Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [48-49]





3am nung December 25, nag punta na ko dito sa Korea. Hinde ko alam kung bakit ko naisipang magpunta kaagad dito. Pero once na sinabi ko sa parents ko na gusto ko ng bumalik ng korea, pumayag sila at nung time rin na yun nag pabook na kaagad sila. 6th day ko na dito, si Sara lagi akong tnatawagan, umuwi na daw ako. Tinatanong niya kung hanggang kelan ko balak mag stay dito pero wala akong masagot. Hinde ko rin kasi alam. Nung birthday celebration ni Kirby tumawag ulit sila. Narinig ko yung mga boses ng tao at isa isa nila akong kinausap. Kahit gusto kong umuwi nung time na yun sa pilipinas, hinde ko magawa dahil alam ko sa party na yun.. nandun si Kenji.

Alam kong nagtampo sakin si Kirby pero inexplain ko naman sa kanya kung bakit hinde ako makakapunta. Pati hinde mura pamasahe. Si Kenji palagi rin tumatawag at nagtetext. Hinde ko kayang sagutin yung mga tawag at messages niya, dahil hinde ko alam kung ano isasagot ko, hinde ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sabi niya rin na mag kita kami sa Korea, kahit daw 5 minutes lang basta daw makapag usap kami. Hinde ko siya sinipot. Ayoko siyang harapin. Hinde ko kasi alam kung makakaharap pa ako sa kanya.

Kaya nung nakausap ko siya nung Christmas Eve at sinabi niya sa akin alam na niya.. hinde ako makapag salita. Hinde ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, hinde ko alam kung dapat akong mag explain or iwanan ko na lang siyang naka bitin.

“Anong alam mo na..?” i asked
“Lahat.. lahat lahat…”
“Ahh. Ganun ba? Anong gusto mong mangyari?” sinusubukan kong maging cold sa kanya.
“Magusap tayo..”
“Naguusap na tayo.” Narining ko siyang nag sigh
“Magkita tayo bukas, ha? Please..”
“Aalis na ko mamaya papuntang korea.”
“Susunod ako dun..”
“Pag balik ko na lang, ok?” nagssniff na naman siya.
“Babalik ka pa ba?” nanginginig na yung boses niya
“Basta pag balik ko na lang..”
“Magiintay ako..” babalik pa nga ba ako..? yun din ang tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa cell phone ko, December 31 na pala.. birthday na ni Kenji. Si Kenji na naman naiisip ko. bakit ba siya nalang palagi? Dapat kasi madami akong nakilalang lalaki para hinde lang iisang lalaki yung iniisip ko ngayon.

“Athena, gwaen chah na?” [are you ok?]

“Kanina pa siya ganyan kuya.. parang ang lalim ng iniisip.”

Tiningnan ko silang dalawa ng masama. Humarap na lang sila ulit sa tv at nanood. Umupo ako sa tabi nung dalawa. Tapos binatukan ko sila

“Ya! Wae irae?!/Ano ba!!” sabay nilang sinabi. Tapos nag sigh lang ako. [What are you doing!?]

“Nuh michussuh?! Hajima.” Tapos lumipat sila pareho ng upuan. [Are you crazy? Stop it.]

Nagring bigla yung phone tapos tumingin silang dalawa sa akin, “Sagutin mo. Para sayo ulit yan.” Sabay na naman nilang sinabi. Ano ba to! Mag kapatid na ba talaga sila??

Dahan dahan kong inangat yung phone

“Yoboseyo?” [hello?]
“Athena? Si Lucas to..”
“O bakit?”
“Kasi.. si Ate Kendi.. Pupuntahan ka ata dyan. Kanina pa yun eh.. siguro nandyan na siya ngayon.”
“NOW?!”
“Oo. Tatawagan ka daw niya pag nandyan na siya.”
“Okay.. sige.. intyain ko na lang tawag niya.. thanks..”
“Umm.. miss na kit—miss ka na namin. Umuwi ka na ok?”
“Bahala na.. Sige, bye..”

“Noogoonya?” oppa asked. Tumingin lang ako sa kanya then binaba ko na yung phone tapos pumunta ng kwarto, “YA!” [Who's that?]

Ni-lock ko yung door tapos humiga sa kama. Lahat ng kakilala ko gumagastos para lang macontact ako. Eto naman iba na.. pumunta pa ng korea si Ate Kendi para lang kausapin ako.. ganun din ung ginawa ni Kenji eh. Hinde ko na alam ang dapat kong gawin. Mali ba ako? mali ba yung desisyon kong pumunta dito?

After an hour nag ring na yung cell phone ko. number lang yung lumabas so malaki ang possibility na si Ate Kendi na nga yun.

Sinagot ko yung tawag niya.Nung narinig ko na yung boses niya kinabahan ako bigla. Gusto niya raw kami mag meet sa Park Seoul Hotel.. bakit dun pa? Nagbihis na ako ng pang alis at nagpahatid na ko sa hotel. On the way pa lang iniisip ko na yung mga itatanong niya sa akin.

Si Kenji kasi walang laban kay Ate Kendi, ano pa kaya ako? Pati tuloy ako natatakot na. Ayoko na tuloy pumunta dun. Kinakain ako ng kaba at takot. Hinde ko alam kung paano ko siya haharapin, paano ko siya kakausapin..

Pagkadating ko sa hotel nakita ko na kaagad siya sa may lobby. Tumayo siya once na nakita niya ako. tinanggal niya yung suot niyang shades tapos nag smile sa akin. Kamukha niya si Kenji.. >.<

Lumapit siya sa akin tapos nag smile. Nag bow ako sa kanya.

Sa may coffee shop lang kami ng hotel maguusap. Nakaupo lang siya habang iniinom yung tea na inorder niya.

“I must say that your hotel is one of the best hotels here in Seoul.”

“Thank you po..”

Pano niya nalaman na amin yung hotel? Wala nga akong sinasabihan masyado tungkol sa sarili ko eh. Kahit kay Kenji hinde ko nasabi yun. Yung mga ginawa ko dati, kung ano ung status ko dito sa korea at yung family background ko. As much as possible, gusto kong maging low profile.

Nagkwento siya tungkol sa gagawin niyang business trip at dahil daw nalaman niyang nandito ako sa korea, inuna na niya to. Medyo nawala ung kaba ko dahil hinde pa sinasabi yung pangalang Kenji.

“Oo nga pala.. birthday ngayon ni Kenji.. alam mo ba un?” nag nod ako. “Hinde nga niya ata alam na birthday niya ngayon eh.. Ewan ko ba.. isang araw bigla na lang umuwi sa bahay yun.. may sugat at pasa sa mukha.”

Tss. Malamang. Gangster yun eh. Wag ka ng magtaka kung isang araw puro sugat at bugbog yung mukha nun. Teka. Si Lucas rin.. nakita ko isang beses may sugat sa may bibig.. pero hinde ko lang pinansin.. nagaray kaya sila? Pero bakit hinde niya sinabi sa akin?

“Hinde ko alam kung ano na naman nangyayari dun sa batang yun! Minsan gusto ko na ngang bugbugin yun dahil hinde tumitino eh! Pero ang bait naman pag dating sayo..”

Sa tono ng pagsaalita ni Ate Kendi, halatang hinde niya pa alam yung nangyari sa amin ni Kenji. Hinde niya pa alam na wala na kami.

“Ate.. wala na kami ni Kenji eh. Hinde talaga nagwork eh.. wag na lang natin ipilit..”

Nagnod niya, “Alam ko. kaya nga ako nandito eh. Hinde kasi expressive na tao yung kapatid ko, kaya ako na lang ang magsasalita para sa kanya.”

“Magsasalita?”

“Sasabihin ko sayo ang mga nangyayari sa kanya simula nung umuwi siya ng bahay. Buong buhay ko, simula nung nagsschool na si Kenji, dalawang beses ko pa lang siya nakitang umiyak. Una nung namatay yung alaga niyang aso. Yung pangalawa, last week lang.”

“Last week..?”

Nagnod siya, “Oo. Nung umuwi siya ng bahay. Tulala pa siya nun tapos may hawakhawak siya. dumiretso pa siya sa living room tapos dun, tulala siya. nagulat na lang ako nung tumabi ako sa kanya, pag harap niya sa akin bigla siya umiyak. Hinde ko alam kung bakit.. pero malakas yung kutob ko na may kinalaman ka dun.”

23? Nagkita nga ata kami nung araw na yun.. dun ko rin nakausap si Abi.. pero bakit siya umiyak? Hinde ba yung last niyang sinabi sa akin ‘bakit buhay ka pa?’ ano bang nakakiyak dun? Dapat ako yung maiiyak ha. Gusto na naman niya na siya yung lumabas na kawawa? Sige, siya na.

“Simula nun hinde na siya lumalabas ng kwarto niya.. hinde rin siya kumakain. Tuwing pupunta ako ng kwarto niya tulala lang siya, tapos hawak niya pa rin yung bagay na hawak niya nung gabing umuwi siya. Tapos biglang kinausap niya ako, sabi niya gusto raw niyang pumunta ng korea kaya ibili ko raw siya ng ticket.. pumunta siya kinabukasan pero nung araw ring yun, umuwi siya ng lasing.”

“Sorry.. hinde ko siya pinuntahan nun..” nag nod siya, “Sorry po talaga..”

“Simula nung araw na yun, hinde na siya nag sasalita.. umiinom lang siya. halos gawin niya na ngang tubig yung beer eh. Ang nakakatawa nga lang.. hinde siya nalalasing. Malaki talaga space ng tiyan nun pag dating sa alak.” tapos natawa si Ate Kendi. “Athena.. ayaw kitang konsensyahin.. ikaw parin ang may karapatan mag desisyon para sa sarili mo.. pero, hinde mo pa ba napapansin na mahal na mahal ka ng kapatid ko? Naiintindihan kong natatakot kang masaktan mo siya balang araw.. pero hinde ba mas makakagaan para sayo kung dalawa kayo ni Kenji yung lumalaban?”

Napaisip na naman ako. Bakit ko nga ba to ginagawa? Sinasabi kong para kay Kenji rin to, pero ang totoo natatakot lang akong masaktan. Natatakot lang ako na baka mag sawa sa akin si Kenji at bigla na niya akong iwanan. Lumalabas tuloy na hinde ako naniniwala sa kanya. Hinde nga ako nakokonsensya.. pero bakit parang nasasaktan naman ako sa mga ginagawa ko?

“Nasan po ba si Kenji?”

“Nasa bahay. Kung wala sa bahay, pakalat kalat lang yung sa labas. Athena.. pwede mo kaming lokohin at sabihin mong hinde mo na mahal si Kenji.. pero hinding hinde mo maloloko ang sarili mo.. Kung ako ikaw, susundin ko yung puso ko.. susundin ko yung gusto kong mangyari..” Ang gusto kong mangyari.. ano nga ba ang gusto kong mangyari? “sige, mauna na ako. may pupuntahan pa kasi ako eh.”

Tumayo siya tapos umalis na. umuwi na rin ako ng bahay.

Hinde ko na naman mapigilan ang magisip. Ano nga bang gusto ko? ano ba ang dapat kong sundin? Dapat ba talagang pangunahan ako ng takot?

“Athena.. uuwi na ako sa pinas bukas. Sasamahan ka muna dito ni Carlo, hinde ka kasi pwedeng iwanan magisa pero pagpasukan na nila si mom na kasama mo dito, ok?” nagnod ako. “Hinde ko kasi matiis si Grace eh.. Sige yun lang.”

Lumabas na siya tapos sinara niya yung pinto ng room ko. Uuwi na siya bukas.. ano bang plan ko? uuwi na rin ba ako? pero.. natatakot parin akong harapin si Kenji. Gusto ko siyang makausap pero natatakot ako.. Pero.. walang patutunguhan yung takot ko.

---------------------------------------------


“Ate tara na.” hinila ako ni Carlo papasok ng bahay.

Pagpasok namin bigla kaming sinurprise nila Sara. Si Lucas yung unang sumalubong sa akin.

Nag smile siya tapos niyakap niya ako. “Welcome back..”

Nung tiningnan ko yung mukha niya, nakita kong may pasa at sugat na naman siya. nagiging hobby na ba niya ang pakikipag away?? Hinawakan ko yung part na may pasa tapos bigla siyang umaray.

“Yan. Makipag away ka pa! Sa susunod ako na sasapak sayo!” hinila ko siya para maupo sa may sofa.

“Aba! Umuwi ka lang galing Korea naging sweet ka na bigla!” sabi naman ni Jigs.

Pagtingin ko sa mukha ni Jigs may pasa rin siya. Hinanap ko si Kirby at nung nakita ko siya, nakita kong may sugat rin siya sa may labi. Trend na ba ngayon ang may mark sa mukha??

“Bakit pati kayo meron?? Nag away ba kayong tatlo??” sabay sabay silang yumuko.

Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ung first aid kit ko. Pinaupo ko rin sila Jigs at Kirby para magamot yung sugat nila.

“Kayo talaga! Wag na nga kayong makipag away!!” sabay diin sa sugat ni Lucas.

“Aray!! Bakit sakin mo binubuhos yung inis mo samin tatlo?? Pati rin dapat sila!!” natawa na lang kami.

“Athena, I cooked something for you guys to eat. Have you eaten dinner?” lahat sila umiling.

Ako yung tinatanong diba?? Pati.. Ano ba yan!! 11pm na hinde pa rin sila kumakain ng dinner? Magaling.. magaling. Lahat sila nagpunta na sa may dining table para kumain. Naiwan kaming dalawa ni Lucas. Nagusap kami tungkol sa napagusapan namin ni Ate Kendi. Maya maya biglang may nag door bell. Si Carlo yung lumabas para tingnan kung sino yun.

“Ate.. Si..” napayuko siya bigla tapos napatngin sa gilid niya. Tapos may biglang pumasok na lalaking naka jacket

“Athena..” nanlaki yung mata niya nung nakita niya ako.

HILING – NOW PLAYING

Napatayo ako bigla. Pagkita ko sa kanya puro sugat yung mukha niya. nakita ko rin yung kamay niya may sugat. Bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko. Hinde ako makagalaw, hinde ako makapag salita. Para akong naging bato nung nakita ko siya. Feeling ko kaming dalawa lang yung nag eexist nung time na yun. Si Kenji..

“Athena…” dahan dahan siyang nag lakad

“Wag kang lalapit.. dyan ka lang..” huminto siya bigla

Hinde ko maipinta yung mukha niya.. parang hinde siya makapaniwala na nakita niya ako. habang nakatingin ako sa mga mata niya, napansin kong medyo teary eyed siya.. dahan dahan nag form ng smile yung mga labi niya.. tapos biglang tumulo yung luha niya

“Akala ko nananaginip parin ako..Kanina kasi nakakita ako ng isang babae.. akala ko ikaw na yun.. tapos bigla akong sinugod ng anim na lalaki.. pag harap nung babae.. iba mukha. Pinag sasasapak nila ako.. hinde nga ako naka ganti eh.. pero.. dumating bigla yung three musketeers ko. Wag kang magalala hinde ako nasaktan.. mali.. masakit.. oo masakit.. pero hinde ko iniisip yung sakit.. kasi ang iniisip ko.. babalik ka.” Biglang tumulo yung luha ko.

“Kenji, bumalik ka na lang bukas. Pagod na si Athena eh. Kelangan na niyang mag pahinga..” sabi ni Kuya Nathan kay Kenji habang hinihila niya siya palabas

Hinde ko na halos napansin yung mga tao sa paligid ko. Hinde ko namalayang tumayo si Kuya para lang lapitan si Kenji. Huminto yung oras ko kay Kenji.

“Teka lang..ang dami kong gusting sabihin kay Athena..” tinanggal ni Kenji yung kamay ni kuya sa may braso niya, “Sa sobrang dami hinde ko alam kung saan ako mag sisimula.. siguro.. dapat mag sorry na muna ako noh? Athena.. Sorry.”

Lumuhod bigla si Kenji tapos yumuko. Lahat kami nagulat. Narinig ko yung mga bulungan nila. Umiiyak siya habang nakaluhod. Nilapitan siya nila Jigs para itayo pero pilit niyang tinatanggal yung mga hawak nila.

“Lasing ka lang paps.. tama na..”

“Alam kong ilang araw na akong umiinom.. pero hinde ako lasing. Hinde na ako nalalasing. Hinde ako magpapatalo sa kahinaan ko..kelangan kong maging malakas..” napatingin siya bigla sa akin, “Wala ka bang tiwala sakin Athena? Kahit kelan ba hinde ka naniwala sa mga sinasabi ko sayo?? Bakit Kelangan mong itago?? Bakit kelangan ako pa yung huling makaalam?”

Huling nakaalam? Ibig sabihin alam rin nila Jigs at Kirby yung tungkol sa akin?? Napatingin ako kay Jigs at Kirby tapos yumuko lang sila. Nag takip ako ng ibig habang umiiyak.

“Pakinggan mo siya.. This time, pakinggan mo lahat ng sasabihin niya.” bulong sa akin ni Lucas.

“Ang dami kong masamang nagawa sayo.. pero hinde ko kasi alam… hinde ko pa alam nun.. hinde ako nakinig sayo.. sa mga kaibigan ko.. pinauna ko pa yung galit..” tumigil siya saglit sa pag sasalita niya dahil tuloy tuloy yung pagiyak niya, “wala na akong pakialam kung nakakahiya yung ginagawa ko ngayon.. kahit pagtawanan pa ko ng mga tao habang buhay. Wala akong pakialam.. Athena, kahit mag mukha pa akong kawawa.. kahit maging sabit lang ako sa buhay mo.. ok lang.. basta hayaan mo lang ako sa tabi mo.. hinde ko na kasi kaya na wala ka.”

Napatingin ako kela Sara at Grace, umiiyak na rin sila. Tumingin naman ako sa parents ko, nag nod silang dalawa sa akin.. tapos nag punas ng luha.. nung napatingin naman ako kela Kuya, Jigs at Kirby nag nod din sila.

“Kenji, pwede akong mamatay dahil sa sakit ko anytime.. Ganun din, mawawala rin ako sa tabi mo. Ayokong masaktan ka..”

“Athena, ikamamatay ko pag sisinungaling at pag tataboy mo sa akin anytime.. Hinde ko hahayaang mawala ka pa sa tabi ko. Mas ayokong masaktan ka..” tumayo si Kenji sa pagkaluhod niya tapos dahan dahan nag lakad papalapit sa akin.

“Abi ga, saranghae?” tinanong ko siya [do you love Abi?]

Umiling siya, “Anyo.” Huminto siya bigla sa tapat ko.

“Saranghae?” nag nod siya bigla. Naiyak na naman ako, “..Saranghae?” [Do you love me? Do you love me?]

“Eung.. Saranghae.” Tapos bigla siyang bumagsak sa sahig. [I love you..]

Nagulat kaming lahat sa pagkahimatay niya. binuhat kaagad siya nila jigs papunta sa kwarto ko para dun siya ihiga. Lumabas na sila para ituloy yung pag kain nila. Ako naman kumuha ako ng basin na may water pati face towel. Nilinis ko yung muka ni Kenji. Pinunasan ko yung part na may sugat at pasa.

Dahan dahan kong nilagyan ng gamot yung mga sugat niya tapos nilagyan ng band-aid. Ang dami naming pinagdaanan, ang daming nangyari.. pero lahat ng mga yun.. lahat ng sakit.. lahat ng pagod.. worth it.

After 20 minutes nagising si Kenji. Nagulat siya nung nakita niya ako. napatingin siya sa paligid niya bago niya ako pansinin. Bumangon siya s pagkahiga niya tapos nag cover ng eyes nung tinaggal niya yung kamay niya naka pikit pa siya tapos unti unting idinilat yung mga mata niya.

“Athena? Gising ba talaga ako? Hinde ba ako nananaginip?”

Nagsmile ako sa kanya at hinawakan yung mukha niya, “hinde ka pala lasing ha! Tss. Sinungaling.”

“Akala ko kasi umalis ka ulit. Nanaginip ako.. umalis ka na naman daw.. hinde ako makapaniwala.. nandito ka parin..” tapos bigla niya akong niyakap. “Bumalik ka.. buti na lang bumalik ka..”

Niyakap ko rin siya, “Na wassuh.” [I’m back]

“Simula ngayon, dalawa tayong lalaban.. kung pagod ka na, ako ang lalaban para sayo.. wag ka ng matatakot. Hinde kita iiwan.. kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako.” hinawakan niya yung mukha ko tapos pinunasan yung luha ko, “ayoko ng iiyak ka.. hinde ka na pwedeng umiyak.. nasasaktan ako pag nakikita kang umiiyak.”

“But I’m happy right now.. hinde ko mapigilan.. Ang dami masyadong nangyari..”

“Oo.. buti na lang tapos na lahat.. Kasi tuwing nasasaktan ka, mas nasasaktan ako.”

“YA! I sacrificed a lot!!! How come you’re more hurt??”

He grinned at me, “Because I love you more than you love me!” Hinila niya ako sa may kama tapos pinahiga niya ako at niyakap. Ang tagal naming tong hinintay.. and tagal bago dumating kami sa ganitong situation. Ang daming nasaktan, ang daming nag alala.. “Thank you.. this is the best birthday gift I’ve ever received. Pero hinde pa dito nagtatapos ang lahat.. nag siimula pa lang tayo..”

Pero bakit parang wala lang yung nangyari sa amin?

“This feels so right..” I hugged him tightly.

Hinde ko na naisip yung pagiging amoy alak niya. Hinde siya si Kenji kung wala siyang pasa o sugat o bugbog sa mukha at katawan. Mas lalong hinde siya si Kenji kung wala yung amoy ng beer. I am still dating the Gangster.

“I could hold you forever..” Then he kissed me.

I’m choosing this. I am following my heart. This is what I really want. To be beside him, to be needed by him and to be loved by him.

“I love you..” we both said


Chapter FORTY NINE

AFTER TWO YEARS

Hinde ako makapaniwala na suot suot ko tong gown na to.. Ang dami nga talagang nangyari. Nandito ako sa hotel ngayon. Inaayusan ako, inaasikaso, inaalagaan ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko aakalaing aabot ako sa araw na to. Para akong nananaginip ng gising.

Tumayo ako para tingnan yung itsura ko ngayon.

“Wow~ Yeppuda.. nomu yeppuh!!” sabi sa akin ni Mommy JiNi, “Bagay talaga sayo yang gown na yan.. hinde na ko makapag intay pag nakita ka ni Kenji! Hinde rin ako makapag hintay sa mangyayari mamaya!! Ahhh!! Jjinja!!! Ippeo!!” inabot sa akin ni Mommy [Beautiful.. so beautiful!! Really!! Pretty!!]

“Komawoyo omonim” Nag smile ako kay Mommy JiNi.  [Thanks, mom.]

Parang hinde siya makapaniwala na nakikita niya ako na nakausot ng gown ngayon. OMG! Kahit ako!! hinde rin ako makapaniwala! I mean.. oo nakapag suot naman ako ng gown, and marami rin nakakita nun, pero iba to eh.. Wedding to.

Hinde ko naimagine na dadating yung ganitong araw tapos suot suot ko tong magandang gown na to.. buong buhay ko hinde ako nakapag attend ng wedding dito sa philippines. Kaya excited ako! Sorry na! Sa US at Korea lang ako tumira, malamang hinde pa ako nakakapag attend ng wedding sa US sa korea naman, guest lang ako. and hinde ako nakapag gown sa kasal na yun!

Teka hinde naman sa ngayon lang ako nakapag suot ng gown.. first lang para sa isang wedding. Special pa tong wedding na to, kasi kung hinde dahil sa kanya.. wala na talaga kami ni Kenji. Kaya yun.

Eto pala feeling ng isang abay!! I’m sooooooooooo excited!! And I’m so happy for Ate Kendi! Kahit na para sa business yung kasal niya.. at least nakilala nila yung isa’t isa at ok naman yung kinalabasan! ^_^ They dated for 4 years so ang kinalabasan etong day na to! Im FRIKKEN EXCITED! I DON’T KNOW WHY!!!

“Omonim! What time’s the wedding ceremony?” napatingin siya sa akin habang naka smile tapos nanlaki yung mata niya at napatingin sa relo

“OMO!!! We have… 15 minutes left!!! Athena ya, is Kenji already done??? If not, then I will ask the driver to wait for you! Your abonim and I will go na to the church. Nakalumutan kong kelangan maaga pala kami dun! Naexcite ako masyado sa suot mo eh.” Inayos niya ulit yung buhok ko, “Sige, mauna na kami.” [Abonim – father; omonim – mother]

“Sige po..” tapos nag bow ako sa kanya.

Pag kalabas ni mommy pumunta na ako sa kwarto namin ni Kenji. Pagpasok ko hinanap ko kaagad si Kenji pero wala siya. Tiningnan ko kung nasa isang kwarto siya, pero wala pa rin.

“Kenji?” walang umagot, “KENJI!!!!”

“NASA BANYO!” sigaw niya bigla

Hinde pa rin siya tapos. Ano bang akala niya? Kasal niya to para magtagal siya??? -_-;;

“Jagiya~ Ppal li! We’re going to be late!” [Babe~ hurry up!]

“Teka saglit na lang!”

Pumasok ako sa kwarto ko para kunin yung purse ko. Narinig kong may bumukas ng door. Lumabas kaagad ako ng kwarto para tingnan kung bihis na si Kenji at tingnan kung ano na yung itsura niya.

Pareho kami ng color ng damit eh. I’m wearing blue and silver strapless gown.. tapos may beads, tapos hinde ko na alam kung paano pa idescribe ito because I’m in love with this dress!!! It’s so unexplainable!

Dahan dahan akong lumapit kay Kenji pero nakita ko siyang topless. O_O;;

Showing off his muscles again, eh? Kahit na mag one year na kaming nagsasama sa isang bahay hinde ko pa rin mapigilan mapa smile tuwing nakikita ko yung katawan niya.. I feel like I’m a pervert~ >_<

Pinapanood ko siyang mag suot ng white shirt, yes, I love it when he’s putting on his shirt. Ya~ This is kinda embarrassing. Sinuot na rin niya yung blue na long sleeves. Nung nabutton na niya yung long sleeves kinuha niya yung tie sa may kama tapos  sinubukan niyang ilagay. Mukhang na ffrustrate na siya kakalagay nung tie, pero hinde nya talaga magawa. Kinuha na lang niya yung coat niya tapos tsaka tinuloy yung pag lalagay nung tie habang naglalakad

Nilapitan ko na siya tapos nabangga niya ako. So insensitive. Hinde niya nafeel yung presence ko!

“Hinde ko malagay eh.. hinde ako marunong.” Nag smile siya sa akin

“Napansin ko nga eh.” I smiled back

Hinawakan ko yung neck tie niya. Binitawan niya ito at hinayaan na ako yung mag kabit sa kanya. Nararamdaman ko yung titig niya sa akin. Nung natapos na ko bigla niya akong niyakap.

“Hinde ko talaga alam gagawin ko pag wala ka sa tabi ko..” Nagdrama na naman ang magaling kong Kenji.

“Para kang sira! Pagkabit lang ng neck tie eh.. Tara na. Malalate na kaya tayo! Omonim and Abonim already went to the church. Sumunod na lang daw tayo.” Nakatingin pa rin siya sa akin. “Jagiya?”

“Ang ganda mo ngayon..” tapos nag smile siya, “Baka ma-in love na naman sayo si Lucas..”

Bumulong ba siya? Bakit parang hinde masyadong malinaw yung pagkasabi niya? Pero parang narinig ko yung pangalan ni Lucas.. Ano meron kay Lucas???

“May sinabi ka ba?”

Umiling lang siya tapos hinawakan yung kamay ko, “Tara na.”

Lumabas na kami ng kwarto tapos bumaba na sa may lobby. Nakita namin yung driver nila sa may labas ng hotel. Hinatid niya kami sa may church kung saan gaganapin yung kasal. Ang dami ng tao. Nakita ko na yung family ko kaya sa kanila ako dumiretso.

“Athena ya~ I missed you~” tapos niyakap ako ng mom ko, “You look so pretty today!”

“Mom.. Thank you..”

“For what?”

“For everything.. for making me stay with Kenji.. for treating me as your own daughter..”

Tapos nag drama na rin si Mommy. Umiyak pa!

“Ya! Babo! You’re not the one who’s gonna get married!!!”

napatingin ako kay Carlo at Kuya, “Oppa.. dongseng…”

Tapos tumawa silang lahat. Tuwing nakikita ko kasi parents ko hinde ko mapigilang hinde mag drama! Ang dami nilang ginawa para sa akin! Tapos ako simpleng request lang nila hinde ko pa magawa!!

“Athena, lagi mong ingatan sarili mo, ok? Sumunod ka kay Kenji. Sinabi ko sa kanya yung mga dapat at hinde dapat kaya ikaw, wag kang pasaway.” Niyakap ko yung dad ko.

Alam kong kahit ayaw niya yung pag sasama namin ni Kenji sa iisang bahay, pumayag pa rin siya. Alam daw kasi niyang mabait si Kenji at alam niyang hinde niya ako pababayaan. Naging madramang araw pa yun para sa amin kasi dalaga na raw talaga ako. Kahit si Kenji nung time na yun hinde napigilan.. hinde nga lang siya umiyak.

Nung dumating sila Jigs nag usap usap na kami. Sinasabi pa nila na kami na raw ni Kenji yung susunod na ikakasal. Si Lucas naman ganun pa rin. Hinde pa rin sya nag babago. Tahimik, pero pag nasa mood, makikipag biruan na.

Hinde ako sigurado.. pero parang.. naguiguilty ako. Wala namang dapat ika-guilty pero, parang ang sama lang ng ginawa ko sa kanya. Kahit wala siyang sinasabi sa akin..alam kong nasaktan ko siya.. Ano ba yan..  lumalabas tuloy na ang kapal ng mukha ko kasi feeling ko sakin umiikot ang mundo.

Lucas.. mianhae.. [im sorry]

Nag simula na yung ceremony. Si Kenji siyempre yung partner ko. Together forever eh. Habang on-going yung ceremony napapansin kong laging tumitingin sa akin si Kenji tapos ngingiti. Bakit parang may naffeel ako..?

Nako bahala na nga. Hinde naman niya pwedeng itago sakin yun kasi nasa iisang bahay lang kaming dalawa.

Ang weird ba kasi naka tira na kami sa isang bahay? Ewan ko rin kung bakit ako pumayag. Siguro hinde ko na rin kaya pang mawala siya sa tabi ko. Gusto ko kasi yung feeling na nasa tabi ko lang siya, tapos palagi ko siyang nakikita.

Obsessed ba? Parang ganun na nga.. pero kasi life is short. Hinde natin alam kung kelan, alamniyona. Possessive? Hinde naman pwedeng possessive kasi mabait naman akong girlfriend. Hinde ko siya pinipigilan kung gusto niyang lumabas kasama ng friends niya, o kung gusto niyang mapag isa. Basta ang usapan lang, uuwi siya ng bahay.

Hinde na kami nagaaway. Ok ayoko mag sinungaling, nag aaway kami pero sobrang babaw! Pagtatalunan naming yung pinaka maliit na bagay like kung anong movie ang papanoorin, kung anong channel ng tv, music, pati yung pag patay ng ilaw! Ganun lang talaga.. part yun ng buhay namin sa iisang bahay. Kaya pinadala ko yung tv at dvd player ko para hinde kami nagtatalo! Dinala ko rin yung sarili kong computer pati laptop sa bahay niya para hinde kami nag tatalo sa pag gamit.

Pero.. kahit na parang isip bata kaming dalawa.. Masaya kami. Kahit nag tatalo kami, kahit na minsan umuuwi siyang may pasa sa mukha o amoy beer, ok lang.. kasi Masaya kami. Hinde siya nakakalimot mag paalam sa akin pag aalis na siya o aalis siya. Pag ako naman ang aalis, hatid sundo ako. Pag 8:00 pm na at wala pa ko sa bahay, tatawag yan sa akin. Nakakairita? Hinde naman, kasi tuwing ginagawa niya yun, naffeel ko talaga yung love and care niya. Kaya minsan sinasadya ko na. Hinde ako mag paparamdam tapos pag 8 na kahit nasa tapat lang ako ng bahay, iintayin ko siyang tumawag.

Kilala rin ako ng friends niya, tuwing pupunta sila sa bahay lagi silang may dala para sa akin. Mababait naman sila, inaalagaan rin nila ako tuwing aalis kami kasama sila, tapos lagi rin nila akong kinakamusta. Sinasabi nila sa akin palagi na sobrang proud daw sa akin si Kenji. Puro ako daw yung kinukwento niya sa kanila, kung paano kami nag kakilala pati kung paano kami napunta sa ganitong stage. Sa dami daw ng pinag daanan naming dalawa, buti raw at walang nag give-up sa amin.

All in all, kahit na hinde kami kasal, alam kong magiging mabuti siyang asawa. Kung papapiliin ako ngayon, gusto ko na siya na yung maging husband ko. Gusto ko siya na. Pero hinde ako sigurado kung ganun din yung naffeel niya sa akin.. Hinde ako marunong magluto, maglinis ng bahay, mag laba, magplantsa.. wala akong masyadong magagawa para sa kanya.. pero sana, kuntento siya sa akin. Haay.. nag ddoubt na naman ako.

Hinde naman namin napag uusapan yung kasal dahil masyado pa kaming bata, although pwede na kami dahil nasa legal age na kaming dalawa. Yun nga lang, parang.. hinde pa kami ready sa ganung risk.

“You may now kiss the bride.” Sabi nung priest.

Napa smile ako tapos nag clap na lahat ng tao. Naiimagine ko kami ni Kenji kinakasal. Kahit simple lang, ok na ko dun.. ang gusto ko lang, siya yung groom.

Nagpicture taking na. sinama nila ako nung sinabing ‘family ng bride’ si Ate Kendi at mommy JiNi pa yung sumundo sa akin sa kinauupuan ko. Ang saya ng feeling, kasi… para pala sa kanila, part na rin ako ng family nila. Gusto ko sanang maiyak pero nakakahiya! Isipin pa nila na inaagawan ko ng eksena yung bride!

Sa reception, sa table kami ng family ko umupo. Si Kenji pati yung dad ko yung magkatabi, imbis na ako pati yung dad ko, siya pa yung tumabi! Kanina pa sila nag uusap halos parang nakalimutan na nga ako ni Kenji eh. Nung nagpaalam ako sa kanya para pumunta sa table nila Jigs umoo lang siya. Hinde ako sinamahan. Pffft. Ano ba pinag uusapan nilang dalawa?!

“Nandito na rin sa wakas yung isang Mrs. delos Reyes!” salubong sa akin ni Jigs

“Bakit si Kenji hinde mo kasama?” tumingin si Sara sa may table nung family ko, “Aba.. mukhang may seryoso silang pinag uusapan ha..”

“Kanina pa yan eh.. Hayaan mo na hehe. Minsan lang naman sila magkita eh.”

“Kayo Athena, kelan kasal?” tanong sa akin ni Lucas. Ngumiti lang ako sa kanya. nakita ko yung bakanteng upuan sa tabi niya at umupo dun. “Kamusta na? Parang ang tagal na nating hinde nagkita ha..”

“Oo nga eh.. nagkikita naman tayo sa school..”

“Ang ganda mo ngayon.” Tapos natawa siya bigla, “may igaganda ka pa pala.”

“Nagsisise ka ba?”

“Oo! Tama ka! Hahaha.” Natawa na lang kami pareho

Niyakap ko si Lucas. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. Hinde ko rin alam kung bakit ko siya niyakap.. bigla ko na lang yun ginawa ng hinde nagiisip.. siguro yun lang rin kasi yung pupwede kong gawin para sa kanya.

Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko. “Mianhae.. jungmal mianhae..  mianada..” [sorry.. im really sorry.. im sorry..]

Natapos na rin yung ‘program’ kaya nagsasayawan na yung mga tao. Ako, si Lucas at Kenji na lang yung natitira sa table kasi yung tatlong lovers sumasayaw na! Nag uusap si Kenji at Lucas tungkol sa dota! Ilang taon na ang naalipas at dota parin ang iniisip nila!! Godddddd!

“Lucas isayaw mo naman si Athena.” Napatingin kami n Lucas kay Kenji. Ngumiti siya sa amin, “sige na. minsan lang naman eh.”

“Wag na. Hinde rin naman ako marunong sumayaw sa mga ganyang tugtog eh.” Hinde raw.. eh nung birthday ni Ate Kendi sinayaw mo ko nun! Liar.

“Wag mo nga akong lokohin. Sige na.”

Ngumiti si Lucas tapos napatingin siya sa akin. Tumayo siya tapos inoffer niya sa akin yung makay niya. Napatingin muna ulit ako kay Kenji tapos nag nod siya. hinawakan ko yung kamay ni Lucas at tumayo na. pumunta na kami sa dance floor, nilagay niya sa waist ko yung dalawang kamay niya, nilagay ko naman sa may neck yung akin.

Ang awkward nung feeling.. si Kenji kasi parang sira eh. Kung gusto namang sumayaw ni Lucas sasabihn niya sa kaagad, eh pinilit niya eh!! Hanggang sa matapos tuloy yung song hinde kami nag usap!

“Halika sandali lang.” hinila ako ni Lucas papunta kay Kenji. “alam ko naman na song niyo yan eh. Binabalik ko na siya sayo..”

Omg. Pano niya nalaman yung Tattooed On My Mind?? I mean pano niya nalaan na.. sinabi k okay Kenji na kanta ko sa kanya yun!! Yun kasi yung first song na sinayaw namin na slow.. tapos sinabi ko sa kanya na kanta ko sa kanya yun! Waah.

Hinawakan ni Kenji yung kamay ko at pumunta kami sa may dance floor. Katulad rin ng position namin ni Lucas kanina pero parang nakahug na kami. Hinde siya nag sasalita. Hnde rin siya nakatingin sa akin.. parang may gumugulo sa isip niya..

“Jagiya?” hinde parin siya umiimik, “Ya Kenji.”

Napatingin siya sa akin, “Huh?”

“May problema ka ba? Kanina ka pa tulala eh..”

“Napapaisip lang ako..” tapos nag smile siya ng konti, “pano kaya kung kinalaban ako ni Lucas at hinde ka niya binigay sa akin..? Nakita ko kayo kanina naka yapak.. parang, ang daming feelings at emotions.. tapos nung sumasayaw kayong dalawa.. parang mas bagay kayo..”

Napatingin ako sa mga mata niya. ang seryoso niya masyado.. is he.. jealous? Wala naman siyang dapat ikaselos eh! I chose him! I chose to be with him.. I’M EVEN LIVING WITH HIM! Ano pa ba ang kulang? Dedicated na halos yung buhay ko sa kanya..

“Stop saying that.. are you jealous?”

“Ewan.. parang.. siguro.. ata.. Alam ko kasi na gusto mo siya dati eh..” Alam niya?!

Sobrang tinago ko yun.. pero pano niya nalaman? Did Sara tell him?? Was I that obvious that time?? Nakalagay lang yun sa diary ko sa laptop eh.. nabasa niya kaya? Kelangan ko tuloy mag explain sa kanya. Kelangan niya malaman sakin na siya talaga gusto ko.

“Alam mo, kahit na gusto ko pa siya hinde na pwede. Ikaw ang kasama ko ngayon.. you’re the one I love. I chose to be with you. Like what I’ve said to TaeSung oppa 3 years ago, this is where I’m supposed to be, with you. So stop saying weird things about me and Lucas looking good together. Yes, I did like him but even if I still do, we can’t still be together because he’s not the one I love. You get it?”

“Hinde eh. Hinde ko parin mantindihan. Kahit gusto kong intindihin, hinde ko talaga kaya.”

This is unbelievable! We’re living in the same house, we sometimes use the same bed! Ano bang hinde niya maintindihan?? Minus the six months of break up, we’ve been together for 30 months! THIRTY MONTHS, YOU KNOW? Now why is he acting strange? Is he dumping me??

Not wanting to hear what he’s going to say next, I decided to let it go.

“You’re impossible. Let’s not talk anymore, yeah?”

“Sa tingin ko dapat mag—”

“Enough. Enough..” tinanggal ko yung kamay niya sa waist ko, “I’m tired..”

Tumalikod na ako sa kanya tapos nag simulang maglakad. Omg. He is going to break up with me!! Bakit ba biglaan?? What did I do?? Did I make him mad again? Was he that upset because I hugged Lucas??

“Hinde pa ko tapos mag salita. Dyan ka lang..” sumigaw siya bigla.

I stopped because he said so. Still not facing him, I answered, “Then say it.”

“Ngayon na? Madaming tao.. hinde ba pwedeng.. sa kwarto na lang tayo mag usap ngayon?”

Is he stupid? Kahit na sabihin niya pa sa akin mamaya ngayon o bukas, ganun rin yun. Makikipag break siya kaya bakit pa kelangan patagalin?

“What for? If you’re not going to say it, then forget it. I’m leaving.”

“SA TINGIN KO DAPAT MAGPAKASAL NA RIN TAYO!”

Nabingi ata ako. Parang nasobrahan yung lakas nung music. Pero bakit parang nawala yung beat? Bakit nung narinig ko yung linyang yun, wala namang tugtog? Sinabi niya ba talaga yun?

Tiningnan ko yung paligid ko. Nakatingin sa akin yung mga tao. Narinig ko na yung mga bulong bulong nila. Omo. Sinabi niya talaga yun ng malakas?

Napalingon ako sa kanya. napahawak siya sa mukha niya tapos tinanggal niya rin kaagad yung kamay niya.

Omo. Sinabi niya nga yun. This is bad. Why did he have to say it that loud!!

Hinde ako makagalaw sa kinatatayuan ko. parang naka dikit na yung shoes ko sa sahig. Gusto ko mag react pero hinde ko alam ang sasabihin ko. Yayakapin ko ba siya? Kiss? Walk out? Moll! [I don’t know]

“YA!! N-n-n.. Nau.. Nau!!! Mo ra go?” [Y-y-y.. You… You!! What did you say?]

“Oori kyoulhon haja..” [Let's get married]

San niya nalaman yun?! Limited lang korean niya diba? San niya natutunan yung sinabi niya?? Napatingin ako sa parents ko. Nag nod yung dad ko tapos yung mom ko naman nag ok sign. Napatingin naman ako sa parents ni Kenji nag ok sign din yung mom niya!! Yung dad naman niya naka smile lang! Sila nag turo nito sa kanya!

Napatingin ulit ako kay Kenji. Ano ba to. Kanina lang dinidiscuss ko yung tungkol dito sa kasal na to. Hinde ko kasi alam kung ako na yung gusto niyang makasama habang buhay pero eto na yung sagot ko…

Hinde ba siya nabibigla?? Maraming pwedeng mangyari.. habang tumatagal pwede pa ulit akong manghina. May tinatago pa ko sa kanya.. handa na ba akong sabihin sa kanya ang lahat?

“ATHENA YAH! ANSWER HIM!” napatingin ako kay Sara. Tapos naka smile siya.

Sila Jigs, Lucas, Grace, Kirby Kuya Nathan at Carlo, pati sila sumisigaw na rin ng ‘sagutin mo na’. Alam rin nila to?? Ako lang ba talaga ang walang alam dito?? Wala sila kahit na isang hint na binigay sakin! Wala akong idea tugkol dito! Bakit ganun?? Ano sasabihin ko?

“Shiruh..?” tapos tumingin siya sa baba. “Kure. Dwaessuh.” [Don’t like? – Fine. Forget it.]

Tapos tumalikod na siya.

Ano yun!! Hinde pa nga ako nakakasagot eh! Ganun nab a siya ka impatient ngayon? Wala pa akong sinasabi! Did I say no already??? YA! YOU BABO! I WANNA GET MARRIED!! [babo = stupid/idiot]

“Arasso. Kyoulhon haja..” tapos tumingin ulit siya sa akin, “Kyoulhonhaja rago.” [let’s get married. I said let’s get married.]

“Ulitin mo nga ulit yung sinabi mo..” sabi ni Kenji habang nakatingin pa rin sa akin

Huminga ako ng malalim tapos nag smile at pasigaw kong sinabing, “I SAID LET’S GET MARRIED YOU BOOBY BIRD!”

Nagsmile siya bigla tapos lumapit siya sa akin at niyakap ako. Of course niyakap ko rin siya. Nagpalakpakan yung mga bisita. Tumingin kami sa paligid namin tapos nag bow sa kanila. Maya maya biglang tinanggal nila yung isang curtain tapos may picture namin ni Kenji. Tapos sa ilalim may nakalagay na ‘Engagement Party’.

Plinano nga nila to! Kaya pala excited si mommy JiNi kanina, at yung mom ko umiiyak nung nakita ako!! OMG. Ang galing nila mag tago! Akala ko ako lang ang magaling sa pagtatago, pati rin pala sila may talent dun! Grabe talaga. Hinde parin ako makapaniwala. Yun din ba pinaguusapan nila ng dad ko kanina?

“Wala ng bawian yan ah!” may kinuha siya sa bulsa niya, isang maliit na box.

Binuksan niya ito at may isang singing. Inilagay niya to sa ring finger ko. Nung tiningnan ko to ng malapitan may nakalagay na SL imbis na diamond.

“Bakit SL? Ikaw to eh!” tapos pinakita ko sa kanya yung kamay ko

“Kasi akin ka na.” nag evil smile siya bigla “Pag ikaw nag sinungaling ka ulit, patay ka sakin!!”

“Parampimyun..” nag evil smile din ako “Jookuh!!”  [If you cheat on me…. You’re dead!!]

Tapos biglang nag play yung ‘theme song’ naming dalawa. Ano pa ba? Edi yung first ever song na sinayaw namin. Yung song napinagsimula ng lahat. Na bawat game at kahit anong event na involve kami pinapatugtog un. Yung song na nag imbento kay Lovebabe at kay Sexylove.

----------------------------------


“Athena yah.. wake up.. You’ve been sleeping for 3 days already..  Are you not excited about your wedding? We have to go to the dressmaker for your wedding gown, did you forget? You better wake up now.. Umma’s waiting..”  naramdaman ko na may nag ayos ng buhok ko tapos may nagkiss sa akin sa cheek, “Kenji wants to talk to you. Don’t make him sad, ok?”

“Athena.. gumising ka na.. pag hinde ka gumising.. makikipag away ulit ako.. ayaw mo ng nakikipag away ako diba? Kaya bumangon ka na.. Pati diba.. gusto mo mag propose ako sayo ng maayos? Pag gising na pag gising mo, dadalhin kita sa magandang lugar, isusuot ko ulit yung singsing sa daliri mo tapos formal kong sasabihin yung ‘will you marry me’.. luluhod pa ko kung gusto mo.. pero may expiration date yun.. hanggang bukas na lang yun pwede..” hinawakan niya yun kamay ko tapos nilapit ito sa may bibig niya.

Nararamdaman ko yung pag hinga niya.. nararamdaman ko rin yung basa sa kamay ko. Umiiyaka ka na naman ba Kenji? Nasasaktan na naman ba kita? Am I making you sad again? I’m sorry..

“Jagiya.. will you marry me?” dumadami yung pagtulo ng luha ni Kenji sa kamay ko, “Pag dumilat ka promise luluhod ako.. kahit na isang oras pa kong lumuhod.. gumising ka lang..”

“YA! WAKE UP ALREADY!!! WAKE UP!!” Narinig ko boses ni Sara habang may nakahawak sa isang kamay ko tapos shineshake to. Sara ya.. I’m sorry..

Pag gising ko nakita ko na lang ang isang familiar na lugar. Meron na namang nakalagay sa may muka ko na sinasakop ang bibig at ilong ko. Nasan na sila? Parents ko? Si Sara si Kuya Nathan pati si Carlo? Nasan sila Grace, Jigs, Kirby at Lucas? Yung family ni Kenji?

Three months na ang nakalipas since nung wedding at engagement party diba? Anong oras na ba? Anong date na ngayon? Napatingin ako sa may clock, 2:27 pm, November 23. Ang huling check ko ng date November 19 pa. Naaalala ko nag kukulitan pa kami ni Kenji nun tapos hinde ko na alam yung nangyari. Ang latest na lang na naaalala ko ay yung panaginip ko.

Gustong bumangon ng katawan ko pero hinde ko kaya. Nakita ko si Sara at Grace. Nag smile sila sa akin tapos nag wave. Tinaas ko ng konti yung right hand ko para mag wave. Nawala si Sara saglit tapos nung bumalik siya nakita ko na silang lahat.

Napatingin ako sa left side ko at nakita si Kenji.. nakapatong yung ulo nya sa bed na hinihigaan ko. Hinawakan ko yung kamay niya. Nagising siya sa pag hawak ko. Nung nakita niya ako bigla siyang nag smile. Parang gulat siya dahil gising na ko.

“Teka, tatawagin ko lang sila. Sabihin ko gising ka na.” patayo na sana siya pero hinigpitan ko yung pag hawak sa kamay niya at dahan dahang umiling at binitawan yung kamay niya.

Inangat niya yung upper part ng bed ko para medyo naka upo ako. Napatingin siya sa kanila. Tapos sinara ng dad namin yung room divider.

Tumingin siya ulit sa akin, nagsmile siya tapos hinawakan niya yung kamay ko. Hinigpitan niya ang pag hawak na para bang ayaw na niyang bitawanan pa ito. Dahan dahan niyang inangat at hinalikan ang kamay ko.

Tumulo yung luha niya.

“Ss.. so.. so.. sorry..” binigay ko lahat ng lakas ko para lang masabi iyon. Pero mukhang hinde niya ito narinig. Nakatingin lang siya sa akin habang patuloy na tumutulo yung luha niya. “Sorry.. sorry..”

Nag nod siya. Pumikit siya habang patuloy parin ang kanyang pag iyak. Hinde ko rin napigilan yung sarili ko. Nagsimula na ring tumulo yung luha ko. nung nakita niyang umiiyak na ko, inulit ko ulit yung sinabi ko sa kanya kanikanina lang, “Sorry..”

Tumayo siya tapos pinunasan niya yung luha ko, habang nakahawak siya sa mukha ko nag smile siya, “Ok lang..”

Lumapit siya sa akin para yakapin niya ako. Ganun lang yung pwesto naming dalawa habang umiiyak. Paulit ulit niya pa rin sinasabing ‘ok lang’.

Ang dami kong gustong sabihin, ikwento, itanong.. pero wala pa ako masyadong lakas para magsalita. Gusto ko na rin lumabas ng hospital. Gusto ko ng asikasuhin yung kasal namin. Gusto ko ng magawa yung wedding gown ko.. Gusto kong mayakap si Kenji at sabihing mahal ko siya kahit araw araw ko pang gawin yun..

Gusto ko ikwento sa kanya yung napanaginipan ko.. hinde raw ako makagalaw at maka dilat. Kinakausap nila ako.. pero hinde ako sumasagot.. kahit na gusto kong sumagot at makita sila. Gusto ko rin sigawan si Carlo dahil mababa nakuha niyang grade sa Math exam niya. Gusto ko rin pagalitan si Kuya Nathan dahil hinayaan niyang umiyak si Grace dahil sa akin.. Gusto ko rin mag sorry sa parents ko dahil palagi ko silang pinag aalala..Ang dami kong gustong gawin. Pero masyadong mahina talaga katawan ko..

“Wag muna ngayon.. please? Sasabihin ko naman kung pwede na eh.. wag lang muna ngayon.. Hinde pa ako handa.. hinde pa kami handa..” narinig ko yung mabigat na paghinga niya tapos bigla na naman siyang nag breakdown


“Mahal na mahal kita.. wag mo muna akong iwanan, please.”



ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento