Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [27]




“Athena, pupunta kami ng canteen ni Kirby. May gusto ka bang ipabili?”

I shook my head. Tumalikod na sila tapos lumabas ng clasroom.

Simula nung Sunday, hirap na akong kausapin pa si Grace. Sa MSN hinde ko siya nirereplyan, pag nagtetext naman siya late ako mag reply, sa landline iniiwasan ko pa rin siya. natatakot kasi ako na baka bigla kong masabi sa kanya yung mga nakita ko. I don’t want to hurt her.

Lumabas ako ng classroom para mag lakad lakad sa hallway, sa pag lalakad ko nagkasalubong kami ni Abigail. Napatigil kami pareho sa pag lalakad. Parang tumigil pareho yung mundo namin.. nagtitinginan lang kaming dalawa.

Naglakad na ako pabalik ng classroom at may biglang humawak ng kamay ko tapos hinila ako sa may mga lockers

“Kenji..” I greeted him as he hugged me

“Sorry lovebabe.. Kung gusto mo talagang sabihin kay Grace ok lang.. kung gusto mo tayong dalawa pa magsabi para hinde ka mag panic sa mangyayari. Basta wag mo ng gagawin yung ginawa mo sakin kahapon, pati wag mo na akong iiwasan.. hinde ko kaya.”

Sino ba naman kasing hinde maggalit sa ginawa niya diba? Dapat sinabi niya pa rin sakin na alam na niya na niloloko nung Gino si Grace, hinde niya ba ko pinagkakatiwalaan? Girlfriend niya ko diba? Dapat sinasabi niya sakin lahat.. Tapos bigla ko na lang malalaman na alam niya yung mga kalokohan na nangyayari? psh.

“Hinde ko na sasabihin. Tama ka.. Mas masakit pag sakin niya pa nalaman yun. Haay.. ewan ko. pati ako naapektuhan.” Binitawan na niya ako tapos hinawakan yung kamay ko

“SEE!! Sabi na sayo eh! Kulit mo kasi!” napanganga na lang ako sa sinabi niya, ano ba to! Nag sosorry siya tapos biglang hihirit ng hinde tama!!

“Wag mo na lang masyadong isipin yun, ok? Tara na, si Carlo dumaan sa classroom hinahanap ka may dalang pagkain.” Nag nod ako tapos hinawakan niya yung kamay ko at naglakad na kami pabalik ng classroom

Habang nag lalakad kami sa hallway nagtitinginan samin yung ibang students. Sino ba namang hinde magugulat, hawak ni Kenji yung kamay ko. Samantalang dati sabay lang talaga kaming mag lakad.

Sinubukan kong bumitaw sa pagkahawak niya pero hinihigpitan niya yung hawak niya. “Kenji, let go of my hand. Ang weird ng feeling, pinag titinginan nila tayo.”

Huminto siya sa pag lalakad niya,kaya pati ako napahinto rin.

“Mas weird pag ginawa ko to” hinawakan niya yung dalawang kamay ko tapos he kissed me on the lips.

Halos lahat ng nanonood nagulat. Kahit ako hinde nakagalaw dahil nagulat ako sa ginawa niya. bigla na lang nag sigawan yung mga taong nakakita. Ano ba to! Kung ano na lang ang maisipan niya ginagawa niya! ibang klase..

Pagpasok namin sa classroom nag palakpakan yung mga kaklase namin

“HOY KAYONG DALAWA!! WAG NAMAN SA MAY CORRIDOR DIBA??”

Tiningnan ni Kenji yung lalaking sumigaw

“Asan na ba yung dalawang yun? Nag tatakbuhan kanina sa may corridor yun eh..” napakamot siya ng ulo tapos lumabas ng classroom. Wow. Biglang bawi. Natawa na lang ako sa gnawa nung classmate namin. Pumunta na ko sa may upuan ko pero napatingin ako sa may backdoor. Wow sinasayang nila yung lamig ng room, lumalabas yung lamig ng aircon eh. Hinahayaan lang nilang nakabukas.

Tumayo ako para isara yung pinto pero nakita ko si Grace sa may veranda, magisa. Nilapitan ko siya para itanong kung may problema siya pero pag lapit ko tumingin kaagad siya sa akin tapos ngumiti, “Wag na tayong pumasok! Samahan mo ko.. kelangan ko mag vent.” Nagulat ako sa sinabi niya, pero pumayag ako.

Hinde sa kinukunsinti ko yung plan niya pero alam ko kasi yung ibig niyang sabihin. Alam kong nasasktan siya ngayon at kelangan niya ng kaibigan.

Kinuha namin yung mga gamit namin tapos tumakbo na kami pababa sa may side stairs. Pagkalabas namin sa may back gate bigla siya umiyak

“Niloko niya ako..”

“Hinde kita maintindihan Grace..” I lied.

“Si Gino.. Niloko niya ako..” I hugged her, “Athena habang kami pa, sila rin ni Abigail.. hinde ko alam kung saan ako nagkamali.. hinde ko alam..”

“Tama na.. Wala kang ginawang mali.. Hayaan mo na lang muna siya.. Baka--”

“SAAN AKO NAGKULANG?? Binigay ko naman lahat ng kelangan niya eh.. Lahat ng ayaw at gusto niya sinunod ko.. Ano pa bang kulang??”

Sa totoo lang, hinde ko alam kung anong sasabihin ko kay Grace, wala akong experience sa ganitong situation..

“Alam na ba ni Jigs to?” umiling siya, “gusto mo bang ako na lang magsabi sa kanya? Baka siya pa makapag bigay sayo ng advice..”

“WAG!! Magagalit siya pag nalaman niya to.. Hinde mo lang alam kung paano siya magalit.. Kung yung nakikita niyo sa kanya yung cute side, sobrang kabaligtaran yun pag nagalit siya, nakakatakot..”

Hinde ko pa nakikita kung pano magalit si Jigs pero sa pagkasabi at reaction pa lang ni Grace, parang nakakatakot nga. Dinala ko si Grace sa bahay, since wala na rin kaming mapuntahan. Pagdating namin sa bahay nakita namin si Sang Min oppa, nanonood ng tv

“Ya, oppa! This is my friend Grace.” tapos humarap ako kay Grace, “He’s my brother, Nathan. Oppa means older brother.”

“Yo.” sabi niya kay Grace. Si grace naman nag smile lang. ‘Yo’?! ano kayang bati yun?

“Hinde kayo pumasok??” umiling kami pareho. “YA!!!!”

“WAE?! I TOLD YOU NOT TO SHOUT AT ME INFRONT OF MY FRIENDS!!!”

Nagsmile bigla si Kuya Nathan, “Mi an..” [Sorry]

“ANYWAY, she just got dumped by her boyfriend. She asked me to play hooky with her!” bigla akong hinampas ni Grace sa may braso

“Hoy gag0 ka! Hinde ako na dump noh!! Niloko niya kaya ako!” sabay natawa kami ni Kuya Nathan dahil sa pagiging defensive ni Grace.

Nagstay lang kaming dalawa sa bahay, siyempre mabilis na nakalimutan ni Grace na kelangan niya magmourn dahil sa namatay nilang love ni Gino. Oppa’s her medicine huh? Kung magusap silang dalawa akala mo matagal ng magkakilala eh! Nagkwentuhan pa about sa lovelife nila pareho!

Speaking of lovelife.. The reason why oppa left qc was because he got dumped by this chick from his school..

“YA!! I HEARD THAT BABO! She didn’t dump me!” [babo = stupid]

Ganun ba kalakas pagkasabi ko?? wasn’t I talking to myself? Weird..

“Then why did YOU let HER go?”

“I didn’t let.. Her.. Go..”

“STOP PAUSING! YOU’RE RUINING THE MOMENT!”

“SHE’S MARRIED, OK?? Bianca‘s married!”

Napatingin kami bigla ni Grace kay kuya Nathan, pareho pa kaming napa nganga! What a loser! Sa babae mistress siya! Pero kung unisex isa siyang KABIT! LEECH! SABIT! SINGIT! THIRD WHEEL! PANIRA! MANGAAGAW! SNAKE! Need I say more?

Natawa si Grace bigla.. What?? Was she thinking the same way too??

“YA! Wala akong ginawa noh!! I didn’t make a move!!! Shut up!” tumayo siya bigla “Kayong dalawa! Hinde ako kabit, snake, third wheel, panira.. etcetera! Manahimik na nga kayo!” tapos pumunta sa kwarto niya

“Bakit hinde mo sinabing may kuya kang gwapo?!!”

“Ngayon pa lang ba kayo nag kakilala?? Alam ko pinakilala ko na siya sayo noon ha??”

“NGAYON PA LANG KAYA! Ikaw!! Makakalimutin ka talaga! Buti hinde mo nakakalimutan yung boyfriend mo noh?”

I scratched my head. Bakit ko kaya makakalimutan? Eh boyfriend ko nga yun? Eto ba epekto ng naloko? Nagiging weird? Oppa went out to buy something, Kenji arrived around 2:30 pm.

Lumabas ako para salubungin si Kenji sa may gate “Hey babe!” tapos hinug ko siya. Nagulat ata si Kenji sa bati ko kasi medyo weird yung facial expression niya nung pag tanggal ko ng hug sa kanya. Nilapitan ko siya tapos bumulong, “Ayan oh! Kanina tatawa tawa na yan sa harap ni oppa pero ngayon nalulungkot na naman! Pag sabihan mo nga! Hinde ko na alam sasabihin ko eh..”

Nag nod si Kenji. Pumasok na kami sa loob ng bahay tapos umupo kami sa may living room kung nasaan si Grace.

“Bakit kayong mga lalaki ganyan.. Binibigay naman naming mga babae lahat ng kelangan niyo ah, sinusunod namin kayo.. Pero bakit sa bandang huli.. Parang hinde pa rin sapat yung mga ginawa namin?”

“Hinde naman lahat ng lalaki ganun Grace eh.” nag grin si Grace

“Alam niyo, ang hirap kasi sa inyo, hinde kayo nag sasalita pag ayaw niyo na yung nangyayari. Ayaw niyo umamin na fed up na kayo sa mga away, sa gulo, sa amin.. Hinde niyo ba naiisip na hinde lang kayo yung may pakiramdam?” she sighed, “Napapagod din naman kami.. Nagagalit.. Nahihirapan.. Nasasaktan…..”

I really don’t know what to say. Para lang akong mannequin sa gitna ni Grace at Kenji, titingin sa left kung turn na ni Kenji mag salita, titingin sa right kung si Grace naman babanat.

Halos 25 minutes na silang nag uusap tungkol sa mga ‘lalaki’ halos parang debate na  yung nangyayari pero puro feelings. Siyempre si Kenji hinde masyadong pinapatulan yung mga masakit na words ni Grace. Although hinde naman siya masakit, parang realization na lang for the guys yun.

“Grace, may mga bagay lang na hinde talaga maiiwasan. Gaya nga ng sabi mo, ibang klase kaming mga lalaki. Pero hinde ibig sabihin nun na pare-pareho kami ng ugali. Siyempre merong malala at meron rin namang nasa tamang isip pa.”

Malala? Tamang isip? May mga stages pala yun? Parang normal, mild, moderate and severe? Parang sakit lang pala mga lalaki eh!

Inakbayan ako ni Kenji, “Kung wala kang ibang masabi, wag mo ng isama yang normal, mild, moderate at severe mo. Ikuha mo na lang kami ng maiinom.” tapos nag smile siya sa akin. Nag pout lang ako.

“Nabasa mo yung naiisip ko??”

Umiling siya. “Malakas ka bumulong eh. Tapong ngumingiti ka pa magisa. Sige na, kumuha ka na muna ng maiinom namin, please?” argh! I hate it when he smiles!! Tumayo ako para kumuha ng juice, medyo maririnig ko pa naman pinaguusapan nila kahi nasa may kusina ako eh. And to think na malakas boses ni Kenji, rinig na ring ko yun!!


“Sakin ba gumaganti si Abigail? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ha! Alam rin niya na kami ni Gino, kaya bakit sia papayag na maging sila?! Kenj, sabihin mo nga sakin, ano ba pinaguusapan niyong dalawa sa school tuwing mag kakasalubong kayo? Tuwing nakatalikod si Athena, ano pinagkkwentuhan niyo?”

Naguusap pa sila ni Abigail…? Tuwing nakatalikod ako? Tuwing magkakasalubong? Bakit hinde niya sinasabi sa akin yung mga yun? Kelangan ba talaga niyang itago sakin yung pag uusap nila ng patago?

“Naguusap ng patago? Anong pinagsasabi mo?”

“Wala sa tapat natin si Athena, Kenji bata pa lang tayo magkaibigan na tayo. Alam kong hinde pa rin nawawala si Athena Abigail mo diyan sa puso mo. Kahit na sabihin mong mahal mo si Athena, hinde mo maitatanggi sa sarili mo na may parte dun na kaya mo siya minahal dahil magkapangalan sila. Diba nga Athena pinapatawag mo samin kay Abigail?”

Ayoko na sanang makinig. Pero hinde gumagalaw yung katawan ko. Ayaw mag lakad ng mga paa ko. Totoo kaya yun? May part na kaya lang niya ako love because of my name? weird.. Ganun ba niya ka-mahal yung name ni Abigail? Kaya pati kapangalan papatulan niya?

“Grace, tama na.. wag mo naman I-damay si Bee at Athena..” Bee.. Tinawag na naman niyang Bee si Abigail.. Ano ba yun? Pag kaharap lang ba niya ako tatawaging Abigail tapos pag nakatalikod na ko, Bee na ulit? Ang labo. Ang gulo. Kenji ano ba talaga..

“Hinde ko siya dinadamay. Kanina ko pa talagang gusto sabihin na siya yung naging dahilan kung bakit nagkagulo kami ni Gino. Alam niyang may girlfirend yung tao, bakit pa siya pumatol? Pati.. Alam kong alam mo yung mga nang yayari noon pa lang, bakit hinde mo ako sinabihan? Nung nangyari naman to sayo nood ako unang nagalit diba? Pinagtanggol kita. Ginawa ko lahat para lang hinde kayo maging magkaklase ulit. Bakit ikaw hinde mo ako magawang ipagtanggol?”

Nilagyan ko na ng juice yung baso at bumalik na sa may living room. Nagkakainitan na silang dalawa, masyado na rin akong maraming nalalaman. Hinde ko na kayang makinig pa sa usapan nila.

“Hinde ka na mahal nung tao. Hayaan mo na lang siya..” sabi ni Kenji. Ang cold nung pagkasabi niya lalo na galing pa sa isang lalaki.

Napatingin kami kay Kenji, “Oo. Naguusap pa kami ni Bee. Pinagsabihan ko siya. Pero Grace, si Gino rin ang may kasalanan. Kung mahal ka talaga nung lalaking yun hinde siya mag hahanap ng iba.”

“Sa bagay. Tama ka rin sa sinabi mo.. Ok lang.. tanggap ko na rin naman eh..”

OMG! Nababaliw na ata tong dalawa! Kanina ag seryoso ng pag uusap nila tapos biglang dadating sa ‘OK LANG’? wtf?! Mababaliw na ko sa mga taong to eh. Alam niyo yun? Ang seryoseryoso masyado.. Tapos ako rin nadadala kasi hinahalungkat yung past.. Tapos biglang BOOM! Tanggap na nila pareho. Dahil lang ba sa nakaharap ako kaya biglang nag bago yung mood? Hinde naman siguro..

“GIIIRRRLLSS!! IM HOOOME!!!”

Napatayo bigla si Grace, “SI NATHAN!!!” sabi niya habang pumapalakpak tapos tumatalon talon pa! “AKO MAG BUBUKAS SA KANYA NG GATE!!” nagmadaling lumabas si Grace para buksan yung gate

Tinuro ni Kenji si Grace, “crush niya si Nathan?”

“Ewan ko dyan.. Sabi niya gwapo eh, pag ganun ba crush na?”

Nag smile siya tapos kinurot yung pisngi ko, “you’re so naïve, babe.”

Narinig na namin si kuya Nathan at Grace papasok sa loob ng bahay, nagtatalo pa ata sila!

“Lumayo layo ka nga sakin!! Pagkatapos mo kong sabihan ng kabit didikit dikit ka ngayon sakin! Hmph!” tumalikod si kuya Nathan kay Grace

“Bati na tayo! Ano ba! Heartbroken ako! Dapat inaalagaan mo ko!”

“Kanina lang kita nakilala! Hinde pa tayo friends!” nag pout si Grace kay kuya Nathan. Uh-oh. Mag babago na si kuya niyan.

“Im just kidding! I bought you an ice cream!! Let’s go to the kitchen!!”

Nagmadaling pumunta yung dalawa sa kitchen at iniwan kami ni Kenji sa may living room.

“Kanina pa kita tinatawagan, bakit hinde mo sinasagot yung phone mo? Nag-alala ako nung bigla kayong tumakbo ni Grace palabas ng classroom eh.. Hinde ko na kayo nahabol kasi sakto dumating yung teacher natin.”

“Ay. Hinde ko naririnig eh, nasa bag yung phone ko.” nag nod si Kenji, kinuha ko yung bag ko sa may table tapos kinuha ko yung cellphone ko, pag flip ko ng phone nakita ko 5 missed calls. 2 kay Kenji, isa kay Sara, isa kay Jigs, tapos yung last kay Lucas..

“Lucas..? Bakit kaya ako nun tinawagan?” sabi ko ng mahina

“Bakit tumawag si Lucas?” nagulat ako ng biglng nagsalita si Kenji, nasa likuran ko na pala siya. “Hanggang ngayon pa ba naguusap kayo?”

“Hinde. Nagulat rin ako eh.” ok I lied. Nag chachat pa rin kaming dalawa, o kaya text, pero minsan lang talaga. Bakit ba! siya rin nakikpag usap kay Abigail ng patago eh! so what kung kami rin mag usap patago!

Lumabas kami ni Kenji para pumunta ng park. Iniwan na muna namin si Grace kay kuya Nathan since mukhang nag kakasundo rin silang dalawa.

Nakaupo lang kami ni Kenji sa may bench, pinapanood mag laro yung mga lalaki sa sa court. Pinilit ko si Kenji na makipag laro s kanila at pumayag naman siya, masaya ako tuwing nakikita ko siyang maglaro ng basketball. Bawat shoot niya, bawat agaw niya ng bola feeling ko para sakin lahat yun. Hinde ko alam kung bakit, basta masaya lang ako pag nakikita ko siyang maglaro.

Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot

“Athena, si Lucas to..”
“Uy. Napatawag ka?”
“Wala lang, tumawag ako kanina pero hinde mo sinasagot eh.”
“Ah. Nasa bag kasi phone ko.. Sorry.”
“Ganun ba? Oo nga pala, nakita ko si Nathan kanina sa ospital may dalang gamot, para sayo ba yun?” gamot? Kaya ba siya natagalan kasi kinuha niya yung gamot ko sa ospital? Wrong timing talaga..
“Ha? Hinde ko alam eh, bakit? Pano mo naman nalaman na gamot yun? Baka vitamins ko yun.”
“Tinanong ko mismo dun sa doctor na nag check sayo. Umamin ka na nga sakin..”
“Ha? Ahh..”

Nakita kong papalapit na sa akin si Kenji, napansin niya atang may kausap ako sa cellphone, “Lucas tatawagan na lang ulit kita mamaya, ok? Nandito na si Kenji.” binaba ko bigla yung phone tapos umupo sa tabi ko si Kenji

“Sino yung kausap mo?”

“Ahh. Si Lucas.” sumimangot siya.

“Akin na nga yang phone mo!” kinuha niya yung phone ko tapos kinuha niya sa bag niya yung kanyang cellphone. “Oh eto gamitin mo. Wag ka ng umangal. Pareho lang naman tayo ng unit eh.”

Kinuha ko yung cellphone niya tapos tiningnan ito, “Ano lock code nito?”

“Birthday mo.” huh? Pano niya nalaman birthday ko?

“Hinde ko naman sinabi sayo kung kelan birthday ko ha.. Pano mo nalaman?”

“Kelangan bang sayo ko malaman yun?” then he grinned at me.

“Ya!! Tell me!! Ppal li.” [hurry]

“Nalasing ka one time.. Tapos sinabi mo sa amin na ‘nagkatotoo na ata yung wish ko nung birthday ko! Sobra sobra pa nga eh! July 6! Eto oh! Nasa tabi ko na’ ayun, tapos hinalikan mo ko sa lips.” he laughed.

“OMG NO WAY?!” tumawa lang siya.

“Oo sinabi mo yun.”

“Eh yung kiss??”

“Joke lang.” hinampas ko siya sa may balikat, “Tara na. hatid na kita!”

Pagkadating namin sa bahay nandun na sila Jigs, Kirby at Sara. Nandun pa rin si Grace, aba! Hinde na ata siya uuwi eh! Nakalimutan na niya na niloko siya ni Gino!! Pero mukhang ok naman sila ni Kuya eh.. Masabi nga kay Sara mamaya!

Sa bahay na silang lahat nag dinner. Nagorder ng food si kuya Nathan, gumagalante na eh. Mga 9:23 nag uwian na silang lahat, ako si Sara and kuya Nathan na lang natitira sa may living room

“Oppa, why don’t you date Grace? I think you guys look good together!!”

“WHAT?! YOU GUYS ARE DATING ALREADY?! I THOUGHT YOU JUST MET??”

“Ya! I never said that they’re dating!”

“Oh. Right. Since you got dumped by your chick, date Grace!”

“YA! BIANCA DIDN’T DUMP ME!!!”

I laughed. Yeah, she didn’t dump him, she was already married. HA! Too bad.

Sara looked at me, “Wae? Mu sun ili ya?” [Why? What’s the matter?] i pointed at oppa using my lips

“Aish!! She’s married ok?? MARRIED!” tumawa na rin si Sara. Ok this is the best day so far.

Went in my room to rest, I checked Kenji’s phone.. Tss. He’s confident huh? I scanned his inbox and there’s no sign of Abigail. Hohoho! I know, I’m suspicious. I tried to check his gallery. Wow… it’s all.. me. May picture pa kaming dalawa dun na naka pout ako tapos naka kiss siya sa akin. When did he take this?? THESE rather.

After I checked Kenji’s phone I remembered that I was supposed to call Lucas, well I can’t. Since my phone’s with Kenji and Sara doesn’t have his number. So we ended up chatting, good thing he‘s on. I told him everything. Since he’s being suspicious and all. He went all the way here running, just to hug me. I deserve it.. I guess.


Kenji’s POV

“Ok class, do page 226 numbers 3, 5, 7 and 9.”

Amp!! Seatwork na naman! Leche talaga. Sa lahat ng ayoko pag may seatwork sa algebra eh! Badtrip. Nahahassle tuloy ako! Tiningnan ko si Athena, mukhang olats lang sa kanya yung seatwork! Tss. Buti pa siya. Anak ng. woooh! Algebra..

Nilapit ko yung upuan ko kay Athena, “Pa-kopya..”

Tumingin lang siya sa akin tapos tinuloy yung pag sosolve niya. Ang damot ng wala!!

May kumatok sa pintuan ng classroom namin tapos bigla itong bumukas.

“Miss, you have a new student here.” sabi nung principal sa teacher namin, “Come here, this will be your new classroom, room 407 section 47. If you need anything I’ll be at my office, ok?” tapos umalis na ung principal.

“Come in, Mister…?” Mister? Ibig sabihin lalaki

“Lazaro.” LAZARO?!

Pumasok na yung lalaking nakasuot ng uniform namin, mahaba yung buhok medyo brownish tapos naka sabit yung isang strap ng bag niya sa balikat niya, si Lucas.

“Mr. Lazaro, please introduce yourself to the class.”

Nagsmile si Lucas tapos humarap sa amin, “I’m Lucas Lazaro, I studied at Marymount High School for 5 months. Glad to be home.”

Nagpalakpakan yung mga classmates namin, ‘glad to be home’ si Lucas talaga! Tumayo sila Jigs at Kirby tapos hinug si Lucas. Lumapit naman si Lucas kay Grace tapos hinug niya rin ito.

“Lucas, you may sit there.” tinuro nung teacher namin yung bakanteng upuan sa may 3rd row, sa side namin ni Athena.

Pero bago umupo si Lucas, lumapit siya sa akin siyempre tumayo ako at nakipag shake hands

“Welcome home.” then niyakap ko rin siya. Friends kami diba? Ok na lahat sa amin.

Lunch break na namin, sabay sabay kaming bumaba ng tropa, siyempre kasama na si Lucas dun. Lahat ng mga tao nag tataka kung bakit kasama na namin si Lucas, yung iba nag bubulungan pa. yung ibang babae naman kinikilig. Ano ba to. Hinde ba nila nakikita si Lucas na pakalat kalat?? Tumambay kami sa mga bleachers malapit sa school lounge, dun na rin kami kumain.

Maya maya biglang tumakbo si Athena sa may cr. Napatayo si Lucas, tiningnan ko siya, parang nag aalala, bakit ganun? May alam ba siya na hinde ko alam? Tumakbo si Sara sa cr para check si Athena, mga 15 minutes nakalipas, wala pa rin sila.

Nakita ko papalapit sa amin si Abigail. Napansin niya ata na nasa school na si Lucas. Tss. Lumipipad talaga ang balita.

Huminto siya sa tapat ko, “Kelangan kita makausap.. Mamayang uwian.. Magkita tayo dun sa dating lugar.. Iintayin kita…” sabi niya

Mukang napakaseryoso ng sasabihin niya sa akin. Pupunta ba ako? Mukhang seryoso eh.. Pag pumunta ako, malamang magagalit si Athena, pag hinde naman.. Sasama loob ni Abigail. Ano ba talaga ang dapat? Wala naman sigurong masama kung maguusap kami… diba?




ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento