"I'm back! Kainan na!" ~(*w*)~
"Ang tagal mo! Tsk!"
Umupo siya sa tabi ko at nakanguso, bibe ata ito at hindi anghel, ang hilig hilig ngumuso!
"Alam mo sa tingin ko tama ka, nakakatakot si Memo. Alam mo ba andami dami niyang tinatanong sakin!"
"Tulad ng?"
"Kung magkaano ano tayo... Kung bakit ako nandito... Mga ganun ba..."
"Anong sinagot mo?"
"Yung totoo."
"Ha?! Anong ibig mong sabihin dun?! Anong yung totoo tinutukoy mo?!" O___O
"Edi yung totoo... Na angel ako tapos may mission a--- ARAY!" napahawak siya sa may ulo niya na sinapak ko.
"Waaa! Bad! Bakit mo ako sinapak!" >_<
"Diba sinabihan na kitang pag may nagtanong ng tungkol sayo ay magimbento ka na lang ng ibang bagay!"
"Pero di ako marunong magsinungaling..."
"Arggh! Ewan ko sayo!"
"Eh hindi din siguro siya naniwala sakin kasi pinagtawanan niya lang ako, akala niya nagjojoke lang ako..."
"Kumain na nga lang tayo!" aagawin ko na sana sa kanya yung kutsara kaso ayaw niyang bitawan.
"Oy akin na," pilit kong hinihila sa pagkakahawak niya yung kutsara pero ayaw niyang bitawan at nakikipag tug of
war pa, "Hoy ano ba! Bitaw!"
"Hepepep!" nilagay niya yung isa niyang palad sa may tapat ng mukha ko, "Before we eat, let's thank God for the
meal muna!"
"Why should I thank Him, whoever He is? Eh ako ang bumili nyan, I don't need to thank someone sa bagay
na binili ko!"
"Alam mo, lahat ng bagay sa mundo dapat nating ipagpasalamat sa Kanya kahit ang simpleng paghinga
natin ay dapat natin ipagpasalamat. Nandito tayo dahil sa Kanya."
"Hindi ako naniniwala sa Kanya, mas naniniwala pa akong galing ang tao sa unggoy."
"Halata nga eh, mukha kang unggoy," nakasimangot na sabi niya.
"ANO?!"
Hindi niya ako pinansin at humarap siya sa may table, tumungo, pinagdaop ang mga palad at pinikit ang mga mata.
"Lord, maraming salamat po sa pagkain na ito at higit sa lahat, maraming salamat po at kasalo kong kumain
si Eros. Amen."
Minulat niya ang mga mata niya atsaka ko sinabi sa kanya sa inis na tono, "O tapos ka na? Pwede na bang
lumamon?!"
Tumango siya ng may mga ngiti sa mga labi, tinransfer ko na sa bowl na hawak niya yung lugaw na nasa may plastic
tapos hinawakan ko sa may gilid at humarap ako sa kanya, "Lamon na tayo."
"Kainan na!" tuwang tuwa niyang sabi sabay kuha ng lugaw gamit ang kutsara niya at sinubo pagkatapos, ginawa
ko din naman yung ginawa niya habang pinagmamasdan siyang nakapikit at tuwang tuwa.
"Hmmm! Anchalap chalap! Sarap ng lugaw pag maulan!" <3
Habang pinagmamasdan ko siya parang... parang may kamukha siya...
Parang nakita ko na siya dati pa... Aahh ewan! Baka imagination ko lang.
***
Matapos kaming kumain ay pinatong ko na ulit sa table yung bowl at mga kutsara namin.
"Aah! Busog! Inaantok na ko Ero ero!" *yaaawn!*
Hinimas himas niya ang tyan niya habang humihikab sabay biglang dinantay ang ulo niya sa may balikat ko. Tinaas
ko nga yung balikat ko at tinulak siya, "Wag ka ngang dumantay sakin."
"Eee!" nagpout lang siya at binagsak na lang pahiga ang katawan sa may kama.
"Ero ero!" habang nakahiga siya hinigit niya yung t-shirt ko at dahil nabigla ako sa biglaang paghigit niya ay
napahiga tuloy ako sa kama sa tabi niya.
"Oy! Ano ba!" tatayo na sana ako kaso bigla niyang pinatong yung kamay niya sa may dibdib ko hanggang sa
kabilang balikat ko para hindi ako makatayo at dinantay niya pa yung isang paa niya sakin kaya nastuck ako sa
kanyang hawak.
"Teddy beaaar!" :3
"hey! Im not your fvcking teddy bear, get off me bago pa kita maibalibag paalis sakin!"
"Aww! Look what you did Ero Ero! Nabawasan ng 1% na red color sa necklace dahil sa bad word mo!"
"Don't call me ero ero!"
"But it's so cute! Sounds like kero keroppi na friend ni Hello Kitty!"
"I don't care! Get off me!"
Pero imbis na umalis, mas lalo pa siyang yumakap sakin, "You're so warm Ero Ero! Like a teddy bear! Dito ka
muna please?"
"Ayoko nga! Aalis na ako oy! Ibabalibag talaga kita pag di ka umalis! Isa! Dalawa!"
"Ero Ero, stay ka muna please? I'll tell you things para mapabilis matapos yung mission." ^__^
"Fine! Tss!"
"Yehey! Ero ero, alam mo ba 10% na yung red? 5% sa paghahanap mo ng shelter para sakin tapos another
5% for the food pero dahil nagsabi ka ng badword, nabawasan ng 1%."
"Eh paano naging 10% kung nabawasan pala? Diba dapat 9%, marunong ka ba ng math? Tss!"
"Eh kasi pinili mo magstay sa tabi ko and that made me smile at alam mo ba, making someone smile is a
good deed? Plus 1% kuya teddybear."
"O-oy! Kung anu anong nickname binibigay mo sakin! Atsaka wag mo nga akong i-kuya! At hindi sabi ako
teddybear!"
"Mas matanda ka naman sakin ng dalwang taon eh, 18 ka na eh! 16 lang ako kaya I'll call you kuya
teddybear!" :p
"Tss!" hindi na ako nakipagtalo, I already know how insisistent she could be.
"Kuya teddybear, pumapasok ka pa ba sa school?"
"Hinde!"
"Bakit? Graduate ka na ba?"
Natawa ako bigla, "Graduate? Wahaha! Ako? Graduate? Ayos ah! Ni hindi nga makaalis sa highschool!"
"Highschool ka pa rin? Bakit? 18 ka na diba, dapat college ka na." (o.O)
"Repeater, hindi makatapos."
"Waa! Bakit?"
"Obvious ba edi hindi ako napasok."
"Bakit?"
"Tinatamad ako."
"Bakit?"
"Sa tinatamad ako eh! Wag ka ngang matanong!"
"Simula bukas papasok ka na."
"Ano ka nanay ko? Gara mo makapagutos ah!"
"Hindi kita inuutusan, sinasabi ko lang sayo. Ang pagpasok sa school at pagaaral ay isang kabutihan din.
Isipin mo na lang yung tuition na pinambabayad sayo ng mga parents mo."
"Wala akong parents."
"Ha?"
"Ampon lang ako sa pamilya nina ate Risa. Sampid, ganun."
"Uy wag mo naman tawagin ang sarili mo ng ganyan."
"Totoo naman ah? Sampid lang ako--oy! Wag mo nga akong yakapin!" bigla kasing humigpit ang hawak nya
sakin at mas sumiksik sya sa tabi ko, "oy! Ano ba! May balak ka bang isuffocate ako! Oy!"
"I can feel it Kuya teddybear."
"Feel what?! Bitawan mo nga ako oy!"
"You don't feel loved, you feel so alone kaya ganyan ka. You try to hide your loneliness by acting tough and
wild."
Thud.
Bakit parang may biglang kumirot sa katawan ko?
Bakit parang nakaramdam ako ng saglit na sakit pagkatapos niyang sabihin yun? AHH SIGURO DAHIL MABIGAT
ITONG BABAENG ITO! TSSS!
Maitulak na nga paalis sakin, "ALIS! ANG BIGAT BIGAT MO!!!"
"AHHHH!!! Napaka mo! Bakit mo ako biglang tinulak!" nakasimangot niyang sabi pagkatulak ko sa kanya.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at aalis na sana, "Ewan ko sayo! Uuwi na ako! Hindi ka naman
matinong kausap! Waste of time! Tss!"
"Wait Ero ero!"
"Oh ano nanaman? Saka pede ba tawagin mo ako sa pangalan ko! TSSS!!!" nasa may pinto na ako nun at
paalis na talaga kaya nababarino na ako sa kanya sa kakatawag niya sakin.
Nakalagay sa may likod niya yung mga kamay niya at nakangiti siya sakin, "Tarang pumasok ng school bukas!!!"
"EWAN KO SAYO! DIYAN KA NA!" pagkasabi ko nun ay lumabas na ako at sinarhan ng malakas ang pinto.
At habang naglalakad na ako paalis ng clubhouse, biglang pumasok sa isip ko ang mga bagay bagay na tulad nito,
"Teka... may uniform pa ba ako? Ah taeng school yun, hindi nagpapasok ng hindi naka-uniform!"
ITUTULOY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento