Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [36]






Nung nakita ko si Carlo parang medyo na lungkot ako. Akala ko kasi si Kenji yung makikita kong surprise ni mom since ang alam niya hinde makakapunta kaya isusurprise ako.. false alert.

“YA!!!” nilapitan ko siya tapos hinampas ko siya sa may braso, “Why are you here?!?!? I thought you’re gonna spend Christmas with your family??”

“Aray!!” tapos hawak hawak niya yung part nungbraso niyang hinampas ko, “sabi ni Tita Andrea dito daw kami mag pasko eh.. dalhin ko raw yung family ko.”

“Tita Andrea?? Who’s Tita Adnrea??” Andrea.. He calls mom, tita.. her names Yoo Min but wait.. her english name is ANDREA!! “My mom?!”

Nag nod si Carlo, “tinawagan niya ko sa cellphone kanina. Nagulat nga ako eh. TAGALOG! Tapos diretso mag salita.. hinde ko nga nabosesan eh.”

Tumawag pala si mommy kay Carlo. Kaya pala ang laki ng ngiti kanina. Tss. Isang beses pa lang silang nagkikita ng personal eh. madalas sa webcam lang pero akala mo ang tagal tagal na mag kakilala. They like him. Everyone does.

“ADEUL!!!!” napatingin kami ni Carlo kay mommy. [son]

“Ano daw? / Adeul?” sabay naming sinabi ni Carlo.

Tumingin ako sa kanya, “Son.”

Nag smile si Carlo tapos nag kiss kay mommy. “Tita, bogoshipda!” tapos hinug ni Carlo si mommy. Ano daw?! I missed you? Kelan niya pa natutunan yung word na yun? Wow. Close nga sila. adeul na nga, kumiss pa tapos ngayon nag Korean na.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Pumasok na kami sa loob ng bahay pag ka pasok nung mga kasama ni Carlo. Siyempre pinakilala niya kami sa kanila. Masaya raw sila at kami yung kumuha ng responsibilidad kay Carlo. Sinabi pa nila na hinde naman daw namin kelangan gastusan si Carlo eh, sila na lang daw bahala sa financial support. Ang kelangan lang daw ni Carlo yung makakasama sa bahay. Siyempre etong si inay gustong tumulong. Ok lang daw kahit siya na yung magpaaral kay Carlo. Alam naman daw kasi niyang mabait na bata siya. Sayangdaw at hinde pwede maampon si Carlo since may family pa siya na pwedeng mag alaga sa kanya. Pfft.

Sorry Oppa. You’re going to be dethroned twice. I feel bad for you.

Inexcuse ko yun sarili ko sa kanila at hinanap si Kirby. Nung nakita ko na siya aba may kasama ng babae. Hinde ko na siya nilapitan kaya umupo na lang ako sa may sofa. Nag-iisa na naman ako. naaalala ko na naman yung mga nakita ko kanina. He’s the worst, isn’t he? Psh.

“Ya! Why are you alone??” napatingin ako sa may right side ko tapos nakita ko si Sara, “Missed me?”

Naka color green siya na top tapos naka leggings. Nag smile siya tapos lumapit sa akin. Hinug niya ako tapos nung bumitaw siya tiningnan niya ako from head to toe.

“Why?” tanong ko

“Why did you wear yellow? You should’ve worn your green dress!!”

“Bakit? Para terno tayo?”

“Of course! Ay oo nga pala! may nag hahanap sayo kanina pa!” hinila niya ako papunta sa may garden kung saan nagstastay yung ibang bisita. “Sang Won ah!!”

Biglang lumabas si Sang Won sa may ilalim nung table, “NUNA!!” tapos tumakbo siya at niyakap ako. [big sis]

“Wonnie~ give nuna a kiss!” tapos kiniss ako ni Sang Won, “chal ji ni?” [How have you been?]

Nag nod siya, “Ne. Chal ji ne sso yo. Nuh nyo?” [Yes. Im doing well. And you?]

“Hmm.. ku jo keu re yo..” [so-so]

Lumapit sa amin si Kirby tapos pinakilala namin si Sang Won. Nagulat si Sang Won dahil ang tangkad daw ni Kirby, gusto niya rin daw pag lumaki siya maging kasing tangkad ni si Kirby.

“Nuna! Yeogiyo.” May inabot sa aking makapal na brown envelope si Sang Won. [Here, big sis.]

“Igemoyeyo?” [What's this?]

“Letters. I’ve been writing to you but I don’t know how to send it..”

“Wow. Salamat Wonnie!” naka tingin lang siya sa akin, hinde siya umiimik. “Ya. Speak in Filipino. You’re here in the Philippines, remember?”

“Shiruh! Next time. Anyway, do you know Wonder Girls?? You know their song Tell Me?” I nodded, “I told the Kuya over there to play that song, he said he doesn’t know Tell Me and so I gave him the CD of Wonder Girls. He said he would play it later. Tch. I’ve been waiting and waiting and waiting but no Tell Me!!!” sinabi niya habang nakafold yung arms niya tapos naka simangot. [don’t like]

Binglang tumawa si Sara, “Favorite niya yun! Pano ba naman crush niya yung isang girl dun, yung rapper nung group. Tuwing magwewebcam kami laging yun yung background song niyan! Tapos minsan sumasayaw pa.” tumingin siya kay Sang Won, “YA! Are you gay!?”

“ANIYO!!!!!!!!!!” [NO!!]

Natawa ako sa magkapatid. Hinde na nga madalas magkasama pero nagtatalo pa rin! Humarap ako kay Kirby, “Pina-panood ko na sa inyo ni Lucas yung MV nun, yung sabi mo nakakatawa yung sayaw pero ginagaya mo!”

“AHH!!!” tapos naka point siya sa akin, “Yung ganito yung sayaw..” tapos dinemonstrate ni Kirby yung first step nung sayaw.

“Tama na. Ang bading mong tingnan. Oo yun nga!” biglang tumugtog yung song na Tell Me napatingin ako kay Sang Won, naka smile na siya sa akin.

Nag smile ako kay Sang Won, “I don’t like! I don’t know the steps! Ask Sara nuna instead.”

“Ano ka. Lagi mo ngang sinasayaw yan eh.” humarap siya kay Kirby, “Alam mo naman diba?”

Hinila nila kaming dalawa ni Kirby kung saan maluwag at wala masyadong tao tapos nag simula ng sumayaw silang magkapatid. Natawa na lang ako nung pati si Kirby sumasayaw na kaya wala akong choice kung hinde sumayaw rin. Karamihan nung tao nanonood sa amin tapos mga naka smile. Yung mga bata naman ginagaya na nila yung sayaw namin.

Ano ba tong nangyayari sa akin? Hinde naman ako mahilig sumayaw pero etong taon to ilang beses na ako napasayaw sa tapat ng madaming tao. Ngayon sa tapat naman ng family ko. My God. Bakit napaka bait sakin ng diyos ngayon?

Pagkatapos nung sayaw nag palakpakan yung mga tao. Nakita ko sila Oppa sa may left side, nag OK sign sa akin, nag smile lang ako habang umiiling. Napatingin ako sa right side ko para tingnan si Sang Won pero ibang tao yung nakita ko.. naka blue na collared shirt tapos jeans… si Kenji? Ano ba to. Ngayon nag hahallucinate na ko.

I closed my eyes then shook my head. I am just seeing things! That’s not Kenji. Impossible.

I slowly opened my eyes. I saw oppa talking to HIM. Wow. I AM SEEING THINGS!

“Is that Kenji or I’m just seeing a Kenji-look-a-like..? Wait. Did you invite him?”

I shook my head, “Maybe you invited him… you did right? You invited him.”

“Na aniya.” [it wasn’t me.]

Nagkatinginan kaming dalawa ni Sara, “Then who did?” tapos napatingin kaming dalawa kay Kirby.

“Bakit nandito si Kenji?” bigla niyang tinanong. Ibig sabihin hinde rin si Kirby yung nag invite kay Kenji.

Palapit ng palapit sila Kenji sa amin. Bumibilis rin tuloy yung tibok ng puso ko. Tinap ni Kirby yung balikat ko tapos tinuro yung table tapos nag punta sila dun.

Si oppa kaya nag invite sa kanya? Hinde naman kasi niya alam na hinde na kami eh.. baka akala niya kami pa kaya ininvite niya.. sabi ko naman sa kanila na hinde siya makakapunta kasi kelangan niyang mag celebrate kasama ng family niya eh.. bakit ba kasi.. sigh.

“Athena, kanina pa si Kenji dito eh, pinapanood kayo.”

Nag smile ako kay oppa, “Oppa, can you accompany him? Sang Won still wants to play with me.” then nag smile ako

“No. He’s your boyfriend. You should accompany him.” tapos nag smirk siya then iniwan sa akin si Kenji.

“Sorry. Hinde ko pa kasi nasasabi sa kanila eh.. Hinde mo naman kelangan pumunta dito eh.. Kumain ka na lang muna tapos ok lang kahit umuwi ka na.. ako na lang mage explain sa kanila.”

“Ano ka ba. Ok lang naman eh.. Hinde ko rin kayang tanggihan Mom mo eh. Tapos yung parents ko tumawag sakin tapos may binigay na address. Party daw yun, kaibigan nila from Korea.. Pag tingin ko nung address pareho nung binigay ng Mom mo. Galing noh?”

Nag nod ako tapos nag smile ng konti, “Tara. Puntahan natin sila Kirby at Sara.”

Umupo ako sa tabi ni Sara tapos si Kenji naman umupo sa tabi ko. napatingin ako sa kanya nung pagupo niya. “Ay. Bawal ba?” umiling na lang ako sa tanong niya.

Tahimik lang kaming apat. Nagaalinlangan na mag salita. Natatakot mag open ng topic.

Lumapit sa akin si Sang Won tapos humarap kay Kenji, “Nuguseyo?” [Who are you?]

“SangWon ah. Sabi ko diba mag tagalog ka? Hinde ka niya maiintindihan.”

“English then. Nuna, who is this hyung?” [nuna- bigsister; hyung- big brother. for guys]

“His name is Kenji. He’s my..” napatingin ako kay Kenji tapos nag smile ako sa kanya tapos balik ng tingin kay Sang Won, “chingu.” [chin-goo = friend]

“ASSA!” tapos napa clap si Sang Won, “I can marry nuna then! Nuna! You’re going to marry me ok? give me uhm.. 20 years! Ok??” [ALRIGHT!!]

Natawa kami nila Sara sa sinabi ni Sang Won. Pero yung itsura niya pa rin seryoso. “20 years?! YA! I’m already 17! I’m gonna be 37 after 20 years! I might be dead by that time Wonnie..”

Napatigil sa pag tawa si Sara at napatingin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin dahil alam kong bibigyan niya ako ng death glare.

Hinila ni Sang Won sa may buffet table para kumain sumama rin si Kirby sa kanilang dalawa kaya kaming dalawa ni Sara yung natira sa may table. Tuwing napapatingin ako kay Sara lagi siyang nakatingin sa akin. Halatang may gusto siyang sabihin sa akin pero nag hehesitate siyang mag salita.

“Nakita ko siya kaninang umaga.. kaya ok lang ako..” nakatingin parin siya sa akin hinde siya nag sasalita. “nagpunta kami ni Kirby sa bahay niya.. and guess what.. hehe. Nandun si Abigail.”

Nag nod lang si Sara sa sinabi ko tapos hinawakan niya yung kamay ko. siyempre sinubukan kong wag umiyak dahil ang weird naman kung iiyak ako eh ilang hours na lang at Christmas na. Nilapitan rin kami ni Carlo tapos tinanong niya kami kung bakit invited si Kenji. In-explain ko pa lahat kay Carlo para hinde siya masyadong ma-badtrip kay Kenji.

Nung bumalik na sila Kenji sa table binati niya si Carlo pero tiningnan lang siya ni Carlo. Hinde na lang pinansin ni Kenji yung nangyari kaya umupo na lang siya at kumain. Si Kirby at Sang Won naman nag bobonding, nag papaturo mag basketball si Sang Won kay Kirby dahil sa itsura pa lang daw ni Kirby halatang magaling siya mag basketball. Tss. Nakakita lang ng matangkad magaling na kaagad mag basketball. Pfft

Mabilis tumakbo yung oras. 30 minutes na lang, Christmas na. Biglang naging slow yung kanta, nakita ko parents ko sumasayaw. Tapos tinatawag ako. lumapit ako sa kanila tapos sinayaw ako ng dad ko

“Athena.. gusto ko lakasan mo yung loob mo ha.. wag mong iisipin na may sakit ka. Gawin mo yung mga gusto mong gawin, pero wag mo lang sosobrahan.. Yung makakastress sayo, iwasan mo na lang.. ha?”

“Opo. Dad.. sabi nung doctor baka daw i-consider yung surgery.. hinde ata tumatalab yung gamot ko eh..”

Narinig ko siyang nag sniff, “Gagawin ko lahat.. kung kinakailangan isuko ko pa lahat ng pinag hirapan ko gagawin ko gumaling ka lang..”

Tumigil ako sa pag sayaw tapos tiningnan ko yung daddy ko, umiiyak siya, “Dad naman eh! wag ka ngang umiyak! Gagawin ko rin ang lahat para gumaling ako!”

Sakto pag tapos ng sinabi ko natapos na yung kanta tapos dumating si mommy kasama si Kenji. Napatingin siya kay daddy tapos nag smile, “Stop crying you’re not a baby! Let’s give them some privacy first. They have to talk. I already told him.”

Nagulat ako sa sinabi ni mommy. “What did you tell him?” hinde niya sinagot yung tanong ko. nag smile lang siya tapos umalis na lang sila ni daddy.

Napatingin ako kay Kenji. Nagplay na yung song. Kung hinde ba namna talaga mabait yung destiny, Fall Again pa ni Glenn Lewis yung pinatugtog. Wala kaming choice kung hinde sumayaw. Ang awkward ng situation namin ngayon. Hinde kami nag uusap o kaya nag titinginan. Nag sasayaw lang talaga kami.

Gusto ko sanang mag start ng conversation pero hinde ko alam kung pano ko sisimulan. Hinde ko magawang itanong kung ano yung sinabi sa kanya ni mommy.. natatakot ako at baka alam na niya yung sakit ko.. ayokong maawa siya sa ako. Hinde ko rin masabing ‘kamusta ka na?’ kasi halata namang ok siya. Ang weird naman kung itatanong ko yung tungkol sa kanila ni Abigail. Amp! Konting pride naman para sa akin.. teka meron pa ba ako nun?

“Alam mo bang ang dami kong plano para sayo ngayon Christmas..” sinabi niya sa akin ng mahina.

Hinde ko pinansin yung mga sinabi niya. natatakot akong malaman.. natatakot ako na baka once na malaman ko.. hinde ko na naman siya kayang i-let go..

“Isa rin to sa mga plano ko.. yung makasama ka habang iniintay mag Christmas.. dapat nga susurprise pa kita ng flowers eh.. alam ko kasing matagal mo ng gustong gawin ko yun sayo..”

Eto na naman siya.. hinde na naman niya naiisip na pwede akong masaktan sa mga sinasabi niya ngayon.. sensitive na kung sensitve, pero nakakahinayang kasi eh..

“Gusto rin kita makasama buong araw ng Christmas.. gusto kong mag kasama tayo kahit saan.. kahit alam kong parang halos pasko na para sakin araw araw pag kasama kita..”

Bumitaw ako sa pagka hawak ko sa balikat niya, “Kenji tama na..”

Napayuko si Kenji tapos nag nod. “Sorry.. Gusto mong umupo muna tayo dun?” tinuro niya yung mag sofa sa living room.

Naglakad na ako papunta sa living room at sumunod si Kenji sa akin. Umupo kami sa iisang sofa pero siyempre may personal space na.

“Athena! Phone call for you.” Inabot ni oppa yung cellphone niya sa akin.

“Yoboseyo?” [Hello?]
“MERI KURISUMASU!!” napa smile ako sa sinabi nung nasa kabilang line. Napatingin ako kay Kenji, baka kasi narinig niya yung boses ng kausap ko
“We still have 5 minutes here before Christmas. Anyway, Merry Christmas to you, too, oppa!” napatingin sa akin si Kenji nung pagkarinig niya ng ‘oppa’. umiwas ako ng tingin tapos hininaan ko yung boses ko, “Stop that fobby accent.. I don’t like it.”
“Don’t you find my accent sexy?” tapos tumawa siya. napasmile na lang ako.
“Shiruh. Ah. Ya. Let’s just talk later..” [No.]
“Why? Are you with Kenji? Is he beside you?”
“Mm-hm. You wanna talk to him?” I joked
“No! Tss. Merry Christmas to him. Glad to hear that you’re still together.. cause if not then I’m going to fly over there and take you back here in Korea with me.” Hinde ko alam yung sasabihin ko sa kanya.. alam kong gagawin niya nga yun pag sinabi kong wala na kami..
“Komawuh..” narinig ko siyang huminga ng malalim. [thanks]
“Let’s hang up then. He might get mad at you right now because you’re talking to me.”
“Chi. He’s not like that. Ah maja! Sengil chukhaeh, oppa.” [oh yeah, happy birthday, oppa.]
“Komawuh gongjooya.” [thanks princess]
“Na kkunda.” [I will hang up now]

I ended the phone call. Nung tumingin ako kay Kenji nakatingin pa rin siya sa akin.

Nag smile ako sa kanya, “It’s Tae Sung oppa. It’s his birthday today. Merry Christmas daw pala.” Nag smile siya sa akin tapos nag nod. Napatingin ako sa watch ko, eksaktong 12 am na. Narinig ko na rin na nag ggreet na yung mga tao ng merry Christmas.

“Merry Christmas..” tapos nag smile ako sa kanya.

Lumapit siya sa akin, he kissed me on the lips then he hugged me. Hinde ko alam yung gagawin ko, hinde ako nakapag react kaagad dahil ang bilis nung pangyayari. Nananaginip ata ako..

Narinig ko siyang huminga ng malalim,“5 minutes lang.. pwede mo rin ba akong yakapin? 5 minutes lang talaga.. kahit mag alarm ka pa.. promise.. hinde ako lalagpas sa limang minuto..” hinde nga ako na nanaginip. Totoo yung mga nangyari kanina..

I nodded slowly. Dahan dahan ko siyang niyakap.. ng mahigpit.

Hinde niya alam kung gaano ko to katagal gustong gawin. I missed this. I wanted him to hold me tight.. I freakin’ longed for this warmth for so long.. I still love him..so much. Kung alam lang niya..

Sa sobrang tuwa ko naiyak na naman ako. Lahat ng hatred at anger ko nawala dahil lang dito sa hug na to. Hanggang kelan kami mahihirapan? Hanggang kelan kami mag titiis? Na-ffeel kong may pakialam pa rin siya sa akin, na fifeel kong mahal niya pa rin ako. na namimiss niya rin ako gaya nung pagka miss ko sa kanya..

“5 minutes na.. Merry Christmas..” nag sigh siya, “…ano ba to.. hinde ako makahinga..” dahan dahan niyang tinanggal yung paka hug niya sa akin.

‘I can’t breathe..’ I thought to myself.

“Tara puntahan natin sila sa labas..” tumayo ako tapos hinawakan niya yung kamay ko.

“Kahit ngayon lang..”

Ngumiti ako sa kanya tapos nag nod. Nag lakad kami papunta sa garden as if para kaming bagong couple. Nag exchange kami ng smiles tapos hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko.

Pagkalabas namin binati kaagad kami ng mga tao. Yung mga pinsan ko inaasar kami ni Kenji. Para daw kaming bagong kasal. Parents ko naman nag madali rin kaming lapitan tapos binati kami. Binigay nila yung gift nila sa amin tapos lumapit na sa ibang bisita.

Pinuntahan namin sila Kirby, nagulat sila nung nakita nila kami ni Kenji pero hinde na nila nila kami tinanong. Binati na lang nila kami tapos pinanood ung fireworks.

“Ya! Your phone is ringing.”

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag. Pag tingin ko sa screen si Lucas yung tumatawag

“Merry Christmas!!!” napatingin ako kay Kenji habang nakasmile, napansin kong nakatingin siya sa cellphone ko
“Merry Christmas din! Namimiss mo na ba ako? Wag mo na i-deny! Alam ko namang namimiss mo ko ng sobra sobra eh. wag kang mag alala bukas na bukas uuwi ako para sayo!”
“Weh! Wag ka na nga Lucas!” napayuko bigla si Kenji nung narinig niya yung pangalan ni Lucas, “Ah Luke.. tawagan na lang kita mamaya..”
“Amp! Yes boss! Bye!”

Mga 2:30 am nag uwian na yung mga tao. Sila Sara nauna na rin kasi nakatulog na si Sang Won. Si Kenji naman umuwi na ng mga 2:00. nagpaalam siya sa family ko pero sa akin hinde. Hinde ko na rin inaasahang mag bye siya sa akin.

Hinatid ako ni Kirby sa bahay. Hinde siya nag tanong sa mga nangyari sa amin ni Kenji kanina. Hinde na  rin siya bumaba kasi pagod na rin siya. pag bukas ko nung gate ng bahay para makapasok na ako at makapag pahinga.

“Athena..”

Tumingin ako sa may likod ko. Nakita ko si Kenji may bitbit na plastic bag

“Oh? Diba kanina ka pa umalis?  Bakit nandito ka? Mag pahinga ka na. Sige papasok na ako.” nag smile ako tapos nag wave sa kanya

Isasara ko na yung gate pero biglang hinarang ni Kenji yung kamay niya, “Pwede ba tayong mag usap?”

Pinapsok ko siya at sa may lanai kami pumuwesto. Pinatong niya sa may table yung plastic bag na dala niya tapos naglabas ng dalawang beer. Binuksan niya to tapos binigay niya sa akin yung isang can

“Anong pag uusapan natin?” tanong ko as if parang wala kaming past. Napainom ako ng beer kasi mukang seryoso yung pag uusapan namin.

Uminom din siya ng beer niya. Naka isang lata na siya. Dalawa, tatlong lata na at hinde pa rin siya ng sasalita. Hinde ako sigurado dito sa ‘paguusapan’ namin. Natatakot ako na baka ipamukha niya lang sa akin kung relasyon nila ni Abi. Kaya dapat unahan ko na lang siya,

“Kenji.. wala na rin naman tayong dapat pagusapan eh.. sinabi ko naman sayo diba? susubukan kitang kalimutan.. sorry kung napapunta ka sa party ng di oras.. Sorry talaga. Hinde na mangyayari yung ganito. Last na talaga to.. Promise..”

Napatingin siya bigla sa akin tapos hinawakan yung kamay ko na nakapatong sa may table tapos nakatingin siya sa baba, “bakit ganun..? ako naman may gusto nito eh.. Pero bakit ganun…?”

Hinigpitan niya yung pagkahawak niya sa kamay ko tapos tumingin siya sa akin.
“Athena hinde ko na kaya..”



ITUTULOY




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento