Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [29]




“Huy gising na! mag seseven na, kelangan mo pang umuwi para magready sa school.”

Naramdaman ko yung pag hampas sakin ni Athena sa may braso. Pucha. Parang kakatulog ko lang tapos kelangan ko ng gumising? Joke ba to? Ang tagal tagal kong nag concentrate para lang makatulog!! Pano ba naman chance na eh.. pero kelangan kong pigilin! Hinde pa eto yung tamang oras para gawin namin yun. 

Ano ba tong iniisip ko!! Ang aga-aga tapos yung paghihirap ko kagabi yung naiisip ko. grabe, kung alam niyo lang kung gaano kahirap, jusko! Hinde niyo kakayanin. Lalaki ako! I have my own needs. Mabuti na lang at sobrang nirerespeto ko siya. Ano bang alam ko.. eh hinde ko naman tinanong kung ok lang sa kanya. Anak ng.. dapat pala nag tanong ako kagabi!! WAHAHA!

“YA!! It’s already 7!! I’ve been nudging you for 5 minutes already!” sabi ni Athena pagkatapos niya ako bigyang ng malakas na hampas. Dinilat ko na yung mga mata ko tapos nakita ko si Athena naka upo sa tabi ko.

“Kiss muna.” Demand ko.

“UMUWI KA NA! MAY PASOK PA TAYO!” biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Athena

“WHAT’S HAPPENING?! WHAT HAPPENED? WHY DID YOU SHOUT???”

Napatingin kaming dalawa kay Nathan, halatang nag alala siya dahil kitang kita sa itsura niya.

“Nothing. I was just trying to wake him up.”

“Ya! Stop shouting!! I told you not to stress yourself! Kenji, don’t make her shout! She’s… I mean it’s irritating. Get ready na for school.” lumabas na si Nathan at sinarado yung pinto.

Nginitian ko si Athena, medyo nagsmile din siya. siguro good mood na to. Tumayo na ko sa kama tapos niyakap si Athena, “Oh wag ka daw sisigaw.” Tapos niyakap niya rin ako

“Sorry.. ayoko lang kasing malate ka. Pero wala eh, malalate ka pa rin kahit anong mangyari. Sige na, umuwi ka na, wag ka na kumain ng breakfast sa inyo ok? ipag luluto kita!”

“Sige. Basta siguraduhin mo lang na hinde sasakit tiyan ko, ok? Uwi na ko.” kiniss ko siya sa noo niya tapos lumabas na ng kwarto niya.

Tumakbo ako pauwi ng bahay para exercise na rin, hassle nakalimutan kong may practice kami. Anong oras na rin kasi akong nakatulog. Hassle talaga! Ayoko ng mangyari ung ganun! Ang hirap mag pigil eh.

Pagkadating ko sa bahay dumeretso na ko sa banyo para maligo. Nakapagbihis na ko at lahat lahat siyempre late na late na ko 8 nag sstart yung class 8:45 am na. nagmadali na akong mag lakad dahil alam ko pag kadating ko sa school hahampasin ako ni Athena sa ulo! 

Ang masakit pa sa loob ko, 4th floor kami! Bago ako makarating dun, malamang nakapag start na sila ng 2nd period. Gaya nga ng sabi ko nag start na nga ang 2nd period. Pag pasok ko iba yung teacher namin, si Athena napansin kong umiling.

“You’re late Mr. delos Reyes. What have you been doing all night?”

“Nakipag bahay-bahayan kay Athena.”

Nagtawanan buong klase sa sinabi ni Kerb, “Is that true?! You’re with Athena all night? You’re still together pa pala.”

“Sir..” napatingin ako kay Athena yung itsura niya parang nag tataka. Etong teacher na to! Napaka chismoso!!!

“I thought you two broke up.. glad to hear that you and Miss Tizon are still together, ilang years na nga ba ulit kayo? 4? 5?”

Nagbulungan yung mga kaklase ko. si Athena iniwasan ako ng tingin. Pucha galit na naman to. Ang daldal kasi nitong lalaking to eh! ang sarap sapakin!

“Sir matagal na silang wala. Ibang Athena yung sinasabi nila, Athena Dizon po, hinde TIZON. Ayun siya sa likod.” Tinuro ni Lucas si Athena. THANK YOU LUCAS!

Napatingin si Mr. Castro kay Athena, “Ay ganun ba? Sorry.. Hehe.. tumatanda na talaga ako. hinde na ako updated sa mga balita. Let’s move on. Kenji umupo ka na.” naglakad ako papunta sa may upuan ko at naupo na. Tiningnan ko si Athena pero hinde siya lumilingon sa akin. 

Alam ko naman na wala na lang yun sa kanya eh, pero hinde ko lang alam kung bakit naapektuhan siya ngayon. Minsan hinde ko rin maintindihan to si Athena, pagtinatanong kung ok lang ba siya, sasabihin niya ok lang. Pero hinde naman siya ok. Minsan ang haba ng pasensya nya, pero minsan biglang pumipitik. Pero hinde ibig sabihin na naaasar ako o umaayaw na ko. nakakapagtataka lang yung pag babago niya. kahit kelan PMS siya, yun na lang ata hinde mag babago sa sistema niya eh.

Buong 2nd period hinde niya ako kinakausap, kahit isang tingin hinde niya ginawa. Ilan beses ko na rin sinubukan mag pacute sa kanya pero hinde umeepkto! Amp. Ano ba kasi ginawa kong mali?? Hinde naman ako yung nagbanggit nun eh!! bakit ako yung kelangan magsakripisyo ng ganito?

Recess na namin, tumayo si Athena tapos lumabas ng classroom. Gutom na gutom na ko! sabi kasi ni Athena wag na daw akong kumain sa bahay, ipagluluto niya daw ako kaya eto hinde nga ako kumain. Pero sa sitwasyon namin ngayon, malaki ang posibilidad na hinde niya ko papansinin hanggang uwian.

“Eto na yung pagkain mo.” Nilapag niya yung green na tupperware sa may armchair ko tapos nag lakad na siya palabas ng classroom. Binitbit ko yung tupperware tapos sinundan si Athena.

Naglalakad siya ng mabagal habang naka yuko. “Athena.”

Napahinto siya sa pag lalakad tapos lumingon sa akin.

“Bakit?”

“Samahan mo akong kumain.”

Lumapit siya sa akin tapos nag lakad na kami pabalik sa classroom. Magkatabi kaming nakaupo sa may tabi ng bintana, nakatingin lang siya sa may bintana. Halatang ayaw niya pa rin akong tingnan.

“Wag mo ng pansinin yung kanina. Teacher kasi namin yun nung 1st year kaya alam niya. siguro hinde niya nabalitaan na ibang Athena na yung girlfriend ko ngayon kaya naisip niya na si Abigail pa ri--”

“Ok lang. Sanay na rin naman ako eh.” sabi niya habang nakatingin pa rin sa may bintana.

“Kanina mo pa ako hinde tinitingnan.. nalulungkot na ko. feeling ko ako yung may kasalanan eh.. Sorry na. Tingnan mo naman ako kahit isang beses lang..”

Hinde pa rin siya lumilingon sa akin, “Tiningnan kita kanina.”

Hinwakan ko yung kamay niya pero bumitaw rin siya kaagad. Hinde ko na pinilit na tingnan niya ako, alam kong hinde ko siya mapipilit. Ayan si Athena, matigas ulo. Sinubukan kong makipag usap sa kanya, oo sumasagot nga siya sa mga tanong ko pero isang tanong isang sagot lang talaga. Ayaw nya makipag converse ng maayos.

Biglang tumayo si Athena at tumakbo papalabas ng classroom, sinundan ko siya pero ang turo sakin ng mga taong nakakita sa kanya sa cr daw siya pumunta. Inintay ko siya sa may tapat ng cr. Alam kong may tinatago siya sa akin. Kahit hinde niya yun sabihin, nararamdaman ko.. Iniwasan niyang sagutin nung tinanong ko siya kahapo. Ngayon gusto ko siyang pilitin para lang sabihin sakin yung tinatago niya! ano ba yun? Big secret ba talaga? Hinde ba niya talaga ako pag kakatiwalaan?

Paglabas niya ng cr nilapitan ko kaagad siya, mukang nagulat siya dahil medyo nanlaki yung mata niya.

“Wala ka naman kinain pero nag suka ka.. May sakit ka ba? Ano ba kasi yung sakit mo??” diretsuhan ko siyang tinanong.

Tumalikod siya sa akin tapos nag simulang mag lakad. “Wala. Bakit mo naman nasabing may sakit ako? Dahil sa nag susuka ako?” sinundan ko siya, hinde ko pupwedeng palipasin na lang to.

“Napapadalas eh.. kung wala kang sakit edi buntis ka nga?! Sabihin mo na kasi!” hinawakan ko yung kamay niya tapos para huminto siya sa pag lalakad. “Ayokong makipag laro ng hulaan! Alam mo namang mainipin akong tao eh! Sabi mo rin, ayaw mo ng secrets, eh ano to?! Sabihin mo na yung totoo!”

Hinila niya yung kamay niya kaya napabitaw ako sa pag hawak, “Oo may sakit ako. Under medication pa ko. Ok na ba?” tumalikod siya tapos pumasok na sa loob ng classroom.

Under medication..? Ibig sabihin hinde pa grabe yung sakit niya? inoobserbahan pa lang pag ganun diba? Alam ko ganun yun eh.. ganun nga ba? Bakit.. kelangan niyang itago pa sakin yun? Diba nga dapat ipapaalam niya sakin para suportahan ko siya? Akala niya ba iiwan ko siya pag nalaman kong may sakit siya? Ganun ba kababaw tingin niya sa akin? Wala ba siyang tiwala sa pagmamahal ko sa kanya? Nakakasama ng loob to ha..

Pumasok ako sa loob ng classroom, pagkaupo ko hinde na kami nag pansinan ni Athena. Lunch time kasama niya si Carlo, sila Kerb naman nag tatanong kung may problema daw ba kami. Siyempre sabi ko wala. 

Wala naman eh, masama lang yung loob ko kasi bakit kelangan niya pang itago sa akin yung sakit niya. Wala akong alam kung anong klaseng sakit ba yun.. hinde ko alam kung dapat ba talaga akong magpanic dahil may sakit siya.. pero ewan. Magulo.

Last subject na, tumayo si Athena tapos tumabi kay Grace kasi wala pa yung teacher namin. Nag usap sila tungkol kay Carlo dahil sa kalagayan nung lola niya, narinig ko rin na pinaguusapan nila yung tungkol sa pagcollege.

“Athena, alam mo na ba kukunin mong course? San mo planong mag college?”

“Oo.  Sa South University. Ikaw?” South Univ parin pala papasukan niya gaya ng napagusapan namin, malapit na yung entrance exam dun siguro nag reready na siya para sa exam. Ako hinde ko alam, basketball na lang pagasa ko dun.

Napa-palakpak si Grace sa sagot ni Athena, “Sa South University rin. Si Lucas rin ata dun plano mag aral eh..”

“Talaga? Anong kukunin mong course? Plano kong mag MMA or Photography eh. Ay! Baka filmmaking rin.. ay ewan! Basta isa dun sa tatlo.”

Puro art un ha? Kung sa pareho kami ng university na papasukan.. magkahiwalay pa rin kami ng building. Sa Science part ako siya naman sa Arts. Pero ok lang naman yun kesa sa malayo kami sa isa’t isa diba?

Nag start na yung last subject, Filipino. Ganun pa rin kami, hinde nagpapansinan. Ayoko na munang kausapin siya, kanina ko pa sinusubukan makipag usap pero tinatabla niya ako. Masama loob ko kasi ngayon niya lang sinabing may sakit siya, anak ng! UNDER OBSERVATION PA HA! tss. Nakakasama talaga ng loob.

Tapos na yung Filipino class, lumabas ako papuntang locker para ilagay yung mga libro ko. Tumawag ako sa boss ko para sabihin na mga 7 pm na ako makakapasok. Tinanong niya kung si Athena makakapasok ng maaga, hinde ko alam ang isasagot ko. Sabi ko na lang na tatawagan ko siya pag papasok si Athena. Yun ay kung malalaman ko pa.

Sa may center stairs ako bumaba dahil alam ko na sa side stairs baba si Athena. Iwas lang sa gulo.

“Babes!” lumingon ako sa likod ko at nakita ko si  Jigs at Kerb tumatakbo papalapit sa akin, “Bakit mo kami iniwan! Sabi ko sayo kanina sabay na tayong pumunta ng gym ni Kerb eh. langya nagmadali ka ah.”

“Sorry. hahaha! Nawala sa isip ko!” sabay kamot sa ulo

“Tara na paps. Baka iniintay na nila tayo.” Inakbayan kami ni Kerb tapos naglakad na papuntang gym.

Pagkadating namin sa gym nagpalit kaagad kami ng damit. Buti na lang at may mga extra akong damit sa locker ko kung hinde baka napauwi ako ng di oras para lang kumuha ng damit. 

“Kenji, may nag hahanap sayo sa labas.” Sabi sakin ni Alex, teammate ko.

“Oh? Sino?”

Ngumiti siya, “Secret. Puntahan mo na lang sa labas.”

“Sige pare, salamat.” Nag slight nod ako sa kanya tapos lumabas na ako ng locker room


Pagkalabas ko, nakita ko si Athena, nakasandal sa may pader, naka yuko. Nilapitan ko siya tapos napatingin siya sa akin. Ngumiti siya ng pilit pero yumuko ulit siya.

“May kailangan ka ba?”

Napa tingin siya bigla sa akin, “Ha? Ah.. wala naman..” tapos nag smile, “sige, mauna na ako.. mukhang busy ka eh..”

Tumalikod na siya tapos nagmadali siyang maglakad.

“Athena!” tumakbo ako palapit sa kanya, hinawakan ko wrist niya para pigilan siya, “Hinde ka naman pupunta dito kung hinde importante sasabihin mo diba? Hinde pa naman kami nag sisimula eh..”

Napatingin si Athena sa may likuran ko, pati ako napatingin din. Nakita ko yung teammates ko lumalabas na ng locker room, ibig sabihin mag sisimula na yung practice.

“Tara dito tayo mag usap.” Hinila ko siya papasok sa may gym room. Umupo ako sa may bangko siya naman sumandal sa may pader. “Game.”

“Sa totoo lang ulcer lang yung sakit ko. wala ka naman talagang dapat ikatakot eh. Pati..” nag smile siya, “Sorry.. Tinopak ako eh..” tapos napa yuko niya, napansin kong humihigpit yung hawak niya sa strap nung backpack niya.

Iniinaty kong tapusin yung sasabihin niya, pero ang tagal naming natahimik. Ayoko rin naman putulin yung sinasabi niya since alam kong may karugtong pa yun.

“Nagselos kasi ako eh.. eto na naman ako. pinairal ang selos. Pagbigyan mo na ako.. minsan lang naman ako magselos eh.. Hinde ko napigilan eh, tuwing napaguusapan yung tagal ng pag sasama niyo ni Abigail, tuwing yung mga taong nakakaalam nung tungkol sa inyong dalawa pinag uusapan yung past.. nahihirapan akong pigilan yung selos. Weird noh?” natawa siya ng mahina, tapos biglang nagsalita na naman siya, mahina lang pero sakto para marinig ko, “naiinsecure kasi ako.. feeling ko sobrang ang saya niyo kaya umabot kayo ng ganun ka tagal.. feeling ko hinde kita mapapasaya gaya nung ginawa niya.. feeling ko rin bigla mo akong iiwan tapos babalik ka sa kanya.. hinde ko kaya..”

Napatayo ako tapos nilapitan ko siya, tinakpan niya yung mata niya at umiyak.

“Saranghae..” hinawakan ko siya sa may balikat at niyakap, “No moo saranghae.. saranghaeyo.. saranghae.. no moo sarang hae..” [I love you; I love you so much]

Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya, gusto kong iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya.. at hinde ko siya iiwan. 

“Sorry din kung iniwasan kita kanina.. naasar lang ako kasi akala ko kung ano na yung sakit mo. Ano ka ba.. Mahal din naman kita eh.. mahal na mahal. Bakit mo ba ako pinapangunahan? Hinde naman kita iiwan eh.. hinde ko rin kaya.”

Napatingin siya sa akin, tapos nag smile siya at niyakap ako ng mahigpit. Eto yung gusto ko eh! Pagkatapos ng tampuhan or away, maghuhug kayo.. yung hug na nakakagaan ng loob, yung alam mong ayaw mo nang matapos yung moment na yun dahil special eh.

Pinunasan niya yung mukha niya tapos nag smile sakin, “Sige na, bumalik ka na sa court. Baka bigyan ka pa ng punishment ng coach mo eh, ako pa sisihin mo.”

Tumango ako, “Papasok ka ba sa work? Nasabi ko naman sayo na ngayon start mo diba?”

“Oo, magbibihis lang ako tapos didiretso na ko dun. Sabihin ko na lang na hinde ka makakapasok.”

Umiling ako, “Hinde, tumawag na ako. Sabi ko mga 7 ako makakapasok kasi may practice. Intayin mo na lang ako dun, ok? sabay tayong umuwi.” Nag smile siya sa akin, “ay oo nga pala. yung egg kanina masyadong matamis. Sugar yung nilagay mo hinde salt. Pati yung hotdog hinde masyadong luto. Marunong ka bang mag luto?”

Nag pout siya tapos umiling, “first time ko un eh. sorry..”

“Ok lang, basta sa susunod kelangan tama na yung luto mo ok?”

Nagnod siya tapos lumabas na kami ng gym room. “Sige na, mauna na ako. good luck!”

Nag nod ako tapos tumakbo na papunta sa court. Siyempre tama siya. pinarusahan nga ako ni coach. Pero wala lang yun sakin. Ang mahalaga, ok si Athena at ok na kami. Mas ok ng ulcer lang yung sakit niya kesa naman mas malala pa tsss. Akala ko naman kasi kung ano na.

Mga 6:30 natapos yung practice. Dumeretso na ko sa locker room para maligo at ng makapunta na sa trabaho ko. napansin ko na kanina pa nakatingin sakin sila Kerb at Jigs, hinde naman nila ko kinakausap. Nakatingin lang talaga sila sakin.

Pagtapos ko nagpunta na ako sa tapat ng locker ko para mag bihis.

“May problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili eh.” tanong sakin ni Jigs.

“Oo nga, nag away na naman ba kayo? Masyado ka ng visible. Madali ng malaman kung may gumugulo sa isip mo, di katulad dati.. nanghuhula pa kami.” Sabi naman ni Kerb na biglang lumapit sa amin ni Jigs

“Tama siya. Sabihin mo na samin yung totoo.. promise, makikinig kami.”

Ganun na ba kahalata kung may bumubulabog sa isip ko? may problema nga ba ako? pero diba naayos na yung problema namin ni Athena kanina? So ibig sabihin wala na akong problema. Pero bakit nila nasabing napansin nilang parang wala ako sa sarili?

Dapat kasi hinde ko dinadala yung mga thoughts ko sa court. Pang bahay lang to eh. langya natututo na rin pala akong magi sip. Hahaha. Pero napaka unprofessional ng ginawa ko. hinayaan kong makita nila na may iniisip ako habang nag lalaro. Pano na lang kung game na yun? Ako pa yung magiging dahilan kung bakit matatalo yung team.

Tumingin ako sa kanilang dalawa, hinihintay nila yung sagot ko. ngumiti ako sa kanila. Oo, kelangan kong sabihin sa kanila. Silang dalawa lang yung taong sobrang pinagkakatiwalaan ko ngayon oras na to.

Napa yuko ako, “Nahihirapan na ko.. hinde ko na ata kaya...” sinuot ko yung shirt tapos kinuha ko yung bag na nasa loob ng locker at nilagay yung madumi kong damit sa loob nun tapos sinara yung locker at napatingin sa kanila, “hinde ko na ata kaya pang mahiwalay kay Athena..”

Tahimik lang silang nakikinig sa akin. Eto ako masyadong nag papadala sa nararamdaman ko. pero kelangan nilang malaman ung mga sasabihin ko, kasi kung hinde sila.. edi sino pang masasabihan ko?

“Hinde ko maimagine na wala siya sa tabi ko.. oo alam kong kelan lang kami nag kakilala, pero alam niyo un? Yung mga oras na yun.. sobrang hinde ko makalimutan. Kung pano kami nagkakilala, yung konting tampuhan..  lahat.” Umupo ako sa may tabi ni Kerby, “parang sasabog na yung puso ko sa sobrang pag mamahal ko sa kanya.. kaya kanina, iniisip ko kung kakayanin ko bang mahiwalay sa kanya kahit isang linggo lang.. pero hinde eh, alam niyo un? Sumakit to oh.” Tinuro ko yung puso ko.

Napangiti sakin yung dalawang ungas, “Edi pakasalan mo siya. Mag live-in kayo.”

“Nahihibang ka na ba? Anong ipapakain ko sa kanya? Pagsamasamahin mo yung allowance at kinikita ko, hinde kami mabubuhay ng maayos nun. Pati bata pa kami. Hinde rin siya papayag.”

“Pero paps alam naman namin na ganun di nararamdaman ni Athena eh. Kahit hinde niya sabihin sating lahat, nararamdaman namin na yun yung gusto niyang mangyari.” pinatong ni Kerb yung kamay niya sa may balikat ko “wag mo munang pangunahan yung desisyon ni Athena.. hinde mo pa nga natatanong tapos nag aassume ka na kaagad. wag ganun paps.”

Pakasalan.. napakalalim ng meaning nun eh. oo madalaing mag pakasal, pero mahirap i-maintain yun eh.. pano pag biglang nagkaron ng sobrang laking away kaming dalawa? Edi makikipag hiwalay na siya sa akin ng ganun ganun lang? Dapat wag muna kasal.. Live-in na lang muna.. Kaya lang baka ang panget tingnan.. ano nga bang paki ko sa kanila? Pero wala naman masama kung tatanungin ko siya kung gusto niyang mag live-in diba..? after highschool.. pwede na kaming magsama kasi mag 19 na ko siya naman mag 18 na next year ako naman 20.. papayag naman siguro magulang niya pati magulang ko sa plano ko diba? 

Tama. After graduation.. yayayain ko siyang tumira sa isang bahay.. Kahit san niya pa gusto.




ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento