“Eros!!! Hoy Eros Magdayo!!!”
“Uy Eros, nasa labas si Eris. Tinatawag ka... papasukin ko ha? She looks and sounds irritated. Did you do
something wrong ba?” nakahiga na nun si Eros sa kama niya when his Ate Risa knocked on his door.
“Rinig ko naman ang sigaw niya ate, wag mo na papasukin. Ako na lang lalabas,” tumayo na si Eros at
nakakamot ulong nagsusuot ng tsinelas at pababa ng bahay, “Ano naman kelangan nung annoying angel na
yun.”
“Oh ineng, hinahanap mo ba si Eros? Bakit hindi ka na lang pumasok ng bahay?”
“Wag na Mr. Magdayo,” naabutan kasi ni Eros na kinakausap ng “lalaking umampon” sa kanya si Eris, kagagaling
lang nito sa trabaho.
“Ah ganun ba Eros? Bakit naman? Papasukin mo na siya, may dala akong roasted chickens,” sabay taas nito
ng plastic bag na hawak, “Ayain na natin siyang makisalo satin sa hapunan.”
“Wag na, lalabas kami.” biglang hinila ni Eros ang kamay ni Eris at dali daling umalis.
“Eros saglit! Anong oras ka babalik? Saan ka kakain?” pahabol sigaw ng lalaking umampon sa kanya pero hindi
niyo ito pinansin, patuloy lang siya sa paglalakad at paghila kay Eris.
“Uy makikain ako sa inyo! Saglit! Uy balik tayong bahay niyo!” sabi ni Eris habang hinihila siya ni Eros sa hindi
niya malaman kung saan.
“Patay gutom ka talaga ano?” tumigil si Eros at naiinis na hinarap niya si Eris.
“Yup! Patay ako at gutom ako equals patay gutom! Yehey!” (^/claps\^)
“Argh! Bakit ka ba nagpunta sa bahay ko? May pasigaw sigaw ka pa, may doorbell naman!”
“Tatay mo yung kanina?”
“Wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko.” =__=
“Bakit Mr. Magdayo ang tawag mo? Masyadong formal naman, diba dapat ‘dad’o ‘tatay’ ang tawag mo?”
“Hindi ko siya tatay, inampon lang nila ako. Nasagot ko na tanong mo, yung tanong ko naman ang sagutin
mo.” =__=
“Ah... Ano nga ulit yung tanong mo?”
“Argghhh!!!” tinaas ni Eros yung kamay niya at akmang sasapakin si Eris pero pinigilan niya lang ang sarili at
napahilamos na lang ang palad niya sa mukha niya, “Ano ba kelangan mo? Bakit ka pumunta sa bahay?”
Umupo si Eris sa may semento ng sidewalk at sumunod naman sa kanya si Eros, “Lagot ka.”
“Ha? Anong lagot ako? Pinagsasabi mo?”
“Galit ata sayo si Yohanne.”
“Ha? Anong ginawa ko dun?”
“Inaagaw mo daw si Gazelle sa kanya.”
“Haaaaaaa?”
“Lagi mo kasing kasama si Gazelle tapos kanina iniwan mo kami at nakita ka niyang palabas ng school gate
kasama si Gazelle. Ikaw ha! Ano ba pumapasok diyan sa isip mo? Hmmm.” she gave him a suspicious look.
“Woah, woah. Yung kanina ba? Wala yun! Part of my plan lang yun!”
“Ehhhhhhhhhhhhhhhhh? Plan? Anong plan? Leche plan?”
May napulot na maliit na bato sa may sahig si Eros at kunwaring ibabato kay Eris, “Batuhin kita diyan eh! Plan
para magkalapit sila! Nasabi kasi sakin kanina ni Gazelle na malapit na birthday niya, the day after tomorrow!
Kaya naman sumabay ako sa kanya kanina para makausap siya, tinanong ko kung ano ang mga hilig niya
para malaman ko kung anong klaseng regalo ang gusto niya! At nakakuha pa nga ako ng invitation para
sating tatlo sa birthday party niya sa bahay nila!”
“Ay talaga? Eh bakit hindi mo man lang sinabi muna samin, yan tuloy nagisip ng masama si Yohanne.”
“Eh biglaan lang rin kasi pumasok sa isip ko yung plan na yun nung nagkausap kami kanina ni Gazelle eh.
Ano ba naman yan si Yohanne, kung anu-anong iniisip porket magkasama lang kami ni Gazelle. Tsk. Tama
ba naman paghinalaan ako,” napapakamot ng ulong sabi ni Eros.
“Eh kasi Eros... may crush kasi sayo si Gazelle.”
“Ano?!” O_O
Napaatras si Eros sa sinabi ni Eris.
“May crush sabi sayo si Gazelle, sinabi niya mismo kay Yohanne kaya ganun na lang magjump siya sa
conclusions tuwing nakikita niya kayong magkasama.”
“Tsk. Normal lang naman magka-crush sakin si Gazelle.”
“Eh?”
“Pogi naman ako, lahat ng babae magka-crush sakin. Wala ng bago dun.”
“Ay ang yabang nito!” sabay tulak kay Eros sa balikat nito.
“Bakit? Totoo naman ah! Napakagwapo ko, sobrang gwapo ko,” ang kamay niya nasa ilalim ng baba niya with
pogi pose.
Panay naman ang tulak ni Eris at medyo natatawa na rin, “Ang yaaaaabaaaang.”
“Pero uy Ero-ero, kausapin mo si Yohanne bukas... galit ata siya sayo dahil dun... akala niya kasi talaga
inaagaw mo si Gazelle sa kanya...”
“Hindi ah...”
“Oo, hindi nga pero hindi niya alam iyon hangga’t hindi mo nililinaw sa kanya... Sayang naman Eros, wag
mong hayaan na masayang yung pagkakataon...”
“Pagkakataon?”
“Sabi ni Yohanne, he thought you were his friend... Tinuturing ka niyang kaibigan Eros, may kaibigan ka na
sa classroom niyo kaya naman sana wag mo sayangin yung friendship na yun... Kausapin mo siya bukas
ha? Please?”
“Bahala na.”
“Anong bahala na?” >___<
“Basta bahala na, umuwi ka na nga.” tumayo na si Eros at tumalikod na kay Eris.
“Uy, basta ha? Kausapin mo siya bukas...”
“Bahala na,” sabi ni Eros habang nakapamulsang naglalakad pauwi, “Umuwi ka na.”
“Uy, promise mo...” pahabol ni Eris.
Hindi lumilingon si Eros at tinaas niya lang kamay niya para magwave, “Oo, umuwi ka na.”
***
Tulad ng sabi ni Eros sa kanya ay bumalik na siya sa club. Medyo pagod na siya, sumakit ulo niya sa mga naganap
sa araw na ito. Hiling niya na sana ay maayos yung gusot between Eros and Yohanne.
Kumuha siya ng maiinom sa ref at pagkainom ay sinandal ang ulo sa may pader, “Haaay what a day.”
“Nakabalik ka na pala.”
“Ay multong bakla!” nabigla kasi si Eris nang may sumulpot bigla sa may gilid niya, si Memo.
“Hahaha! Hindi ako multong bakla,” naglakad ito sa ref para kumuha din ng maiinom.
“Ah... Sorry, nabigla kasi ako...”
“Saan ka galing? Kayna Eros ba?”
“Eh?” nabigla siya kasi hindi naman niya madalas nakakausap si Memo at hindi sila close pero ngayon biglang
kinakausap siya ni Memo, “Ah oo...”
“Ikaw ata kauna-unahang babaeng nakita kong kasama ni Eros? I mean marami rin naman mga babae siyang
nakasama pero halos puro mga pang-entertainment niya lang pag nasa kalye sa gabi. Pero alam mo hindi ko
na atang nakikitang tumatambay siya sa kalye sa gabi, in fact it seems like lagi na siyang maagang umuwi...
And higit pa dun, mukhang hindi na rin ata siya nakikipagaway o nanakit? Mukhang parang naging tamed
siya simula nung dumating ka... Ano ka ba niya? Sino ka ba?”
“Eh? Ako si Eris... kaibigan niya.”
“Eris? Eris Jane Trinidad, right?”
“Ha? Oo.”
“Sino ba si Eris Jane Trinidad?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“I’ll tell you a secret...” lumapit si Memo sa kanya, sobrang lapit na halos napaatras na siya at napasandal sa
pader, yung distansya na lang nila ay yung basong hawak ni Eris sa harapan niya, “I play a game, a game called
human chess game.”
“H-human chess game?” feeling ni Eris kinakabahan siya, hindi niya malaman gagawin, she feels trapped.
“Yes, it’s like a normal chess though my pieces are humans. I manipulate my pieces and I enjoy it very much.
And you’re one of my pieces Eris... thing is, I can’t find anything about you that I can manipulate. You’re
more mysterious than I’ve thought, I did some research about you but found none. No one seems to know
you, that’s very weird... I told you my secret, so why don’t you tell me yours? Who are you really Eris Jane
Trinidad?”
Tinulak ng mahina ni Eris si Memo para makalayo ng konti dito, “Why should I tell you who I am? Edi pinaglaruan
mo lang ako? Kami ni Eros? Kami nina Gazelle at Yohanne?”
Sobrang nabigla si Memo sa sinabi ni Eris, “Wait paano mo nalaman na kasama sina---”
Pinutol na agad ni Eris si Memo, “Na kasama sina Gazelle at Yohanne sa mga paglalaruan at ima-manipulate
mo? Simple lang, napanaginapan kita... alam ko ang gusto mong gawin.”
Actually yung panaginip ni Eris ay isang vision lamang na binigay sa kanya ng Diyos para maging careful si Eris kay
Memo. Nakita niya sa panaginip niya lahat ng gustong gawin ni Memo sa kanilang buhay kaya simula nun sobrang
lumalayo siya kay Memo at nagiingat siya na mahuli nito na isa siyang anghel.
“Paano mo nalaman?”
“Unlike you, I don’t share my secrets sa mga taong hindi ko ganung kakilala.” pinatong na ni Eris ang baso sa
may lababo at didiretso na sana siya sa taas para matulog na pero tumigil siya at lumingon kay Memo.
“Diba naglalaro ka ng human chess game? As far as I know, a chess game is played by 2 people... Sinong
kalaro mo?”
“Memo Clarkson, be careful. You don’t know but maybe ‘life’ is already your opponent in this human chess
game and always remember, life is unfair. It might make a move that will bring all your pieces down and you
as well.”
“Ewan ko kung anong dahilan mo sa paglalaro ng isang bagay na tulad nun pero bago ka pa magsisi ng
tuluyan, itigil mo na ito. Ito ay isang balala Memo, wag mong paglaruan ang buhay ng iba o baka dumating
ang panahon na ikaw naman ang mapaglaruan.”
Tumalikod na ng tuluyan si Eris at umakyat ng papuntang kwarto.
***
Kinabukasan sa school nila ay hindi pinapansin ni Yohanne si Eros na sadyang kinaiinis ni Eros kaya naman nung
pagka-lunch na pagka-lunch ay hinigit niya ito sa may sleeves nito at kinaladkad papuntang rooftop.
“Oy bitawan mo ako sabi eh!” kahit panay ang sigaw at angal niya ay binitawan lang siya ni Eros nung nasa may
rooftop na sila.
Kamuntik ng ma-out of balance sa biglang bitaw at tulak ni Eros sa kanya.
“Hoy ano ba!”
“Hoy ano ka ba rin! Potek para kang bata, walang pansinan? Tss!”
“Ano ba kelangan mo bakit hinila mo ako!” inis na sabi ni Yohanne habang inaayos yung sleeve ng shirt niya na
nagusot kakahila ni Eros.
“Sabihin mo nga sakin, anong tingin mo sakin? Masamang tao?”
Napatigil si Yohanne hindi niya inaasahan yun, yumuko siya at nagsalita.
“Oo, masama ka. Walang alam kundi mambugbog ng kapwa. Walang kwenta, walang silbi. Patapon. Walang
puso. Walang awa sa kapwa. Sarili lang iniisip. Mayabang. Siga. Akala kung sino. Nakakaasar. Bobo. Gago.”
“Sabi ko na eh.” tatalikod na sana si Eros dahil narinig niya ang mga alam niya ng maririnig niya.
“Teka hindi pa ako tapos, bastos ka.”
Napatigil dun si Eros.
“Oo, masama ka. Yun ang tingin ko sayo dati tulad ng tingin ng ibang tao sayo. Yun ang inakala ko pero
simula nung nakilala talaga kita at nakausap kasama ni Eris, nagbago yung tingin ko sayo. Hindi ka naman
pala katulad ng iniisip namin, hindi ka naman pala ganun kasama. At alam ko yun 98 mo sa quiz sa Earth
Science, pinaghirapan mo talaga yun. Marunong kang magsikap. Sobrang nagbago talaga ang tingin ko
sayo, I started believing in you... I treated you as a friend... pero... bakit inaagaw mo pa sakin si Gazelle?
Gaguhan ba? Suntukin mo na lang kaya ako kesa agawin mo siya...”
Humarap bigla si Eros at tumakbo palapit kay Yohanne at sinuntok ito sa mukha, napatumba si Yohanne dun at
napahawak sa may gilid ng labi na pumutok at dumudugo.
“Ahhhh! Nakakamiss din pala manuntok, ilang araw na din akong hindi nakakapanuntok!” sabi nito habang
nagi-stretch ng kamay.
“A-anong---?!”
Tinignan ni Eros si Yohanne ng seryoso at inabot ang kamay niya dito, “Tayo.”
“H-ha?” tinitigan lang ni Yohanne ang kamay ni Eros na nakaabot sa kanya. Nagtataka at naguguluhan siya,
matapos siyang suntukin nito ay tutulungan siya nitong tumayo? Eh?
“Sinuntok kita para medyo maalog yang utak mo, alam mo wala akong balak agawin sayo si Gazelle. Sabi
sakin ni Eris may crush daw siya sakin pero natural lang yun, sino ba hindi magka-crush sa gwapong tulad
ko?” nagsisimula nanaman itong magyabang, “Pero wag ka magalala, cute at mabait man siya wala akong
interest sa kanya, she only reminds me of my ate Risa.”
“Eh kung ganun bakit nakita ko kayong magkasama kahapon?”
“Ah yun ba... nagtatanong lang ako sa kanya ng mga bagay na pwedeng maging useful para sayo. Tinanong
ko din siya kung anong tingin niya sayo.”
“Ha? Tingin niya sakin?”
Nag-flashback sa isipan ni Eros yung usapan nila ni Gazelle kahapon...
“Anong tingin mo kay Yohanne?”
“Eh? Kay Yohanne?” nilagay ni Gazelle ang kamay niya sa may baba niya at nagisip, “Hmm... Si Yohanne ba... cute
naman siya, cool ang genius looking aura niya... Siguro mas better kung mag-i-smile siya, pansin ko kasi hindi siya
masyadong palangiti, serious looking kasi palagi sayang naman mukhang cute talaga siya. Pero mukhang mabait rin
siya. All in all nakakatuwa siyang tao.”
“Paano kung magkagusto siya sayo? Papayag ka bang magpaligaw?”
“Eh? Malabo yun ano! Ano ka ba! Bakit ka nagtatanong niyan.”
“Eh paano nga? Kunwari lang, anong gagawin mo?”
“Hmm... sige, kung kunwari... sa tingin ko okay lang sakin, I will give him time to prove me his love and to make me
fall inlove with him. At syempre sa process ng panliligaw, gusto ko makilala namin ng sobra ang bawat isa. Haay
naku Eros, ano ba yang tanung na yan! Sobrang random! Ahaha!”
“Talaga, yun ang sabi niya?” tanong ni Yohanne matapos ikwento ni Eros ang usapan nila ni Gazelle.
“Oo! At alam mo bang birthday niya bukas?”
“Oo... alam ko..."
“Oh alam mo naman pala eh, bumili ka na ba ng regalo?”
“Bakit ako bibili... hindi naman kami close, hindi naman pati ako invited sa birthday niya...”
“Tsk! Kaya nga kasama ko siya kahapon diba? Nakakuha ako ng invitation!”
“EH?!”
“Eros! Yohanne!” nakaabot din si Eris kasi kanina niya pa hinahanap ang dalwang ito, nung nakita niya kasing
hinila ni Eros si Yohanne wala siyang ideya kung anong balak gawin ni Eros kaya sinundan niya ang mga ito at ito
siya ngayon nasa harap niya ang dalwa, nagtataka nga siya kung bakit nakaupo sa sahig si Yohanne at may dugo sa
gilid ng labi nito. Papagitna sana siya pero bigla niyang narinig si Eros na magsalita kay Yohanne kaya tumigil siya at
nakinig sa usapan nila.
“Bukas pupunta tayo sa bahay nila after class, may handaan sa kanila hanggang gabi yun kaya kung ako
sayo magpakalalake ka na! Tama na ang pagkabading mo, magtapat ka na kasi! Ang pagong pagong mo,
sige ka mamaya maagawan ka na talaga! Hindi ka niya hihintayin kung wala kang pasabi, tandaan mo yan!”
“P-pero hindi pa kami close... di ako ready...”
“Eh ano naman? Magtapat ka na! Liligawan mo naman diba? You have all the time para kilalanin ang isa’t isa
habang nililigawan mo siya!”
“Paano kung i... ireject niya ako? Paano kung iwasan niya na ako? Ngayon pa man din na nakakausap ko na
siya ayaw kong iwasan niya ako...”
Kinuha ni Eros ang braso ni Yohanne at sapilitang itinayo ito, “Yohanne, ako ilang beses na akong nareject at
iniwasan ng mga tao sa buhay ko. Sa buhay normal lang na mareject tayo at iwasan ng mga tao sa mga
bagay na gagawin at ginawa natin pero hindi yun sapat na dahilan para matakot ka. Kung mareject ka man,
eh ano naman? Atleast sinubukan mo, yun yung mahalaga dun. Basta kung hindi ka susuko at mage-effort
ka ng husto, yung rejection balang araw magiging acceptance.”
“Eros...” nabigla si Yohanne sa mga sinabi ni Eros, parang nagising siya sa mga sinabi nito sa kanya, “Salamat sa
suntok... feeling ko natauhan ako.”
“Talaga? Gusto mo suntukin ulit kita?”
“H-ha? Hindi na ah! Tama na! Masakit din aba!”
“Tsk, sayang ang sarap kasi manuntok.” -___
“O-oooyyyy! Anong ginagawa mo! Oy!” nabigla kasi si Eros nang bigla siyang niyakap ni Yohanne, “Bading ka
ba talaga? Oy wag mo nga akong yakapin! Kadiri to oh! Oy! Si Gazelle ba talaga o ako ang gusto mo? OY
SABI NG BITAW EH!!!”
“Salamat Eros. Bukas talaga magtatapat na ako.”
“Oo na oo na! Bitawan mo lang ako!” lumingon si Eros at nakita si Eris na tumatawa sa kanila, “Oy annoying!
Tulungan mo nga ako dito, alisin mo nga itong bading na ito sakin! Oy wag ka ngang tumawa dyan!
OYYYYYYYYYYYYYYY!!!”
***
Bilang pasasalamat ni Yohanne ay tinutor niya si Eros ng Math kasi may nalalapit silang quiz dun eh hindi naman
maalam masyado si Eris sa Math para turuan dun si Eros kaya naman tumambay muna sila sa club para magturuan
ng Math.
Mga bandang alas 9 na ata sila natapos at umuwi na rin naman si Yohanne, sinabi niya for the last time kina Eros na
he will do his best bukas sa pagtatapat niya. Bago nga sila dumiretsong club ay namili muna sila ng ipanreregalo ni
Yohanne para kay Gazelle bukas at nagpagupit pa ito at bumili ng bagong damit, sadyang pinaghahandaan niya ng
maigi.
“Haaay sumakit ulo ko dun sa taeng math na yun, sino ba nagimbento nun ng masapak ng mga 1000x.” saad
ni Eros pagkahiga sa may small lawn ng club. Hinatid kasi nila si Yohanne sa may gate para magbabye dito at dahil
tinatamad ng bumalik si Eros sa loob ay nahiga na lang siya sa may damuhan dahil maya maya rin naman ay uuwi
na siya sa kanila.
“Patay na po yung nagimbento nun,” nakihiga rin si Eris sa tabi niya.
“Diba namatay ka na? Nakita mo ba siya sa heaven? O siguro nasa hell na yun... pahirap sa buhay eh. Teka
ano pala itsura ng heaven? May gold gates ba? May San Pedro ba na may hawak na manok?”
“Di ako pwede magkwento sayo Eros ng tungkol sa heaven at sa mga bagay na nakita ko pagkatapos kong
mamatay..."
“Eh? Bakit? Andugas naman nun.”
“Eh kasi masisira yung balanse ng buhay. Hintayin mo muna na matapos ang buhay mo dito bago mo
malaman ang kung anuman ang meron sa kabilang buhay.”
“Eh bakit ikaw? Diba namatay ka na tapos nabuhay ka ulit, parang hindi rin ata tama yun.”
“Kung mabubuhay man ulit ako, mabubura lahat ng alaala ko nung matapos akong mamatay.”
“Ahh.”
“Uy Eros alam mo nakakatuwa ka... Alam mo bang 80% na yung heart?”
“Ehhhhhhhhhhhhhhhh?” O__O
“Sa lahat ng ginawa mo para kay Yohanne, madaming nadagdag. Unti unti ka na talagang nagbabago.
Natutuwa ako para sayo. Kanina narinig ko yung mga sinabi mo kay Yohanne, hindi ko akalaing
manggagaling sa bibig mo ang mga salitang tulad nun. Para bang may pinaghugutan ka... nagmukha kang
expert sa field of love. Hindi ko talaga akalain! Grabe!”
“Hindi mo inakala? Tsk! Tingin mo sakin hindi nagkalovelife? Tsss.”
“Wait, what?! Nagkalovelife ka na?” O___________O
Tumingin lang si Eros sa mga bituin na pumupuno sa kalangitan, “Nagka-girlfriend ako... dati.”
“Woah.... really?” O.o
“Oo sabi, uuwi na nga ako!” tumayo bigla si Eros at paalis na sana siya pero pinigilan siya ni Eris at humarang sa
harapan niya para hindi siya makaalis.
“Teka, hindi na ba kayo?”
“Hindi na siguro, alis nga diyan sa daanan ko, uuwi na ako.
“Teka, last question, minahal mo ba siya?”
“Oo. Alis na nga diyan uuwi na sabi ako,” sabay tulak ng mahina kay Eris para makaalis ito sa dadaanan niya.
Binuksan niya na yung gate at umalis na. Naglalakad na siya pauwi at habang naglalakad siya ay nakapamulsang
pinagmamasdan pa rin niya ang mga bituin sa kalangitan.
“Oo, minahal ko siya... At minamahal ko pa rin siya. She was my light... the light that faded away because of
me.”
ITUTULOY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento