Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [13]



Palabas pa lang kami ng gym ni Kenji, lahat halos ng students nakatingin sa amin. Ano bang meron? Haay. Siguro dahil si Kenji yung kasama ko. Ganun naman palagi eh. Dapat sanay na ako. Pero hinde pa rin ako map kali kasi kilala ko tong si Kenji eh!! Kanina tininnan niya yung likod ko, may kalokohan siguro siyang ginawa sa damit na binigay niya!!

“Bakit nakatingin sila sa atin?”

“Ewan ko.”

“May something siguro tong damit na to noh??” Nag smile lang siya. Hinampas ko siya sa may braso niya, “ANO BA KASI MERON SA DAMIT NA TO?!?! Bakit sila nag titinginan?!?!”

“ANO BA!! Wala nga!! Pramis!”

“WAG KA NGANG MAGSINUNGALING DYAN! KILALA KITA!! GAGAWA AT GAGAWA KA NG KALOKOHAN KUNG KELAN MO GUSTO!”

“Kung ayaw mong suotin yan edi mag palit ka!! Nakakasar naman eh! Sinabi ng wala ipipilit pa ring meron!” nag pout siya tapos tumalikod sa akin.

“Oh bakit nagtatampo ka??”

“Hinde ako nag tatampo! Ang kulit mo kasi eh! Snabi ng wala tapos ipagpipilitang meron! Nakakairita!”

“Psh.”

“Mauna na ako, hihintayin na lang kita sa lounge. Magpalit ka kung gusto mo.” nagsimula na siya maglakad papalayo sa akin. Ang pikon talaga nun! Nakakaasar!

Bumalik ako sa loob ng gym para mag cr. Tiningnan ko ng mabuti yung likod  

Tama nga. Wala ngang nakasult, wala ring sira. Kasi naman siya eh! Kung kumilos parang may something na kagaguhan eh! Hinde mo talagang pwedeng pagkatiwalaan!

Lumabas ako ng cr suot parin ang damit na binigay ni Kenji. Yung isip bata na yun!! Kung hinde lang siya gwapo eh!! GWAPO?? Teka, sinasaniban na naman ako ng masamang espirito! Bigla bigla na naman akong nagsasabi ng masasamang bagay. Ano ba to ano ba to.  

Nasa may covered court na ako, ng may biglang bumangga sa aking limang babae. Teka natatandaan ko sila.. Pero saan??

“Grabe. Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa tapat namin.” sabi nung chubby girl

SILA! SILA NGA YUNG MGA BABAENG SUMAMPAL SA AKIN!!

“Kayo yung..” tinuro ko sila using my index finger.

“Oo! Kami nga. Wag kang mag-alala. Hinde ka na namin sasaktan."

"Tama. Hinde na bababa level namin sa isang gold digger na katulad mo."

"Tara na. Alam na rin naman ng lahat ang tungkol sa kanya eh. "

Alam ng lahat? Ang alin? Ang ano?

Iniwan na nila ako, walang sampal, walang bangga.

Hinde pa rin ako mapakali sa sinabi nung isang babae.. alam na ng lahat ang tungkol sa akin..? Alam na nila yung.. OMG! lagot ako nito kay Sara!! Hinde nila dapat malaman yung tungkol sa amin.. wala pa kaming planong ipaalam sa kanila.. paano na lang sila Jigs, Kirby at Grace? baka magalit sila pag nalaman nila yung sa amin.. hinde pwede.. sila lang yung tinuturin naming kaibigan simula nung tumira kami dito sa pinas.. 

"Totoo ba?" Huh? Nakita ko si Abigail nakaupo sa may mga bench sa tennis court. “Kalat na dito sa school yung tungkol sayo.”

“A-alam mo na rin?”

“Oo. Simula pa lang alam ko na. Hinde ko nga alam kung anong nakita sayo ni Kenji eh. Sa totoo lang, parang bumaba yung taste niya sa isang babae.”

“So what’s your point? Working as an art--

“Na gold digger ka.”

GOLD DIGGER AKO?? She didn’t let me finish my sentence!! OMGSH!

“Excuse me?”

“Gold digger ka. Look at what you’re wearing. I know Kenji gave that to you. I saw him buying that.”

“I never asked for anything. Kaya kung pupwede wag ka munang manghusga. Wala ka namang alam eh.”

Nag glare siya sa akin tapos smile.. Evil smile. “We’re not yet done Miss gold digger.”

Naglakad na ulit ako papuntang lounge. Nakakaasar. Ang kapal naman ng mukha niyang akusahan ako! She doesn’t even know me!! Maybe she does pero by name and face lang! She doesn’t know me personally… so mean.

Nakita ko na si Kenji nakaupo sa mga bench dun sa lounge. Pupuntaan ko ba siya? Prang ayoko.. Halos lahat ng students dito pinagtitinginan ako.. Alam na nila yung gold digger issue. >_< hinde naman ako gold digger eh.. Wala naman akong hiniling kay Kenji.. Akala ko pa naman din yung issue sa Korea, pero iba pa pala.. mas matindi.

Pumunta ako sa may cr, hinde pa ako handang harapin si Kenji, feeling ko pag nakita nilang lumapit ako sa kanya, mas lalong sasabihan nila akong gold digger. 

Pumasok ako sa cubicle. Gusto ko muna magisip.

“Alam na kaya ni Athena? Grabe naman yung nagkalat nun..”

Parang boses ni Grace yun ha.. Sino kaya kausap niya?

“Oo noh! Pag nakita ko sila.. NAKO!!!! THEY ARE SO DEAD!”

Just as I thought. Si Sara nga.

“KOREK! I-fuflush ko yung mukha nila sa inidoro!”

Inidoro?

“Ano yung inidoro?” sorry. We’re dumdum. >_<

“Toilet bowl.”

Aaahh.

“Ahh.. Tara na! baka inintay na tayo ni twin brother mo!”

“Twin brother ka dyan!!”

Narnig ko na nag-close yung door. I guess umalis na sila. Lumabas na rin ako ng cubicle. Hinde ko pa rin alam kung pupuntahan ko si Kenji oh uuwi na lang ako sa bahay. Wala talaga akong planong harapin siya ngayon.

Lumabas na ako ng cr. Nakatayo lang ako dun.

“Amp! Wag mong sabihing nag papaapekto ka? Wala lang yun. Puntahan mo na siya, kanina ka pa niya hinihintay.” sabi sa akin ni Kirby, ang galing. Para talaga siyang mushroom. Bigla biglang sumusulpot.

Unconsciously, I was walking towards Kenji.. Unconsciously, I smiled at him.

“Nag hintay ka ba ng matagal? Sorry..” Nakatingin parin siya sa akin, well hinde sa mukha ko kung hinde sa damit ko. Siguro nagtataka siya kung bakit ang tagal ko pero hinde naman ako nagpalit ng damit. “Uhm.. Kenji.. Ok lang ba kung mauna na ako? Gusto ko na kasi umuwi. Masama pakiramdam ko..”

Lakas loob kong sinabi, alam kong maaasar siya kasi gusto niya lagi kaming sabay umuwi. Pero ngayon kasi sobra sobra na yung insulto na natanggap ko dahil sa kanya. Parang lumalabas na ako yung masama kasi sikat si Kenji dito tapos isang new student naging girlfriend niya bigla.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.


I THINK I NOW PLAYING.


“Wag ka naman sanang magpaapekto sa sinasabi ng iba.” napahinto ako sa paglalakad. “Alam naman natin yung totoo eh, hinde ka ganun. Wala silang pruweba. Ang nakakaalam lang ng katotohanan ay ako at ikaw pati kung sino man yung sinasabi nilang tao sa itaas (God).” 

narinig ko yung footsteps niya papalapit sa akin. “Kung ipagpapatuloy mo yung ganyang attitude, ikaw rin yung nagsabi mismo na ganun ka, kasi nagpapaapekto ka eh.”

Tumingin siya sa akin, “Wag kang mag alala. Poprotektahan naman kita eh. Nandito lang ako..” 
Hinawakan niya yung left hand ko, “Tara na! sasamahan mo pa ako sa isang lugar eh. Magugulat ka sa surprise ko!” tapos nag smile siya sa akin.

Hinde ako nakapag salita, I was dumbfounded. Hinde ko alam ang mga dapat kong sabihin, yung mga kelangan kong sabihin.

Naglakad na kami papalabas ng school. Sa front gate kami lumabas. Nakaapanibago nga eh. Iba’t ibang mukha yung nakita ko. Pero hinde ko sla mga kilala. Habang nag lalakad kaming dalawa, hinde ko mapigilang hinde tumingin kay Kenji. Hinde kasi ako makapaniwalang sinabi niya yung mga nasabi niya kanina. Parang hinde siya yung Kenji na kilala ko. Yung Kenji na mahilig makipag sapakan, sigawan at makipag talo. Habang naglalakad kami, napansin kong nakahawak pa rn siya sa kamay ko hinde ko alam kung bakit ang saya ng pakiramdam ko.. Dahil kaya nakahawak siya sa kamay ko? Oh dahil sa mga nasabi niya? Oh baka dahil.. Gusto ko na kasi siya? \

Masyado na akong naguguluhan sa sarili ko.. Kaninang umaga, parang gusto ko siya, pero nung nakasama ko si Lucas at nakita ko na siya ayaw ko na bigla. Ngayon naman ang saya ko kasi..kasama ko siya..  Naglalaban yung like and hate, happiness at anger pag siya na yung pinaguusapan. 

Mga 10 minutes din kaming naglalakad. Walang nagsasalita. Hawak lang namin ang isa’t isang kamay. Nag stop kami sa isang salon.

“Bakit tayo nandito?”

“Basta. Pasok na lang tayo.” hinila niya ako papasok ng salon. Wag niyong sabihing ililibre na naman niya ako dito??

May lumapit sa aming babae, mukhang siya yung may ari ng salon na ito.

“Kenji!! Long time no see!! GRABE! Tingnan mo, ang haba na ng buhok mo! Gwumapo ka lalo! Bagay na bagay din sayo yung kulay! Ano bang ipapaayos mo ha?”

Gwumapo? Mas gwapo pa pala siya ngayon kesa dati? Ibig sabihin pinanganak siyang gwapo.. Pati oo nga, ano bang ipapaayos niya sa buhok niya? Don’t tell me dadagdagan niya yung kulay ng buhok niya.. I know hinde siya mag papagupit kasi sign yun na willing siyang maghintay hanggang bumalik si Abigail..impusible ring magpablack siya ng buhok.. >_<

“Magpapagupit ako. Pagkatapos nun, gawin mong color black lahat ng may kulay.”

Napatingin ako bigla kay Kenji. Tumalikod naman siya sa akin.

Naiwan akong nakaupo mag isa sa may salon. Naiwan akong nagiisip.. Bakit niya ginagawa to? Dahil ba sa akin? Pero bakit? Naawa siya sa akin? Trip niya lang..? oh baka.. Gusto na rin niya ako? Hinde. Napaka imposible naman nung huli. Bakit kaya.. Nagsawa na ba siya ng kakahintay? Hinde ko alam.. Wala na akong maisip na dahilan kung bakit niya to ginagawa. Ayoko naman siyang tanungin kasi alam kong maiirita lang siya.

“Wag kang mag alala. Poprotektahan naman kita eh. Nandito lang ako..”

Hinde pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.. Sa mga sinabi niya.. Gusto ko sana siyang sigawan pero masisira yung moment. I wanna slap his face real hard! Para magising siya sa katotohanan.

After 1 hour and 25 minutes, natapos na rin siya.

“Tara na, punta tayo sa may park. Samahan mo akong mag basketball, ok lang?”

Unti-unti kong inangat yung ulo ko para makita ko yung itsura ni Kenji. Again, I was dumbfounded.

Athena -> O_O
Kenji -> ¬_¬

OMG! Yun lang ang pwede kong masabi. The gangster slash thug slash psycho turned into a.. PRINCE?!

Medyo short na yung hair niya, na BLACK tapos naka eye glasses siya na makapal yung frame na black...  OMG hinde si Kenji to!

“I told you she’ll love it! Ang gwapo gwapo mo talaga! At ang ganda naman ng girlfriend mo! Sana kayo magkatuluyan. I’m sure magiging gwapo at maganda ang mga anak niyo.” humarap sa akin yung babae, “Oh ganda, wag mo ng pakakawalan pa itong si Kenji, mabait naman siya eh suplado nga lang. anyway, good luck sa inyong dalawa!” 

Nag smile siya sa akin, at nag smile rin ako sa kanya.

Hinawakan na ni Kenji yung kamay ko, “Sige Ate, thank you! Eto na po ang bayad.”

“Hinde. Ok lang. Ipang-date niyo na lang yan. Sige na, at alam kong kelangan niyo ng quality time.” Nag smile siya sa amin. 

Tumayo ako at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa village namin. 

“Friend siya ng kapatid ko. Close kami kaya siya ganun sa akin, alam niya lahat ng pinagdaanan ko. Wag kang mag alala. Hinde mo naman siya palaging makikita eh, unless my family gathering. Speaking of family gathering.. Birthday nga pala ng kapatid ko sa Saturday. Sabi nila mommy at daddy pumunta ka raw.”

“Ahh. Sige.. Uhh.. Anong susuotin ko?”

“Dress. Formal. Mag black na dress ka, kasi naka black suit ako.”

Gusto niyang sumabog kaming dalawa noh? Nag nod na lang ako kesa makipag talo. Maganda na masyado yung moment namin dalawa para magtalo pa.

“Oo nga pala, bagay sayo yung ganyang style.” tumingin siya sa akin tapos nag smile ako.

15 minutes kaming nag lalakad. at sa wakas nakarating na rin kami sa park.

“Kung.. Gusto mo ng umuwi ok lang sakin.. Alam ko namang tinatamad kang panoorin akong mag basketball eh..”

Sa totoo lang.. nakakatamad nga manood ng basketball. Hinde kasi ako fan ng sport na yun eh. Soccer lang talaga. Dahil tuwing world cup.. Alam niyo na, kasali korea. Pero ngayon.. Willing akong magstay at panoorin siyang mag laro.. Willing akong makasama siya buong araw ngayon..

“Hinde.. I wanna watch you play.” napatingin siya sa akin, “I mean, I’ll watch you play ball.” nagsmile ako sa kanya, and he smiled back. Nagwave siya tapos pumunta na sa court. Habang nag lalaro siya, hinde ko parin mapigilan yung sarili ko sa pag smile.

“Wag kang mag alala. Poprotektahan naman kita eh. Nandito lang ako..”   

Na-iisip ko na naman yung mga sinabi niya.. Ewan ko ba. Masyadong naging big deal yung sinabi niya.. Poprotektahan niya daw ako.. Nandyan lang daw siya.. Maniniwala ba ako? Oh kakalimutan ko lang yung mga sinabi niya kasi, alam ko naman na si Abigail pa rin eh.. Yun nga lang nakakapanibago na siya.

We were never friends.. Napaka spontaneous ng pagkakakilala namin.. Napaka bilis lahat ng pangyayari. Eto ako.. Napapaisip.. I think I.. like him. 

MUSIC WILL STOP HERE.

Nakatingin lang ako kay Kenji, kung pano siya mag laro, kung gaano siya kagaling. Napansin kong tumingin siya sa akin, nag smile siya tapos nag V sign, so ganito -> ^_^v

Hanggang sa matapos ung game niya, siya parin nasa isip ko.

“Tara na. hatid na kita.” nagsmile ako tapos nag nod.

Naglakad kami papunta sa bahay. Tapos nakasalubong namin si Abigail at si Lucas.

“Athena!” tinawag ako ni Lucas habang naka smile siya tapos nagwave. Nagsmile din ako tapos nagwave.

“Bee.” nagsmile naman si Abigail.

“Hi Kenj!” tumingin sa akin si Abigail, “Hi Athena! I heard about the news. Sa tingin ko hinde naman un totoo, right Kenji?”

“Ha? Ah.. Oo.”

“Oo nga pala, nakuha na namin yung invitation sa party ng sister mo. A-attend kami.” tapos nag smile siya. Psh. Faker.

“Talaga?”

Mapapahaba pa yung usapan nila. Ayoko. Not in front of me.

“Kenji.. Gusto ko ng umuwi..pagod na ko..”

“Sige mauna na kami. Kita na lang tayo sa party.” nagsmile si Kenji tapos nag smile rin si Abigail

Ayoko yung pagpapalitan nila ng smile. Naiinis ako.

“Bye Lucas!” nagwave na lang ako kay Lucas. Tapos hinila ko na si Kenji.

Paghatid niya sa akin sa bahay, nagbye na lang kami sa isa’t isa. Sabi niya tatawag na lang daw siya, o kaya mag memessage na lang daw siya sa msn. 

Umupo ako sa may sala. Napansin siguro ako ni Sara na nakatulala kaya tinabihan niya ako

“Athena, umamin ka nga sa akin.. Naaapektuhan ka sa mga chismis sa school diba?”

“Siguro kanina.. Pero hinde na ngayon.”

“THANK GOD! Akala ko kasi dinibdib mo yung ganung klaseng balita eh.”

“Sabi kasi sakin ni Kenji, wag ko daw pansinin, wag daw ako magpapaapekto.. Yun ang ginagawa ko.. Kasi sabi niya.. Poprotektahan niya daw ako.”

Nagsmile si Sara sa akin, “JUNG MAL?!? OMG! Si Kenji ba talaga nagsabi nun? I mean.. COME ON!!” [jung mal = really]

“Eung. Kahit ako hinde makapaniwala. And guess what.?” [eung = yes]

“Tell me na!! ayoko na ng guess guess pa!”

“Nagpa hair cut na siya.. And not only that, he dyed his hair pa. Color black!”

“NO WAY?? He did that? Oh well. People do change. Anong itsura niya? Is it bagay?”

“Yeah. Bagay. Ang gwapo niya tingnan.. Hinde ko ma-explain yung nafeel ko eh..”

Hinde ko talaga ma-explain, kasi.. Ewan. Ang gwapo niya eh. Strange masyado kasi ganun pala siya dati. I felt happy nung nagpagupit siya.

“Athena.. Do you like him?”

“Huh?” do I like him? 

“Do you like him? You know.. Like..”

“Uhh.. I don’t know.. Maybe?”

“Ok. You like him. And I’m happy for you. PLEASE! Fight for him.” after she finished her sentence umalis na siya.

Fight for him.. How? I don’t even know how. Gusto ko siyang makasama.. Gusto ko siguraduhin yung feelings ko for him. Siya kaya.. 

Does he like me..? 



ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento