Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [45-46]






Tatlong araw ng nasa ospital si Abi, si Kenji hinahati yung oras niya sa akin at ang pag bisita niya dun. Nagpapaalam naman siya sa akin na dadalaw muna siya dun bago siya umuwi. Hinde naman ako pupwedeng maging madamot dahil yun lang naman yung hinihiling niya.

Medyo nakakaselos.. pero ewan ko.. parang ayoko na lang ipahalata. Wala naman siyang pinapakitang sign like what he did last year. Para parin siyang si Kenji.. pero parang ang weird lang para sa akin kasi may past silang dalawa.. tapos yung nangyari dati pa. Alam kong nahihirapan at napapagod siya araw araw dahil kasama ko siya maghapon tapos bago siya umuwi dadaan siya sa hospital. Kahit hinde niya sabihin sa akin, alam kong napapagod na siya..

“Lucas, napuntahan mo na ba si Abi sa hospital?”

Binaba ni Lucas yung binabasa niyang libro tapos tumingin sa akin, “Hinde pa. Bakit? Tsaka na ko bibisita pag palabas na siya. Nakakatamad eh.”

“Ah ganun ba…” sabi ko habang naka tingin sa cellphone ko.

Ayan na naman yung pa-cool niyang sagot. Lagi na nga siyang nag babasa ng libro tapos ang sama pa lagi nung reply niya. parang ang laki ng pinag bago niya simula nung grumaduate kami. Tsk tsk. Yan ang tinatawag na ‘nagbibinata’.

“Bakit? May problema na naman ba kayong dalawa? Alam mo kung gusto mo siyang hawakan sa leeg ngayon at hinde na siya mag punta pa sa iba, sabihin mo sa kanya yung sakit mo. Pero dalawa ang pupwedeng mangyari dyan eh. It’s either mag sstay siya, or iiwan ka niya.”

Napaisip na naman ako sa sinabi niya. Bakit ba lagi na lang may point yung mga sinasabi niya? Kelangan bang lagi na lang akong mapaisip tuwing seryoso kaming naguusap?

“Wala naman kaming problema.. siguro ako lang yung nag iisip. Bakit naman ganun.. hinde ba pwedeng mag stay na lang muna siya kahit sandali lang? Bakit kelangan may isa pang option? That’s so mean.”

“Alam mo Athena, karamihan sa mga lalaki ayaw ng mabibigat na responsibility. Tingnan mo, diba maraming single nanay? Kasi yung mga lalaki alam nila na once na mag stay sila sa relationship na yun, malaki na yung responsibilidad nila. Mababawasan na yung masasayang araw nila. Yung ibang nag sstay, pero eventually.. nagsasawa na.” ngumiti si Lucas, “Malalaman mo na lang kung dedicated sayo yung tao pag alam niyang walang wala ka na. Yung tipong, galit na sayo yung buong mundo pero nasasatabi mo parin siya. Hinde ko alam ha. Pwedeng mali ako, pero pwede rin akong maging tama.”

Natulala ako sa sinabi ni Lucas, hinde ko na mas lalalong alam kung ano yung gagawin ko. Hinde ko alam kung tama pa ba yung mga gagawin ko.. pero gusto ko siyang tanungin. Gusto ko malaman..

“Ikaw ba.. ngayong alam mong may sakit ako.. is it still possible for you to continue.. loving me?” napaisip ako sa sinabi ko. Parang mali yung tanong ko sa kanya, parang iba yung datingnung tanong ko, “I mean, Is it still possible for you to you know.. like me?”

Lucas looked straight to my eyes. Yung pag tingin niya sa akin makikita mo yung sincerity at puno ng unsaid feelings.. ok I’m just assuming. Feeling ako eh.

“Yeah, it’s possible. And.. It didn’t change..” he smiled, “at all.”

I smiled back at him. At least alam kong meron pang tumatanggap sa akin kahit na iwanan ako ni Kenji. I will not use Lucas, of course. Alam ko lang na may matatakbuhan na ako kahit tumalikod sa akin yung pinaka importanteng lalaki sa buhay ko. Cheesy.

After ng class namin ni Lucas dumeretso na kami sa bahay nila Kirby. Nandun na silang lahat, kami na lang pala iniintay nila. Si Kenji siyempre sinalubong ako ng MALAKING hug. Hinde naman pupuwedeng hug lang yung salubong niya, may kiss din yun. Oo, aminado akong kinikilig pa rin ako pag ginagawa niya yun. At sa tuwing ginagawa niya yung sa tapat nila, puro asar naman abot ko. Pero ngayon, parang ang hassle lang kasi sa napagusapan naming ni Lucas. Medyo nakokonsensya ako..

“Ya! If you try to hurt her I again, I swear I’m gonna kill you!” sabi ni Sara kay Kenji

“Bakit ba lagi mo yang sinasabi sakin!! Alam mo bang binabaliwala na niya ako ngayon??” binitawan ni Kenji yung kamay ko tapos yumuko, “na bawasan ata sex appeal ko sa paningin ni Athena eh.. nawala na interes niya sa akin..”

Tumingin siya sa akin tapos yumuko ulit. Huminga pa siya ng malalim! Ano ba yan!! Nag ddrama na naman siya! Hinde naman ako nag drama ng ganun dati ha!

“Well, you can’t blame her. Oh yeah, you cheated on her, REMEMBER??” Sara grinned.

“Ouch. YOWN OH! Alam mo babes, kung ako ikaw, hinde ko na lang papansinin yung pinagsasasabi ni Sara. Kanina pa siya ganyan sa condo namin! Kahit itanong mo pa kay Grace!!”

Nasa iisang condominium sila Sara, Gace at Jigs. Kela Jigs talaga yun pero siyempre, ayaw maghiwalay nung dalawang lovies. And hinde naman pupwedeng silang silang dalawa lang nandun kaya si Grace dun na rin nagsstay. Uuwi silang tatlo sa bf pag feel nila. Parang every other day silang umuuwi eh. My god. Nag condo pa sila!

Si Sara lagi akong tinatawagan. Gabi-gabi, oras-oras minuminuto, chinecheck niya ako. Hinde lang siguro siyang sanay na magkalayo kaming dalawa. Buong buhay kasi naming dalawa magkasama kami. Inseparable eh. Mass Communication tinatake niya.

“Hinde niyo masisisi si Sara. Pabayaan mo na lang Kenj.” Sabay tap niya sa balikat ni Kenji tapos kiniss niya sko sa cheek. “Hi sis.”

Grace, my sister-in-law to be. Parang si Sara rin yan! Lagi akong i-tetext at tatawagan! Mayayaman sa load eh. Kung hinde niya ako macocontact, she’ll call oppa’s phone! Kaya nga nagugulat sa akin yung kapatid ko bakit daw ako yung laging hinahanap at hinde siya. I’m special like that. I think may plan na rin silang mag pakasal. Pero pano kaya yun? Eh hinde pa nga nag seserve sa military si brother dear. Uh-oh. Mapipilitan tuloy siya. heeehee! Entrep course niya.

Of course, wala na akong masasabi pa kay babes. Nagawa niyang pagtiisan yung pagiging moody ni Sara. Kahit na madalas silang mag talo kelangan hinde matapos yung araw na hinde nila napaguusapan yung kelangan ayusin. BS Bio course niya, oo, gusto niyang maging Doctor Bala.

“Oo alam ko! Sanay na ko dyan sa babaeng yan. Isipin niyo walang buwang dumaan na hinde niya ako sinabihan nun!”

Biglang sumulpot si Kirby galing sa isang kwarto. Umupo na kami ni Kenji pagtapos ng batian nila.

“Pero paps, sa totoo lang nakakagulat at kayo paring dalawa eh. Isipin niyo last year parang.. teka..” napatingin sa akin si Kirby, “gaano nga ba kayo katagal dati ni Kenji??”

“100 days.”

“100 days, yes. 100 days lang kayong dalawa, pero ngayon nalagpasan niyo na yung 100 days na yun.” Umupo siya sa may bakanteng sofa. At biglang lumabas si Mary sa pintuang nilabasan rin ni Kirby.

HULI! Haha. Matagal-tagal na rin nagddate si Mary at Kirby. Ewan ko ha, pero knowing Kirby, mukhang seryoso talaga siya kay Mary. Princess talaga yung pag-treat niya sa kanya. Higher batch samin si Mary pero mag ka-age lang sila ni Kirby. May grade 8 kasi sa school namin dati kaya ganun. Sa school ni Mary wala. Ewan ko ba dun sa apat na yan, bakit late nagaral!

Anyway, back to Kirby. Schoolmates silang dalawa ni Mary. Marketing yung course niya, Tourism naman si Mary.

“Lul. Yung 100 days na yun, magiging 1000, tapos magiging 10000, tapos magiging 100000 days. Hanggang sa hinde na namin mabilang pa yung dumadaang araw sa buhay naming dalawa.” Napangiti siya bigla kay Kirby nung umupo sa tabi niya si Mary, “Paps, baka naman hinde ka pa tumatapak sa 2nd year college maging literal PAPS ka na niyan.”

Nagtawanan kaming lahat sa hinirit ni Kenji.

“Aba! Pag nangyari yun edi napatunayan ko ng wala akong diperensya! Pati pabor na rin si Mary dun kasi maganda lahi namin, pag lalaki yun edi magiging katulad niya yung ng daddy niyang matangkad at magaling mag basketball siyempre GWAPO pa, pag babae naman edi mas swerte kasi magiging model siya sa tangkad at maganda siya dahil mana siya sa daddy niya!” napatingin siya kay Mary tapos nagsmile, “sige na nga, pareho na tayong maganda ang lahi.”

Hinampas ni Mary si Kirby sa may braso tapos biglang nag tago sa unan. Para talaga silang bata. Lalo naman tong si Kirby! Nahawa ata kay Jigs at Carlo. Pero ang cute nila tingnan pag awkward na yung situation, parang hinde mo malaman kung nahihiya ba talaga sila o kinikilig eh.

“O nga pala si Carlo nasan? Tagal ko ng hinde nakikita yung batang yun ha..”

“Nasa bahay nag aaral. Sabi kasi ni kuya Nate pag daw mataas yung grades niya bibilhan siya ng bagong cellphone. Kaya ayun, nag sipag siya.”

Dumating yung mom ni Kirby na may dalang pagkain para sa amin. Habang umiinom sila hinde ko mapigilan yung sarili kong higpitan yung paghawak sa kamay ni Kenji. Feeling ko kasi ang sama-sama ko dahil may tinatago akong secret sa kanya.

Bawat  hug niya sa akin lagi niyang binubulong yung ‘i love you’ sa akin. Bawat bulong niyang yun.. parang lalo akong nahihirapan sabihin. Ayoko siyang masaktan.. pero bakit ganun, parang mas ayokong masaktan yung sarili ko..?

“Athena.. pupunta na ko sa hospital.. ok lang naman diba?” nag nod ako tapos nag smile sa kanya. Tumayo siya tapos nag paalam na siya sa kanila.

Ok nga lang ba talaga sa akin?

Tumayo si Lucas tapos tumabi sa akin. Nilapit niya yung mukha niya sa may tenga ko, “Sabihin mo na sa kanya.. kung iniisip mong iiwanan ka niya.. ewan ko na lang sayo. hinde mo pa ba nahahalatang mahal na mahal ka niya? habang maaga pa, sabihin mo na.. kasi pag tumagal pa yan.. baka mas lalong masakit..”

Napatayo ako sa kinauupuan ko tapos tumakbo palabas ng living room. Nung nakala as na ako bigla ko na lang nakitang umandar yung kotse ni Kenji. Hinde ko siya pwedeng habulin dahil makakasama sa akin.

Bumalik ako sa loob tapos nagsmile sa kanila, “Hinde ko naabutan eh..”

“Nag-away ba kayo?”

Umiling ako, “Hinde, may kelangan lang akong sabihin sa kanya.. sobrang importante lang..”

“Tara sundan na natin siya.” tumayo si Lucas tapos hinila na ako papalabas.

Dinala niya ako sa hospital kung saan naka-confine si Abigail. Hinde ba parang ang kapal ng mukha ko dahil haharap pa ko sa kanya? Hinde ko naman pupwede pang patagalin pa to..

Eto na. nasa tapat na ko ng kwarto niya pero bakit parang nawawala na yung lakas ng loob ko? Parang takot na naman yung nararamdaman ko.

Binuksan ni Lucas yung pintuan ng dahan dahan. Tiningnan niya kung sino yung tao dun sa loob ng kwarto. Tinulak ko siya sa may gilid para makita ko yung pangyayari.

Nakita ko si Kenji nakaupo sa may gilid ng kama ni Abi. Hawak nya yung kamay nito. Alam ko naman na dapat hinde ako magselos pero bakit parang nasasaktan ako? Dapat maniwala ako sa kanya.. wala lang to.

Pero naiisip ko pa lang na ilang araw na niya to ginagawa nagagalit na ko. Alam kong mali pero hinde ko mapigilan. Kitang kita sa mata ni Kenji na nag-aaalala siya

“Nandito pa kaya mga kaklase ni Athena? Dapat kasi ako na lang yung bumili ng gamot eh..”

Hinila ako ni Lucas palayo sa may kwarto, “Dad at kuya ni Abi. Pinsan niya.”

Athena pala tawag sa kanya sa kanila. Kaya pala nung naka IM ko siya, Athena tinawag niya sa akin.. wow.. coincidence nga naman.

“Nakabukas yung pinutan, may tao pa kaya?” napatingin kami ni Lucas sa kanila. Binuksan nung pinsan ni Abi yung pintuan tapos nagmadaling pumasok, “NANDITO KA NA NAMAN?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag ka ng magpapakita pa sa amin?!?!”

Nagmadali kaming tumakbo ni Lucas sa may dulo ng hallway tapos nagtago sa may gilig. Nakita namin na hawak hawak ng pinsan ni Abi si Kenji sa may tapat ng kwarto. Tahimik lang si Kenji. Hinde siya umiimik sa mga sinasabi ng pinsan niya at kahit na pinagtututulak siya ng pinsan ni Abi.

“Hinde ka ba talaga marunong umintindi?! Ha?!? Ayaw niyang magpagamot ng dahil sayo!!! Dahil sa ginawa mong kawalang hiyaan sa kanya!!” tapos sinampal niya si Kenji

Nagsilipan yung mga ibang pasyente sa eksenang ginagawa nung lalaki. Kahit yung mga nurse nanonood narin.

Lumuhod bigla si Kenji, “Sorry…”

“Ilang beses mo na yang sinabi!! May magagawa pa ba yang sorry mo?! Wala ka na ba talagang iba pang sasabihin?”

“Nagkamali ako.. Sorry.. pero.. hinde na talaga ako pwede pang bumalik sa kanya..”

“Ang kapal talaga ng mukha mo!” tapos sinuntok niya si Kenji, “kulang pa yan eh!! Alam mo sana ikaw na lang yung may sakit para hinde si Athena yung nahihirapan!”

Napatakip ako ng bibig tapos naiyak. Kenji.. kung nahihirapan ka na sabihin mo lang sa akin.. ako ba dahilan kung bakit ikaw yung nasasaktan ngayon?

“Alam ko iniisip mo.. wag ka ng lumapit.. mas lalong magkakagulo..”

Nagnod lang ako. Nakatakip parin ako sa bibig ko at umiiyak. Wala akong magawa. Gusto ko siyang sabayan sa pagluhod niya pero baka lalong magkagulo. Hinde ko alam pupwede kong gawin. Nasasaktan ako dahil sa nakikita ko, pero mas nasasaktan siya sa nangyayayari.

Pumasok sa loob ng kwarto yung pinsan ni Abi tapos lumabas yung dad niya. nilapitan niya si Kenji tapos napailing

“Kenji umuwi ka nalang. Sinabi naman namin sayo ng mama ni Athena na wag ka na munang bumisita diba? Mainit pa ulo sayo ni Anthony. Alam mo naman na kapatid ang turin ni Anthony kay Abi kaya siya nag kakaganyan diba? Kaya mas makakabuti kung wag ka na muna bumisita..” sabi naman nung dad ni Abi.

“Sorry po talaga..” sabi ni Kenji habang naka luhod at nakayuko.

“Sige.. umuwi ka na..” tapos pumasok na siya sa loob ng kwarto.

Hinde parin tumatayo si Kenji sa pagkaluhod niya. Umiiyak siya.. Si Kenji.. umiiyak. Hinawakan ni Lucas yung balikat ko tapos inalalayan niya ako sa paglalakad. Sabi niya sa akin na mas mabuti pa raw na hinde kami makita ni Kenji para daw hinde siya mapahiya sa amin. Hinatid niya ako hanggang bahay.

Hinde parin ako makapaniwala na ganun yung nangyayari kay Kenji sa ospital. Puro masasakit na salita ang inaabot niya. Ngayon nasaktan pa siya nung pinsan. Ginagawa naman niya lahat ng makakaya niya para lang mapatawad siya pero para sa kanila hinde iyon sapat..

Lumuhod siya. pangalawang beses ko siyang lumuhod para lang mag sorry at magmakaawa.. pero iba na yung ngayon.. pag sinabi ko pa sa kanya yung sitwasyon ko baka hinde na niya makayanan pa..

Ano na ang gagawin ko? Hinde ko na talaga alam yung dapat kong gawin. Parang habang tumatagal pasakit ng pasakit, pahirap ng pahirap.. tumitindi lalo yung laban.. kelangan maging malakas ako para sa aming dalawa. Hinde kaya ni Kenji yung nangyayari kaya kelangan kayanin ko to para sa amin.

Pero bakit hinde ako confident? Gusto ko na lang sumuko.. gusto ko ng bumitaw..

--------------------------------


“Athena? Ano ba.. dalawang araw na tayong hinde nag kikita.. hinde mo pa ako kinakausap.. ano ba.. may problema ba?”
“Wala.. gusto ko lang magconcentrate muna sa school.”
“Kaya ba wala ka ng time sa akin? Pupuntahan kita dyan ngayon.”

He ended the call.

“Athena, tell me honestly, do you still love Kenji?” I nodded. “Then why the heck are you avoiding him?? This is so not you.”

“Ah mol la mol la.” [I don’t know I don’t know.]

“Tell Kenji to see me before he goes ok? Nakela Jigs lang ako.” Lumabas na si Sara at pumunta na kela Jigs. Wala kasing pasok kaya nandito. Pffft.

Maya maya narinig ko na si Kenji. Lumabas ako at sinalubong siya sa may gate. Niyaya ko na lang siya mag lakad lakad dahil hinde kami pupwedeng magstay sa bahay at nandun si Carlo, Kuya Nate at Mom.

Hinde ako nagsasalita dahil natatakot ako sa mga pwede kong masabi. Siya rin hinde nagsasalita. Alam kong may gusto siyang itanong pero ayaw niya lang magsalita.

Siya na yung unang nagsalita, “galit ka ba sa akin?” huminto siya sa pag lalakad tapos humarap sa akin.

Nakita ko yung pasa niya sa labi. Tinakpan niya to ng kamay niya tapos nag smile siya. “Wala lang to. Na sobrahan yung pag lalaro namin nung blockmate ko kaya ayun napalakas.”

Hinawakan ko yung kamay niya tapos tinanggal yung pagtakip niya sa sugat. Binitawan ko yung kamay niya tapos hinawakan ko yung mukha niya. Nakita kong may pasa pa siya sa may kabilang pisngi kaya hinawakan ko rin yung part na yun.

Nasuntok na naman siya.. ano bang mali sa ginawa ni Kenji? Hinde ko maintindihan kung bakit ganun na lang yung galit nila..

“Masakit pa ba?”

“Hinde masyado.. Ano ka ba, ok lang ako.” Hinawakan ko yung mukha niya then I kissed his wounds. I hugged him. “Athena.. bakit? Sabi ko naman na ok lang ako eh..”

“Nahihirapan ka na siguro.. sorry..”

“Kaya ko pa..”

Pumunta kami sa bahay niya tapos nag laro kami ng Xbox. Gusto niya rin na dun ako matulog dahil daw hinde raw kasi ako nagpakita ng dalawang araw! Halos daw mamatay siya dahil na-mimiss niya ako.

Kenji.. pano na lang pag matagal akong nawala.. kelangan kayanin mo..

Habang kumakain kami ng dinner narinig namin na may nag doorbell. Tumayo si Kenji tapos lumabas para tingnan kung sini yung nagdoorbell. Tumayo ako para sumilip sa may pintuan. Nakita ko si Kenji nakatayo sa may gate tapos may middle aged na babae sa tapat niya

“Kenji.. nag mamakaawa ako sayo..” lumuhod bigla yung babae sa tapat ni Kenji, “wag mo ng iwanan yung anak ko.. ayaw niya talaga magpaopera… ikaw lang makakapilit sa kanya.. please… Kenji. Nag mamakaawa ako sayo.. Iligtas mo si Athena..”

Hinde na naman ako makagalaw sa kinakatayuan ko.. mom na ni Abi yung lumuluhod.. ayoko ng mahirapan pa si Kenji.. ayoko na siya masaktan pa ng dahil lang sa akin..


Chapter FORTY SIX

Bumalik ako sa may dining room at tinuloy ko yung pagkain ko. Medyo natagalan sa pagbalik si Kenji. Naiintindihan ko naman kung bakit eh. .pero ang hinde ko maintindihan ay kung ano na ang dapat kong gawin…  Ayoko siyang i-give up.. pero alam kong nahihirapan na siya.. Kaya siguro.. kelangan ko siyang i-give up.. I have to.. I must give up.

After 10 minutes bumalik na si Kenji. Nakayuko siya as he entered. Nung nakita niya ako nag smile siya.. but it was a weak smile.

“Ok lang ba kung mauna na ako sa kwarto? Iwan mo na lang yung mga plato dyan.. Sunod ka na lang sa kwarto ko pag tapos ka na kumain, ok?”

“Sige. Huhugasan ko na lang yung mga pinag kainan natin tapos susunod na ko sa loob.” Tapos nag smile ako sa kanya

Tumango siya tapos dumiretso na sa kwarto niya.

Dinala ko yung mga pinag kainan namin sa may kitchen para hugasan na to. Pagtapos ko mag hugas pumunta muna ako saglit sa may living room para mag-isip.

“We can still be friends right? I can still love him and he can, too.” Sigh. “the only thing is… we’re not committed. There’s no commitment.”

Think Athena, think.

Can I live without the happiness? Can I live with that sadness?

I’m willing to sacrifice my happiness, my love, myself.. for the sake of Kenji.. the man that I love most. Kahit alam kong magagalit siya sa gagawin ko, I’d still do it. Kung kami, kami.

Kumuha ako ng paper and pen. May sinulat ako sa paper then tumayo na ako tapos umalis na ng bahay ni Kenji.

Nung nasa may park na ako, kinuha ko yung cellphone ko sa pocket ko tapos dinial yung number ni Kenji.

Napag desisyonan ko na. Love is sacrifice, right?

“Manura~ odinya?” naiiyak na ko.. mianhae nampyun… [wifey.. where are you?; I’m sorry hubby..]
“Bakit gising ka pa?”
“Iniintay kita pumasok..” tinakpan ko yung bibig ko. Naiyak na ko bigla. Ang tagal ko bago magsalita. Pinipigilan ko yung pag iyak ko. Ayokong marinig niya to.
“Sira ka talaga.. matulog ka na.”
“Nasan ka ba?”
“Nasa kabilang kwarto. Natatakot ako baka kasi rapin mo ko eh.” Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto
“Wala ka naman sa kabilang kwarto eh. Nasan ka ba talaga?”
“Nasa likod mo.”
“Ako ba pinag lololoko mo?! Ano ba.. asan ka nga?”
“Joke lang. Nasa may likod.” Nakarinig na naman ako ng pag bukas ng pintuan
“Athena nasan ka nga? Seryoso.. magpakita ka na sakin.. kelangan kita ngayon..”
“Pumasok ka na lang sa kwarto. Susunod na lang ako..”
“Umiiyak ka ba?”
“Sinisipon lang. Malamig kasi sa labas eh. Umaambon..” napatakip ulit ako ng bibig ko. Nasabi kong nasalabas ako ng bahay.
“Nasa labas ka ba? Teka puntahan kita dyan.”
“Apasuh.. jookulguht gatneyo.” [it hurts so bad, it’s like im dying..]
“Ano ba pinagsasabi mo? Hinde kita maintindihan..”
“Sorry..”
“Ano to…. I love someone else and I wanna be with him. Sorry.” Mahina niyang sinabi, “Ikaw ba nagsulat nito?? Hinde diba?”
“Ako..”
“Hinde. Imposible. Asan ka ba? Dyan ka lang. Haanapin kita ok? Intayin mo ko!”

Binabaan na niya ako.

“Wag mo na akong hanapin.. mas makakabuti sayo yun..”

Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin nakita ko si Lucas naka upo sa may gutter at may hawak na payong. Nung nakita niya ako napatayo siya. Hinde ko na napigilan yung sarili ko. Umiyak ako at niyakap ko si Lucas.

“Hinde kasi ako mapakali kaya pumunta ako dito.. tahan na..”

“Mianhae.. mianhaeyo.. mianhae Kenjiya..” niyakap ko ng mahigpit si Lucas, “Kenjiya.. saranghae..” [I’m sorry Kenji; I love you Kenji]

“Alam ko.. alam ko.. tama na..” naramdaman kong dahan dahang tinatanggal ni Lucas yung pagkayakap niya sa akin, “Athena.. si Kenji..”

Unti unti akong bumitaw at tumingin sa likuran ko. Nakita ko si Kenji naka tayo nakatingin siya sa amin ni Lucas, hinihingal. Hawak niya yung papel na may sulat ko pati yung cellphone niya. wala siyang suot na slippers.

Tinuro niya si Lucas, “Siya ba?” hinde ako sumagot, “ATHENA SIYA BA?!?!”

Hinde ako makapagsalita dahil patuloy parin yung pagiyak ko. Hinde ko rin alam yung sasabihin ko sa kanya. Hinde.. hinde si Lucas.. Negen nappuniya.. [you’re the only one to me.]

Hinawakan ni Lucas yung right hand ko, “Oo ako nga.”

Napatingin ako kay Lucas. Seryoso yung mukha niya.

“Hinde ikaw yung kinakausap ko kaya wag kang sumagot. Athena, siya ba?! Siya ba yung tinutukoy mo dito sa sulat??” nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak. Crinumple niya yung paper tapos binato niya, “T*NG*NA WAG KANG UMIYAK SUMAGOT KA!!! SIYA BA?!?”

“Athena, lakasan mo yung loob mo. Wag kang matakot.. nandito ako sa tabi mo..” sinabi sa akin ng mahina ni Lucas.

“T*NGNA SINABI NG WAG KANG UMIYAK EH! SUMAGOT KA! SIYA BA?!” lumapit siya sa akin tapos hinawakan niya ako sa magkabila kong braso, “Ano!?!? Siya ba?!”

Dahan dahan akong tumango. Hanggang sa tuloy tuloy kong ginawa yung pagtango. “Mianhae.. mianhae.. mianada..”

Unti unti niya akong binitawan tapos napangiti siya. ibang klaseng ngiti.. “ha.. ha.. hinde ako makapaniwala.. haha.. t*ngna siya na naman. Bakit ba laging ikaw na lang Lucas? Ha??” tapos bigla niyang sinuntok si Lucas

Hinawakan ko siya sa may braso para pigilan siya. “Wala siyang kasalanan!!! Kenji, AKO! Ako unang nagkagusto sa kanya! Hinde niya ako pinilit..”

Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya, “Ganito pala yung feeling.. haha… eto pala yung na-feel mo nung ginawa ko sayo dati.. hahaha.. nasaktan ka.. nasaktan ako.. pero bakit parang mas masakit yung sakin.. haha..”

“Mianada…” lumuhod ako sa tapat niya habang nag sosorry. Hinde ko mapigilan yung luha ko. Nanghihina na ako sa mga ginagawa ko.. [I’m sorry..]

“Sabi mo eh.” Tumalikod na siya sa aming dalawa, “Wag kayong magalala. Hinde ko to isasapuso.”

Palayo na siya ng palayo sa amin at palakas na rin ng palakas yung ulan. Tinulungan akong tumayo ni Lucas, humarap ako sa kanya at nag sorry. Pati tuloy siya nadamay. Hinde ko na talaga alam pa ang gagawin ko. Bakit lahat ng tao sa paligid ko nasasaktan? Bakit lahat sila nahihirapan?? Ayoko na.. Hinde ko na rin kaya..

“Wag ka ng umiyak.. makakasama sayo yan.. Hinde ko alam yung nangyari pero naiintindihan kita.. Magiging ok rin ang lahat.. just be strong..”

Pumunta kami ni Lucas sa may condo nila Grace sa manila. Alam ko kasing dun na sila dumiretso pagkagaling sa bahay nila. Sinabi namin ni Lucas na kami na, kahit hinde. Alam kasi naming makakarating sa kanila yung nangyari kanina kaya kami na mismo yung nag sabi sa kanila..

Mami nomoo apa.. jungmal nomu apa.. [my heart hurts.. really hurts so much..]

---------------------------------------------


Bakit ganun, tuwing magchchristmas akong nasasaktan? Ilang days na lang at Christmas na. Simula nung nagalit siya, hinde na kami nagkita. Hinde na niya kami kinakausap ni Lucas.. hinde na siya nag papakita kela Jigs at Kirby. Dahil sa akin, mukhang masisira yung pagkakaibigan nilang lahat. Dahil sa akin.. nasasaktan sila.. dahil sa akin, kaya kami nag kakaginito.

“Pikachu.. masama ba ko?”

“Oo. Bakit?” walang dalawang isip na sinabi ni Carlo

“I thought so.”

“Bakit parang hinde pumupunta si Kenji dito? Diba gusto nun araw araw kayong magkikita? Hinde ka ba nasusuka sa pagmumukha nun? Ako kasi umay na umay na eh.”

Napating ako sa kanya, “Hinde na yun pupunta pa dito.. nasaktan ko siya ng sobra sobra kaya hinde na siya mag papakita pa sa akin..”

“Ang labo niyong dalawa. Ibang klase kayo. Parang habit niyo ang saktan ang isa’t isa eh. Pero kung ano man yung pinag awayan niyo.. sana maging ok na kayong dalawa. Hinde makakabuti sayo yan.”

“Mas ok na siguro tong ganito.. ah molla molla!!” [I don’t know I don’t know!!]

“Uhm.. Ate.. have you decided?”

“Decided about what?”

“Reconsidering the oper—”

“No.” tumayo ako tapos nag punta na ng kwarto.

Yun na naman.. kelangan laging masingit sa usapan yung bagay na yun. Ayoko. Wala silang magagawa kung ayoko talaga.

---------------------------------------------


“What the heck is wrong with you?! You cannot play soccer!!”
“Ya! I’ve been playing it since yesterday! Look, nothing happened! I’m still alive, right? Stop nagging. The game will start in a minute. I’m hanging, bye.”

Wala namang masama diba kung gusto ko talaga mag laro? Dito ko na nga lang nirerelease yung stress ko eh. Exercise na rin to for me.

“Athena tara na!” sabi nung blockmate ko.

After nung game namin, hinde ako makapaniwala na nakakapag laro ako ng soccer. Of course hinde ako nag sasabi sa bahay at alam kong hinde nila ako papayagan. Si Sara pa lang ibang klase na magalit ano pa kaya yung mga kasama ko sa bahay ngayon?

Hinde ko maexplain yung feeling ko pero, ang saya ko pag nag lalaro ako. Hinde ko naiisip na weak ako at may problema ako. Yun nga lang bumibilis talaga yung heart beat ko. Normal lang naman yun diba pag napapagod? Parang medyo masikip dibdib ko eh.. medyo pa lang naman eh..

Paglabas ko ng banyo narinig kong tinatawag ako nung blockmates ko. Sabay sabay kaming lumabas ng gym.

“Athena, napansin ko lang ha.. bakit hinde na pumupunta dito yung boyfriend mo? Pati.. si Lucas.. parang sobrang close ata kayong dalawa..”

Napangiti ako sa kanila, “Break na kami ni Kenji eh.”

Bigla silang napatingin sa akin, “BREAK NA KAYO?! BAKIT?!”

“Ganun talaga.” Simpleng sagot ko.

Napahinto si Jenny sa pag lalakad, “Athena.. yung.. Kenji na sinasabi mo.. diba yun yung medyo maputi tapos gwapo? Yung mukhang koreano..? Basta yung nagpupunta dito palagi..”

Napahinto rin kami dahil kay Jenny.

“Ha? Koreano talaga yun. Bakit mo natanong?”

“Kasi.. ayun siya oh..” naramdaman ko yung pag bilis ng tibok ng puso ko nung sinabi ni Jenny na nandito si Kenji.

Dahan dahan akong lumingon sa lugar na tinuturo ni Jenny. Nakita ko si Kenji na palapit ng palapit sa amin. Bakit ganun parang pinagpapawisan ako ng malamig.. pati parang medyo nasusuka ako.. kinakabahan ata ako..

“Bakit hinde mo sabihin sa kanila yung dahilan kung bakit tayo nag break? Nahihiya ka ba sa ginawa mo?” natawa siya bigla, “mahirap bang sabihin na pinag palit mo k okay Lucas? Na nagbago yung isip mo at si Lucas yung pinili mo? O baka nahihiya kang sabihin na nang two-time ka?”

Napatingin ako sa mga kaibigan ko tapos nagsmile na lang. tinap nila ako sa balikat ko para i-comfort.

“Kelangan niyo atang mag usap. Mauna na kami Athena. Intayin ka na lang namin sa may cafeteria ok?” nag nod ako sa kanila. Habang nag lalakad sila nag umpisa na naman si Kenji na mag salita

“Oh bakit hinde mo pa sinabi sa kanila yung dahilan? May hiya ka pa pala. Grabe. Hinde mo ba kayang ipakita sa kanila yung tunay na Athena?”

Hinde ko na mapigilan yung sarili ko. Nasasaktan na ako masyado sa mga pinag sasabi niya. Kasalanan ko to, alam ko, pero hinde niya ako kelangan ipahiya sa mga kaibigan ko. Sobra sobra na yung ginawa kong sacrifice pero ganito parin nangyayari. Wala ng tamang nangyayari sa buhay ko.

“Tama na Kenji. Nakakahiya sa mga taong nakakarinig..” nag simula na akong mag lakad. Nararamdaman kong sumasakit na yung dibdib ko dahil sa sobrang pagpigil ng galit.

“May hiya ka pa pala? Bakit sakin hinde ka nahiya?! Dapat lang naman talagang mahiya ka eh. Sa lahat ng lalaking pipiliin mo yung kaibigan ko pa. yung tinuturin ko pang kapatid! Alam mo naman na may issue na kami dati diba?! Bakit kelangan mo pang ulitin yun?! Ano may nangyari na ba sa inyo? Magaling ba siya kaya mo siya na gustuhan?! Mas minahal mo ba talaga siya kesa sa akin!?!”

Hinde ko na kaya to! Hinde niya ako titigilan hanggang hinde ako sumasagot. Pinipigilan kong sabihin sa kanya na para rin sa kanya yung ginawa ko. Hinde siya maniniwala, at ayoko rin talaga ipaalam. Para san pa yung sacrifice ko kung ako mismo yung bibigay diba?

“OO NA OO NA! Simula pa lang si Lucas na gusto ko! Una ko pa lang siyang nakita alam kong siya makakatuluyan ko! MAHAL NA MAHAL KO SIYA!! COMPARED TO YOU, MAS MAHAL KO SIYA! WALA KANG SINABI PA SA KANYA! May nangyari sa amin?! OO MERON! MAGALING SIYA! HINANAP HANAP KO YUN! KAHIT IKAW KASAMA KO SIYA YUNG NAIISIP KO! GUSTO KO SIYANG YAKAPIN TUWING NAKIKITA KO SIYA! GUSTO KONG SABIHIN SAYO NOON PA PERO HINDE KO KAYA! AYOKO MASAKTAN SI LUCAS DAHIL GANUN KO SIYA KA-MAHAL! MAHAL NA MA—”

Naputol yung sinasabi ko dahil bigla niya akong sinampal. Bigla ng tumulo yung luha ko. Tuloy tuloy na siya sa pag tulo. Ang sakit sakit na.. hinde ko na talaga kaya.

“Nag punta ako dito hinde para pahiyain ka.” Nakita kong umiiyak na rin siya, “sinabi sa akin ni Kirby na may sakit ka daw at baka ngayon nahihirapan ka na. pero nung makita kita naisip kong baka hinde pa alam ni Kirby yung nnagyari, dahil ang lakas lakas mong naglalaro ng soccer. Ayoko talagang pumunta dito. Pero bigla akong pumunta. Sabi niya kasi pwede ka raw mamatay.”

“Naniwala ka naman? Tss.”

“Oo. T*nga ko eh. Utu-uto ako pag dating sayo. Pero hinde parin kita mapapatawad. Ngayong nalaman ko na talaga yung totoo.” Tumawa siya bigla, “mamamatay ka? MABUTI PA NGA! Dapat lang na mamatay ka! Wala ka ng karapatan pang mabuhay, alam mo yun? Kung mamamatay ka nga siguro parusa yun sayo! Sa mga pinag gagagawa mo! Pinag laban kita.. ginawa ko lahat ng kaya ko para lang maprotektahan ka pero anong ginawa mo? T*ngna. T*nga nga talaga ko.” Tumalikod na siya sa akin. At nag simula ng maglakad.

“Oo.. mabuti pa talaga sigurong mamatay ako.. mas makakabuti pa yun sayo..mas magiging masaya ka siguro.”

Napahinto siya sa paglalakad. Hinde siya lumingon sa akin, kahit isang tingin hinde niya ginawa. Nakatayo lang siya.

“Talaga. Sinabi mo pa. Matutuwa talaga ako. Kahit lumuhod ka pa sa tapat ko para lang samahan kitang mamatay, wag mo ng gawin. Hinding hinde kita mapapatawad, Athena.”  Pagtapos ay naglakad na siya papalayo.

Nag lakad na rin ako papunta sa may cafeteria. Pero hinde pa ako nakakalayo biglang nabitawan ko yung bag na bitbit ko. Hinde ako makahinga. Yung mundo ko parang biglang nagiging mabilis yung pag ikot.

“ATHENA!! Si Lucas to! Sinabi sakin nila Jenny na nandito ka kasama si Kenji.. galit daw si Kenji. Ok ka lang ba?? ” dahan dahan akong umiling.

“Di… ako.. maka.. hinga.. ng… maayos… tulong.. tulong..”

“ATHENA!!!!!”

Hinde ko na namalayan kung anong nnagyari sa akin. Bigla na lang akong napapikit. Hinde ko na nakita si Lucas. Wala na akong marinig sa paligid ko.


Kenji’s POV


Alam kong madami akong nagawang pagkakamali sa buhay ko.. pero bakit ngayon lang ako pinaparusahan ng ganito ka lupit? Parang kung kelan nagbabago nako.. kung kelan nagkaroon ng daan yung buhay ko.. kung kelan alam ko na talaga yung gusto ko, tsaka pa ko kelanan maparusahan.. tsaka
pa nawala sa akin ang lahat..

Bakit ba kelangan pang maging kumplikado ng buhay ko? inaayos ko nga nga yung masamang nagawa ko diba? Pero bakit parang hinde pa sapat? Tinatanggap ko na lahat ng sakit para lang maproktektahan ko yung taong mahal ko.. pero bakit ganun? Ako pa rin ung natraydor sa bandang huli? Mali ba? Kung oo.. ano sa mga ginawa ko yung mali? Saan ako nag kamali? Hinde ko na alam..

Ang hinde ko rin maintindihan.. bakit si Lucas? Hinde naman sa sinasabi kong hinde kagusto-gusto si  Lucas, pero kasi alam niyang may past na sa amin ni Lucas eh. Pati, kung matagal na pala niyang gusto si Lucas.. bakit pumayag pa siya na maging kami? Bakit pumayag pa siya kung hinde naman pala ako yung pipiliin niya? Ang labo diba?

Pati pamilya ni Bee galit sa akin.. ako sinisisi nila dahil ayaw magpaopera ni Bee.. ano namang kinalaman ko dun? Sinabi ko naman ng maayos sa kanya na si Athena talaga yung gusto ko. na siya lang talaga. Pero bakit kelangan niya pang pahirapan yung sarili niya? amp. Nakakaasar talaga. Pero mas nakakaasar parin yung nangyari samin ni Athena. Halos araw araw akong nagmamakaawa sa tapat ng pamilya ni Bee para lang hinde na siya madamay tapos nabaliwala lang. amp.

“Bakit nandito ka na naman?” napalingon ako sa may likuran ko at nakita si Bee na nakatayo. Umupo siya sa sofa na malayo sa tabi ko.

“Sabi kasi ni Tita nakalabas ka na raw ng ospital. Ok ka na ba?”

“Ok naman ako ah. Sila lang naman nag papakumplikado eh.”

“Bakit ba ayaw mong magpagamot? Diba napagusapan na natin to dati? Na mag papagamot ka?? Ano na naman bang problema?”

“Wala. Bakit? Anong akala mo? Dahil sayo kaya ako nagkakaganito? Kenji.. kilala mo ako.. papaya ba akong bumalik ka kay Athena kung alam kong may something pa satin?” napailing siya, “Pinilit ka ba nila mommy? Sinaktan ka na naman ba ni kuya?”

“Hinde.. walang pumilit.. walang nanakit. Obligasyon ata talaga kita eh..”

“Huh? Eh si Athena? Ok lang ba sa kanya?” Si Athena na naman.

“Oo. Tss. Bakit naman siya hinde papabor dun.. eh pinili na niya si Lucas.”


Napatingin bigla sa akin si Bee. Parang nagulat siya sa sinabi ko. Kahit naman sino magugulat eh. Sa lahat ba naman ng piliin niyan ni Athena si Lucas pa! tss. Walang kwenta.

“Si Lucas? Sigurado ka ba?” tumango ako, “Baka naman may dahilan siya kung bakit niya yun ginawa?”

“Oo si Lucas. Dahilan? Anong dahilan? Wala akong maisip na ginawang mali sa kanya simula nung naging kami ulit.. Ginawa ko ang lahat para lang maging Masaya siya.. Ewan ko.. ang labo na eh.”

“Oh? Sigurado ka..?” tumango ako, “Wow… Umm.. baka naman kasi.. may iba pang dahilan? Like.. may sakit siya?”

“Mukha niya. Ewan. Bahala sila.” Yun na lang yung nasabi ko.

Nasa bahay lang ako nila Bee hanggang mga 10 ng gabi tapos pumunta ako kanila Kerb. Niyaya ko kasi silang uminom para makapagrelax man lang ako kahit papaano.

Pagkadating ko dun nagsisimula na pala sila ni Jigs uminom. May hawak na gitara si Jigs tapos si Kerb naman nag yoyosi. Matino pa kaming tatlong nag uusap. Puro plano pagtapos ng college at

“Paps.. hinde ko alam kung ano na ang nangyayari sa inyo ngayon pero gusto ko lang malaman mo na si Athena.. hinde gagawa ng makakasakit sa tao unless kelangan niya talaga tong gawin..”

“Tsss. Sabi mo eh.” Inabutan niya ako ng beer at nagsimula na akong uminom.

Nakakarami na ako pero hinde ko alam kung bakit parang hinde ako nalalasing. Naiintindihan ko pa bawat kwento ni Jigs at Kerb. Yung dalawa mapapansin mong may amats na dahil naglalakasan na yung mga boses. Anak ng. hinde na talaga nagbago pa tong dalawang to! Tuwing nalalasing pang nakalunok ng megaphone eh!

Maya maya nagging heart to heart na usapan. Si Jigs nag kwento tungkol sa kanila ni Sara. Kung gaano daw siya kasaya, yung mga pinag bago niya daw dahil kay Sara. Si Kerb naman nag kwento tungkol sa kanila ni Mary. Amp. Ano bastusan? Ako lang mag kukwento ng malungkot na love life? Tss. Magaling. Magaling.

Inumpisahan ko na yung pag kukwento ko. Nagulat si Kerb dahil hnde nya pa pala alam yung nangyari sa amin. Sabi niya ang alam lang daw niya magkaaway kami. Hinde raw break. Nahihiya na ba silang ikwento kay Kerb yung ginawa nila sa akin?
Kelangan talaga ako yung lumabas na masama noh.. kelangan ganun?

“Kenji. Wala akong kinakampihan ok? Ang gusto ko lang mangyari..” uminom siya sa baso niya ng beer, “wag mong sasaktan si Athena.. kahit anong mangyari.. wag mo siyang sasaktan..”

“Paps, hinde mo ata naintindihan yung kwento ko. AKO yung niloko. AKO yung ginag0.”

“Kahit ilang beses ka pang gaguhin ni Athena.. wag mo siyang sasaktan. Wag mo siyang babawian dahil lang nagag0 ka niya. Kahit na ilang beses ka pa niyang saktan at pagmukang gaguhin. Binabalaan kita.. wag. Pwede niyang ikamatay yun.”

Napatingin ako kay Jigs. Tumango lang siya habang naninigarilyo. Hinde ko maintindihan silang dalawa.. ako yung kaibigan nila ako yung nabiktima.. pero bakit si Athena yung kinakampihan nila?? Matagal na kaming magkakakilala pero bakit parang ako yung baguhan?

“Kenji. Hinde natin alam. Baka may sakit si Athena.. Hinde.. may sakit siya.. oo may sakit siya.. matagal na.. pwedeng bukas, ngayon o sa susunod na araw… mamatay siya dahil sa stress at pagod.. hinde narin alam.. ewan.. siguro..”

Natakot ako bigla sa sinabi ni Kerb. Kelan pa ba huling kita ko kay Athena? Ok pa kaya siya.. simula nung gabing yun hinde ko na siya nakita pa… siguro kelangan magkausap kami bukas.

“Ayusin mo na… habang maayos pa..”

------------------------------------------------


“Jigs, alam mo ba kung nasan si Athena?”
“Teka tatanong ko kay Sara… Sara! Si Athena?”
“Andun sa school niya! Pumunta dun para mag laro ng soccer! I told her not to!” pasigaw na sagot ni Sara.
“Narinig mo?”
“Oo. Sige. Salamat.”

Pumunta na ako sa school ni Athena. Bakasyon na nga pupunta pa rin siya dun. Soccer? Akala ko ba bawal mapagod? Mastress? Pero bakit siya mag lalaro ng soccer? Diba nakakapagod yun? Naloko na naman ako ni Kerb. Bahala na.

Tama siguro si Jigs.. ayusin ko na habang maayos pa.. Kelangan maayos na naming ni Athena to. Alam kong meron pa.. meron pa diba? Imposibleng ganun na lang kabilis nawala… meron pa.. meron pa…

Pag dating ko dun nakita kong masayang nag lalaro si Athena ng soccer kasama yung blockmates niya. mukha rin siyang malakas dahil hinde siya umuupo para magpahinga. Tuloy tuloy lang siya sa pag lalaro.

“Athena.. wala na ba talaga? Hinde ba talaga ako yung pipiliin mo?”

Natapos na silang mag laro at dumeretso na sa may banyo. Matagal tagal rin bago sila nakalabas. Nakita ko na si Athena pati yung dalawa niyang blockmate. Mukhang ang saya saya niya.. parang wala siyang pinoproblema.

“Masaya ka ba ngayon..?” sabi ko ng mahina

Narinig ko silang naguusap ng mga kaibigan niya. tinanong nila kung bakit hinde na ako pumupunta sa school nila. Sinagot ni Athena habang nakangiti siya na wala na kami.

Masaya siya. Masaya siya sa nangyari samantalang ako nalulungkot, nagagalit naaasar. Hinde ko alam kung saan ako nagkamali kung ano yung problema.. akala ko kahit papaano maaayos pa namin to.. pero hinde na pala.

Marami akong nasabing masasakit na salita sa kanya.. hinde ko naman talagang gusto sabihin yun pero bigla na lang lumabas sa bibig ko. Galit. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Ako lang pala talaga ang nagpupumilit na meron pang pagasa kahit papaano. Ako lang din ata yung nagmahal..

“May hiya ka pa pala? Bakit sakin hinde ka nahiya?! Dapat lang naman talagang mahiya ka eh. Sa lahat ng lalaking pipiliin mo yung kaibigan ko pa. yung tinuturin ko pang kapatid! Alam mo naman na may issue na kami dati diba?! Bakit kelangan mo pang ulitin yun?! Ano may nangyari na ba sa inyo? Magaling ba siya kaya mo siya na gustuhan?! Mas minahal mo ba talaga siya kesa sa akin!?!” hinde ko alam pero bigla na lang tong lumabas sa bibig ko. dirediretso ko siyang tinanong.

Kelangan.. maging handa ako sa sagot niya.

“OO NA OO NA! Simula pa lang si Lucas na gusto ko! Una ko pa lang siyang nakita alam kong siya makakatuluyan ko! MAHAL NA MAHAL KO SIYA!! COMPARED TO YOU, MAS MAHAL KO SIYA! WALA KANG SINABI PA SA KANYA! May nangyari sa amin?! OO MERON! MAGALING SIYA! HINANAP HANAP KO YUN! KAHIT IKAW KASAMA KO SIYA YUNG NAIISIP KO! GUSTO KO SIYANG YAKAPIN TUWING NAKIKITA KO SIYA! GUSTO KONG SABIHIN SAYO NOON PA PERO HINDE KO KAYA! AYOKO MASAKTAN SI LUCAS DAHIL GANUN KO SIYA KA-MAHAL! MAHAL NA MA—”

Hinde ko napigilan. Nasaktan ko siya. Biglang tumulo yung luha niya. tuloy-tuloy.. hinde tumitigil. Napaiyak ko na naman siya.. tuwing nagkakaharap kami ng magkaaway lagi siyang umiiyak.. lagi ko siyang napapaiyak. Kelangan na nga talaga sigurong layuan ko siya.. wala na rin naman eh.

“Hinding hinde kita mapapatawad, Athena.” Yan ang huli kong sinabi sa kanya. Tapos tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya sabay tumakbo ako.

Nasabihan ko siya ng mamatay na siya… hinde ko sinasadya… pero nasabihan ko siya..

Hinde ko siya mapapatawada sa mga ginawa niya sa akin.. matagl na palang may nanagyayari sa kanila ni Lucas.. pero hinde ko napansin. Masyado ko siyang mahal.. at hinde ko alam kung kakayanin ko pa siyang mahalin..

Nag maneho ako papunta kela Bee. Kelangan ko ng kaibigan.. hinde ko na matakbuhan pa sila Jigs at Kerb dahil side ni Athena yung tinetake nila. Si Bee, at least alam kong pakikinggan niya ako.

Pagkarating ko dun nakita ko siya sa may garden nila, naka upo.

Bumaba ako ng kote at kumaway sa kanya. Ngumiti siya tapos tumayo para buksan yung gate.

“Bakit nandito ka na naman?”

“Namiss kita eh.” Sabay ngiti ko sa kanya

“Sinungaling.” Unti unting nawala yung ngiti ko. tapos napayuko ako. “Anong nangyari..?”

“Naramdaman ko na naman yung naramdaman kong sakit noon.. pero bakit… parang mas masakit ngayon?”

“Ouch. Pwedeng wag ganun? Siguro kasi mas mahal mo siya? Kenji. Ano bang nangyari?”

“Wala na talaga eh. Pinuntahan ko siya para makipag ayos.. kasi sabi ni Kerb subukan ko raw.. pero…wala eh. Si Lucas talaga. Eto pa.. may nangyari na pala sa kanila..”

“WHAT?! Liar. Walang nangyari dun noh.”

“Si Athena na yung umamin. Kaya si Lucas pinili niya.. ewan ko Bee.. Nasasaktan ako na nagagalit.. hinde ko alam kung ano yung mas matimbang..” bigla na lang tumulo yung luha ko, “kanina ko pa to pinipigilan eh. Sorry.. hinde ko na kasi talaga kaya..”

------------------------------------------------


After 2 days na-ospital na naman si Bee. Bigla lang umataki yung sakit kaya ayun, naconfine na naman siya. oras ngayon ng pag bisita ko kaya siyempre yung nag iisa kong kaibigan ngayon pupuntahan ko.

Pagpasok ko sa kwarto niya walang tao. Biglang bumukas yung pintuan at pumasok yung nurse. Nag smile siya sa akin tapos may kinuha sa may desk.

“Miss, nakalabas na ba yung pasiyente dito?”

“Ah si Miss Tizon? Nagikot ikot lang siya. Babalik rin siya maya maya.”

“Ah ganun ba? Sige, thank you.” Lumabas na yung nurse tapos naupo ako sa may couch.

Saan na naman kaya nag punta yung babaeng yun? Masama na nga yung pakiramdam nag lalakwatsa parin siya. ano ba yan! Tinext ko siya para mapuntahan ko na siya at ng makapalik na siya sa kwarto niya. Habang nag lalakad ako papunta sa may smoking area nakita ko sila Jigs at Kirby nagyoyosi.

‘Bakit sila nandito’ tanong ko sa sarili ko

Wala naman silang nasasabi sa akin kaya nakakapag tataka kung bakit sila nandito sa ospital. Hinde naman pwedeng dadalawin nila si Bee kasi, hinde naman nila alam na nandito siya.

Nilapitan ko silang dalawa. Nung nakita nila ako parang medyo nagulat sila.

“Ba’t nandito ka?” tanong sa akin ni Jigs

“Bakit nandito KAYO?”

“Hinde niya ba alam?” biglang umiling si Jigs. At umiwas ng tingin sa akin. Patuloy pa rin siya sa paninigarilyo niya. “May binibisita lang kaming dalawa. Hinde mo kilala kaya wag mo ng kilalanin.”

“Ah ganun ba? Na-confine ulit si Bee kaya nandito ako..”

Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko.

From: Bee

D2 sa may parang garden.

“Sige, una na ako. puntahan ko pa si Bee eh.”

Umalis ako at nagmadaling puntahan si Bee. Nakita ko siyang naka upo sa may sahig at sa may hinde kalayuan nakita ko si Athena.. nakawheel chair.

Kung galit siya sa akin wag na niyang idamay si Bee. Wala siyang ginagawa. Hinde ko na sila pinapakialaman ni Lucas kaya hayaan na niya kami ni Bee.

Tumakbo ako papunta kay Abi at tinulungan siyang tumayo. “Mauna ka na muna sa kwarto, susunod na lang ako, ok?” tapos nag madali akong mag lakad. Sinundan ko si Athena. Nag stop siya sa may lobby at nakatingin lang siya sa labas.

Tumabi ako sa kanya. Ng mapatingin siya sa akin nagulat siya bigla

“Pano mo nalaman?”

“Nakita lang kita. Bakit nandito ka?”

“Ha..may sa..—”

“Oo nga pala. May sakit ka. Pwede ka nga palang mamatay anytime. Teka, bakit buhay ka pa?”

Bigla siyang umiwas ng tingin, “Wag kang mag alala. You wont see me again.. ever.”

Bigla siyang umalis na lang. Naiwan na naman ako dun magisa. Bakit ba pag siya na yung nag sasalita parang ang sakit lagi para sakin? Kahit na mas masakit pa yung mga sinasabi ko sa kanya..

Tinawagan ko si Jigs sabi ko mag kita kami sa may basement ng ospital at isama niya s Kirby. Habang iniintay sila paikot ikot sa ulo ko yung sinabi ni Athena.

“Wag kang mag alala. You wont see me again.. ever.”

Hinde ko lang talaga matanggal sa isip ko yun.. ang seryoso pa ng mukha niya. Parang tototohanin niya nga..

“Kenji.”

Paglingon ko nakita ko si Jigs at Kirby. Nag lakad sila papalapit sa akin tapos biglang sumulpot si Lucas.

“Bakit niyo yan sinama? Sinabi ko bang isama niyo siya?!” hinawakan ako sa may balikat ni Kerb

“Paps kelangan niyo mag usap.”

Bigla lumapit sa akin si Lucas tapos ngumiti. “Oo kelangan natin mag usap.” Tapos bigla niya akong sinuntok.

“Teka usapan walang sakitan diba?! Lucas teka lang!”

“SAKITAN?! ETONG HAYOP NA TO SINAKTAN SI ATHENA!!” tapos sinuntok niya ulit ako

Tarantad0 tong hayop na to ah. Anong ginawa ko sa kanila?! Ako yung naargabyado diba?!

“Hoy! Bago ka mag salita tingnan mo muna sarili mo! Dalawang beses mo na tong ginagawa sakin! Alam mong seryoso ako kay Athena, pero langya, anong ginawa mo?! Habang nakatalikod ako gumagalaw ka na!” binawian ko siya ng suntok

Hinde na kami napigilan nila Jigs at Kirby kaya patuloy kaming nag suntukan. Nacorner ko si Lucas kaya wala na siyang ligtas sa akin. Para yun sa panloloko nilang ginawa sa akin.. at para rin sa pagsisira ng tiwala ko sa kanya. Tama lang na mag dugo yang bibig mo at magka pasa yung pisngi mo.

“Tama na Kenji!!”

Tinulak niya ako bigla tapos bigla akong sinuntok, “dahil sayo muntik ng mamatay si Athena! Hinde mo pa ba alam!?!? Hinde mo pa ba nararamdaman na yung ginawa niyang panloloko sayo ay para rin sayo?!”

“Tama na Kenji! Nakakarami ka na masyado!!” bigla akong pinigilan ni Jigs

“Anong para sa akin!? Anong ikabubuti nun sa amin?! HA?! Gag0 ka pala talaga eh! Magiging Masaya ba ako dahil inagaw mo girlfriend ko?! EDI MAMATAY SIYA!!!”

“Eh tarantad0 ka pala talaga eh!! Nakita ni Athena yung paghihirap mo tuwing binibisita mo si Abi sa ospital! Nakita niya kung paano ka saktan ni Anthony! Hinde niya matiis na ganun yung nangyayari sayo ng dahil sa kanya! HINDE MO PARIN BA ALAM NA IKAW YUNG MAHAL NIYA?!?!?”

“AKO NAMAN YUNG NAHIHIRAPAN EH! HINDE SIYA! KUNG MAHAL NIYA AKO HINDE NYA AKO LOLOKOHIN!”

“Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan siya!! Ilang beses ko bang sasabihin sayong hinde ka niya niloko?! HINDE KAMI.” Nagulat ako nung sinabi ni Lucas na hinde sila. “Hinde ko na talaga hahayaan pang masaktan mo si Athena.. hinde ko hahayaan na ikaw ang papatay sa kanya..”

Seryoso na naman yung itsura niya. pareho sila ng expression ni Athena kanina. Parang bigla na lang silang tatakbo at maglalaho sa paningin ko.

“Lucas.. sa tingin ko kelangan na niyang malaman yung totoo..”

Napatingin si Lucas kay Jigs, “Alam mo…?”

Tumango si Jigs. Anong alam niya? anong hinde ko alam!? Ano bang meron?!

Binitawan ako ni Jigs tapos may kinuha siya sa bulsa niya. isang lalagyanan ng gamot.

“Lagi ko tong dala.. incase of emergency. Nahulog to ni Athena last year… nung nag batangas tayo.. nakita ko yung sa may sofa tapos nakalimutan kong nailagay ko sa bag ko, kaya nung inatake si Athena.. wala akong nagawa. hinde ko pa alam na ganun ka seryoso ung sakit niya hanggang nung pinacheck ko to. Hinde ko masoli kasi hinde ko alam kung paano..” Nakatingin lang ako kay Jigs. Si Kirby nag sindi ng yosi. Si Lucas nakikinig rin.

“Ako narinig ko lang kayong nag uusap ni Athena nun bago tayo pumunta ng batangas.. hinde ko sinasadya.. nahimasmasan kasi ako nun. Alam mo naman yun diba Luke?” nag nod si Lucas

“Ano bang meron? Ano ba yung hinde ko alam? Meron nga ba talaga akong dapat malaman?”

Hinawakan ni Jigs yung kamay ko tapos nilagay sa palad ko yung lalagyanan ng gamot, “mas maganda sana kung ikaw yung makakadiskubre.. para hinde sa amin nanggaling yung malalaman mo..”

Napatingin ako sa kanilang tatlo. Nagpunas ng bibig si Lucas tapos nauna nang umalis. Tinapon naman ni Kirby yung sigarilyo niya tapos sumunod na kay Lucas. Si Jigs naman tinapik ako sa may balikat at sumunod na rin sa dalawa.

Habang pinapanood silang umalis. Napansin ko na lang bigla na ako na lang yung nandoon. Mag-isa ako. hawak hawak ko yung lalagyanan ng gamot. Tiningnan ko to.. hinde ko alam.. pero bumilis yung tibok ng puso ko.. gusto ko ba talagang malaman kung para san to?

Oo, gusto kong alamin pero.. Natatakot akong malaman yung sagot…



ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento