Dahan dahan bumitaw si Eros sa may balikat ni Eris, isa-isang nagpe-play back sa isipan niya lahat nang nangyari...
"I killed you..." nanlalaki ang mga mata ni Eros at dahan dahan siyang tumatayo at lumalayo kay Eris.
"Hindi Eros, hindi ikaw ang pumatay sakin..." tumayo na rin si Eris at sinusubukan nyang lapitan si Eros pero bawat
hakbang niya palapit dito ay pahakbang naman ito patalikod.
"Pero kung hindi dahil sakin hindi ka mamamatay... kung hindi mo ako sinundan... kung hindi kita pinabayaan..."
"Eros... may sasabihin ako sayo..." pilit pa ring lumalapit si Eris kay Eros pero nung maaabot at mahawakan niya na
sa kamay si Eros ay biglang dumulas ang kamay ni Eros sa kamay niya hanggang sa naghiwalay ang mga kamay
nila at tumakbo palayo si Eros sa kanya. Pilit niyang tinatawag si Eros pero hindi man lang ito lumingon.
*** "Class president, wag na nating isali si Eros sa play, pampagulo lang siya, ni ayaw ngang makipagcooperate
satin. Nandun siya sa may ilalim ng puno ng mangga sa may malapit sa gym at natutulog sa oras ng practice natin!
Bakit sya pa ang lead guy sa play natin?"
"Konting pasensya lang guys, makikipagcooperate rin siya satin. Magtiwala lang tayo sa kanya."
"Eris! Ubos na pasensya namin para sa kanya! Nilagay natin siya sa lead role para mapataas ang grade niya at
maka-graduate siya sa kabila ng failing grades niya pero kung mukhang wala naman siyang pakelam pabayaan na
din lang natin siyang mag-repeat!"
"Pero..."
***
Takbo ng takbo si Eros, naiinis siya kasi patuloy na nagpe-play sa isipan niya ang nakaraan... Kamakailan lang halos
wala siyang matandaan pero parang sa isang mahiwagang pangyayari tuloy tuloy ang agos ng mga pangyayari sa
kanyang isipan. Sa pagkakataong ito sobrang linaw ng lahat, para bang may nagbukas na pinto ng "nakaraan" para
sa kanya at nakapasok siya dun at napapanuod ang bawat pangyayari.
*** "Eros..." natutulog siya nun sa may ilalim ng puno ng manga nararamdaman niyang may pumipindot ng pisngi
niya kaya napapabaling ang ulo niya at pinapaalis niya na parang langaw ang kamay na umiistorbo sa pagtulog niya,
"Eros... yuhuuuu... gising."
"Ano ba, natutulog ang tao wag kang istorbo..." nakapikit pa rin nitong sabi.
"Haaaaay," narinig niyang nagbuntong hininga ang nangiistorbo sa kanya, "1, 2, 3."
Nagtataka siya kung bakit nagbibilang ito pero pagdating ng "3" ay napamulat na lang siya bigla bigla dahil bigla
siyang sinagawan ng sobrang lakas sa tenga, "Gisinggggggggggggggggg!!!"
"Aray! Oy! Ano ka ba ha!" inis na sabi niya habang nakatakip sa tengang nasigawan.
Nakangiti lang sa kanya yung class president nila, "Tara na Eros. Hinihintay ka namin." :)
***
"AAAAAAAAHHHHH!!!" ginulo ni Eros ang buhok niya habang tumatakbo pa rin, inis na inis siya. Gusto niyang
tanggalin sa isipan niya ang mga alaalang nagfa-flashback sa kanyang isip lalong lalo na yung mga ngiti ni Eris...
Para kasi sa kanya yung mga ngiting yun ang nagpatibok ng husto ng puso niya, noon kasi si Eris lang ang nagtyaga
sa kanyang ugali at ito lamang ang nagagawang ngitian siya bukod sa ate Risa niya.
"AHHH!!!" katatakbo ni Eros nakarating siya sa may lumang tambayan niya, sa isang abandoned na lumang building,
pagkapunta niya dun nagsimula siyang manira ng mga gamit, lahat ng madampot niya hinahampas niya sa kung
saan.
"OY EROS!!!" andun din pala yung mga dati niyang kasamahan na sa pagdating ni Eros ay nabigla silang lahat sa
pagwawala nito, "OY ANONG GINAGAWA MO EROS? BAKIT KA NAGWAWALA DYAN?"
"AHHHHHH!!! AHHHH!!" parang walang naririnig si Eros at patuloy lang siya sa paghahampas ng mga gamit.
"HOY! NABABALIW KA NA BA? TUMIGIL KA DYAN!" nilapitan na siya ng ilan doon pero pagkalapit ng isa sa kanya
ay sinuntok niya iyon sa inis.
"AHHH!!!"
"TAENANG---!!! BAKIT MO AKO SINUNTOK?!" reklamo nung isa na napaluhod.
Pero tatayo pa lang sana ito nang bigla siyang dambahan ni Eros at hinigit sa kwelyo at patuloy na pinagsusuntok sa
mukha ng walang humpay habang sumisigaw at naglalabas ng inis, "AHHH!!! AHHH!!"
"Hoy Eros! Hoy! Tama na yan! Hoy ano ba problema mo!" pilit siyang inaawat ng mga lalaki dun.
"AHHH! BITAWAN NIYO AKO!" pilit kumakalas si Eros sa mga umaawat sa kanya to the point na sinuntok niya ang
isa dun at hindi pa siya nakuntento dun lahat ng lumalapit sa kanya ay sinusuntok niya.
"NAKAKAASAR KA NA HA! GUSTO ATA NG GULO NG BATANG ITO EH!" sigaw ng isa sa mga lalaki, "BUGBUGIN
NA NGA NATIN ITO!"
Pagkasabi nun sinimulan na rin siyang pagsusuntukin ng mga lalaki dun, nakikipagbugbugan siya sa mga iyon.
Lima rin ang kalaban niya pero hindi siya nagpapaawat dahil gusto niyang maaalis sa isipan niya lahat ng mga
gumugulong alaala sa kanyang isipan.
*** "Ayoko ngang mag-practice!" sabay talikod ni Eros kay Eris.
"Pero Eros... hinihintay ka namin. Kung wala ka, hindi kami makakapagpatuloy sa pagpa-practice."
"Edi maghanap kayo ng ibang gaganap sa lead role. Tinatamad ako!"
"Pero Eros... kelangan ikaw ang gumanap sa lead role, this is a chance for you para makapasa ka, para makagraduate
ka kasama namin!"
"Ano ba ang kulit mo!" sabay tinulak niya si Eris.
Araw araw halos ganto ang eksena sa kanilang dalwa, kahit saan siya magpunta hinahabol habol siya ni Eris na
parang buntot na niya. Kahit ilang beses niyang itaboy ito ay paulit ulit lamang siyang babalik balikan ni Eris para
kulitin na magpractice kasama nila. Sobrang persistent ni Eris.
Isang araw pagkatapos ng klase nila ay bumalik siya ng classroom para kunin yung saklob niya na naiwan niya pero
bubuksan pa lang sana niya yung pinto ng classroom nila nang marinig niyang nabanggit mula sa loob ang pangalan
niya.
"WALA NAMANG KWENTA YANG SI EROS! Ni hindi nakikipagcooperate, ayaw magpractice, wala naman ata
siyang pakelam kung bumagsak siya at hindi maka-graduate eh! Wala ng pag-asa yung isang iyon! Pabayaan na
lang natin siya class president! Wag na lang natin siyang isali sa play natin para sa final exam!" narinig niya pa ang
pagsangayon ng ilan sa nagsalita.
Totoong maaari siyang hindi maka-graduate dahil andami niya ng absent, medyo tamad kasi siyang pumasok pero
hindi pa naman siya ganoong karebelde noon yun nga lang talaga wala siyang ganang mag-aral, the only chance
na makabawi siya sa lahat ng absent niya ay pumasok palagi sa natitirang school days at ang makakuha ng mataas
na grade sa play na gagawin nila para sa final exam nila kaya nga sa kanya binigay ng class president nila na si Eris
ang lead role. Pero sadyang wala siyang ganang sumali sa play o makisalimuha sa mga classmate niyang ayaw rin
naman sa kanya.
"Oo nga, pabayaan na lang natin siyang magrepeat! Wala naman akong pakelam kung maka-graduate siya o hindi!"
Hindi na lang sana siya papasok sa classroom at aalis na sana kaso napatigil siya nang marinig nyang magsalita si
Eris.
"Pero guys! Wag naman kayong ganyan kay Eros! Bigyan niyo pa siya ng konting chance, konting time pa... I know
makiki-cooperate din siya. Ayaw kong grumaduate tayong lahat tapos siya maiiwan, gusto ko lahat tayo sabay sabay
ga-graduate. We're a class, a family... and he's a part of this family. Kaya guys naman oh..."
Hindi malaman ni Eros kung bakit pakiramdam niya ay naantig siya sa sinabi ni Eris.
"Tss! Eris, ewan ko ba kung mabait ka lang talaga or baliw ka na! Hindi ba ilang beses ka na niyang sinigawan,
tinulak at hindi pinansin sa tuwing pinipilit mo siyang magpractice? Bakit hanggang ngayon umaasa ka pa rin dun sa
walang kwentang yun na magbago? Naniniwala ka talagang may pag-asa pa yun? Tss!"
"Oo naman, I believe in him." :)
Hindi na tinapos pa ni Eros ang pakikinig at naglakad na siya palayo ng classroom.
The next day ganun ulit ang scene sa kanilang dalwa. Recess time nila yun at naka-ubob lang si Eros sa desk niya
sa may dulo ng classroom nang biglang may naramdaman siyang kumulbit sa kanya sa braso niya.
"Eros..."
"Ano ba..." naiinis niyang sabi na hindi man lang inaangat ang ulo niya, alam niyang si Eris nanaman yun at may
balak mangulit na sumali siya sa practice.
"Eros... uy... mamayang pagkatapos ng klase, may practice tayo ng play hanggang 6pm okay? Attend ka ha,
hihintayin ka namin."
"Tss. Namin daw," naalala niya yung mga masasamang bagay na sinabi sa kanya ng classmates niya kahapon
nung nasa may pinto siya, "Hindi nila ako hinihintay, actually ayaw naman nilang sumali ako sa practice kaya bakit
kelangan ko pang um-attend. Kung gusto niyong paltan ako sa lead role edi paltan niyo."
"Eros... hindi ganun yun, hinihintay ka talaga namin."
"Wag mo nga akong gaguhin, narinig ko kayo kahapon. Ayaw niyo sakin, end of story. Umalis ka nga nga natutulog
ako." sabi niya na hindi pa rin inaangat ang ulo.
"Haaay," narinig niyang nagbuntong hininga ito, "O sige, sabihin na natin ayaw nga nila sayo pero ako Eros... I want
you to take part sa play. Hinihintay kita."
Napatigil saglit si Eros at napaangat ng ulo, "Bakit mo ako hinihintay? Ilang beses na ba kitang tinulak, sinigawan at
hindi pinansin? Hindi mo ba ma-gets ang gusto kong iparating sayo? Wala ka namang mapapala, hindi ako sasali
dyan sa practice niyo."
Nakaupo si Eris sa may upuan sa harapan niya at nakaharap ito sa kanya, "Maghihintay pa rin ako mamayang
pagkatapos ng klase. Attend ka ha? Malulungkot ako pag hindi."
"Tss! Langaw ka ba? Kahit ipagtabuyan ka na, lapit ka pa rin ng lapit!"
Ngumiti lang si Eris sa kanya, "Kung tingin mo isa akong langaw, edi langaw ako para sayo. Basta tandaan mo,
maghihintay talaga ako sayo." :)
Tumayo na si Eris at nakangiting nagpaalam sa kanya. Naiwan na lang siya dun na parang namesmerized siya sa
mga ngiting iniwan sa kanya ni Eris.
"Baliw na babae." napailing si Eros at hindi niya namalayan na sa pagubob niya muli sa desk niya ay napangiti na
lang din siya, "Pero sweet."
Minsan yung isang simpleng kabutihan sa kapwa ay napakalaking bagay. Hindi mo alam na sa bawat ngiti mo ay
may naliligtas kang tao. At ganun ang nangyari kay Eros, dahil kay Eris tuluyan siyang nagbago.
"TAMA NA ERIS! Hindi na yun aattend ng practice! See? Pagkabell na pagka-bell pa lamang, umalis na agad! Hindi
na babalik yun! Wag ka ngang parang baliw na umaasang makiki-cooperate satin yun! Pabayaan mo na lang yun!
Mabuti pa magpalit na lang tayo ng lead, ilang linggo na lang before the presentation pero konti pa lang din ang
napapa-practice natin! C'mon class president!" reklamo na ng mga kaklase nila habang nagiintay sila para kay Eros
nung pagkatapos ng klase.
"Pero..." nadismaya talaga ng husto si Eris, araw araw umaasa siyang susulpot si Eros at makakasama na nila itong
magpractice pero kahit sa araw na yun hindi man lang ito um-attend.
"SINONG MAY SABING HINDI AKO A-ATTEND? Nagbanyo lang ako saglit! Tss!"
"EROS!!!" nabigla ang lahat at napalingon sa may pinto ng classroom nang biglang dumating si Eros, higit sa lahat
natuwa ng sobra si Eris nang makita siya kaya agad agad itong lumapit sa kanya at nabigla na lamang siya nang
yakapin siya nito, "I knew it, alam ko dadating ka din."
Hindi mapakali si Eros sa yakap ni Eris kasi pinapanuod sila ng buong klase, halos namumulang ewan si Eros kaya
inalis niya si Eris, "A-ano ba! M-manyak nito! Tara na ngang magpractice!" (-///-)
Ngumiti si Eris at hinawakan ang kamay niya at hinila siya palapit sa buong klase, "Tara Eros." :)
***
"AHHHH!!!" bugbog sarado na halos si Eros, punong puno na nga ng dugo ang damit niya pero kahit ilang beses na
siyang natutumba panay pa rin ang tayo niya at walang humpay pa rin siyang nakikipagsuntukan.
Naaalala niya kung paanong nagsimulang magbago ang pananaw niya sa buhay simula nang nagparticipate
siya sa practice na iyon... at naaalala niya kung paano natutong tumibok para sa isang babae sa kauna unahang
pagkakataon ang puso niya.
*** "Pwew! Nakakapagod din magpractice diba Eros?" nagiinat ng kamay na sabi ni Eris habang nililigpit na nila yung
mga gamit nila, sila na lang yung natitira sa classroom kasi 7pm na sila natapos ng practice at nagprisinta si Eris na
magligpit ng mga kalat nila at ganun ni rin si Eros, nagpaiwan na rin siya para matulungan si Eris.
"Oo nga eh, pero enjoy." kahit medyo masungit pa rin si Eros nun ay kahit papaano ay mga mga pagbabagong
naganap sa kanya pagtagal, nakakahalubilo na niya ng matino ang mga kaklase niya, nagagawa na niya ang mga
lines niya sa play nila at higit sa lahat napalapit na siya ng husto kay Eris.
Pakiramdam niya isa siyang metal at si Eris naman ay isang magnet, hindi niya mapigilang hindi ma-attract dito. He
wants to see her smile every hour, he wants to hear her voice everyday, he wants to be by her side everytime.
"Haay nako! Pag uwi ko, kakain agad ako! Ang sarap kumain pag gantong gutom! Hehe! Diba Eros?" nagtaka si Eris
kasi naghihintay siya ng reply kay Eros pero nakatingin lang ito sa kanya kaya winave niya yung mga kamay niya sa
harapan ni Eros, "Yuhuuuu Eros, bakit ka natutulala dyan? Yuhu---"
Nabigla siya kasi pagbaba niya ng kamay niya biglang lumapit si Eros sa kanya at dinampi ang labi nito sa labi niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa nangyari at kahit nung dahang dahang nilayo ni Eros ang mukha nito sa kanya ay
nanlalaki pa rin ang mga mata niya at parang nabato na siya sa kanyang pwesto.
(Now Playing: Tonight by FM Static)
"I remember the times we spent together on those drives
We had a million questions all about our lives
And when we got to New York, everything felt right
I wish you were here with me tonight"
"A-ah eh... S-sorry... ang ganda mo kasi, hindi ko napigilan ang sarili ko..."
Napahawak si Eris sa may labi niya tapos napatingin kay Eros, tinry niyang ibuka ang bibig niya para magsalita pero
sinara niya ulit. Hindi niya magawang magsalita sa pagkabigla.
"Ah eh sorry talaga! Sorry! Galit ka ba?" natataranta tuloy si Eros sa ginawa niya.
"T-that was my first kiss..." naibulalas na lamang ni Eris na hindi pa rin makarecover sa bigla.
"Ahh!" nagulo ni Eros ang buhok niya at napayuko, "Sorry Eris... nagandahan kasi talaga ako sayo... hindi ko
napigilan ang sarili ko na halikan ka... Kung gusto mo suntukin mo ako kung naiinis ka sakin, sorry talaga."
"H-ha? Hindi! Hindi kita susuntukin! Pero Eros... sabi sakin ng tatay ko... dapat ang hahalikan mo lang daw ay
yung taong mahal mo at wala ng iba... kasi ang halik daw ay isang importanteng bagay, isa itong simbolo ng
pagmamahal... hindi mo dapat hinahalikan ang isang tao dahil nagandahan ka lang..."
"Ayan ka nanaman, nanenermon ka nanaman," napapakamot na sabi ni Eros tapos nagbuntong hininga siya, "Mahal
naman kita eh."
Pagkasabi niya nun lumapit uli siya kay Eris at dinamping muli ang mga labi niya sa labi nito, "Nagagandahan ako
sayo kaya kita hinalkan. At nagagandahan ako sayo kasi mahal kita."
Natulala na lang talaga si Eris.
"Hindi ako marunong, pero I'll try my best... pwede bang manligaw?"
"Ehhhh? Ano ka ba! Nauna mo pa akong halikan kesa manligaw!" >__<
Namumulang natawa ng mahina si Eros, "Hehe... Sorry."
"Wag kang mag-sorry, actually masaya ako... Oo naman, pwede kang manligaw."
***
"TSSS! Basurang tao lakas ng loob pumunta dito para lang manggulo! Iwan na nga natin yan! Baka mapatay pa natin
yan!" sinipa pa siya sa huling pagkakataon nung mga lalaking inaway niya bago siya iwan tuluyan ng mga yun.
Nakahiga na lamang siya sa may malamig na semento at punong puno ng sugat at dugo, hindi na siya makatayo
dahil sobrang nanghihina na siya. Umiiyak siya, yung mga magagandang alaala hindi niya aakalain na magiging
dahilan ng pagbagsak ng mga luha niya.
"I remember the days we spent together were not enough
And it used to feel like dreamin' except we always woke up
Never thought not having you here now, would hurt so much" ~..
Habang nakahiga siya sa malamig na semento, narerealise niya kung anong inaksaya niya, kung ano yung
pinakawalan niya at kung anong pinatay niya --- ang kasiyahan niya, ang buhay niya.
"Eris... sorry..." mahina at umiiyak na sabi niya habang nakahiga at nadedesperado.
*** "Wow! Kayo na pala!" hindi makapaniwala ang buong klase na naging mag-boyfriend at girlfriend sina Eris at
Eros. Saglit lang nanligaw si Eros, mga limang araw lang pero sabi ni Eris sapat na daw yun, alam naman niyang
sincere si Eros atsaka isa pa hindi naman mababatayan ang nararamdaman ng tao sa tagal ng panliligaw nito.
Atsaka isa pa, inamin na rin naman niya sa sarili niya na noon pa'y may pagtingin din siya kay Eros.
"Oo kami na, bakit may angal?!"
"Eros naman! Ang angas mo nanaman," pabirong siniko ni Eris si Eros na noo'y nakaakbay sa kanya.
"Hehe, joke lang. Good boy na po ako, prinsesa." 0:)
"Eeewwww prinsesa! Corny niyo guys ha!" pangaasar ng isa nilang kaklase.
"Uupakan kita! Grrr!" pabiro namang sabi ni Eros, good boy na talaga siya nun dahil gusto niya talagang magbago.
He loved every moment with Eris, she was his happiness. Kahit kelan hindi pumasok sa isipan niya na maaaring
isang araw matapos yung mga kasiyahang nararamdaman niya, akala niya habambuhay na siyang masaya pero
minsan talaga pag sobrang saya ka na saka dadating yung mga bagay na hihila sayo pababa at wawasak ng
kasiyahan mo.
"Gusto ka nga palang ma-meet ng parents ko, Eros. Nakwento kasi kita sa kanila. Pwede ka ba this Saturday?" :)
"Talaga? Oo naman, hala ano dapat kong isuot? Tuxedo ba? Magne-necktie ba ako?"
"Haha! Ang OA mo, yung normal clothes lang nuh! You don't need to prepare much, magdi-dinner lang naman tayo
sa bahay namin!"
"Pero kahit na dapat mukha akong tao pag nameet ko parents mo!"
"Haha! Bakit hindi ka ba mukhang tao? Haha! Ikaw talaga! Pero don't worry mabait naman ang parents ko. Lalo na
yung mommy ko, sobrang bait niya sakin kasi kahit hindi ko siya tunay na mommy, pinaparamdam niya pa rin sakin
na parang tunay na anak niya ako."
"Eh? Hindi mo tunay na mommy?"
"Ah hindi ko pa pala nakekwento sayo, namatay yung real mom ko nung pinanganak ako pero di rin naman nagtagal
my dad met my new mom." :)
"Ahh..."
***
"Ano bang klaseng buhay ito! Bakit kasi siya pa! Bakit kasi walang kwenta ang nagpanganak sakin!" dire-diretso
lang ang iyak ni Eros habang nakahiga, bawat alaala ay tumutusok sa puso niya. At nung marating ng alaala niya
ang "gabing" iyon, lumakas ang iyak niya, yung gabing iyon kasi yung gabing namatay si Eris ng dahil sa kanya.
*** "Pasok hijo," dumating na yung gabing ipapakilala siya ni Eris sa parents nito. Pinapasok siya sa may sala ng
bahay at pinaupo dun, "Wait lang ha, tatawagin ko lang ang misis ko. Nasa kusina kasi eh."
"Sige po,"
"Ayan makikilala mo si Mommy Mylene," excited na sabi ni Eris pagkaupo nila sa sofa.
"Mylene?"
"Yup, yun ang name niya. Bakit?"
"Ahh wala," pero ang totoo may naaalala siya sa pangalan na iyon.
"Eris, anak. Asan yung iyong boyfriend? Gusto ko siyang makilala." :)
"Ikaw..." napatayo bigla si Eros nang makita niya ang tinutukoy ni Eris na Mommy "Mylene".
"Ikaw ba ang boyfriend ni Eris? Nice to meet you hijo," lumapit sa kanya ang mommy ni Eris at inabot ang kamay
nito pero imbis na tanggapin niya iyon ay tinulak niya lang ito na kinabigla nina Eris.
"E-eros? Anong problema?" nagtatakang tanong ni Eris.
Hindi pinansin ni Eros si Eris at galit na galit na tinignan ang babaeng tinuturing na nanay ni Eris, ang babaeng
umabandona sa kanya nung sanggol pa lamang siya, ang tunay niyang ina.
Alam niya kung anong itsura nito dahil meron siyang picture nito at ang sabi rin sa kanya ng mga um-adopt sa kanya
ay Mylene ang pangalan ng nanay niya.
"IKAW! Paano mo nagawa yun?! Wala kang kwenta!"
"H-ha? H-hijo anong sinasabi mo?" nabibigla si Mylene sa mga sinasabi niya.
"Hindi mo ako naaalala? Hah! Syempre, paano mo ako maaalala kung pagkapanganak mo pa lang sakin tinapon
mo na agad ako?" kinuha ni Eros yung wallet niya sa bulsa ng pantalon niya at inilabas yung picture ng nanay niya
at hinagis sa babaeng nasa harapan niya, "AYAN! INIWAN MO YAN DUN SA MAY BOX NA PINAGLAGYAN MO
SAKIN! Anong tingin mo sakin, isang kuting para ilagay sa isang box at iwan sa kalsada? Anong klase kang ina?
Pagkatapos mo akong iwan, pumunta ka sa ibang pamilya at imbis na sarili mong anak ang alagaan mo anak ng iba
ang pinalaki mo? Paano mo nagawa yun?!"
"B-bryan anak... ikaw ba yan?" hindi makapaniwala si Mylene.
"HINDI BRYAN ANG PANGALAN KO! EROS ANG PANGALAN KO! At wag mo akong tawaging anak! Tinapon
mo akong parang basura! Bakit pa kita nakitang muli, kinamumuhian kita! Nakakadiri kang tao! Wala kang kwenta!
Mamatay ka na!" tumakbo na siya palabas bago pa siya may magawang hindi kanais nais dahil sa galit niya.
"Eros, wait!" pinigilan siya ni Eris pero tinulak niya lang ito at tumakbo na ng tuluyan.
Galit na galit siya. Noon pa man masama na ang loob niya sa mga magulang niya dahil iniwan lang siya sa isang box
sa kalsada nung sanggol pa lamang siya pero kahit ganun umaasa pa rin siya na sana balang araw makita niya ang
mga magulang niya kaya nga tinago niya pa rin ang picture ng nanay niya. Pero matapos niyang malaman na may
ibang pamilya na pala ito at ibang bata ang inalagaan at pinalaki nito ay nabuhay ang isang matinding galit sa puso
niya, galit na halos nakalimutan na ang pagmamahal niya para kay Eris.
"EROS!!!" naabutan din ni Eris si Eros sa may isang abandonang lugar, nakikipagbugbugan ito sa kung sino sinong
mga lalaking andun, parang may gang fight or something.
"Anong ginagawa mo dito!!!" sigaw ni Eros kay Eris nang makita niya ito, "Umalis ka na dito! Hindi 'to lugar para
sayo!"
"Eros! Galit ka ba? Anong problema? Anong nangyari kanina between you and my mom? Eros! Bakit ka pumunta
dito? Ano bang nangyayari? Diba promise mo hindi ka na makikipagaway? Eros!!!"
Tinulak ni Eros si Eris, "SABI KO SAYO UMALIS KA NA!"
"Pero Eros..."
"BAHALA KA! PAG MAY NANGYARI SAYONG DI MAGANDA DITO BAHALA KA SA BUHAY MO! WALA AKONG
PAKELAM SAYO!"
Iniwan niya na si Eris at patuloy na nakipagbugbugan sa kung sino.
"Oh anong ginagawa ng babae dito?" naririnig ni Eros yun pero hindi niya pinapansin.
"Teka bitawan niyo ako,"
"Tara, alis na tayo dito. Dalhin natin 'to mga pre!"
"H-ha? Bitawan niya ako! Ano ba! Bitawan niyo ako!" naririnig ni Eros ang boses ni Eris pero hindi niya ito
pinapansin, patuloy lang siya sa pakikipagaway.
"Eros tulong!!!" lumingon siya at sa huling pagkakataon nagtama ang mga mata nila at pagkatapos nun nawala na ng
tuluyan si Eris sa paningin niya.
Hindi niya ito sinundan, hindi niya ito tinulungan. Nang dahil sa galit niya, pinabayaan niya ang kaisa-isahang
babaeng minahal niya. Pinabayaan niyang mawala ng tuluyan ang "kasiyahan" niya. Kung hindi niya siguro pinairal
ang galit niya, hindi siya makakarating sa lugar na iyon, hindi siya susundan ni Eris at hindi sana nangyari kay Eris
yun.
Kung sana bago maghiwalay ang mga tingin nila ay hinabol niya ito at niligtas, edi sana hindi siya gigising
kinabukasan sa isang balitang...
"Kung hindi mo sana siya dinala sa lugar na tulad nun hindi sana siya narape at namatay! Kasalanan mo ito
Eros Magdayo! Pinatay mo siya!"
***
"Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up and know the stars are
Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight" ~..
"Eris, I'm sorry..." yun ang huling mga salitang nabigkas niya bago siya tuluyang mawalan ng malay.
ITUTULOY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento