Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [47]

Ilang araw na rin akong nandito sa hospital. Hinde pa raw kasi ako pupwedeng makalabas dahil mahina pa ang katawan ko. Siyempre hinde na nila ako pinagalitan dahil sa pag sosoccer ko. Hinde na daw yun ang issue ngayon.

Dahil one big happy family kami dahil umuwi ang aking daddy, yung presidential suit yung kinuha nila para sa akin. Para daw lahat sila nandun at malaki yung space para sa mga bibisita. Feeling ko nga nasa hotel ako at hinde sa hospital. Kung wala lang yung dextrose, hospital bed at kung anu-ano pang nasa gilid ng kamang to siguro papasa na tong hotel.

“December 23 na ngayon.. 24 na bukas.. sa isang isang araw naman 25 na. tapos next next month birthday ko na naman.. ang bilis ng araw noh?” tapos umupo si Carlo sa may gilid ng kama ko

“Yup. Time flies.” sabi ko kay Carlo

Time flies.. sa sobrang bilis ng panahon halos nakalimutan ko ng kakaiba ako sa normal na tao. Parang alien lang ah.

“Si Kuya Lucas umalis lang saglit. Babalik rin daw siya kaagad.” I nodded.

I miss Kenji. Kung mababalik ko lang yung time na nag away kami matagal ko na sanang ginawa. Pero sa ngayon.. kelangan ko na lang munang mag bear sa pain na naffeel ko.. hinde ako pwede pang makipag sabayan sa mga nangyayari. Hinde ko kayang pahirapan pa si Kenji.. ako na lang.. ok lang sakin kahit na ako yung mahirapan at masaktan.. wag lang siya.. kasi hinde ko kaya.

Kelangan hinde niya malaman yung sakit ko.. kasi pag nalaman niya.. baka mag tago lang ako sa kanya.

Ang tagal ko ng nakakulong dito . Hinde na ko nakakalanghap ng polusyon sa labas, at namimiss ko na yun. Pareparehong tao ang nakikita ko.. pero kahit papaano.. feeling ko safe ako. Parang kahit kelan ako atakihin feeling ko maliligtas ako..

Tumayo ako tapos tumayo rin si Carlo.

“San ka pupunta?? Ate sabi nung doctor bawal ka daw mapagod!”

“I just wanna go out for a bit.. I’m bored here..” binigyan ko siya ng isang sad face.

Napakamot sa batok si Carlo. “Aish. Fine!!”

Binatukan ko siya, “Ya. How many times do I have to tell you stop using the word aish!?”

Napakamot na naman siya pero ngayon ibang klase na kasi naka simangot na siya. Tss. Kung ayaw niyang mabatukan, sumunod siya.

Tumawag si Carlo sa Nurse’s station para magpadala ng wheelchair. Psh. Hinde naman ako pilay eh! Pero sa bagay.. ayoko rin naman mag lakad dito noh.  Nung dumating na yung wheelchair nagsmile sa akin si Ate Gina yung nurse na naka assign sa akin.

Sabi ko kay Carlo na maiwan na lang siya at kay Ate Gina na lang ako mag papasama. Pumayag naman si Ate Gina sa gusto ko at siyempre si Carlo wala ng magagawa.

Inikot ako Ate Gina dun sa hospital. Unang stop namin yung nursery. Sabi sakin nung nurse na araw araw daw may nanganganak sa hospital nila. Tinuro niya sa akin yung baby na kakapanganak pa lang. Si Baby Kristof…

“Alam mo ba ang bait niyan ni Kristof, nung nag lalabor yung mom niya hinde niya masyadong pinahirapan. Tapos bihira lang rin siyang umiyak. Tuwing bumibisita yung parents niya umiiyak yan bago sila makarating. Nagpapakitang gilas kasi alam niya na dadalawin siya.. Ang swerte talaga nung parents niya.”

“Swerte rin siya sa parents niya.. kasi dahil sa kanila nandito siya.” sabi ko habang nakatingin kay Kristof.

“Ay nako! Oo swerte talaga yan sa parents niya! Ang ganda ng lahi eh! Nagkataon pang unang anak.. nako.. spoiled yan for sure.” Nagsmile siya sa akin, “Alam mo pag nakikita ko sila ng mga kaibigan nila.. naaalala ko kayo ng mga kaibigan mo..”

Napatingin ako sa kanya, “Bakit naman?”

“Wala lang. Kasi parehong masaya yung room niyo pag ganun eh. Tara na. dun ka na lang sa may garden para maganda ganda yung view mo.”

Tumango tapos nag punta na kami sa may garden ng hospital.

Hinde ko mapigilang hinde tingnan yung babies sa nursery. Parang ang sarap kasi ng feeling pag may baby ka. Iba raw kasi pag may sarili ka ng family.. may sarili kang anak.. kaya napaisip ako.. Ako kaya..

Pwede pang magka baby?

Pagkadating namin sa may garden nakita ko yung mga batang ng lalaro.. bakit ganun noh, pag bata ka kahit na may sakit ka pa parang ang dali lang mawala nun. Nakakapag laro ka pa, nakakatawa, nakakapag saya.. pero pag tumanda ka na parang kahit ngumiti ka hinde mo na magawa.. kasi ang sakit sakit na masiyado.

“Ate, gusto ko sanang mag-isa.. ok lang ba?”

Nagsmile siya sa akin, “Oo naman. Alam ko naman na sawang sawa ka ng makita mukha ko eh. Puntahan mo na lang ako dun sa may nurse’s station pag gusto mo nang umakyat sa kwarto, ok?”

Nag nod ako at nag thank you sa kanya bago niya ako iwan.

“Kenji.. odiya? Bogoshipda” [where are you? i miss you]

“Bakit ba kasi kelangan mo pang mag sinungaling..?” Napatingin ako sa may left side ko. nakita ko si Abi nakasmile sa akin tapos naka suot ng hospital gown. I thought nakalabas na siya? “Gulat ka ba? Sinumpong na naman eh..”

Dahan dahan akong tumango, “How are you?”

“Eto ok lang naman.. ikaw? Teka.. ok lang ba kung dun tayo mag usap?” tinuro niya yung malapit na bench. Tumango ako tapos tinulungan niya akong itulak yung wheelchair ko malapit sa may bench. Umupo siya tapos nag smile sa akin. “Bakit ka nag sinungaling kay Kenji? Siya naman talaga yung gusto mo diba?”

Sasabihin ko ba sa kanya yung totoo? Sasabihin ko ba na para sa kanya yung ginawa ko? hinde ba parang ang bastos naman kung yun ung isaagot ko? I’ll make up an excuse again.

“Mahihirapan lang siya pag nagstay pa siya sa tabi ko. marami pa siyang hinde alam tungkol sa akin. Pati, kelangan mo siya.”

“Bakit siya mahihirapan? Dahil may sakit ka? Ikaw ba hinde mo siya kailangan?”

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya, “Alam mo..?”

Pano niya nalaman? Eh halos hinde nga namin ito pinaguusapan in public eh. Baka naman nag aassume lang ako? Baka naman sinasabi niya lang yun kasi nasa hospital ako ngayon..

Tumango siya, “sa may cr.. narinig ko kayong nag uusap ni Sara.. hinde ko naman sinasadyang making sa pinag uusapan niyo pero hinde ko napigilan. Nung time na yun gusto ko talagang agawin sayo si Kenji.. dahil alam mo yun.. may sakit din ako eh. Hinde ko lang masabi sa kanya noon kasi natatakot ako. pero nung nalaman kong may sakit ka rin tapos yung pag trato niya sayo kakaiba.. hinde ko mapigilang mainggit.”

“Kaya ba… naging kayo ulit?”

Kung dahil pala dun maaasar ako. Kasi alam naman pala niya, pero hinayaan niya ako masaktan.. Pero sila ni Lucas diba?? Bakit pa siya maiinggit kung si LUCAS na yung nasa tabi niya? Pati kung gusto niya talaga si Kenji.. bakit niya pa siya pinakawalan ulit? Tapos sisisihin ng parents niya na si Kenji may kasalanan kaya hinde siya nag papaopera? Mali naman ata yun.

“Saglit lang lang naging kami. Sabi niya sa akin..

‘Hinde na pwedeng maging tayo, dahil si Athena na talaga yung mahal ko. Gagawin ko lang yung gusto mo, sige magsstay ako sa tabi mo, pero hinde mo pwedeng sabihin sa akin na dapat kalimutan ko na siya.. na dapat mahalin kita ulit, na dapat ikaw lang. Kasi hinde ko kaya. Hinde na pwede’

Kaya ayun.. nasaktan ka niya. Pero hinde niya yun sinasadya.. mahal na mahal ka nung lalaking yun..” tumawa siya bigla, “memorize ko parin yung sinabi niya sa akin.. hinde ko kasi makalimutan eh.. alam mo ba kung kelan  niya yun sinabi?”

“Abi.. wag na natin siya pagusapan.. Tapos na rin naman ang lahat eh.”

“Ganun ba.. sorry.. akala ko kasi gusto mong malaman yung nangyari dati..” umiling ako.

Gusto ko malaman, pero ayoko rin. Siguro mas maganda kung hayaan ko na lang yung past mabura. Ayoko na kasing isipin pa si Kenji, ayoko na rin isipin na nasaktan ko siya, at nasaktan niya ako. mas makabubuti yun.

“So are you planning to take the operation now?”

Nag nod siya, “Alam mo kaya ayoko mag paopera noon kasi, naoperahan na ko dati. Siyempre akala ko dun na natatapos ang lahat. Biglang bumalik eh.. kumalat daw. So sabi nila kelangan ko daw ulit magpaopera. Nakakainis lang kasi, kung paopera ako ng paopera tapos sa dulo babalik lang rin.. edi para san pa yung pagpapaopera ko diba?”

“So.. hinde talaga si Kenji yung dahilan kung bakit ayaw mo magpaopera?”

Umiling siya, “NO. I got tired from it. Medications.. Operations.. Therapies.  Pero ngayon, I’m willing to do it again. Kahit mag chemo na ko gagawin ko na.”

Nag smile ako sa kanya. Nakita ko sa mukha niya na willing talaga siyang i-take ulit ung risk ng pagpapaopera. Sana pareho kami, pero hinde eh.

We talked about a lot of things. Yung mga gusto at ayaw namin, hobbies, movies, music, everything. And I must say, may similarities kami. Except nga lang sa attitude. She’s like the good girl gone bad type and I’m like the good girl forever. Haha.

I told her about my story, how my parents hid my disease from me. Yes, they kept it a secret. All my life akala ko ‘asthma’ lang yung nagpapahirap sa buhay ko, yun pala kaya napaka strict nila sa akin kasi mas malala pa sa asthma yung sakit ko.

Weird, I know. Yung day na yun.. sobrang hinde ko makalimutan.. paglabas ng room ni Lucas.. dun nasira yung dreams ko.

“Oppa.. wae geu rae??” I asked oppa. He looks I don’t know, bothered? [SangMin what’s wrong?]

“No ege malhejoolgeissuh.” [There’s something I have to tell you..]

“Geuraeyo? Oddun neyongindeyo?” [Oh, really? What is it about?]

Umiling siya tapos umupo sa may tabi ng kama ko, “Najoongeh.” [Later]

After ten minutes biglang pumasok ung parents ko kasama yung doctor.

“Athenaya.. we have something to tell you.. We should’ve told you about this long time ago but..” umma held my hand “we don’t want you to think that you’re different from other people that’s why we kept it from you.. you understand?”

Biglang tumulo yung luha niya. pati yung dad ko naiiyak na rin. Even oppa! What’s wrong with them?? “Oppa, Umma, Appa, musun iliyeyo?” [What’s wrong?]

Umiyak na bigla yung mom ko.

“Athena, listen carefully ok? You’ve been suffering from a disease of the myocardium...” Ano daw? Myo-what? No cure? Hinde na magagamot? Ano ba yung sakit na yun??

“I don’t.. understand. Am I sick? Huh? Appa! Am I sick??” i asked while looking at my dad

“Athena.. Nakuha mo yung sakit ng mom mo…” sabi ng dad ko sa akin.

“Athena, hcm.. has no cure. You just have to be strong.. and believe in yourself.”

Hinde ako makapaniwala.. tinago nila sa akin yung sakit ko ng ganun katagal.. pano nila nagawa sakin to? Pano pag bigla na lang akong namatay..?

“Am I going to die, too? Appa.. na jookkuh? Unjeh?” [am I dying? When?]

Nagiyakan kami dun sa room ko. Of course ang ending nung time na yun? Kelangan ko na lang tanggapin lahat. Wala na rin naman kasi akong magagawa eh.. ganun lang daw talaga ang buhay.. gagawin daw nila lahat para lang daw gumaling ako. Hinde ko naman sila masisise eh.. kasi kung matagal ko ng alam na may sakit ako.. siguro, hinde ako masyadong nakipag socialize sa ibang tao.

Nung nalaman ni Abi yung tungkol dun nagulat siya. kasi ibig sabihin daw parang halos sabay lang namin na may sakit ako. yun nga lang daw, mas nauna kong nalaman.

“Ano daw treatment sa sakit mo? May gamot ba para maayos na yung muscle sa heart mo?”

I shook my head, “There’s no cure. Medicines lang to prevent the symptoms, operation pag lumala na. And I’m getting there.”

“Walang… cure?” I shook my head again, “Umiinom ka naman ng gamot mo diba?”

“Oo naman. I don’t want to disappoint them.”

Natahimik kaming dalawa. Wala na kasi kaming mapagusapan. Isa pa, ang awkward kasi ng situation. Ex niya naging boyfriend ko, tapos nagging sila ulit tapos nagging kami ulit tapos ANG GULO.

“Athena.. alam kong meron parin gap satin ngayon kahit gaano tayo katagal nagusap.. pero pero sana kahit papaano nabawasan yung gap na yun.” Nag smile sa akin si Abi.

Yung pagtingin ko sa mata niya, napansin kong sincere siya sa sinasabi niya. parang walang halong sarcasm. Hinde ko alam kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko kay Abi ngayon na nag kausap kami. Bigla na lang nawala yung inis at asar ko sa kanya noon. Siguro kasi nadala lang ako sa kwento ni Kenji nun, siguro masyado akong nag judge base dun sa nakita ko and never heard her side.

“Sorry Abi..” unti unting nawala yung smile niya, “I misjudged you. You aren’t that bad naman pala.”

Nag smile siya ulit, “Ikaw rin eh, masyado kong minaliit yung kakayahan mo. Tama nga si Lucas. Mabait ka nga. ”

“Lucas?”

“Nakausap ko siya kanina, dinalaw niya ako.. tapos nakwento niya lahat sa akin.. ayun, akala niya ganun yung nangyari, siyempre inexplain ko yung totoo. Tapos na pag kwentuhan ka namin.” I nodded slowly, “sorry.. sorry talaga kung pati ikaw nasasaktan ng dahil sa akin.. Wag kang magalala ieexplain ko kay Kenji. Nag text na rin naman siya eh. Sasabihin ko lahat sa kanya..”

Nag smile ako sa kanya, “Wag na. Ok lang yun. Malalaman naman niya yun eventually eh. Basta ang mahalaga mag pagamot ka na lang ok na yun bilang kapalit nung sacrifice ko.”

Pag nalaman pa kasi ni Kenji ang totoo, baka mas masaktan siya. At Baka mas itulak ko siya papalayo sa akin.. baka pagtaguan ko pa siya.

“Oo, sana ikaw rin. Kung kinakailangan magpaopera ka or heart transplant sana pumayag ka.” Hinawakan niya yung kamay ko, “Alam kong ang awkward para maging magkaibigan tayo ngayon.. pero sana.. kahit papaano pwede tayong mag batian pag nagkakasalubong tayo. At sana sa next life time natin.. pwede na tayong maging magkaibigan.”

Hinawakan ko yun yung kamay niya tapos nag smile at nag nod.

Tinulungan niya akong makabalik sa loob ng hospital tapos nag wave na kami sa isa’t isa. Papunta na ako sa may nurse’s station para puntahan si Ate Gina pero nag stop muna ako sa may lobby ng hospital para tumingin ulit sa may labas. Maya maya may bigla na lang tumabi sa akin

Ayoko na muna sanang tingnan kung sino yung taong yun pero hinde ko mapigilan dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

“Paano mo nalaman?” tanong ko sa kanya.

Hinde pa nakakalpas ang 1 hour, malamang hinde pa nakukwento ni Abi sa kanya unless sinabi ni Abi kung nasaan ako which is ang weird, kasi hinde naman niya alam yung room ko, and malay niya ba kung nasaan na ako.

“Nakita lang kita. Bakit andito ka?” ang cold ng pagka tanong niya sa akin

“Ha.. may sa..-”

“Oo nga pala. May sakit ka. Pwede ka nga palang mamatay anytime. Teka, bakit buhay ka pa?”

Hinde niya pa nga alam. Tumingin na lang ako sa kabilang side para hinde na niya mapansin na naiirita na ko. “Wag kang mag alala. You wont see me again.. ever.”

Tapos umalis na ko.

Yun naman ang gusto niyang marinig sa akin diba? Gusto niya akong mamatay. Gusto niya akong mawala sa paningin niya. I don’t have to die dahil lang sa gusto niya. hinde na lang ako mag papakita sa kanya. Hinde na talaga ako magpapakita pa sa kanya. Kahit alam kong hinde niyasinasadyang sabihin sa akin yun..

Dinala na ako ni Ate Gina sa room ko. pag kita ko andun na si Lucas, Jigs at Kirby. Tinanong nila ako kung saan ako galing at kung bakit daw ang tagal ko. sinabi ko na lang sa kanila yung totoo, na kasama ko si Abi.

Umalis yung tatlo kaya naiwan na naman ako kay Carlo. Si Grace at Sara nasa mall daw. Nag shoshopping. Wow. Shopping shopping na lang sila samantalang ako, stuck sa hospital. They’re buying Christmas gifts while I don’t get to buy things for them! How sad.

Matagal tagal rin nakabalik sila Jigs Kirby at Lucas. Hinde lumalapit sa akin si Lucas kaya parang maynaffeel akong mali. Si Jigs naman tahimik kaya medyo nakakapanibago. Hinde naman pwedeng maging epekto yung ng pag dodoctor niya noh!

“Bakit ang pangit ng atmosphere ngayon!! Parang.. may mali! Ya! Speak up!!!”

Sumimangot bigla si Kirby, “kanina pa ko nag sasalita dito!!! Hinde mo ko pinapansin!! Ano ba!! Bakit ang sama mo na sa akin?? Dati close tayo ha??”

“Mysterious ka kasi dati eh!! Pero parang naging Jigs ka bigla! Si Jigs naman feeling mysterious ngayon! Ano bang nangyari sa inyo ngayon??”

“Cool kasi kami ni Lucas kaya kami tahimik.” Tapos nag high-five sila ni Lucas

“P0ta. Parang sinabi mong hinde ako cool kasi madaldal ako ngayon!?”

“Parang ganun na nga babes.” Tapos tumawa kami.

Lumapit na rin sa wakas sa akin si Lucas, “Matatapos na rin paghihirap mo ngayon.. hinde mo na kelangan pang malungkot.. kasi kung magiging malungkot ka..”

“Ano...?” sabay sabay naming sinabi nila Jigs, Carlo at Kirby

“Hinde na kita papakawalan pa. Aangkinin na kita. Ako ang magaalaga sayo.”

------------------------------------------


Christmas Eve na.. Nandito pa rin ako sa hospital. Siyempre kumpleto kaming pamilya. Si Sara pati yung family niya nandito rin. Kahit na nasa hospital ako mag chichirtmas eve Masaya parin ako. dahil hinde nila ako iniwan. Si Lucas nandito rin sa tabi ko. Bakit ba kasi hinde na lang siya yung pinili ko..?

Hinde pa naman huli ang lahat diba?

“Masaya ka ba?” nag nod ako, “Ako rin eh. Ang weird ng feeling kasi nasa ospital tayo, pero ok lang. Masaya pa rin.”

Niyakap ko si Lucas, “Thank you.. for everything.”

Naramdaman ko yung kamay niya sa may likuran ko, “Sabi ko naman sayo eh.. aalagaan kita..”

“Pano ba yan.. wala ng magkakagusto sa akin kasi mahina ako..”

“Pag wala ng nagkagusto sayo, ako, tatanggapin parin kita. Ok?” nag nod ako. ang sarap ng feeling kasi alam kong kahit anong mangyari, nasa tabi ko si Lucas at hinde niya ako iiwan.

Maya maya nag ring yung phone. Dahil ako yung malapit sa phone ako na yung sumagot.

“Hello?”
“Athena..”

Pamilyar yung boses na yun.. biglang bumilis yung tibok ng puso ko.


“Kenji..?”

“Alam ko na ang lahat..”

“Anong ibig mong sabihin..?”

“alam ko na.. alam ko na.. alam ko na..” tapos narinig ko na nagssniff siya. tapos parang pinipigilan niyang umiyak.

Alam na niya..?




ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento