Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [EPILOGUE]





kidarulke = i'll wait for you
nal kidaryeo = wait for me
unjaena = always
youngwonhee = forever
Seobang = hubby/husband


Nararamdaman ko na yung sinag ng araw sa aking mukha. Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko. Sa sobrang pagkasilaw ihinarang ko yung kamay ko sa may tapat ng mata ko. Umaga na naman.

Tumingin ako sa may tabi ko at nakita si Athena. Napangiti ako nung nakita ko siya.

“Athena.. gising na. Uuwi na tayo maya maya.”

Nakita ko yung ngiti niya. Yung ngiting nagpapalakas ng loob ko sa araw araw na dumating.

Bumangon ako para mag hilamos at maghanda ng almusal. Dahil maya maya ay lilipad na ulit kami pabalik ng pilipinas.

“Athena, masaya ka ba? Tama ka.. maganda nga dito sa Jeju Island.”

Hinde siya sumagot sa akin. Tumingin lang ulit ako sa kanya pagkatapos kong magluto. Nakangiti parin siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya, “I love you..”

Hinde parin siya sumagot. Naramdaman ko lang yung pagyakap niya sa akin. Masaya na ako dun.

“Wag mo muna akong iwanan.. Hinde ko pa kaya. Ha?” Naramdaman ko yung paghalik niya sa akin sa pisngi ko.

Kumain na ako at naligo na. Pagkatapos ay nag empake na ko. Nagcheck-out na ako sa hotel nila Athena at dumeretso sa airport.

Sa eroplano, hinde ko mapilitang hinde malungkot.

“Masaya naman diba, Athena? Nasayahan ka naman kahit na saglit lang tayo dun?” hinawakan niya yung kamay ko. naramdaman ko yun, kahit na nakatingin ako sa may bintana.

Tinupad ko yung promise ko sa kanya. Dinala ko siya sa Jeju Island. Same date. March 26. Hinde ko kasi pwedeng i-break yung promise ko na yun sa kanya. Ayokong ma-disappoint na naman siya sa akin.

Kahit na kelangan umuwi na ng 28.. basta tinupad ko parin. Hinde kasi ako pwedeng mag tagal. Meron pang masimportanteng kelangan gawin sa pinas.

Hinde ko naramdaman masyasdo yung feeling na nasa eroplano ako dahil masyadong malalim ung iniisip ko. Narinig ko na lang na maglalanding na kami at kelangan mag seatbelt na.

Pilipinas.. nandito na kami ulit. Naglakad ako papalabas ng airport. Sinalubong ako ni Lucas at Kirby ng yakap.

“Kamusta Korea? Masaya ba?” tanong sa akin ni Kirby habang naka akbay sakin

“Masaya naman kahit papaano.. Ata.”

“Ata? Sige.. sasabihin ko sa kanila na magbakasyon tayo sa korea. Para maging mas masaya yung trip mo!”

Tumango na lang ako sa kanila at pilit ngumiti. Sumakay na kami sa kotse ni Lucas. Stinart na niya yung kotse pero bago kami umandar may sinabi si Kirby

“Dun na nga raw pala tayo dumeretso sabi ni Tita Andrea.”

Tumango ako habang nakatingin sa may bintana, “Ok. Sige..”

Click for the song: Can't Cry Hard Enough

15 minutes.. Athena.. 15 minutes na lang..

“I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee..”

Tinakpan ko yung bibig ko. Pinipigilan kong wag umiyak. Nung nakita ko na yung sign ng Manila Memorial. Bumilis na yung tibok ng puso ko. Halong kaba at sakit yung nararamdaman ko. Biglang tumulo yung luha ko pagpasok namin sa loob. Pinunasan ko kaagad ito dahil ayokong makita na naman nila akong umiiyak.

Sinubukan kong pigilan ito. Kailangan hinde ko ipakita sa kanila na mahina ako. Na mahina parin ako..

“Isang taon na. Ang tagal na rin pala noh?” sabi ni Kirby samin ni Lucas

“Ano ba… wag ka ngang ganyan!” mahinang sinabi ni Lucas kay Kirby. “Tara na, bumaba na tayo. Hinihintay na nila tayo dun.”

Binuksan ko yung pintuan ng kotse at bumaba. Inakbayan ako ni Kirby si Lucas naman nilagay yung kamay niya sa may balikat ko at pi-nat.

Dahan dahan kaming nag lakad. Papapunta sa may.. Sigh.

Nakita ko na yung litrato ni Athena. Bumibigat na naman yung puso ko. Sinubukan kong maging masaya para kay Athena, pero para paring may malaking butas yung puso ko.

Tumabi yung mga tao para makadaan ako at makalapit sa may puntod ni Athena. Bumitaw sa akin si Kirby at Lucas. Napaluhod ako at habang nanginginig yung mga kamay ko ay hinawakan ko yung tomb niya. Hinde ko na napigilan ang luha ko.

Isang taon… Isang taon na rin ang nakalipas simula nung iwan niya ako. Hinde ko alam kung paano ako naka survive ng isang taong wala siya. Minsan gusto ko na lang sumuko. Minsan naiisip ko, wala na talagang silbi buhay ko. Pero dahil sa pamilya ko at mga tao sa paligid ko.. gusto ko paring lumaban.

Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito. Ngayon ko lang ulit naramdaman na iniwan na niya talaga ako. Hinde kasi namin madalas pagusapan si Athena. Hangga’t maari, iniiwasan naming banggitin pangalan niya.

Nung napatingin ako sa paligid ko, lahat na rin sila nagiiyakan. Sinimulan ko na naman kasing ipakita sa kanila yung kahinaan ko.

Lumuhod ako sa kanila at yumuko, “Sorry. Hinde ko lang talaga mapigilan yung sarili ko.. Ngayon lang.. Pagbigyan niyo muna ako maging mahina.. kahit ngayong araw lang..”

Dahil sa araw na to, bumalik yung sakit. Yung pag tusok sa puso ko naulit. Namuhay ako na katabi ko sa pagtulog yung litrato ni Athena. Pero hinde pa ko nakuntento dun. Sinurpresa nila ako ng isang stuffed toy na kamukha ni Athena. Para akong naging bata na umaasa sa mga tao sa paligid ko.

Sa Jeju Island, litrato ni Athena ang sumuporta sakin para makayanan kong mag ikot ikot. Mas masaya kung siya mismo ung nakasama ko.. mas nagenjoy siguro ako..

Para akong living dead. Sabi nga nila, nawalan na ko ng expression. Pilit ko na lang ginagapang yung sarili ko, para lang sa kanila. Sa taong sumusuporta sakin.

Naguwian na yung mga bisita. 4:00 pm na rin kasi. Ako rin ba uuwi na rin? Ayoko pa siyang iwanan.

“Kenji, pinapabigay nga pala to sayo ni Athena..” napatingin ako sa inaabot sakin ni Sara

“Ano to?? Kelan niya to binilin??? Bakit ngayon mo lang binigay?!” agad kong kinuha yung yung box na hawak ni Sara.

“Few hours bago siya mamatay.. Sabi niya, buksan ko raw yung diary niya online pag nawala na siya. Last text message niya sa akin yun. Nung chineck ko yung diary niya, nabasa ko yung message niya para sa akin. May kanya-kanya tayong box. Ikaw, ako, si Jigs, Grace, Kirby, Carlo at Lucas. Kahapon naman may dumating na regalo family ni Athena.. yung doctor niya yung nag bigay.”

Nakatingin lang ako sa box nahawak hawak ko. Gusto ko na siyang buksan, gusto ko ng makita kung ano yung nasa loob. Kaya sa tapat nila Sara, binuksan ko ito.

“Pinaburn niya sa akin yan. Wag kang mag alala. Hinde ko pinanood. Binilin ko rin sa nag convert na wag panoorin. Sulat lang yung samin pati pictures. Sige na, mauna ka nang umuwi. Panoorin mo na yan. Alam ko namang sabik ka ng makita si Athena eh.” Nag smile siya sa akin habang lumuluha. Pinunasan niya bigla yung luha niya

“Sige na. Kami na lang bahala dito.” sabi sa akin ni Grace

“Oo nga babes, kami na lang bahala..”

Niyakap nila ako isa isa. Nilapitan ko yung in-laws ko tapos niyakap sila. Nagpaalam ako na umuwi na kasi may kelangan pa akong gawin. Pumayag naman sila.

Pagkadating ko sa bahay dumiretso kaagad ako sa kwarto at ipinasok yung cd sa dvd player.

Nung nagplay na, una kong nakita yung sarili ko. Natutulog.

Click for the song: Byul (Star)

“Haha! Natutulog ka! Pagod ka kasi sa mini party natin kanina e! AY!!! Nakikita mo ba yung laway mo? Ayan oh.. tulo laway!” pinunasan niya yung bibig ko tapos nakita ko na yung mukha niya. Hinalikan niya ako dun sa video.

Tumayo na naman siya, sa palagay ko nilagay niya sa tripod yung video cam kasi inaayos niya yung position kung nasaan ako natutulog nun. maya maya ay umupo na siya. Nasa pink room siya.

Nag smile siya sa camera tapos kumaway. “Seobang, annyong!”

Natahimik siya bigla. “Hinde ko alam sasabihin ko sayo ngayon.. malamang habang pinapanood mo to, wala na ko. Binilin ko kay Sara na ibigay to sayo pag one year na kong wala. Ginawa niya ba? O baka maaga niya binigay sayo?! Nako!! Pag maaga niyang binigay to, mumultuhin ko siya!” ngumiti siya, “Joke lang..  Oo nga pala, kamusta ka na? Nalulungkot ka pa rin ba?”

“Hinde ok.. Oo.. nalulungkot parin ako, araw-araw.”

“YA! Ayaw kong malungkot ka.. Kasi.. malulungkot rin ako. Araw araw naman kitang sasamahan eh.. araw araw kitang babantayan.. Kahit na hinde mo ko nakikita, ipaparamdam ko sayo, na nasa tabi mo lang ako. Ang dami na nating pinagdaanan noh? Etong kwarto na to.. dito ko unang na tulog nung medyo masama pa ugali mo sakin nun! Tapos nung may sakit ka, si Abi parin hinahanap mo!! Nung panahon nay un gusto kitang sakalin eh! Hehe.. pero siyempre.. Hinde ko kaya. Kenjiya.. Saranghae.. Nomoo saranghae..”

Biglang tumulo yung luha ko. Umiiyak na rin kasi si Athena sa video.

“Sorry kung hinde ko sayo sinabing nag stop na ko sa pag iinom ng gamot ko. Wala na kasing nangyayari eh.. parang niloloko ko na lang yung sarili ko pag pinagpatuloy ko pa. Naiintindihan mo naman ako diba? Magbabatangas tayo bukas.. sana maging masaya tayo pareho.. Sana maging memorable yung trip natin. Gusto ko kasing saya ng honeymoon natin! Pero natatakot ako… baka kasi habang nag sasaya tayo, iwanan kita. Sana wag naman. Ayokong malungkot ka bigla.” Nagpunas siya ng luha tapos natagalan bago siya mag salita ulit

“Magsalita ka lang.. wag kang tumigil.. kahit na abutin ako ng isang taon kakapanood nito.. wala akong pakialam..”

“Hinde ba pwedeng samahan mo ako? Hinde ba pwedeng magkasama parin tayo..? Naiisip ko palang na magkakahiwalay tayo, hinde ko na kinakaya. Ano ba tong sinasabi ko. Sana i-edit to ni Sara. Kenjiya.. don’t read my blog.. it’s not good for you.. Anyway, ayoko ng pahabain pa to. Iintayin kita Kenji.. hinde mo kelangan magmadali.. iintayin naman kita e.. ako naman lagi yung nagiintay diba? Kaya ok lang sa akin.. Kahit matagalan ka pa.. iintayin parin kita.. Pero.. ok lang ba kung wag ka ng maghanap pa ng iba? Hinde ko kasi ata kakayanin.. Eto na naman ako.. Edit this Unni!! Kenjiya, gusto kong lakasan mo loob mo.. kung gusto mong magasawa ulit, ok lang rin.. kasalanan ko naman kung bakit ka naging malungkot eh… Pero sana wag mo parin akong kalimutan.. kahit na yung pangalan ko lang.. Ha? Kidarulke.. Saranghae.. Unjaena, youngwonhee..” tapos nag wave na siya.

“Bakit mo ba laging binabawi yung sinasabi mo? Iniintay ko lang naman na sabihin mo sakin yun eh.. gagawin ko naman eh.. Gusto mo ba talaga?”

Ni-rewind ko yung video, “Hinde ba pwedeng samahan mo ako? Hinde ba pwedeng magkasama parin tayo..? Naiisip ko palang na magkakahiwalay tayo, hinde ko na kinakaya.”

Pinause ko ulit to dun at nirewind ko ulit para marinig ko yung sinabi niya. Bumulong siya..

“Please..”

Kinuha ko yung video cam, sinaksak ko sa may tv para mapanood yung video namin ni Athena. Nung plinay ko na parang bumalik na naman sa akin..Yung araw na yun… kaya pala parang ang weird niyang kumilos dahil alam na niya.. Kung hinde pa ako humiling nun.. Siguro mas napaaga pa yung pagkuha sa kanya.

Lord,
Ok lang naman diba?
Malungkot si Athena..
Kailangan niya ko..
Kailangan ko rin siya..
Ok lang diba?

Tinapos kong panoorin yung video namin. Kumuha ako ng panibagong tape tapos nilagay sa cam. Kinuha ko rin yung tripod at nilagay yung camera dun.

Nirecord ko yung sarili ko. Kelangan sabihin ko through this video ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Hinde ko hahayaang sisihin nila si Athena. Maiintindihan naman nila diba? Alam nila kung gaano kaimportante si Athena sa akin. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya, hinde ko hahayaang malungkot siya sa lugar kung nasaan siya ngayon. Hinde ko rin hahayaan malungkot ang sarili ko dito habang wala siya sa tabi ko. Kaya kelangan.. kelangan.. masabi ko na lahat sa kanila kung bakit kelangan kong gawin to..

Nung tapos na yung pagrerecord ko, tinabi ko na yung camera. May kinuha ulit ako sa may cabinet. Matagal tagal ko na rin tong tinatago itong boteng to... Hinde ko lang magamit.

Humiga na ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Para sakin din to. Kelangan ng matigil lahat ng sakit na nararamdaman ko pag gising ako.

Athena, Intayin mo ko.. Sandali na lang at magkakasama na rin tayong dalawa. Wala ng makakapaghiwalay pa sa ating dalawa. Hinde ko na hahayaang magkahiwalay pa tayo. Romeo ang Juliet nga tayo diba? Wala ng makakapag hadlang pa sa atin.. Dun tayo sa lugar na hinding-hinde tayo malulungkot. Sa lugar na tayong dalawa lang. Sa lugar na pwede tayo bumuo ng pamilya.

Athena, hinde ka na mag hihintay pa ng matagal.. kasi napagdesisyonan ko na. Hinde na kita hahayaan pang masaktan. Hinde ko na hahayaan na paghiwalayin pa nila tayo. Lalaban tayong dalawa, diba? Ipaglalaban natin ang isa’t isa. Wag mong sisihin ang sarili mo.. Wala kang ginawa. Kagustuhan ko lahat ng gagawin ko ngayon. Desisyon ko to. Sinabi ko na rin lahat sa video ko kung bakit eto kahahantungan ko.. Sandali na lang at magkakasama na tayo.. Nal kidaryeo.

Athena, I love you.. this much. Unjaena, Youngwonhee..


WAKAS

SHE'S DATING THE GANGSTER [50]






Kenji’s POV

Love is seeing an imperfect person perfectly..

…and he is far from being perfect. But there’s something about him that captivates my heart. What’s so good about him anyway? Is it his radiant smile? His charisma? Maybe it’s his attractive face? I don’t know. But..

I’m falling.. hard.

Hinde ko alam kung paano ko sasabihin kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Napaka biglaan ng lahat. Parang kelan lang kami nagkakilala.. Ang bilis ng panahon.. Ang bilis ng mga pangyayari. Hinde ko masyadong pinahalagahan yung mga pangyayari dati dahil akala ko mangyayari ulit ito sa akin. Akala ko pwede ko pang maitama lahat ng pagkakamaling nagawa ko noon.

Love is hard..

..Kenji ya~ can there be no more struggles for us?  It’s been hard for me.. Why do you keep on believing them? Don’t you trust me? Do we always have to fight because of others? I know I was wrong, but I didn’t slap her..

Pero, masyadong naging madamot sa akin si kapalaran. Masyado nga siguro ako naging masama noon at huli na para magbago pa ako. Kung pinahalagahan ko lang siya noon ng maayos, kung binigay ko yung sapat na kaligayahan na kelangan niya, kung alam ko lang.. matagal ko na sanang ginawa.

Love is sacrifice..

…I even sacrificed my own happiness for him. Was it the only solution? To let go of him? Why am I being treated this way? Do I deserve this? Do I really have to sacrifice my love, just to make him happy?

Pagkatapos ng insidenteng yun, halos hinde na ako makatulog sa gabi. Dalawang linggo na akong napaparanoid. Minsan sa kalagitnaan pa ng pagtulog ko nagigising ako para lang tingnan kung humihinga pa siya.. Ilang beses na siyang nawala sa akin, ayokong tuluyan pa siyang mawala sa akin..

Love is sadness..

..but how? I’m scared to tell them that I may die anytime.. just like what happened to my biological mom. I’m scared that they will be sad because of my condition. I love them so I’d rather keep this pain to myself. Lucas, help me.. help me keep this secret. Don’t let Jigs and Kirby know.. don’t let Kenji know..

Hinde ako marunong mag dasal, hinde ako nag dadasal. Pero dahil sa kanya natuto ako. Dahil sa kanya naniwala ako, naniwala akong meron pang mas makapangyarihan sa tao. Dahil sa kanya natuto akong maging mahina, maging mahina sa oras na dapat ay malakas ako. Dahil sa kanya nagkasilbe ang buhay ko, dahil sa kanya, dahil sa kanya.. alam ko na ang silbe ng buhay ko.

“Kenji, kelangan mong maging malakas.. alam naming mahirap, pero kelangan mong kayanin yung sasabihin namin..” hinawakan ng dad ni Athena yung kamay ko, “may nagpapakumplikado kasi ng sakit ni Athena, kaya biglang tumigil yung tibok ng puso niya nun. Pati..”

Nagsimula ng tumulo yung luha niya. Kinuha niya yung panyo sa bulsa niya at pinunasan yung mukha niya

“Pati po ano?” sabi ko habang pinipigilan ang luha ko, “Ano pa po ba ang kelangan kong pag handaan?”

“Huli na kasi para magpaopera pa si Athena. Masyadong naging mabilis yung pag proseso ng sakit niya, kaya pati yung gamot niya unting-unti nawawalan ng bisa.  Siguro matagal na niyang alam to hinde lang natin napapansin. Siguro ayaw niyang sumuko kaya dinoble niya yung pag inom ng gamot.”

Kasalanan ko to.. ako yung kasama niya pero bakit hinde ko napansin na nanghihina na siya? Bakit hinde ko kaagad nalaman na nahihirapan na siya? Bakit hinde ko na naman naramdaman yun..

“Sorry.. ako po may kasalanan.. sorry..” hinde ko na napigilan yung sarili ko sa pag iyak.

“Wala kang kasalanan Kenji.. ayaw lang tayong pag alalahanin ni Athena kaya siguro hinde siya nag sabi..” umiyak na siya hinde na rin niya siguro napigilan yung sakit na nararamdaman niya, “Kaya kelangan nating mag handa dahil anytime, anytime… pwede na siyang kunin sa atin..”

Halos tumigil yung puso ko nung narinig ko yung huling sinabi niya. hinde ko madescribe yung sakit, yung feeling, pero sigurado akong ngayon ko lang to naramdaman.

“Kenji! Kanina ka pa tulala dyan ha! Niyaya ka naming lumabas para mag basketball hinde mag kalikot ng laptop! Ano ba yang tinitingnan mo?”

Lumapit si Kirby at umupo sa tabi ko. Sumunod si Jigs at umupo rin sa kabilang side ko.

“Blog ba yan ni Athena? Si Sara talaga! Ang dapat mo lang basahin yung Which one am I dating, Regrets, pati yung To the one I love. Yun kasi yung sobrang dapat mabasa.” Napatingin ako kay Jigs, “Nabasa na namin yan. Nakalagay kasi yan sa parang website ni Athena. Grabe, sikat pala yung dalawang yun sa korea!! Akalain mo may fans sa internet? Nung binabasa nga ni Sara sa akin yung comments nung mga tao, nako, sikat ka rin. Puro antis nga lang!”

“Babes ano ba. Hinde mo naman kelangan sabihin kay Kenji yun eh.”

Inakbayan ako ni Jigs, “Masakit sa puso yung nakalagay, lahat yan tungkol sa pinag daanan ni Athena habang pinag lalaban ka niya. Basta parang ganun.. Yung iba wag mo ng basahin, kasi Korean pati hinde masyadong related sayo. Yung mga sinabi ko lang ang mga dapat mong basahin.. Medyo mahaba pero, worth it. Good luck sa pagbasa..”

Pumunta ako sa may covered part ng park para dun mag basa. Nung nakaupo na ako una kong binuksan yung Which one am I dating. Tama nga si Jigs, parang puro sakit yung nararamdaman ni Athena habang tinatype niya to. Hinde ko narealize hanggang ngayon na ganun pala ako ka-sama sa kanya.

..hearing things that are not nice. ‘Why is she with Lucas?’, ‘Two-timer!’, ‘B*tch!’ that was some of the hurtful words that I receive everyday. What did I do? Am I at fault? Do they know that their ‘prince’ left me hanging? Lucas was the one who comforted me.. He was the one beside me all along.

Lucas, I can like you right? We can date, right? If Kenji won’t accept me, you will, right? But… my heart is still with Kenji. So we can’t date, you can’t like me, you can’t accept me.. Even if I really like you, I can’t go to your side, because of Kenji. He has my heart. I gave it to him long time ago. He can do whatever he wants with it.

Why am crying again? Why is it that I keep on saying his name? he hurt me.. he broke up with me.. Athena ya.. why do you still love him? But.. my heart is still with him.. why??

Kenjiya.. my heart may not be healthy, but it’s still beating for you.. I’m scared that if I continue loving you like this.. I might die. Kenjiya, it hurts, it hurts so much.. thinking that I may leave you soon hurts me more. If I want to continue this life time, then I have to be with Lucas, right? He can mend it for me.. He can make me happy. You chose Abi because she’s the one who can make you happy.. She’s the one for you..

*??.. ? ?? ?? [AN: Hinde niya naintindihan yung part na to. Kunde.. Wae andwae ni? - Why ca’t it be me?]

Pagtapos kong basahin tiningnan ko naman yung Regrets. Ang dami niya palang pinag sisisihan. Pero nung nakita ko na yung pangalan ni Kirby, dun na ako higit na nag focus.

…Kirby asked me if I regretted loving Kenji.. he’s such a blunt guy like you-know-who. So, this is what I answered him:

 “I have fallen for this one of a kind stupid gangster. Oh wait, let me scratch that. I LOVED this stupid gangster.. I gave him happiness while he gave me suicide in return. I know, it sucks. But I never regretted loving him in the first place, well… maybe I did.”

I did regret loving him. But what I regret most was saying that I regretted it. And having to say it again here.

Kenji ya… do you regret meeting me? Do you.. regret loving me..? You do, huh? I’m correct, right? How about leaving and hurting me? You don’t regret it, right?

**??? ????  ..?? ?????? [Kenjiya, haengbokhae? Naega, haengbokhanyago? - Kenji, are you happy? Am I happy?]


“Ang pinaka pinagsisisihan ko lang ay yung time na nasaktan kita..” sinagot ko yung tanong niya. “Akala ko masaya ako.. pero.. mas masaya ako pag ikaw kasama ko, pag ikaw yung nasa tabi ko..”

“..anytime, pwede na siyang kunin sa atin.”

Umiling ako.

Hinde. Hinde ko pwedeng isipin ng isipin yun. Kelangan labanan ko lahat ng nararamdaman kong panghihina. Kakayanin ko to.

Finally, nakita ko na yung last na dapat kong basahin. To the one I love.

Habang binabasa ko to, hinde ko na mapigilan ang luha ko. Lahat ng mga hinde niya nasasabi sa akin sa personal dito niya lahat nilagay. Pero mukhang panahon pa to nung wala kami. Yung time na ang dami kong nasabing masakit sa kanya.. yung time na.. sobrang pinagsisisihan ko.

..you replied, ‘Talaga. Sinabi mo pa. Matutuwa talaga ako. Kahit lumuhod ka pa sa tapat ko para lang samahan kitang mamatay, wag mo ng gawin. Hinding hinde kita mapapatawad, Athena.’ Then you turned your back at me. I was lost for words after that. You win, babe. I am going to die.. I’m not considering surgery.

But wait, can you.. reconsider it? I am dying.. can you accompany me during my last few days? Can you atleast pretend that you’re sad because I’m dying? Can you pretend that you still love me? Can’t you?

Tinuloy ko ulit yung pag basa. Hinde tumitigil yung luha ko. Sinulat niya ulit kung gaano ako kaimportante sa kanya, kung bakit dapat katulad ko yung maging ideal boyfriend ng mga babae, kung bakit ako yung gusto niyang makasama kahit sa huling araw niya. Gusto ko siyang puntahan ngayon pero ang weird naman kung bigla na lang akong susulpot.

Bakit? Bakit ngayon ko lang nabasa to? Bakit ngayon ko lang kelangan maramdaman na sobrang importante siya sa akin?

Nag sisise na talaga ako. Akala ko konting bagay lang ang pinag sisisihan ko, pero ang dami pala. Ang dami-dami ko pang hinde nasasabi sa kanya. Kung gaano siya kaimportante sa akin, kung gaano ko siya kamahal, kung bakit siya ang pinili ko. Siguro nasabi ko na sa kanya yung iba, pero hinde pa sapat yun! Gusto kong araw-araw kong sabihin sa kanya yun, gusto kong malaman niya yung importansya niya saakin.

Tama nga sila.. nasa huli nga talaga ang pagsisise.

“Kenji..” Si Lucas, nasa likuran niya si Jigs at Kirby “Ok ka lang ba?”

Nung nakita ko si Lucas. Naalala ko na naman yung mga pinagsusulat ni Athena. Si Lucas ang nag bigay sa kanya ng lakas. Kelangan mapasalamatan ko siya.. Kasi kung hinde dahil sa kanya, siguro mas lumala ng maaga yung sakit niya.

“Sorry. Nakita niyo nanaman akong ganito. Sinabi ko na ngang hinde ako iiyak, pero hinde ko parin matupad yun.. Si Athena kasi eh!” tapos nag fake ako na tawa

“Alam naman namin kung bakit ka nag kakaganyan eh.. Akala mo ba kami hinde nasasaktan? Natatakot din kami.. Hinde lang ikaw ang nalulungkot..”

“Paps.. narinig namin kay Sara at Nathan.. nung nagsimulang umiyak si Carlo, hinde na rin namin napigial.. akalain mong si Athena pa nagpaiyak sa atin..” ngumiti si Kirby, “Kakayanin natin to, ok?”

“Pwedeng kahit ngayon lang.. ilabas natin yung nararamdaman natin? Ang hirap kasing itago eh. Hinde ko na kaya pang mag panggap sa tapat ni Athena. Ang sakit na masyado.”

Natahimik kaming apat. Tumingin ulit ako sa laptop ni Athena tapos nakita na may last siyang blog. New post lang yung title.

ETO NA NAMAN AKO! UMIIYAK NA NAMAN! BAKIT BA LAGI NA LANG AKONG KELANGAN UMIYAK? WALA NA BA AKONG KARAPATAN MAGING MASAYA?? PARANG LAGI NA LANG KELANGAN MAG AKSAYA AKO NG LUHA EH. DATI KAY KENJI.. NGAYON NAMAN DAHIL SA SAKIT KO! SAKIT.. BAKIT NGA BA AKO NAPILI NITO?

BAKIT AKO!? BAKIT KELANGANG AKO PA YUNG MASAKTAN??? PANO NA PAMILYA KO? MALULUNGKOT SILA PAG NAWALA AKO.. IIYAK SILA! PANO SI KENJI? SABI KO SA KANYA NA PAPAKASALAN KO SIYA.. PERO BAKIT GANITO? BAKIT PARANG NAGIGING MASAMA SAKIN YUNG SAKIT KO? AYAW NIYA BA AKONG MAGING MASAYA KAHIT KONTI?? MAY NAGAWA BA AKONG MALI?? NAGING MASAMA BA AKO??

ANG SAKIT NA MASYADO. HINDE KO NA KAYA… LUMALABAN NA LANG AKO PARA SA MGA TAO SA PALIGID KO.. PERO SA TOTOO LANG HINDE KO NA KAYA.. NASASAKTAN NA AKO.. PANO PAG READY NA AKO? TAPOS SILA HINDE PA.. PANO NA YUN?

PATI ANG DAMI KONG MAIIWAN, ANG DAMI KONG MAMIMISS!! SI JIGS NA PALAGI AKONG PINAPATAWA NUNG HIGH SCHOOL KAMI. SI KIRBY NA PALAGI KONG KASAMA TUWING NASA WORK SI KENJI. SI GRACE NA NAGBIBIGAY SA AKIN NG LAKAS NG LOOB NUNG NALAMAN NIYANG NILOKO AKO NI KENJI. SI SARA.. SARA YA!! IKAW LANG ANG NAG IISANG TWIN SISTER KO! PALAGI KANG NASA TABI KO KAHIT SAAN AKO MAPUNTA.. KAHIT NA NUNG KAYO NA NI JIGS, HINDE MO PARIN AKO NAKALIMUTAN. YOU’RE MY BETTER HALF, YOU KNOW THAT? SI LUCAS, KAHIT NA SAD ENDING KAMI.. ALAM KONG SPECIAL KAMI SA ISA’T ISA. HINDE MAGBABAGO YON, KAHIT NA KONTRAHIN PA NI KENJI! YA LUCAS!!! I LIKED YOU!!! SO DON’T BE SAD NA!! CARLO, MY DONGSAENG!! KAHIT NA MAS GUSTO NA SIYA NI MOMMY KESA SA AKIN OK LANG.. SIYA LANG ANG LITTLE BROTHER KO. MY LOVING OPPA! EVEN THOUGH HE’S AN @SS MOST OF THE TIME, I STILL LOVE HIM TO BITS! HE’S STILL THE BEST OPPA EVER..

UMMA, APPA… SORRY FOR EVERYTHING. SORRY FOR BEING SICK.. SORRY.. SORRY.. IF EVER.. IF EVER LANG.. MAWALA AKO.. PLEASE TAKE GOOD CARE OF KENJI. DON’T MAKE HIM SAD… HE TOOK CARE OF ME, SO TAKE CARE OF HIM TOO!

HUBBY, SORRY.. HINDE NA AKO YUNG MAG LALAKAD PAPUNTA SAYO SA MAY ALTAR.. ANG SAKIT NA MASYADO.. PARANG BUMILIS LALO YUNG SAKIT KO.. AYOKO MAG PUNTA SA HOSPITAL KASI NATATAKOT AKO SA SASABIHIN NILA.. PANO KUNG SABIHIN NILANG.. SIGH. KENJI. AYOKONG IWAN KA.. AYOKONG MALAYO SAYO… AYOKO PA..

I KNOW SINABI MO NA SAKIN DATI NA KAHIT UMIYAK AKO OR LUMUHD OR MAG MAKAAWA HINDE KA SASAMA SAKIN PAG NAMATAY NA KO.. PERO BATI NA TAYO DIBA? YOU SAID YOU LOVE ME.. SO PWEDE PA AKONG MAG WISH… PWEDE BA AKONG MAGING SELFISH KAHIT NGAYON LANG? WALA NAMAN AKO MASYADONG HINILING SAYO DATI EH.. LAST WISH NA TO.. LAST NA TALAGA.. PERO, SOBRANG SELFISH LANG TALAGA..




KENJI YA.. WILL YOU COME WITH ME?




WE CAN BE TOGETHER THERE.. ALWAYS AND FOREVER, RIGHT?




SO.. ARE YOU WILLING TO COME WITH ME?



I TOLD YOU.. SELFISH YUNG WISH KO.. SORRY.. PERO.. HINDE BA TALAGA PWEDE?






YA~ I HOPE HE WON’T READ THIS..


Bumilis bigla yung tibok ng puso ko.

Sinarado ko yung laptop tapos tumakbo ako papunta sa bahay nila. Athena kelangan kong malaman kung willing ka pa rin pakasalan ako… kahit saan! Kahit hinde na engrande.. kahit na wala masyadong tao. Teka. Kahit wala ng bisita! Ang importante lang nandun kami at yung pari.. kahit na city mayor na lang! Para atleast naman kahit papaano.. alam kong hinde nasayang yung pinagplanuhan naming dalawa..

Pagkadating ko sa tapat ng bahay ni Athena muli na namang bumilis yung tibok ng puso ko

Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Pano pag bigla akong naiyak? Pano pagnasabi ko sa kanya na nabasa ko?

Nakatitig ako sa doorbell. Pipindutin ko ba? Bakit nag dadalawang isip pa ko?

Napahinga muna ako ng malalim bago ko pindutin yung doorbell.

May nag bukas ng pintuan. Nung nakita ko yung mukha niya kinabahan ulit ako. Hinde ko alam.. palagi naman akong kinakabahan lately pero ngayon sobra sobra to.

Nung binuksan niya yung gate, nakita ko ng harap harapan yung mukha niya.

Parang tinusok na naman yung puso ko nung bigla siyang ngumiti. Hanggang kelan ko makikita yung mga ngiting yun?

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Pagkatapos ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit…

“Kenji, pwede ba tayong umalis bukas? Tayong dalawa lang..” mahina niyang sinabi

Bakit parang masama ang pakiramdam ko sa pagaaya niya? Parang hinde maganda yung darating na araw.. Pero hinde. Kelangan gumalaw na ko.

“Oo. Pero kelangan.. susunod ka lang sa akin, ok ba yun?”

“O sige..”

“Promise yan ha?” naramdaman ko yung pag tango niya

“Promise..”

“Ako rin. Tutuparin ko lahat ng gusto mo..” ngumiti siya tapos tumango “Tawagin mo naman si Sara. Pinapatawag kasi siya ni Jigs sakin eh.”

“Sige. Intayin mo ko ha.”

Pumasok na siya sa loob ng bahay para tawagin si Sara. Sa totoo lang hinde naman siya pinatawag ni Jigs eh. Ako talaga ang nag papatawag sa kanya. Kelangan ko marinig ang lahat kay Sara. Sa kanya madalas nagsasabi si Athena, hinde kasi sakin sasabihin ni Athena kahit anong pilit kong itanong sa kanya. Kaya Mas makakabuti kung kay Sara ko na lang malalaman. Alam kong ang pakialamero ng dating, pero gusto ko lang talaga marinig yung mga bagay na hinde niya sinasabi sa akin.

Naglabas ako ng sigarilyo at sinindihan ito. Sakto lumabas na sila Athena at Sara. Hinulog ko yung sigarilyo at tinapakan para mamatay yung sindi.

“Athena pumasok ka na muna. Hinde makakabuti sayo ang manatili sa labas.”

“San kayo pupunta? Gusto kong sumama!” nilapitan ko siya tapos hinawakan ko yung kamay niya, “Bawal?”

Tumango ako, “Bawal. Gabi na. Nag aya kasi silang uminom, magiging mausok yung lugar nun. Hinde ka pwede. Pati sasandali lang ako dun, uuwi kaagad ako sayo mamaya. Isang oras lang ako, bigyan mo ko ng isang oras. Ok?”

Nagsmile siya, “Uuwi ka ha.. uuwi ka sa akin..”

“Baka nga wala pang isang oras nasa tabi mo na ko kaagad. Pumasok ka na. Intayin mo na lang ako.” tumango siya tapos pumasok na sa loob ng bahay.

Mabagal kaming naglakad ni Sara papunta sa park. Halos pareho kaming hinde nag sasalita. Siguro meron rin siyang gustong sabihin sa akin pero hinde niya masabi. Nagsindi na lang ako ng sigarilyo para kumalma pakiramdam ko.

“Alam mo nang hinde na siya pwedeng magpaopera diba?” tumango ako, “Alam mo ba kung bakit ayaw niya?”

“Dahil sa biological mom niya?”

Tumango siya, “Nalaman niya kasi dun sa doctor na biglang tumigil yung pag beat ng heart nung mom niya habang inooperahan. Kaya takot na takot siya. pag kinakausap namin siya tungkol dun iniiba niya yung topic, o kaya biglang mag babago mood niya. Nung pabilis ng pabilis ung paglala nung sakit niya lagi niyang sinasabi na mas mahalaga yung nangyayari ngayon, pano daw pag bigla na lang mawala yun dahil sa gusto niyang humaba yung buhay niya. Ayaw daw niyang sayangin yung chance na binigay sa kanya. Lalo na nung naging kayo ulit.”

“Nung naging kami ulit?” tumango siya, “Isa rin ba ako sa dahilan kung bakit ayaw niyang magpaopera?”

“Oo. Ayaw niyang i-take yung risk dahil daw pano na lang kung biglang tumigil yung puso niya at bigla ka niyang iwan ng hinde mo nalalaman yung sakit niya. Hanggang sa naospital ulit siya. Wala ka nun eh, umuwi kayo nila tita saglit nun. Ako at si Carlo lang natira nung time na yun.”

Di namin namalayang nasa may park na kaming dalawa. Umupo kami sa kung saan nandun sila Jigs.

“Bakit anong nangyari nung wala kami?”

“Biglang nagising si Athena, tapos hinahanap niya yung doctor..” huminga ng malalim si Sara, “Sabi niya,

‘Sara ya, go get the doctor. I have to tell him something..’

tapos umiyak siya bigla. Nakakagulat talaga kasi yun un una niyang sinabi pag gising niya tapos iiyak pa siya. Sabi ko sige tatawagin ko, nung tumayo na ko hinawakan niya yung kamay ko tapos sinabi niyang

‘no. just tell him I have to live. I need that surgery. I need a new heart. I don’t care if it’s just ten years.. no even if it’s just five years it doesn’t matter!! NO! TWO YEARS WILL DO!!!!!! I JUST WANT TO LIVE!!! I WANT TO BE WITH KENJI!! I HAVE TO BE WITH HIM!’

tapos iyak siya ng iyak! Si Carlo nga walang magawa eh. Niyakap niya lang si Athena. Tapos sinasabi niya na ‘tahan na tahan na’ wala kaming magawa kung hinde umiyak. Sigaw pa rin ng sigaw si Athena nun. Pinipigilan na nga siya ni Carlo eh, pero patuloy parin siya.

UNNI!! I’M BEGGING YOU!! CALL THE DOCTOR!! TELL HIM TO CHANGE MY FCUKING HEART!!! Unni.. I’m calm now.. tell him.. tell the doctor that I’m sorry for being stubborn.. I was scared then. Akala ko kasi pag inoperahan ako maraming mawawala lalo na yung love ko kay Kenji.. Carlo.. call the doctor now.. please.. Ya~ I’ve never begged anyone like this before.. please.. just call him..’

Hagulgol na yung iyak ni Athena nun kaya yun tumakbo si Carlo palabas para tawagin yung doctor. Iyak siya ng iyak pero lumabas parin siya. Hinde ko nga alam kung anong ginawa ni Carlo eh, pero ang bilis niyang bumalik kasama nung doctor. Tapos nung nakita niya yung doctor nag makaawa siya na palitan ung puso niya.

‘Please.. I’m begging you.. help me. help me.. I want to live longer. Gusto ko pa po makasama yung mga taong mahalaga sa akin.. gusto ko pang magpakasal. Hinde ko pa pwedeng iwanan si Kenji.. please.. please.. tulungan niyo ako.’

Hanggang sa nalaman niyang hinde na pala possible yung surgery. I’ve been with Athena since we were born. I’ve never seen her act like that. Never. Even with TaeSung oppa. Kenji ya.. She really wants to be with you. She loves you more than anyone else. She loves you more than she loves herself.” Tapos pinunasan ni Sara yung luha niya.

“Kenji, nakita ko rin yung pangyayaring yun. Kung nakita mo lang siya.. kung narinig mo lang lahat..”

Napatingin ako kay Jigs. Seryoso na naman yung mukha niya. Tumingin ulit ako kay Sara, “Ano pa bang sinasabi niya sayo? yung kasal?”

“Gusto niyang matuloy yun. Sabi niya, kahit na simple lang daw.. kahit nga daw wala ng bisita o handa ok lang daw eh.. pero kahapon lang sinabi niya sa akin na ayaw na daw niyang magpakasal sayo.”

“Ano?! Si Athena ba yun?? Bakit daw? Kelan lang excited siya eh! Yung gown nga halos ipa rush niya dun sa modista!” Tanong ni Grace

“Mas masakit daw kasi para kay Kenji kung ikakasal pa sila. Sabi niya pagtatawanan lang daw si Kenji ng mga tao. Magtataka kung bakit sa dinami rami ng babae yung taong mamamatay pa daw yung pinili niyang pakasalan.”

“Ang hassle nga din naman kasi kung ganun lang rin yung mangyayari.. Naiintindihan ko si Athena, pero ano bang plano mo paps?”

Naiintindihan niya? Bakit ako hinde ko maintindihan? Gusto ko siyang pakasalan. Wala akong pakialam kung gaano kami tatagal na magkasama. Wala rin akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga lang mahal namin ang isa’t isa.

Napatingin sila sa akin. “Kelangan ko tulong niyo.”

Dahil ang daming sinakripisyo ni Athena, ang dami niyang ginawa para sa akin. Ang dami kong pagkukulang sa kanya, alam ko. Kaya nga kelangan makabawi ako. Teka, hinde dahil parang may utang naloob ako sa kanya.

“Ano ba ang kelangan mo?”

“Kelangan matuloy yung kasal namin. Wala akong pakialam kung iisipin ng iba na tanga ako kasi alam kong bilang na. Mahal ko siya. Gusto kong patunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong mag pakasal hinde dahil kelangan ko o obligasyon ko. Papakasalan ko siya dahil mahal ko siya at yun ang mahalaga. Alam kong magiging isang malaking impact to sa akin, pero wala akong pakialam.. mahal ko siya.. alam niyo naman diba kung gaano? Kaya kelangan mapatunayan ko to sa kanya.”

Sinabi ko na sa kanila yung plano ko. Tapos nag kanya kanya kami ng assignment. Siyempre kelangan kong bumalik sa bahay nila Athena dahil sabi ko isang oras lang akong mawawala.

Bago ako pumasok sa kwarto ni Athena kinausap ko muna yung pamilya niya.

“Dad, Mom, Nathan, Carlo.. Gusto ko sanang matuloy yung kasal namin ni Athena.”

“Sigurado ka ba dyan, Kenji?” tanong ng dad ni Athena

“Buong buhay ko po, naging patapon ako. Wala na akong pakialam nun sa paligid ko. Sa mga tao. Hinde ako lagi sigurado sa mga sinasabi at pinaplano ko. Pero simula nung nakilala ko si Athena.. dahil sa kanya, ngayon lang ako naging ganito kasigurado”

Nilagay ni Nathan yung kamay niya sa balikat ko, “Alam na ba ni Athena?”

“Hinde pa. Gusto ko sana siyang surpresahin. Nalaman ko kasi Kay Sara na ayaw na daw niyang ituloy to. Pero gusto ko po talaga. Hinde ko pa napapatunayan kung gaano ko siya kamahal. Siguro yung mga tao sa paligid namin alam yun, pero gusto ko na sa kanya ko mismo ipaalam.”

“We understand you. When do you plan to do it?” sabi ng Mom niya

“Bukas po sana.”

“Sige. Kami na lang mag sasabi sa parents mo. Puntahan mo na si Athena, kanina ka pa niya iniintay.”

“Thank you po talaga.”

Tumayo ako at dumeretso na sa kwarto ni Athena. Pag bukas ko pa lang ng pintuan nakita ko si Athena nakaharap sa computer niya. nakasuot siya ng salamin tapos nakaipit ung buhok.

Napatingin siya sakin tapos sumimangot. Napatingin siya sa relo tapos bumalik sa akin ung tingin niya, “Sabi mo isang oras! Anong oras na oh!” tinuro niya yung nakasabit na relo sa kwarto niya.

“May pinagusapan kasi kami eh. Kaya yun. Sorry na.” lumapit ako sa kanya para tingnan yung ginagawa niya, “Ano yan?”

Bigla niyang mininimize yung window

“Ah. Wala. Hehe!” Umupo ako sa may sofa niya. Lumapit siya habang naka upo sa computer chair, “Anong pinagusapan niyo? Nanchicks ka noh?!”

Binigyan niya ko ng isang wirdong tingin. Lagi na lang siyang ganyan! tsk tsk. Hinde na siya nag bago.

Hinawakan ko yung kamay niya tapos hinila siya sa tabi ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

“Oo may chicks nga! Pero sinabi ko sa kanila na may anak at asawa na ako kaya hinde ko na sila pwedeng i-good time.” biro ko sa kanya. napatingin siya sakin tapos nag smile, “Masaya ka ba?”

Tumango siya.

Athena, mas pasasayahin kita pagkatapos ng mangyayari bukas. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang maging memorable yung bawat araw na darating. Kelangan maging malakas ako para sayo, para sakin, para sa atin.

-------------------------------

Pumasok ako ng kwarto ni Athena. Nakita ko na naman siya sa tapat ng computer niya.

“Athena.” nagulat siya at bigla niyang pinatay yung monitor.

“Bakit?” sabay harap niya sa akin

“Hinde pala tayo makakaalis ngayon.. may importante akong lakad eh. Sinabi ko naman kela mommy na samahan ka ngayong araw para lumabas. Sige alis na ko.”

Sinarado ko na kaagad yung pintuan. 10:00 am yung schedule nung kasal. Kelangan nakaready na ko ng 9:45. Ilang oras na lang at mag te-ten na.

Nakita ko na yung dad ni Athena tapos nag ok sign siya sa kin.

“Athena, anak. May shoot ka mamayang 10. Nakalimutan kong sabihin sayo eh. Nawala kasi sa isip ko.”

Narinig kong sinabi nung dad niya.

Umuwi ako sa bahay para mag ready na. Tinawagan ko sila Jigs, Kerb at Lucas para itanong kung ok na yung lahat. Lahat sila sinabi na ok na yung plano.

Athena. Ilang sandali na lang at magiging isa na tayo. Hinde mo na kelangan matakot. Hinde kita iiwanan hanggang sa huli. Kahit san ka pa mag punta.. sasama ko sayo.

Pumasok yung parents ko sa kwarto para tingnan kung naka ready na ko. Minuto na lang ang iniitay namin. Si Kendi umuwi pa ng pinas para lang samin ni Athena.

“Adul, haengbokhae?” tanong sakin ni Mommy habang inaayos niya yung suit ko. [Son, are you happy?]

Tumango ako, “Sobra.”

“Gusto mo ba talagang gawin to?”

“Gusto.”

Tumango si Mommy, “Hinde ko aakalaing mapapaaga yung kasal mo. Masaya ako kasi hinde nagbago yung isip mo. I really want Athena as my daughter-in-law. I don’t care anymore if she won’t be able to give me grand children, I just want it to be her.” Niyakap ko si Mommy. “Ya. Don’t regret this ok? Maging malakas ka lang palagi, ha?”

“Opo.. opo..”

“Kenji. Nandito lang kami palagi nila Mommy mo kung kelangan mo ng tulong, ok? Wag mong sosolohin ang problema mo lalo na kung hinde mo na kaya. Nandito lang kami palagi, para makinig, para tulungan ka.” Sabi sa akin ni Daddy.

Ang daming tumulong sa akin para lang matuloy to. Ang dami kong gustong pasalamatan pero hinde ako magaling sa mga ganung bagay. Ang alam ko lang masaya ako dahil sawakas matutuloy na rin ang pinakaiintay naming mangyari.

Nag intay ako ng taimtim sa simbahan. Ilang minuto na lang at darating na siya. Lalakad siya papunta sa may altar at dun mag papalitan kami ng mga salita.

Pitong minuto na lang. Malapit na siyang dumating. Malapit ko na siya makita. Hinde na ko makapag intay pa.

“Kenji nandito na siya!” sabi sa akin ni Grace.

Napatayo ako at napatingin sa may labas. Nung nakita ko yung puting kotse na may bulaklak sa may harapan hinde ko mapigilan ang pag ngiti ko.

“This is it.” sabi ni Grace, “Pumuwesto ka na. Hinde niya pa rin kasi alam eh.”

Nagsipwestuhan na kaming lahat. Pumunta na ako sa may altar at tinabihan ako ni Lucas. Kahit yung pari naka ready na rin. Hinde na kami gumawa pa ng entrance para hinde parin malaman ni Athena yung plano. Tama na yung alam lang niyang may shoot siya.

Nagsimulang tumugtog yung magppiano nung nakita niya yung cue ni Grace. Nag simula na silang mag lakad tapos nung nakita ko si Athena at yung parents niya biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Nakita kong nag takip ng bibig si Athena. Napatingin siya sa Daddy at Mommy niya at niyakay niya sila. Hinawakan niya yung Dad niya sa may right arm at dahan dahan silang nag lakad papunta sa may altar.

Malapit na siya sa akin.. Konting hakbang na lang at nasa tabi ko na siya. hinde ko maialis yung mga mata ko sa kanya. Siya na ata ang pinaka magandang bride na nakita ko.

Inalok ko sa kanya yung kamay ko hinawakan niya ito at inilagay sa arm ko. binigay ko sa kanya yung panyo ko para punasan niya yung luha niya.

Nagsimula na yung ceremony. Parang ang bilis lahat ng pangyayari. Kung iisipin mo kelan lang talaga kami nagkakilala, nagkahiwalay, nagkabalikan, tapos eto kami ngayon kinakasal na.

Akala ko buong buhay ko magiging isang tanga lang talaga ako. Pero ng dahil sa kanya, nag bago ako. Naniniwala akong siya lahat ang may kagagawan kung bakit ang laki laki ng pinag bago ko. At nagpapasalamat ako sa kanya dahil dun.

“Kenji, do you take Athena for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?”

“I do.”

Pagkatapos nitong araw na to. Madaming pwedeng mangyari. Madaming pwedeng tanong ang sumalubong sakin. Madaming manghuhusga. Pero hinde ko na iniisip yun. Hinde ko na kelangan pang problemahin lahat ng iyon. Dahil ang alam ko lang pagkatapos nito.. pagkatapos nito..

“Athena, do you take Kenji for your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?”

“...I do”

Siya at siya na lang talaga ang mamahalin kong babae habang buhay…

Hinde ko na napigilan ang pagiyak. Habang sinasabi ni Athena yung vow niya patuloy ang pagtulo ng luha ko. Masyado na akong masaya. Pinapasaya niya pa ako lalo. Hinde ko na kaya pang mawala itong sayang nararamdaman ko. nakakaadik. Panigurado pag nawala to.. babagsak ako.

“You may now kiss the bride.”

Humarap kami sa isa’t isa. Dahan dahan kong inangat yung veil niya. Ngumiti siya sa akin tapos sabay patak ng luha niya. Ngumiti ako sa kanya. hinawakan ko yung mukha niya at pinunasan ang kanyang mga luha. Habang nakahawak parin ako sa mukha niya dahan dahan kong nilapit ang aking mukha

“SaRangHae..” sabi ko sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinalikan siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. “Kenjiya.. thank you.. for making me this happy.. I will never forget this. Even if I die, my love for you will remain forever. I love you. Unjaena, Youngwonhee.” [Always, forever]

Nagpalakpakan na yung mga tao.

Siyempre nagpicture taking kaming lahat. Hinde man engrande yung kasal namin, yung mga mahahalagang tao naman sa buhay namin nasubaybayan yung pinaka mahalagang pangyayari sa buhay naming dalawa.

Simula ngayon, hinde lang ikaw Athena ang lalaban. Kasama mo na ako. Palagi lang akong nasa tabi mo. Kung nasasaktan ka, ako rin masasaktan, mas higit pa sa sakit na nararamdaman mo. Kung malungkot ka, malulungkot rin ako, hinde ko kayang makita ang taong pinakamahalaga sakin na malungkot. Kung iiwan mo na tong mundong to, hintayin mo lang ako.. Hinde ko kasi kakayaning magisa ka, hinde ko kakayaning wala ka.

Athena.. Simula ngayon, sayo ko na iaalay yung buhay ko. Ang dami mong ginawa para sa akin. Ang dami mong sinakripisyo. Siguro panahon na para ako naman ang magsakripisyo para sayo.

After 3 months

“So bang! Let’s go out!!” unit-unti kong iminulat ung mga mata ko, nakita ko yung mukha ni Athena malapit sa akin, “let’s go on a date! please?” [Seo-bang = Hubby]

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Niyakap ko siya ng mahigpit. Halos ganito na ang routine ko sa umaga. Gigisingin niya ako yayakapin ko siya. Magluluto kaming dalawa ng breakfast, Kakain kami tapos aalis kami ng bahay. Minsan pupunta kami sa kanila, minsan sa amin. Madalas kung saan-saan na lang kami nakakarating. Pero siyempre may limitasyon un. Hinde parin siya pwedeng mapagod.

Napapadalas rin ang pagsakit ng dibdib ni Athena kaya dahil dun, napag-isipan ko munang huminto sa pag aaral. Habang buhay pa siya, gusto kong ako ang magaalaga sa kanya. Pag may masamang mangyari sa kanya, kelangan nandun ako. Hinde ko na siya pwede pang iwanan mag isa.

Naligo na ako at nagbihis. Inintay ko sa may living room si Athena. Napatingin ako sa suot kong damit. Eto yung unang couple shirt na binili ko. White shirt tapos may star na deisign yung akin sa harapan, yung kanya naman heart. Naalala ko napraning siya nun nung tiningnan ko yung likod niya.

Narinig ko na nag bukas yung pintuan ng kwarto namin. Lumabas si Athena at naka suot yung katerno ng shirt ko. Nung nakita niya ako napasmile siya bigla. Pareho na kami halos ng naiisip.

“Paki lagay naman nito oh.” Inabot niya sa akin yung clip na binigay ko sa kanya noon.

Nasa kanya parin to? Akala ko nawala na niya to. Hinde ko kasi siya nakikitang ginagamit to eh. Lahat ata ng binigay ko sa kanya tago-tago niya parin. Kahit ilang taon na yung nakalipas, yung cellphone na binigay ko pa rin sa kanya yung ginagamit niya.

Maya-maya ay nilabas niya yung camera niya. Sinabi niya sa akin na mag picture kami bago daw kami umalis ng bahay. Gusto niya daw ng remembrance.

Naglakad kami papunta sa dati naming school. Kilala kami nung guard kaya pinapasok nila kami. Wala namang pasok kaya naikot namin yun. Lahat ng sulok ng school pinuntahan namin.. yung gym.. classroom.. yung upuan namin.. yung room namin tuwing activity period. Pati bawat lugar, nag picture kaming dalawa.

Nakakagulat nga eh.. Naisipan niyang puntahan yung school. Pati may dala siyang camera. Hinde naman siya usually nag dadala ng camera.

Maya maya nag lakad rin kami papunta sa may park.. umupo kami sa may swing. At nagpicture. Pumunta rin kami sa PG. Naglaro kami saglit dun at umalis rin.

Hinde kami halos naguusap. Palagi lang ‘Naaalala mo ba to/yun/yan?’. Hinde ko alam.. pero parang gets ko na yung gusto niyang ipadating sakin.

Nagpunta kami sa mall. Nagpa neoprint tapos nanood ng movie. Buong oras na nanonood kami, nakasandal lang yung ulo niya sa balikat ko.

Pagkatapos naming manood pumunta kami sa bahay nila. Gusto niya ng family picture kaya kami bumisita. Napabihis pa sila ng ng di oras para lang sa gusto ni Athena. Pag tapos nun, niyakap niya silang lahat at sinabi kung gaano niya sila kamahal.

Athena.. Ano bang problema?

“Kenjiya. Let’s go to your place!” nagpaalam na kami sa kanila at hinila niya ako papunta sa bahay nila Mommy.

Nagpabili ng merienda si Mommy para sa aming dalawa. Nagulat rin ako na pati si Daddy nandun. Si Kendi rin at yung asawa niya nasa bahay. Sakto daw yung pagpunta namin dahil may magandang balita si Kendi. Sinabi niya sa amin na 8 weeks na siyang buntis.

Tuwang tuwa si Athena nung nalaman niya yun. Pero nung tumalikod siya, bigla kong napansin na nalungkot siya. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Umiling ako sa kanya habang nakangiti at nagmsile rin siya sa akin.

Siyempre nag request rin siya ng family picture. Na ikinagulat ng lahat dahil nga biglaan rin. Nung sinabi ko sa kanila na pupunta kami ng batangas nagulat ulit sila, pati si Athena. Nagtanong sila kung bakit naman daw biglaan yung pagalis namin. Sinabi ko lang na gusto kong makapag relax si Athena dun. Sinabi ko rin na panget yung nangyari sa amin nung unang punta niya dun. Tinawagan kaagad ng Mom ko yung nag babantay ng bahay at ipinalinis niya yun dahil daw darating kaming magasawa.

Nung nagpaalam na kami ni Athena, niyakap niya rin silang lahat. Nagpasalamat siya sa mga bagay na ginawa nila para sa kanila. Nag thank you rin siya dahil pinalaki daw nila ako ng maayos. Gusto kong maiyak pero ayoko naman ipakita sa kanila. Sinabi niya rin na hinde niya makakalimutan sila at yung mga bagay na ginawa nila para sa kanya.

Umuwi na kami sa aming bahay para kunin yung mga gamit namin. pero pag pasok namin nandun na sila Jigs, Kerb, Lucas, Sara at Grace. Nagulat ako nung nakita ko sila. Napatingin ako kay Athena, naka ngiti siya. Siya siguro nagpapunta sa kanila. May dala silang pagkain at wine.

Pinagsaluhan namin yung dala nila. Dahil dalawa ang photographer namin, napadalas ang pagkuha ng litrato.

“Sana huminto yung oras ngayon.. ang saya kasi natin ngayon eh. Hinde to mapapalitan ng kahit na ano pa.” natahimik kaming lahat saglit.

“Ano ba yan! Ang drama! Picture na lang ulit!” nilagay ni lucas yung camera nila sa tripod tapos tinimer ito. Nung natapos na kami isa isa ulit silang niyakap ni Athena. Naging emotional sila dahil sa mga pinag sasabi ni Athena. Hinde napigilan ni Lucas ang pag iyak.

“..Ang dami nating pinag daanan.. sorry kung naging malungkot ka.. sorry kung nasaktan kita.. pero kahit na nasaktan kita, nandyan ka parin para sa akin.. Ayoko ng maging malungkot ka pa. Masama akong babae.. kaya wag kang hahanap ng katulad ko.. Thank you sa lahat..”

“Ano ka ba Athena! Ano bang nangyayyari sayo? Kung makapagsalita ka parang aalis ka ha..” Niyakap ng mahigpit ni Lucas si Athena. “Di bale. Alam ko naman na hinde ka pababayaan ni Kenji eh. Kalimutan mo na lang yung mga nangyari noon. Basta masaya ako at nakilala kita.”

Hinde ko mapigilan ang malungkot. Nung narinig ko yung sinabi ni Lucas naramdaman ko na.

Nung kami na lang ang natira umupo kami sa may sala. Nakasandal yung ulo niya sa balikat ko. sinandal ko naman yung ulo ko sa ulo niya habang nakalagay yung kamay ko sa may bewang niya. Hawak hawak ko rin yung kamay niya. Ganun lang ang ginawa namin. hinde kami nag sasalita.

Pagdilat ko umaga na pala. Hinde ko namalayang nakatulog pala kaming dalawa sa may sala. Nakayakap na sa akin si Athena. kinabahan ako bigla. Nilagay ko yung kamay ko malapit sa may ilong niya para tingnan kung humihinga pa siya. Nung naramdaman ko yung pag hinga niya gumaan na yung pakiramdam ko. Napatingin ako sa orasan at nakitang 9:56 am na.

“Athena. Gising na. Maligo ka na.. pupunta na tayo ng batangas.”

“Hmm? Hmm..” tapos tumayo siya habang nakapikit pa at nag unat. Dumiretso na siya sa banyo para maligo.

Hinanda ko na yung mga kelangan namin. Ako na rin ang nag empake ng damit niya. paglabas niya ng banyo naka tuwalya lang siya. lalabas na dapat ako ng kwarto pero sinabi niya na ok lang daw. Pinag patuloy ko na yung pag aayos ko ng gamit niya habang siya nag bibihis.

“Eto isuot mo.” binigay ko sa kanya yung dress na binili ko.

“Bago to?” umiling ako, “Bakit ngayon ko lang to nakita..?”

“Matagal na yan. Hinde ko lang nabigay sayo.”

“Ahh..” sinuot na niya to tapos nag patuyo ng buhok.

Nung natapos na kong maligo nakita kong naka ready na siya. inaayos na lang niya yung bag nung laptop niya, video cam at yung camera niya. Nagmadali akong magbihis dahil ayoko siyang pagintayin ng matagal. Niready ko na yung kotse at nung ok na yung lahat. Umalis na kami.

Sa Tagaytay na kami kumain ng lunch. Nag sightseeing rin kami bago dumiretso sa rest house. Bumili kami ng mga makakain para hinde na kami mahirapan pa pag dating sa bahay. Panay ang kuha ko ng litrato kay Athena. Hinde ko lang siguro mapigilan..

2:43pm ng nakarating kami sa rest house. Yung mga katulong na yung nag ayos ng gamit namin. Pumunta kami sa may beach ni Athena.

“Naalala ko dati.. nung unang punta ko dito.. hinde tayo ok nun. Sobrang gusto ko ng umuwi. Pero may pumipigil sakin.. dahil gusto pa kitang makita nun.”

“Alam mo bang.. sobrang nag sisise ako nun? Nung gabing nahimatay ka at nagkasakit.. bago nangyari yun..nakiusap ako kay Abigail na kung pupwedeng bumalik na ko sayo.. dahil nahihirapan na ko.. hinde ko na kasi kayang makita ka na may kasamang ibang lalaki. Pati hinde naging kami ni Abi..”

“Alam ko.. sinabi niya sa akin yun..”

“Nung bumisita ako sayo nun sa kwarto niyo ni Lucas.. sobrang nasaktan ako… nandun ka, may sakit, eto ako, walang magawa. Kinausap pa nga kita nun eh.. hinde ko nga lang alam kung narinig mo…”

“Ano?! Ibig sabihin.. hinde ako nananaginip nun??”

“Oo. hinde. Nagulat nga ako nung sinabi mong ‘kenjiya, kajima..’. Hinde ko nga mabitawan yung kamay mo nun eh. Pero narinig kong tumigil yung pagtulo ng tubig kaya lumabas na ko nun ng kwarto..”

“Sinabi ko rin yun?? Akala ko nananaginip lang talaga ako..” Tinanggal ni Athena yung shades niya tapos tumingin sa akin. Tinanggal niya rin yung suot kong shades. Lumapit siya at kiniss niya ako. “Let’s make this one memorable, ok?”

Tumango ako. hinubad na niya yung suot niyang dress. Naka swimsuit na pala siya! amp!! Akala ko kung ano na ginagawa niya!! may kinuha siya sa may bag niya. Pag labas niya nakita ko may hawak na siyang dalawang makulay na hinde ko alam kung anong tawag. Nilatag niya yun sa may sand at humiga siya. Tinanggal ko na yung shirt ko tapos humiga sa isang telang nilatag niya.

“Tumataba ka ha.” sabi niya sakin habang pinipindot yung tiyan ko

“Abs yan!! Tingnan mo nga oh! May mga guhit guhit!”

“Tss. Abs ka pa dyan ha! guhit yan ng katabaan mo! Aminin mo na kasing tumataba ka.”

“Tumaba ba talaga ako?”

Umiling siya, “Joke lang yun. Sa totoo lang pumapayat ka.. nasstress ka ba sakin?”

“Hinde no. Baka kasi pag tumaba ako ipagpalit mo ko bigla eh!”

“Kahit na lumobo ka pa ng husto, wala akong pakialam. Hinde na ko titingin pa sa ibang lalaki!”

“Talaga?”

“Talaga.”

Mga isa’t kalahating oras rin kaming nag stay sa may beach at pagkatapos ay bumalik kami sa bahay para magpabili ng ingredients sa katulong. Gusto niya kasing mag bake kami. Kumuha kami ng recipe sa internet. Kinuha namin yung madaling gawin.

Gianmit na namin yung video cam. Ni-record namin lahat ng ginagawa namin. Malakas loob namin mag aksaya ng tape kasi madami kaming extra. Nung tapos ng maluto ung cake nilagay na namin sa may ref para lumamig. Lumabas ulit kami ni Athena para pumunta sa beach para panoorin ung sunset.

“Sana palagi tayong ganito.. Kung pwede lang.. gusto ko dito na tayo tumira.”

“Wala ka na bang iba pang gustong puntahan?”

“Meron.. gusto ko siyempre pumunta ng Korea kasama mo. Sa Jeju Island maganda dun! Gusto ko next year dun naman tayo.. ganitong date rin! March 26..”

“Sige.. pupunta tayo sa Jeju Island next March 26..”

Bigla siyang sumiksik sa may dibdib ko. Nilagay niya yung isa niyang kamay sa may chest niya. Nararamdaman ko yung pag bigat ng hinga niya.

“Athena!!! masakit ba???” tumigin ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya, “Sabihin mo sakin kung masakit!! Kasi tuwing tinatago mo sakin, mas nasasaktan ako!”

Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. Sobra sobra yung pagkahigpit nung paghawak niya. Ibig sabihin sobra rin yung sakit nung nararamdaman niya.

“Seobang.. it hurts..” niyakap ko siya gamit yung isang kamay ko. Naramdaman ko yung pag tulo ng lua niya sa kamay ko, “Pero natatakot ako.. kasi mas masasaktan ka. Masasaktan kita..”

Umiling ako habang nag sisimula ng tumulo yung mga luha ko, “wala akong pakialam kung mas masakit sa part ko.. wala akong pakialam kung masasaktan mo ko.. Kasi handa na ko.. handa akong masaktan..”

Tapos bigla siyang nawalan ng malay. Kinabahan ako bigla. Binuhat ko siya para dalhin sa pinakamalapit na ospital. Bawat hakbang ko feeling ko unti-unting nadudurog puso ko. feeling ko mawawala bigla lahat ng saying nararamdaman ko ngayon.

“Athena.. malapit na tayo.. konting tiis na lang..”

Nung nakarating na kami sa ospital binuhat ko na ulit siya papasok ng ospital

“TULONG!! TULUNGAN NIYO KO!!!” sigaw ko sa loob ng ospital.

Agad agad namang nag-lapitan sakin yung mga nurse. Ginuide nila ako kung san ko pwedeng i-higa si Athena. Maya maya ay may kasama ng doctor yung nurse. Chineck nila si Athena. kung anuano na ang kinabit nila sa kanya. Wala akong magawa kung hinde ang panoorin sila.

Athena.. sorry.. wala akong magawa para sayo.. wala akong magawa para mapagaling ka..

“Sir, maupo na po muna kayo dun sa labas. Kami na lang ho ang bahala sa kanya.” sinabi sa akin ng isang nurse.

“Hinde.. hinde pwede.. Ayoko. Hinde ko kayang malayo sa kanya ngayon.. Please.. gawin niyo lahat.. iligtas niyo siya.. Iligtas niyo asawa ko.”

Bigla na naman akong naiyak. Hinde ko kayang tanggalin yung mata ko kay Athena. Kelangan makita ko kung ano yung ginagawa nila.. kelangan makita ko bawat hinga niya.. kelangan nandun ako hanggang sa huli.. Kaya hinde pwede..

Tumango yung nurse, “Pag ok na ho, may ipapapirma ho ako sa inyo.”

“Thank you..”

Idinala nila si Athena sa isang kwarto. Maya maya ay lumabas na yung doctor at lumapit sa akin. Tinanong niya sa akin kung ano yung nangyari. Sinabi ko na biglang sumakit yung chest niya at may hcm siya. Binigay ko sa kanya yung number ng doctor ni Athena sa manila. Pinapasok niya ako sa loob ng kwarto at iniwan niya ako para kausapin si Dr. Sison, yung doctor ni Athena.

“Ano ba ang nangyari bago siya mawalan ng malay?” napatingin ako kay Dr. Ramos

“Namasyal kami saglit sa Tagaytay, nag swimming saglit, nag-bake.. tapos umupo sa may beach.. Masaya kami pareho.”

“Ah. Baka naexcite lang siya masyado. Bawal yun sa kanya. Pero wag kang mag-alala. Stable na yung kalagayan niya. Natutulog na lang siya. Hayaan mo na lang muna siyang magpahinga. Gigising rin siya.”

Medyo nabawasan yung takot ko. Pero alam kong meron pang problema. Hinde ko naman pwedeng pabayaan na lang to..

“Hinde na ba talaga siya pwedeng operahan pa? Ano pa bang pwedeng ipainom sa kanya na gamot? Mukha kasing hinde tumatalab yung iniinom niya eh! Kahit gano karami.. kahit gano kamahal!! Sabihin mo sakin..” Tinanggal nung doctor yung salamin niya at nilagay ita sa bulsa niya. napayuko siya bigla. “May solusyon pa naman diba? Sabihin mo na sakin..”

“Aware ka naman siguro na wala talagang cure ang sakit niya diba? Nakausap ko si Dr. Sison.. ang sabi niya sa akin, tumawag sa kanya si Athena at sinabing parang hinde na raw tumatalab yung gamot niya. Kahit daw doblehin niya yung dosage, wala pa rin daw..”

Biglang sumakit yung puso ko. Kaya ba napapadalas yung pag sakit ng dibdib niya dahil wala ng epekto un?? Pero umiinom pa rin siya ng gamot eh.. bakit ganun.. bakit..

“Yun parin kasi yung gamot niya eh! walang kwenta yung gamot na yun!”

“Mister delos Reyes makinig ka sakin.. itinigil na ni Athena yung pag inom niya ng gamot.. mag aapat na linggo na daw.”

“Ano..?” napatingin ako kay Athena.. “Hinde.. imposible.. magkasama kami sa iisang bahay.. nakikita ko siyang umiinom ng gamot.. imposible..”

“Vitamins yun..” dahan dahan akong lumapit sa may kama ni Athena. narinig ko yung mga yapak niya, nilagay niya yung kamay niya sa may balikat ko. “Ang kelangan mo na lang gawin ay magdasal. Wag mo siyang hayaang mapagod. Kelangan i-ready mo na rin yung sarili mo..”

Hinawakan ko yung kamay ni Athena. Tinitigan ko lng siya. Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa..?

Napatingin ako sa orasan. 12 na ng madaling araw.

“Athena.. ilang oras ka ng tulog.. hinde ka pa ba gutom? Yung cake na ginawa natin hinde pa natin natitikman.. Gumising ka na..”

“Ang kelangan mo na lang gawin ay mag dasal..”


Magdasal?! Pano ko yun gagawin..? Ang tagal tagal kong nineglect ang diyos. Halos nawala paniniwala ko sa kanya.. Pano ko sisimulan yung pagdadasal ko? Makikinig pa ba siya? Papakinggan niya ba ako? Anong sasabihin ko sa kanya?


Lord,

Makinig ka sakin.
Minsan lang ako nag mahal ng ganito.
Mali. Ngayon lang ako nag mahal ng ganito.
Wag mo naman hayaang mawala siya sakin.
Alam mo naman na mabait si Athena, di ba?
Bakit siya pa yung kelangan mong pahirapan?
Bakit hinde na lang ako?
Eto ba parusa mo sakin? Ang masaktan ng ganito?
Kung alam ko lang na ganito kasakit ang magiging parusa ko
Sana hinde na lang ako nagloko. Sana naniwala na lang ako.

Lord, Wag mo muna siyang kunin..
Natanong mo na ba siya kung handa na siya?
Malulungkot siya paginiwan niya ko.
Hinde niya kakayanin yun.
Hinde ko rin yun kakayanin.
Masaya pa kami.. Masayang masaya.

Kakapalan ko na yung mukha ko,
Bigyan mo pa ko ng panahon..
Para lang ihanda yung sarili ko.
Yun na lang hinihiling ko.
Panahon.
Kahit konti lang,
Nagmamakaawa ako sayo.
Kahit konti lang talaga,
Please.


Dahan-dahang iminulat ni Athena yung mga mata niya. Tiningnan niya yung paligid niya. Tinanggal niya yung thing na para makahinga siya. Nagsmile siya sa akin.

“Uwi na tayo.. Ayoko na dito sa ospital..”

Tumango ako. Kinausap ko yung doctor. Pumayag siya sa sinabi ko kahit na medyo labag sa kalooban niya. Pinabihisan ko siya sa nurse at inayos ko yung bill namin sa ospital. Tinulungan nila akong dalhin si Athena sa may kotse. Umuwi kami sa may rest house.

Sa kwarto na kami dumiretso para makapag pahinga. Hinde ko mabitawan si Athena kaya kahit sa pagtulog hawak ko yung kamay niya.

Nung nagising ako kinabukasan pagtingin ko sa oras 10 am na. Halos wala akong tulog dahil lagi akong gumigising para tingnan kung ok lang siya. Pagtingin ko sa tabi ko wala na si Athena. Bumangon ako kaagad at bumaba.

“ATHENA!!! NASAN KA!!” ilang beses akong sumigaw pero walang sumasagot. Halos nalibot ko nabuong bahay pero hinde ko pa rin siya makita.

Nagpunta ako sa may kusina para hanapin siya.

Nakita ko yung likod niya. May suot siyang apron tapos may nilalagay sa plato.

Napahinga ako ng malakas kaya napatingin siya sa akin

“Morning..” sabi niya na halos parang ang hina niya.

“Good morning.” tapos nag smile ako

Gusto ko sanang magalit pero hinde ko magawa. Natakot ako. Akala ko iniwan na niya ako. Pero mabuti na lang.. mabuti na lang at nandito parin siya..

Tinulungan ko siyang dalhin yung mga plato sa dining room.

“Ikaw ba gumawa nitong lahat?”

“Oo naman. Nagpatulong ako kay manang, pero ako lahat ung gumawa. Gusto ko kasing ipagluto ka.. Kahit ngayon lang..”

Lord,

Ipinagluto niya pa ako.
Ibig sabihin malakas pa siya.
Nakikinig ka ba sakin?
Wag muna.. Wag pa..
Hinde pa ko pumapayag..

“Bawal kang mapagod.. papagalitan nila ako pag napagod ka..”

“Opo daddy! Pasyal tayo mamaya?”

“Bawal nga mapagod eh..”

Sumimangot siya bigla. “Hinde ako magpapapagod.. Pramis.”

“Sige na nga..”

Pagkatapos naming kumain at naligo na kami at umalis para mamasyal. Nagikot-ikot kami sa may bayan. Fiesta pala kaya may mga banda at kainan dun. May palaro at kung anu-ano pa kaya medyo natagalan kami ni Athena sa labas.

Tuwing napapatingin ako kay Athena sumasakit yung puso ko. Bakit siya pa yung kelangan magsakripisyo samin? Bakit hinde na lang ako?

Lord,

Nakikita mo ba si Athena ngayon?
Ang saya saya niya ngayon, diba?
Sa ganitong sitwasyon mo ba siya,
Gustong kunin sakin?


Nung bumalik kami sa may rest house gusto naman ni Athena mag stroll sa beach. Wala akong choice kung hinde ang pumayag. Dala dala namin yung video cam.

“Kenjiya! Say hi!!” nakatutok sa akin yung video cam, “Ya say something!”

Lord,

Ipapakita ko sayo,
Kung gano kaimportante
yung taong to, sakin.
Yung taong gusto mong
ilayo sa akin.
Tingnan mo.
Makinig ka.


“I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing lalim ng pinakamalalim na dagat sa buong mundo. I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing laki ng pinag sama samang planeta. I love you. Yung pagmamahal ko sayo mas matagal pa sa forever. I love you. Yung pagmamahal ko sayo hinde na mapapalitan ng kahit sino. I love you. Kahit ilang beses pa kitang kelangan pakasalan gagawin ko. Kahit na sa lahat ng simbahan sa buong mundo, gagawin ko. I love you. Kahit na ipagtabuyan mo ko, kahit na mag sawa ka sakin, kahit na iwanan mo ko, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. Hahanapin kita kahit san ka magpunta. At pag nahanap kita, hinde na kita ulit papakawalan pa. I love you. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap hinde kita iiwan. I love you. Yung pagmamahal ko sayo, hinde na mawawala. I love you, Athena. I love you, I love you, I love you.. UhnJaeNa, YongWonHee.”

Nagtakip ng bibig si Athena tapos naiyak. Pinindot niya yung cam tapos niyakap ako.

“I’m sorry.. I'm sorry.. I love you..”

7:37 kami bumalik sa bahay. Dinala ko si Athena sa may patio dahil ma surpresa ako sa kanya. Cadnlelight dinner. Nung nakita niya to, tuwang tuwa siya. Niyakap niya ako sa sobrang tuwa. Ipinakuha niya yung tripod sa kwarto namin para daw ma videohan niya yung nangyayari.

Nakaready na rin yung sounds namin kaya niyaya ko siyang sumayaw.

“This is so perfect.. Thank you.. I will never forget this.” sabi sakin ni Athena.

“Ako rin..” Hinigpitan ko yung pagyakap ko sa kanya, “Hinde ko rin to makakalimutan..”

Lord,

Bakit ganun..
Bakit ganito..
Nahuhulog na ko sa patibong..


“Umuwi na tayo satin..” naramdaman ko ang pagtango niya

“Tara.. Gusto ko na rin umuwi eh.. Pagod na ko, gusto ko na mag pahinga..”

Pinakuha ko yung mga gamit namin at umuwi na kami sa manila. Hawak-hawak ko yung kamay ni Athena kahit na nag mamaneho ako. Hinde ko kasi kayang bitawan.

11:30pm kami nakarating ng bahay. Ipinasok ko yung gamit namin. Si Athena naman dumiretso sa may banyo. Limang minuto na siya sa loob pero hinde parin siya lumalabas. Dahil sa takot ko, kinuha ko yung susi ng banyo at binuksan to. Nakita ko si Athena nakaupo sa sahig. Umiiyak.

“Masakit ba??” Tumingin siya sa akin, “Masakit na naman ba??!!”

Umiling siya bigla, “Hinde na.. Baliwala na lang tong sakit sakin.. Pero, natatakot lang talaga ako kasi baka masaktan ka.. ayokong masaktan ka..”

Niyakap ko siya bigla, “Wag mo ngang isipin yun! wala akong pakiaalam kung masaktan ako! Di bale ng ako.. wag lang ikaw.. sinabi ko naman sayo diba? kung nasasaktan ka.. sabihin mo..”

“Hinde nga masakit..” Tiningnan ko siya, “Tara na.. dun na tayo sa kwarto..”

Tinulungan ko siyang tumayo at nagpunta na kami sa kwarto namin. Nakahiga kami sa kama, gamit niya yung braso ko as unan tpos naka yakap siya sa akin. Naka lagay yung kamay ko sa may braso niya habang nakatingin ako sa taas.

“Kenji.. I love you..” tapos hinigpitan niya pag yakap niya sa akin, “I love you so much..”

“I love you too.. so much.” tapos hinalikan ko siya sa may noo niya. “Sana kahit after 10 years ganito parin tayo..”

“Ang tagal masyado nun..”

“Ayaw mo akong makasama ng matagal?”

“Hinde sa ayaw ko.. hinde ko lang kaya..”

“5 years?” naramdaman ko yung pag iling niya, “1 year..?”

“Matutulog na ko in 10 minutes..” tumulo bigla yung luha ko

Lord,

Saglit na lang.. please..

“1 hour..? Please.. 1 hour? Tumango siya bigla. Niyakap ko siya. Hinde ko mapigilan yung pagtulo ng luha ko. “Magsalita ka lang.. kwento ka.. kahit ano. Basta gusto ko lang marinig boses mo.. Athena.. magsalita ka lang..”

“I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko.” Naramdaman ko yung pagpatak ng luha niya sa may braso ko. “I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee..” [Always, forever.]

Tuloy tuloy parin yung pag tulo ng luha ko. Hinde ko alam kung gaano katagal akong iiyak habang buhay pa ko. Pero alam kong matatagalan to.

“Hintayin mo ko.. Kahit anong mangyari hintayin mo ko..”

“Hihintayin kita.. Kahit gano pa katagal.. Basta hihintayin kita..”

Tiningnan ko yung mukha niya

“Athena tumingin ka sakin. Tingnan mo ko.” dinilat niya yung mga mata niya, “Ang kelangan mo lang gawin ay hintayin ako. Ako na bahalang mag hanap sayo.. ha?”

Nagsmile siya sa akin at ipinikit niya ulit yung mata niya.

“Kidarulkke..” [I'll be waiting..]

“I love you, Athena..”

“I love you too..”

“I love you..”

“Hmm.. I love you.. Kenjiya.. can I sleep now?” Hinalikan ko siya sa may lips at niyakap siya ng mahigpit. naramdaman ko ulit yung pagpatak ng luha niya, “Nuhrul youngwonhee saranghalkke.. Good night.” [I will love you forever..]

“I love you, Athena. Sweet dreams.”



ITUTULOY


SHE'S DATING THE GANGSTER [48-49]





3am nung December 25, nag punta na ko dito sa Korea. Hinde ko alam kung bakit ko naisipang magpunta kaagad dito. Pero once na sinabi ko sa parents ko na gusto ko ng bumalik ng korea, pumayag sila at nung time rin na yun nag pabook na kaagad sila. 6th day ko na dito, si Sara lagi akong tnatawagan, umuwi na daw ako. Tinatanong niya kung hanggang kelan ko balak mag stay dito pero wala akong masagot. Hinde ko rin kasi alam. Nung birthday celebration ni Kirby tumawag ulit sila. Narinig ko yung mga boses ng tao at isa isa nila akong kinausap. Kahit gusto kong umuwi nung time na yun sa pilipinas, hinde ko magawa dahil alam ko sa party na yun.. nandun si Kenji.

Alam kong nagtampo sakin si Kirby pero inexplain ko naman sa kanya kung bakit hinde ako makakapunta. Pati hinde mura pamasahe. Si Kenji palagi rin tumatawag at nagtetext. Hinde ko kayang sagutin yung mga tawag at messages niya, dahil hinde ko alam kung ano isasagot ko, hinde ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sabi niya rin na mag kita kami sa Korea, kahit daw 5 minutes lang basta daw makapag usap kami. Hinde ko siya sinipot. Ayoko siyang harapin. Hinde ko kasi alam kung makakaharap pa ako sa kanya.

Kaya nung nakausap ko siya nung Christmas Eve at sinabi niya sa akin alam na niya.. hinde ako makapag salita. Hinde ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, hinde ko alam kung dapat akong mag explain or iwanan ko na lang siyang naka bitin.

“Anong alam mo na..?” i asked
“Lahat.. lahat lahat…”
“Ahh. Ganun ba? Anong gusto mong mangyari?” sinusubukan kong maging cold sa kanya.
“Magusap tayo..”
“Naguusap na tayo.” Narining ko siyang nag sigh
“Magkita tayo bukas, ha? Please..”
“Aalis na ko mamaya papuntang korea.”
“Susunod ako dun..”
“Pag balik ko na lang, ok?” nagssniff na naman siya.
“Babalik ka pa ba?” nanginginig na yung boses niya
“Basta pag balik ko na lang..”
“Magiintay ako..” babalik pa nga ba ako..? yun din ang tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa cell phone ko, December 31 na pala.. birthday na ni Kenji. Si Kenji na naman naiisip ko. bakit ba siya nalang palagi? Dapat kasi madami akong nakilalang lalaki para hinde lang iisang lalaki yung iniisip ko ngayon.

“Athena, gwaen chah na?” [are you ok?]

“Kanina pa siya ganyan kuya.. parang ang lalim ng iniisip.”

Tiningnan ko silang dalawa ng masama. Humarap na lang sila ulit sa tv at nanood. Umupo ako sa tabi nung dalawa. Tapos binatukan ko sila

“Ya! Wae irae?!/Ano ba!!” sabay nilang sinabi. Tapos nag sigh lang ako. [What are you doing!?]

“Nuh michussuh?! Hajima.” Tapos lumipat sila pareho ng upuan. [Are you crazy? Stop it.]

Nagring bigla yung phone tapos tumingin silang dalawa sa akin, “Sagutin mo. Para sayo ulit yan.” Sabay na naman nilang sinabi. Ano ba to! Mag kapatid na ba talaga sila??

Dahan dahan kong inangat yung phone

“Yoboseyo?” [hello?]
“Athena? Si Lucas to..”
“O bakit?”
“Kasi.. si Ate Kendi.. Pupuntahan ka ata dyan. Kanina pa yun eh.. siguro nandyan na siya ngayon.”
“NOW?!”
“Oo. Tatawagan ka daw niya pag nandyan na siya.”
“Okay.. sige.. intyain ko na lang tawag niya.. thanks..”
“Umm.. miss na kit—miss ka na namin. Umuwi ka na ok?”
“Bahala na.. Sige, bye..”

“Noogoonya?” oppa asked. Tumingin lang ako sa kanya then binaba ko na yung phone tapos pumunta ng kwarto, “YA!” [Who's that?]

Ni-lock ko yung door tapos humiga sa kama. Lahat ng kakilala ko gumagastos para lang macontact ako. Eto naman iba na.. pumunta pa ng korea si Ate Kendi para lang kausapin ako.. ganun din ung ginawa ni Kenji eh. Hinde ko na alam ang dapat kong gawin. Mali ba ako? mali ba yung desisyon kong pumunta dito?

After an hour nag ring na yung cell phone ko. number lang yung lumabas so malaki ang possibility na si Ate Kendi na nga yun.

Sinagot ko yung tawag niya.Nung narinig ko na yung boses niya kinabahan ako bigla. Gusto niya raw kami mag meet sa Park Seoul Hotel.. bakit dun pa? Nagbihis na ako ng pang alis at nagpahatid na ko sa hotel. On the way pa lang iniisip ko na yung mga itatanong niya sa akin.

Si Kenji kasi walang laban kay Ate Kendi, ano pa kaya ako? Pati tuloy ako natatakot na. Ayoko na tuloy pumunta dun. Kinakain ako ng kaba at takot. Hinde ko alam kung paano ko siya haharapin, paano ko siya kakausapin..

Pagkadating ko sa hotel nakita ko na kaagad siya sa may lobby. Tumayo siya once na nakita niya ako. tinanggal niya yung suot niyang shades tapos nag smile sa akin. Kamukha niya si Kenji.. >.<

Lumapit siya sa akin tapos nag smile. Nag bow ako sa kanya.

Sa may coffee shop lang kami ng hotel maguusap. Nakaupo lang siya habang iniinom yung tea na inorder niya.

“I must say that your hotel is one of the best hotels here in Seoul.”

“Thank you po..”

Pano niya nalaman na amin yung hotel? Wala nga akong sinasabihan masyado tungkol sa sarili ko eh. Kahit kay Kenji hinde ko nasabi yun. Yung mga ginawa ko dati, kung ano ung status ko dito sa korea at yung family background ko. As much as possible, gusto kong maging low profile.

Nagkwento siya tungkol sa gagawin niyang business trip at dahil daw nalaman niyang nandito ako sa korea, inuna na niya to. Medyo nawala ung kaba ko dahil hinde pa sinasabi yung pangalang Kenji.

“Oo nga pala.. birthday ngayon ni Kenji.. alam mo ba un?” nag nod ako. “Hinde nga niya ata alam na birthday niya ngayon eh.. Ewan ko ba.. isang araw bigla na lang umuwi sa bahay yun.. may sugat at pasa sa mukha.”

Tss. Malamang. Gangster yun eh. Wag ka ng magtaka kung isang araw puro sugat at bugbog yung mukha nun. Teka. Si Lucas rin.. nakita ko isang beses may sugat sa may bibig.. pero hinde ko lang pinansin.. nagaray kaya sila? Pero bakit hinde niya sinabi sa akin?

“Hinde ko alam kung ano na naman nangyayari dun sa batang yun! Minsan gusto ko na ngang bugbugin yun dahil hinde tumitino eh! Pero ang bait naman pag dating sayo..”

Sa tono ng pagsaalita ni Ate Kendi, halatang hinde niya pa alam yung nangyari sa amin ni Kenji. Hinde niya pa alam na wala na kami.

“Ate.. wala na kami ni Kenji eh. Hinde talaga nagwork eh.. wag na lang natin ipilit..”

Nagnod niya, “Alam ko. kaya nga ako nandito eh. Hinde kasi expressive na tao yung kapatid ko, kaya ako na lang ang magsasalita para sa kanya.”

“Magsasalita?”

“Sasabihin ko sayo ang mga nangyayari sa kanya simula nung umuwi siya ng bahay. Buong buhay ko, simula nung nagsschool na si Kenji, dalawang beses ko pa lang siya nakitang umiyak. Una nung namatay yung alaga niyang aso. Yung pangalawa, last week lang.”

“Last week..?”

Nagnod siya, “Oo. Nung umuwi siya ng bahay. Tulala pa siya nun tapos may hawakhawak siya. dumiretso pa siya sa living room tapos dun, tulala siya. nagulat na lang ako nung tumabi ako sa kanya, pag harap niya sa akin bigla siya umiyak. Hinde ko alam kung bakit.. pero malakas yung kutob ko na may kinalaman ka dun.”

23? Nagkita nga ata kami nung araw na yun.. dun ko rin nakausap si Abi.. pero bakit siya umiyak? Hinde ba yung last niyang sinabi sa akin ‘bakit buhay ka pa?’ ano bang nakakiyak dun? Dapat ako yung maiiyak ha. Gusto na naman niya na siya yung lumabas na kawawa? Sige, siya na.

“Simula nun hinde na siya lumalabas ng kwarto niya.. hinde rin siya kumakain. Tuwing pupunta ako ng kwarto niya tulala lang siya, tapos hawak niya pa rin yung bagay na hawak niya nung gabing umuwi siya. Tapos biglang kinausap niya ako, sabi niya gusto raw niyang pumunta ng korea kaya ibili ko raw siya ng ticket.. pumunta siya kinabukasan pero nung araw ring yun, umuwi siya ng lasing.”

“Sorry.. hinde ko siya pinuntahan nun..” nag nod siya, “Sorry po talaga..”

“Simula nung araw na yun, hinde na siya nag sasalita.. umiinom lang siya. halos gawin niya na ngang tubig yung beer eh. Ang nakakatawa nga lang.. hinde siya nalalasing. Malaki talaga space ng tiyan nun pag dating sa alak.” tapos natawa si Ate Kendi. “Athena.. ayaw kitang konsensyahin.. ikaw parin ang may karapatan mag desisyon para sa sarili mo.. pero, hinde mo pa ba napapansin na mahal na mahal ka ng kapatid ko? Naiintindihan kong natatakot kang masaktan mo siya balang araw.. pero hinde ba mas makakagaan para sayo kung dalawa kayo ni Kenji yung lumalaban?”

Napaisip na naman ako. Bakit ko nga ba to ginagawa? Sinasabi kong para kay Kenji rin to, pero ang totoo natatakot lang akong masaktan. Natatakot lang ako na baka mag sawa sa akin si Kenji at bigla na niya akong iwanan. Lumalabas tuloy na hinde ako naniniwala sa kanya. Hinde nga ako nakokonsensya.. pero bakit parang nasasaktan naman ako sa mga ginagawa ko?

“Nasan po ba si Kenji?”

“Nasa bahay. Kung wala sa bahay, pakalat kalat lang yung sa labas. Athena.. pwede mo kaming lokohin at sabihin mong hinde mo na mahal si Kenji.. pero hinding hinde mo maloloko ang sarili mo.. Kung ako ikaw, susundin ko yung puso ko.. susundin ko yung gusto kong mangyari..” Ang gusto kong mangyari.. ano nga ba ang gusto kong mangyari? “sige, mauna na ako. may pupuntahan pa kasi ako eh.”

Tumayo siya tapos umalis na. umuwi na rin ako ng bahay.

Hinde ko na naman mapigilan ang magisip. Ano nga bang gusto ko? ano ba ang dapat kong sundin? Dapat ba talagang pangunahan ako ng takot?

“Athena.. uuwi na ako sa pinas bukas. Sasamahan ka muna dito ni Carlo, hinde ka kasi pwedeng iwanan magisa pero pagpasukan na nila si mom na kasama mo dito, ok?” nagnod ako. “Hinde ko kasi matiis si Grace eh.. Sige yun lang.”

Lumabas na siya tapos sinara niya yung pinto ng room ko. Uuwi na siya bukas.. ano bang plan ko? uuwi na rin ba ako? pero.. natatakot parin akong harapin si Kenji. Gusto ko siyang makausap pero natatakot ako.. Pero.. walang patutunguhan yung takot ko.

---------------------------------------------


“Ate tara na.” hinila ako ni Carlo papasok ng bahay.

Pagpasok namin bigla kaming sinurprise nila Sara. Si Lucas yung unang sumalubong sa akin.

Nag smile siya tapos niyakap niya ako. “Welcome back..”

Nung tiningnan ko yung mukha niya, nakita kong may pasa at sugat na naman siya. nagiging hobby na ba niya ang pakikipag away?? Hinawakan ko yung part na may pasa tapos bigla siyang umaray.

“Yan. Makipag away ka pa! Sa susunod ako na sasapak sayo!” hinila ko siya para maupo sa may sofa.

“Aba! Umuwi ka lang galing Korea naging sweet ka na bigla!” sabi naman ni Jigs.

Pagtingin ko sa mukha ni Jigs may pasa rin siya. Hinanap ko si Kirby at nung nakita ko siya, nakita kong may sugat rin siya sa may labi. Trend na ba ngayon ang may mark sa mukha??

“Bakit pati kayo meron?? Nag away ba kayong tatlo??” sabay sabay silang yumuko.

Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ung first aid kit ko. Pinaupo ko rin sila Jigs at Kirby para magamot yung sugat nila.

“Kayo talaga! Wag na nga kayong makipag away!!” sabay diin sa sugat ni Lucas.

“Aray!! Bakit sakin mo binubuhos yung inis mo samin tatlo?? Pati rin dapat sila!!” natawa na lang kami.

“Athena, I cooked something for you guys to eat. Have you eaten dinner?” lahat sila umiling.

Ako yung tinatanong diba?? Pati.. Ano ba yan!! 11pm na hinde pa rin sila kumakain ng dinner? Magaling.. magaling. Lahat sila nagpunta na sa may dining table para kumain. Naiwan kaming dalawa ni Lucas. Nagusap kami tungkol sa napagusapan namin ni Ate Kendi. Maya maya biglang may nag door bell. Si Carlo yung lumabas para tingnan kung sino yun.

“Ate.. Si..” napayuko siya bigla tapos napatngin sa gilid niya. Tapos may biglang pumasok na lalaking naka jacket

“Athena..” nanlaki yung mata niya nung nakita niya ako.

HILING – NOW PLAYING

Napatayo ako bigla. Pagkita ko sa kanya puro sugat yung mukha niya. nakita ko rin yung kamay niya may sugat. Bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko. Hinde ako makagalaw, hinde ako makapag salita. Para akong naging bato nung nakita ko siya. Feeling ko kaming dalawa lang yung nag eexist nung time na yun. Si Kenji..

“Athena…” dahan dahan siyang nag lakad

“Wag kang lalapit.. dyan ka lang..” huminto siya bigla

Hinde ko maipinta yung mukha niya.. parang hinde siya makapaniwala na nakita niya ako. habang nakatingin ako sa mga mata niya, napansin kong medyo teary eyed siya.. dahan dahan nag form ng smile yung mga labi niya.. tapos biglang tumulo yung luha niya

“Akala ko nananaginip parin ako..Kanina kasi nakakita ako ng isang babae.. akala ko ikaw na yun.. tapos bigla akong sinugod ng anim na lalaki.. pag harap nung babae.. iba mukha. Pinag sasasapak nila ako.. hinde nga ako naka ganti eh.. pero.. dumating bigla yung three musketeers ko. Wag kang magalala hinde ako nasaktan.. mali.. masakit.. oo masakit.. pero hinde ko iniisip yung sakit.. kasi ang iniisip ko.. babalik ka.” Biglang tumulo yung luha ko.

“Kenji, bumalik ka na lang bukas. Pagod na si Athena eh. Kelangan na niyang mag pahinga..” sabi ni Kuya Nathan kay Kenji habang hinihila niya siya palabas

Hinde ko na halos napansin yung mga tao sa paligid ko. Hinde ko namalayang tumayo si Kuya para lang lapitan si Kenji. Huminto yung oras ko kay Kenji.

“Teka lang..ang dami kong gusting sabihin kay Athena..” tinanggal ni Kenji yung kamay ni kuya sa may braso niya, “Sa sobrang dami hinde ko alam kung saan ako mag sisimula.. siguro.. dapat mag sorry na muna ako noh? Athena.. Sorry.”

Lumuhod bigla si Kenji tapos yumuko. Lahat kami nagulat. Narinig ko yung mga bulungan nila. Umiiyak siya habang nakaluhod. Nilapitan siya nila Jigs para itayo pero pilit niyang tinatanggal yung mga hawak nila.

“Lasing ka lang paps.. tama na..”

“Alam kong ilang araw na akong umiinom.. pero hinde ako lasing. Hinde na ako nalalasing. Hinde ako magpapatalo sa kahinaan ko..kelangan kong maging malakas..” napatingin siya bigla sa akin, “Wala ka bang tiwala sakin Athena? Kahit kelan ba hinde ka naniwala sa mga sinasabi ko sayo?? Bakit Kelangan mong itago?? Bakit kelangan ako pa yung huling makaalam?”

Huling nakaalam? Ibig sabihin alam rin nila Jigs at Kirby yung tungkol sa akin?? Napatingin ako kay Jigs at Kirby tapos yumuko lang sila. Nag takip ako ng ibig habang umiiyak.

“Pakinggan mo siya.. This time, pakinggan mo lahat ng sasabihin niya.” bulong sa akin ni Lucas.

“Ang dami kong masamang nagawa sayo.. pero hinde ko kasi alam… hinde ko pa alam nun.. hinde ako nakinig sayo.. sa mga kaibigan ko.. pinauna ko pa yung galit..” tumigil siya saglit sa pag sasalita niya dahil tuloy tuloy yung pagiyak niya, “wala na akong pakialam kung nakakahiya yung ginagawa ko ngayon.. kahit pagtawanan pa ko ng mga tao habang buhay. Wala akong pakialam.. Athena, kahit mag mukha pa akong kawawa.. kahit maging sabit lang ako sa buhay mo.. ok lang.. basta hayaan mo lang ako sa tabi mo.. hinde ko na kasi kaya na wala ka.”

Napatingin ako kela Sara at Grace, umiiyak na rin sila. Tumingin naman ako sa parents ko, nag nod silang dalawa sa akin.. tapos nag punas ng luha.. nung napatingin naman ako kela Kuya, Jigs at Kirby nag nod din sila.

“Kenji, pwede akong mamatay dahil sa sakit ko anytime.. Ganun din, mawawala rin ako sa tabi mo. Ayokong masaktan ka..”

“Athena, ikamamatay ko pag sisinungaling at pag tataboy mo sa akin anytime.. Hinde ko hahayaang mawala ka pa sa tabi ko. Mas ayokong masaktan ka..” tumayo si Kenji sa pagkaluhod niya tapos dahan dahan nag lakad papalapit sa akin.

“Abi ga, saranghae?” tinanong ko siya [do you love Abi?]

Umiling siya, “Anyo.” Huminto siya bigla sa tapat ko.

“Saranghae?” nag nod siya bigla. Naiyak na naman ako, “..Saranghae?” [Do you love me? Do you love me?]

“Eung.. Saranghae.” Tapos bigla siyang bumagsak sa sahig. [I love you..]

Nagulat kaming lahat sa pagkahimatay niya. binuhat kaagad siya nila jigs papunta sa kwarto ko para dun siya ihiga. Lumabas na sila para ituloy yung pag kain nila. Ako naman kumuha ako ng basin na may water pati face towel. Nilinis ko yung muka ni Kenji. Pinunasan ko yung part na may sugat at pasa.

Dahan dahan kong nilagyan ng gamot yung mga sugat niya tapos nilagyan ng band-aid. Ang dami naming pinagdaanan, ang daming nangyari.. pero lahat ng mga yun.. lahat ng sakit.. lahat ng pagod.. worth it.

After 20 minutes nagising si Kenji. Nagulat siya nung nakita niya ako. napatingin siya sa paligid niya bago niya ako pansinin. Bumangon siya s pagkahiga niya tapos nag cover ng eyes nung tinaggal niya yung kamay niya naka pikit pa siya tapos unti unting idinilat yung mga mata niya.

“Athena? Gising ba talaga ako? Hinde ba ako nananaginip?”

Nagsmile ako sa kanya at hinawakan yung mukha niya, “hinde ka pala lasing ha! Tss. Sinungaling.”

“Akala ko kasi umalis ka ulit. Nanaginip ako.. umalis ka na naman daw.. hinde ako makapaniwala.. nandito ka parin..” tapos bigla niya akong niyakap. “Bumalik ka.. buti na lang bumalik ka..”

Niyakap ko rin siya, “Na wassuh.” [I’m back]

“Simula ngayon, dalawa tayong lalaban.. kung pagod ka na, ako ang lalaban para sayo.. wag ka ng matatakot. Hinde kita iiwan.. kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako.” hinawakan niya yung mukha ko tapos pinunasan yung luha ko, “ayoko ng iiyak ka.. hinde ka na pwedeng umiyak.. nasasaktan ako pag nakikita kang umiiyak.”

“But I’m happy right now.. hinde ko mapigilan.. Ang dami masyadong nangyari..”

“Oo.. buti na lang tapos na lahat.. Kasi tuwing nasasaktan ka, mas nasasaktan ako.”

“YA! I sacrificed a lot!!! How come you’re more hurt??”

He grinned at me, “Because I love you more than you love me!” Hinila niya ako sa may kama tapos pinahiga niya ako at niyakap. Ang tagal naming tong hinintay.. and tagal bago dumating kami sa ganitong situation. Ang daming nasaktan, ang daming nag alala.. “Thank you.. this is the best birthday gift I’ve ever received. Pero hinde pa dito nagtatapos ang lahat.. nag siimula pa lang tayo..”

Pero bakit parang wala lang yung nangyari sa amin?

“This feels so right..” I hugged him tightly.

Hinde ko na naisip yung pagiging amoy alak niya. Hinde siya si Kenji kung wala siyang pasa o sugat o bugbog sa mukha at katawan. Mas lalong hinde siya si Kenji kung wala yung amoy ng beer. I am still dating the Gangster.

“I could hold you forever..” Then he kissed me.

I’m choosing this. I am following my heart. This is what I really want. To be beside him, to be needed by him and to be loved by him.

“I love you..” we both said


Chapter FORTY NINE

AFTER TWO YEARS

Hinde ako makapaniwala na suot suot ko tong gown na to.. Ang dami nga talagang nangyari. Nandito ako sa hotel ngayon. Inaayusan ako, inaasikaso, inaalagaan ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko aakalaing aabot ako sa araw na to. Para akong nananaginip ng gising.

Tumayo ako para tingnan yung itsura ko ngayon.

“Wow~ Yeppuda.. nomu yeppuh!!” sabi sa akin ni Mommy JiNi, “Bagay talaga sayo yang gown na yan.. hinde na ko makapag intay pag nakita ka ni Kenji! Hinde rin ako makapag hintay sa mangyayari mamaya!! Ahhh!! Jjinja!!! Ippeo!!” inabot sa akin ni Mommy [Beautiful.. so beautiful!! Really!! Pretty!!]

“Komawoyo omonim” Nag smile ako kay Mommy JiNi.  [Thanks, mom.]

Parang hinde siya makapaniwala na nakikita niya ako na nakausot ng gown ngayon. OMG! Kahit ako!! hinde rin ako makapaniwala! I mean.. oo nakapag suot naman ako ng gown, and marami rin nakakita nun, pero iba to eh.. Wedding to.

Hinde ko naimagine na dadating yung ganitong araw tapos suot suot ko tong magandang gown na to.. buong buhay ko hinde ako nakapag attend ng wedding dito sa philippines. Kaya excited ako! Sorry na! Sa US at Korea lang ako tumira, malamang hinde pa ako nakakapag attend ng wedding sa US sa korea naman, guest lang ako. and hinde ako nakapag gown sa kasal na yun!

Teka hinde naman sa ngayon lang ako nakapag suot ng gown.. first lang para sa isang wedding. Special pa tong wedding na to, kasi kung hinde dahil sa kanya.. wala na talaga kami ni Kenji. Kaya yun.

Eto pala feeling ng isang abay!! I’m sooooooooooo excited!! And I’m so happy for Ate Kendi! Kahit na para sa business yung kasal niya.. at least nakilala nila yung isa’t isa at ok naman yung kinalabasan! ^_^ They dated for 4 years so ang kinalabasan etong day na to! Im FRIKKEN EXCITED! I DON’T KNOW WHY!!!

“Omonim! What time’s the wedding ceremony?” napatingin siya sa akin habang naka smile tapos nanlaki yung mata niya at napatingin sa relo

“OMO!!! We have… 15 minutes left!!! Athena ya, is Kenji already done??? If not, then I will ask the driver to wait for you! Your abonim and I will go na to the church. Nakalumutan kong kelangan maaga pala kami dun! Naexcite ako masyado sa suot mo eh.” Inayos niya ulit yung buhok ko, “Sige, mauna na kami.” [Abonim – father; omonim – mother]

“Sige po..” tapos nag bow ako sa kanya.

Pag kalabas ni mommy pumunta na ako sa kwarto namin ni Kenji. Pagpasok ko hinanap ko kaagad si Kenji pero wala siya. Tiningnan ko kung nasa isang kwarto siya, pero wala pa rin.

“Kenji?” walang umagot, “KENJI!!!!”

“NASA BANYO!” sigaw niya bigla

Hinde pa rin siya tapos. Ano bang akala niya? Kasal niya to para magtagal siya??? -_-;;

“Jagiya~ Ppal li! We’re going to be late!” [Babe~ hurry up!]

“Teka saglit na lang!”

Pumasok ako sa kwarto ko para kunin yung purse ko. Narinig kong may bumukas ng door. Lumabas kaagad ako ng kwarto para tingnan kung bihis na si Kenji at tingnan kung ano na yung itsura niya.

Pareho kami ng color ng damit eh. I’m wearing blue and silver strapless gown.. tapos may beads, tapos hinde ko na alam kung paano pa idescribe ito because I’m in love with this dress!!! It’s so unexplainable!

Dahan dahan akong lumapit kay Kenji pero nakita ko siyang topless. O_O;;

Showing off his muscles again, eh? Kahit na mag one year na kaming nagsasama sa isang bahay hinde ko pa rin mapigilan mapa smile tuwing nakikita ko yung katawan niya.. I feel like I’m a pervert~ >_<

Pinapanood ko siyang mag suot ng white shirt, yes, I love it when he’s putting on his shirt. Ya~ This is kinda embarrassing. Sinuot na rin niya yung blue na long sleeves. Nung nabutton na niya yung long sleeves kinuha niya yung tie sa may kama tapos  sinubukan niyang ilagay. Mukhang na ffrustrate na siya kakalagay nung tie, pero hinde nya talaga magawa. Kinuha na lang niya yung coat niya tapos tsaka tinuloy yung pag lalagay nung tie habang naglalakad

Nilapitan ko na siya tapos nabangga niya ako. So insensitive. Hinde niya nafeel yung presence ko!

“Hinde ko malagay eh.. hinde ako marunong.” Nag smile siya sa akin

“Napansin ko nga eh.” I smiled back

Hinawakan ko yung neck tie niya. Binitawan niya ito at hinayaan na ako yung mag kabit sa kanya. Nararamdaman ko yung titig niya sa akin. Nung natapos na ko bigla niya akong niyakap.

“Hinde ko talaga alam gagawin ko pag wala ka sa tabi ko..” Nagdrama na naman ang magaling kong Kenji.

“Para kang sira! Pagkabit lang ng neck tie eh.. Tara na. Malalate na kaya tayo! Omonim and Abonim already went to the church. Sumunod na lang daw tayo.” Nakatingin pa rin siya sa akin. “Jagiya?”

“Ang ganda mo ngayon..” tapos nag smile siya, “Baka ma-in love na naman sayo si Lucas..”

Bumulong ba siya? Bakit parang hinde masyadong malinaw yung pagkasabi niya? Pero parang narinig ko yung pangalan ni Lucas.. Ano meron kay Lucas???

“May sinabi ka ba?”

Umiling lang siya tapos hinawakan yung kamay ko, “Tara na.”

Lumabas na kami ng kwarto tapos bumaba na sa may lobby. Nakita namin yung driver nila sa may labas ng hotel. Hinatid niya kami sa may church kung saan gaganapin yung kasal. Ang dami ng tao. Nakita ko na yung family ko kaya sa kanila ako dumiretso.

“Athena ya~ I missed you~” tapos niyakap ako ng mom ko, “You look so pretty today!”

“Mom.. Thank you..”

“For what?”

“For everything.. for making me stay with Kenji.. for treating me as your own daughter..”

Tapos nag drama na rin si Mommy. Umiyak pa!

“Ya! Babo! You’re not the one who’s gonna get married!!!”

napatingin ako kay Carlo at Kuya, “Oppa.. dongseng…”

Tapos tumawa silang lahat. Tuwing nakikita ko kasi parents ko hinde ko mapigilang hinde mag drama! Ang dami nilang ginawa para sa akin! Tapos ako simpleng request lang nila hinde ko pa magawa!!

“Athena, lagi mong ingatan sarili mo, ok? Sumunod ka kay Kenji. Sinabi ko sa kanya yung mga dapat at hinde dapat kaya ikaw, wag kang pasaway.” Niyakap ko yung dad ko.

Alam kong kahit ayaw niya yung pag sasama namin ni Kenji sa iisang bahay, pumayag pa rin siya. Alam daw kasi niyang mabait si Kenji at alam niyang hinde niya ako pababayaan. Naging madramang araw pa yun para sa amin kasi dalaga na raw talaga ako. Kahit si Kenji nung time na yun hinde napigilan.. hinde nga lang siya umiyak.

Nung dumating sila Jigs nag usap usap na kami. Sinasabi pa nila na kami na raw ni Kenji yung susunod na ikakasal. Si Lucas naman ganun pa rin. Hinde pa rin sya nag babago. Tahimik, pero pag nasa mood, makikipag biruan na.

Hinde ako sigurado.. pero parang.. naguiguilty ako. Wala namang dapat ika-guilty pero, parang ang sama lang ng ginawa ko sa kanya. Kahit wala siyang sinasabi sa akin..alam kong nasaktan ko siya.. Ano ba yan..  lumalabas tuloy na ang kapal ng mukha ko kasi feeling ko sakin umiikot ang mundo.

Lucas.. mianhae.. [im sorry]

Nag simula na yung ceremony. Si Kenji siyempre yung partner ko. Together forever eh. Habang on-going yung ceremony napapansin kong laging tumitingin sa akin si Kenji tapos ngingiti. Bakit parang may naffeel ako..?

Nako bahala na nga. Hinde naman niya pwedeng itago sakin yun kasi nasa iisang bahay lang kaming dalawa.

Ang weird ba kasi naka tira na kami sa isang bahay? Ewan ko rin kung bakit ako pumayag. Siguro hinde ko na rin kaya pang mawala siya sa tabi ko. Gusto ko kasi yung feeling na nasa tabi ko lang siya, tapos palagi ko siyang nakikita.

Obsessed ba? Parang ganun na nga.. pero kasi life is short. Hinde natin alam kung kelan, alamniyona. Possessive? Hinde naman pwedeng possessive kasi mabait naman akong girlfriend. Hinde ko siya pinipigilan kung gusto niyang lumabas kasama ng friends niya, o kung gusto niyang mapag isa. Basta ang usapan lang, uuwi siya ng bahay.

Hinde na kami nagaaway. Ok ayoko mag sinungaling, nag aaway kami pero sobrang babaw! Pagtatalunan naming yung pinaka maliit na bagay like kung anong movie ang papanoorin, kung anong channel ng tv, music, pati yung pag patay ng ilaw! Ganun lang talaga.. part yun ng buhay namin sa iisang bahay. Kaya pinadala ko yung tv at dvd player ko para hinde kami nagtatalo! Dinala ko rin yung sarili kong computer pati laptop sa bahay niya para hinde kami nag tatalo sa pag gamit.

Pero.. kahit na parang isip bata kaming dalawa.. Masaya kami. Kahit nag tatalo kami, kahit na minsan umuuwi siyang may pasa sa mukha o amoy beer, ok lang.. kasi Masaya kami. Hinde siya nakakalimot mag paalam sa akin pag aalis na siya o aalis siya. Pag ako naman ang aalis, hatid sundo ako. Pag 8:00 pm na at wala pa ko sa bahay, tatawag yan sa akin. Nakakairita? Hinde naman, kasi tuwing ginagawa niya yun, naffeel ko talaga yung love and care niya. Kaya minsan sinasadya ko na. Hinde ako mag paparamdam tapos pag 8 na kahit nasa tapat lang ako ng bahay, iintayin ko siyang tumawag.

Kilala rin ako ng friends niya, tuwing pupunta sila sa bahay lagi silang may dala para sa akin. Mababait naman sila, inaalagaan rin nila ako tuwing aalis kami kasama sila, tapos lagi rin nila akong kinakamusta. Sinasabi nila sa akin palagi na sobrang proud daw sa akin si Kenji. Puro ako daw yung kinukwento niya sa kanila, kung paano kami nag kakilala pati kung paano kami napunta sa ganitong stage. Sa dami daw ng pinag daanan naming dalawa, buti raw at walang nag give-up sa amin.

All in all, kahit na hinde kami kasal, alam kong magiging mabuti siyang asawa. Kung papapiliin ako ngayon, gusto ko na siya na yung maging husband ko. Gusto ko siya na. Pero hinde ako sigurado kung ganun din yung naffeel niya sa akin.. Hinde ako marunong magluto, maglinis ng bahay, mag laba, magplantsa.. wala akong masyadong magagawa para sa kanya.. pero sana, kuntento siya sa akin. Haay.. nag ddoubt na naman ako.

Hinde naman namin napag uusapan yung kasal dahil masyado pa kaming bata, although pwede na kami dahil nasa legal age na kaming dalawa. Yun nga lang, parang.. hinde pa kami ready sa ganung risk.

“You may now kiss the bride.” Sabi nung priest.

Napa smile ako tapos nag clap na lahat ng tao. Naiimagine ko kami ni Kenji kinakasal. Kahit simple lang, ok na ko dun.. ang gusto ko lang, siya yung groom.

Nagpicture taking na. sinama nila ako nung sinabing ‘family ng bride’ si Ate Kendi at mommy JiNi pa yung sumundo sa akin sa kinauupuan ko. Ang saya ng feeling, kasi… para pala sa kanila, part na rin ako ng family nila. Gusto ko sanang maiyak pero nakakahiya! Isipin pa nila na inaagawan ko ng eksena yung bride!

Sa reception, sa table kami ng family ko umupo. Si Kenji pati yung dad ko yung magkatabi, imbis na ako pati yung dad ko, siya pa yung tumabi! Kanina pa sila nag uusap halos parang nakalimutan na nga ako ni Kenji eh. Nung nagpaalam ako sa kanya para pumunta sa table nila Jigs umoo lang siya. Hinde ako sinamahan. Pffft. Ano ba pinag uusapan nilang dalawa?!

“Nandito na rin sa wakas yung isang Mrs. delos Reyes!” salubong sa akin ni Jigs

“Bakit si Kenji hinde mo kasama?” tumingin si Sara sa may table nung family ko, “Aba.. mukhang may seryoso silang pinag uusapan ha..”

“Kanina pa yan eh.. Hayaan mo na hehe. Minsan lang naman sila magkita eh.”

“Kayo Athena, kelan kasal?” tanong sa akin ni Lucas. Ngumiti lang ako sa kanya. nakita ko yung bakanteng upuan sa tabi niya at umupo dun. “Kamusta na? Parang ang tagal na nating hinde nagkita ha..”

“Oo nga eh.. nagkikita naman tayo sa school..”

“Ang ganda mo ngayon.” Tapos natawa siya bigla, “may igaganda ka pa pala.”

“Nagsisise ka ba?”

“Oo! Tama ka! Hahaha.” Natawa na lang kami pareho

Niyakap ko si Lucas. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. Hinde ko rin alam kung bakit ko siya niyakap.. bigla ko na lang yun ginawa ng hinde nagiisip.. siguro yun lang rin kasi yung pupwede kong gawin para sa kanya.

Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko. “Mianhae.. jungmal mianhae..  mianada..” [sorry.. im really sorry.. im sorry..]

Natapos na rin yung ‘program’ kaya nagsasayawan na yung mga tao. Ako, si Lucas at Kenji na lang yung natitira sa table kasi yung tatlong lovers sumasayaw na! Nag uusap si Kenji at Lucas tungkol sa dota! Ilang taon na ang naalipas at dota parin ang iniisip nila!! Godddddd!

“Lucas isayaw mo naman si Athena.” Napatingin kami n Lucas kay Kenji. Ngumiti siya sa amin, “sige na. minsan lang naman eh.”

“Wag na. Hinde rin naman ako marunong sumayaw sa mga ganyang tugtog eh.” Hinde raw.. eh nung birthday ni Ate Kendi sinayaw mo ko nun! Liar.

“Wag mo nga akong lokohin. Sige na.”

Ngumiti si Lucas tapos napatingin siya sa akin. Tumayo siya tapos inoffer niya sa akin yung makay niya. Napatingin muna ulit ako kay Kenji tapos nag nod siya. hinawakan ko yung kamay ni Lucas at tumayo na. pumunta na kami sa dance floor, nilagay niya sa waist ko yung dalawang kamay niya, nilagay ko naman sa may neck yung akin.

Ang awkward nung feeling.. si Kenji kasi parang sira eh. Kung gusto namang sumayaw ni Lucas sasabihn niya sa kaagad, eh pinilit niya eh!! Hanggang sa matapos tuloy yung song hinde kami nag usap!

“Halika sandali lang.” hinila ako ni Lucas papunta kay Kenji. “alam ko naman na song niyo yan eh. Binabalik ko na siya sayo..”

Omg. Pano niya nalaman yung Tattooed On My Mind?? I mean pano niya nalaan na.. sinabi k okay Kenji na kanta ko sa kanya yun!! Yun kasi yung first song na sinayaw namin na slow.. tapos sinabi ko sa kanya na kanta ko sa kanya yun! Waah.

Hinawakan ni Kenji yung kamay ko at pumunta kami sa may dance floor. Katulad rin ng position namin ni Lucas kanina pero parang nakahug na kami. Hinde siya nag sasalita. Hnde rin siya nakatingin sa akin.. parang may gumugulo sa isip niya..

“Jagiya?” hinde parin siya umiimik, “Ya Kenji.”

Napatingin siya sa akin, “Huh?”

“May problema ka ba? Kanina ka pa tulala eh..”

“Napapaisip lang ako..” tapos nag smile siya ng konti, “pano kaya kung kinalaban ako ni Lucas at hinde ka niya binigay sa akin..? Nakita ko kayo kanina naka yapak.. parang, ang daming feelings at emotions.. tapos nung sumasayaw kayong dalawa.. parang mas bagay kayo..”

Napatingin ako sa mga mata niya. ang seryoso niya masyado.. is he.. jealous? Wala naman siyang dapat ikaselos eh! I chose him! I chose to be with him.. I’M EVEN LIVING WITH HIM! Ano pa ba ang kulang? Dedicated na halos yung buhay ko sa kanya..

“Stop saying that.. are you jealous?”

“Ewan.. parang.. siguro.. ata.. Alam ko kasi na gusto mo siya dati eh..” Alam niya?!

Sobrang tinago ko yun.. pero pano niya nalaman? Did Sara tell him?? Was I that obvious that time?? Nakalagay lang yun sa diary ko sa laptop eh.. nabasa niya kaya? Kelangan ko tuloy mag explain sa kanya. Kelangan niya malaman sakin na siya talaga gusto ko.

“Alam mo, kahit na gusto ko pa siya hinde na pwede. Ikaw ang kasama ko ngayon.. you’re the one I love. I chose to be with you. Like what I’ve said to TaeSung oppa 3 years ago, this is where I’m supposed to be, with you. So stop saying weird things about me and Lucas looking good together. Yes, I did like him but even if I still do, we can’t still be together because he’s not the one I love. You get it?”

“Hinde eh. Hinde ko parin mantindihan. Kahit gusto kong intindihin, hinde ko talaga kaya.”

This is unbelievable! We’re living in the same house, we sometimes use the same bed! Ano bang hinde niya maintindihan?? Minus the six months of break up, we’ve been together for 30 months! THIRTY MONTHS, YOU KNOW? Now why is he acting strange? Is he dumping me??

Not wanting to hear what he’s going to say next, I decided to let it go.

“You’re impossible. Let’s not talk anymore, yeah?”

“Sa tingin ko dapat mag—”

“Enough. Enough..” tinanggal ko yung kamay niya sa waist ko, “I’m tired..”

Tumalikod na ako sa kanya tapos nag simulang maglakad. Omg. He is going to break up with me!! Bakit ba biglaan?? What did I do?? Did I make him mad again? Was he that upset because I hugged Lucas??

“Hinde pa ko tapos mag salita. Dyan ka lang..” sumigaw siya bigla.

I stopped because he said so. Still not facing him, I answered, “Then say it.”

“Ngayon na? Madaming tao.. hinde ba pwedeng.. sa kwarto na lang tayo mag usap ngayon?”

Is he stupid? Kahit na sabihin niya pa sa akin mamaya ngayon o bukas, ganun rin yun. Makikipag break siya kaya bakit pa kelangan patagalin?

“What for? If you’re not going to say it, then forget it. I’m leaving.”

“SA TINGIN KO DAPAT MAGPAKASAL NA RIN TAYO!”

Nabingi ata ako. Parang nasobrahan yung lakas nung music. Pero bakit parang nawala yung beat? Bakit nung narinig ko yung linyang yun, wala namang tugtog? Sinabi niya ba talaga yun?

Tiningnan ko yung paligid ko. Nakatingin sa akin yung mga tao. Narinig ko na yung mga bulong bulong nila. Omo. Sinabi niya talaga yun ng malakas?

Napalingon ako sa kanya. napahawak siya sa mukha niya tapos tinanggal niya rin kaagad yung kamay niya.

Omo. Sinabi niya nga yun. This is bad. Why did he have to say it that loud!!

Hinde ako makagalaw sa kinatatayuan ko. parang naka dikit na yung shoes ko sa sahig. Gusto ko mag react pero hinde ko alam ang sasabihin ko. Yayakapin ko ba siya? Kiss? Walk out? Moll! [I don’t know]

“YA!! N-n-n.. Nau.. Nau!!! Mo ra go?” [Y-y-y.. You… You!! What did you say?]

“Oori kyoulhon haja..” [Let's get married]

San niya nalaman yun?! Limited lang korean niya diba? San niya natutunan yung sinabi niya?? Napatingin ako sa parents ko. Nag nod yung dad ko tapos yung mom ko naman nag ok sign. Napatingin naman ako sa parents ni Kenji nag ok sign din yung mom niya!! Yung dad naman niya naka smile lang! Sila nag turo nito sa kanya!

Napatingin ulit ako kay Kenji. Ano ba to. Kanina lang dinidiscuss ko yung tungkol dito sa kasal na to. Hinde ko kasi alam kung ako na yung gusto niyang makasama habang buhay pero eto na yung sagot ko…

Hinde ba siya nabibigla?? Maraming pwedeng mangyari.. habang tumatagal pwede pa ulit akong manghina. May tinatago pa ko sa kanya.. handa na ba akong sabihin sa kanya ang lahat?

“ATHENA YAH! ANSWER HIM!” napatingin ako kay Sara. Tapos naka smile siya.

Sila Jigs, Lucas, Grace, Kirby Kuya Nathan at Carlo, pati sila sumisigaw na rin ng ‘sagutin mo na’. Alam rin nila to?? Ako lang ba talaga ang walang alam dito?? Wala sila kahit na isang hint na binigay sakin! Wala akong idea tugkol dito! Bakit ganun?? Ano sasabihin ko?

“Shiruh..?” tapos tumingin siya sa baba. “Kure. Dwaessuh.” [Don’t like? – Fine. Forget it.]

Tapos tumalikod na siya.

Ano yun!! Hinde pa nga ako nakakasagot eh! Ganun nab a siya ka impatient ngayon? Wala pa akong sinasabi! Did I say no already??? YA! YOU BABO! I WANNA GET MARRIED!! [babo = stupid/idiot]

“Arasso. Kyoulhon haja..” tapos tumingin ulit siya sa akin, “Kyoulhonhaja rago.” [let’s get married. I said let’s get married.]

“Ulitin mo nga ulit yung sinabi mo..” sabi ni Kenji habang nakatingin pa rin sa akin

Huminga ako ng malalim tapos nag smile at pasigaw kong sinabing, “I SAID LET’S GET MARRIED YOU BOOBY BIRD!”

Nagsmile siya bigla tapos lumapit siya sa akin at niyakap ako. Of course niyakap ko rin siya. Nagpalakpakan yung mga bisita. Tumingin kami sa paligid namin tapos nag bow sa kanila. Maya maya biglang tinanggal nila yung isang curtain tapos may picture namin ni Kenji. Tapos sa ilalim may nakalagay na ‘Engagement Party’.

Plinano nga nila to! Kaya pala excited si mommy JiNi kanina, at yung mom ko umiiyak nung nakita ako!! OMG. Ang galing nila mag tago! Akala ko ako lang ang magaling sa pagtatago, pati rin pala sila may talent dun! Grabe talaga. Hinde parin ako makapaniwala. Yun din ba pinaguusapan nila ng dad ko kanina?

“Wala ng bawian yan ah!” may kinuha siya sa bulsa niya, isang maliit na box.

Binuksan niya ito at may isang singing. Inilagay niya to sa ring finger ko. Nung tiningnan ko to ng malapitan may nakalagay na SL imbis na diamond.

“Bakit SL? Ikaw to eh!” tapos pinakita ko sa kanya yung kamay ko

“Kasi akin ka na.” nag evil smile siya bigla “Pag ikaw nag sinungaling ka ulit, patay ka sakin!!”

“Parampimyun..” nag evil smile din ako “Jookuh!!”  [If you cheat on me…. You’re dead!!]

Tapos biglang nag play yung ‘theme song’ naming dalawa. Ano pa ba? Edi yung first ever song na sinayaw namin. Yung song napinagsimula ng lahat. Na bawat game at kahit anong event na involve kami pinapatugtog un. Yung song na nag imbento kay Lovebabe at kay Sexylove.

----------------------------------


“Athena yah.. wake up.. You’ve been sleeping for 3 days already..  Are you not excited about your wedding? We have to go to the dressmaker for your wedding gown, did you forget? You better wake up now.. Umma’s waiting..”  naramdaman ko na may nag ayos ng buhok ko tapos may nagkiss sa akin sa cheek, “Kenji wants to talk to you. Don’t make him sad, ok?”

“Athena.. gumising ka na.. pag hinde ka gumising.. makikipag away ulit ako.. ayaw mo ng nakikipag away ako diba? Kaya bumangon ka na.. Pati diba.. gusto mo mag propose ako sayo ng maayos? Pag gising na pag gising mo, dadalhin kita sa magandang lugar, isusuot ko ulit yung singsing sa daliri mo tapos formal kong sasabihin yung ‘will you marry me’.. luluhod pa ko kung gusto mo.. pero may expiration date yun.. hanggang bukas na lang yun pwede..” hinawakan niya yun kamay ko tapos nilapit ito sa may bibig niya.

Nararamdaman ko yung pag hinga niya.. nararamdaman ko rin yung basa sa kamay ko. Umiiyaka ka na naman ba Kenji? Nasasaktan na naman ba kita? Am I making you sad again? I’m sorry..

“Jagiya.. will you marry me?” dumadami yung pagtulo ng luha ni Kenji sa kamay ko, “Pag dumilat ka promise luluhod ako.. kahit na isang oras pa kong lumuhod.. gumising ka lang..”

“YA! WAKE UP ALREADY!!! WAKE UP!!” Narinig ko boses ni Sara habang may nakahawak sa isang kamay ko tapos shineshake to. Sara ya.. I’m sorry..

Pag gising ko nakita ko na lang ang isang familiar na lugar. Meron na namang nakalagay sa may muka ko na sinasakop ang bibig at ilong ko. Nasan na sila? Parents ko? Si Sara si Kuya Nathan pati si Carlo? Nasan sila Grace, Jigs, Kirby at Lucas? Yung family ni Kenji?

Three months na ang nakalipas since nung wedding at engagement party diba? Anong oras na ba? Anong date na ngayon? Napatingin ako sa may clock, 2:27 pm, November 23. Ang huling check ko ng date November 19 pa. Naaalala ko nag kukulitan pa kami ni Kenji nun tapos hinde ko na alam yung nangyari. Ang latest na lang na naaalala ko ay yung panaginip ko.

Gustong bumangon ng katawan ko pero hinde ko kaya. Nakita ko si Sara at Grace. Nag smile sila sa akin tapos nag wave. Tinaas ko ng konti yung right hand ko para mag wave. Nawala si Sara saglit tapos nung bumalik siya nakita ko na silang lahat.

Napatingin ako sa left side ko at nakita si Kenji.. nakapatong yung ulo nya sa bed na hinihigaan ko. Hinawakan ko yung kamay niya. Nagising siya sa pag hawak ko. Nung nakita niya ako bigla siyang nag smile. Parang gulat siya dahil gising na ko.

“Teka, tatawagin ko lang sila. Sabihin ko gising ka na.” patayo na sana siya pero hinigpitan ko yung pag hawak sa kamay niya at dahan dahang umiling at binitawan yung kamay niya.

Inangat niya yung upper part ng bed ko para medyo naka upo ako. Napatingin siya sa kanila. Tapos sinara ng dad namin yung room divider.

Tumingin siya ulit sa akin, nagsmile siya tapos hinawakan niya yung kamay ko. Hinigpitan niya ang pag hawak na para bang ayaw na niyang bitawanan pa ito. Dahan dahan niyang inangat at hinalikan ang kamay ko.

Tumulo yung luha niya.

“Ss.. so.. so.. sorry..” binigay ko lahat ng lakas ko para lang masabi iyon. Pero mukhang hinde niya ito narinig. Nakatingin lang siya sa akin habang patuloy na tumutulo yung luha niya. “Sorry.. sorry..”

Nag nod siya. Pumikit siya habang patuloy parin ang kanyang pag iyak. Hinde ko rin napigilan yung sarili ko. Nagsimula na ring tumulo yung luha ko. nung nakita niyang umiiyak na ko, inulit ko ulit yung sinabi ko sa kanya kanikanina lang, “Sorry..”

Tumayo siya tapos pinunasan niya yung luha ko, habang nakahawak siya sa mukha ko nag smile siya, “Ok lang..”

Lumapit siya sa akin para yakapin niya ako. Ganun lang yung pwesto naming dalawa habang umiiyak. Paulit ulit niya pa rin sinasabing ‘ok lang’.

Ang dami kong gustong sabihin, ikwento, itanong.. pero wala pa ako masyadong lakas para magsalita. Gusto ko na rin lumabas ng hospital. Gusto ko ng asikasuhin yung kasal namin. Gusto ko ng magawa yung wedding gown ko.. Gusto kong mayakap si Kenji at sabihing mahal ko siya kahit araw araw ko pang gawin yun..

Gusto ko ikwento sa kanya yung napanaginipan ko.. hinde raw ako makagalaw at maka dilat. Kinakausap nila ako.. pero hinde ako sumasagot.. kahit na gusto kong sumagot at makita sila. Gusto ko rin sigawan si Carlo dahil mababa nakuha niyang grade sa Math exam niya. Gusto ko rin pagalitan si Kuya Nathan dahil hinayaan niyang umiyak si Grace dahil sa akin.. Gusto ko rin mag sorry sa parents ko dahil palagi ko silang pinag aalala..Ang dami kong gustong gawin. Pero masyadong mahina talaga katawan ko..

“Wag muna ngayon.. please? Sasabihin ko naman kung pwede na eh.. wag lang muna ngayon.. Hinde pa ako handa.. hinde pa kami handa..” narinig ko yung mabigat na paghinga niya tapos bigla na naman siyang nag breakdown


“Mahal na mahal kita.. wag mo muna akong iwanan, please.”



ITUTULOY