mo. At sigurado akong tuwing pumupunta ka ng cr sumasakit yung dibdib mo. hinde ka makahinga.. Pwede mo silang maloko dahil hinde nila alam yung tunay na kalagayan mo.. Pero hinde mo ako maloloko.” Tinanggal na ni Lucas yung kamay niya sa mukha ko. Nakita ko yung itsura niya, seryoso.

Napayuko ako sa sinabi ni Lucas. Isang beses ko lang sinabi kay Kenji na nasusuka ako, pero sa totoo lang hinde talaga ako nasusuka nun. Tapos ayun.. Inassume na lang nilang lahat na sumusuka all the time. pero sa totoo lang dalawang beses lang akong sumuka. Ewan ko rin kung bakit ako nasuka nung time na yun.

“After class pupunta na ako ng hospital. Lucas… Grace and Sara knows.. maybe Carlo, too. Just don’t tell the others. Ayokong magalala sila. ayokong maawa sila sakin.”

Nag nod si Lucas, “Ok ka na ba? Tara na. Mag start na yung class. Mauna na ako para hinde halatang magkasama tayo.”

Lumabas na si Lucas ng cr. I was left alone in the restroom once again. Kelangan masanay na ko na mag isa ako.. sooner or later iiwan din ako ni Kenji. Alam kong dadating yung time na mag sasawa na siya sa akin, o kaya makahanap siya ng iba.. o baka magkabalikan pa sila ni.. Ang hirap isipin na ganun nga yung mangyayari. Pero alam ko kasing ok na sila ni Abi eh, so malaki ang possibility na magkaayos ulit silang dalawa.

For 10 minutes nag isip ako ng maigi sa mga dapat kong gawin. Inisip ko kung anong tama at mali.. kung ano ang pwedeng maging solusyon sa ganitong bagay. Pero sa dulo, wala akong nakuhang sagot. Kaya siguro ako mahina sa math kasi sa math lahat may sagot. Gumagawa ka ng solution at reasoning. Iniinterpret mo lahat ng nakuha mong sagot para malaman kung tama ba to o hinde. Hinde katulad ng ibang subjects, memorization. Minememorize mo lahat ng tinuturo sayo, lahat ng problems and solutions.

I’ve chosen the other complicating factors than math. Kaya siguro ngayon hinde ko alam yung sagot sa problema ko kasi mahina ako sa math..

Lumabas na ako ng restroom at pumunta ng classroom. Pag bukas ko ng door lahat sila nagtinginan sakin.

“You’re late Ms. Dizon, where have you been?”

“I had a call from my parents. I’m sorry Miss..” nag nod yung teacher namin pagkasabi ko ng excuse ko.

Umupo na ako sa tabi ni Kenji. Hinde ko siya tiningnan pero na ffeel kong nakatingin siya sa akin. Gusto niya sigurong magtanong kung bakit ako nalate sa class kahit na nagmadali akong pumunta ng classroom, siguro napansin niya rin na may kinuha si Lucas sa bag ko. Ewan. Wag na niyang balakin pang itanong.. kasi ako hinde ko tinatanong yung nangyari sa kanila ni Abi nung Saturday.

Wala nga akong clue kung anong nangyari pagkaalis ko ng bahay niya eh.

The day went by so fast. Hinde ko nga napansin na dismissal na eh. ang alam ko lang kasama ko si Lucas at Carlo pababa ng front gate. Siguro nag tataka kayo kung bakit hinde ko kasama si Kenji.. Hinde ko rin alam eh. basta bigla na lang akong umalis ng classroom.

Nakita namin si oppa sa may tapat ng gate, “Sige Lucas, mauna na kami.” I said to him as I waved.

Pumasok na kami ng kotse ni Carlo tapos nag drive paalis si oppa. Hinde ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Dumeretso kami sa room ni Dr. Sison, siya yung doctor na nirecommend samin ng Tito ko. Sabi nila siya daw yung gumamot sa isa kong tito and sa mom ko. Siya rin daw yung doctor ng mom ng dad ko. Pinapasok kami nung nurse sa room ng doctor at pinaupo kami.

The doctor entered the room. He smiled at us

“Good afternoon. Your father called me earlier.” I looked at Oppa. He just shrugged. “How are you Athena?”

“Good.. I guess.” He smiled at me.

“I guess.. Have you been doing well physically? Hinde ka ba masyadong nasstress lately?”

“Medyo lang po.”

“Yes or no lang Athena.” He looked at Oppa, “Have you been keeping an eye on her?”

“Yes, she just fainted last Saturday. Our little brother witnessed it.” He pointed at Carlo who was sitting beside me. I looked at Carlo then I saw him smiled when he heard oppa called him little brother.

“How many times has she fainted for the past 2 weeks?”

“Four times.” Oppa answered.

The doctor looked at me, “Athena, alam mo namang hinde ka pwede ma-stress diba? madaming pwedeng mangyari sayo. You have to take good care of yourself. You’re fragile.” He wrote something in his notebook then he looked at me again, “We have to check if there are any changes. You have to stay here for a night or two to check your heart.”

I nodded. This is it. Ngayon ko na malalaman kung naging ok yung condition ko or mas lumala pa.

Pinag physical exam nila ako, Echocardiography tapos ECG. Hinde pa ata sila na kuntento sa mga nakita nila. Kaya dinala nila ako nung nurse sa isang room na may malaking machine. MRI (Magnetic Resonance Imaging) daw tawag dun. Pinatanggal din nila yung hikaw at watch ko. Habang suot suot ko yung hospital dress, pinahiga nila ako sa parang table tapos nag slide papasok sa tunnel-like tube. May ininject din sa akin, sabi ng doctor para daw mas better yung image. Kaya pala hinuli yun dahil kelangan bago ako mag mag exam hinde ako kumain ng 4-6 hours.

Pagkatapos ng ibang mga tests sinubukan kong tawagan si Kenji, pero naka off yung phone ko. I tried texting him para pag on niya tumawag siya sa akin.

10:08 pm na nasa room lang ako since sabi ng doctor kelangan kong mag stay para i-monitor yung heart ko.

“Ms. Athena, pupunta daw po maya maya si Dr. Sison.” Sabi sa akin nung nurse pagkatapos niyang tingnan yung monitor sa tabi ng bed na hinihigaan ko.

After 30 minutes pumasok na yung doctor sa room ko. kinuha niya yung upuan tapos hinila papunta sa tabi ng bed.

“Have you been taking your medicines regularly? Tell me the truth.”

“Hinde po.. in denial pa kasi ako eh. Pero nung napapadalas yung chest pain ko, iniinom ko na yung gamot.”

“You’re not taking this seriously. You have to take your medicines to improve the symptoms.” I nodded. “Have you been stressed out lately? Physically? Emotionally? I want an honest answer, Athena.”

I nodded. “Emotionally.”

“Boyfriend? Family matter? Friends? Tell me.”

“Boyfriend...?”

“Does he know about your condition?” I shook my head. “To tell you honestly, lumala yung condition mo.. kaya ka namin binigyan ng list ng mga gamot mo para ma-prevent yung complications pero hinde mo naman pala tinetake yung mga gamot. Hinde rin namin ineexpect na magiging mabilis yung pag lala nung sakit mo. Kaya nag MRI ka pa kasi akala ko nung una nagkamali ako. Pero pareho yung naging resulta.” he showed me the the x-ray film

“I don’t understand.” Holding the x-ray film

“This is the muscle, it got thicker compared last time.” I stared at it closely. “Kaya napapadalas yung chest pain mo kasi insufficient yung oxygen sa myocardium. Pwede rin maging cause nung chest pain mo yung emotional stress. Now we have to inform your parents about this matt--”

“Medicines can’t cure me now, is that what you’re trying to say?” I asked him. while putting down the x-ray film

He ignored my question. "You know how serious this is, right? Usually sa athletes lang yung ganitong sakit, but it can also be inherited. This may lead to a more serious one if na-reach na yung ‘end stage’ or ‘burnt out’ and pag na-reach na yung stage na yun, serious actions na ang kelangan gawin.” He wrote something, “drug treatment muna ulit tayo, pag hinde parin nag progress yun, then we’ll be taking surgical options.”

Surgical options?? Am I that fragile..? Is he telling me na sobrang mag babago yung buhay ko dahil ganun na ako ka-fragile? Tiningnan ko ulit yung film. Hinde pa rin ako makapaniwala.

“You have to change your lifestyle. You have to stop smoking, drinking and eating salty foods. Kelangan mo rin iwasan yung mga bagay na nakakapag pastress sayo. As much as possible, avoid getting hurt.. emotionally. You have to exercise regularly, too.”

Avoid getting hurt? Parang imposible yun ah.. ngayon pa nga lang nasasaktan na ko eh, kahit walang na nanakit. Drinking rin mukhang hinde maiiwasan.. bahala na nga lang.

“Am I allowed to do sports?”

“Good question. Golf, casual swimming, power walking and dancing. That’s it.”

“Soccer?” I asked with excitement

“No. High-intensity sports are not allowed.” I pouted.

“I’ve always wanted to play soccer.. but my mom and dad forbids me.” I stated.

Gaya nga ng sabi ng doctor dito daw ako sa hospital matutulog. Oppa and Carlo went home to get some stuff. Oppa gave Carlo a ride back to the hospital since he’ll be the one staying with me here.

Ang weird ng feeling kasi si Carlo yung kasama ko ngayon. Mas bata siya sa akin pero siya pa yung nag aalaga sakin ngayon. And to think na may boyfriend ako, pero hinde siya yung kasama ko ngayon.

Tumawag si Lucas sa cellphone ni Kenji pero siyempre hinde ko siya pwede makausap dahil under observation pa ako. Instead, si Carlo yung kumausap sa kanya. Matagal tagal din silang nag usap ni Lucas. Mga 30 minutes ng nakalipas hinde pa rin pumapasok si Carlo. Nung nag open yung door nasa isip ko na si carlo yun and ready na kong sermonan siya, but.....

I saw Lucas’ face.

“Bawal daw ikaw makausap sa cellphone eh.. kaya pumunta ko para makausap ka ng harap-harapan.” Tapos nag smile siya.

“Buti ka pa tinawagan mo ako, pero yung ibang tao parang baliwala na lang ako sa buhay niya.” I said then I smiled.

Tss.. parang ang kapal ng mukha kong sabihin yun ah.. eh diba parang pinilit ko na lang siyang mag stay sa tabi ko? hinde naman siya pumayag actually.. pero parang gaun na rin un eh.. nag sstay na lang siya sa tabi ko kasi sabi ko mag stay siya. wow. Ako na tuloy yung lumalabas na kontrabida.

12 am na at nasa tapat ko pa rin si Lucas nakikipag daldalan. Hinde ko aakalain na si Lucas pa ang makakasama ko ngayon. Mas pinili ko na nga si Kenji kesa sa kanya pero in the end siya yung kasama ko. Why didn’t I fall for Lucas instead?

“Hinde ka ba napapagod? Sabihin mo lang kung pagod ka na. Uwi na lang ako para makapag pahinga ka na..”

He’s going to leave me? But I’m having fun with him beside me. Feeling ko wala akong problem pag siya kausap at kasama ko..

“Ka ji ma..” I smiled at him, “I.. umm.. I said don’t leave. Sleep here instead!”

Nagulat ata siya sa sinabi ko, “Sigurado ka ba?” I nodded. Why would I joke diba?

“Carlo’s sleeping na sa may sofa. You can sleep…there.” Tinuro ko yung pang isang tao na sofa. Man. Mukang hinde siya magiging comfortable sa position na yun ha. “Ay. You want to take the bed instead? I can sleep there na lang.”

“Sira ok lang. Matulog ka na.. babantayan kita hanggang sa makatulog ka.” i nodded at him with a smile on my face.

Tumayo siya then umupo siya sa dun sa sinasabi kong upuan na tutulugan niya. I closed my eyes then tried sleeping.


2 days after

Wednesday, December 13, 2006

Hinde na ako nakakareceive ng tawag or text from Kenji. 2 days na rin ang nakalipas simula nung na-hospitalize ako. lumabas na yung resulta nung mga test na tinake ko sa hospital. 2 days ko na rin tinatry tanggapin yung katotohanan.

“You just have to accept the fact that you are fragile Athena! You’re not alone.. remember that. No matter what happen, we’re here to support you.”

That’s what Oppa said. I’m fragile. Lahat sila sa bahay sobra yung pag aalaga nila sakin. Si Grace rin halos araw araw na rin binibisita ako, Lucas keeps on sending text messages, the three thugs know nothing.

“Did he call you already? You wanna go to his house? Come on! Let’s visit him!” hinila ako ni Grace papunta sa bahay nila Kenji.

Nasa may park pa lang kami nakita na namin sila ni Abi..

“What the f*ck is he doing with that b*tch??” I didn’t say anything.

Nakita namin silang dalawa. Sila talaga yun. Nakaupo si Kenji sa may bleachers tapos si Abi nakatayo. Nakita ko siya.. nakangiti.. tumatawa. Nagtatawanan silang dalawa… sabi ko naman sa kanya na mag stay lang siya sa tabi ko diba? sapat na yun sa akin eh.. pero bakit parang hinde niya kayang gawin? Hinde ba siya pwedeng mag pretend na kaya niya?

Hinila ako ni Grace papalapit sa kanila. Napatigil sila sa pag tawa nung nakita nila kami.

“Ano to?” sabi ni Grace. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanilang dalawa. “Kenji anong problema mo? bakit nagkakaganito ka na naman?? Hinde pa ba sapat yung ginawa niyang babaeng yan sayo?” napayuko si Abi sa sinabi ni Grace.

“Grace..”

“Ano?? Niloko ka na naman ba niyan? Nadala ka na naman ba sa mga kasinungalingan niya?? KENJI WAKE UP! Nakalimutan mo na ba yung ginawa niyang pag agaw niya kay Gino sakin??”

“Grace.. break na kami.. alam kong mali yung ginawa ko.. pero ok na.. hinde ko na kayo guguluhin ni Gino..” natawa si Grace sa sinabi ni Abi

“Kaya ba buhay ng ibang tao gusto mong guluhin ngayon? Pati EXCUSE ME! Hinde ako tumatanggap ng BASURA.”

Napatayo si Kenji sa sinabi ni Grace, napansin ko rin na nagiba yung facial expression ni Kenji. Naisip ako sa sinabi ni Grace kasi.. pinulot ko yung basura ni Abi nun eh..

“GRACE ANO BA! ISA PA PAPATULAN NA KITA!” nagulat ako nung sumigaw si Kenji. May mali bang ginawa si Grace? Wala naman eh. She’s just trying to protect her friend.

“Diba ikaw nagsabi na kung mahal mo talaga yung tao, hinde ka na mag hahanap pa ng iba.” She stated, “Bakit Kenji… hinde mo na ba mahal si Athena kaya ka bumalik kay Abigail?” sa pag sabi ni Grace nun.. naalala ko yung sinabi ni Kenji kay Grace

“…Kung mahal ka talaga nung lalaking yun hinde siya mag hahanap ng iba.”

Sumakit bigla yung chest ko, pero hinde ko na lang ipinahalata na may mali akong nararamdaman. Hinawakan ko yung kamay ni Grace kaya napatingin siya sa akin.

“Grace tama na.. let them be.” I looked at Kenji with a blank expression, “can we switch phones now?” I gave him his cellphone, he looked at it for awhile then took it.

“Hinde ko dala phone mo eh.”

“You can have it. i don’t need it anymore.” Nag twitch yung arm niya. “You gave it to me remember? So I’m giving it back. Or do whatever you want with it. it has nothing to do with me anymore. You can even keep the simcard. Nan sang gwan opsuh.” [I don’t care]

Tumalikod na ako sa kanilang tatlo. I felt the pain again. I just closed my eyes. ‘don’t cry Athena.’ I was shouting it in my head. “na ppeun nyuh suhk..” [bad guy]

“Pero Athena..” Grace said

“I told you, I don’t care anymore. Nan kal kou ya.” [I’m going]

I said leaving them there standing. Tinanggap ko na nga yung fact na fragile ako eh. kelangan ko pa rin bang tanggapin ngayon na wala na talaga..? Geuneun naegiboneul sanghageh haettda.. hajiman.. hajima... naneun ajikdoh Kenjiya saranghae.. [He hurt my feelings..; but; I still love Kenji]

Pagkauwi ko sa bahay dumeretso na ako sa kwarto ko tapos natulog. Of course I locked the door. Alam kong papasukin ako ni Grace dahil sa nangyari. Surprisingly nakatulog ako. nagising na lang ako ng mga 9 pm. at pag gising ko humarap kaagad ako sa monitor. I checked if he’s on. Well.. yes, he is on.

Athena ????: Sushi boy, can we talk?
I am Sushi: oks.
Athena ????: ako tatawag o ikaw?
I am Sushi: ako na lang. sa landline ba?
Athena ????: landline.

Narinig ko ng nagring yung phone, of course si Kenji yung ineexpect kong tatawag.. eto na yung time na kelangan sabihin ko na lahat ng nararamdaman ko, lahat ng kelangan niya malaman at lahat dapat sabihin. Pero pano ko sisimulan yung conversation? Ano ba dapat una kong sabihin? Ano ba dapat yung malaman niya? My heart’s palpitating.

Once I’ll hear his voice, I might cry.. What do I do?



ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento