Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE DIED [6]

- EROS MAGDAYO 


“Eros...” .__. 


“H-hoy, bakit ganyan ka makatingin sakin?” ang weird niya, titig na titig siya sakin tapos nasa may kaliwang 
dibdib niya pa yung mga kamay niya at yung feeling ba na parang nagiging heart shape yung mga mata niya. 
Kinakabahan ako sa panget na angel na ito. =_="" 

"I... I..." 
"You?! Bulol ka ba? Oy umayos ka nga!" ano ba kelangan nito sakin? Bigla bigla na lang akong kinausap. =_= 
"I love you! MUAAAAAAAAAAAHHHH!" ( *3*)~~. 


"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" 


Bigla akong napamulat ng mata! Pwew! Panaginip lang pala, kinilabutan ako dun! Seesh! Nagtitindigan ang mga 
balahibo ko... 

*Blink Blink* 

Sinubukan kong pumikit ulit tapos nagmulat ulit ako ng mga mata ko.... 

*Blink Blink* 

Pumikit ulit ako... at pag mulat kong muli... 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" pag sigaw ko ay sumigaw din siya! Gaya gaya? =_= 

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" tinulak ko siya palayo sakin kasi pag mulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa 
harapan ko ang mukha niya! Kamuntik na akong atakihin sa puso sa bigla! 

"GALING KA NA SA PANAGINIP KO AH? HANGGANG DITO BA NAMAN SINUSUNDAN MO AKO? 
PAPATAYIN MO BA AKO SA BANGUNGOT HA?!" ampocha, pinagpapawisan ako ng malamig sa mga 
pangyayari. Una napanaginipan ko siyang nag-i love you sakin at hahalikan ako tapos pagkagising ko, ang lapit niya 
sa may mukha ko! Tae! Nakakalibot! Brrr! 

"Wow talaga? Napanaginipan mo ako? Anong ginagawa ko sa panaginip mo?" excited na tanong niya. 
Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at hinagis ko ang unan ko sa kanya, "HOY WALA KA NA DUN! ATSAKA 
TEKA NGA! BAKIT ANDITO KA SA BAHAY KO? AT HIGIT SA LAHAT BAKIT ANDITO KA SA LOOB NG 
KWARTO KO? SINONG NAGPAPASOK SAYO HA?!!!" 


"Eris... gising na ba si... Oh! Gising ka na pala Eros!" 
"Ate Risa? Ikaw ba nagpapasok sa babaeng ito?!!!" inis na tinuturo ko yung annoying na angel sa may harapan 
ko. 


"Yup!" nakangiting sabi ni ate Risa, "Sabi niya kasi sabay daw kayong papasok sa school kaya pinapasok ko 
na siya para gisingin ka. Nabigla nga ako ee nung sinabi niyang gusto mo daw pumasok ng school? Totoo 
ba yun Eros? Kung totoo yun nakakatuwa naman at finally nakapagdecide ka ng pumasok ulit!" 


Bigla siyang lumapit sakin at inabot sakin yung uniform ko, "At dahil natuwa ako sa narinig ko, pinlantsa ko ang 
uniform mo! Eto oh!" 


"Ate Risa! Bakit mo ginawa yun! Diba sabi sayo bawal kang magpagod!" 
"Ha? Namlantsa lang naman ako ee, hindi naman nakakapagod yun..." 
"Kahit na! Paano kung may nangyaring masama sayo? Alam mo namang kahit konting galaw mo lang madali 
ka ng napapagod! May balak ka bang magpakamatay ha?!" naiinis ako sa ginawa niya kasi namlantsa pa siya ng 
uniform ko! Parang tanga eh! Alam naman niyang bawal siyang magkikilos pero namlantsa pa rin! Asar! 


"Wag ka ngang OA," nakangiti niyang sabi habang pinipilit iabot sakin yung uniform ko, "Bilisan mo na oh, 
bumangon ka na diyan at baka malate pa kayo sa school." :) 


Nung hindi ko inabot yung uniform ay pinatong niya lang ito sa may gilid ng kama ko at tumalikod na sakin, dumiretso 
na siya palabas ng kwarto ko pero bago siya tuluyang lumabas ay muli siyang lumingon sakin at malungkot na 
ngumiti, "Alam mo ba Eros, masayang pumasok. Masaya sa school... masayang kasama yung mga kaklase 
mo... Alam mo ba, naiinggit ako sayo kasi pwede ka pang pumasok samantalang ako kinelangan kong 
tumigil sa pagaaral dahil sa sakit ko... Eros, i-enjoy mo yung bagay na hindi ko na pwedeng ma-enjoy kahit 
kelan." 

Pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Naiwan akong parang binatukan ng kapaglakas sa ulo dahil sa mga sinabi 
niya. I know how much Ate Risa loves to go to school kaya nga sobrang nalungkot siya noon nang mapilitan siyang 
magdrop out dahil sa sakit niya. 

At ako... 

eto, kayang kayang pumuntang school, walang kahit anong sakit maliban sa katamaran... 

pero pakikipagbugbugan sa kalsada, pambubully, pagnanakaw, paninigarilyo at kung anu ano pang mga 
walangkwentang bagay ang inaatupag... 


Diba kasi dapat ako na lang yung nagkaroon ng malalang sakit? Ako na lang kasi dapat yung malapit ng mamatay? 
Ako yung masamang tao dito hindi si Ate Risa kaya bakit siya pa? 

"Ang labo!" tumayo na ako sa kinahihigaan ko at hinablot yung uniform ko sa may kama at nagdiretso ng banyo 
ng kwarto ko pero bago ako tuluyang pumasok sa may banyo ay nilingon ko yung annoying angel, "Hoy wag mong 
sabihin saking sasama ka sakin sa school?" 

"YUPPPPPPPPPPP!!!" \( ^________^ )/ parang batang sagot niya. 

"Bawal." 


"Waaa! Bakit?" *pouts* 
"NO ID, NO ENTRY ang rule dun sa taeng school na yun." =_= 
"Ayy? Pero gusto kong sumama!" *pooooouuuuuuuuuts* 


"Bawal." yun lang sinabi ko at pumasok na ako ng banyo, nilock ko ng maigi yung pinto. Kinikilabutan pa rin kasi ako 
pag naalala ko yung panaginip ko. Brrr! 

"Ero-ero!!! Uwaaaa! Sama ako! Sama ako!" naririnig kong kumakatok siya sa may pinto at nangungulit. Hindi ko 
siya pinansin at naghubad na ako upang makaligo na. Sinabit ko yung uniform ko sa may sabitan ng damit sa may 
banyo. 

"Eroooooos! Sama akooooooooooooooooooo!" 

"ANG INGAY MO MANAHIMIK KA NGA!" naiinis kong sinigaw sa kanya. =_= 

"Sama ako! Sama ako!" 

Pamula ng pumasok ako ng banyo hanggang sa makatapos na akong makaligo at nakapagpalit na ng uniform ko at 
paglabas ko ng banyo yun at yun pa rin ang sinasabi niya... 

"Sama ako! Sama ako! Sama ako!" ( />O<)/** 

"OO NA! TANGINA ANG INGAY MO! NAKAKAIRITA KA NA!" napuno na rin siguro ako sa kakulitan niya kaya 
napa-oo na lang ako. 
"Saglit diyan ka lang!" iniwan ko muna siya sa may kwarto ko at pinuntahan ko si Ate Risa upang hiramin ang 
lumang uniform niya. Dun din kasi sa school ko ngayon pumasok dati si Ate Risa kaya meron siyang uniform ng 
school na alam ko namang tinatago niya bilang remembrance. Tinanong niya kung aanhin ko daw, ang sabi ko ay 


para kay Eris dahil wala itong uniform kasi transfer student kunwari sa school namin. 

"Ibigay mo na lang ito sa kanyang lahat," nabigla ako kasi inabot sakin lahat ni ate Risa yung lahat ng uniform 
niya nung high school, "Para hindi na siya bumili ng bago. Kasya naman siguro sa kanya yan, halos magkakatawan 
lang naman kami dati nung highschool ako." 

Payat na payat na kasi siya ngayon dahil sa sakit niya hindi tulad nung dati na medyo may laman pa siya kahit 
papaano, ngayon kasi halos buto't balat na lang siya. Feeling ko nga pag hinawakan ko siya ay mababali siya sa 
sobrang payat niya. 

"Pero ate... hihiramin lang niya..." 
"Hindi, ibigay mo na sa kanya yan." pilit niyang inaabot sakin lahat ng uniform niya, "Ewan ko ba Eros pero ang 
gaan gaan ng pakiramdam ko sa babaeng iyon... Alam mo ba yung feeling na parang may kaharap kang 
anghel? Ganun yung nararamdaman ko sa tuwing kaharap ko si Eris... Kaninang umaga nung nagdoorbell 
siya sa may bahay natin at sinabi niya saking nandito siya kasi sabay daw kayong papasok, sobrang naging 
masaya talaga ako. Feeling ko ng dahil sa kanya, magbabago ka. Eros, natutuwa ako kasi naka-encounter ka 
ng taong tulad ni Eris... Sana wag mo siyang papakawalan, mahalin mo siya at wag mo siyang sasaktan..." 

"H-HAAAAAAAA? SABI NG HINDI KO NGA SIYA GIRLFRIENDDDDDDDD!!!!!!" 
"Eee!" sabay hinampas ako ng mahina ni Ate Risa sa may balikat habang natatawa, "Nahihiya ka pang aminin eh, 
sige na nga! Iabot mo na ito sa kanya, bilisan mo at baka malate pa kayo!" 

Dafuq. =_= 

Nagdiretso na lang ako pabalik sa kwarto ko at inabot kay Eris yung mga uniform. 

"Bigay sayo ng ate ko, bilisan mo magbihis ka na!" tinulak ko na siya papuntang banyo at sinarhan yung pinto. 
=_= 

Sa may paaralan ko... 

"AHHH! MAY ASO! MAY ASO KUYA! MAY ASO!!! AAAHHH!" 
"Hoy manahimik ka nga!" sabay sinapak ko siya, "Tangina! Pag tayo narinig dito! Shut up! Hindi ka naman 
inaano nung aso saka nakatali yan hindi ka makakagat niyan! Ang layo layo sayo!" 


"Eh nakakatakot! Ang sama ng tingin sakin!" >_> 
"Hindi ka mamatay sa tingin! Psh! Tara na nga, wag kang maingay mahuli pa tayo ng guard!" sa may likod 
kasi kami ng school dumadaan kasi may uniform nga itong annoying angel na ito, wala namang ID eh no ID no entry 



dito! Sa may likod ng school merong malaking gate na pwedeng pasukan namin. May guard house pagkapasok na 
pagkapasok ng gate sa likod pero madalas walang guard dun, ewan ko kung bakit pero basta ginagamit ko 'tong gate 
na ito pag sa tuwing gusto kong mag-cutting. Paano ba naman kasi sa front gate laging may guards tapos hindi pa 
nagpapalabas pagclass hours, asar lang. =_= 

Pero dito kasi sa may daan sa may likod ng gate, may mga bahay at dun sa isang bahay na malapit na malapit sa 
may gate ay may isang aso, isang pitbull na nakatali sa isang maliit na kahoy o ewan ko kung ano yun sa may gilid at 
sadya namang nakakatakot yung itsura ng aso na parang anytime kakagatin ka at lalamunin ka. 

Successful naman ang pagsneak in namin sa may likod gate, walang guards. 

"MR. MAGDAYO! YOU'RE LATE!" pambungad sakin ng nakakaasar kong teacher pagkapasok namin ng 
classroom. 

"BUTI PA NGA PUMASOK DIBA?!" inis na sabi ko sabay sipa ko dun sa may pinto sa gilid ko at nagdiretso na sa 
paglalakad papuntang upuan ko sa may likod, sa kadulu-duluhan ng room. 

Habang naglalakad ako nakikita kong pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko at nagbubulungan sila, yung iba 
natatakot pa sakin kasi nga alam nilang nambubugbog ako ng walang pakundangan. Siguro nagbubulungan din sila 
kasi nagtataka sila kung bakit andito ako, madalang lang kasi ako pumasok ng school, as in sobrang dalang. Pag trip 
ko lang mambugbog ng kaklase saka lang ako napasok. 

"Alis diyan!" hinigit ko sa may sleeve ng uniform niya yung isa kong kaklase na katabi ko sa may upuan ko at inalis 
ko siya sa may upuan niya at tinulak palayo atsaka naman ako humarap kay annoying angel na noo'y parang buntot 
ko na sumusunod lang sakin, "UPO NA! TINATAYO TAYO MO PA DYAN?" 

"Pero teka, upuan niya yan eh..." tinuturo niya yung lalaking hinila at tinulak ko na noo'y takot na takot sakin. 

"MR. MAGDAYO! WHO IS THAT GIRL? AND WHY DID YOU BRING HER IN OUR CLASS? SHE IS NOT 
ALLOWED IN HERE!" 
"Well," hinarap ko yung teacher ko na noo'y nakalapit na sakin para i-confront ako, "From now on, she's part of the 
class. YOU HAVE ANY PROBLEM WITH THAT?!" 


"Yes! There's a big problem here Mr. Magdayo! What class is she from?" akala niya siguro studyante talaga si 
Eris dito sa school since naka-school uniform din ito ng school namin. 

"This class! Pwede ba magturo ka na lang pampagulo ka eh?!" 
"WHAT THE?! Argh! Watch your mouth Mr. Magdayo," tumalikod na siya, "I'll let her sit in basta hindi siya 
manggugulo. Pag kayo nanggulo palalabasin ko kayo." 


"Sir, paano po ako? W-wala po akong upuan..." pagtatanong naman nung isang hinila ko kanina. 


"Ayun, dun ka sa isang dulo umupo, vacant naman!" naiinis na sabi niya.

 *** 
"Ang sama mo Eros..." nagsisimula na yung klase at nakaupo na ako sa upuan ko habang nakataas yung paa ko 
sa may upuan sa may harapan ko at syempre hindi naman naangal yung kaklase ko sa unahan ko, takot na lang 
niyang mabugbog eh. 

"Ha? Ginagawa ko sayo?" nabigla kasi ako nang magsalita bigla sakin si Eris in a low voice. Nakapatong ang mga 
braso niya sa may desk habang naka-lean forward siya sakin. 

"Bakit mo inagaw yung upuan nung lalaki? Nakakahiya naman tuloy sa kanya." 
"Pwede ba wag mo na intindihin yung mga walang sense na bagay na tulad na yan?" medyo naiinis kong sabi. 
Unbelievable. siya na nga binigyan ko ng mauupuan, sasabihan pa akong masama? Tsk, kahit ano naman ata gawin 
ko masama ako. 


"Hmp," ayan nanaman siya sa pout niya, "Bakit hindi ka nagsusulat ng notes?" 


"Wala akong ballpen." 
Humarap siya sa katabi niya sa may kaliwa at narinig kong sabi niya dun sa katabi niya, "May extra ballpen ka ba? 
Pahiram naman oh. Thanks." 


Pagkatapos ng ilang saglit humarap ulit siya sakin at inabot sakin ang isang ballpen, "Ayan, may ballpen ka na. 
Magsulat ka na ng notes para may pagaaralan ka pagdating ng exams." 


"Wala akong notebook." 


"Ha? Eh anong laman niyang bagpack mo?" 


"Wala, hangin." 
"Ha? Eh bakit nagbag ka pa kung wala ka naman palang ilalaman?!!" >_> 
"Wala lang, trip ko lang. Pake mo ba, leave me alone nga! Pumasok na ako sa school diba, eh bakit parang 
hindi naman ata nadadagdagan yang red sa may necklace mo?" 
"Ang sama mo kasi, inagawan mo ng upuan yung kaklase mo tapos sinigawan mo pa teacher mo. Hindi tama 
yun." 
"Argh, ewan ko sayo! Matutulog na nga lang ako!" binaba ko yung paa ko at sumubsob na lang ako sa may desk 
ko. 


*** 


"Ah pakshet! Kala ko di na matatapos ang araw na ito!" naginat inat ako ng braso ko habang naglalakad na 
pauwi, natapos na rin sa wakas ang walang kwentang klase. Natulog lang ako all the time, from morning til afternoon. 
Kabagot lang eh. 

"Hindi ka naman nakinig sa klase eh! Natulog ka lang! Tignan mo tuloy, kahit 1% na red sa necklace, walang 
nadagdag! Kainis ka naman ee! Sayang tuloy! Stuck pa rin tayo sa 10%!" >_< 


"Shut up!" *yaaawns* 
"Hmp! Eto oh!" nagtaka ako nang may bigla siyang inabot na ilang pirasong intermediate paper sakin. 
"Ano 'to?" 
"Notes! Pinagkopya kita ng notes sa lahat ng subject niyo habang natutulog ka! Pag-aralan mong mabuti 
yan! Sabi nung isang teacher niyo, may quiz daw kayo sa Friday." 
"No thanks, tinatamad ako." 
"Ano ba nakakatamad sa pag-aaral?!" 
"Everything." 
"Naman Ero-ero eh! You won't graduate in that state! Last year mo na ito sa high school, pag-igihan mo na! 
Ilang beses ka ng nagrepeat don't let it happen again, kuntento ka na lang ba ma-stuck sa kinalalagyan mo? 
Gusto mo forever ka na lang hindi makaka-graduate?" 
"What's the point sa pag-graduate? Seesh, you'll just get a diploma and a decent work. That's all." 
"Anong that's all? You're saying it na parang wala lang kwenta yun sayo! Don't you get it, hindi forever na 
bata ka na may magbabayad ng electric bills para sayo, ng pagkain mo at ng mismong pansigarilyo mo! 
10years from now, you'll be all on your own and how can you survive without a diploma and a decent work?" 
"Sus, edi magnanakaw. Magbebenta ng drugs. Andaming illegal works dyan para kumita. Why bother for a 
diploma?" 
"YOU ARE SUCH A BIG COWARD!" 


"Hoy? Sinong duwag? Ako? Suntukan ano?" 
"Ewan ko sayo! Hindi ibig sabihin na kaya mong mambugbog ay matapang ka na! Hindi nasusukat ang 
katapangan sa physical strength lang! Kung ayaw mong grumaduate, ayaw mong mag-effort mag-aral, 
isa lang ibig sabihin nun, isa kang malaking duwag! Alam mo kung bakit? Hindi mo man lang kayang 
subukang makatapos ng bagay na sinimulan mo. Ayaw mo mag-aral? Bakit? Kasi sabi mo tinatamad ka? 
Hindi yan totoo, ang totoo ayaw mong mag-aral kasi you don't have the guts, you don't believe in yourself na 
kakayanin mong makapasa, wala pa man iniisip mo na agad na isa kang malaking FAIL. You don't even try 
kaya you're a big coward, Eros." 


"Tapos ka ng magsalita ha? Tapos na ang speech mo? May idadagdag ka pa ba?" asar na sabi ko sa kanya. 
"OO!" 
"Ano?! Hindi ka pa tapos? Ano pa sasabihin mo? Ampocha, aray---!" nabigla ako ng tinulak niya with full force 
yung mga papel sa may dibdib ko kaya napahawak ako dun sa mga papel tapos binitawan niya naman agad at 
naglakad na palayo. 


"NAGUGUTOM NA AKO!" 


Ano?! Pagkatapos akong sermunan, biglang magwa-walk out para sabihing gutom na daw siya?! Ang labo nung 
angel na yun! NAKAKAASAR LANG TALAGA SIYA! ANNOYING ANGEL! 


"Hep hep, saan ka pupunta?" 
"Umm, excuse me, sino po kayo?" habang tinitiklop ko na yung mga papel at ilalagay na sa may bulsa ko ay 
narinig kong may kinakausap si Eris sa hindi kalayuan at nabigla ako nang iangat ko ang ulo ko at tumingin sa 
direksyon nila... 


OHSHT. 


"Eros, girlfriend mo? Cute ah." 

Sht talaga. Siya yung isa sa mga binugbog ko nung isang araw at look, nagdala pa siya ng resbak! I think there's 6-7 
of them. 


"Hindi ko yan girlfriend. Di ko yan kilala." 
"Eh? Eros! Kilala mo ako eh!" *pouts* 
"SHUT UP STUPID!" argh, napa-face palm tuloy ako. Sinabi ko lang naman na hindi ko siya kakilala para hindi siya 
galawin nitong mga kupal na ito sa harapan namin eh. Stupid angel, she just blown away my plan after 1 second. 
=___= 


"Haha, cute. Lovers quarrel?" 
"Pocha! Sabing hindi ko nga girlfriend!" bakit ba lahat sila inaakalang girlfriend ko yang annoying angel na yan. 
Kakapikon na ha. =_= 


"Well, well, pahiram muna siya Eros ha? Sabihin na nating pambayad mo sa nagawa mo sakin nung isang 
isang araw." 


"Okay," nagkibit balikat lang ako na parang wala lang sakin yung sinabi niya na siyang kinabigla nila. 
"Ha? Anong okay? Akala ko ba girlfriend mo? Bakit okay lang sayo? Walang violent reactions?" 
"Hindi ko nga sabi girlfriend aba! Kunin niyo kung gusto niyo, wala akong pakelam!" 
"Kahit na, kung hindi mo nga talaga siya girlfriend, she must be your friend or atleast acquaintance? Pero 
bakit ganun, wala kang pakelam kung kunin namin siya?" 
"Why? Should I care?" bored na tanong ko sa kanila, "Ewan ko sa inyo. You shouldn't even bother with her, 
may magic powers yan. Protected yan ng God or something niya kaya kahit bugbugin niyo pa yan, hindi yan 
masasaktan. Sige, uwi na ako. Bye!" 


Naglakad na ako para umuwi at nung napadaan ako sa may tapat nila ay pinigilan nila ako sa may balikat, "Wait. 
Pinagloloko mo ba kami ha? Anong magic powers pinagsasabi mo? Naka-drugs ka ba ha?" 


"Unfortunately hindi. Nga pala, angel siya. Ingat kayo baka hindi kayo makapasok sa heaven." pangaasar 
kong sabi at dahil dun nakaramdam ako ng suntok na dumampi sa mukha kaya medyo napaurong ako. 


"GAGO! Kami pa lokohin mo!" 
"Potaaaangina lang ha! Bakit mo ako sinuntok? Gago ka ah!" susuntukin ko na sana siya kaso naramdaman 
kong may humawak sa may bewang ko at pinigilan akong makaganti ng suntok. 


"Wag Eros! Don't fight them! Di ka na dapat nakikipagaway pa! This won't lead you to anywhere saka isa pa, 
di ba gusto mo magrant ang wish mo? Hindi siya maga-grant kung patuloy kang makikipag-away. Alam mo 
ba kung ilang percent ang mawawala pag nakipagaway ka? 50% Eros. Ang laki nun. At alam mo bang pag 
zero percent na lang siya at patuloy ka pa rin nakikipagaway at gumagawa ng mali, may chances na pwedeng 
masira yung heart ng necklace at pag nangyari yun... I can never have my life back again. So please Eros... 
I'm begging you..." 

I heard her sniff behind my back... is she crying? 

"Hoy ano ba mga pinagsasabi niyo? Necklace? Angel? Nakakaasar na kayo ah! Bugbugin niyo na nga ito!" 

Sht. Bigla niyang inutusan yung mga kasamahan niya na mambugbog pero hawak hawak pa rin ako ni Eris sa may 
bewang at umiiyak ito sa likod ko... I want to fight... 


I fvcking want to fight. 


Ayokong mabugbog ng walang laban. 
Saka pang-weak lang ang magpabugbog. 
Hindi ako weak! Malakas ako! Kaya kong makipaglaban sa mga ito kahit marami sila! 


"Fvck, let me go!" pilit kong tinatanggal ang kapit niya sa may bewang ko pero hinihigpitan niya lang lalo ang 
hawak. 


"Wag please!" sabi niya habang umiiyak.


 I fvcking want to fight but... argh! 
Dmn this ANNOYING ANGEL! 


With all force, sapilitang tinanggal ko ang kamay niya sa may bewang ko at hinila ko ito habang sinigaw ko ang 
salitang, "TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!" 


Hila hila ko siya sa may kamay niya habang mabilis akong tumatakbo para makatakas sa mga lalaking gustong 
mambugbog samin. 



"Bilisan mo! Tangina, ang bagal mo! Do you want to die ha? Ah oo nga pala, ako lang mamatay dito pag 
nagkataon pero kahit na bilisan mo sa pagtakbo! Ano ba!" 

Takbo kami ng takbo habang hinahabol naman nila kami, luckily may nakita akong eskinita at agad akong pumasok 
dun para makapagtago kami. Buti na lang hindi nila kami napansin at nakalagpas sila ng may eskinita ng hindi kami 
nakikita. 

Nung feel kong safe na kami ay sinipa ko yung isang pader dun out of frustration. 

"Dmn this. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako tumakbo sa buhay ko. Kasalanan mo 'to eh, nagmukha tuloy 
akong isang loser na duwag! Nagmukha akong isang weak!" 

Pinahid niya yung nabasa niyang pisngi at sabay ngumiti sakin, "Ngayon, masasabi kong hindi ka isang duwag. 
Hindi ka rin isang loser lalong lalo ng hindi ka isang weak. Running away is not always a sign of weakness, 
sometimes it proves you to be a strong person kasi hindi ganun kadaling tumakbo palayo lalo na sa mga 
bagay na hindi mo kayang iwasang gawin. Katulad na lang kanina, fighting was everything for you pero that 
time you gave it up and run away with me. Pinakinggan mo yung pagmamakaawa ko. I was really scared na 
baka makipagaway ka at masira yung necklace pero hindi mo ginawa." 

"Eros, maraming salamat." at nabigla na lang ako nang humawak siya sa may balikat ko, tumingkayad at dinampi 
ang mga labi niya sa may pisngi ko. 

"H-HOY! Manyak! Bakit mo ako hinalikan!" pinunasan ko ng palad ko yung hinalikan niyang pisngi. Ewan ko 
parang kinilabutan ako sa ginawa niya and at the same time I felt something weird, parang may nag-light up na 
something sakin. Ewan! Ang weird! Arghh! 

"Look!" nakangiti niyang inangat ang necklace, "Because you gave up something for someone's sake, we are 
rewarded of 10% red color sa may heart ng necklace! Yehey, 20% na Ero-ero! Aren't you happy?" 

"Ugh, whatever. I'm hungry." yun lang nasabi ko at naglakad na palayo. Sinundan naman niya ako at naglakad sa 
may tabi ko habang nasa may likod niya ang mga kamay niya at masayang kinakausap ako. 

"Me too! Tara libre mo ako!" 
"Sino may sabing ililibre kita?" 
"Ako! Hihi!" 
"Ewan ko sayo! Layuan mo nga ako, napaka-annoying mo." 
"Ang bad mo talaga." *pouts* 
"Ewan ko sayo." 



ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento