Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [34]








Lucas’ POV

“Lucas it’s over.. I let him go..”

Last line na narinig ko kay Athena na tungkol kay Kenji. After nung Thursday hinde na niya binabanggit kahit yung name ni Kenji sa akin o kung kanino man na kasama namin.

Nung Friday mahahalata mong iniiwasan niya talaga si Kenji, pero siyempre hinde niya pwedeng iwasan buong araw si Kenji since magkatabi sila sa classroom. Nginingitian niya naman siiya pag nasa tapat ng maramign tao, pero pag wala masyadong nakatingin mapapansin mong may mali. Hinde ko alam kung maaawa ako kay Kenji o hahayaan ko na lang yung nangyayari dahil mali naman yung ginawa niya.

Nung activity period pumasok si Athena ng classroom ng nakangiti. Niloko pa siya ni Jigs na mukhang good mood siya since parang ang saya saya niyang pumasok ng room. Pero nung magsisimula na yung ‘meeting’ bigla siyang nagsalita na aalis na siya sa Barney and Friends at lilipat na siya sa ibang org dahil dahil daw hinde siya makatanggi sa moderator nung org na yun. Nabigla yung lahat dahil sa sinabi ni Athena, siyempre ang dakilang ‘girlfriend’ ni Kenji lilipat ng org. Pero pagkatapos nung announcement ni Athena sabay pasok naman ni Kenji at Abi. Nagbulungan lahat ng members sa nakita nila.

Nagsmile lang si Athena na parang wala lang sa kanya yung nangyari. Nagbow siya tapos nagsalita ng Korean. Clueless si Kenji at Abi sa nangyari. Nung tumingin ako kay Sara naka yuko lang siya tapos umiiling. Siyempre naintindihan niya yung sinabi ni Athena, si Jigs naman kinukulit si Sara tungkol sa sinasabi ni Athena. Nung nakaupo na si Abi nagbow ulit si Athena sa tapat namin, tumalikod siya at lumabas na ng room. Nung napatingin ako kay Kenji nakita kong nakatingin siya sa pintong nilabasan ni Athena.

Matagal tagal din siyang nakatingin sa pintuan hanggang sa hinawakan ni Abi yung kamay niya kaya napatingin siya kay Abi at umupo sa tabi nito. Ako rin eh, hinde ko alam kung masasaktan ako na makita si Abi na kasama si Kenji.. pero.. masaya ako pag kasama ko si Athena. Hinde ko alam kung bakit, pero masaya talaga ako pag kasama ko siya.

December 16, nag exam kami sa South University. Niyaya kami ni Kirby na sumabay na lang sa kanya pero tumanggi si Athena. Ang sabi niya

“Hinde.. magpapahatid na lang ako kay Kuya. Si Lucas na lang isabay mo.”

Tumanggi rin ako dahil pag sumabay ako kay Kirby alam kong malulungkot si Athena dahil maffeel niyang nagiisa lang siya. Kaya kaming dalawa yung magkasamang nagexam sa South University. Pareho rin kami ng course na pinili.

December 17 niyaya kong umalis si Athena para manood ng movie. Pumayag naman siya since nalaman niyang libre. Ang kuripot ng babaeng yun! Nakarinig lang na libre pumayag kaagad! Pumalakpak yung tenga eh! naexcite pa! Pero nagtataka ako nung sinabi kong kumain kami.. umayaw siya. nag dadiet daw kasi siya. DIET?! Eh ang payat niya nga eh. Teka. tumaba siya ng konti kumpara dati pero payat pa rin siya.


Christmas fair

First day ng fair namin ngayon, Christmas fair kasi namin ngayong week. Lahat ng org nag set-up ng booths. Ang BnF 3 booths ang tinayo, yung akin kay Jigs at kay Kirby. Supposedly apat dapat, pero ayaw ni Kenji mag tayo ng kanya. Dahil sa dami ng members ng BnF kalahati nun yung nag tulungan ng pag gawa ng booth. Petiks kami kasi kami boss eh. Dinivide na lang sa 20 bawat araw yung mag babantay ng booth, 10 sa umaga 10 sa hapon. Siyempre kaming mga master hinde pwedeng mawala.

Marriage booth yung kay Jigs at Sara, meron siyang guy na pinasuot na costume ng pari tapos may mini altar, ibang klase parang nasa church talaga. Pwede kayong magpakasal ng may bayad  o i-handcuff yung tao na gustong pakasalan nung isang tao by request pero may bayad. Pwede ring sapilitan na pagpapakasal pag pinagtripan nila yung tao.

Dare to Pay yung kay Kirby boy. May mga hidden na scotch tape sa sahig once na natapakan mo yun, may dare ka. Siyempre nasa fishbowl yung mga dare, kukuha ka ng isa tapos pag nabasa mo na mamimili ka kung gagawin mo, or babayaran mo yung dare para hinde mo na gawin yung dare.

Last booth, Picture to Luke. Ahem. Syempre ako may hawak nito. Magpapapicture lang sila sa akin tapos makukuha nila yun 5-10 minutes, kasi i-eedit pa ng mga kasama ko yung pics. May naka set-up na 2 desktop at 1 laptop para mabilis yung gawa.

Day 2

Second day na ng fair. Busy parin kaming BnF sa booth namin. Halos wala na kaming time para kumain ng sabay sabay. Kanya-kanya na muna kami ng mundo. Pati si Athena hinde namin nakakasama dahil sa busy nga kami.

Day 3

Medyo lumuwag yung schedule naming BnF. Sabi nga ng mga teachers kami na raw yung may pinaka maraming kinita to think na 3rd pa lang namin. Naglunch kami ng sabay sabay pero hinde namin nakasama si Athena. Mukhang busy pa rin siya sa org niya kaya hinde na namin masyado pinansin.

Day 4

Lunch break na, hinde ko pa rin nakikita si Athena. Simula nung monday hinde ko pa siya nakakasama ng break. Wala ata ni isa sa amin ang nakasama siya, siguro si Grace at Sara o baka pati si Carlo. Pero hinanap din siya sa akin ni Sara kahapon eh.. ibig sabihin hinde sila magkasamang kumain.

Pumunta ako sa may booth ni Jigs at Sara para itanong kung nasa saan si Athena

“Sara, nakita mo ba si Athena?”

“Itatanong ko rin sana sayo un eh. Yayayain ko sana siyang kumain kasi oras na ng pag take niya ng med eh.” napatingin si Jigs kay Sara

“Med? Gamot para saan?” tanong ni Jigs kay Sara.

“Para sa katawan niya. May sakit si Athena. Sinabi ko naman sayo yun diba? Mahina yung katawan niya kaya kelangan magtake ng gamot.” Sabi ni Sara kay Jigs.

“Ahh oo nga pala.” humarap sa akin si Jigs, “Babes, hinde pa namin nakikita si Athena eh. Hinde ko pa nga siya nakikita simula nung Sunday eh.”

Actually ako rin eh.. sa totoo lang, simula monday ko pa siya hinde nakikita. Hinde ko na siya nakakasabay sa pag pasok at sa paguwi. Dumating si Kirby at Kenji tapos umupo sa may tabi ko Kirby. Si Kenji naman nakatayo sa isang sulok nag tetext.

“Luke.. sa totoo lang she’s been acting weird lately.. she barely goes out of her room. Pagtinitingnan ko siya sa room niya, nakaharap lang siya sa PC niya or sa laptop. Hinde ko nga siya nakikitang kumakain eh..” sabi ni Sara

Napansin kong napatigil sa pag tetext si Kenji. Nakatitig lang siya sa cellphone niya hinihintay niyang may magsalita sa amin. I guess…

“Baka naman hinde mo lang napapansin na kumakain siya? Baka kasabay niya si Carlo o kaya si Nathan..”

Umiling si Sara, “Hinde! We eat together. She’s always asleep during meal time. Friday pa to nangyari eh.. bread lang yung kinain niya nung lunch. And that was hear meal for the whole day I think. Hinde ko siya nakitang kumain nung gabi nun.” ibig sabihin hinde kumakain si Athena for almost 6 days?!

“Ayun si Carlo oh. Itanong mo kaya kung nakita niya si Athena.” Napatingin kaming lahat sa pag turo ni Kirby., “CARLO!” sigaw ni Kirby.

Napatingin si Carlo sa amin tapos lumapit siya, “Nakita niyo ba si Ate Athena??” nagulat kaming apat sa tanong ni Carlo. Hinde niya rin nakita si Athena ngayong araw, ibig sabihin si Grace na lang yung nag iisang tao na pusible niyang kasama ngayong araw.

“Tinanong ko rin si Ate Grace pero hinde niya rin nakita. Bigla raw umalis si Ate nung mga 11 am.” Nag tinginan kami ni Sara. 11? eh 12:00 na ah??

“Bakit ba kayo masyadong nag aalala sa kanya? Matanda na si Athena. Alam na niya yung ginagawa niya. alam niya yung tama sa mali.. Kaya wag niyo na lang siyang pakialaman.” Tumalikod siya sa amin tapos nag lakad papalayo.

“Anong problema nung lalaking yung?!” napakamot ng ulo si Jigs “Parang kelan lang tinawagan niya kami ni Kirby para makipag inuman pero nung pinagusapan namin si Athena bigla na lang siyang umiya---”

“Jigs tama na.” pinutol ni Kirby yung sinasabi ni Jigs. “Hinde tamang pagusapan yung nangyari nun sa ganitong sitwasyon. Tama rin si Kenji. Matanda na si Athena.. alam niya yung ginagawa niya. Bumalik na lang tayo sa trabaho kung hinde kayo kakain.”

Tumalikod si Kirby tapos pumunta siya sa may booth niya. Mahahalata niyong nagaalaal si Kirby kay Athena pero ayaw lang niyang ipakita para hinde na rin kami mag alala ng tuluyan.

Pati.. tungkol saan yung sasabihin ni Jigs? Bakit hinde ko ata alam yung mga nangyari nung time na yun..?

Bumili na lang kami nila Jigs ng pagkain sa canteen at dinala to sa may booth namin. Habang kumakain kami si Sara hinde mapakali. malakas daw yung feeling niyang may masamang nangyari kay Athena.

May lalaking tumatakbo papalapit sa aming tatlo, “Sara!! Si Athena nakita sa may playground ng gradeschool walang malay!”

Napatayo si Sara sa sinabi nung babae. “ANO?!?! NASAN NA SIYA NGAYON?!?!?!”

“Nandoon pa rin.. Hinahanap kasi nila si Kenji eh, pero hinde nila mahanap. Natatakot yung mga classmate natin na baka pag ginalaw nila si Athena magalit si Kenji.”

Tumakbo ako sa narinig ko at pumunta sa may playground. Doon lang pala siya nagsstay tuwing break. Pero bakit naman sa may gradeschool pa?? Kung gusto naman niyang mag isa pwede naman siyang umuwi eh.. safe pa siya dun. Bakit niya ba ginagawa samin to?

Pagkadating ko sa may play ground nakita ko si Athena na nakahiga sa ground walang malay. Kinabahan ako sa nakita ko… Ayokong isipin pero hinde ko mapigilan.

“Hinde namin alam kung kanina pa siya nandito kasi kakarating lang din naming tatlo. Yung ibang kasama namin hinahanap si Kenji..” sabi nung isang lalaki.

“Athena?? Naririnig mo ba ako??” hinde siya sumagot. Nawalan nga siya ng malay. Nahimatay siguro siya sa gutom. O baka..??

Una natatakot pa akong tingnan kung tumitibok pa yung puso niya pero hinde ko pwede paandarin yung takot ko ngayon. Nilagay ko yung kamay ko sa may left part ng chest niya para icheck kung may heart beat pa siya.. nakampante ako nung naramdaman ko yung beat nito.

Binuhat ko siya at nagmadaling pumunta ng clinic. Nakasalubong namin si Kenji tumatakbo papunta sa amin. Napatigil ako sa pag mamadali dahil huminto siya sa tapat ko, “Lucas anong nangyari??” tanong niya sa akin habang hinahabol yung hinga niya.

“Nahimatay lang siya. Wag kang mag alala. Ako na ang bahala sa kanya.” Nagsimula na ulit akong tumakbo papuntang clinic.

Habang buhat-buhat ko si Athena napansin kong magaan lang siya. Pumayat rin yung mukha niya.. siguro nga ginutom niya yung sarili niya.. may kinalaman kaya to kay Kenji? O baka naman sa sakit niya? Alam naman niyang mahina katawan niya eh.. hinde na niya pupwedeng pabayaan pa lalo yung kalusugan niya.

Pagkadating namin sa may infirmary tinanong ako ng nurse kung anong nangyari kay Athena, siyempre hinde ko naman talaga alam yung nangyari kaya sinabi ko na lang na nahimatay siya sa gutom.

Nung chineck ng doctor si Athena, tinanong niya ako kung bakit daw walang nakapansin na namumutla na siya.. pati namayat daw siya since nung last na kita niya sa kanya.

“Don't worry, gigising na rin si Athena mamaya maya. Mabuti na lang at masyado kang mabilis na boyfriend dahil mabilis mo siyang nadala dito. Kung hinde baka kung ano na nangyari sa kanya. Na-inform na rin naman kami tungkol sa sakit ni Athena. ” Boyfriend..? Girlfriend ko si Athena? “Sige maiwan ko na muna kayong dalawa.”

Pinagmamasdan kong matulog si Athena.. unti unti akong napapangiti habang tinitingnan ko siya.. mukhang mauulit na naman yung nangyari sa amin ni Kenji noon.. hinde ko mapigilan.. gusto kong mapasaya si Athena.. ayaw kong nakikita siyang nahihirapan. Eh pero.. Pano ko siya mapapasaya kung yung taong nag papasaya sa kanya ay yung taong nagpapahirap rin sa kanya? Ang labo na talaga ng buhay.

After 10 minutes unti unting dumilat yung mga mata ni Athena. Napangiti ako dahil nagising na rin siya.

“Potek! Buti nagising ka na.. ano, nagugutom ka na ba?” umiling siya sa, “bakit ka ba hinde kumakain? Alam mo namang kelangan mo ng lakas diba? hinde mo ba alam kung gaano akong kinabahan nung nakita kitang nakahiga? Nung nakita kita doong nakahiga tapos walang malay.. akala ko baka..” nagdadalawang isip akong sabihin yung kasunod na salita pero hinde ko kaya..

“Na baka wala na ako? Natakot ba kita? Sorry..” ngumiti siya pero halatang nahihirapan pa siyang gumalaw

Umiling ako, “Hinde mo naman kelangan magsorry eh.. hinde na mahalaga kung natakot ako.. basta ok ka na ngayon..”

Nagsmile siya tapos sinubukan niyang umupo. Inalalayan ko siya tapos napatingin siya sa dextrose na nakainject sa kanya. “I hate needles.. but they love me that much, huh? tapos nag pout siya.

“Hinde ka kasi kumakain eh. Ayan tuloy yung kapalit. Hinde ka naman mataba para magdiet eh..”

“Wala lang.. Akala ko kasi makukuha ko yung awa niya eh. Hinde pala.. ikaw pa unang nakakita sa akin..” she then gave me a slight smile. “Lucas.. anong nagustuhan mo kay Abi?”

Bakit niya kaya biglang tinanong sakin to? Sa tono ng boses niya parang napakaseryoso ng tanong niya. parang kelangan sagutin ko ng maayos yung tanong niya..

“Si Abi kasi..” biglang parang may nahulog na bagay sa may gilid ng kortina.

Tumayo ako para silipin kung sino yun pero bago ko pa buksan yung kortina nag pakita na siya.

“Kenji.” Bati ko sa kanya. Tumango lang siya bilang bati. Napatingin ako kay Athena, mapapansin mong iniiwasan niya ng tingin si Kenji kasi nakatingin na siya sa may kanan niya. “Ok na si Athena. Na-stress lang daw siya, tapos sinamahan pa ng init. Hinde naman seryoso yung nangyari ngayon.”

Siyempre nagsinungaling ako. Hinde ko naman pupwedeng sabihin na nahimatay si Athena dahil ginutom niya yung sarili niya para makuha yung awa ni Kenji diba? Responsibilidad ko na si Athena ngayon. Kelangan ko siyang protektahan sa mga bagay na makakasakit sa kanya.

“Ganun ba..?”

Tumango ako, “Oo. Wag kang magalala. Dadalhin ko siya mamaya sa ospital para makasiguro kami.” Sinabi ko yun habang nakatingin kay Athena.

Napatingin sa akin si Athena, “Ospital na naman?? Ya! I told you I hate needles..” nagsmile lang ako sa kanya.

“Pwede ba tayong mag usap?” sabi ni Kenji habang nakatingin siya kay Athena.

“Sige maiwan ko na muna kayong dalawa..” tumalikod na ako para iwanan yung dalawa mag usap. Kelanga nila ng privacy dahil alam kong tungkol sa kanila yung pag uusapan nila

Hinawakan ni Athena yung shirt ko kaya napatingin ako sa kanya, “Lucas dito ka lang. Wag mo ko iwan..”

“Hinde naman kita iiwan eh. Dito lang ako sa may kabilang side, ok?” dahan dahan niyang binitawan yung shirt ko tapos nag smile ako sa kanya. Sinara ko yung curtain tapos pumunta sa may kabilang side. Umupo ako sa may bed. Siyempre cloth lang yung mismong harang kaya maririnig ko talaga yung pinaguusapan nila.

“Ohrenmaniya..” narinig kong sinabi ni Athena. Korean ba sila mag usapa ni Kenji? Alam ko limited lang alam ni Kenji na Korean eh.. [it's been a while/long time no see]

“Anong nangyari sayo? Bakit hinde ka nagkakakain?”

“Wala akong gana eh.”

“Umamin ka na. Dahil ba sa akin?” hinde sumagot si Athena. “Dahil ba sa akin kaya ka hinde kumakain?”

“Hinde. Bakit mo naman nasabi na dahil sayo kaya ako nagkakaganito?” seryosong sagot ni Athena.

“Kasi narinig ko yung pinagusapan niyo ni Lucas kanina.” Narinig niya? ibig sabihin kanina pa talaga siya nasa may labas nakikinig..

“Narinig mo naman pala eh. Bakit nagtatanong ka pa?” sabi ni Athena kay Kenji

Gusto ko na sanang sumingit sa pag uusap nila dahil alam kong makakasama kay Athena yung ganitong klaseng usapan. Pero hinde naman pupwedeng basta basta na lang akong sumugod sa loob..

“Bakit mo ba kelangan gawin to Athena… Alam mo naman na ayaw kong nakikita kang ganito diba?”

“Weak kasi ako.. Gusto ko kasing magkasakit ako para makuha ko awa mo. Para maguluhan ka lalo.”

“Athena, intindihin mo naman ako oh.. may cancer si Bee! Hinde mababaw na sakit yun.. naiintindihan mo ba?”

Cancer? Akala ko ba nagpa-opera na siya at sabi niya sa akin na ok na? Sinabi niya rin sa akin na once na ma-operahan na siya magiging ok na yung lahat at pwede na siya mabuhay ng normal.. pero bakit kay Kenji ko pa kelangan malaman yung kalagayan niya?

Iniintay kong mag salita si Athena pero mukhang masyado siyang nagulat sa narinig niya kay Kenji.

Babalik na sana ako sa may bed ni Athena pero bigla akong napahinto dahil narinig kong nag ssniff si Athena, “may sakit din naman ako eh.. at hinde mababaw na sakit eto.. naiintindihan mo rin ba yun?”

Hinde ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Eto na yung time na hinihintay ni Athena.. ang sabihin niya kay Kenji… na may HCM siya.

“Anong.. sakit.. mo?” pahinto hinto na tanong ni Kenji, “gaano.. ka-seryoso?”

Tinanong na niya kung gaano kaseryoso yung sakit ni Athena. ‘Athena.. kayanin mo..’ alam kong narinig niya yun kahit na walang boses ko tong sinabi.

Unti unti kong sinilip silang dalawa sa may gilid ng kortina, “Pwede akong mamatay sa nangyayari ngayon.. ganun to kaseryoso..”

“Sa nangyayari ngayon..?” nakita ko yung mukha ni Kenji, halatang kinakabahan siya sa mga sinabi ni Athena. Si Athena naman nakita kong umiiyak, pero pinipilit niya pa rin ngumiti. “Ano ba sakit mo..?”

“Yung puso ko yung may sakit..” tapos tumingin siya sa baba, iniiwasan niya ng tingin si Kenji.

Mali yung pagkasabi ni Athena. Alam niyang mali yung pagkasabi niya, ayaw niya pa rin sabihin kay Kenji na may sakit siya sa puso. Pinalabas lang niyang masakit yung puso niya sa nangyayari ngayon.

Nagbago yung expression ng mukha ni Kenji, “Alam mo ba kung gaano akong natakot sa mga pinagsasabi mo? Wala akong oras makipag lokohan Athena. Sige, alis na ko. Nag iintay si Bee sa labas eh.”

Binuksan ko yung kortina at nilapitan si Athena, “Tara na. Hinahanap ka na ni Sara..” napatingin sa amin si Kenji tapos lumabas na siya.

Pinahiram kami ng wheelchair ng school dahil hinde makalakad si Athena dahil sa nanghihina pa siya. sinundo siya ni Nathan sa may front gate at dinala siya sa ospital.

Tinanong ako ni Nathan kung bakit daw ba nagkakaganun si Athena, siyempre wala akong masabi. Hinde ko naman pupwedeng sabihin na dahil kay Kenji kaya siya nagkakaganun. Ayoko ng gulo kaya iiwasan kong magkagulo kung kinakailangan.

Day 5

Mga 1:00 pm pinilit ni Athena makapasok dahil may mini concert yung org niya ng mga 2pm ngayon. Nung pumasok siya ng school pinag tinginan siya ng mga tao dahil hinde siya nakilala ng mga schoolmate namin. Naka mini skirt siya, red na top, shades tapos naka tali yung buhok parang naka siopao yung style. Nakilala lang siya nung tinangal niya yung shades niyang malaki.

“Ready ka na ba? Last day na to ng Christmas fair.. diba kakanta ka para sa mini concert ng org niyo?” tanong ko sa kanya habang inaabot yung binili kong inumin.

Nag smile siya sa akin, “Ok lang. Para naman kasing may choice pa ko, may initiation daw kasi dapat yung mga baguhan kaya ayun.. kelangan kumanta ako. ayos ba?” tapos uminom siya.

Umupo ako sa tabi niya, “Madaming tao mamaya sa gym Athena! Madaming manonood sayo.. tsktsk. Pano na lang pag nagkamali ka?” biro ko.

Hinampas niya ako sa may braso ko, “Lul! Tama ba namang takutin ako? pag ako hinde nakakanta nako!!! Ikaw may kasalanan!” tapos tumawa kami pareho.

Natahimik kami ng mga 5 minutes dahil pareho kaming nakatingin sa may field. Siguro walang may gustong magsalita samin dahil baka bigla naming mapagusapan yung nangyari kahapon.

“Hinde yan.. alam ko namang kaya mo yun eh. Ano nga pala yung kakantahin mo? sasayaw ka rin ba?? Nako! Kelangan ko na ihanda yung camera ko! AY! Sana video cam yung dinala ko para naman mas masaya!” I broke the ice. Gusto ko maging komportable siya sa akin. Ayoko ng nagkakailangan kaming dalawa, siyempre.. kami yung mag kakampi ngayon eh.

“Ya geumanhae.” Sabi niya sa akin. Siyempre hinde ko na naman naintindihan yun kaya siya ngumiti bigla, “Oppa will watch later, I’m pretty sure that he’ll bring a video cam.” [Hey stop it.]

Kinurot ko yung left na pisngi niya, “Ikaw nagiging habit mo na yang pag kokorean mo pag kausap ako.. hinde ko naman naiintindihan. Pero feeling ko naiintindihan ko. Ano ba to. Simula nung napadalas yung pagsasama natin nagiging wirdo na ko eh.”

“Psh. Sapakin kita eh. Teka hinde pa ko nakakapag laro sa booth niyo!! Nakakaasar naman.. busy kasi ako masyado eh.. tsktsk. Anyway, sige punta na ko sa may gym. Dun daw gagawin yung ‘event’ eh! nood ka ha!!” tumayo siya at nag lakad na papuntang gym.

Pinamahala ko muna yung booth na hawak ko sa ibang members para makapanood ng concert sa gym. Niyaya ko rin sila Jigs kaya iniwan rin nila yung booth nila ni Kirby. Pag punta namin sa gym marami rami na rin yung tao. Mag start na kasi yung show in 5 minutes.

Dumating si Nathan ng mga 2:10, habang nag iintay kami, sa wakas nag simula na rin. Mga lower batch yung unang nag perform. Si Grace naman kumanta tapos may ka duet siya. nakaka 8 na nag peperform na pero wala pa rin yung kay Athena.

Tumayo si Grace sa may stage may hawak na mic, “And now, we will introduce the newest member of Abbey Music Guild. Please give it up for Miss Athena Dizon!”

Nag palakpakan yung students tapos nag simula ng tumugtog yung song na kakantahin ni Athena.

“I.. I was a game he would play..” tapos biglang entrance ni Athena. Nag karon pa ng smoke effects. Ayos. Akala mo singer talaga.

Nabigla lahat ng tao sa gym dahil parang ibang Athena yung nakita namin. Kamukha niya yung mga koreanong nakikita ko sa tv. Ganun yung pananamit niya. Medyo wavy yung buhok niya tapos naka make-up siya. IBANG IBA SIYA.

Besides sa itsura niya, natulala ako sa pagkanta niya. hinde ko pa kasi siyang naririnig kumanta kahit isang beses.. Nung dumating sa chorus biglang sinabayan siya ng mga tao sa paga kanta. Pano ba naman napaka sikat na kanta yung kinakanta niya. You Got It All ng The Jets eh, pero ibang version.

Napansin kong nakatingin siya kay Kenji at Abi. Nasa iisang row lang kasi kami kaya mapapansin mo na sa kanila siya nakatingin. Pagkatapos niyang tumingin sa kanila nakita niya si Nathan tapos kumaway siya. Si Nathan naman vinivideohan siya. wow. Supportive brother. Tama nga si Athena.

“There’s just you, you must have been heaven sent. Hearing me call you went, out of the limb. And you’re all that he’s not. Just look what I’ve got ‘cause you got it all… All over him..”

Bigla siyang napatingin sa akin tapostinuro ako. Sinesenyasan niya ako na lumapit sa kanya. Pero siyempre hinde naman ako sigurado kung ako yun. Tinulak ako ni Sara patayo sa kinauupuan ko.

“You got it all over him, YOU got me over him. Honey it’s true…”

She winked at me then smiled. Bumaba siya ng stage tapos himawakan niya yung kamay ko at dinala ako sa stage. Nag sigawan yung mga tao sa ginawa ni Athena.

“You’re all that he’s not just look what I’ve got.. Cause you got it all.. over him…”

Pag tapos ng song niya nag sigawan yung mga tao ng KISS. Hello? Hinde pwede. Una nanonood si Nathan! Pangalawa nanonood si Kenji. Naghug nalang kami ni Athena tapos nag ‘aww’ yung mga tao.

Pababa na sana ako ng stage ng biglang may tumugtog na song. Sexy Love Mixtape Remix. Nagulat din si Athena dahil, mukhang hinde niya ineexpect yung part na to. Binigyan ako ng mic ni Grace, PARA SAN?! Nagsimula na yung first verse nung lyrics pero hinde pa rin ako kumakanta. BAKIT AKO??

Dahil sa nangyari si Athena yung sumalo ng lines ko. Nagsmile siya sa akin na parang may sinasabi siyang lucas-kumanta-ka-na-lang-pwede? Huwaw! Nadamay pa ako. wala akong choice kung hinde kumanta na lang. napatingin ako kela Kenji at napansin kong medyo badtrip na yung itsura niya.

Tinanggal ni Athena yung mini jacket/blazer niya.. whatever you call that thing tapos hinagis sa may gilid at biglang sumayaw. Wala naman akong choice kaya sinundan ko na lang yung pag sayaw niya. Lumabas lahat ng org members nung matatapos na yung kanta tapos lahat ng tao nag sayawan na. Theme song ba to ni Athena? Nakita ko rin siya dati eto yung sinasayaw niya kasama si Kenji eh.. SL…? SexyLove??? Yun ba yung meaning ng SL niya dati?? SEXYLOVE?!

Nung natapos na yung concert sumama samin si Athena sa mga booth namin. Sakto nabiktima siya ni Kirby. Natapakan niya yung mahiwagang scotch tape ni Kirby kaya binigay ni Kirby yung fish bowl kay Athena

“Kumuha ka ng isa lang ha! Pagkatapos mong basahin sabihin mo kung Dare or Pay.” Kumuha si Athena ng isang naka roll na paper tapos binasa niya ito, “Ano, dare or pay?”

Niroll ulit ni Athena yung paper tapos nag smile, “Dare.” Binigay niya Kay Kirby yung paper tapos humarap sa akin.

Napatingin ako sa kanya tapos nag smile siya sa akin at bigla niya akong hinalikan sa lips. WTF?!

“AMP!” tininingnan ni Kirby yung paper na binigay sa kanya ni Athena, “Kiss the person beside you on the LIPS. Fee for the dare would be P300.00. Yun oh!”

Nagsmile si Athena at Kirby sa akin. Siyempre ako naman etong na tulala kasi biglaan yung nangyari.

“Nabiktima ako ni Kirby. Syet! Ang mahal kasi ng fee nung dare eh! kaya pinili ko na lang yung dare.” Tapos nag smile siya sa akin. Pag tingin namin sa likod namin nandun si Kenji nakatingin sa amin. Nawala yung smile sa mukha ni Athena pero humarap siya sa akin tapos nag smile, “Tara! Dun naman tayo sa booth ni Jigs!”

Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinatak ako malapit sa may booth ni Jigs. Sakto nagiikot yung mga dakilang alalay ni Jigs at biglang pinosasan si Athena. Napatingin kami sa taong nasa kabilang posas.. si Kenji.

“Sinabi ng hinde nakakatuwang biro to eh.” pag lingon ni Kenji nabigla rin siya nung nakita niyang si Athena yung nasa kabilang posas. “hinde ba kayo titigil?? Hinde niyo ba ako pakakawalan?!” napatingin yung mga tao sa pag taas ng boses ni Kenji.

Nagsmile si Athena kay Beth at Jonas yung dalawang nag posas sa kanila, “Wag na lang ako yung i-partner niyo sa kanya. Si Abigail na lang. Hinde na rin naman kami eh.”

Sa pagsabi ni Athena nun biglang nagbulungan yung mga tao sa paligid namin. Lahat pinag tinginan si Athena at Kenji. Pinakawalan na nila yung dalawa.

“Wag na kayong mag bulungan. Pwede niyo naman lakasan eh. Ok lang ako.” Tapos nag lakad na si Athena sa may booth ni Jigs kasama si Beth, “dapat si Lucas na lang para hinde pa kayo napahiya. Ayan tuloy. Pati ako nadamay.” narinig kong sinabi niya. Pagtapos niyang sabihin un nag smile naman siya.

“Halika Lucas! Hinde ka pa naman nakakasal diba? eto bibinyagan ka na namin!” hinila ako ni Beth sa may altar tapos nagulat si Athena kasi pinosasan na naman siya, pero ako na yung nasa kabilang posas, “Ayan! Mas bagay naman kayo eh.”

Nakita kong kausap ni Jigs si Kenji at Kirby sa may tabi nung booth. Tumayo siya nung nakita niya kami, “AY!! AKO MAG KAKASAL SA DALAWA!” nagmadali siyang mag lakad sa may altar at kinuha yung damit pang pari, tinulak niya yung isang lalaki  “TABI! Ako mag kakasal!”

Ngumiti sa akin si Jigs tapos nag simula ng mag tanong ng maaaahaaabang question. Nung na tapos siyempre kelangan ng magandang sagot, “I do?”

“Ay hinde seryoso.. ANYWAY!”

Humarap naman siya kay Athena tapos nag pakyut tapos sinimulan yung mahaba niyang tanong. Natapos na rin ni Jigs yung mahaba niyang tanong kay Athena at sagot na lang niya yung iniintay, “Hmmm… Of course I do.”

Tumingin sa akin si Jigs at ngumiti, “Oh. You may now kiss the bride! KISS NA!”

“Hoy! Makakadalawa ka na ungas ha!!” sigaw ni Kirby. Napatingin ako sa kanya para pakyuhan siya pero nakita ko si Kenji parang nag salubong yung kilay.

“Ako kumiss sayo kanina. Ikaw naman ngayon.” Nilapit niya yung pisngi niya sa akin. “Sira. Bakit kaba natatakot.. wala na rin naman kami eh.. wala na yang pakialam sa akin..” nag smile siya tapos tumalikod na.

“Huy!! Wala pa yung kiss!!” sabi ni Jigs.

Napailing ako sa nangyari ‘what the heck. wala na rin naman sila so.. whatever.’ Sabi ko sa sarili ko. Pati I think I like her. Maybe. Perhaps..

Come what may.

Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya so that I could kiss her… on the lips.



ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento