"H-hello!" kinakabahan si Gazelle kasi hindi naman niya kilala ang tatlong nilalang sa harapan niya. Tapos si
Eros pa na badboy ng campus ang nag-invite sa kanyang sumama. Natatakot naman siyang tanggihan ito baka
kasi mamaya mabugbog siya. Marami siyang naririnig na masasamang storya tungkol kay Eros kaya sobrang
kinakabahan siya. >_<
"Ako si Eris," inabot ni Eris ang kamay niya kay Gazelle, "Nice to meet you Gazelle!" ^__^
"Wow, Eris? Parang magkapangalan kayo ni E-Eros..." nabubulol siya sa pagpo-pronounce ng name ni Eros kasi
kinakabahan talaga siya, ayaw niyang gumawa ng isang bagay na magpapa-displease sa bad boy na nasa harapan
niya.
"Napansin mo? Ang cute nuh?"
"Tss. Anong cute dun, nakakairita nga." saad naman ni Eros.
Binehlatan lang ni Eris si Eros at hinila naman niya si Yohanne sa may braso nito papunta sa harapan ni Gazelle,
"Ah, Gazelle! Ito nga pala si Yohanne, math genius ng klase namin. He wants to be your friend then
girlfriend!"
"Ha? G-girlfriend?" O_________O
Nanlaki ang mga mata ni Gazelle pati na rin ni Yohanne.
Mula sa likod ay tinakpan ng kanang kamay ni Eros ang bibig ni Eris, "Ah, she meant girlfriend as in babaeng
kaibigan."
Tumango tango si Eris habang nakatakip pa rin ang bibig. Nadala lang kasi siya ng excitement niya kaya nadulas
tuloy siya sa pagsasabi nun.
"Oh..." yun lang nasabi ni Gazelle and she smiled shyly at them.
"Tara na sa 7eleven." sambit ni Eros.
"Tama tama!" tinanggal na ni Eris ang kamay ni Eros sa bibig niya, "Tara na! Nagugutom na meeee! Libre mo
ako Eros! Gusto ko ng burger saka slurpee!"
"Aba may taga libre ka? Tsss!"
Dumiretso na sila sa may 7eleven at bumili ng meryenda at umupo sa may isang gilid ng store at nagusap usap dun.
Pinakamadaldal sa kanila ay si Eris, kung anu ano ang tinatanong na halos naiirita na nga si Eros sa kadaldalan nito.
"Gazelle, Gazelle, may crush ka ba?" pangungulit ni Eris. Nakuha ng tanong na ito ang atensyon ni Yohanne.
"Ha? Crush? Umm... Yeah, meron."
"SINO?" napalingon naman silang tatlo sa biglang paghampas ni Yohanne sa may table, napaupo naman agad siya
na medyo namumula, "I... I mean, sino crush mo?"
"Umm," nakarecover naman agad si Gazelle sa pagkabigla, "Marami akong crush... yung mga cute guys sa
campus tapos mga paborito kong artista at singers. Physical crushes lang."
"Ahh..." nakahinga naman ng maluwag si Yohanne nang marinig iyon, buti na lang physical crush lang, nothing
serious.
"Ikaw Yohanne, sino ang crush mo?" nakangiti at inosenteng tanong ni Gazelle.
Namula naman si Yohanne at hindi makasagot.
"Ako, ako!" tinaas ni Eris ang kamay niya, "Alam ko! Alam ko!"
Mula sa ilalim ng table ay inapakan ni Eros ang paa ni Eris at napa-aray ito.
"Aray bakit mo inapakan ang paa ko Ero-ero!" >__<
"Ah, paa pala yun? Akala ko ipis eh. Saka hindi ikaw ang tinatanong, wag kang epal."
Nagpout lang si Eris, "Eh gusto ko din sumagot ee." >___<
"Tss. Halika nga!" tumayo si Eros at hinila si Eris sa may braso nito para tumayo.
"H-ha? Bakit? Teka, teka, yung slurpee ko! Teka wait, ano ba uy!" hinila na ni Eros palabas ng 7eleven si Eris.
"Babalik kami, saglit lang." saad ni Eros at lumabas na sila ni Eris.
"Aray, bakit mo ba ako hinila bigla bigla." >_< sabi ni Eris pagkabitaw ni Eros sa may braso niya nung marating
na nila ang labas ng 7eleven.
"Tss! Obvious ba? Nakakainis ka na eh. Ang ingay mo, ang daldal mo. Nakakalimutan mo na ba, para kayna
Yohanne at Gazelle ang meet up na ito? Paano sila magkakakilala ng husto kung bawat usapan sabat ka ng
sabat. Saka wag mo ngang ilaglag ng ganun si Yohanne!"
"Ha? Ilaglag?"
"Oo, ilaglag! Yung binubuking mo agad kay Gazelle na may pagtingin sa kanya si Yohanne!"
"Bakit, hindi ko ba pwedeng sabihin na may crush si Yohanne sa kanya?" nagtatakang tanong ni Eris.
"Ang eng eng mo! Oo, hindi mo pwedeng sabihin agad agad! Magfe-freak out si Gazelle kay Yohanne at baka
layuan at iwasan niya ito, mission failed na agad tayong mga cupid nila!"
Napangiti ng malawak si Eris at tinusok tusok ang tagiliran ni Eros gamit ang hintuturo niya, "Ayeeeee! Ayeeee!"
"Oy aray, ano ba! Bakit mo ba ako tinutusok! Itigil mo nga iyan! Oy ano ba!"
"Ayeeeeeee! You said and admitted it! Cupid ka na rin nila! Isa ka ng Cupid! At mukhang sineseryoso mo ang
pagiging cupid mo aa! Ayeeeeeeeeee!"
( ~"w")~~>(=__= #)
"Ewan ko sayo," biglang tumalikod si Eros kay Eris at napahawak sa may batok niya na parang nahihiya, "Masama
bang magtry tumulong sa kapwa."
Hindi inaasahan ni Eris yung mga salitang lumabas sa bibig ni Eros at bigla siyang napangiti, "Eros, alam mo ba
simula kahapon andami ng nadagdag sa necklace? 70% na yung necklace."
Nanlaki mga mata ni Eros at napalingon agad kay Eris, "70%?! Seryoso?!" O__O
Tumango tango si Eris, "Yeap!" ^___^
"Fvck I cant believe it!"
Sumimangot bigla si Eris, "Minus 1%, nagmura ka kasi." =__=
"Ohfuc--chicken! I forgot!" =__=
"Ohwell, atleast mabilis ang improvements mo Eros! I'm so happy!" ^___^
Biglang umakbay si Eros kay Eris, medyo napayuko si Eris sa bigat ni Eros at nainis siya ng ginulo ni Eros ang buhok
niya.
"Eeeeee! Eros, yung buhok ko!!! Nagugulo!"
"Okay lang yan, magulo man o maayos, panget ka pa din!" hindi man nakikita ni Eris ang mukha ni Eros pero
rinig niya sa boses nito na nakangiti ito kaya naman napangiti rin siya.
"Tara na nga annoying angel, uwi na tayo!"
"Ha? Uwi na? Eh paano sila?" inangat na niya ang sarili niya mula sa pagkakayuko pero hindi pa rin tinatanggal ni
Eros ang pagkakaakbay nito sa kanya.
"Marunong ka ba talagang maging cupid o ano? Iiwan natin sila para magkakilala sila. Istorbo lang tayo pag
andun tayo. Tara, uwi na tayo!"
"Wait, yung burger ko at slurpee ko andun pa!" >__<
"Mukha ka talagang pagkain!" =____________=
"Oh sige na nga, tara na." pagpa-pout ni Eris.
Naglakad na sila pauwi habang nakaakbay pa rin si Eros sa kanya.
***
Sa kabilang banda naman habang naiwan sina Yohanne at Gazelle sa loob ng 7eleven.
Walang umiimik sa kanila, it was awkward for the two of them. Parehas silang nahihiya sa isa't isa. Si Eris lang kasi
halos ang umiimik ng umiimik sa kanilang apat at siya lang yung dahilan kaya nawawala yung awkwardness pero
dahil nga sa wala ito ngayon ay sobrang tahimik ng atmosphere.
"Ang tagal naman nila ano?" nahihiyang sabi ni Gazelle.
"O-oo nga eh..." nabubulol si Yohanne.
"Do you have problem with speaking? Nauutal ka kasi palagi eh..." napansin ni Gazelle.
"H-ha? H-hindi, a-ano... ninerbyos lang kasi ako..."
"Ah... Ako din ee, ninenerbyos ako, hindi kasi ako sanay na lumalabas kasama yung mga taong hindi ko
kilala... Pero medyo nabawasan na yung nerbyos ko kasi kahit papaano kilala ko na kayo at mukhang
mababait naman talaga kayo pati na rin si Eros..." nakangiting saad ni Gazelle, "Akala ko bad guy siya, yun
kasi bali-balita pero sa tingin ko chismis lang siguro yun... Siguro dahil sa itsura at pananamit niya kaya
nasasabihan siya ng mga tao ng masasamang bagay tulad ng nangbubugbog daw siya pero kanina lang
mukhang hindi totoo yung mga bali balitang yun... Mukha nga siyang mabait eh..."
"Ah si Eros? Tunay yung mga balita, bad boy nga siya at nambubugbog... Actually takot ang buong klase
namin sa kanya kahit ako na rin, wala kasi siyang patawad sa mga binubugbog niya pero... weird eh, parang
nagbabago na siya..."
"Nagbabago?"
"Oo... dati hindi siya napasok ng school pero ngayon lagi na siyang napasok... tapos parang bumait na yung
pakikitungo niya... basta ang hirap i-explain pero pakiramdam ko nagbabago na siya for the good... simula
nung nag-appear yung si Eris..."
"Nag-appear?"
"Hindi naman kasi taga school natin si Eris... lagi lang siyang kasama ni Eros."
"Oh, laging kasama? Sila ba?"
Umiling lang si Yohanne, "I have no idea."
"Ganun ba... Hmmm..."
Dun na ulit nagtapos ang usapan nila at tumahimik na muli. Awkward nanaman.
After some minutes...
"Ang tagal nila..." sobrang naiilang na si Gazelle sa katahimikan na namamagitan sa kanila ni Yohanne.
"Oo nga eh..."
*bzzt! bzzt!*
Naramdaman ni Yohanne na nagvibrate yung phone niya at chineck ito.
1 msg received
From Eros. Nag-exchange na kasi sila ng numbers kanina. Di nga siya makapaniwala na magkaka-exchange sila ng
numbers ng isang basagulerong kaklase niya na noo'y hindi niya pinagtutuusan ng pansin at kahit kelan hindi niya
binalak makasalimuha.
From: Eros Magdayo
Eros 'to. Umalis na kami. Solo mo na siya, make a move.
Wag kang bading, pakalalake ka.
Kinabahan naman siya, iniwan talaga sila nina Eris at Eros? Hindi siya makapaniwala, mag-isa na lang siyang
kasama si Gazelle, ang babaeng noon ay hanggang tingin lang siya pero ito ngayon nasa harap na niya at
nakakausap. Anong gagawin niya? Nagpapanic tuloy siya.
Sabi ni Eros wag daw siyang bading pero nababading na talaga siya sa kaba. Hindi niya alam kung anong gagawin
para mapalapit kay Gazelle ng hindi siya magmumukhang creepy, weird or ewan sa harap ng babaeng gusto niya.
"A-ah, G-gazelle... Umalis na daw sila..."
"Ha? Sino? Sina Eros at Eris?"
"Oo daw ee..."
"Bakit daw?"
Nagpanic ulit si Yohanne... Ano sasabihin niya? Na umalis sila para masolo silang dalwa? Obviously he can't say
that. Ang tali talino niya sa Math pero hindi niya magamit ang utak niya ngayon para magisip ng simpleng palusot.
Pagkaharap na niya yung babaeng gusto niya, nakakalimutan niya ng may utak siya, puso na lang ang naaalala
niyang gamitin.
"A-ano... e-ewan... W-walang sinabi eh... Basta ang sabi, aalis na daw sila..."
"Aww, ganun ba? Baka siguro may importanteng gagawin."
"Ah, oo. B-baka nga." napakamot na lang si Yohanne. Hindi niya magawang kumalma.
"Kwentuhan mo naman ako ng tungkol kay Eros..."
"Ha?" nabigla siya sa tanong na iyon.
Nagblush si Gazelle at mahinang sinabi kay Yohanne, "Ewan ko ba pero nung una natatakot ako sa kanya
dahil sa bali balitang bad guy siya pero nung mas nakilala ko pa siya kanina feeling ko mabait naman talaga
siyang tao tapos... napagtanto ko habang pinagmamasdan ko siya ay... ang cute cute niya pala."
Hindi makapagsalita si Yohanne, parang nahirapan siyang i-process sa utak niya yung sinasabi ni Gazelle.
"Secret lang natin ito ha, Yohanne?" pinatong ni Gazelle ang braso niya sa may table at lumapit sa may tenga ni
Yohanne at bumulong.
"Sa tingin ko kasi crush ko na si Eros, he's so cute kasi."
ITUTULOY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento