Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE DIED [7]

- ERIS JANE TRINIDAD


"Aaah! Busog na busog na me! Hihi! Thank you Eros!" habang hinihimas ko ang punong puno kong tyan ay
hinampas ko ng mahina si Eros sa may balikat niya habang nakangiti. Nilibre niya kasi ako ng merienda sa may Mini
Stop, isang hotdog sandwich at coke. *u*

"Tss! Last na 'to! Sa susunod hindi na kita ililibre kahit magngangawa ka pa sa kalsada!" natawa tuloy ako
nung maalala ko yung ginawa ko para ilibre niya ako. Ayaw niya kasi akong ilibre kanina kaya humiga ako sa may
sahig habang nakahawak sa may kanang binti niya habang naglalakad siya at ngumawa ako ng ngumawa habang
sinasabing ilibre niya ako. Hahaha! At dahil dun pinagtitinginan kami ng mga tao sa may kalsada kaya sa sobrang
inis niya ay hinila niya ako sa may Mini Stop at nilibre. Ho ho ho! :D

"But atleast nadagdagan ng 2% ang red sa necklace, right?" ^___^
"Yeah right, nawala din naman agad. Balik ulit sa 20%." =_=
"Eh paano naman kasi lagi kang nagsasabi ng bad words like toot and toot and toot! You should not say bad
words anymore kasi nababawasan ng percent yung red sa necklace." >_<
"Ano magagawa ko, nakasanayan na ng dila ko ang magmura." =_=
"Hmp! What if paltan mo na lang ng ibang word ang mga bad word?" :DDD
"Huh?"
"For example, everytime magmumura ka ay pigilan mo yung sarili mo to say that word at imbis na yung bad
word ang sabihin mo ay paltan mo siya ng other word like 'cheese', 'chicken', 'coconut', 'horse', 'ice candy'."
"Ha? Ibig mong sabihin pag sasabihin kong 'tangina' dapat 'cheese' ang sasabihin ko?"


Tumango tango ako, "Yup! Atleast in that way you can still express yourself without saying any bad word!"
"No way. Ang corny. Cheese? Chicken? Parang tanga lang." =_=
"Naman eh!" umupo ako sa may sahig at humawak sa may binti niya at gagawin ko nanaman ulit
ang 'nagmamakaawa-ako-hindi-kita-tatantantan' tactic at hindi pa man ako nagsisimula ay successful na agad!
*grins*



"Hoy hoy! Tumayo ka nga dyan!" sinisipa sipa niya ako, "Oo na oo! Cheese ng ina mo ka! Tumayo ka nga
nakakaasar ka na eh! Tangchicken naman oh! Yan na! Gagawin ko na yung sinabi mo! Tumayo ka lang!"

At syempre masayang masaya ako at nagclap ng hands, "Yehey! Pamula ngayon yan na gagamitin mo ha?
Para hindi na tayo mabawasan ng percentage sa necklace. Atsaka isa pa, makakabuti rin sayo ang hindi
pagmumura, hindi kasi magandang habit yan." \(^__^)/

"Pusangina lang. Tara na nga!" =_=

Pagkatapos nun nagsimula na kaming maglakad papuntang clubhouse, tatambay muna daw siya saglit dun, andun
daw kasi ngayon yung ilan sa mga kabarkada niya. Ooooohh~! Ngayon ko lang sila makikita pag nagkataon kasi si
Memo lang nasa Clubhouse kahapon. I'm so excited! (/*O*/)

"Ngiyaawwwww~ Ngiyaawwwww~ Ngiyaawwwww~ "

"Awwww! Look Ero-ero! Ang cute cute nung kuting!" habang naglalakad kami may nakita akong isang pusa sa
may isang gilid sa tabi ng basurahan, nasa may loob siya ng box na medyo gutay gutay na. Maliit pa yung pusa,
halos parang kuting pa lang, ngiyaw ito ng ngiyaw.

But when I looked at Eros I saw a disgusted expression on his face, "Anong cute dyan?! Itim na pusa! Malas yan-


-hey hey! Don't touch it! Nakikinig ka ba sakin? Sabi ko malas yan! Hoy! Bitawan mo nga yan!"
Nilapitan ko kasi yung black cat sa may box at binuhat ko ito, "Anong malas ka dyan? Nagpapaniwala ka dun? Di
naman totoo yun! Kasalanan ba nung pusa kung itim siya! Tsk! Tignan mo nga, ang cute cute niya!"

"Hoy ilayo mo sakin yan ano ba!" nung nabuhat ko na kasi yung pusa ay nilapit ko sa kanya para makita niya kung
gaano kacute yung kuting, "Ilayo mo nga sabi! Ibaba mo na nga iyan! Andumi dumi niyan!"

"Paliguan natin!" :D
"HAAAAAAAA?!"
"Dalhin natin sa clubhouse! Tignan mo oh, mukhang stray cat siya. Kawawa naman, wala siyang bahay, wala
rin siyang family. Tara, ampunin natin siya!" (*w*)


Pagkatapos kong magsalita biglang napansin ko ang parang sobrang inis sa mga mata niya.

"Ayoko." matigas na sabi niya.

"Why? Tignan mo oh, kawawa naman baka nagugutom na siya! Tapos baka nilalamig pa siya! She must be
lonely and scared being left here all alone!" *pouts*
"Ayoko nga sabi! Bitawan mo na iyan! Tara na!"



"Pero..."
"BAHALA KA! MAIWAN NA KITA DYAN!" sabay biglang talikod niya sakin sa sobrang inis niya.


Labag man sa loob ko ay nawalan na ako ng choice kundi ibalik sa may box yung kuting, "Sorry ha? Sungit kasi
nung isang yun. Galit ata sa mundo. Haay. Di bale, wag kang matakot, ipagdadasal kita. Di ka pababayaan ni
God."

Pinikit ko saglit ang mga mata ko para magpray saglit, "Lord, bantayan mo po itong kuting na ito. Sana po may
taong mabuting kalooban ang kumupkop sa kanya. Dalhin niyo po sana ang pusa na ito sa tamang tao. Wag
niyo po sana siyang pababayaan. Salamat po."

Pagkatapos nun ay tumayo na ako at hinabol sa paglalakad si Eros na noo'y medyo nakakalayo na sakin.

"Tignan mo! Nabawasan ng 2%! Ang cold hearted mo kasi! Hindi ka na naawa dun sa kuting, she's all alone!"
"Pwede ba manahimik ka na lang?!" yun lang ang sinabi niya. Mukhang hindi na lang siya inis kundi parang galit
siya. What's wrong with him? >____>

***
Hanggang makarating kami ng club nakasimangot ako kasi nakakainis yung pagiging cold hearted ni Eros dun sa
kuting, kawawa kasi yung kuting, mag-isa lang siya dun sa may kalsada. T___T


Pero nadistract ako sa page-emote ko nung makapasok na kami sa club, medyo maingay at maraming tao. Mga 5
sila, puro lalaki.


Nung mapansin nila ang pagpasok namin sa club, lahat sila tumingin sa direksyon namin tapos may isang sumipol,
isang lalaking nakaupo sa may couch na may hawak na remote at piattos, "Wow! Chicks! Eros, haba ng hair mo
ah? May chicks kang dala! Weeweet!"


"Gag---"
"Hep hep!" alam ko ng magmumura nanaman siya kaya pinigilan ko siya at pinaalala sa kanya yung napagusapan
namin sa pamamagitan ng tingin, nakuha niya naman agad ang ibig kong sabihin kaya hindi niya na itinuloy.


"Manahimik ka nga Seven. Chicks ka dyan, mukha ba yang sisiw ha?!" =_=
"Pilosopo dude." Seven siguro name nung guy na sumipol kasi yun ang tinawag sa kanya ni Eros.
"Heh. Manahimik ka na nga lang kung ayaw mo magulpi dyan."
"Wehhh. I'm scaaareeeed~" pang-aasar nung Seven at nag-"tsk!" na lang si Eros at nagdiretso sa may kusina ng
clubhouse.


"Wala talagang manners, hindi ka man lang pinakilala at iniwan ka mag-isa. What a guy," nabigla na lang ako
kasi parang mushroom na sumulpot sa tabi ko si Memo. Hindi ko siya napansin. >_<


"Hello Eris." he smiled at me. His smile doesn't look sincere, as an angel I can feel it.



"Ah... hello..."
"Pakilala kita sa tropa?" tumango ako bilang tugon at niyakag naman niya ako palapit dun sa mga lalaki.


"Guys, ito nga pala si Eris. Girlfriend siya ni Eros..."
"Woaaaahhhhhh. Girlfriend mo Eros?"
"Weh di nga?"
"Joke?"
"WAHAHAHA. CAN'T BELIEVE IT."


Ang ingay, puro asaran. Andaming violent reactions. :o

Pero ang may pinaka-violent reaction ay si Eros dahil habang nasa kusina siya sumigaw siya, "Mga potangina niyo!
Di ko girlfriend yan! Kakilala ko lang yan! Lubayan niyo nga ako!!!"

Nagmura nanaman siya. Minus 1% = 19% -__


"Oooohhhhh."
"Ahhh..."
"Ummm...."

"Ahem, yun nga... kakilala DAW siya ni Eros. Sa pansamantala dito muna sa clubhouse naninirahan si Eris,
naglayas daw kasi ito sa bahay niya. Wag na lang daw natin itanong kung bakit dahil confidential daw."

Oh, so yun pala ginawang palusot ni Eros para patuluyin ako ni Memo dito sa clubhouse.

"Hi Eris," biglang may lumapit sakin na guy na naka-uniform pa, he looks like the most decent guy in the clubhouse.
He has a pretty face and looks nice, "I'm Trey, don't worry kahit mukhang mga abnormal itong mga ito hindi
naman sila nangangaggat kaya wala kang dapat ipagalala sa pag-stay mo dito."

"Hoy anong nangangaggat ka dyan Trey! What do you think of us? Dogs? Si Seven lang aso dito, may rabies
pa!" mula sa may billiard board sa may bandang gilid ng living room ay may nagsalitang guy na may hawak na
billiard stick. He looks so handsome, parang pang-model ang dating pero parang masungit din ang itsura.

"Hoy hoy Cross!" tumayo yung si Seven at tinawag niyang Cross yung nagsalita kanina na mukhang model,
"Napakagwapo kong aso!"

"Ulol!"


"My lady," sa sobrang absorbed ko sa nakakatuwang kulitan nila ay hindi ko napansin na may lumapit na pala sakin
na isang lalaki, may hawak din itong billiard stick at gamit yung free hand niya ay kinuha niya yung right hand ko at
kiniss niya, "You are the prettiest girl I've ever seen."

"Baduy mo Saturn! Wala ng mas gagasgas sa line mo!" hinagisan ni Seven ng couch pillow sa may likod ng
ulo yung lumapit sakin na ang pangalan ata ay Saturn, "Nako Eris, wag kang magpapaniwala kahit kelan sa
mga pinagsasabi niyan, sinasabi niya ang same lines sa lahat ng babae kaya wag kang lalaglag sa mga
kabaduyan niyang ungas na yan."

"Wala naman siraan ng diskarte 'tol!"

Nakakatuwa, parang ang saya naman ng barkadang ito. Hindi sila yung tipong sweet sa isa't isa, yun bang pag
titignan mo sa kilos nila ay parang nagaaway at nagaasaran sila palagi pero yun talaga yung way nila to show their
affection for each other. Awww, how cute. :">

***
Naging close din naman agad ako sa kanila after some hours, I even shared dinner with them... Well, si Seven
at Trey lang talaga mga naging kaclose ko ng husto... Si Seven kasi makulit na friendly tapos si Trey mabait...
Si Saturn naman masyadong playboy, nakakailang kausap. Si Cross naman, ang taray parang babaeng
nagmemenopause. :OO

Si Memo minsan nakakausap ko pero minsan nasa isang gilid naglalaro ng chess... mag-isa? Weird nun, ngayon
lang ako nakakita ng taong nagche-chess mag-isa. Matry nga minsan. XDDD

Si Eros... naglalaro ng billiard, kalaro sina Cross at Saturn.

Kaya eto naman ako nasa may couch katabi si Seven, katabi ko rin kanina si Trey pero umalis na ito at nagpaalam
samin. Sabi niya kasi dadaan pa daw siya sa bahay ng girlfriend niya, Sena daw yung name.

*tok tok tok*

Nakarinig kami ng katok mula sa may pinto ng clubhouse, binuksan naman ito ni Memo.

"Oh Eya, napadalaw ka?"

May isang babae na pumasok, "Asan yung halimaw na yun?"

Halimaw? May halimaw ba dito? Waaa! Katakot naman. :O


Nagpalinga linga yung babae at nagstop lang sya sa pagscan ng place nang mahanap niya yung halimaw na
sinasabi niya, "HULI KA BALBON!"

Pagkasabi niya nun dire-diretso siyang pumunta kay Cross at piningot ito sa may tenga, panay naman ang aray ni
Cross.

"Abnormal ka talaga anoh? Hindi ka man lang nagtetext o natawag sakin! Kanina pa kita hinahanap! Akala
ko na-abduct ka na ng mga aliens! Bigla bigla ka na lang kasi nagdi-disappear! Hindi ka man lang nagpasabi!
Nagalala ako sayong sira ulo ka! Umuwi na tayong bahay!"

Kinaladkad nung babae sa tenga si Cross hanggang palabas ng Clubhouse.

"Di ako makapaniwalang under ng girlfriend niya ang masungit na yun. Bwahahahaha!" kumento ni Seven
pagkaalis nung dalawa.


"Girlfriend?"
"Yup, yung babae kanina ay si Eya. Schoolmate ni menopause este Cross, personal maid niya din."
"Waaa! Personal maid?"
"Yup, mahirap lang kasi yun si Eya. Pero alam mo nakakatawa sa storya niyang dalwa? Ayaw na ayaw ni
Cross noon kay Eya, as in pinandidirihan niya yun but in the end... the more they hate, the more they love...
nagkatuluyan sila. Anggulo nga ng storya nila, hindi ko nagets kung paano sila nagkatuluyan eh mortal
enemies yang dalwa." XDDDD


 "OY NICE ONE!" nabigla naman ako sa kanya kasi biglang nagswitch siya ng topic pagkaswitch niya ng channel,
nasa may Mtv na yung pinapanuod namin tapos may banda na tumutugtog, "Kilala ko yan!"

"Sino?"
"Yung singer."
"Kilala naman ata ng marami yan, singer eh? Sikat, syempre kilala siya."
"Hindi yun ibig kong sabihin! Kilala ko siya AS IN KILALA KO TALAGA. Kilala ko sa real life, he's my friend."
"WEH?"
"Oo! Siya si Sync Mnemosyne, kabarkada din namin yan bago pa man siya sumikat. Hindi na nga lang siya
masyadong nakakabisita dito sa clubhouse dahil hectic ang sched niya sa pagiging singer."
"Woooooow! Ang cool! My friend kayong singer!" *O*


Nakakatuwang katabi si Seven kasi andami kong nalalaman sa kanya. Napakadaldal niya at ang sarap kausap. Sa
kanya pa lang parang kilalang kilala ko na ang mga barkadahan nila kasi kinuwento niya na halos lahat sakin lalong
lalo na yung kay Eros.


"Si Eros ba? Nakow wala ng pag-asa yung gago na yun--- ay sorry bawal nga palang magmura," pinagsabihan
ko rin kasi siya na wag magmura, palamura din kasi siya ee >_<

"Yung basagulero na yun malaki problema nun sa buhay pati sa utak, may sinto ata yan. Hindi naman yan
ganyan dati, medyo matino pa yan kahit konti, hindi pa ganyan karebelde yan dati. Dati napasok pa yan ng
school kaya nga nakaabot ng 4thyr sa highschool pero pagtungtong niya ng 4th year, mga bandang 3rd
quarter ng school year ay biglang nagbago ng sobra sobra yan si Eros. Dati rebelde na talaga siya, tamad
pumasok, sira ulo, rebelde pero mas naging rebelde pa siya ng sobra sobra pagdating ng 3rd quarter. Yun
bang hindi na talaga siya pumasok, nahilig din siya sa pakikipagaway at pati na rin sa pagtake ng illegal
substances tulad ng marijuana at kung anu ano pang drugs. Ilang beses na nga rin siyang nagrepeat dahil sa
pagbabago niyang yun."

"Hindi ko talaga nagets kung anong puno't dulo ng biglaan niyang pagbabago ng sobra," humawak siya sa
may baba niya na wari'y nagiisip, "Pero sa tingin ko may connect yun sa family problems niya. Naging rebelde
lang naman yan simula ng malaman niyang ampon lang siya..."

"AMPON?!" O_O

"Yeah, nung pagtungtong ni Eros sa highschool nalaman niyang ampon lang pala siya. Ewan ko yung
pinakastorya pero yun yung sinabi niya lang samin. Sobrang nadisappoint ata siya na hindi siya tunay na
anak ng mga inakalang "tunay niyang magulang" kaya nagkaganun yang sira ulo na yan. Pero ewan ko
talaga... pero shh ka lang ha? Wag kang maingay na kinuwento ko sayo baka makita mo na lang lumulutang
ang katawan ko sa may ilog pasig pag nalaman niyang nagkukwento ako tungkol sa kanya." XDDD

Nakaramdam naman ako bigla ng lungkot... ampon si Eros. Kaya pala siya ganun, sabi ko na eh, lahat ng bagay
na ginagawa niya tulad ng pagrerebelde ay may isang napakalalim na dahilan at ang dahilan na yun ay... isa
siyang malungkot na tao at tinatakpan niya ang kalungkutan na iyon sa pamamagitan ng pambubugbog ng tao,
pagrerebelde at pagaktong matapang.

"Dalhin natin sa clubhouse! Tignan mo oh, mukhang stray cat siya. Kawawa naman, wala siyang bahay, wala rin
siyang family. Tara, ampunin natin siya!"

Biglang nagflashback sa isip ko yung kanina. Nabanggit ko yung salitang "ampunin", hindi kaya yun yung dahilan
kung bakit bigla siyang sobrang nabadtrip sakin?

Did he see himself as that stray black cat? Poor Eros. :(


***
Change of Point of View:


- EROS MAGDAYO


"Ohfuc--- chicken!" kamunting na akong magmura. Dadakdakan nanaman ako nung annoying angel na yun pag
narinig ako. Nakakainis lang eh, nakakairita yung boses niya, sarap tanggalin ng vocal chords niya. =____=

"Umuulan. Tae naman." =_=

"Memo, peram muna ako ng payong." sabay kuha ko ng payong dun sa may lagayan ng payong sa gilid ng pinto
at lumabas na, narinig ko pang nagpaalam sakin yung annoying angel.

"BABYE EROS! INGAT KA! GOODNIGHT!" *kaway kaway* "\(^_____^)
"Tss." yun lang sinabi ko at umalis na ako.

Nakakainis talaga ang ulan. Naglalakad lang kasi ako pauwi samin kasi hindi naman kalayuan ang bahay. Pero
nakakainis lang kasi talaga maglakad pag naulan. =_=

Brrr. Ang lamig lang ha. Bakit ba kasi ulan ng ulan nitong nakaraang linggo. Bwiset!

"Ngiyaw ngiyaw~"

"AY PUSANG TAE KA!" kamuntik na akong atakihin sa puso nang biglang may ngumiyaw sa may gilid ng kalsada.
Ang tahi-tahimik kasi tapos ako lang yung tao dun tapos biglang may ngingiyaw di ka ba naman magitla nun. =_=

"Ngiyaw ngiyaw~~"

"Tsss." yun lang sinabi ko at naglakad na ako pero ilang saglit pa lang ng paglalakad ko bigla akong nakarinig
nanaman ng ngiyaw.

"Ngiyaw ngiyaw~~"

Nabigla ako nang paglingon ko ay nasa likod ko yung pusa.

"Wag mo nga akong sundan! Shooo! Alis!" tinalikuran ko ulit ito upang maglakad pero nakakailang hakbang pa
lang ako narinig ko nanaman itong ngumiyaw at paglingon ko ay nasa likod ko ito. Sinusundan ako nung kuting. =_=


"HOY! GAGAWIN KITANG SIOPAO PAG SINUNDAN MO PA AKO!" =___=

"Ngiyaaaawwww...." napansin kong basang basa na yung kuting at parang nangangatal ito.

"Ngiyaaawwwww!!!"

"Ngiyaaaawwwwww!!!!" palakas ng palakas ang pagngiyaw nito na para bang umiiyak... pakshet, ano ba itong
pinagsasabi ko. Pusa? Iiyak? Dafuq?

"Ngiyaaaaawwww."

"Tangina mo kang pusa ka, wag ka ngang umiyak! Eh ano kung iniwan ka sa kalsada? Sa isang box? EH
ANO KUNG MAG-ISA KA LANG? Tangina mo!" naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko at naramdaman ko na
may pumatak na ulan sa may pisngi ko...

pero naalala ko, paano papatak ang ulan sa pisngi ko kung may payong ako?



ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento