"OH---KAY!!! Let's start!" (..
__.).....FIGHT!!!
"Huh? Anong let's start? Start ang alin? Saka para saan pa yang bandana na sinuot mo dyan sa noo mo
para kang baluga," nasa may park kasi sila nakaupo sa may bench at nagpapahangin saglit, ayaw pa kasi umuwi
ni Eris, wala daw kasi siyang magawa sa club. Pero hindi maintindihan ni Eros kung anong kabaliwan nanaman ang
gustong gawin ni Eris, nagtali kasi ito ng parang bandana sa may noo nito at naka-fighting (AJA!) ang kamay nito with
determined eyes.
"Itong bandana sa noo ko?" sabay turo sa may noo, "Cute diba? Bagay sakin?"
"Di ka talaga nakikinig, kasasabi ko lang para kang baluga. Ewan ko sayo, teka nga ano ba yung sinasabi
mong start start na yan?!"
"Start na tayo gumawa ng listahan!" (*·.·*)
"Listahan?"
"Yup, list." :D
Binatukan niya si Eris, "Alam ko kung ano yun sa English! Tss! Ano nga kasi yan?!"
Bago pa mairita ng tuluyan si Eros at layasan si Eris ay ini-explain na agad ni Eris ang gusto niyang gawin, kinuha
niya yung backpack ni Eros at miraculously ay may nakuha siyang ballpen at isang kapirasong papel na kahit medyo
gusot gusot na ay pinagtyagaan na lang niya tutal yun lang ang laman ng bag ni Eros.
"Ganto kasi yun, gusto ko gumawa ng list ng mga bagay na pwede mong gawin para magbago. Para bang...
steps o kaya guidelines? Magsisimula tayo sa maliliit na mabuting gawain hanggang sa palaki ng palaki."
"Bakit sa maliliit kung pwede naman agad sa malaki? O diba mas mabilis din pati mapupuno yang
necklace?"
"Pfuiii~" nagbuntong hininga siya, "Kung gusto mo talagang magbago, dapat magsimula ka sa maliit na bagay
o gawain. Pag minadali ang isang bagay, wala kang mararating o kung meron man, halos hindi tulad ng
inaasahan mo."
"Oo na, oo na, napakadaldal mo kahit kelan."
"Okie! Simulan na natin ang Evil Dummy's guide to Kindness!"
"SAY WHAT? ANONG EVIL DUMMY KA DYAN? EVIL PWEDE PA, PERO HINDI AKO DUMMY!"
"Ows? Patunayan mo sakin, ipasa mo yung exams mo pero sa pansamantala I'll call this list as the Evil
Dummy's guide," sabay sulat niya sa may taas ng papel ang mga salitang iyon at pagkatapos ay nagsulat siya ng
number 1, "May 6 na main guides akong isusulat na pag nagawa mo, for sure mapupuno agad ang red sa
necklace. Yung anim na yun ang mga bagay na pinaka dapat gawin mo."
"Ahh.. Eh ano yang anim na yan?"
"Number 1: Ask forgiveness to those you've done wrong."
"Aabutin tayo ng isang taon kung ganyan din lang naman, marami akong nagawan ng masama, hindi ko na
nga mabilang."
"Okay lang yun, basta yung mga pinakanagawan mo ng masama, kelangan magsorry ka."
"Fine, number 2?"
"Number 2: Make Friends, learn to smile and laugh with others."
"I already have friends, sina Seven."
"I know but what about your classmates? Maganda siguro kung makikipagfriends ka din sa kanila."
"That's impossible, they hate me."
"Then make them like you, you are so annoying andami mong reklamo."
"ANO? AKO PA NAGING ANNOYING? LOOK WHO'S TALKING!" =________=!!!
Nagbehlat lang sa kanya si Eris at pinagpatuloy ang pagsusulat sa papel, "Number 3: Study hard and be a
responsible person."
"Number 4: Remove all hate in your heart. Learn to forgive yourself."
"Number 5: Respect yourself and others."
Pagkatapos nun tumigil na sa pagsusulat si Eris at inabot kay Eros yung papel, "Here!"
Inabot ni Eros ang papel ng may pagtataka sa mukha, "Eh ang number 6? Diba sabi 6 yung guides?"
"Oo." ^_^
"Oh? Eh bakit lima lang ito? Marunong ka bang magbilang ha?"
"Ummm... yup!"
"Oh asan nga yung number 6?" =____= impatient na tanong ni Eros.
"Ang number 6 ay..." nakangiti ng malawak na malawak si Eris.
"Ay?"
"... ay ilibre si Angel Eris ng ice creaaaaaaaaaaaaam!!!" (OvO)/**
Feeling ni Eros malalaglag siya sa sinabi ni Eris, nag-expect pa man din kasi siya na matino ang sasabihin ni Eris
pero yun pala nagpapalibre lang ito.
"YOU ARE SO ANNOYING!"
"Dali na Eros... please, please, please?" pinagdaop ni Eris ang mga palad niya sa may bandang dibdib niya
habang naka-puppy eyes with matching pouting lips.
"TSS! Abusado ka masyado, ang hilig mo magpalibre. Pinapakain ka ba sa tinatawag mong heaven na yan?
Parang sampung taon kang hindi nakakain eh, maya't mayang gutom!" nilagay ni Eros ang listahan sa may
bulsa niya at tumayo na, napagdesisyunan niyang ilibre na lang si Eris. Wala naman kasi siyang magagawa kasi
kung hindi niya ililibre siguradong magnga-ngangawa nanaman iyon.
May nakita silang nagtitinda ng dirty ice cream sa hindi kalayuan at bumili si Eros ng dalwa, isa para sa kanya, isa
para kay Eris. Pagkatapos nun nagsimula na silang maglakad pauwi.
"Tungkol nga pala dun sa nabanggit mo... namatay ka a month before your graduation?" naitanong ni Eros out
of curiosity.
"Yup," sabay dila sa ice cream, "Sayang nga ee, unexpected."
"Eh paano ka ba namatay?"
"Ummm... Narape ako tapos nabugbog." ^_^
Napatigil si Eros tapos sinapok si Eris, "Aray bakit mo ako sinapok!" T___T
"Eh bakit nakangiti ka pa? Parang ang saya mong ikwento yung pagkamatay mo? Parang ang saya mong
narape ka!"
"Hindi ako masaya aa! Anong gusto mo, umiyak ako?"
"H-ha? Hindi! Wag kang umiyak, I hate those things! Pero atleast man lang hindi ka ngumiti diba? Ang grabe
ng nangyari sayo." hindi in-expect ni Eros yung cause of death ni Eris, akala niya simpleng nasagasaan lang ito ng
kotse o kaya namatay dahil sa sakit. Pero he never thought na rape victim pala ito. Bigla bigla nakaramdam siya ng
little sympathy towards Eris.
"Okay lang yung Eros!" ^__^
"Anong okay ka lang dun! Walang okay dun sa nangyari sayo!"
"Alam ko. Ummm Eros, let's not talk about it na lang... Weee! Ang sarap ng ice cream! Thank you nga pala sa
ice cream Eros!" tinalikuran na siya ni Eris at nauna ng maglakad pero bago ito tumalikod sa kanya napansin niya
ang sobrang malungkot na expression sa mukha ni Eris. Sa saglit na iyon, doon niya lang napagtanto na pilit lang
ang mga ngiti ni Eris... sino nga ba naman ang makakangiti kung ganun ang nangyari sayo?
Bigla bigla parang nakaramdam siya ng paghanga kay Eris, nagawa niyang ngumiti kahit sa isang masakit na
pangyayari.
Lumapit siya kay Eris at tinapik ito sa balikat, lumingon naman si Eris sa kanya. Pagkalingon ng babae ay niyakap
niya ito.
Hindi niya alam kung bakit niya ginawa ito, basta parang may nagudyok sa kanyang yakapin si Eris. Siguro dahil sa
may kapatid din siyang babae tulad ng Ate Risa niya at si Chill ay naisip niyang kung nangyari sa mga kapatid niya
ang isang bagay na nangyari tulad kay Eris ay hindi niya magagawang ngumiti.
Naramdaman na lang niya ang pagyakap din ng mahigpit sa kanya ni Eris, "Eros, salamat."
Hindi siya umimik, nanatili lang silang ganun. Hindi maintindihan ni Eros ang nangyayari sa sarili niya, hindi naman
iyon ang unang beses na nakayakap siya ng babae, marami na siyang naging mga babae kahit loko lokohan at trip
trip lang, pero nawe-weirduhan siya sa kasalukuyang nararamdaman niya habang yakap yakap ang anghel.
Ramdam niya ang tibok ng puso ni Eris. Rinig niya rin ang sariling tibok ng puso. Ganun ba sila kalapit? At bakit
parang may lamig na nararamdaman siya sa bandang dibdib niya? Sobrang kakaiba ng nararamdaman niya... Ang
lamig...
"Eros... umm... Eros... yung ice cream ko natapon sa damit mo..." (O//\\O)
Dun lang natauhan si Eros sa sinabi ni Eris kaya naman bigla siyang kumalas sa yakap at tinulak si Eris.
"FUUUUC---CHICKEN!" hawak hawak ni Eros ang parteng nabasa sa damit.
"Ikaw kasi bigla mo akong niyakap eh may hawak akong ice cream, ayan tuloy!" :P
"ARGHHH!"
"Pero ayeeee, ang sweet mo Eros! Kinikilig ako, sana ganyan ka na lang palagi! Baka mainlove pa ako!
Hohoho!"
"H-HOY! ANONG PINAGSASABI MO! MANAHIMIK KA NGA!"
"Di nga seryoso, kinilig ako nung niyakap mo ako! Ayeeeee! May crush ka siguro sakin nuh kaya mo ako
niyakap?"
"ABA'T MALISYOSANG ANNOYING ANGEL NA ITO! ARGH!" =_______=!!!
"H-HOY! Bitawan mo kamay ko," habang pinupunasan niya pa ang nabasang t-shirt ay bigla siyang hinawakan in
Eris sa may bandang wrist niya.
"Tara na sa club, dun ka na magpalit ng damit tapos magstart na tayo, i-tu-tutor pa kita. May quiz pa kayo
tomorrow."
"Bitawan mo muna kamay ko oy manyak!"
"Asus, ako manyak? Niyakap mo nga ako ee. Mas manyak ka. Behlat! Saka ayaw mo nun, we look like a
couple?"
"Couple mo mukha mo! Bitawan mo nga ako!"
"Shy ka pa ee! Tara na!"
~(^________^)~.~(=______=)~
Wala ng nagawa si Eros kundi magpahila kay Eris habang hawak hawak nito ang kamay niya. Napakannoying na
angel talaga kahit kelan. Pero there's a part of him na napapangiti, alam niyang may dumating na kakaibang babae
sa buhay niya.
Annoying angel Eris, ang anghel na magbabago ng buhay niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento