Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE DIED [22]

"Wala na talaga siguro akong pag-asa kay Gazelle. Ajujuju!" T__T
"Oh bakit naman? Porket may boyfriend na wala ka ng pag-asa? Kung mag-asawa na nga naghihiwalay pa,
ano pa kaya yung magboyfriend pa lang? Hintayin mo lang, magbe-break din sila!"


*POINK!*


"Aray!!!" Y_Y napahawak si Eros sa may ulo niya nang bigla siyang pinukpok ni Eris sa may ulo, nasa may rooftop
sila ngayon at kasama nila si Yohanne na nagla-lunch.


"Bad! Hindi mo dapat hinihiling na magbreak ang dalwang taong nagmamahalan!" >__<
"Nagmamahalan? Aruuuuuuuuy," tumayo si Yohanne at lumapit sa may railings ng rooftop at kunwa'y tatalon,
"Goodbye cruel world!"

"Waaaaaa! Baliw ka Yohanne! Wag kang tumalon!" tumayo agad si Eris at hinila si Yohanne sa may uniform nito
pabalik sa kinauupuan nila kanina, halos masira na yung uniform ni Yohanne sa lakas ng paghigit ni Eris.

"Gusto kong tumalon! Hindi ako mahal ni Gazelle. Hanggang friends lang kami, hanggang friends lang!!!
Nadudurog ang puso ko! Ajujuju!"
"Eeeeeeeee!!! Ano ka ba Yohanne, there's so many fish in the sea! Makakahanap ka pa ng iba! Stop being so
negative!" >___<
"Pero ayoko ng isda sa sea!!! Malansa sila! Ajuju!"
"Anoooo ka ba! Idiomatic expression lang yun! Ibig kong sabihin dun madami pang babae sa mundo! Higit
sa isang bilyon!!! Hindi fish!" >__<
"Hindi ko kelangan ng isang bilyong babae, sana may isang bilyong Gazelle na lang sa mundo! Ajuju!" T___T


"Wahahahahaha!" napatigil sina Eris at Yohanne sa pagtatalo nang biglang tumawa si Eros ng malakas, nanlaki
mga mata nina Eris at Yohanne tapos nagkatinginan sila.
"Ayy nababaliw na ba si Eros?" tanong ni Yohanne.
"Aba malay! Naku po alam mo ba number ng mental hospital?"


"HEH! Hindi ako nababaliw." napatigil tuloy si Eros sa tawa. =__=
"Eh bakit ka natawa bigla?"
"Nakakatawa kasi kayo! Isang brokenhearted at isang baliw." XD
"ANONG SABI MO? HINDI AKO BALIW!" *glares*
"J-joke lang prinsesa!" *gulps*


Nanlaki mga mata ni Yohanne nang marinig yung huling sinabi ni Eros.

"Ano kamo? PRINSESA? Tinawag mong prinsesa si Eris?!" O__________O

Nagkatinginan sina Eris at Eros.

"Ehmmm...."
"Uhmmm...."
"Ehem..."
"Uhh...."

"So...?" naghihintay si Yohanne ng explanation habang palipat lipat ang tingin niya kina Eris at Eros.


Nagbuntong hininga si Eros as a sign na magsasalita na siya, "She's my girlfriend."

O___________________________________O

"Oh ang mata mo Yohanne, malalaglag."
"Di ngaaaaaaaaaaaaa? Kayo ngaaaaaaaaaaaaaaaaa?" O__________O


Eris giggles, "Matagal na."

"Wehhhhhhhhhhhh? Matagal na? Paanong matagal na? As in matagal na matagal na? Kahapon? Nung isang
araw? Nung isang linggo? Nung isang taon?" O_____O


"Basta matagal na! Bago ka pa namin makilala." :D
"Ahh kaya pala lagi kayong magkasama! Sabi ko na nga ba! May something fishy sa inyo! Bakit ngayon niyo
lang sinabi sakin, walanjo kayo parang hindi kayo kaibigan. Ge, ganyanan!" =__=
"Hindi ka naman nagtatanong ee!" =__=
"Magbe-break din kayo, mag-asawa nga naghihiwalay. Kayo pa kayang mag-boyfriend girlfriend lang." =__=


panggagaya ni Yohanne sa sinabi kanina ni Eros.

"Aba't itong si bitter! Eris, pwede ko bang bugbugin ito? Ngayon lang promise!" sabay tayo ni Eros at
kunwaring bubugbugin si Yohanne.
"Waaaaa! Eris oh," tumakbo si Yohanne sa likod ni Eris, "I-break mo na nga, bayolente masyado."


Wala na lang nagawa si Eris kundi matawa habang nasa pagitan ng nagkukulitan na Eros at Yohanne. Natutuwa
siya kasi pag natapos ang mission niya, atleast alam niyang meron siyang pwedeng pagiwanan kay Eros. Andyan
si Yohanne, na kahit hindi nila amining dalwa ay sobrang nagkakasundo na sila at sobrang close na nila sa isa't
isa. Hindi man nila aminin, magbestfriend na silang dalwa. At hiling niya na sana magtagal ang pagkakaibigan ng
dalwang ito.

"Ssshhh! Behave na nga kayong dalwa, tarang kumain na lang! Tapusin na natin ang lunch natin, maya maya
ng konti magbe-bell na."

Binehlatan ni Yohanne si Eros at gumanti si Eros ng isang behlat kay Yohanne. Para talaga silang mga isip bata,
natatawang sabi ni Eris sa isipan niya.


Umupo na ulit sila sa semento ng rooftop at pinagpatuloy ang pagkain.

"May balak nga pala kami ng mga pinsan kong magmountain hiking this Saturday," biglang panimula ni
Yohanne, "Gusto niyong sumama? Libre pamasahe, aarkila kami ng jeep."

"Tara Eros sama tayo!" excited na pagyayaya ni Eris.
"Ehh..." napahawak si Eros sa may batok niya, "Hindi pwede ehh..."

"Ha? Bakit?" >__<
"Nangako ako sa ate Risa ko at kay Chill na sasamahan ko sila sa zoo this Saturday... Ayokong biguin ang
pangako kong iyon kasi alam niyo naman kondisyon ni ate, I don't want to miss any moments with her... "


"Oh, okay lang Eros. Brother mode ka pala sa Sabato. Kamusta na nga pala ate mo?" pagtatanong ni Yohanne
kasi nakwento na rin sa kanya ni Eros ang tungkol sa malalang sakit ng ate nito.

Lumungkot yung mukha ni Eros, "Palala ng palala. Kagabi sumuka nanaman siya ng dugo tapos sobrang payat
na niya. Minsan nga natatakot akong danggilin siya o hawakan siya, pakiramdam ko kasi kahit gaano man
kagaan ng hawak ko sa kanya ay masasaktan ko siya o mababali ko siya."


"Oh... Ano ba sabi ng mga doctor? May chance ba?"
"Yun nga yung problema, ayaw niyang magpatingin sa doctor. Ayaw niya magstay sa hospital. Hindi siya
naniwala sa kanila, wala daw silang karapatan bigyan siya ng 'due date', hindi naman daw sila ang may
hawak ng buhay niya."
"Sabagay may point ang ate mo pero... haaay ewan. I really wish gumaling na ang ate mo."
"Wish ko rin," sabay napatingin si Eros kay Eris. Nagtama ang mga mata nila at nagkaintindihan agad sila sa huling
sinabi ni Eros. He really wish na gumaling ang ate niya that's why he's doing the mission.


***


Saturday came at maagang gumising si Eros para makapagprepare na. May date siya between his sisters Chill and
Ate Risa.

"Zoo! Zoo! Zoo!!!" habang papalapit na siya sa kwarto ng baby sister niya na si Chill ay naririnig na niya itong
nagsisigaw dahil sa excitement, he can even imagine her jumping on her bed like what normal kids do when they are
excited.

"Di pa ba kayo tapos?" nagkunwaring irita si Eros to mask his embarrassment, he feels embarrassed kasi ito yung
first time na gagawin niya ito. He never had a date with his sisters, he has always been busy fighting and doing
nonsense things in the streets eversince.


"Coming kuya Eros!" tumalon si Chill from her bed pagkatapos na pagkatapos siyang maipitan ng ate nito at dirediretso
siyang tumakbo papunta kay Eros sa may pintuan at hinawakan ang kamay niya.

Kamuntik ng mamula si Eros, pakiramdam niya nanlambot ang puso niya ng hawakan ng baby sister niya ang mga
kamay niya. The soft hands of a 6yr old kid touching a rough hand of a rebel guys is a feeling he can't even describe,
through her little sister's hand he can feel the love... the love of a little sister, the love of a family.

And that's just when he realised that he has been a fool to think that he was unfortunate just because he's adopted...
in this house he has always been treated as a part of the family, he was the only one who always try to deny it. How
stupid of him.

"Ate Risa, let's gooooo!!!" sigaw ni Chill habang hinihila na ang kamay ni Eros, bago sila tuluyang umalis ay
nagkatinginan sina Risa at Eros at bigla siyang nginitian ng ate niya.

Sabay tumawa ito, "Yeah, let's go."

***

Maghapon sila sa zoo, nagtitingin ng mga hayop at sobrang tuwang tuwa si Chill sa mga nakikita niyang hayop.
Panay ang tanong nito kung anong tawag dun sa mga hayop tapos nung makakita si Chill ng orangutan sa zoo ay
bigla niya itong tinuro at nagtanong.

"What's that ate Risa? Kamukha ng ibang monkeys pero kamukha din ni kuya Eros!!!"
"Ahaha! That's an orangutan Chill, monkey din parang si kuya Eros." natatawang sabi ni Risa.

Sinimangutan ni Eros ang dalwa niyang kapatid, "Hindi ako monkey." =__=

Enjoy naman sila sa zoo kahit medyo nakakapagod ang paghabol kay Chill, palibhasa bata ang hilig magtatakbo.
Sobrang energetic ng baby sister niya, nung nagyayaya na nga silang umuwi ay ayaw pa nitong umalis sa zoo pero
syempre hindi naman sila pwede magstay pa kasi anytime soon magsasara na yung zoo kaya kahit pahirapan sa huli
ay nakumbinsi rin nila si Chill na umuwi na by buying her some candies.

Nung gabi ding yun, nung tapos na silang maghapunan at natutulog na ang lahat ay nagpunta si Eros sa may
hammock sa backyard nila dahil alam niyang matatagpuan niya dun ang ate Risa niya tuwing gabi.

"Hindi ka nanaman makatulog nuh?" tanong ni Eros pagkaupo sa tabi ng ate Risa niya.
"Ayoko matulog, pag namatay ako forever na akong matutulog."
"Ate naman, ayan ka nanaman. Hindi ka pa mamamatay."


"Hmm... Thank you Eros."



He gave her the "what-for-look".

"Alam ko going to the zoo with your sisters is not your thing." :)
"Yeah, hindi nga talaga pero okay lang, worth it naman. Saka isa pa natatakot ako na baka yun na yung last
day na I'll be taking out my big sister on a date kaya hindi ko na pinalampas."


Naramdaman niya ang pagyakap ng Ate Risa niya sa braso niya at ang pagpatong nito sa kanyang balikat, "You're
the sweetest brother. Please take care of your sisters."

Sisters in plural form kasi buntis rin ngayon ang mom niya, or let's say ang babaeng umampon sa kanya, at malapit
na itong manganak. It's going to be a baby girl.

"Don't let them get hurt. When Chill grows up, I know she's going to be a beautiful girl and guys gonna go
crazy over her and then time will come that she's going to fall inlove but make sure to break the face of the
guy who will break her heart."

Then she paused and laughed, "Nah, I'm just kidding. Don't break his face, I don't want you to hurt anybody
anymore. Can you do this favor for me, Eros... stop fighting and stop being a rebel?"

Hindi muna sumagot si Eros at napatingin siya sa sa mabituing langit, ginawa niya yun para mapigilan ang mga
nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Naiiyak siya kasi naiisip niyang sa way ng pagsasalita ng ate Risa niya
para bang nagbibilin na ito sa kanya at malapit ng mamaalam. Hindi niya kayang isipin na balang araw, uupo siyang
muli sa duyan na ito sa gantong oras din pero pag tingin niya sa kanan niya ay wala na siyang katabi, wala na si ate
Risa. Hindi niya kaya yun, iniisip niya pa lang ay naiiyak na siya.

"Okay, I'll stop rebelling but I won't stop fighting. You know what sis, fighting is not bad as long as you know
that what you're fighting for is something that you know is worth it and right. And you are the best fighter I've
ever known in my life, sis. You're stronger than me."

Totoo yun, kasi kahit kelan hindi niya nakitang mag-break down ang ate Risa niya o magreklamo man lang sa kabila
ng kondisyon niya. She did not blame anyone for having such illness that can kill her in a young age. She's just 20
and she's too young to die, andami pa niyang pwedeng magawa sa buhay...

Naramdaman na lang tuloy ni Eros na may isang luha ng nakatakas sa mga mata niya pero agad niya itong
pinunasan para hindi makita ng ate Risa niya, nahihiya kasi siya. Umubo muna siya ng konti para hindi mag-croak
yung voice niya, "You're the strongest person I've ever met, you're fighting 'til the end. Since the day you
knew about your illness, I never saw you giving up not even for a second. If I were in your position, I might
not be able to reach the point you've already reached. Death did not scare you, it's already in front of you but
still you can smile. There's really nothing to do about it, huh?"


"Death, death, death. What's the big deal about it?" she smiles to him, "Death nor any sickness can control
your life, they would enter in your life but you should never succumb yourself to them. Hey Eros, I'd like to
ask you to sign something..."

Biglang nilabas ng ate Risa niya mula sa bulsa nito ang isang papel at isang ballpen, hindi alam ni Eros kung para
saan yun pero ano pa man ay pinirmahan niya ito para sa ate niya. Lingid sa kaalaman ni Eros ang pinirmahan niya
ay isang "kontrata", kontrata ng Ate Risa niya na naglalaman ng sampung pirma mula sa mga taong mahalaga dito
na gustong maaalala ng Ate Risa niya sa kabilang buhay. At isa na dun ang pirma niya, isa siya sa mga taong ayaw
malimutan ng Ate Risa niya sa oras na kelangan na nitong lisanin ang mundo.

(Author's note: Read "10 Signatures to Bargain with God" if you want to understand more about
the "Contract" of Ate Risa)

"Tara picture tayo Eros," matapos itago sa bulsa ang papel at ballpen ay inutusan siya ng ate niya na ilabas ang
cellphone niya para magpicture.

Nilabas naman ni Eros ang cellphone niya at itinaas ito para ma-capture silang dalwa ng ate niya, "1,2,3--- KESO!"

Pagkatapos marinig ang "Click!" ay tinignan nila ang result ng picture nila, it was cute. Parehas silang naka-smile at
nakapeace sign, pinindot ni Eros ang "option" at sinet as wallpaper ang picture na iyon.

"Last picture na siguro natin?"
"Yeah maybe, promise me not to change your phone's wallpaper until you find the girl you're sure you'll love
for the rest of your life. And everytime you're thinking of hurting that girl, just look at that picture because
everytime you hurt a girl, you'll be hurting your sister too."


Napangiti si Eros, naisip niya na mapapaltan na tuloy agad niya yung wallpaper niya. Matagal na kasi niyang nakita
ang babaeng sigurado siyang mamahalin niya habambuhay.

Pero sa ngayon si Ate Risa muna ang babaeng uunahin niya sa buhay niya, tatapusin niya ang mission nila ni Eris.
Hindi niya hahayaang mawala sa tabi niya ang ate niya kasi pag nawala ito...

"I will surely miss you, Ate Risa." ma-mimiss niya ito ng sobra sobra.

Napayakap siya sa ate niya at tuluyan na siyang napaiyak na parang bata. Hindi lang iyak kundi isang hagulhol tulad
ng dati nung mga bata pa sila, tuwing madadapa siya at lalapitan siya ng ate niya para patahanin siya at pagaanin
ang sakit na nararamdaman niya.

***


For the past few days ginagawa na lahat ni Eros ang pwede niyang magawa para mapabilis nilang matapos ang
mission lalong lalo na sa mga nangyari recently. May isang good news at isang bad news kasi.


GOOD NEWS:
The other day nanganak na yung adoptive mom niya ng isang healthy baby girl, pinangalanan ito ng ate Risa niya
na "Happy" kasi it will bring happiness daw to the whole family. Sabi nga nila sana "Joy" kung ganun pero sabi ni
Ate Risa masyado na daw maraming may pangalan na Joy kaya naisip nitong mas unique ang pangalang "Happy".
Tuwang tuwa din si Eros sa pagkakaroon ng bagong kapatid, humingi na rin siya ng tawad sa mga adoptive parents
for being such an ungrateful kid. Imbis kasi na magpasalamat siya sa mga ito sa pagkupkop sa kanya at sa pagturing
sa kanya ng mabuti at parang tunay na anak ay nagrebelde pa siya at binastos niya pa ang mga ito. Nagsisisi tuloy
siya, masyado siyang naging madrama at irrational. Pakiramdam niya tuloy parang siyang isang isip bata sa mga
ginawa niya.


Pero all in all, naayos na niya ang gusot na ginawa niya sa pamilya at ngayon kahit papaano nagkakasundo na sila
ng mga adoptive parents at tuwang tuwa siya nang mahawakan at mabuhat niya ang baby sister niya na si Happy.
Nung una takot na takot siyang buhatin ito kasi baka bigla niyang mabitawan ito o masaktan pero nung nasa mga
kamay na niya ito, sobrang gumaan ang pakiramdam niya, nginitian siya nung baby at natagpuan na lang niya ang
sarili niya na naiiyak... the smile of a baby is so pure... it felt so wonderful to see one.


BUT THE BAD NEWS?


The next day kinailangan na nilang dalhin ng sapilitan ang Ate Risa niya kasi nung gabi ay nagsuka ito ng nagsuka
ng dugo to the point na nawalan na ito ng malay. Pilit nila itong ginigising pero hindi ito magising gising at ang hina ng
heartbeat nito kaya naman kahit alam nilang ayaw ng Ate Risa niyang magpadala sa ospital ay dinala pa rin nila ito
sa takot na mawala ito sa kanila ng tuluyan.


"Ilang percent na lang Eris?"
"5% na lang. Konting konti na lang!"
"Ano pa dapat kong gawin?" andami na talaga niyang nagawa. Halos nabuo na nga yung "Evil Dummy's Guide to
Kindness" na sinulat ni Eris para sa kanya.


Nagaaral na siyang mabuti para makabawi sa mga failing grades niya dati at everyday pumapasok na siya at never
siyang nagpapa-late. At nakiki-cooperate na siya sa klase, everyday nga nagki-cleaner siya pagkatapos ng klase na
dahilan para ikabigla ng lahat. Sabi nga ng iba niyang kaklase baka daw nasapian ng kung ano si Eros kasi sobrang
nagbago ito, lagi daw nakangiti sa kanila at hindi na sila sinisigawan nito o kaya tinatakot na susuntukin. Naging
sobrang bait na ng pakikitungo nito sa mga kaklase niya at kahit papaano nawawala na ang takot ng mga kaklase
niya sa kanya at unti unti ay nilalapitan at kinakausap na siya ng mga ito. One time nga ininvite siya ng mga kaklase
niya na maggala sa Mall at magkaraoke at video games muna, that was the first time na niyaya siya ng mga kaklase
niya. He's becoming part of the class and Eris is very happy for him.



Syempre nag-sorry na rin siya sa lahat ng mga inaway niya, sinubukan niya ibalik yung mga ninakaw niyang gamit
sa mga ilan sa tinakot niya at yung mga hindi niya pa kayang ibalik ay nangako siyang pagiipunan niya iyon para
maibalik sa mga pinagnakawan niya.

Nirerespeto na rin niya ang kapwa niya, minsan nga nasa may tawiran sila at tinulungan niya ang isang matanda na
tumawid ng kalsada na maraming mabibilis na sasakyan na dumadaan. It was one of the greatest thing na ginawa ni
Eros kasi kusa niyang ginawa yun, walang sinabi si Eris na tulungan niya yung matanda, siya mismo ang nagkusang
gawin yun.

Kaya ito sila ngayon 95% na ang laman ng necklace, 5% na lang matatapos na nila ang mission nila.

"Mamaya na muna natin isipin kung anong next na gagawin, sa ngayon kain muna tayo! Nagugutom na
meeee! Libre mo ako!" *pouts* sabay tinuro ni Eris yung nakita niyang tindahan ng shake, egg sandwich at ng mga
burger sa may kabila ng kalsada.


"Alam mo ang liit liit mo pero ang laki laki ng tyan mo, lagi ka na lang gutom." =__=
Nagsmile ng malapad si Eris, "Hoho! Some things are not what it seems like it!"
"Psh!" biglang umakbay si Eros kay Eris, "Kung hindi lang kita mahal eh hindi kita ililibre dyan."
"Buti na lang mahal mo ako! Mwahahaha!" XD


=________=

Pumunta na sila dun sa may tindahan at bumili ng tig-isang shake at tig-isang egg sandwich, nagbabayad na si Eros
nang biglang may mga batang maamos ang lumapit dun sa tindahan. Mukhang mga pulubi ito, ang papayat nila at
sobrang dungis nila.

"Ale, ale. Palimos naman po, gutom na gutom na kami. Ilang araw na po kaming hindi nakain." nanghihingi ng
limos yung mga bata dun sa tindera pero sinimangutan lang sila nito at ang malala pa ay sinigawan sila ng tindera.

"UMALIS NGA KAYO! Ang dungis dungis niyo! Naku! Alis! Nakakadiri kayong mga bata kayo!" pilit
pinagtatabuyan nung tindera yung mga bata.
"Ale ale... maawa na po kayo... gutom na po talaga kami..."
"Wala akong pakelam! Umalis na kayo! Lalangawin paninda ko! Alis!"


Nabigla si Eros sa inaasal nung tindera, siguro kung siya pa yung dating Eros ay pagtatawanan niya lang yung
kundisyon ng mga bata. Kung siya pa yung dating Eros, either susungitan niya rin yung mga bata o aalis na lamang
at walang pakelam kung nagugutom man ang mga ito.

Pero hindi na siya ang dating Eros...


"Aleng tindera," napatigil sa pagsigaw yung tindera nang marinig niyang tinawag siya ng customer niya, "Tatlong
burger pa nga po at tatlong shake."

"H-ha?"

"Para sa mga bata. Ako magbabayad. Wag mo silang pagtabuyan na parang langaw kasi mabaho man sila
dahil hindi pa sila nakakaligo ay sa tingin ko mas mabaho pa ang ginagawa mong pagtataboy sa kanila at
kahit maligo ka man sa tingin ko hindi maaalis ang kabahuhan mo."

Napanganga yung tindera sa sinabi ni Eros, "Ang kapal ng mukha mo para sabihin sakin yan!"

Hindi na lang pinansin ni Eros ang inis ng tindera, "Tatlong burger at tatlong shake, gagawa ka ba o hindi? Aalis
na lang kami at sa iba na lang bibili kong hindi."

Waring napahiya ay gumawa na lang agad ang ale ng tatlong burger at shake at pagkatapos ay binigay dun sa mga
bata.


"Kuya, salamat po!" tuwang tuwang sabi nung mga musmusing bata.
Hinawakan ni Eros sa ulo ang isa sa mga bata at ginulo ang buhok nito sabay ngumiti, "Mag-iingat kayo palagi
ha?"


Tumango sila at nagpaalam na kay Eros at kay Eris.


"Wow! I can't believe it, did you just do that?" nakangiting namamanghang sabi ni Eris.
"I just did, hindi kapani-paniwala diba?"
"You're such a miracle Eros!" tuwang tuwa si Eris tapos bigla niyang inangat yung necklace at masayang binalita
kay Eros, "100%."


"Congratulations to us."

Nanlaki mga mata ni Eros at pakiwari niya nanalo siya sa lotto na ewan at sa sobrang tuwa niya niyakap niya si Eris
at binuhat ito.

"Yes! Yes! Yes!!!"

"Waaaa! Eros natapon yung drinks natin! Waaaa!!!" sa pagkakayakap kasi ni Eros parehas nilang nabitawan
yung shakes nila pero hindi na yun pinansin pa ni Eros.
"Ang saya saya ko! Sa wakas! Tapos na! Gagaling na si ate Risa, babalik ka na! Ang saya!!!"



"Ahahaha! Ano ka ba Eros, ibaba mo muna ako! May sasabihin pa ako! Ahahaha!"

Binaba naman siya ni Eros, "May sasabihin ka pa? Ano yun?"

Napakamot si Eros at napayuko, "Ummm... may sinadya akong kaligtaang sabihin sayo mula pa sa simula ng
mission..."


"Ano yun?"
"Ummm... ehh... kasi... ano..." hindi mapakali tuloy si Eris.
"Ano ba yun?"


"Hindi pa talaga tapos yung mission."
"Haaaaa? Edi ba 100% na yung necklace?"
"Oo pero... there's one thing you need to do para ma-conclude na natin na tapos na talaga ang mission. One
important thing..."
"Ano yun?"


"You need to pray."
"WHAT?!"
"You need to talk to God..."
"ANO?! TEKA..."
Nagbuntong hininga si Eris, "Oo alam ko hindi ka naniniwala sa Kanya kaya nga nung umpisa pa lang hindi
ko na muna sinabi sayo itong rule na ito sa mission kasi alam kong once na malaman mo na ang tungkol
dun agad agad ka ng aayaw sa mission kahit anong pilit pa ang gawin ko sayo. Kaya naisipan kong pag nag100%
na yung necklace ay mas malaki ang possibility na magawa mong magpray at makausap si God kahit
saglit lang..."


"Ha? Paano ko kakausapin ang isang nilalang na hindi ko nga kilala, na hindi ako naniniwalang nage-exist!"


medyo inis si Eros sa narinig.

"Pero Eros... saglit lang naman... He will grant your wish if only you'd talk to Him... He will listen to you...
please talk to Him..."
"I don't know HIM! Hindi ako naniniwala sa Diyos!"
"Pero Eros...." hinawakan ni Eris yung braso ni Eros pero biglang inalis nito ang kamay niya at tumalikod sa kanya.
Naglakad ito palayo ng walang imik.


"Lord God... paano na po yan..." nasabi na lang ni Eris sa kinatatayuan niya.

***

The next day...


Hindi mapakali si Eris sa clubhouse kasi hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Eros. Pinagmamasdan niya yung
necklace, puno na nga ito pero hindi pa rin nila tuluyang matapos yung mission kasi ayaw kausapin ni Eros si God.

Noon pa man kasi ay hindi na naniniwala si Eros kay God. Kahit ilang beses na siyang nagkwento kay Eros tungkol
kay God ay ayaw pa rin siyang paniwalaan nito. Hindi daw siya interesado.

Pero hiling niya talaga na balang araw makilala din ni Eros si God. Masaya pag may God sa buhay mo, alam
mo kasing kahit pinagtatabuyan ka na ng lahat o kahit pasan mo na ang mundo ay hindi ka pa rin nagiisa dahil
andyan si God sa buhay mo at kahit kelan hindi ka niya iiwan. Bibigyan ka niya ng lakas sa tuwing nanghihina ka,
pakikinggan ka niya sa tuwing walang gustong makinig sayo, andyan lang siya sa tabi mo pag lahat ng taong inakala
mong hindi ka iiwan ay umalis na. God is great all the time.

Kung tatanggapin lang sana ni Eros si God sa buhay niya, gagaan ang loob ni Eris at hindi na siya magaalala para
dito sa oras na kelangan niya ng iwan ito.

"Haaay, kung hihiga lang ako dito at tutunganga, walang mangyayari." tumayo na si Eris at nakapagdesisyon na
pupuntahan niya na si Eros at kukumbinsihin ito. She wants to do everything for Eros' sake.

"Don't worry Seven... everytime I play a game, I make sure my pieces win. It's gonna be a happy ending for
everyone so no need to sober, my friend."

Nung pagkababa niya ng clubhouse ay narinig niya ang boses nina Memo at ni Seven na naguusap.

"Shut up you psychopathic bast@rd!" saktong naabutan niyang susuntukin ni Seven si Memo kaya tumakbo siya
papunta sa mga ito at pumagitan sa kanila.

"STOP!!!"

Nakastretch ang mga kamay ni Eris habang nakapikit siya.

"Eris, get out of the way." nagpipigil ng inis na sabi ni Seven. Hindi niya alam kung bakit nagagalit ito kay Memo
gayung magkaibigan naman sila. Maybe may ginawa nanaman si Memo na hindi kanais nais, baka may koneksyon
sa manipulating games nito. Tsk.

"I will if you promise not to hit him." ayaw niyang may sakitang mangyari sa pagitan ng dalwang lalaki kaya
nagpupumilit siyang pumagitna sa dalwang ito kahit hindi niya alam ang dahilan ng pagaaway ng dalwa.
"Oh I guess I got myself a guardian angel here. Haha!" pangaasar na sabi ni Memo as he stood next to Eris.


She can hear so much sarcasm sa boses ni Memo, she has had enough of him. Kelan kaya nito matatagpuan ang
taong magiging katapat niya? Sana dumating na yung taong yun SOON. Memo needs someone to stop him with his
sick games before its too late for him.

*Slap!*

Humarap si Eris kay Memo at sinampal ito. That was a warning for him, he better wake up from these evil
manipulative games or else he'll pay the consequences.


Pagkasampal niya kay Memo ay bigla niyang hinila ang kamay ni Seven at tumakbo na palabas.


"Uhh... Eris... wait, where are you taking me?" biglang tanong ni Seven habang tumatakbo sila.


"Ha? Uh, ewan." napabitaw si Eris sa kamay ni Seven at napakamot ng ulo, she has no idea kung bakit hinila niya
rin si Seven palabas ng clubhouse. Nawala lang siguro siya sa sarili niya kanina dahil sa inis kay Memo.


"Umm... Alam mo ba kung nasaan si Eros?" naisip na lang niyang itanong kay Seven.
"Hindi." sagot nito na medyo confused pa rin sa inasal ni Eris.
"Oh. Sige, bye!" tumalikod na siya kay Seven, siguro pupunta na lang siya sa bahay ni Eros baka matagpuan niya
ito doon.


"Umm..." hindi niya alam kung bakit pero napatigil siya sa paglalakad at lumingon kay Seven, "Seven, nainlove ka
na ba?"


"H-ha?"
"Alam mo ba yung pakiramdam na lagi mo siyang naiisip, napapasaya ka niya, isang silip mo lang sa kanya
ay nabubuo na ang araw mo... gusto mo laging marinig ang boses niya... tapos pag nakikita mo siyang
malungkot... nalulungkot ka rin... alam mo ba yung mga pakiramdam na iyon Seven?" ewan niya ba kung bakit
bigla bigla ay nagsasalita siya ng ganto sa taong hindi naman niya halos kilala. All of a sudden kasi pumasok sa isip
niya na oras na puntahan niya ngayon si Eros at oras na makumbinsi niya ito na mag-pray ay matatapos na ang
lahat...

Matatapos na ang mission...
Maga-grant na yung wish ni Eros...

At pagkatapos nun...

Mabubuhay siyang muli pero hindi na siya siguro kung magtatagpo pa ba ang landas nila ni Eros sa ikalawang buhay
niya. Lahat ng masasaya at malulungkot na alaala ay mawawala.


Mamamaalam na siya. Maghihiwalay na sila.

Nalulungkot siyang isipin yun, pakiramdam niya ayaw niya ng matapos ang mission na ito, gusto niya ganto na lang
sila habambuhay pero... may mga bagay na hindi pwedeng manitili kung papaano natin ito gusto.

"Alam mo ba Seven... pag mahal mo ang isang tao, ililigtas mo siya sa mga bagay na pedeng manakit sa
kanya? Pag mahal mo ang isang tao, pag mahalaga siya sayo... gagawin mo ang lahat upang mapasaya siya
diba?"

Alam niyang ikasisiya ni Eros ng husto pag gumaling ang ate nito. At alam niyang hindi naman ito malulungkot sa
pagkawala niya kasi wala na itong maaalala tungkol sa kanya pagkatapos ng mission na ito.

Putting an end to this mission --- It's the only thing that will make him happy. And his happiness is her happiness.

***

Pumunta si Eris sa bahay ni Eros pero ang sabi sa kanya ng adoptive father nito ay nasa ospital daw at dinadalaw
ang ate Risa nito pati na rin ang nanganak na adoptive mom.

Isinabay na sya ng adoptive father ni Eros papuntang ospital kasi magdadala ito ng mga gamit nina Risa at ng asawa
nito.

After some minutes ay nakapunta na silang ospital, yung adoptive father ni Eros ay nagtungo muna sa hospital room
ng asawa at siya naman ay kumatok sa kabilang kwarto, magkatabi lang kasi ang hospital rooms ng nanay at ate ni
Eros.

"Hi Eros..." matapos kumatok ay pumasok sya. Lumapit sya kay Eros na nakatalikod sa kanya at nakaupo sa isang
silya sa tabi ng higaan ng ate nito.

"After 3days, nagkamalay na din siya kaninang umaga..." saad ni Eros ng hindi lumilingon, "Pero saglit lang at
nawalan ulit siya ng malay, nanghihina pa rin sya. She needs to take a lot of rest..."

Tumayo si Eris sa tabi ni Eros at inabot nya ang kamay ng ate Risa nito.
"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Eros.
Hindi muna sumagot si Eris at pinikit ang mga mata. Pinapakiramdaman niya ang pulso nito.
"Eros," binitawan na niya ang kamay ng Ate Risa nito at malungkot na lumingon kay Eros, "Malapit na."



"Ha? Ano? Malapit na ang alin?"

"Malapit ng maupos ang kandila nya, I can feel it."

Naipatong ni Eros ang mga siko sa may binti at binaon ang mukha sa mga palad niya and with frustrations clear in
his voice he said, "I can't do it."

"Why?!"
"Ewan ko!"
"Ganun ba kahirap kausapin si God? Ganun ba kahirap tanggapin sya sa buhay mo? You've reached this far
Eros, bakit ngayon ka pa susuko. God is waiting for you, He has been always waiting for your call."


Umiling iling si Eros, "Give me some time... Mukhang madali pinapagawa mo sakin, infact I can pray anytime
pero I know better na what you're asking me is not just a simple prayer but a prayer from the heart. Hindi ko
magagawa yun kasi hindi pa ako ready, I've never talked to Him. It will feel weird, I know. Kaya give me some
time muna to be ready..."


Tumango lang si Eris pero she knows better na there's not enough time left... Something bad is going to happen that
day, she can feel it.

***

At hindi nga sya nagkamali sa kanyang bad presentiment kasi nung gabing yun may natanggap silang tawag mula sa
ospital...

"Ang bilis naman lumaki ni Love," sambit ni Eris pagkalagay niya sa pusang itim sa mapuputi nyang binti.

Nakaupo sila sa kama ni Eros at nakasandal ang mga likod nila sa pader. Sa bahay ni Eros matutulog si Eris para
samahan ito. She knows that he's feeling lonely and frustrated. Ok lang naman sa adoptive parents ni Eros na
makitulog siya sa gabing ito.

"Syempre spoiled yang pusang yan, I buy him cat foods na iba iba ang flavor."
"Naks! Naku ha baka masyadong tumaba itong si Love. Maging katulad ni Garfield."
"Haha! Hindi naman pero aalagaan ko talaga sya ng husto. Nagpapraktis na ako para pag nagkaanak tayo,
magiging good father ako."
"Hindi naman pusa magiging anak mo." XD
"Hindi yun ibig kong sabihin. Nagpapraktis ako sa pagiging responsable sa pagpapalaki ng buhay." =__=


"Ahaha, akala ko balak mong magkaanak ng pusa." xD



"Well, okay lang din kahit pusa o octopus o three-eyed creature o kung anu pa man maging anak ko basta
galing sayo mamahalin ko ng labis labis."

"Hindi ba sa tingin mo maaga pa para pagusapan natin ang tungkol sa anak? Highschool ka pa lang."

Pinatong ni Eros ang ulo nya sa balikat ni Eris, "Alam ko naman yun. Magaaral akong mabuti at maghahanap
ako ng magandang trabaho tapos papakasalan kita."

"Ang sarap isipin na balang araw kulu-kulubot na ang mga balat natin, puti na ang mga buhok natin, malabo
na ang mga mata natin pero kahit ganun na tayo matatagpuan pa rin natin mga sarili natin na magkatabi
tayong nakaupo sa may mahabang bangko sa may porch ng bahay natin at magkahawak ng kamay," bigla
nyang hinawakan ang kamay ni Eris, "Parang ganto."

Ngumiti si Eros dahil naiimagine nya lahat ng sinasabi nya, "Tapos biglang may tatawag satin... Lolo Eros! Lola
Eris!"

He laughs heartily by the thought of that.

Sa isip naman na Eris, ansaya siguro kung magkatotoo yung mga sinasabi ni Eros. Gusto nya sanang umiyak kasi
ang saya nya na katabi nya ang taong mahal nya at mahal na mahal sya pero bukas makalawa wala na ito sa tabi
niya.

"Sana Lord, kami pa din pagkatapos ng lahat ng ito. Pagtagpuin nyo po sana ulit ang landas namin..." dasal nya sa
Panginoon. Sana'y dinggin.

***

Nung bandang alas dose pasado, nagising sina Eris at Eros sa bigla biglang pagbukas ng malakas ng pinto at
bumulaga sa kanila ang adoptive father ni Eros na mukhang nagulantang sa kung anuman habang hawak hawak sa
kamay ang telepono.

"Eros! Ang ate Risa mo, nawawala!"
"HA?!" nawala ang antok at napatayo si Eros sa narinig niya.
"Tumawag sakin ang ospital, mukhang tumakas daw ang ate mo sa ospital. Hindi pa nila nahahanap!"


Hindi na nila nagawang makapagbihis, nakapajama pa sila at agad agad silang nagpunta ng ospital para
maintindihan ng husto ang nangyari.

Ayon sa nurse na dapat magche-check sa Ate Risa nya mga before 1am ay wala itong natagpuan sa kwarto ni
ate Risa. Mukhang tumakas ito mula sa bintana ng kwarto nito, naiwan kasing nakabuhol sa gilid ng bintana ang
bedsheet nito para siguro gawing lubid upang makababa mula sa 2nd floor ng ospital. Hindi naman kasi talaga


kataasan ang second floor ng ospital na iyon kaya nagsakto lamang ang bedsheet para makababa.

Nagkakaroon tuloy ng malaking kaguluhan ngayon, nireport na nila sa mga pulis ang pagkawala ng Ate Risa niya at
pinaghahanap na ito ngayon. Maya maya rin ay dumating na ang boyfriend ng ate Risa niya na si Deyl at sobrang
nagaalala din ito sa pagkawala ng girlfriend nito.

Sa kwarto ng ate Risa niya, natagpuan ng nurse ang cellphone nito na iniwan sa may bedside table nito. Kinalkal
nila ang laman nito, nagbabakasakaling may makitang information or clue at hindi naman sila nabigo, sa may video
gallery ng cellphone ni Risa ay may specific folder dun entitled, "Paalam".

Binuksan nila ang video at pinanuod nila ito. Ang buong pamilya ni Eros at pati ang boyfriend ni Risa ay sobrang
nadurog ang mga puso ng mapanuod ang video. Isang video nga ito ng pamamaalam.

"Okay, it's ready," sabi ni Risa sa video as she brushes some loose strands of hair away from her face para ilagay
ito sa likod ng tenga niya, "H-hi!"

Tumawa siya for stuttering while saying a simple greeting, she looks nervous.

"Uhmm... My name is Risa Magdayo. My existence is caused by Rick & Maria Magdayo, my beloved parents. I
am debtful to them because they have been such good parents to me and they took good care of me from the
very beginning, since the day I was born. I never felt unloved in all of my years of existence because of them,
they made me feel that no matter how drastic life would be for me there will still be someone like them to hug
me and show me that I will never be alone with every battle I'll make with life." napalayo ang nanay ni Risa dahil
sa sobrang lungkot na nararamdaman, hindi na niya kinayang panuorin ito dahil dire diretso na ang tulo ng luha niya.
Napaupo na lang siya sa may kama ni Risa at inalalayan naman siya ng asawa niya.

"Then I am blessed with two, I mean three siblings, " pinagpatuloy naman ni Eros, Eris, Deyl at Chill ang
panunuod ng video, "Eros is 2years younger than me, he's not actually my biological brother but nevertheless
I love him as if we have the same blood running in us. I never and would never look at him as if he's an
outcast of the family just because he's adopted so I wish he'd stop treating himself as if he does not belong.
I wish he won't feel lonely anymore, I know it's hard for him to have not met his real parents but I hope that
someday he'll realise that we're always here for him and we DO love him. So Eros if chances will lead you to
this video, listen to me... please don't be hard on yourself? No one is pushing you away so stay with us, stay
with the family and stop rebelling."

"To my 6years old little sister Chill Magdayo, hi there Chill! I don't know what age you'll have when you'll
actually understand this video but no matter what, please remember that Ate Risa loves you more than your
teddy bears can love you okay? Ohyeah, I'm about to head to the far far away land Chill so please take care
of my clothes, my accessories, my make ups, my shoes, my bags and all my things. I'll be leaving them to
you and you can have them all so take good care of them. And also, take good care of our baby sister Happy.


You're now the "Ate", the bigger sister. You're responsible to teach her how to dress properly, to brush her
hair and tie it up like I always do to your hair and you must teach her how to tie her shoelaces as well, okay?
I wish I could be there to see you both grow into lovely ladies and have your handsome boyfriends escorting
you to proms and such," she wiped a tear that escaped from her eye.

"Why is ate Risa crying?" nagtataka si Chill nung makita niya sa video na umiiyak yung ate niya, hindi niya pa
masyadong nagegets yung nangyayari sa paligid dahil masyado pa siyang bata, "Is she hurt?"

Nayakap na lang ni Eros ang nakababatang kapatid dahil iyak na iyak na rin siya sa panunuod ng video. He can't
believe this... is he too late already?

"Speaking of handsome boyfriend..." the video continues, she was trying to smile and forcing out an energetic
tone while she pointed to the screen, she was talking about her boyfriend Deyl who's also watching the video with
tears streaming down his manly face, "Hey you boyfriend of mine! I'm pretty right? No, I'm beautiful. I believe I
am because you said so yourself. No matter how pale, thin and frail looking I am now because of my illness
still you continue to tell me I've grown much more beautiful. Thank you, thank you for showing me that I've
loved and chosen the right person. I really wish I can marry you and have kids but let's move on, that won't
happen to me but that might happen to you to another someone so search for the right girl. I love you."

With tears falling down from her eyes, she placed the phone near her face and kissed the camera then moved it away
again, "For those I love and for those who love me and will continue to love me even if I'm gone, thank you
and take care of yourself guys. I might have lived short but I am grateful I've not wasted a second of it. I will
miss you guys, I love you."

The video ended and the room is now filled with tears, with so much sorrow.

Lumabas si Eros at umupo sa may upuan sa may hallway ng ospital, sumunod si Eris sa kanya at umupo sa tabi
niya, "Where is she Eris? Where is she?!"

"E-ewan ko..."
"Hindi pa siya patay diba... asan ba siya... bakit ba siya umalis... ano ba pumasok sa isip niya... ate Risa
naman ee... bumalik ka na..." iyak ng iyak si Eros, for the first time in his life ngayon lang siya umiyak ng ganto
kalakas at ganto kadami.


Naudlot ang mga iyak nila nang biglang may dumating na nurse na may dalang balita sa kanila.

"Natagpuan na siya!" inangat nila ang mga ulo nila at agad lumapit sa nurse upang mapakinggan ang sasabihin
nito. Hinihingal pa yung nurse, halatang tumakbo ito ng mabilis para makapunta agad sa kanila at maiparating ang
balita.


"N-nakita siya sa may 7eleven... k-kaso may tama siya ng baril..."
"HA?! Paanong nangyari yun?!"
"M-may nangyaring nakawan sa 7eleven... t-tapos nabaril siya... nasa emergency room siya ngayon! Sundan
niyo ako!"


Sinundan naman agad nila ang nurse, lahat sila may kabang dala dala sa dibdib. Hindi rin naman sila pinapasok
sa may emergency room dahil ginagamot si Risa kaya naman wala silang nagawa kundi maghintay sa labas ng
emergency room... Ang sabi sa kanila ng nurse, nasa critical condition daw ito... She can die anytime...

Nasuntok ni Eros ang pader sa narinig niya.

"She can't die from a gunshot..." nasabi ni Eros sa isip niya. Kung hindi lang buhay ang pinaguusapan dito baka
natawa na siya kasi dapat mamatay ang ate niya sa cancer nito pero imbis ay mababalitaan niya pang maaring
mamatay ang ate niya dahil nabaril ito. Hindi mo talaga masasabi kung anong mangyayari sa buhay na ito.

"Eros..." pinatong ni Eris ang kamay niya sa balikat nito at lumingon si Eros sa kanya, "There's not enough time...
do you want to try now?"

Nagaalala rin kasi si Eris na baka mahuli sila kung hindi nila gagawin ito ngayon. She knew it, naramdaman niyang
meron talagang hindi magandang mangyayari sa gabing ito. Nung hinawakan niya ang pulso ng ate ni Eros,
naramdaman na niyang malapit na itong mag-"fade" tho hindi niya rin in-expect na mababaril ito.

"God, anong plano mo?" naitanong na lang ni Eris sa isip niya.

"Yes," hinawakan ni Eros ang kamay ni Eris at naglakad sila papunta sa chapel ng ospital.

Maliit lang yung chapel, walang tao at tahimik. Ito ang unang pagkakataon na papasok siya sa isang sacred place.
Umupo siya at tinabihan siya ni Eris.

"Hindi ko alam kung ready na ako Eris," umiiyak si Eros, natatakot, kinakabahan, at nalulungkot siya, "Pero hindi
ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko maliligtas si Ate Risa, hindi ko alam kung paano
siya mailalayo sa kamatayan, ayaw ko siyang mawala... kelangan ko ng tulong... matutulong Niya ba ako
Eris? Sabihin mo sakin..."

Hinawakan ni Eris ang pisngi ni Eros at tinignan ito ng mataman, "Hindi ko masasabi sayo, Siya lang ang
makakapagsabi sayo... kausapin mo Siya Eros, wag kang matakot, makikinig Siya... kahit pasado alos dose
na handa pa rin Siyang makinig, hindi Siya natutulog... He's always ready for you... Ikaw na lang talaga
hinihintay niya..."


Tumango si Eros, "Anong gagawin ko?"

"Lumuhod muna tayo," lumuhod si Eris at pinatong ang mga kamay sa may unahan, ginaya naman ito ni Eros.
"Ulitin mo ang sasabihin ko," kinuha ni Eris ang kanang kamay ni Eros at tinaas ito at pinatong sa may noo, "Sa
ngalan ng Ama,"
"Sa ngalan ng Ama," inulit ni Eros ang sinabi ni Eris.
Ginabayan muli ni Eris ang mga kamay ni Eros upang magform ito ng sign of the cross, "Anak at Espirito Santos,
Amen."


Inulit ni Eros ang mga sinabi ni Eris hanggang sa nagdaop ang mga palad niya.


"Tapos?" tanong ni Eros, hindi niya talaga alam ang gagawin niya. Sa tanang buhay niya, hindi pa siya
nakakapagdasal kaya wala siyang kaide-ideya ng dapat niyang gawin.


"Wag kang magalala Eros, sa pagdadasal hindi mo kelangan magsaulo ng kahit ano. Ang pagdadasal ay
pakikipag-usap sa Diyos at ang pakikipag-usap sa Diyos ay parang pakikipagkausap sa isang matalik na
kaibigan. Sabihin mo lang sa Kanya ang dinaramdam mo ngayon, ikwento mo lang sa Kanya ang problema
mo, at sabihin mo lang sa Kanya ang iyong mga hiling."


"Ahh, okay."
"Ipikit mo mga mata mo, isipin mo nasa harapan mo siya at pakiramdaman mo ang presensya Niya." ginawa
ni Eros ang sinabi ni Eris at pinikit niya ang mga mata niya.


"H-hello... ako si Eros..." nagsimula ng magdasal si Eros sa isipan niya, medyo kinakabahan talaga siya hindi niya
alam kung papaano kakausapin si God.

"Naririnig mo ba ako? Ikaw si God diba? Yung tinutukoy ni Eris na kahit ano daw ang mangyari hindi mo kami iiwan...
na andyan ka lang daw palagi sa tabi namin, na hindi mo daw kami pababayaan... Ummm, ano kasi... siguro hindi mo
pa ako kilala, ngayon lang tayo magkakausap eh..."

Habang nakapakit si Eros at nagdadasal ay pinagmasdan muli ni Eris si Eros for the last time at ngumiti siya habang
may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.

"Paalam," iyon ang buka ng bibig ni Eris pero walang salita, tumayo na siya pagkasabi nun at tahimik na umalis sa
tabi ni Eros.

"Basta ako si Eros Magdayo... hindi ako mabuting tao pero sinusubukan kong magbago... salamat nga pala at
binigyan mo si Eris ng tsansang mabuhay muli, mahal ko siya alam mo ba yun? Umm... May sasabihin pala ako
sayo, sobrang importante... diba may mission si Eris? At pag nagawa namin yun, maga-grant ang isang wish ko?
Ano kasi eh... umm... may hihilingin sana ako... sobrang importante..."


Naglalakad si Eris sa may corridor ng hospital, nakikita niyang unti unti na siyang nawawala, nagiging transparent na
ang mga braso niya at hindi na siya nakikita ng mga tao sa paligid niya...

"May ate kasi ako... ang pangalan niya Risa Magdayo... mahalaga siya sakin, sobrang mahalaga, hindi ko kayang
mawala siya. Ang kaso... may cancer siya... at nadala siya dito sa ospital kasi nanghihina na siya ng sobra... ang sabi
ng mga doktor konti na lang ang nalalabi niyang araw para mabuhay..."

Naglakad si Eris papuntang emergency room, nakita niyang naghihintay pa rin ang pamilya ni Eros sa labas, medyo
kumalma na sila pero makikitang malungkot pa rin sila at mga nagdadasal din sila na sana maging ligtas si Risa.

"Pero hindi ko magets... dapat mamatay siya sa sakit niya pero itong gabing ito, tumakas siya... nagpunta daw siya
sa 7eleven... hindi ko alam kung bakit siya pumunta dun, ewan ko ba, minsan hindi ko maintindihan ang ate ko...
Pero ang malala dito, natagpuan siyang may tama ng baril.... nasa critical condition siya ngayon, nasa emergency
room siya at ginagawa ng mga doctors ang lahat ng makakaya nila para maalis sa kapahamakan si Ate Risa..."

Pumasok si Eris sa loob ng emergency room ng wala ng nakakakita sa kanya, unti unti na kasi siyang naglalaho.

"Natanggal ko na yung bullet, nurse please assist me here... Andaming nawawalang blood sa kanya," nasa
harapan niya si Risa na nakahiga at napapaligiran ng mga doktor at nurses na sobrang abala sa pagligtas ng buhay
nito.

Nilapitan niya si Risa at nung nasa may tabi na siya ng ulo nito, nakita niyang mumulat ito tapos pipikit muli... May
oxygen mask na suot ito at paminsan minsan ay nagkakaroon ito ng malay pero sobrang saglit lang...

At sa minsan na pagmulat nito ng saglit ay nagtapat ang mga mata nila ni Eris... ngumiti ito, ngumiti din si Eris.

Nawalan na ulit itong ng malay at hindi na nagmulat muli.

Hinawakan ni Eris ang kamay nito at sa paghawak niyang yun.... tuluyan na siyang nawala.

"God... naririnig mo ako diba? Sabi ni Eris, naririnig mo daw ako... Ito po sana ang hiling ko, sana maging ligtas na si
ate Risa."

"Please save her. I don't want her to die."

"Amen."




ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento