Thousands of candles can be lighted from a single candle, and the life of the candle will not be shortened. Happiness never decreases by being shared.
Biyernes, Marso 21, 2014
SHE DIED [14]
"So ano, kamusta!" *pak!*
"AAHH! Aray!" nabigla si Yohanne nang biglang may mabigat na kamay na malakas na humampas sa likod niya
habang nakaupo sya sa upuan niya, "Ano ba, kung makapangamusta ka parang papatayin mo ako! Ansakit ng
hampas mo!"
Ewan ba ni Yohanne kung saan niya nakuha ang confidence na sigawan ang isang siga ng campus, simula ng
tulungan siya nito at ni Eris ay pakiramdam nya ay nagkamali siya pati na rin ang buong klase sa panghuhusga kay
Eros. Hindi ito sobrang sama kahit minsan ay may pagkabayolente.
"Yohanneee, kamusta kayo kahapon? Anong nangyari? Anong nangyari? Alam mo ba sinadya namin iwan
kayo para magkakilala kayo ng maigi! Si Eros ang may plano nun, ang galing nyang cupid ano?" excited na
bati ni Eris.
"Bakit andami dami mong energy, agang aga ang machine gun na ng bibig mo. How annoying." =___=
Binehlatan lang ni Eris si Eros. Samantalang si Yohanne ay hindi makapaniwalang si Eros ang nagplano na iwan sila
ni Gazelle magisa, di nya akalaing ginagampanan talaga nito ang role nito bilang Cupid tulad ng sabi ni Eris.
"Bakit kausap ni Yohanne yung siga?"
"Oo nga, mukhang close sila?"
"Baka magkaibigan sila?"
"Ha?! Malabo! Si Yohanne makikipagkaibigan sa sigang yan? Ang laki kaya ng difference nila, isang matalino
at isang walang kwenta."
"Ah, tama. Baka naman binablackmail ng siga na yan si Yohanne? Baka si Yohanne ang new target ni Eros?
Alam mo naman, akala ng Eros na yan kung sino syang diyos sa school."
"Tsk, dapat pinapatalsik na yan. Ano ba silbi nyan dito? Salot lang yan?"
Kung dati, sasangayon si Yohanne sa mga sinasabi ng mga kaklase niya na naririnig nyang nagbubulungan. Pero
ngayon napapailing sya, di naman kasi siya binablackmail ni binubully ni Eros tulad ng iniisip nila, ang katunayan pa
ay tinutulungan siya nito.
*SBAAAAAAM!!!*
Nabigla ang lahat nang sipain ni Eros ng malakas ang isang silya.
"Kung magbubulungan kayo, wag yung parang lumunok kayo ng microphone!" lumapit si Eros dun sa mga
nagbubulungan at kinuwelyuhan yung isa, susuntukin niya na sana ito pero naramdaman na lang niyang may
humampas na libro sa may ulo niya.
Lumingon sya na sobrang galit sa pumukpok sa kanya ng libro at nakita niya si Eris na nakatingin sa kanya ng
seryoso.
"Kalma ka lang! Wag kang papaapekto sa mga sinasabi nila lalo na't HINDI TOTOO!"
Nanggalaiti si Eros, humihigpit ang pagkakatiklop ng mga kamao niya sa may gilid nya, gusto nyang manuntok,
manakit ng kahit sino o ano. Naasar siya.
*SBAAAAAAM!!!*
Sinipa sipa niya ang mga silya na malapit sa kanya, "Pot*ng ina! Pot*ng ina lang! Pot*ng ina!!!"
Paulit ulit siyang nagmumura habang palabas ng classroom. Hindi na siya sinundan pa ni Eris, sa tingin kasi ni Eris
na it's better to give him some time alone para kumalma. Alam niya naman kasing sobrang nakakairita ang presence
niya para kay Eros kaya hahayaan na lang muna ito na mapagisa.
"Alam niyo hindi si Eros ang masama dito," hinarap ni Eris yung dalwang lalaking nagbubulungan kanina, "Kayo
ang masama talaga kasi ganun ganun na lang kayo manghusga ng kapwa niyo."
Yun lang ang sinabi ni Eris at bumalik na sa upuan niya sa likod.
***
Sa kabilang banda naman, nagpunta si Eros sa may rooftop at doon naglabas ng inis sa katawan. Pinagsisipa at
pinagsusuntok niya yung pader sa sobrang asar niya sa mga tao. Paulit ulit siyang nagmumura habang sinusuntok
niya yung pader, binuhos niya lahat ng inis niya sa pader hanggang sa namalayan na lang niyang dumudugo na ang
kanang kamao niya.
"Argh!" sumigaw siya out of frustration at tumalikod at sumandal sa pader habang pabagsak na umupo sa sahig
habang hawak hawak ang duguang kamao.
Pinikit niya ang mga mata niya at nagisip ng mga bagay bagay tulad ng...
"Kung hindi lang dahil kay Ate Risa, hindi ko gagawin ang mga bagay na ito. I was better when I was bad,
atleast nung masama ako wala akong pakelam sa iniisip ng mga tao sakin pero ngayong nagsusumikap
akong magbago, bakit pakiramdam ko parang naaapektuhan ako sa mga panghuhusga nila? Tangina lang
yan oh."
Hindi na namalayan pa ni Eros na sa pagpikit niya ng mga mata niya at pagiisip niya ng mga bagay bagay ay
nakaidlip na pala siya. Napamulat na lang siya ng mga mata nang marinig niya ang school bell. Recess na,
nakaligtaan niya na ang klase.
Bigla niyang naalala na hindi nga pala siya pwedeng umabsent or else babawiin ng gagong teacher niya ang chance
niyang grumaduate kaya naman tumayo na siya at nagdiretso na papuntang classroom niya habang duguan pa rin
ang kamao niya.
Habang naglalakad siya sa may hallway ay pinagtitinginan siya ng mga studyante dahil sa sugatan niyang kamao.
Naririnig niyang magbulungan ang mga ito nang mga bagay tungkol sa kanya, sinasabi ng ilan na nakipagaway
nanaman daw siya at wala daw siya alam gawin kundi mambugbog at manakit ng tao, napakasama daw niyang tao.
Napaisip na lang siya, "Hindi ba nila alam na pwedeng suntukin ang pader? Tss!"
"Waaaaa! Eros! What happened to you?" nabigla na lang siya nang may biglang lumapit sa kanyang babae, si
Gazelle.
"Uy Gazelle, ano ka ba bakit ka bigla biglang lumalapit, nako tara na baka saktan tayo niyan," natatakot na
bulong ng kaibigan ni Gazelle sa kanya habang hinihigit siya sa may uniporme niya palayo kay Eros.
"Ano ka ba Kaye, hindi tayo sasaktan ni Eros. Mabait na tao siya," nakangiting sabi ni Gazelle, simula kahapon
napaltan na ang paniniwala ni Gazelle na badboy si Eros, sa saglit na panahon na nakasama niya ito kahapon sa
7eleven alam niyang hindi nakakatakot na tao si Eros.
"Eeee, tara na Gazelle. Kinakabahan ako, tignan mo yung kamay niya duguan, for sure nakipagsuntukan yan.
Tara na Gazelle, baka bugbugin niya tayo." >___<
"Naku Kaye, mauna ka na nga sa canteen, sundan mo na sina Hannah sa table, susunod na lang ako sayo."
sa takot ng kaibigan niya kay Eros ay sinunod niya ang sinabi ni Gazelle at nagpunta na ng canteen.
Hinarap naman ni Gazelle si Eros pagkatapos at inabot niya ang right wrist nito para ma-examine ang sugat sa
kamao ng lalaki, "Eros, what happened? Bakit sugatan ang kamay mo? Tara sa clinic!"
"H-ha? Wala ito, hindi na kelangan pa pumunta sa clinic."
"Anong wala iyan? Hala ka! Mamaya may pumutok na ugat or may nabaling buto dyan sa kamay mo,
kelangan ipatingin mo yan sa nurse! Tara na sa clinic!" hinila siya ni Gazelle.
"Ha? Hindi na, wag na."
"Eeee! Dali na!" pilit siyang hinila ni Gazelle papuntang clinic kaya wala na siyang nagawa kundi magpahila sa
babae.
Sa classroom naman nina Eros, napagdesisyunan naman nina Eris at Yohanne na hanapin na si Eros pero
pagkalabas na pagkalabas nila ng classroom, nakita agad ng mga mata ni Yohanne si Eros sa may hallway at hindi
lang yun...
Nakita niya rin na magkausap sila ni Gazelle habang hawak hawak ni Gazelle ang pulso ni Eros at hinihila ito
papunta sa kung saan.
"Yohanne, baka nasa rooftop si Eros, tara n---" napatigil si Eris nang masundan niya kung saan nakatingin si
Yohanne na noo'y natulala na.
"S-si Eros ba yun at si Gazelle?" hindi mapakaling tanong ni Eris kasi nakatalikod na yung dalwa bago pa niya
makita ng tuluyan.
Tumango si Yohanne, "Alam mo Eris, sabi sakin kahapon ni Gazelle na crush niya daw si Eros."
"Haaaaaaaa?" O_______O
Ngumiti lang si Yohanne, "Don't worry, diba pag crush ibig sabihin physically attracted lang siya? At pag
crush madali din lumilipas? Crush lang naman daw eh."
"Sige Eris," tinapik niya ang balikat nito, "Magre-recess na muna ako kasama ng iba nating kaklase."
At umalis na si Yohanne, naiwan na lang dun si Eris na medyo naguluhan.
***
Sa may clinic...
"Ayan, ayos na. Nabendahan na natin ang kamay mo, sa susunod wag mo ng susuntukin ang pader, kawawa
naman yung pader."
Natawa si Gazelle sa sinabi ng nurse sa clinic at napangiti naman si Eros.
"Atleast hindi tao ang sinuntok ni Eros, diba?" nakangiting sabi ni Gazelle.
"Tama, o sige maiwan ko na muna kayo dito, may kukunin lang ako sa may faculty. Sasabihin ko na rin sa
teacher mo Eros na may sugat ka sa kamay, don't worry sasabihin kong hindi ka nakipagaway."
Pagkatapos nun umalis na yung nurse sa clinic at naiwan silang dalawa dun ni Gazelle.
"Bakit mo ba kasi sinuntok yung pader?"
"Wala lang, trip ko lang."
"Ows, imposible naman yun. Baliw ka kung basta basta ka lang nanununtok ng pader."
"Oo, baliw nga ako."
"Eeee! Di nga, seryoso, bakit mo nga sinuntok?"
"Ang kulit mo para kang si Eris." =__=
"Waaa, speaking of Eris! Bakit bigla kayong nawala kahapon." >__<
"Ah, may naalala lang kami ni Eris na dapat puntahan," palusot ni Eros.
"Hmm... so bakit mo nga sinuntok yung pader?" napa-face palm na lang si Eros sa kakulitan ni Gazelle.
"Wala nga lang sabi, naasar lang ako."
"Bakit ka naasar?"
"Kasi may mga taong kung anu anong sinasabi."
"Tulad ng?"
"Tulad mo, ang kulit kulit mo. Stop asking, nakakairita. Konti na lang pwede ka ng Eris the second!"
"Osige na nga hindi na ako magtatanong pero..."
"Pero?"
"Please be good," tumayo na si Gazelle at pinatong ang kamay sa ulo ni Eros at ginulo ang buhok nito habang
nakangiti, "Sabi kasi ng mga kaibigan ko, lumayo daw ako sayo kasi masama kang tao pero... I know you're
not a bad guy, kung bad guy ka edi hindi ako makakalapit sayo ng ganto ngayon, diba?"
"Kahit saglit pa lang kitang nakikilala pakiramdam ko you're not bad, I know because I believe in you."
"Sige bye Eros, punta na akong canteen!" tumalikod na si Gazelle at umalis na.
Parang sirang plakang nagpaulit ulit ang mga sinabi ni Gazelle na, "I believe in you."
Ewan ba ni Eros pero ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga salitang iyon.
"I believe in you."
Napahawak siya sa may ulo niya at napailing na lang siya habang hindi mapigilan ang ngiti, "She believes in me.
Wow."
***
Pagkatapos ng recess ay bumalik na si Eros sa classroom. Pagkapasok na pagkapasok niya ay pinagtitinginan siya
ng mga kaklase niya as usual pero nagkibit balikat na lang siya at nakapamulsang nagdiretso sa upuan niya sa likod.
"Waaa! Eros, anong nangyari sa kamay mo?" biglang kinuha ni Eris ang kamay ni Eros, "Nakipagaway ka ba?"
O___O
"Oo, inaway ko yung pader."
"Waaaa. Pader? Kawawa naman yung pader! Bakit mo sinuntok!" >___<
"So anong gusto mo, tao suntukin ko?" =__=
"Ah eh... oo nga tama ka... Pero naku Eros, ayos ka lang ba? Masakit ba?"
"Hindi, ayos lang ako." hinila na ni Eros ang kamay niya mula sa hawak ni Eris.
"Magdayo!" nabigla sina Eris at Eros nang biglang pumasok na yung teacher nila sa classroom nila at tinawag agad
agad si Eros.
"Halika dito!" napaka-stern ng tingin ng teacher nila kay Eros. Nagtataka tuloy sina Eris at Eros kung anong meron.
Tumayo naman si Eros at pumunta sa may teacher nila.
Biglang inangat ng teacher niya ang isang papel sa harapan niya.
"WHAT IS THIS EROS MAGDAYO?!!!"
Lumayo ng konti si Eros para makita kung anong meron dun sa papel at nanlaki ang mga mata niya at inagaw ang
papel sa kamay ng teacher niya.
"WOAHHHH! 98 AKO SA QUIZ?! Woah! Eris, look at this!" excited na lumingon siya kay Eris at tinawag ito,
lumapit naman si Eris at tinignan yung quiz paper ni Eros at nanlaki din ang mga mata nito.
Hindi sila makapaniwala!
"Eros! OHMYGULAY! 98 ka sa quiz? Grabe! Grabe! I can't believe it! Akalain mo yun kahit saglit lang tayo
nagreview nakuha mo agad! Kyaaaa! Ang galing galing mo Eros!" panay ang hampas ni Eris sa balikat ni Eros
dahil sa tuwa.
"Ehem," naputol ang excitement nila nang inagaw ng teacher nila ang papel at seryosong tinignan si Eros, "Kanino
ka nangopya, Magdayo?"
Parang sinuntok si Eros dun sa tanong ng teacher niya.
Nagaral siya para sa quiz na iyon at sinagutan niya iyon honestly pero ito siya ngayon, nakakuha nga ng 98 bilang
score for the first time in his life... tapos bigla bigla siyang pagduduhan?
Tinapatan niya ang intensity ng tingin ng teacher niya sa kanya, "Sir, gago man ako at isang patapon, gusto ko
PO sabihin sa'yo na kaya ko din mag-aral at hindi ako nangopya. I deserve that score and you don't deserve
to be a teacher."
ITUTULOY
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento