Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE DIED [12]

"Hindi ka ba masaya Eros?" 


"Anong ikasasaya ko? Maging isang cupid? May pacupid cupid ka pa dyang nalalaman, mga pauso mo! 
Isinama mo pa ako sa kalokohan mo!" naglalakad na silang dalawa pauwi. 
"Ayaw mo nun, there's a chance na magkaroon ka ng new friend? At higit sa lahat, math genius pa siya! 
Tamang tama, hindi ako magaling sa math kaya hindi kita matuturuan pero kung andyan si Yohanne, maaari 
ka nyang turuan para makapasa sa exam! Pumayag naman siya ee basta ba mapalapit natin si Gazelle 
Ocampo sa kanya, yung crush niya!" 
"Tss! Ewan ko sayo, basta hindi ako gaganap ng cupid diyan! Bahala ka!" 
"Eee naman Eros!" humawak si Eris sa may braso ni Eros at niyugyog ito habang naglalakad sila, nakapout 
siya, "Dali na, madali lang naman ang role mo. Lalapitan mo lang si Gazelle tapos makikipagkilala ka at 
pasimpleng kakalap ka ng info tungkol sa kanya na maaari nating gamitin upang mapalapit si Yohanne sa 
kanya." 
"Ayoko nga, sabi ng I will not take part diyan sa kalokohan mo." 


Nag-pout si Eris, bumitaw sa hawak niya kay Eros at tumigil sa paglalakad. Napansin ito ni Eros at lumingon siya kay 

Eris. 

"Ayaw mo naman mag-effort magbago Eros. Tanda mo sa Evil dummy's guide to kindness na ginawa natin 

kahapon?" nagcross arms si Eris habang nakapout pa rin, "Number 2: Make friends, learn to smile and laugh 
with others." 

Naglakad palapit si Eris kay Eros at dinuro niya ang hintuturo niya sa dibdib ni Eros, "Ito na yung opportunity mo 

para makipagkaibigan sa isang kaklase mo pero tinatapon mo lang yung opportunity na yun! Kung gusto mo 
talagang magbago, mag-effort ka!!!" 

Ito nanaman si Eris sa pangsesermon sa kanya. Marerealise na sana ni Eros na tama ang sinabi ni Eris kaso 

kamuntik niya ng masapak ito sa huling sinabi nito sa kanya. 

"AT Ilibre mo ako ng ice cream!" (*w*) 

"Ewan ko sayo, dyan ka na nga." sabay tinalikuran si Eris. 


Patuloy siyang kinukulit ni Eris pero ini-ignore niya na lang ito hanggang sa nakarating na siya sa sarili niyang bahay. 

Naunang nadaanan nila yung clubhouse kaya nakauwi na rin si Eris. 

Pagkarating ni Eros sa bahay ay nagdiretso agad siya sa kwarto niya at nagkulong dun. Humiga siya habang nasa 

may noo niya ang braso niya at pumikit siya para mag-isip. 

Hindi niya kilala si Yohanne kahit magkaklase sila. Wala siyang kilala sa mga kaklase niya, hanggang mukha lang, 

yung mga pangalan nila hindi niya alam. Never siyang naging interested makipagkilala o makipagusap sa kanila, tutal 
mukhang ayaw rin naman nila sa kanya. Iniiwasan at kinatatakutan siya ng mga kaklase niya. 


Tapos ito siya ngayon, ginawang cupid nung annoying angel na yun! Ang sabi nito magsisilbi daw siyang tulay 
between that Yohanne and Gazelle Ocampo na siyang crush daw ni Yohanne. 


Paano naman niya gagawin yun? 

Atsaka magiging kaibigan niya nga ba talaga si Yohanne sa huli? 
At bakit parang pakiramdam niya ay umaasa siyang maging magkaibigan nga sana sila? Simula ng dumating 
si Eris sa buhay niya at paulit ulit na sinesermunan siya nito parang hindi niya na maintindihan ang sarili niya, 
madalas napapagtanto na lang niya na nagrereflect na siya sa mga sarili niyang ginagawa. At madalas din parang 
mas nararamdaman na niya ang puso niya na noo'y kinalimutan na niyang nag-e-exist. Parang gusto na niyang 
mapalapit sa mga tao, parang ayaw niya ng mapag-isa... 


Gusto niya ng kaibigan. 

Gusto niyang tanggapin siya ng tao. 


"Aaaaah!" nagulo na lang niya ang buhok niya, "Ang sarap mong sapakin Eris dahil sayo nagugulo tuloy ang 

utak ko." 

*** 



"Go na! Dali!" 

"Aray oy! Wag mo nga akong itulak!" lunch break kasi at nandito sila sa may likod ng isang pader, tinutulak ni Eris 
si Eros papunta sa may ilalim ng puno kung san andun si Gazelle Ocampo, kasama ang mga kaibigan at kaklase nito 
habang naglu-lunch. 


"Tsss," ginaya ni Eris ang pag-"tss" ni Eros sa tuwing naiinis ito at pumeywang siya, "Sabi mo gagawin mo!" 

"Oo nga! Gagawin ko pero wag mo akong itulak! Tsaka hindi ko talaga magets, bakit kelangan ako pa ang 
lumapit sa kanya? Bakit hindi na lang ikaw?" sabay lumapit si Eros kay Yohanne at tinuro ito, "Ikaw naman may 
crush dun ah? Bakit hindi ikaw ang lumapit at makipagkilala sa kanya?" 
"H-ha? A-ayoko nga!" nabubulol ito habang nakayuko, "N-nakakahiya..." 
"Tss! Kalalaking tao nito oh!" 


"Ano ba Eros!" nagiging impatient na si Eris, "Kalalaki mo ring tao andami mong reklamo, gawin mo na lang 

yung promise mo sakin! Dali, go na bridge!" 


Nainis nanaman si Eros, kung anu ano kasing nicknames ang binibigay sa kanya ni Eris. Ngayon naman ay "bridge" 

dahil siya daw yung tulay a.k.a Cupid nina Yohanne at Gazelle. 


"Oo na, eto na. Para matapos na itong kalokohan na ito!" inis na naglakad na si Eros papunta kay Gazelle. 

"Don't forget to smile Eros!" pahabol ni Eris. 


"Tss." yun lang sinabi niya at nilapitan na sina Gazelle. 


"Umm..." nagsitinginan yung mga babae sa kanya na noo'y kumakain ng lunch sa ilalim ng puno, apat na babae ang 

nandun. Mga nanlaki ang mga mata nila at naririnig niyang bumubulong yung isa. 

"Diba ayan yung bad guy from Class 4C? Yung salbahe at nambubugbog? Omg, anong kelangan niya satin? 

Nakakatakot." 

Nagpigil ng inis si Eros sa narinig at pinilit na lang ngumiti. Pilit na pilit yung ngiti niya na he kinda look weird. 


"Hello miss," gusto niya ng matapos ito kaya naman hinarap niya na agad si Gazelle at kinausap ito. 


"Ah! H-hello!" nagitla si Gazelle nang siya ang nilapitan at kinausap ng bali-balitang badboy ng campus nila. 


"Ikaw si Gazelle Ocampo diba?" umupo si Eros sa may tabi ng short haired na chinita na si Gazelle. 


"O-opo! A-ako nga po! I-inosente po ako promise, mabait po ako! Wala po akong ginawang masama!" >__< 

nagpa-panic si Gazelle, ang bilis ng tibok ng puso niya, kinakabahan siya kasi hindi niya alam kung bakit siya 
kinakausap ng isang badboy, wala naman siyang natatandaang ginawang masamang sa lalaki para lapitan siya nito. 
Natatakot siya kasi baka bugbugin siya or may gawing masama sa kanya si Eros. 

"Ha?" 

"Kung naapakan ko man po yung sapatos mo or natapunan kita ng juice o kung anuman ang nagawa kong 
masama sayo na hindi mo nagustuhan, s-sorry po! Spare my life please!" nagtakip ng mukha si Gazelle sa 
sobrang pagpa-panic niya. 


Nabigla naman si Eros sa mga pinagsasabi ni Gazelle. Natulala lang siya saglit sa pagkabigla at nung ma-analyze 

niya na ang mga sinabi nito ay imbis na mainis ay natawa siya ng malakas. Di niya kasi makayanan ang expression 
sa mukha ng babae, sobrang laughtrip! 

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" napahawak si Eros sa tyan niya habang tawa ng tawa. 


Dahan dahan tinanggal ni Gazelle ang mga kamay niya mula sa mukha niya at nagtatakang lumingon sa 

tumatawang Eros. Hindi niya magets kung may sinabi ba siyang nakakatawa. 


"Uhh... Baliw ka ba?" napahawak naman agad si Gazelle sa bibig niya, automatic kasing lumabas yun sa bibig 
niya, hindi niya sinasadyang sabihin pero huli na kaya naman kinabahan nanaman siyang muli kasi baka magalit ang 
badboy sa harapan niya sa sinabi niya, "S-sorry di ko sinasadyang sabihin yun!" >__< 

"Ano ka ba, magrelax ka nga! Di kita lalamunin ng buhay!" hirap sa pagsasalita si Eros dahil natatawa pa rin siya, 

he finds this girl in front of him very entertaining. 

"You mean kakatayin mo muna ako? Cha-chop chop-in ng buhay saka lalamunin? Uwaaaaa!" >__< 


Lalong lumakas ang tawa ni Eros, "Hahahaha! Hindi! Relax nga sabi, wala akong gagawing masama sayo. 

Andito lang ako para makipagkilala." XDDD 

"Oh." yung lang nasabi ni Gazelle. Makipagkilala sa kanya? Naguluhan si Gazelle dun, bakit makikipagkilala sa 

kanya ang isang badboy? 

"Ako pala si Eros at ikaw si Gazelle diba? Yayain sana kitang sumama samin ng mga kaibigan ko," lumingon 

siya sa kinaroroonan nina Eris at Yohanne at tinuro ang mga ito kay Gazelle, "Kung free ka this afternoon 
pagkatapos ng klase, magkita sana tayo sa may gate ng school." 

"Ha? Anong gagawin?" 


"Wala lang, kakain lang sana tayo, magmemeryenda sa may mini stop o 7eleven so we can get to know each 

other," actually ito yung inutos sa kanya ni Eris na sabihin kay Gazelle. Ang plano kasi ni Eris ay yayain si Gazelle 
na sumama sa kanila mamayang hapon sa may 7eleven para magkakilala sina Gazelle at Yohanne. 

"Oh... Ganun ba? Promise hindi niyo ako kikidnapin at ipagbebenta ang mga laman loob ko sa mga bad 

people?" inosente pero nagpa-panic na tanong ni Gazelle. 

"HAHAHAHAHA! Hindi masasamang tao ang mga kaibigan ko," tinutukoy niya sina Eris at Yohanne, "Ako 

may pagkabad ako pero I'm trying to be a good guy. Trust me, gusto ko lang talaga makipagkilala. Kaya sana 
sumama ka samin mamaya." 

"Uhh..." nagisip muna saglit si Gazelle pero di rin nagtagal ay napapayag na rin siya, "Sige... promise ha, di mo 

ako kikidnapin." 

"HAHAHA. Promise." 



Sa kabilang banda, nagtataka sina Eris at Yohanne kung bakit tawa ng tawa si Eros. Hindi kasi sila kalapitan kina 
Eros at Gazelle kaya hindi nila naririnig ang usapan nila. 

Pero kung anuman ang napaguusapan na nila ay mukhang nag-e-enjoy si Eros dahil tawa ito ng tawa. 


Natutuwa si Eris na makitang tumatawa si Eros pero there's a part of her na hindi mapakali... parang ang saya saya 

kasi ni Eros na kausap si Gazelle na hindi pa niya masyadong kakilala. Hindi niya maintindihan kung ano yung 
nararamdaman niya pero basta hindi siya mapakali sa nararamdamang ito. 

Di rin naman nagtagal ay bumalik na si Eros sa kanila na may mga ngiti sa labi at nakathumbs up, "Mission 

accomplished. Pumayag na siya." 

"Eros... nakangiti ka." kumento ni Eris. 


Dun lang napagtanto ni Eros na nakangiti nga siya at sobrang nag-enjoy siya na kausap si Gazelle pero dahil siguro 

sa naconscious siya ay tinanggal na niya ang mga ngiti sa labi, "Tss. Hindi ah. Basta mamaya daw hapon, after 
class, makikipagkita siya satin sa may gate." 

"Talaga?" excited na tanong ni Yohanne. 


Pumalakpak si Eris at tinapik si Yohanne, "Ayan Yohanne! Makakausap mo na rin finally si Gazelle! Dito na rin 

magtatapos ang pasulyap sulyap mo sa kanya sa malayo, makakasama mo na sya mamayang hapon at may 
tsansang makausap mo pa siya kaya pagbutihan mo! Kelangan pagkatapos ng mamayang hapon ay may 
progress na sa inyo ni Gazelle kahit konti!" ^__^ 

Naglakad na sila pabalik ng classroom pero napansin ni Eris na bago sila tuluyang pumasok sa building ay lumingon 

saglit si Eros, sa direksyon ni Gazelle. Nakita niya ang mga ngiti sa labi nito. 

May naramdaman si Eris sa may bandang dibdib niya, nakaramdam siya ng saglit na kalungkutan. Hindi niya 

mapagtanto kung bakit. 




ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento