“Aba.. hinde ata siya nagwawala ngayon… hinde niya inaaway yung maid niya?” umupo ako sa kama tapos binuksan yung tv.
Mga 1 hour din akong nanood ng tv, palipat lipat lang.. nagbabakasakaling may magandang palabas. Pero I failed, wala pala talagang magandang palabas.
“Ano ba tong bahay niya! Ang tahimik! Parang hinde si Kenji yung nakatira dito ah.”
Tumayo ako tapos lumabas ng kwarto. Napaka tahimik talaga. Ang naririnig ko na lang ay yung malakas na ulan kahit tv kasi wala eh. parang ako lang yung tao dito..
“Kenji??” naglakad ako papunta sa may living room
“Kenji nandito ka ba?” pero wala siya. sumilip ako sa may bintana , nakita kong naka lock na yung gate chineck ko rin yung pintuan, naka lock na rin.
“Ano ba tong bahay na to ang tahimik na nga, nawawala pa mga tao.” Yes, minsan nagsasalita talaga ako mag isa. Weird huh? I know.
Bumalik na lang ako sa pink pink room. Since hinde ko na talaga mahanap si Kenji sa loob ng bahay. Asan na ba kasi siya? hinde naman palasyo yung bahay niya para hinde ko siya mahanap eh!
“Nasa red room kaya siya..?” naalala ko bigla yung red na pintuan sa tabi ng room na to. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
“Kenji?” kumatok ako sa pintuan, pero walang sumasagot.
Hinawakan ko yung door knob tapos binuksan yung door. Nakapatay yung ilaw, kaya pumasok ako tapos hinanap yung switch nung ilaw. Nung nakapa ko na, I turned it on. Nakita ko si Kenji naka higa sa kama nakabalot sa kumot.
“Kanina pa kita tinatawag eh! bakit ba hinde ka nag sasalita??” lumapit ako sa kanya, napansin ko na nanginginig siya.
“Kenji.. ok ka lang ba?” nagbend ako ng konti tapos shinake ko siya sa may balikat ng mahina.
“Kenji.. are you sick? Oh my god, stop shaking! Natatakot na ko..”
Hinde pa rin siya nagsasalita, totoo na ba to? May sakit talaga siya?! OMG anong gagawin ko??
Hinawakan ko yung forehead niya, OMG! MAY FEVER SIYA!!
“Kenji!! Teka lang! OMG anong gagawin ko? WAIT WAIT!” binuksan ko yung cabinet niya tapos kumuha ako ng white na handkerchief. Went to the kitchen para magboil ng water. Kinuha ko rin yung basin sa may dirty kitchen. After 10 minutes nilagay ko na yung boiled water sa basin then went straight to Kenji’s room. I dipped the handkerchief to the basin filled with HOT water then kinuha ko yung handkerchief dun sa basin. OK ALAM KO MAINIT. Stupid.
“Ano ba to! Hired girlfriend na nga ako, tapos nagiging nurse na rin ako!”
Nakaupo lang ako sa may chair sa tabi ng bed ni Kenji. Hinde ko alam kung bakit pero naaawa ako sa kanya.. pano pag wala ako sa tabi niya? Sinong magbabantay sa kanya pag maysakit siya? bakit ba kasi kelangan niyang mag-solo eh.
Pinagmasdan ko si Kenji, mukhang ang bait bait niya pag natutulog siya.. SANA PALAGI NA LANG SIYANG TULOG PAG KASAMA KO! kidding. Pero sa totoo lang, may itsura pala siya.. ngayon ko lang napansin.. matangos din ilong niya, tapos maganda lips.. kahit na nag ssmoke siya.. redish pa rin. yung mga studs niya bagay rin kaya medyo mukhang badboy siya, and yung lower lip na stud niya bagay din. Yung mga highlights naman niya.. well.. I admit, maganda sa kanya, sa totoo lang.. gwapo talaga siya. hinde ko alam kung bakit in denial ako. pero gwapo talaga siya. tama sila, I do have a hot boyfriend >_<
Hinde ko alam kung bakit ko nasasabi tong mga to, siguro dahil ang bait niya sakin ngayong araw.. binilhan niya ako ng eye glasses, kahit kaya ko naman bumili pati ng cellphone.. eh hinde ko naman kelangan ng cellphone ‘coz I already have one. Hinde ko rin alam kung bakit ang bait ko sa kanya.. masaya lang siguro ako kasi nakita ko si Lucas.
Speaking of Lucas, paano niya kaya natitiis yung Abigail na yun!? first of all, ang panget ng ugali niya. Second, ang pangit ng ugali niya! Third, fine. She’s pretty. Nakakaasar lang kasi, bakit kelangan niya pang ipagmayabang sakin na princess turin sa kanya ni Kenji!? Bakit.. iba lang talaga takbo nung amin, kasi biglaan lahat ng pangyayari..
Pati, bakit parang wala namang grudge si Lucas kay Kenji? I mean, yung iba diba pag ex nagagalit/naaasar dun sa tao, pero siya parang.. wala lang. Etong si Kenji lang yung naaasar. Ano bang nagustuhan nila dun? Meron ba akong hinde alam? OF COURSE. MADAMI. I know she’s pretty, pero two HOT GUYS?! Geez. She’s blessed! Hay nako! Don’t wanna talk about Abigail! Naaalala ko lang yung mga nangyari earlier!
“Bee..” what?
Napatingin ako kay Kenji, gumalaw siya.. im sure siya yung nag salita
“Bee..” AH BEE. Sino si Bee?? Si Abigail kaya..?
“Bee.. hinde ko na kaya… please… bumalik ka na…..”
“Kahit sa pag tulog mo…. si Abigail parin naiisip mo..” I shook my head lightly.
Ang weird lang ng feeling cause ikaw yung kasama niya but iba yung name na tinatawag niya..
‘Mahal niya nga talaga si Abigail’ I said to myself.
“Wag kang mag-alala.. I’ll help you.. I’ll give her back to you..” tapos hinawakan ko yung kamay niya.
Dalawang oras rin akong nagisip, kelangan ko siyang tulungan.. tulungan maibalik si Abigail. Hinde ko alam kung papaano, pero kelangan talagang maibalik ko sa kanya si Abigail.. hinde ko nga rin alam kung bakit ko kelangan gawin yun eh.. mahihirapan lang naman ako eh.. hinde lang ako sigurong sanay na makita siyang ganito.
September 13, 2006 Wednesday.
Naglakad na ako papuntang school, si Sara iniwan ko na pano ba naman late na gumising! Si Kenji hinde pa rin pumapasok simula nung Monday.. Ok na kaya siya? hinde pa rin kasi siya nagtetext eh.. sa bagay, hinde ko rin naman kasi siya kinakamusta. Oh well. Gagaling rin naman yung lalaking yun eh!
“Bakit mag-isa ka ata?” tumingin ako sa left ko, tapos nakita ko si Lucas
“Kanina ka pa ba nandyan? Sorry, hinde kita napansin..”
“Paano mo ako mapapansin eh nakayuko ka!” nagsmile siya sakin, ang gwapo niya talaga. “Papasok ka ba? Hatid na kita, ok lang?”
“Ha? Ah.. oo. Teka, paano si Abigail? Pati saan ba yung school mo?” OMG IHAHATID NIYA AKO! IM SO HAPPY! THERE'S A HOT GUY BESIDE ME ^___^
“Si Abigail? Dun pa siya nakatira.” Tinuro niya yung dirediretso na daan, so ang layo pala sa amin ni Kenji ni Abigail. Siguro mga 9 streets pa. “ yung school ko naman dun sa kabila.” Tinuro niya yung way sa likod namin.
“Oh, out of the way school mo ha! bakit ihahatid mo pa ako?”
“On the way na rin, kasi susunduin ko pa si Abi. Pati maaga pa naman oh! 7:30 am pa lang.” I THOUGHT SO.
“8 kaya pasok namin! Ikaw what time ba pasok mo??”
“8 rin.”
“WHAT?! Man you’re crazy! Sobrang late ka na oh.”
“Ok lang naman eh..”
Wow. Prinsesa pala tong Abigail na to, sinusundo pa ni Lucas siya sa bahay, para lang ihatid siya sa school kahit na magkabilaan sila ng school. ganun rin kaya si Kenji kay Abigail? Siguro. Mahal na mahal ni Kenji si Abigail eh! impusibleng hinde spoiled sa kanya yun!
“Oh nandito na pala tayo! Sige, pumasok ka na!” huminto kaming dalawa, ang bilis naman ng oras, parang kanina lang kakakita ko lang sa kanya tapos ngayon nasa tapat na kami ng school!
“Thank you ha! sige pasok na ko!” tapos nag wave ako sa kanya, nag smile siya sakin.
Pinanood ko siyang mag lakad papalayo, nakikita ko lang ay yung likod niya, nakasabit yung isang strap ng back pack sa balikat niya. Humarap ulit siya sa akin, “BAGAY SAYO YUNG SALAMIN MO! SIGE PUMASOK KA NA!” tapos nag wave siya sakin at tumalikod ulit
Hinde ko namalayan na naka-salamin pala ako, kaya pala parang ang linaw ng paningin ko. Ayan kakaisip kay Kenji lahat nakakalimutan ko na.
“Bagay sayo yang salamin mo..” hinawakan ko yung parehong strap ng backpack ko habang nakasabit ito. Ano ba to! bakit ako kinikilig??
“OMG!! ANG GWAPO NI KENJI NGAYON!!”
“BAGAY SA KANYA YUNG EYE GLASSES NIYA!”
“Kenji!! Akin ka na lang!!”
“Grabe.. ang swerte naman ni Athena!! Bagay pala sa kanya yung ganung klaseng salamin!”
“OO noh! Ang gwapo niya talaga!”
Ano ba to! Ang aga aga Kenji na naman! Speaking of Kenji.. papasok na kaya siya? 2 days na siyang hinde pumapasok..
Napahinto ako sa pag lalakad ko, nagtilt yung head ko dahil bigla akong napaisip..
‘Pano nila nasabing bagay kay Kenji yung eye glasses niya kung hinde pa naman siya pumapasok’ I though.
Dahan dahan akong tumalikod habang hawak ung nakasabit na strap ng backpack ko..
Pag tingin ko si Kenji nasa likod ko, tapos nag smile siya.
Bagay nga sa kanya yung salamin.. parang ang bait niya tingnan, pero dahil sa piercings niya, parang mag dadalwang isip ka sa kanya. Pero ang gwapo niya parin..
Naglakad si Kenji papalapit sa akin, “nakakapanibago ba itsura ko ngayon?” tanong niya kaagad sa akin. OO. Nakakapanibago talaga!
Nag nod ako
“Ganun? T@e naman! Ayoko na kasi mag contacts eh!”
Nagsmile ako sa kanya, “Ok lang, bagay naman eh. tara na! baka malate tayo!” nagsimula na akong maglakad paakyat sa center stairs. Bagay naman talaga sa kanya eh. Plastic ko naman kung hinde ako aamin.
Naririnig ko pa rin yung mga sigawan ng mga babae! Ganun ba talaga ka-gwapo si Kenji para sa kanila?! Parang GOD na yung tingin nila sa kanya eh!
Pagdating namin sa classroom napatingin sa amin yung classmates namin. Pareho kaming nakatitig sa kanila, teka bakit nga ba sila nakatingin sa amin?
“WOW! Parehong naka eye glasses! MAGKASUNDO NA SILA!!” tapos nag tawanan sila
Napatingin ako kay Kenji, siya naman nakatingin sa left side niya.
“Nahihiya ka ba? Tatanggalin ko na lang yung akin, para--"
“WAG! Ok lang ‘tong ganito.” Hinila niya ako papasok ng classroom tapos umupo na kami sa upuan namin.
Sabay dumating sila Jigs Kirby at Sara. Aba. Trio na sila ngayon?
Napahinto sila sa tapat ng klase tapos napatingin sa amin ni Kenji
Tinuro nila kaming dalawa. Take note SABAY SABAY silang tatlo!
“TERNO?!”
Ano ba to. Ngayon lang ba sila nakakita ng taong pareho ng salamin?? Eh pano pag nakita pa nila cellphones namin? Edi guguho na mundo nila??
Natapos buong klase namin, halos lahat sila natutuwa kasi pareho daw kami ng eye glasses. Nakasalubong pa namin si Abigail, wala naman siyang ibang sinabi ung hinde nag smile lang siya. ok na yun. kesa naman ipahiya niya pa sarili niya sa harap ni Kenji.
“Babes! Saan tayo ngayon?” napatingin ako kay Jigs. Ang cute niya talaga!!
“Ha? Bakit? Anong saan tayo ngayon?” lumapit si Kenji sa amin ni Jigs
“Sabi ko naman sayo babes wag mo ng tatawaging babes si Athena eh! Amp! Girlfriend ko siya diba?” Hay nako. Nakialam na naman tong si gangster!
Nagsmile si Jigs tapos napakamot sa ulo, “Sorry na paps! Nasanay lang siguro ako. anyway, san lakad natin ngayon?”
Napatingin sa akin si Kenji, teka bakit sakin siya nakatingin??
“San mo gustong pumunta?”
“Wednesday ngayon! May pasok tayo bukas! Ano ba kayo.”
“So?” sabay nilang sinabi.
“Anong so!? Sa Friday na lang!”
“Sa 310 tayo. Mga 7 na tayo mag kita.” Humarap sa akin si Kenji, “tara may paguusapan pa tayo eh.”
Nawawala na ba sila sa sarili nila?? Iinom na naman sila ng may pasok!! Hindi na talaga sila nakinig sa akin! Kahit kelan talaga!
Naglakad na kami pababa ng building ni Kenji, hanggang sa naka labas na kami ng campus.. JUSKO!! HANGGANG LABAS BA NAMAN TITINGNAN NILA KAMI??
“Tara, sa park tayo.”
“Sige.”
Naglakad kami papuntang park. Sa park, nakakita kami ng mga lalaking nag babasketball, nagpunta kami sa may swing at umupo kami dun.
“Oo nga pala, nakalimutan kong itanong.. ok na ba pakiramdam mo?”
“Ha? Ahh.. oo. Sorry hinde kita nacontact ng 3 days..”
“Ok lang noh. Nabasa mo ba yung sulat ko? Nag-iwan ako ng sulat sa may desk mo eh..”
“Hinde eh. Dumating kasi si Bee nun eh. Pero wala rin naman siyang sinabi sa akin tungkol sa sulat mo.”
“Aah.” Nasa kanila pala si Abigail nung Sunday.. ano kayang ginawa nila? Ok na kaya sila? Kung ok na sila, ibig sabihin hinde na niya kelangan tulong ko..
“Wag kang mag-alala, girlfriend pa rin kita!” tapos nag smirk
“Tss. WALA NAMAN AKONG SINASABI EH!! KAHIT NA BUMALIK KA PA SA KANYA OK LANG!!” Ano ba yan! masyado na naman akong nabigla!
“O-ok lang sayo..?”
Ha.. oo ok lang.. eh.. hinde, kasi parang ginamit lang niya ako. ano ba to. Malamang. Ginamit lang naman talaga niya ako para pagselosin si Abigail eh.
“Ha?” gusto kong ulitin niya yung tanong niya sa akin.
Pareho kaming nakatingin sa mga nag babasketball, “Kung.. kung.. kung ok lang sayo na bumalik ako kay Bee.. ”
Inhale. “Siyempre, hinde..”
ITUTULOY

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento