Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE DIED [9]

- ERIS JANE TRINIDAD 


"O!" nabigla ako nang biglang may nagabot sakin ng burger mula sa aking gilid. 
"Erossssss!!!" natuwa ako nang makita siyang muli, halos kalhating oras ko din kasi siyang hinintay dito sa rooftop. 
"O!" nilapit niya pa lalo yung inaabot niyang burger kanina, tumayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at 
inabot yung burger. 
"Ha? Para saan ito?" pagtataka ko. 
"Kainin mo kung nagugutom ka, kung ayaw mo edi itapon mo," sabi niya sabay upo sa may sahig, sinandal niya 
ang likod sa may pader at pinatong niya ang mga siko sa bawat tuhod habang binubuksan niya yung balot ng burger 
niya. 
Tumabi naman ako sa kanya, "Itapon? Waaa! Masama iyon! Maraming nagugutom!" 
"Eh ano naman kung maraming nagugutom? Mabubusog ba sila pag kinain mo yan? Tss." 
"Umm... Hindi, hindi sila mabubusog pero atleast hindi natin inaaksaya yung mga bagay na naipagkait sa 
kanila. Tayo may chance na kumain, sila wala, kaya hindi natin dapat inaaksaya yung meron tayo." 


"Sigurado ako kung hindi ka namatay baka nagmadre ka, ang hilig mo sa sermon. Manahimik ka nga lang at 
kumain! Napaka-annoying mo," sabay kagat niya sa burger niya. 

Binuksan ko na rin yung balot ng burger ko at ngumiti ako, "Salamat Eros sa pagkain." ^___^ 

... silence. 

"Ah Eros! Kamusta pala? Did he gave you a second chance?" 


Tumango lang siya ng walang karea-reaksyon. Nanlaki naman ang mga mata ko, napahawak ako sa bibig ko at bigla 
akong napayakap sa kanya. 

"AHHHH!!! ANG SAYA SAYA EROS!" :DDDDDD (//*^*)//~~*YEAH! 
"H-hoy! Ano ka ba! Kamuntik ko ng mabitawan ang burger ko! Kumalas ka nga sa yakap! Ang manyak mo 
oy!" tinulak niya ako. 
"Eros! I'm so happy for you! I---" naputol ako sa pagsasalita kasi bigla niyang pinasok sa bibig ko yung burger ko. 


"Di pa sigurado yun, sabi niya dipende daw kung hindi ako makakakuha ng below 95 sa lahat ng quizzes at 
exams na dadating." 
"Oh? Anong problema dun?" 
"Obvious ba?! Tingin mo he agreed with your conditions just because I begged? Kaya lang siya pumayag 
dahil 100% sure siyang hindi ko kakayanin na hindi makakuha ng grade below 95! Makakuha nga lang ng 75 
pahirapan na, 95 pa kaya? Tss! He just agreed to give me a second chance because he is 100% sure that I 
can't make it because he believes that I am and will always be a good for nothing repeater." 


"Then prove him wrong." 

"Hah! Why prove him wrong when he's right. Tama naman lahat ng sinasabi nila, wala naman talaga akong 
kwentang tao, di ako magaling sa kahit ano, wala akong pag-asa sa kahit saang bagay." 
"So... masaya ka naman dun?" 
"Alin?" 
"Na good for nothing ang tingin ng mga tao sayo?" 
"Ok lang." 


*WAPAK!* 

"Aray! Oy bakit mo ako sinapak?" napahawak siya sa may ulo niya, "Walastek! Angel na nanapak? Sigurado ka 
bang angel ka? Baka alien ka o mangkukulam ka lang talaga?" =__= 


"Hmp! Ang tanong ko ay kung masaya ka tapos ang isasagot mo 'ok lang', parang ang layo naman nun sa 
tanong ko." 
"Eh ano ba dapat isagot?" naiinis niya pa rin tanong habang kumakagat sa burger niya. 


"Pag tinanong ka kung masaya ka ba o hindi, masaya o malungkot ang dapat mong isagot." 
"Eh paano kung wala sa dalawa?" 
"Imposible yun!" 
"Sa wala nga sa dalawa eh! Ang kulit mo ha!" 



"Ibig mo bang sabihin neutral lang ang nararamdaman mo?" 
"Parang ganun na nga, walang pakelam... parang ganun." 
"Edi nalulungkot ka nga!" 
"Ha?" 
"Kung neutral ang nararamdaman mo, hindi ka masaya! At kung hindi ka masaya, malungkot ka!" 
"Ang kulit mo, ewan ko sayo." -___


NOW PLAYING: Copper Down by The Boy Who Trapped The Sun 
(you can listen to it by going to youtube and typing the title) 

"Alam mo Eros, hindi mo dapat dinedeny ang nararamdaman mo. Hindi naman kita pagtatawanan, hindi rin 
kita huhusgahan kaya wala ka naman dapat ikahiya. You can always be honest with me." :) 

"Tss." yung lang sinabi niya, naghintay pa ako ng saglit kung may idadagdag pa siya sa famous line niyang "tss" 
pero nung napagtanto kong wala na ay tumingin na lang ako sa may langit at nagpatuloy na lang sa pagkain. 

May katahimikan na namagitan tuloy samin. Medyo mahangin sa rooftop, nililipad nga ang ilang piraso ng mga buhok 
ko na nakalugay. Medyo maulap ang kalangitan, nakatago ang araw pero maliwanag pa rin naman kahit papaano. 
Maririnig mula sa rooftop ang ingay ng mga studyante sa may ground floor. Nakakarelax... Nakakaantok... 

Halos tapos na akong kumain nun nang bigla siyang nagsalita muli... 

~..' This ship's gone and run its course 
Through a tired lack of force 
And all that matters branded on your arm 
So you don't forget how we first met '~.. 

"Hindi ko alam kung malungkot ako pero aaminin ko na hindi ako masaya sa tuwing tinitignan ako ng mga 
tao na may mga panghuhusga sa kanilang mga mata. Nakakairita, nakakaasar, nakakapikon, ansarap nilang 
upakan kala mo kasi kung sino sila kung makatingin." sinabi niya iyon ng hindi tumitingin sakin. 
"Ang tao kahit anong gawin mo, huhusgahan ka nila. Natural na yan sa ating mga tao. Bakit ikaw ba kahit 
kelan sa buhay mo hindi ka nanghusga ng kapwa mo?" 
"Nakapanghusga na din..." 
"O diba? Ako din naman eh. Hindi kasi mapipigilan, kahit ayaw natin manghusga minsan nagiging automatic 
na lang siya. Pero alam mo kung hindi mo nagugustuhan ang husga nila sayo, pwede mo naman patunayan 
ang sarili mo sa kanila. Kung good for nothing ang tingin nila sayo, pwes ipakita mo sa kanila na you can be 
good for something!" 
"Asa. Once na good for nothing na ang tingin nila sayo, good for nothing ka na habambuhay sa paningin 
nila. Nakatatak na yun sa isipan nila, mahirap ng baguhin ang tingin sayo ng tao." 


"Paano mo nasabi yan? Nasubukan mo na bang magbago?" 

.~Suddenly I have this feeling 
Tasting copper in my mouth 
I look to watch the clouds for my last breath ~. 

Hindi siya umimik saglit tapos tumungo siya, "H...hindi." 
"Bakit hindi mo subukan kung ganon?" nakangiting sabi ko habang sumilip ako sa mukha niyang nakatungo. 
"Di ko kaya." 
"Hindi mo pa nga nasusubukan ee!" 
"Sa hindi ko nga kaya! Hindi naman ganun kadali baguhin yung nakagawian!" 
"Kaya nga nandito ako diba? Tutulungan kita." :) 


Nakatungo pa rin siya pero tumingin siya sakin sa pamamagitan ng pag-angat lamang ng mga mata niya habang 
ako'y patuloy pa rin na nakasilip sa nakatungo niyang mukha. 

.~ When you grow into you skin 
I'll be the hope joining the wall 
And all the scraps of world joined at the hand 
Are there to hold you in our secret plan ~. 

Ganun lang kami ng halos ilang seconds, nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa na para bang naghahanap 
kaming parehas ng kasagutan sa mga tanong namin sa mata ng bawat isa. 
Yung mga mata niya, itim na itim ang mga ito... pag tinitigan mo ng matagal parang palalim ng palalim ang mga ito... 
na para bang andaming mga salita na gustong sabihin ng mga mata niya...mga salitang hindi kayang sabihin ng bibig 
niya. 


His eyes reflect his true self --- the guy who is lonely, helpless, desperate, in need of attention and especially... in 
need of help. 


"Pag nagbago ba ako, magiging masaya ba ako?" 

.~Suddenly I have this feeling 
Tasting copper in my mouth 
I look to watch the clouds for comfort 
Fill in the blanks ~. 


That's it, pagkarinig na pagkarinig ko sa mga sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko, lumapad ang mga ngiti ko. Oh 
Lord God, hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko na lumabas mula sa mismong bibig ni Eros. 

"Hindi ko alam ang isasagot sayo Eros pero kung susubukan mo baka mahanap mo ang kasagutan sa 
tanong mong iyan." :")) 

"Wala naman mawawala kung susubukan ko diba?" for the first time nginitian niya ako ng ganto. Yung mga ngiti 
ba na parang nagsasabing 'andyan ka naman eh!'. 

Nginitian ko rin siya, "Walang mawawala." :) 

.~Suddenly I hate this feeling 
Tasting copper in my mouth 
I look to watch the clouds for comfort 
I hope I don't let anyone die 
Fill in the blanks~. 

"Salamat Eris," may sinabi siya pero biglang nagbell at dahil dun hindi ko narinig yung sinabi niya. 
"Ha?" :O 
Pinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko at ginulo ang buhok ko habang tumatayo siya, "Wala, hindi ko 
na uulitin yung nasabi ko na." 


"Waaaa! Ang daya! Ano yun!" tumayo na rin ako at sinundan siya na papasok na ng building. 
"Hindi ko na nga sabi uulitin." 
"Anla! Ano nga iyon?" 
"Bingi ka sabi ko." 
"Eeeeeeeee! Ano kasi iyon uy!" 
"Wala nga sabi aba! Stop bugging me! Shoo!" 
"Ero-ero naman ee! Ano kasi yun!" 
"Annoying angel." 


Nagpout na lang ako at binehlatan ko sya. Ayaw niya kasi sabihin yung sinabi niya na hindi ko narinig. Haay, ano 
kaya yun? 

Pero habang bumabalik na kami sa classroom ay napangiti ako mag-isa. 

Naniniwala akong kakayanin ni Eros na patunayan sa lahat ng humuhusga sa kanya na he's a guy who's good for 
something, something good. 


"HOY ANONG NGININGITI MO DYAN?" nahuli ako ni Eros na ngumingiti pagkalingon niya sakin. 
"Secret." :D 
"Para kang baliw." =_= 
"Thank you!" :D 
"Tss. How Annoying!" 



ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento