"Sinampay ko muna dun sa banyo yung damit ko, binasa ko kasi yung parteng natapunan ng ice cream,"
biglang lumabas si Eros mula sa banyo ng kwarto ni Eris.
"KYAAAA! Porn!" nakaupo nun si Eris sa may kama at nung makita niyang lumabas si Eros ng topless mula sa
banyo ay kinuha niya ang pinakamalapit na unan sa kanya at tinakpan ang mukha, "Uwaaa! Porn! Porn!"
"H-HOY! A-anong porn ka dyan! Pinagsasabi mo!"
"W-wala kang damit! Aaah! My eyes, my virgin eyes!" /(>\\\<)\
Lumapit si Eros sa kanya pagkatapos makapaglagay ng t-shirt at kinuha yung unan na nakatakip sa mukha ni Eris at
hinampas ito sa ulo ng babae, "Sira ulo! Parang wala lang akong t-shirt! Porn mo mukha mo, hindi naman ako
babae, wala akong dapat itago sa itaas na parte ko. Tss."
"Aray, lagi mo na lang ako hinahampas sa ulo." /(T_T)\
"Abnoy ka kasi! Tsss, tabi nga diyan," tinulak niya si Eris at umupo sa tabi nito, sa harap nila ay isang maliit na
table na may nakakalat na mga papel, "Ano itong mga ito?"
"Notes! Sinulat ko yan habang natutulog ka sa klase kanina! Haay naku Eros dapat kasi nakikinig ka na sa
teachers mo from now on!"
"Ang boring." =_=
"Eh nasa isip mo lang kasi na boring pero pilitin mong makinig, tignan mo sa susunod magiging interesado
ka na din!"
"Whatever. Anong gagawin ko dito sa notes na ito?" inabot niya yung isang papel sa may table at tinignan yung
mga nakasulat dun.
"Re-reviewhin natin siya, may quiz kayo sa Earth Science tomorrow!"
"Aaahhhh nakakatamad!" sabay hagis ng papel at tinumba ang sarili pahiga sa kama.
"Hindi pa nga nagsisimula tinatamad ka na!"
"AHHH! LUMAYO KA NGA!" nabigla si Eros kasi habang nakahiga siya nasa may harap niya yung mukha ni Eris
kaya tinulak niya ito.
Bumalik ulit si Eris sa harapan ni Eros and this time nilagay niya ang dalwang kamay niya sa pagitan ng ulo ni Eros at
nilock niya ito sa posisyon, "Sige ka, ki-kiss kita pag hindi ka nag-aral." :DDD
"Taeng chicken ka! Lumayo ka sakin oy!" pinipilit ni Eros na makaalis kay Eris pero natatawang umupo si Eris
sa may tyan ni Eros para mas lalong hindi ito makatakas. Jino-joke niya lang naman si Eros, wala naman siyang
balak halikan ito, nakikipagbiruan lang siya dito at nagbabaka sakaling magconcentrate na ito sa pagaaral dahil alam
niyang mas pipiliin ni Eros magaral kesa mahalikan ng isang tulad niyang annoying angel.
"Hoy! Bumaba ka nga! Ang bigat mong baboy ka! Hoooooy!"
"Blehhhh. Ki-kiss na kita froggy, ayaw mo kasi atang mag-aral ee."
"YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAKKKK!" sabay tulak ng malakas kay Eris...
"WAAAA! Malalaglag ako!" dahil sa malakas na pagtulak ni Eros kay Eris na noo'y nakaupo sa may tyan niya ay
na-out of balance ang babae, "Uwaaa Erosssss!!!"
Akala ni Eros malalaglag na talaga siya sa kama kasi nadanggil ng kamay niya yung table sa likudan niya at
bumagsak ito, susunod na sana siya sa pagbagsak ng table sa may sahig nang bigla siyang nahagip ni Eros sa may
braso at hinila pabalik ng kama.
O___O ---> O///O ---> />_______<\
Dahil sa hinila siya ni Eros pabalik ng kama ay napapunta siya sa may dibdib ng lalaki at ang lapit ng mga mukha nila
sa isa't isa. Parehas silang nanlalaki ang mga mata sa kasalukuyang nagaganap, parehas na hindi mamalayan kung
anong sasabihin o anong gagawin.
At parehas din silang namumula.
"What was the noise about? Parang may narinig akong natumb---" O_O
Biglang nagbukas ang pinto at bumulaga si Memo sa kanilang dalwa at dahil sa sobrang pagkabigla ni Eros ay
tinulak niya ng malakas si Eris palayo sa kanya. Nalaglag tuloy si Eris ng tuluyan sa sahig.
"Aaaaaaaaaaraaaaay! You're so mean bakit mo ako tinulak!" >___< sabay himas ng pwet na nasaktan mula sa
pagkakahulog.
"Oh sorry, sorry to disturb your very hot scene guys. I think it's time for me to leave. Haha!"
"Hoy Memo! It's not what you think!"
"Yeah, yeah, naglalaro lang kayo ng jack en poy... yeah really, not what I think," sarcastic na pangaasar ni
Memo sa kaibigan.
"Just don't forget to use condom guys, I don't want any babies in the club."
"Hoy Memo---!!!" pero sinarhan na ni Memo ang pinto at umalis na. Inis na inis naman si Eros sa pangaasar nito.
"Ummm Eros, bakit sabi niya wag daw nating kalimutan gumamit ng condom? Hindi naman tayo nagse-sex
ah?" inosenteng tanong ni Eris.
"ISA KA PA!!!" sabay hagis ni Eros ng unan kay Eris.
(..`
.´. ).---[UNAN]o( >.<)o~yikes!
***
Kahit papaano naman ay nakapagreview sila sa kabila ng mga nangyayaring kulitan sa kanilang dalwa, kulitan
means = sisigawan at sasapukin ni Eros si Eris dahil napaka-annoying nito.
Halos 11pm na sila natapos sa pagrereview at ganung oras na din siya nakauwi, feeling ni Eros parang nilugaw ang
utak niya sa daming natutunan. Yun yung first time na sadyang nagaral siya ng todo todo, pero laking pasasalamat
niya na lang na kahit gaano katigas ang ulo niya ay pinagtatyagaan siya ng isang annoying angel.
Kaya naman kinabukasan sa quiz nila...
"Chicken na chicken lang itong mga ito," napapangiti si Eros nung makita niya yung mga tanong sa quiz nila
sa Earth Science, halos lahat ng tanong dun alam niya, halos lahat ay napag-aralan nila ni Eris. Dali dali niyang
sinagutan lahat ng tanong, hindi niya akalaing mae-excite siya sa pagsagot ng isang quiz.
Natapos na ang quiz, nasubmit na nilang lahat sa teacher nila. Ang sabi sa next meeting daw malalaman ang results.
Last period before lunch ang Earth Science nila kaya pagkatapos ng quiz ay nagdiretso na sina Eros at Eris sa
canteen upang bumili ng makakain, agad agad din naman silang nagtungo sa rooftop para kumain dun. Di kasi hilig
ni Eros kumain sa canteen, masyadong maraming tao.
Bumili lang naman sila ng tig-isang palabok at dalwang bottle of water. Pagkapasok nila ng rooftop ay parehas silang
nabigla nang may makita silang isang lalaki na nakaupo sa may railings ng rooftop.
Nilapag ni Eris ang pagkain at inumin niya sa may sahig at dali daling lumapit sa may lalaking nakaupo sa may
railings, "WAAAAAAAAAAAAAAG KANG MAGPAPAKAMATAAAAAAAAAAAAAAY!!!"
Nabigla naman yung lalaki sa pagsigaw niya kaya bigla siyang naout of balance, kamuntik na siyang mahulog pero
buti nahigit siya ni Eris sa may laylayan ng uniform nito at buong lakas na hinigit pabalik sa sahig ng rooftop.
"PWEW!" sobrang kinabahan si Eris, akala niya talaga matutuloy na ang pagpapakamatay nung lalaki, "Kamuntik
na! Ayos ka lang ba? Uyy, bakit balak mong tumalon kanina? May malalim ka bang problema? Andito ako,
tutulungan kita, wag mo na ulit iisiping magpakamatay please? Hindi nun mareresolba ang problema mo."
"H-ha? Ako? Magpapakamatay? H-ha?" naguguluhan yung lalaking hinigit niya, "Hindi ako magpapakamatay
ano! Ikaw ata papatay sakin! Kamuntik na akong mahulog nang dahil sayo, nakakabigla ka, bigla bigla ka na
lang sumisigaw!"
"Ehhhhhhh? Hindi ka nagpapakamatay kanina? Eh bakit nakaupo ka sa may railings? Mapanganib yun!
Akala ko tuloy magpapakamatay ko, kinabahan ako!" >__<
"May sinisilip lang ako sa baba!"
"Ha? Anong sinisilip mo?"
"Baka sino?" sabay biglang sumingit si Eros sa usapan na noo'y nakasandal ang likod sa may railings ng rooftop at
nakapatong ang braso doon habang sumisilip sa may baba, "Isa siguro dito sa mga babae sa baba ano?"
"Eh?" lumapit si Eris at sumilip din sa baba, napansin niyang may grupo ng mga babae na malapit sa isang puno,
mga walo atang babae iyon. Yung iba nasa ilalim ng puno at kumakain ng lunch habang naguusap usap, yung iba
naman na mukhang kasama rin nila ay naglalaro ng badminton.
"W-wala na kayo dun! Makaalis na nga!" tumayo na yung lalaki at aalis na sana pero pinigilan siya ni Eris.
"Uy diba ikaw yung nasa klase din namin?" lumingon siya kay Eros, "Ero-ero, kaklase mo siya diba?"
"Ha? Kaklase ko ba yan? Ewan ko, di ko tanda."
"Walanjo ka naman Eros ee, mas natatandaan ko pa kesa sayo!"
"Oo, nasa same class niyo ako." sabi naman nung lalaki.
"Sabi ko na nga ba ee! See Eros? Tama ako, ikaw talaga Eros hindi mo man lang matandaan itsura ng mga
classmates mo! Ikaw yung nasa may 3rd row sa first column! Yung sa may tabi ng bintana! Ano nga pala ulit
ang name mo?"
"Yohanne Garcia."
Ngumiti ng malawak si Eris at tinapik si Yohanne, "Turo mo samin yung sinisilip mo tapos tutulungan ka namin
mapalapit sa kanya. Mukhang secret admirer ka ee."
"Wag kang mag-alala Yohanne, kami ni Eros ang bahala sa lovelife mo!" ^______^V
"O-oy! Bakit kasama ako? Ikaw lang! Ikaw nagvo-volunteer dyan, wala akong kinalaman. Wag mo akong
idamay sa kalokohan mo!"
Di pinansin ni Eris ang reklamo ni Eros at inakbayan si Yohanne habang naglalakad papuntang railings, "So
Yohanne, sino dyan? Cupid Eris and Eros is here for you!" (.^.^.)
"Hoy sinabi ngang hindi ako kasali! Tsss!"
Sino nga ba ang sinisilip ni Yohanne?
Bukod kay Eris, si Yohanne na ba ang panibagong tao na dadagdag sa buhay ni Eros
ITUTULOY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento