Hindi inaasahan ni Eros ang mga sinabi ni Eris, sa sobrang pagkabigla niya ay hindi niya nagawang umimik ng ilang
sandali.
"Thank you for falling inlove with me," paulit ulit din nagpe-play sa utak niya ang mga salitang iyon.
Pero nung makarecover siya sa bigla ay....
*TUGSH!*
"Aaaaaaaaaaaraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay Erossssssssssssss!!!" //(>__<)\\
Biglang sinapak ni Eros si Eris, "Baliw ka talaga! Kamuntik na akong maniwala sayo! Lakas mo din mantrip,
may paiyak iyak ka pa dyan! Halika na nga, umuwi na tayo tama na ang kalokohan, upakan kita dyan ee!"
"Pero Eros hindi ako nagjo-joke!" >__< sumunod si Eris sa paglalakad ni Eros.
"Feeling ka, ikaw ang ex-girlfriend ko? Kinikilabutan ako! Wala akong natatandaang nagka-girlfriend ng isang
annoying na babae!"
"Bakit, may natatandaan ka ba tungkol sa kanya ha?"
"Oo naman!"
"Talaga? Ano?"
"H-ha? Ano... ah... teka..." nabigla si Eros at naguguluhan kasi ngayong iniisip niya kung ano nga ba ang
natatandaan niya sa ex-girlfriend niya ay wala siyang maalala... ni pangalan, ni mukha nito. Pero may nagpe-play sa
isipan niya ng mga scenes ng nakaraan nila ng girlfriend niya, pero blurred ang mukha nito sa kanyang alaala. Hindi
niya malaman kung bakit. Pakiramdam niya parang inuntog ang ulo niya at nagka-amnesia siya, hindi niya talaga
maalala. Hindi niya magawang makita sa alaala niya ang mukha nito.
"Oh ano? Diba wala kang maalala? Ako nga kasi yun! Namatay ako! Tapos nabuhay ulit ako pero para hindi
masira ang balanse ng mundong ito, walang magagawang makaalala kung anong itsura ko kahit ng pangalan
ko. Sa panahon ng mission kong ito, parang nag-exist na hindi ako sa mundong ito."
"Ha? Naka-drugs ka ba? Mas mukhang adik ka pa sakin sa mga pinagsasasabi mo! Tara na ngang umuwi at
tama na yang mga kalokohan na yan."
"Eros naman ee..." (u,u) napa-pout na lang si Eris kasi ayaw siyang paniwalaan ni Eros kahit anong pilit niya kaya
sa bandang huli sumuko na din siya at tahimik na lang naglakad pauwi.
Nung makarating na si Eros sa bahay niya ay agad agad siyang sinalubong ng mga umampon sa kanya.
"Eros!" nagaalala ang mga mukha ng mga ito, "Si Ate Risa mo..."
Wala sana siyang pakelam sa sasabihin ng mga ito kung hindi niya lamang narinig ang pangalan ng ate Risa niya.
"Anong nangyari kay Ate Risa?" agad na sumugod si Eros papasok ng bahay papunta sa Ate niya.
"Pakiusapan mo siyang magpadala na sa ospital, nagsusuka na naman siya ng dugo."
Hindi na kumatok pa si Eros basta niya na lang binuksan ng malakas ang pinto na kinagulat ng ate Risa niya na
noo'y nakahiga sa kama nito at sobrang namumutla.
Nanlambot ang puso ni Eros sa nakitang itsura ng ate niya, unti unti ng kinakain ng lung cancer ang Ate Risa niya.
Minsan sinisisi niya ang sarili niya, pakiramdam niya kasi may kasalanan din siya sa ate niya kung bakit nagka-lung
cancer ito. Naninigarilyo kasi siya tuwing kasama o kausap niya ito kaya hindi niya maiwasang maisip na baka nakacause
din siya ng damage sa lungs ng ate niya.
"Kuya Eros, si Ate may sugat sa bibig! Dumudugo siya!" tumakbo agad sa kanyang binti ang 6 year old sister
niya na si Chill. Akala ni Chill ay may sugat sa bibig ang ate niya, masyado pa kasi siyang bata para maintindihan
ang nangyayari talaga.
"Ate..." humiwalay saglit si Eros sa kapit ni Chill sa kanya at nilapitan ang ate Risa niya sa kama nito, "Nagsuka ka
nanaman daw ng dugo?"
"Okay lang ako..." mahinang sabi nito.
"Anong okay ka lang? May okay ba na sumusuka ng dugo ha? Dapat dalhin ka na sa ospital! Bakit kasi
lumabas ka pa dun at mas pinili mo magstay dito sa bahay!"
"Eros... alam mo naman na ayaw ko sa ospital eh... Yung mga docto--"
"Yung mga doctors ay mga tao lang din. Wala silang karapatan para bigyan ka ng deadline sa buhay mo,
hindi nila alam kung kelan ka mamatay. Wala kang tiwala sa kanila." si Eros na ang tumapos sa gustong sabihin
ng ate niya kasi paulit ulit na itong sinasabi sa kanya ng ate niya dati pa. Na-confine na dati ang ate niya sa ospital
para gamutin ito sa cancer nito pero nagpumilit ito kamakailan lamang na lumabas ng ospital kasi nga ayaw ng ate
niya sa mga doktor at ospital. At ayon din dito, parang isang kulungan lang ang ospital at kung mamamatay lang din
naman daw ito mas gusto daw nitong maging malaya at magawa lahat ng gusto bago mamatay kesa hintayin na lang
na maputulan ito ng hininga sa loob ng isang hospital room.
"Haay Ate Risa, kung yan ang desisyon mo." tumayo na si Eros at lumabas ng kwarto pero sinundan siya ng mga
adoptive parents niya.
"Eros anak... bakit hindi mo pinilit ang ate mo? Dito satin sa bahay, ikaw lang ang mas pinakikinggan niya.
Ganun kayo ka-close kaya sa tingin ko kung papakiusapan mo siya baka saka---"
"KUNG AYAW NUNG TAO, EDI AYAW NIYA!" biglang sumigaw si Eros dahil naiirita siya, ayaw na ayaw niyang
nakikipagusap sa mga umampon sa kanya.
"Pero Eros.. lumalala na ang sakit ng ate mo..."
"Mamatay na yung tao, kung ayaw niyang magpa-ospital irespeto na lang natin ang desisyon niya!" yun lang
sinabi ni Eros at umalis na ng tuluyan.
Nagdiretso lamang siya sa kwarto niya at naligo para matulog na.
Pero nung nakahiga na siya ay pinipilit niyang makatulog na pero hindi niya magawa.
"Oh ano? Diba wala kang maalala? Ako nga kasi yun! Namatay ako! Tapos nabuhay ulit ako pero para hindi masira
ang balanse ng mundong ito, walang magagawang makaalala kung anong itsura ko kahit ng pangalan ko. Sa
panahon ng mission kong ito, parang nag-exist na hindi ako sa mundong ito."
Nagfa-flash back sa isipan niya ang mga sinabi kanina ni Eris. Nababagabag siya kasi hindi niya malaman kung
nagsasabi ba talaga ng totoo si Eris o pinagti-tripan lang siya nito.
"Ughhh!!! Bakit wala akong maalala!" pilit kasing iniisip ni Eros ang itsura ng naging girlfriend niya at pati pangalan
nito. Nung tinanong kasi siya ni Eris kanina kung may naalala siya tungkol sa naging girlfriend niya saka niya lang
narealise na wala nga talaga siyang maalala.
"Imposible 'to! Bakit ganun? Pero bakit naalala kong may naging girlfriend ako? Bakit naalala ko yung mga
nangyari samin dati? Pero... blurred ang mukha niya sa alaala ko... bakit ganun... anong nangyayari..."
"AHHH!" nagulo na lamang niya ang buhok niya at napatayo mula sa pagkakahiga, "Hindi ako makatulog bwisit!"
Kinuha niya yung t-shirt niya na nakasabit sa dulo ng kama niya at sinuot yun, sinilip niya yung orasan... 12.27.
"Psh. Kaasar. Pasado hatinggabi na!" lumabas siya ng kwarto niya at naglakad na siya papunta sa backyard ng
bahay nila pero nabigla siya nang makita niyang may nakaupo sa may duyan sa may backyard nila.
"Ate Risa?" lumingon ang ate niya sa kanya nang tawagin niya ito.
"Eros? Anong ginagawa mo dito? Bakit gising ka pa?"
"Yun din ang tanong ko sayo, ate."
Ngumiti ang ate niya at niyaya siyang umupo sa tabi nito, "Halika, upo ka dito."
Umupo naman agad siya sa tabi nito, "Kamusta na pakiramdam mo ate?"
"Hmm... medyo nahihirapan akong huminga kaya andito ako sa labas."
"Hindi ba makakasama sayo ang magstay dito sa labas?"
"Ewan. Pero wag ka ng mag-alala sakin Eros, okay lang ako."
"Okay? Ate, ano ba talaga meaning ng okay sayo? Tignan mo nga itsura mo, ang payat payat mo na! Okay ba
yan? May okay bang nagsusuka ng dugo at hirap huminga?"
Dinantay ng ate niya ang ulo nito sa kanyang balikat na siyang kinagitla niya, niyakap din ng ate niya ang braso niya,
"Eros, okay lang talaga ako. I'm physically ill but I'm emotionally fine."
Wala ng nasabi pa si Eros kaya nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Ganun lang sila, magkatabi sa duyan at
pinapanuod ang mabituing langit.
"Sana may malaglag na butuin," biglang sabi ng ate niya.
"Para makahiling ka? Naniniwala ka dun?"
"Umm... oo. Wala naman masamang maniwala diba? Malay mo." :)
"Ate Risa... naniniwala ka ba sa mga angels?"
"Hmm... medyo. Siguro. Minsan... oo. Ata."
"Ano ba talaga? Andami mong sagot." =__=
"Hehe! Ang turo satin dati nung mga bata pa tayo mayroon daw God, merong langit, may hell, may guardian
angels... dati hindi ako masyadong naniniwala... pero naniniwala ako sa miracles. Kaya siguro ngayon kahit
papaano naniniwala ako sa langit, sa Diyos at pati na rin sa mga angels. Bakit mo naitanong?"
"Totoo ang mga anghel ate..."
"Eh?"
"Ate Risa maniniwala ka ba pag sinabi kong may nakilala akong anghel?"
"Ahaha! Pinagti-tripan mo nanaman ako ha!"
"Ate, seryoso ako!"
"Ayeee, nagpa-pout siya!" :DDD
"Ate..." =__=
"Ahaha! Joke lang. O sige, sabihin nating seryoso ka nga. Sino yung anghel at bakit o paano mo siya
nakilala?" nagpipigil ng tawa ang ate niya.
"Hindi ko sasabihin sayo kung sino pero nakilala ko siya isang araw nung may binugbog ako... bigla siyang
sumulpot na parang mushroom."
"Sure kang angel? Baka mushroom lang siya!" XDD
"Ate naman eh! Seryoso nga sabi ako." =__=
"Sorry, o sige continue." XD
"Sabi sakin nitong angel na ito may mission daw siya."
"Hala mala-james bond si angel! Mission impossible! Ahihihi!"
"Ate..." =___=
"Ay oo nga pala, seryoso! Ahaha! Sige, continue makikinig na talaga ako ng seryoso." XD
"Sabi niya yung mission niya daw ay yung patinuin ako."
"Hala, mission impossible nga!" XD
"Ate naman eh!"
"Di na, joke lang. Di na talaga ako mangungulit promise. Continue mo na." XD
"Edi ayun... may heart necklace siya na everytime makakagawa ako ng mabuti ay magkakaroon ng red
shade sa necklace dipende sa level ng good deed ko at pag napuno ko yung necklace na iyon, mission
accomplished na siya. At pag nagmission accomplished na siya magkakaroon ulit siya ng 2nd life dito sa
mundo at ako naman ay mabibigyan ng 1 kahilingan na tutuparin niya."
"Teka... teka, ang gulo. Angel ba yan o genie?"
"Ate naman! Ayoko na nga! Hindi mo naman ako sineseryoso!" tumayo na si Eros sa inis pero bigla siyang hinila
ng ate Risa niya sa braso niya.
"Uy joke lang Eros! Wag kang umalis, samahan mo muna ako dito. Promise, seryoso na talaga. Hindi lang
kasi ako makapaniwala sa kwento mo. Parang jino-joke time mo lang rin kasi ako."
Umupo ulit si Eros," Haay. Ate, hindi ka naniniwala?"
"Ehh... hindi eh... nagda-drugs ka nanaman noh? Naku sabi ko na sayo na tigilan mo na yan, masama yan sa
katawan mo! Saka stop smoking those dangerous stuff! Ang bata bata mo pa binabasura mo na agad ang
katawan mo!"
"Ate hindi na ako nagte-take ng mga ganung bagay. I stopped, okay? Di ba nga sabi ko sayo may angel nga
akong na-meet at may mission kami? Ayaw mo naman kasing maniwala ee..."
"Hindi kasi kapani-paniwala ee." >__< "Pero hmm... Sige, let's say naniniwala ako, interested ka talagang
gawin yung mission?"
"Oo ate."
"Talaga? You mean kaya ba maaga na umuwi? At hindi na kita nakikitang sugatan o bugbog sarado?
Kaya ba lately hindi na rin kita nakikitang naninigarilyo? Saka kaya ba nung isang araw nagaaral ka?"
O___________O
"Yun nga."
"Woahhhhhhh. Akala ko gawa ni Eris yun..."
"Eh bakit mo naman naisip yun?"
"Eh kasi every morning pinupuntahan ka niya dito to make sure siguro na pumasok ka... kasi simula ng
pumunta siya dito sa bahay, unti unti kong napapansin na nagbabago ka. Siguro crush mo siya ano kaya
nagbabago ka ng ganyan? Inspiration! Ayeeeeeeeeeee!"
"Ate ang kulit mo sabi ngang kaya ako nagbabago dahil may nakilala akong angel!"
"Edi si Eris yung angel!" :D
"Hindi!!!" nabigla si Eros kasi ang bilis makapick up ng ate niya.
"Eh sino?"
"Secret! Basta hindi si Eris!" =__=
"Okeeehhhh payyyyn. Pero puno na ba yung necklace?"
"Hindi pa ee, malapit na."
"Oh. Ganun ba. Hmm... Eh kung totoo nga yang angel-james-bond-mission-impossible-genie-bla-bla na iyan--"
"Ate!" =__=
"Joke lang! Hehe. O sige, kung totoo nga yan, bakit ginagawa mo? May gusto ka bang hilingin?"
"Oo.."
"Talaga? Ano yun?"
"Hiling ko na sana gumaling ka na." humarap si Eros sa ate niya at hinalikan ito sa may noo, "Goodnight ate."
Tumayo na siya at pumasok na sa loob ng bahay.
***
"Yikessss! Ang laki ng eyebags mo Eros! Waaaa!"
"Shut up annoying angel," sinubsob na lang ni Eros ang ulo niya sa may desk. Kasalanan ni Eris kaya ang laki ng
eyebags niya ngayon kasi halos buong gabi siyang hindi nakatulog kakaisip.
"Hmp! Parehas kayo ni Yohanne na ang lalaki ng eyebags! May contest ba ng palakihan ng eyebags
ngayon?"
"Hindi ako nakatulog kagabi ee, kakaisip kay Gazelle." T__T sabi naman ni Yohanne na nasa tabi nila at
nakikipagkwentuhan, lunch time kasi.
"Yohanne!" may biglang tumawag kay Yohanne na kaklase nila na nasa may tabi ng pintuan ng classroom nila.
"Oh?"
"May naghahanap sayo!" pagkasabi nun ng kaklase nila ay tumayo si Yohanne para puntahan yung naghahanap
daw sa kanya.
"Gazelle!" nabigla si Yohanne nang si Gazelle ang makita niya sa may pintuan.
"Yohanne, pwede ba tayong mag-usap saglit?"
Um-oo naman agad si Yohanne at sumunod kay Gazelle sa paglalakad. Niyaya kasi siya nito na pumunta sa may
benches sa may soccer field ng school nila. Habang naglalakad nga sila parehas silang tahimik, walang imikan kaya
naman sobrang kabado si Yohanne. He has no idea kung anong mangyayari o kung anong sasabihin ni Gazelle sa
kanya.
"Pinagisipan kong mabuti yung sinabi mo kagabi..." umupo sila sa bench, magkatabi.
Walang masyadong tao sa may soccer field at sa may bench kaya naman kahit papaano may privacy silang dalawa.
"Ahh..." yun lang yung magawang sabihin ni Yohanne kasi nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya dahil sa
sobrang kaba.
"Umm... Yohanne... alam mo cute ka..."
Napangiti si Yohanne at napakamot ng ulo sabay sabi sa nahihiyang boses, "Hindi naman..."
"Mabait ka..."
"Hindi naman..." nakangiti pa rin si Yohanne.
"Matalino ka..."
"Hindi naman masyado." nakangiti pa rin.
"Kaya marami pang ibang babae dyan, sigurado ako magugustuhan ka rin nila."
"Hindi nam--- eh?" biglang nawala yung ngiti ni Yohanne sa sinabi ni Gazelle.
"Yohanne," tinignan ni Gazelle si Yohanne sa mga mata at hinawakan ito sa may balikat nito, "I'm really sorry, I
would've really given you a chance na manligaw kaso biglaan yung nangyari kagabi eh..."
"Biglaan? Yung confession ko ba? Pero okay lang naman eh, bibigyan pa kita ng time para magdesisyon,
hindi ko intensyon na biglain ka... take your ti--"
"Hindi Yohanne, hindi yun ang ibig kong sabihin na nangyari ng biglaan."
"Ha?"
"Biglaan kasi... sinagot ko si Larry, yung nanliligaw rin sakin. Alam mo kasi kinantahan niya ako kagabi tapos
andami niyang surprises sakin kagabi tapos ayon.. sobrang na-flattered ako sa mga naging efforts niya
kagabi... alam mo yun, yung sudden moment na narealise mo kung gaano mo kamahal yung tao? Ayun...
sorry Yohanne."
"Yung sudden moment na narealise mo kung gaano mo kamahal ang isang tao? Alam ko yun. Nangyari na
rin sakin yang tinatawag mong 'biglaan'... Nung mainlove ako sayo..."
"Yohanne... sorry talaga." :(
"Ano ka ba! Haha! Okay lang yun!" pinatong ni Yohanne ang kamay niya sa may ulo ni Gazelle at ginulo ito
habang pinipilit ngumiti, "Okay lang!"
"Hindi naman eh." :(
"Oo, okay lang! Tignan mo nga nakangiti ako? Okay lang talaga! Don't worry! I'm happy for you, sa inyo ni
Larry!"
"Yohanne naman eh, hindi ka kaya okay."
"Okay lang talaga ako! Haha!"
"Yohanne... pinipilit mo lang ngumiti eh. Alam ko rin yung feeling na mareject kasi nareject din ako dati
kaya sobrang nahihirapan ako ngayon dahil nireject kita. Gusto ko pa nga sanang ipagpabukas na lang o sa
susunod ko na lang sasabihin sayo para mapagisipan ko pa ng husto pero ayaw kitang mag-hintay, ayaw
kong umasa ka sa wala. Mahal ko kasi talaga si Larry..."
Nawala na yung mga pilit na ngiti sa mukha ni Yohanne at yumuko na lang siya at hindi nagsalita.
"Yohanne... sorry talaga. Kung gusto mo I'll do anything para lang maipakita sayo how sorry I feel right
now... I don't want to hurt your feelings," biglang lumuhod si Gazelle na siyang kinabigla ni Yohanne.
"U-uy Gazelle, bakit ka naluhod, wag kang lumuhod..."
"Yohanne, sorry talaga.... sorry."
"Uy tumayo ka na dyan," pinipilit ni Yohanne na itayo si Gazelle mula sa pagkakaluhod nito.
"Hindi ako tatayo dito. Sabihin mo muna sakin kung anong dapat gawin ko para mapatawad mo ako..."
"Uy Gazelle ano ka ba, okay lang yun hindi naman ako galit sayo. Hindi ka dapat magsorry, wala kang dapat
gawin. Tumayo ka na oh..."
"Ayaw ko... sabihin mo muna sakin kung anong dapat gawin ko... Hindi ka man galit sakin pero alam ko
nasaktan kita... At ayoko sa lahat makasakit ng nararamdaman ng tao... Please ask me something, a favor...
kahit ano para mapasaya kita para hindi na ako maguilty."
"Uy ano ka ba tignan mo oh may tumitingin na satin baka sabihin nila pinaluluhod kita dyan," pinipilit niya pa
rin itayo si Gazelle.
"Yohanne..." :(
Nagbuntong hininga si Yohanne nang narealize niya na wala talagang balak tumayo si Gazelle, napakamot tuloy siya
ng batok niya.
"O sige..."
"Talaga?"
"Oo, pero tumayo ka muna dyan."
Agad agad tumayo si Gazelle pero as soon as tumayo siya ay sabay lumuhod naman si Yohanne.
"U-uy Yohanne!" nabigla si Gazelle sa ginawa ni Yohanne kasi pagkaluhod ni Yohanne ay nilabas niya ang panyo
niya mula sa bulsa at pinunasan ang mga nadumihang tuhod ni Gazelle dahil sa pagkakaluhod.
"Paluhod luhod ka pa dyan eh nakapalda ka, magagasgasan ang tuhod mo nyan."
"Uy Yohanne hindi mo na kelangan gawin yan,"
Tumayo na si Yohanne pagkatapos niyang punasan ang tuhod ni Gazelle, "Sige, may favor akong hihingin sayo."
"Talaga? Ano yun?"
"Tatlong favor nga lang."
"Eh? Tatlo?"
"Oo. Una, gusto ko pag sinaktan ka o pinaiyak ka nung Larry na yun kelangan sabihin mo agad sakin para
mapasalvage ko kaagad."
"Eh?!!! Ang brutal!" O__O
"Haha! Joke lang yung ipapasalvage ko siya pero yung part na kelangan sabihin mo sakin ay hindi joke, pag
pinaiyak ka niya promise susuntukin ko siya."
"Ah... O sige... salamat Yohanne. Yung pangalawa?"
"Yung pangalawa? Can I have a hug?"
"Ha? Oo naman!" medyo awkward na lumapit si Gazelle kay Yohanne at niyakap ito. Saglit lang sana kaso biglang
hinigpitan ni Yohanne ang hug niya sa kanya.
"At yung pangatlo," bulong ni Yohanne kay Gazelle habang yakap niya ito.
"Yung pangatlo?"
"Pwede ka bang maging kaibigan?"
"Ha? Ano ka ba! Matagal na tayong friends! Simula nung magkakilala tayo nina Eros at Eris, friends ko na
kayo! Kaya nga ininvite ko kayo sa birthday ko eh!"
"Ah... O sige, papaltan ko na yung pangatlo..." hindi pa rin bumibitaw si Yohanne sa hug niya.
"Anong ipapalit mo?"
"Take care of yourself always," bumitaw na si Yohanne at tinap niya ang ulo ni Gazelle, "Yan yung pangatlo."
"Sige Gazelle, babalik na ako sa classroom." nginitian niya muna si Gazelle bago tumalikod at tumakbo palayo
kay Gazelle.
***
"YOHEEEE!" pagkapasok na pagkapasok ni Yohanne sa classroom ay sinalubong agad siya ni Eris with a new
nickname.
"Dumali ka nanaman dyan sa pagiimbento mo ng nickname!" sabay sapak ni Eros kay Eris.
"Aray hindi mo dapat sinasapak ang girlfriend mo, sige ka mababawasan yung percentage sa necklace!"
*pouts*
"Girlfriend ka dyan! Tumigil ka nga!" kanina pa kasi kinukulit ni Eris si Eros na siya daw yung girlfriend nito pero
ayaw nitong maniwala sa kanya.
Pero habang nagtatalo sila bigla lang silang dinaanan ni Yohanne ng walang kaimik imik.
"Yohee!" tawag ni Eris kay Yohanne nang lagpasan sila nito, "Wait, what's with your face? Para kang
namatayan?"
"Oo, namatayan ako."
"Haaaaa?!" sabay na reaksyon nina Eris at Eros.
"Namatayan ako ng puso."
"Eh?" hindi nagets ni Eros sinabi ni Yohanne, "Eh bakit buhay ka pa?"
"Ang slow mo Eros!" tulak na mahina ni Eris sa likod ni Eros, "Ibig niya sigurong sabihin dun ay brokenhearted
siya--- WAIT! Brokenhearted ka Yohanne? What happened?" O___O
Hindi sumagot si Yohanne at dumiretso lang siya sa may upuan niya at inubob ang ulo sa desk niya. Sinundan
naman siya nina Eris at Eros, kinukulit pa rin.
"Yohee? Uy? Hello? Anong nangyari? Uy!" inaalog alog naman ni Eris si Yohanne sa may balikat nito para
kausapin sila.
Inangat din naman agad ni Yohanne ang ulo niya at nakatingin lang siya sa may harapan, sa may blackboard at
nagsalita na parang kausap lang ang sarili, "Bading ba ako kung iiyak ako?"
Sabay inubob ulit ang ulo sa desk.
"Haaaa? Hala Eros! Anong gagawin natin?" nagwo-worry na si Eris para kay Yohanne.
Nagisip saglit si Eros tapos biglang tumingin siya kay Eris tapos nagtanong, "Masama bang uminom?"
"Ng tubig? Walang masama dun! Ano ba namang klaseng tanong yan Ero-ero?"
Lumingon lingon si Eros sa paligid niya at nang may makita siyang libro sa kabilang desk ay kinuha niya iyon at
ipupukpok sana kay Eris kaso nakailag si Eris, "AHHHH!!! Ero-ero! Why mo pukpok me? U SO BAD!" >__<
"Common sense, wala kang common sense! Ibig kong sabihin sa uminom ay uminom ng beer, yung ganun!"
=__=
"Ahhh... Yun ba, linawin mo kasi!"
"Sorry ha hindi ko alam na wala ka kasing common sense." =_=
"Hmp! Pero wala naman masamang uminom basta paminsan minsan lang atsaka kung may occasion."
"Ah. Ok, gets ko na." tumingin naman si Eros kay Yohanne na naka-ub-ob pa rin sa desk, pinatong niya kamay niya
sa balikat nito, "Pre, anong gagawin mo pagkatapos ng klase?"
Sumagot si Yohanne ng hindi inaangat ang ulo, "Wala. Uuwi ng bahay, magsu-suicide."
Binatukan agad ni Eros si Yohanne, "Ulol! Imbis na magsuicide ka, sumama ka na lang samin mamaya. Tarang
mag-inuman."
"Inuman?" napaangat si Yohanne nang marinig yun.
"Waaa, inuman?" napatanong din si Eris sa sinabi ni Eros.
"Oo, umiinom ba kayo?"
"AKO JUICE!" sabay taas ng kamay ni Eris, "APPLE JUICE!" (OvO)/
Napa-face palm na lang si Eros, "Basta mamaya pagkatapos ng klase, tarang maginuman sa clubhouse nina
Memo."
"Pero Eros... hindi ako umiinom." sabi ni Yohanne.
Sumingit si Eris, "Hala Yohanne, hindi ka nainom, buti hindi ka nade-dehydrate?" *O*
Nilagay ni Eros ang palm niya sa mukha ni Eris at tinulak ito palayo para makausap ng ayos si Yohanne, "Hindi
mawawala yang sakit na nararamdaman mo kung hindi mo ilalabas. Ano ba inaalala mo? Papagalitan ka ng
parents mo? Osya, tarang magpaalam!"
"H-hindi yun! Okay lang sa kanila basta wag lang akong sosobra at uuwi ako ng buhay."
"Yun naman pala eh! Ano pang inaayaw ayaw mo? Tara!"
"O sige na nga."
***
"Maaaaaaaaaaaahaaaaaaaaaaaaaaal ko siyaaaaaaaa, saaagaaaaad sa buto pagmamahal ko sa kanya!
Maahaaaaaaal kita Gazelleeeeeeeeee!" *hiks*
"hahahahaha! Panget ka daaaw kasi kaya ayaw sayo! wahahaha!" *hiks*
"Ansama mo Eros wahahaha! Feeling mo pogi ka! wahahahaha!" *hiks*
"Tingin niyo ayos pa 'tong tatlong 'to?" pinatitinginan nina Seven, Cross, Saturn, Trey sina Eris, Eros at Yohanne
na noo'y lasing na lasing na at panay ang tawa, iyak, sigawan na parang mga baliw.
"Haha, sila yung nagyayang maginom, sila naman agad ang nalasing." natatawang sabi ni Memo pagkainom
mula sa bote ng beer niya.
Niyaya rin kasi ni Eros ang buong barkada na maginuman sa clubhouse kaya eto kumpleto sila ngayong
magkakabarkada pwera kay Sync, may concert ito.
"May nasaktan ata akong babae dahil sa pagiging straight forward ko masyado... siguro nasobrahan ako sa
mga sinabi ko. Masyado siguro akong naging harsh..." pagkekwento naman ni Seven pagkatapos magkwento ni
Yohanne ng love problem nito, namomroblema siya sa isang babae na lihim na minamahal niya, si Annika.
"Harshhhh? Wow heeenglish internal *hiks* noseeee bleeeeeding!!!" lasing na sabi ni Eris, kasi dahil masyado
siyang curious uminom ng beer ay nakitry siya ayan tuloy nalasing at parang baliw ang effect sa kanya.
"Haha! Paakyatin na kaya natin yan, kababaeng tao kasama nating mga lalaki. Lasing ka na oh, mamahinga
ka na kaya." sabi naman ni Trey na medyo worried kay Eris.
"Hindi pa akong laseeeeeeng, weeee! Seven, okay lang hiyaaan *hiks* minsan kelangan mong saaaktaan ang
hisang tao paraa magising siya sa katotohanan *hiks* parang sampal lang yan,"
"Aray bakit mo ako sinampal," reklamo ni Seven kay Eris nang sampalin siya nito.
"Heksample! Hahahahaha! Hiks. Dibaaaa pag tulala ang isang tao *hiks* tapos sinampal mo bigla siyang
matatauhan?"
"Oo... Kaso galit naman siya sakin."
"Nasobrahan ka ng sampaaaaaaaaal! Hahahaha! Napalakas! Ikaw kaya sampalin ng malakas hindi ka kaya
magalit! Hahahaha!" *hiks*
"Ako nga Eris, sampalin mo nga ako." sabi naman ni Cross bigla.
"Nye? Bakit kita sasampalin? Baleeew ka ba!" *hiks*
"Nainlove kasi ako sa panget, nabubulag ata ako. Kelangan ko ata niyang sinasabi mong sampal baka
sakaling matauhan ako."
"Hindi nanaman panget si Eya ah!" singit ni Trey.
Sumang-ayon naman si Saturn, "Oo nga, kung ayaw mo edi akin na lang! BWAHAHAHA."
"Uupakan kita dyan Saturn eh, dami dami mo ng babae aagawin mo pa yung akin."
"Eh mukha kasing ayaw mo eh! Nagpapasampal ka pa dyan! Wahaha."
"Haaay nakuuu," pagewang gewang na sabi ni Eris at tinuro ng daliri ang mukha ni Cross nang sobrang lapit,
napaatras tuloy ng ulo si Cross, "Hindi ka nabulag, hind mo kelangan ng sampal. hindi mo kelangan matauhan
kasi matagal ka ng natauhan! True love yan."
Sabay sabay na nag-act na parang nasusuka yung mga lalaking kasama ni Eris.
"Ang aarte niyo, bakit kayo nasusuka sa word na "true love" anong masama dun." =__=
"Ang bading Eris." natatawang sabi ni Saturn.
"True love, pinagtatawanan niyo yan," isa isa niyang tinuro ang mga lalaki sa harapan niya, "Pero hindi niyo
alam na yang true love na yan, iyan ang bubuo ng buhay niyo."
"Haha, true love," napapailing na natatawa si Memo, "What a word."
Biglang tumayo si Memo, "11pm na. Uuwi na ako. Magsiuwian na rin kayo."
"Maaga pa Memo!" reklamo ni Cross.
"Lasing na yang tatlo oh," tinutukoy ni Memo sina Eris, Eros at Yohanne, "Umuwi na tayo."
***
Umuwi na rin naman agad sila, si Seven hinatid na lang si Yohanne pauwi kasi lasing na lasing na ito. Tinagay lahat
ng pwedeng mainom para lang malunod ang nararamdaman niya para kay Gazelle.
"Naparami din inom mo pre ah, klaseng bigong bigo ka talaga sa Gazelle na yun?" natatawang tanong ni
Seven habang akbay akbay si Yohanne pahatid ng bahay nito.
"Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko!" medyo magulo pagkakasabi ni Yohanne kasi nga lasing na siya, "Pero
minsan talaga kelangan nating tanggapin na hindi para satin yung taong mahal natin... hanggang kaibigan
lang kami."
"Pero base sa kwento mo kanina, ang tatag mo din eh nuh? Talagang pinili mo pa rin magstay na
magkaibigan kayo kahit nireject ka nya?"
"Oo naman," napasinok si Yohanne sa kalasingan, "It's better than nothing diba? Atleast kung hindi ko man
sya maging girlfriend ay maging kaibigan niya ako kasi pag kaibigan niya ako may chance pa rin akong
mapasaya siya. Andun ako palagi sa tabi niya. Yun lang naman gusto ko eh, yung mapasaya siya hindi na
mahalaga kung kami o hindi."
"Wow, masokista ka din eh noh?"
Tumawa si Yohanne, "Hindi ako nagpapakamasokista, ganto talaga magmahal, kasiyahan mo kung anong
kasiyahan ng taong mahal mo. Kung nagmahal ka na, alam mo dapat yun."
"May tanong ako Yohanne,"
"Hanohhh yun," *hiks*
"Paano kung ang kasiyahan ng taong mahal mo ay yung alam mong magiging dahilan din ng ikasasakit niya
balang araw? Magiging masaya ka pa rin ba sa kasiyahan niyang iyon?"
"Kung ikasasakit niya lang din pala sa bandang huli ang kasiyahan niyang yun, mas pipiliin kong ako na lang
ang manakit sa kanya kesa saktan siya ng sarili niyang kasiyahan. Alam mo kasi Seven, wala ng mas sasakit
pa sa katotohanang kaya kang saktan ng todo ng taong nagpapasaya rin sayo."
"Ang gulo ng pag-ibig noh?"
"Haha! Pag-ibig... isang salita lamang yan pero ang laking impluwensya sa buhay mo."
***
Sa kabilang banda naman hinahatid naman ni Eris si Eros papuntang bahay nito, nagpresinta na siyang maghahatid
kay Eros kahit sa kabila nang pangungulit nina Memo na sila na daw maghahatid dito kasi lasing na din naman si
Eris.
"Hangbigaaaaat mo Eroooooooooos. Nagda-dieeeeeeeeet ka baaaaaaaa!" hirap na hirap si Eris sa pagaakay
niya dito sa may balikat niya.
"BWAAAAAHHH." hiningahan ni Eros si Eris sa may tapat ng mukha nito.
"AAAHHHHHHH BAHOOOOOOO HININGAAAA MO!"
"Heyngeeeel ka taposh nanlalait kaaaaaaa!"
"Hindi ako nanlalait, nagsasabi ako ng katotohanan! Hambahoooooo!"
"KYAAAAAAAAAA!" napasigaw si Eris kasi hindi na niya kinaya yung bigat ni Eros at natumba sila parehas sa may
sahig ng kalsada. Buti na lang wala na masyadong nadaang sasakyan kaya pwede silang magpagewang gewang sa
gitna ng kalsada ng hindi nasasagasaan.
"HARAAAAAAAY! LAMPAAAA NETOOOO!" reklamo ni Eros nang malaglag sila sa semento.
"Hambigat mo kaya! Mag-diet ka!" =___=
"Macho ako hoy! *hiks* Pakitaan kita ng abs ko eh!" *hiks*
"Ayyy waaaag!"
"Bading ka ba? Takot ka sa abs!"
"Baaawaaaaal! Masama sa mataaaa!"
"Ewan ko sayo!" biglang humikab ng malakas si Eros, "Inaantok na ako."
Nabigla si Eris kasi biglang pinatong ni Eros ang ulo niya sa balikat ni Eris, "Hala uy Eros bumangon ka, ang bigat
mo! Saka uy nasa gitna tayo ng kalsada!"
"Wag kang malikot natutulog ako," sabi ni Eros habang hindi pa rin inaalis ang ulo niya sa balikat ni Eris.
"Erossssssssss!" panay ang yugyog ni Eris kay Eros para umalis ulo nito sa balikat nya pero wala pa rin.
"Ang sarap sa balikat mo..."
"Ha?" nabigla si Eris sa sinabi ni Eros.
"Namimiss ko 'tong balikat na ito..."
"Eh?" nabibigla talaga si Eris kaya napatingin siya kay Eros at mas lalo siyang nabigla nang makitang umiiyak ito,
"E-eros? Anong sinasabi mo? Saka bakit ka umiiyak?"
"Sabi mo ikaw siya... pero wala akong maalala... blurred ang mukha niya sa aking alaala... pati pangalan niya
hindi ko matandaan... bakit ganun..."
"Diba nga sabi ko sayo burado ang existence ko ngayon kasi nga nasa mission ako ngayon, kung maaalala
niyo akong mga nakilala at nakasalimuha ko dati edi magtataka kayo at magugulantang na nandito ako kung
gayong patay na dapat ako?"
"Siguro nga ikaw nga iyon, siguro nga totoo yung sinasabi mo. Pero bakit?"
"Bakit ang alin?"
"Bakit ka bumalik? Bakit kasama ako sa mission mo? Bakit AKO ang mission mo?"
"Ha?"
Inangat na ni Eros ang ulo niya at tinignan sa mata si Eris, naghihinakit siya, "Bakit mo ako binalikan?"
Hinawakan ni Eros ang magkabilang balikat ni Eris, "Yung babaeng minahal ko ang laki ng kasalanan ko sa
kanya! She was raped! At---- at---"
Hindi matuloy tuloy ni Eros ang sasabihin niya kaya si Eris na ang tumapos.
"She was raped and because of you she died."
ITUTULOY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento