Nasa labas ako ng classroom sa may veranda.. Hawak ko na naman yung list ng schedule ko for this month
March 3 - gown
March 5-8 hell week
March 8 - last day of exam ^^,
March 9 - completion of requirements
March 10 - 10am- Kriska’s house; 3pm- gown fitting 1
March 12-16 - 8am- practice for the play; 1pm- grad practice
March 17 - 9:30am- gown fitting final; 1pm- play practice
March 20 - 1pm- grad practice
March 21 - dress rehersal
March 22 - PLAY!!!
March 23 - gonna get my gown
March 24 - graduation ball! ^_^
March 26 - THE DAY. <3
Hectic ba masyado? Hinde naman. Wondering why we don’t have thesis? Because we’re spoon fed. Pinag mamasdan ko yung field, yung gym at yung canteen. Of course, nasa taas pa rin ako. Mamaya siguro pag baba ko, pagmamasdan ko naman yung building mismo ng school. Ewan ko ba ang laki ng impact sa akin ng school na to. Siguro kay Sara rin, dahil dito niya na-meet si Jigs.
“Athena dinner daw later sa Asianized.” Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Kriska na naka smile. I nodded as an answer then she closed the door.
I learned a lot from this school. Hinde katulad sa unang school na pinag aralan namin ni Sara.
That school sucks, big time! I mean, it is a private school but you know, we just don’t appreciate the environment there. They only think about their freakin’ money and popularity. They craaaave for attention. They love it when they are being praised. Whatever.
Second, we got bored. We don’t learn there! Even the teachers are being bullied by those freaks.
Third, there are too many sl*uts. As what I’ve said, they only think about their popularity, their fame. And when they see you talking to one of their crushes. Haha you have to avoid them for the rest of your life or else you’re gonna be picked up. That happened to me and Sara but we didn’t obey their rules. So what if we see them everyday? So what if don’t avoid them? Mamamatay ba kami? So there. That’s when we got the attention of everyone. Our thing in Korea got revealed and the school was against it.
That’s why we transferred here in Southville High and eventually met those losers.
Hay.. ilang weeks na lang at gagraduate na kami. At sa wakas tapos na rin yung exam. Ang sarap nung feeling na wala ka ng iisipin pa kung hinde yung pag march na lang. Pero syempre may play pa kaming kelangan gawin. Dun na lang kami lahat na s-stress..
Nakuha na rin namin yung results sa universities na pinag applyan namin. Grace, Kirby, Lucas and I got in South University, Sara and Jigs naman in UP. Of course hinde lang yun ung school na pinag-applyan namin. I have no idea kung saan mag cocollege si Kenji. Hinde ko kasi tinatanong sa kanya at hinde niya rin sinasabi sakin and I don’t think na kelangan kong malaman.. I’m not even curious. Well, maybe a little.
“Flatscreen! Bakit nandito ka?” narinig ko na naman yung nakakairitang boses na yan.
Bakit ba tuwing naiisip ko siya bigla bigla na lang siyang susulpot ng wala man lang sign?! Pati, FLATSCREEN?!?! Last week lang tinapay tawag niya sa akin, tapos naging otap! Ngayon naman flatscreen!!
“Gusto mong--”
“AYOKO.” Pinangunahan ko na yung sasabihin niya sa akin. Lagi na lang kasing magtatanong yan na nag sisimula sa ‘gusto mong’ pag sasagot na ko biglang joke lang ung dulo. Nakakaasar.
“Hinde mo pa nga pinapatapos yung sasabihin ko eh.”
“Ilang beses mo na yan ginawa sakin. you might wanna change your style.” Nag smile ako sa kanya. syempre hinde cute smile.
Lumapit siya tapos tumabi sa akin. Pareho kaming tumingin sa may field, pinapanood na namin yung mga nag class dun.
“Ayaw mo ba talagang--”
“Ayaw.” Tumingin ako sa kanya, nakatingin na siya sa akin. Nagsmile ako sa kanya, “ikaw, gusto mo ba akong sunduin mamaya?”
Nag smile siya tapos kinurot yung pisngi ko, “Yan din sasabihin ko eh. Kung gusto mong sunduin kita mamaya!”
Tapos tumingin ulit kais a my field. Tahimik lang kami pareho. Siguro nag iisip rin siya.. ano kaya yung iniisip niya? Nasa magkaibang mundo na naman kaming dalawa, hinde ko na naman kasi mabasa yung mga nasa isip niya ngayon. Hinde tulad ni Lucas na pag napatingin na siya sa akin, alam ko kaagad yung sasabihin niya.
Speaking of Lucas, nakakabwiset talaga yung hayop na yun! Halos mangiyakngiyak ako nung sinabi niyang kaibigan lang turin niya sa akin tapos biglang umalis na lang na parang walang nangyari!! Tapos biglang mag i-IM siya sa akin nung gabi ring yun..
revengeoflucas: ui! joke lang ung kanina. sumakit kasi tiyan ko eh kaya hinde na ko nakabalik.. dapat babalik ako pag lakad ko palayo eh.. pero na disgrasya!! sorry!! gusto kita.. konti. Pero prengster tayo diba? BFF tayo sabi mo sakin nun! kaya sana yung isang bff ko wag mo ng pakawalan! GO FOR THE GOLD!
Athena ????: Luke ano ba.. ayoko ng ganung biro. Alam mo bang mangiyak-ngiyak ako???
revengeoflucas: sorry na. hehe bakit mo ba natanong yun?
Athena ????: Because.. I think.. I like you..
revengeoflucas: HUWAW! senglot ka ba?
Athena ????: Senglot? WTF?? Basta.. seryoso ako dun..
Athena ????: Di ba pwede?
revengeoflucas: hinde naman sa ganun.. baka naman napag hahalo mo lang ung feelings mo. baka kasi dahil sobrang close tayo ngayon, naiisip mo na gusto mo na ko, na kelangan mong magkagusto sakin para lang alam mo na.. hinde mo ma-feel na mag isa ka.
Athena ????: Bakit ko mapag hahalo?
revengeoflucas: kasi nami-miss mo si kenji. siguro napag hahalo mo ung feelings mo kay kenji pati sakin.. athena, alam kong si papa kenji parin. hinde ako manhid.. bff nga tayo diba? sabi mo maerong isang certain connection sating dalawa.. iba rin yung love sa like. Masyadong broad yung LIKE, yung love naman.. napaka vague nun..
Athena ????: I know the difference of like and love. And I like you Lucas.
revengeoflucas: like mo ako dahil napapadalas lang pagsama natin.. pano pag nag lie low tayo? sabi ko sayo napag hahalo mo lang ung feelings mo.
revengeoflucas: pumili ka, ako o si kenji? para mas madali. Pag ako pinili mo, tayo na.
Athena ????: Ano ba.. Lucas alam mo namang ayaw ko ng ganun diba?
revengeoflucas: see. kasi alam mong si kenji pa rin. hinde mo lang masabi sakin.. ok lang noh! lab lab pa rin tayo. apir!
Pffft. Na-corner niya ako. Alam niyang hinde ako mahilig sa pilian pero ginawa niya pa rin. Bakit ba kasi hinde ko magawang pumili? Eh ang simple lang naman nung tanong niya.. Naisip ko na siya yung pipiliin ko, pero nung itatype ko na, biglang sumisikip ung dibdib ko. Parang mali yung gagawin ko. Etong si Kenji ang lakas ng spirit eh. nagparamdam nung alam na damay siya sa usapan.
7:15 daw ako susunduin ni Kenji, yun ung usapan namin. Si Sara nagulat nung nalaman niyang si Kenji ung susundo dahil akala niya raw nagiging ok kami ni Lucas. Eh wala eh.. napaisip bigla eh.
Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pag fifinger exercise (piano) ko ng biglang narinig ko na lang ung boses ni Kenji. Napatingin ako sa may clock pero 5:00pm pa lang naman.
“Sabi mo 7:15, bakit nandito ka na?” sabi ko habang nag pipiano
“Wala lang.. bigla lang akong napunta dito.” nag nod na lang ako tapos patuloy pa rin sa pag piano.
Umupo siya samay sofa tapos pinapanood niya akong mag piano. Tinapos ko na lang yung tinutugtog ko tapos umupo na rin ako sa may sofa. Nakakahiya naman kasi sa kanya, baka sabihin niyang hinde ko siya ineentertain.
Nakatingin lang siya sa akin tapos hinde nag sasalita. Kaya naka tingin lang rin ako sa kanya. XD
Naka titig parin siya sa akin. Ano ba to? Titigan contest?! Bakit hinde siya nagsasalita? Nandito lang ba siya para makipag titigan?
“Gusto mo ng maiinom?” inumpisahan ko na yung pagsasalita.
“Punta tayo sa park.” tumayo siya tapos lumabas na ng bahay
Ano hinde niya iintayin yung sagot ko? pano pag ayaw ko? bwiset naman talaga. Hinde pa niya ko inintay! Anong problema nun?! PMS?!
Wala akong choice kung hinde ang sundan siya. nakita ko siyang nakatayo sa may tapat ng bahay tapos nagsisindi ng yosi. Lumabas na ko at isinara ko yung gate. Nag lakad kaming dalawa papunta sa park. tahimik na naman kami pareho. Nagyoyosi siya tapos ang bilis ng lakad niya kaya nasa likuran niya ako.
Hinde ko nakikita mukha niya, kaya hinde ko alam kung may iniisip ba siya o wala. Sinusundan ko lang siya. ng bigla siya napahinto.
Hinulog niya yung yosi niya tapos tinapakan niya ito.
“Akin na kamay mo.” napatingin ako sa kanya, “Akin na.”
Tumingin ako sa left hand ko tapos tinago ko sa likod ko, “Bakit? Aanuhin mo naman kamay ko?”
“Akin na kasi!” hinawakan niya yung may wrist ko tapos sabay slide sa may kamay ko, he looked away but I noticed that he smiled, I looked down and also smiled. “ang tagal ko ng gustong gawin to..”
“Huh? Ang alin?”
Tinaas niya yung kamay namin, “Eto. Ang weird naman kasi kung lalapitan kita tapos bigla kong hahawakan yung kamay mo diba? baka bigla mo pa akong sampalin nun. Tch.”
“Bakit naman?”
“Siyempre! Ako tong tangang lalaking bigla ka na lang iniwan tapos bigla kong hahawakan kamay mo dahil lang namimiss ko yun, dahil lang namimiss kita..”
Bumilis bigla yung tibok ng heart ko. Parang.. ano to??? Pag nagpatuloy to baka hinde ko na naman mapigilan sarili ko na ma-fall sa kanya..
“Ok lang ba to? Baka naman magalit si Abi..”
“Bakit siya magagalit? Matagal na kaming wala diba? siya pa nga nakipag break eh..”
Ano raw? Hinde ba sila? diba.. nung nakausap ko siya.. kaya siya nag-bye sakin kasi babalik na siya kay Abi? Diba dahil nagkabalikan na sila? mali lang b pagkarinig ko nun? Imposible eh..
Sige sabihin na nating nabingi ako nung time nay un, pero diba lagi silang magkasama? Dahil kay Abi kaya wala na kami.. dahil sa kanya..
“Diba girlfriend mo siya?”
“Sabi nga nila..” tapos napa yuko siya, “Alam ko hinde eh..”
Hinde ko siya maintindihan. Bakit niya sinasabing hinde niya girlfriend si Abi? Nagsawa na rin ba siya sa kanya? diba lumuhod pa siya sa tapat ko para lang lumayo ako sa kanya.. pero bakit niya sinasabi na hinde sila? para saan yung mga ginawa niya dati?
Hinigpitan niya yung pag hawak niya sa kamay ko. umupo na kami sa may bench. Habang pinapanood namin yung mga taong nag lalaro ng basketball nilalaro naman ni Kenji yung kamay ko.
Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman nakangiti tapos nakatingin sa kamay ko. Para siyang batang masaya..
Hinila ko yung kamay ko tapos biglang napatingin sa akin si Kenj
“Bakit??”
“Maraming tao. Isa pa, baka makita tayo ng girlfriend mo.”
Nagsmile siya sa akin, “Ok lang yun. kanina pa niya tayo nakikita.” Hinawakan niya ulit yung kamay ko.
Tumingin tingin ako sa paligid namin para hanapin si Abi pero wala naman siya.
“Nasan siya?? sira ka talaga! Tahimik na buhay ko! wag mo ng guluhin..”
“Ikaw lang naman girlfriend ko eh.. hinde kami ni Abi.. hinde kami, ok?? Matagal ng hinde kami. Nakipag break nga siya sa akin diba? Simula nung naging girlfriend kita, naging masaya ako. kung pupwede nga lang ilagay kita sa bulsa ko para araw araw kitang kasama eh.. para kahit na wala na tayo, kasama parin kita..”
Napatingin ako kay Kenji, gusto ko siyang yakapin.. pero hinde pupwede.. bakit ngayon lang.. bakit..?
“Kaya ko nagawa sayo yung mga masasakit na bagay na yun kasi.. hinde kita makalimutan. Si Abi yung kasama ko pero ikaw yung nakikita ko.. ikaw yung lagi kong hinahanap.. ikaw parin.. Alam naman ni Abi yun eh. Hinde ko naman siya pupwedeng iwanan kasi sabi ko nga sayo, may cancer siya.. Nung nagpunta kami ng hospital ang sabi nung doctor may kelangan tanggalin sa stomach niya, teka.. baka yung buong stomach. Ewan ko. ikaw kasi naiisip ko nun eh.”
Naka yuko lang ako. Bakit parang nasasaktan ako sa mga sinasabi niya? Bakit parang nag sisisi ako? Nagalit ako sa kanya, pero siya patuloy parin yung pag isip niya sa akin.
“Lahat ng nangyari satin noon naaalala ko pa.. lahat.. lahat lahat. sabi ko diba gusto kitang kalimutan? Pero sa totoo lang hinde ko gustong makalimutan ka.. walang araw na nag daan na nakalimutan kita at yung memories natin..”
Pilit ko siyang kinakalimutan noon, pero siya naalala niya pa lahat ng nangyari.. hinigpitan ko yung paghawak sa kamay niya, nag smile siya.
“Pero pano na siya..? Mali to Kenji eh..”
“Athena, please.. bigyan mo naman ako ng chance oh.. hayaan mo lang ako sa tabi mo..”
Kakayanin ko pa ba siya sa tabi ko? Eto ba yung sinasabi ni Lucas? Bakit parang nag kakatotoo?
“Kelangan niya ako eh..” WTF? Para san pa to?!
“Eh baki--”
“PERO KELANGAN KITA!” nanlaki yung mata ko dahil pasigaw niya tong sinabi. Nung tumingin ako sa may paligid namin napansin kong napahinto sa pag lalaro yung mga nag babasketball at yung mg nasa swing nakatingin sa aming dalawa. “Kailangan kita Athena.. IKAW ang kailangan ko..”
Hinde ko na alam.. Do I still need him? What about Lucas? Ganun ganun na lang ba? Pag nag-sorry ok na lahat? Pano yung pain na pinag daanan namin dati? Diba dapat i-heal muna namin..?
Hinde ko alam kung bakit pero..
“Fine..”
Chapter FORTY FOUR
“ASAN KA NA BA?! PAGHIHINTAYIN MO BA TALAGA AKO DITO?!?!”
“Papunta na ko!! Wala ka bang kasama dyan?? Si Lucas?? Sabi ko sa ungas na yun samahan ka muna habang wala pa ko eh!”
“AT BAKIT MO KO IBINIBILIN KAY LUCAS?! PAG WALA KA PA DITO NG FIVE MINUTES, SI LUCAS NA IDEDATE KO!” tapos binabaan ko siya.
Nakatingin lang sa akin si Lucas habang umiinom ng soda niya. Napailing na lang kami pareho. Obviously schoolmate ko si Lucas at blockmate ko rin siya. Si Kenji hinde natanggap sa South University. Wag niyo na itanong kung bakit. Halata naman siguro ung dahilan. Ok joke lang yun. Naka pasa siya. IT kinuha niyang course. Oo nakakagulat talaga.
“Aba . Ikaw na yung boss ngayon ah! Buti pumapayag siya?”
“Wala naman siyang magagawa eh.” Uminom ako ng tubig bago ko tinuloy yung sasabihin ko, “kung hinde lang talaga masyadong maganda at kung hinde lang ako masyadong natuwa dun sa ginawa niya nung birthday ko, hinde pa ko papayag maging kami ulit.”
“Bakit, hinde ka ba masaya?” tanong niya sa akin
“Masaya.. pero siyempre mahirap na.. baka may milagro na naman sa likod ko hehehe!”
“Magtiwala ka na lang..”
Habang nag iintay kami kay Kenji hinde naming mapigilan pag usapan yung mga nagyari dati.
7 months na rin ang nakalipas. Sa pitong buwan na yun, marami masyadong nangyari samin ni Kenji. Nung araw na nung play, medyo parang.. totoo yung scenes naming dalawa. Bawat bitaw niya ng line niya, hinde ko maiwasang, I don’t know, kiligin? Anyway, may part din na kelangan niya akong i-kiss, tapos… dapat fake lang yung kiss pero tinotoo niya! Pero kahit gaano ka-sweet ung story na yun, sa dulo malungkot pa rin. Nung pagtapos ng play halos lahat nung nanood namamaga yung mata. Ganun ba talaga ka touching un???
Nung graduation day naman, after nung ceremony bigla siyang lumapit sa akin tapos hinug niya ako sa tapat ng pamilya ko, HABANG NAG RERECORD UNG VIDEO CAM! Si mommy tuloy tuwang tuwa dahil akala daw niya break na daw kami buti na lang daw hinde pa. Si Kenji naman siyempre ngiting ngiti. Sabay pa tuloy nag dinner yung pamilya namin. May award na nakuha si Grace kaya ayun may party kinabukasan. Actually silang apat meron eh.. Kirby, Jigs, Grace at Kenji. Loyalty Award hahaha! Pero si Grace may tunay na award naman talaga, 6th honourable mention.
Gradball.. Siyempre, si Lucas ka-date ko. Sinabi ko rin kasi kay Kenji na si Abi na lang samahan niya dahil ang pangit naman tingnan kung ako ulit yung makakasama niya. Pumayag naman siya pero gusto daw niya sasayaw kami every song! HELLO!!! Malamang hinde ako pumayag sa gusto niya! Pero ginawa naman niyang special yung sayaw namin.. kaya medyo.. medyo.. parang.. na-fall na naman ako..
Summer vacation, of course nasa korea ako nun umuwi kasi kaming tatlo nila oppa at Sara sumabay kami kay mommy. Nag reunion kami ng mga friends namin dun. One month din kami halos nag stay dun. Yung tito ko na yung nag enroll sa amin ni Sara. Si Kenji naman bigla akong sinurpresa dahil.. pumunta siya sa Korea.
Nung 18th birthday ko naman, masyadong naging special. Siya kasi escort ko. Ayun.. madaming nangyari.. napa-oo ako.. hehe alam na.
Habang nag kukwentuhan kami ni Lucas nakarinig na lang kami ng mga bulung bulongan sa may paligid namin. Nagtatayuan yung ibang babae tapos lumabas sila sa cafeteria.
Eto akong kaming chismoso tumayo kami ni Lucas at sinundan yung mga babaeng naglalabasan. Nung sumilip kami nakita naming na may isang lalaking nakatayo. Nakatalikod siya kaya hinde ko makita yung mukha niya. Nung nag side view na siya nakita kong naka shades siya kaya parang tuloy siyang artista kung tingnan.
“Kilala mo ba yun? Ao kayang course niya?” tanong ko kay Lucas
“Hinde. Baka naman hinde dito building niya..”
Nagring bigla yung cellphone ko. Pagtingin ko si Kenji tumatawag
“Asan ka na ba?? Nandito ako sa may tapat ng building niyo eh. Ang daming tao!!”
“Nasan ka? Nandito kami ni Lucas sa may Tapat ng building. Marami ngang tao.”
“Naka color green ako na damit tapos naka shades.”
Pagtingin ko dun sa lalaking naka shades, naka color green siya na shirt tapos mukhang may kausap siya sa cellphone niya.
“Taas mo nga left hand mo..” habang nakatingin ako dun sa lalaking naka shades. Biglan itinaas niya yung left hand niya, “Lucas si Kenji pala yun eh”
“Ang alin? Nasan ka na ba??”
“Tingin ka sa right side mo.” Tapos I ended the call.
Tumingin na si Kenji sa may side na kinatatayuan naming ni Lucas.
“Nakatingin siya sa akin!! OMG!!” sabi nung isang babae
Ano ba to. Pati pa ba naman ngayong college na kami pinagkakaguluhan pa rin siya ng mga tao?! Ganun ba siya ka gwapo?? HA??
Dahan dahan niyang tinanggal yung shades niya tapos nakasmile siya habangnaka tingin sa akin. Mabagal siyang nag lakad papunta sa akin. Pag dating niya sa tapat ko nag smile siya.
“Athena.” Sabay hug niya sa akin
Oo.. ganun nga siya ka-gwapo. Bakit ba ako rin yung sasagot sa sarili kong tanong? Haay. Kenji. Nag ‘aww’ yung mga tao sa paligid namin.
“Si Athena pala yung girlfriend niya.. bagay silang dalawa! Sigurado akong magiging maganda at gwapo yung mga magiging anak nilang dalawa.”
"Oo nga!!"
Tiningnan ako bigla ni Kenji tapos hinawakan niya yung mukha ko. “Tara na?” nag nod ako tapos nag paalam na kami pareho kay Lucas. Hinila niya yung kamay ko tapos tumakbo kami papunta sa may kotse niya.
Kumain kaming dalawa sa labas tapos umuwi na kami sa bahay ko. Nag laro sila ng aking pinakamamahal na kapatid at saka siya umuwi.
“Athena.. alam na ba ni Kenji?”
“About what?” I asked oppa
“You know.. about your condition..” umupo siya bigla sa tabi ko, “the doctor said that..”
“I know. The doctor said that the medicine I’m taking is working, right? He said that I just have to take good care of myself.. that I have to be more aware that I’m fragile.. right?”
He nodded. “Right..”
Tumayo na ko tapos pumasok sa kwarto ko.
Sa pag higa ko, naisip ko na naman yung tungkol sa kalagayan ko. Mahina parin pala puso ko kahit na nakagraduate na ko ng highschool. Kahit na nagkabalikan na kami ni Kenji hinde parin magbabago yung fact na, may sakit ako.
Hinde ko pa pala nasasabi kay Kenji yung tungkol dun. Hinde ko rin alam kung dapat ko pang sabihin. Ok pa naman ako eh.. hinde niya pa kelangan mag alala. Hinde ko rin hahayaan na magalala siya ng dahil lang may sakit ako sa napaka bait kong puso. Sana lang talaga wag ma timingan na sumpungin ako.
------------------
“Kenji..”
“Yes lovebabe?” OMG ETO NA NAMAN YNG LOVEBABE!
“Lovebabe?! Aish. Anyway, ano bang meron ngayon? Bakit bigla kang pumunta dito?”
Napatingin siya bigla sa akin, “monthsary natin.. ”
Monthsary? Sinecelebrate ba yun?? Ang weird na niya talaga. Pati monthary i-cecelebrate pa.
“Teka, wala ka bang pasok ngayon? Bakit nandito ka?!”
“Tinatamad ako eh.. gusto kitang makasama ngayon sa mahalagang araw ngayon..”
“Palagi na tayong magkasama!! Ano ka ba! Pumasok ka na nga! Dapat pala hinde na ko pumayag sa ganitong set up eh. Mukhang ako pa nakakasira sa pagaaral mo!”
Binaba niya yung burger na kinakain niya, “sabihin mo lang kung ayaw mo akong makasama ngayon. Ayoko ng ganito. Hinde mo nga alam na 5 months na nga tayo tapos ganyan ka pa umasta! Baka naman pati sa birthday ko pagsungitan mo na naman ako!!”
“Ano ba! Bakit ba nagwawala ka dyan!? Ano kayo na naman ba ni Abi? Itutulak mo na naman ba ako palayo!? Sabihin mo nga!”
“Athena, ikaw ang tumutulak sa akin!! Ginawa ko lahat.. pero eto isinusukli mo sa akin oh! Sabihin mo nga sa akin, mahal mo ba talaga ako?! Mahal mo pa ba ako?”
“KENJI!!! Ano ba!!”
Tumayo siya bigla tapos nilapag niya yung burger niya sa table. “Papasok na ko. Bye.”
“Teka may sasabihin ako sayo!”
“Wag mo ng ituloy. Magusap na lang tayo pag malamig na ulo mo.”
Tapos umalis na siya. Sasabihin ko na sana sa kanya yung sakit ko.. pero hinde ko magawa. Imbis n asana nasabi ko na.. inaway ko pa siya bakit ganun? Kahit last month dapat sasabihin ko na sa kanya eh.. pero iba rin kinalabasan.. hinde naman kami nag away pero hinde ko rin nasabi..
Pumasok na ako ng classroom tapos nakita ko si Lucas nagbabasa ng libro. Umupo ako sa may tabi niya tapos nilagay ko ung kamay ko sa may mata ko. Naiiyak na naman ako. Hinde ko alam kung bakit, ako naman yung may kasalanan.. pero bakit ako yung umiiyak?
“Away?”
“Oo.. Ako may kasalanan eh..”
“Lagi naman eh. Athena nagbago na si Kenji. Bakit pinapahirapan mo parin siya? Ano pa ba pinoproblema mo?”
Ano nga naman ba pinoproblema ko? Kung tutuusin.. he’s been very patient about me.. 9 months niya akong pinag titiisan. Kahit minsan ang btch na ng dating ko, nandun parin siya.. pero ngayon lang siya nagalit.. ngayon lang siya pumitik.. ngayon ko lang ulit nafeel na seryoso nga talaga siya..
“Sasabihin ko na dapat eh.. pero hinde ko magawa..”
“Kung ayaw mo talagang sabihin eh di wag. Hinde yung bigla bigla mo na lang syang aawayin.” Nilapag niya yung librong binabasa niya sa may armchair niya, “baka naman gumagawa ka ng paraan para lang mag away kayo? Para may excuse ka na kaya hinde mo nasabi sa kanya kasi nagaway kayo..?”
Eto na naman siya, si Mr. Genius. Lagi na lang sya yung nag sesermon sa akin! Nawala na nga si Sara sa tabi ko siya naman yung pumalit. I bet pag nalaman to ni Sara dalawa na silang magnanag sa akin.
“Sasabihin ko na talaga sa kanya..”
“Talaga?” yes. I will tell him.
I nodded.
Kinuha ko yung phone ko tapos denial yung number ni Kenji
“Hello?”
“Kenji.. kelangan natin mag usap. Nasan ka?”
“Mamaya na ok lang?”
“Ngayon na.. importante..” narinig ko siyang nag sigh, “nasan ka ba? Pupuntahan kita dyan..”
“Nasa ospital ako..”
HOSPITAL?! Tama ba yung narinig ko?!?! Naaksidente siya?!?! omg. Ako may kasalanan! Bakit ba kasi inaway ko pa siya??? mag sosorry ako.. tama. Yun ung dapat kong gawin..
“Bakit ka nasa hospital?! Sorry kanina..”
“Ok lang yun. Nangyari na eh.” Bakit parang hinde ok sa kanya?
“May masakit ba sayo?? Ok ka lang ba??”
Ok para na akong worried girlfriend ngayon. Kanina lang inaway ko siya pero ngayon ako na yung nag hahabol. Dapat kanina ko pa to ginawa para hinde na siya naaksidente pa..
“Ok lang ako..walang nangyaring masama sa akin.”
“Eh bakit nasa ospital ka?? Wag ka ngang mag sinungaling.. sabihin mo na lang sa akin kung may nangyari sayo..”
“Hinde.. si Bee.. naospital.. nandito ako ngayon sa labas ng room niya..”
Si Abi.. Na naman..
ITUTULOY

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento