Thousands of candles can be lighted from a single candle, and the life of the candle will not be shortened. Happiness never decreases by being shared.
Biyernes, Marso 21, 2014
SHE DIED [15]
"Oh Eros, nakabalik ka na pala ang aga mo n---"
"WALANG MANGIISTORBO, MAG-AARAL AKO!" sigaw ni Eros na pumutol sa pagbati sa kanya ng ate Risa niya,
nagdiretso siya sa kwarto niya at sinarhan ng malakas ang pinto na siyang kinagulat ng mga tao sa kanila.
Dahil sinabihan siya ng teacher niya na nangongopya daw ay hinamon niya ito, sabi niya bukas kukuha siya ng
another quiz ng mag-isa sa harap ng teacher para mapatunayan dito na hindi siya nangongopya at kaya nya
talagang makakuha ng 98. Pero ang balak niya, he wants to get a perfect score kaya mag-aaral ulit siya ng husto
para maka-perfect, he wants to prove to his teacher what he's capable of.
"Meow~"
"Don't disturb me, mingming." sabay taboy nito sa pusa na naglalambing sa may binti niya pagkapasok niya ng
kwarto.
Hinagis niya yung bag niya sa may kama niya at nagpalit ng pambahay, naghilamos muna siya sa may banyo
at pagkatapos nun ay kinuha na niya yung notes na ginawa ni Eris para sa kanya. Huminga siya ng malalim at
nagsimula ng mag-aral.
Mag-na-nine o'clock na din nung biglang may kumatok sa may pinto niya at pumasok ang ate Risa niya na may
dalang tray ng pagkain.
"Wow, akala ko joke lang! Wait!" pinatong ni Risa ang tray sa may bedside table at umupo sa tabi ng kapatid na
nakahiga at may hawak na papel, "Ikaw ba yan Eros? O kakambal ka niya? Nauntog ba ulo? May sumuntok ba
sayo ng kapaglakas at naalog ang isipan mo kaya ka nag-aaral? Eros---"
"Ate," binaba ni Eros yung papel na hawak at tumayo mula sa pagkakahiga at sabay pitik sa noo ng ate niya, "Ako
ito. Wala akong kakambal at higit sa lahat hindi nauntog ang ulo ko."
"Joke lang naman Eros! Hehe! Hindi lang kasi ako makapaniwalang nag-aaral ka, anong nangyari? May
inspiration ba? Ayeeee! Si Eris yan ano? Ayeeee!" tinutusok tusok ng ate Risa niya ang gilid niya na panay
naman ang ilag niya.
Hinawakan na niya ang kamay ng ate Risa niya para pigilan ito, "Ate naman eh! Hindi yun inspiration ko! Tss!
Wala akong inspiration!"
"Weh, malabo yan. Ang isang taong nagpupursigeng gawin ang isang bagay lalo na't hindi naman niya
gawain ito ay siguradong may inspirasyon."
"Hmm... Ewan. Nacha-challenge lang siguro ako ate."
"Na-cha-challenge? Saan?"
"Alam mo ba nakakuha ako ng 98 ako sa quiz kanina sa Earth Science?"
Biglang tumawa si Risa at pinalo palo ng mahina sa balikat si Eros, "Ahahaha! Ikaw talaga, kamuntik na akong
maniwala! Sobrang seryoso kasi ng itsura mo! Ahahaha!"
"Ate... pati ba naman ikaw?"
Napatigil sa pagtawa si Risa, "Hahahah---Ha?"
"Seryoso ako, naka-98 ako. Pati ba naman ikaw, hindi maniniwala sakin. Ganun ba kahirap paniwalaan yun,
dahil ba gago ako? Sira ulo at walang kwenta, either joke or nangopya na lang ako para makakuha ng 98?
Tss."
"Wait, wait! Eros, seryoso talaga? OMG! I'm so sorry... I didn't mean to laugh... omg, I'm sorry... Don't be
offended..."
"Yeah, yeah," humiga ulit si Eros, tumalikod siya sa ate niya dahil sa inis, "Okay lang, hindi naman kasi kapanipaniwala.
Yung teacher ko nga eh ang sabi pa nangopya ako. Tss."
"Oww, talaga Eros? Uy, sorry talaga ah. Hindi ko talaga sinasadya tumawa, actually I'm happy to hear that.
Great news! Congrats Eros!"
"Yeah whatever," hindi niya pa hinaharap ang ate niya.
"Galit ka ba Eros?"
"Nakakainis eh porket gago ako, gago na lang ako habambuhay sa paningin niyo. Gusto kong magbago pero
paano ako magbabago kung ayaw niyo akong bigyan ng chance magbago! Potek na yan oh!"
"Kaya ba desidido kang mag-aral ngayon? Dahil ba sa sinabihan kang nangopya ng teacher mo? Tama
ang ginagawa mo Eros, prove him na hindi ka nangopya. Alam mo Eros, mahirap talagang baguhin ang
impression sayo ng mga tao. Hindi agad agad sila maniniwala sa pagbabagong nagaganap sayo lalo na pag
biglaan. Have patience Eros, syempre masa-shock muna kami bago mag-process sa utak namin na gusto
mo na talagang magbago. Kung gusto mo talagang magbago, wag kang mapapagod sa mga husga nila sayo.
Magpursige ka."
"Eros, alam mo may nabasa akong quote dati... parang ganto siya:
The best feeling in this world is to do the things they say you can never do.
One day, mare-realise mo na tama ang quote na iyan." :)
Lumingon na si Eros sa ate niya, "Ate, bakit ganun... ang sakit pala na mabalewala yung bagay na
pinaghirapan mo? Yun bang husgahan ka sa bagay na hindi mo ginawa..."
"Kahit gago ka, sa loob niyan," tinuro turo ng ate niya ang kaliwang dibdib niya, "May puso na nasasaktan,
natutuwa, nalulungkot, nagagalit at umiibig. Kahit ano pa ang ugali mo Eros, kahit ikaw pa ang
pinakamasama o pinakamabuting tao sa mundo, tao ka pa din, hindi ka isang robot para walang
maramdaman."
"Haaay kapatid ko, ang cute cute mo talagaaaaaaa!" sabay kurot sa may dalwang pisngi ni Eros.
"ha--haraysh! Bitawash mo hakoshhh! Arayshhhh!" ( ,^^)--c<< >n<)
"Ahaha! Haay my little brother is not so little anymore," sabay tayo ni Risa, "Pinagdalhan kita ng hapunan ha,
osige aalis na ako. Kumain ka ha."
Aalis na sana si Risa pero bigla siyang tinawag ng kapatid, "Ate..."
"Hmm?"
"Wag mo akong iiwan ha?"
Hindi inaasahan ni Risa ang tanong na iyon, alam niya na sobrang attached sa kanya ang adopted brother at hindi
nito matanggap na anytime soon ay mamatay na siya dahil sa palala ng palala niyang sakit.
Pinilit ngumiti ni Risa at nagbiro, "Oo naman, hindi kita kayang iwan na hindi pa nakakahanap ng matinong
girlfriend." :p
"Ate naman eh." =__=
"Hehe. Osige na, aalis na ako para hindi na kita maabala. Goodluck and goodnight Eros."
"Goodnight ate," pagkatapos nun ay lumabas na si Risa.
Tumayo na si Eros at kinuha yung tray ng pagkain sa may bedside table niya at pinatong ito sa may kama niya para
makakain na.
"Meoooow~"
"Nagugutom ka na din ba, Love?" bigla kasing lumapit sa kanya yung pusa at naglambing sa may binti niya.
Naalala niya na "Love" ang pangalan nito, pinangalanan ni Eris.
"Ang korni talaga ng pangalan mo," natatawang sabi ni Eros sabay kurot sa may ulam na isda niya at inabot dun
sa bibig ng pusa, kinain naman ito ng pusa, "Kakain muna ako ha? Don't worry titirhan kita."
Hinawakan niya sa ulo yung pusa at nilaro laro ito saglit. Ewan niya ba, lagi niya na lang nakikita ang sarili niya sa
itim na pusang iyon. Nagagalit at nalulungkot siya tuwing naaalala niya ang pagabandona sa kanya ng tunay niyang
mga magulang.
***
Kinabukasan...
"Ahhhhh!" naghikab ng malakas si Eros pagkalabas niya ng gate ng bahay nila.
"Mukhang inaantok ka pa Ero-ero?" tanong ni Eris na katulad ng nakagawian ay pumunta sa bahay niya para
sumabay sa kanya sa pagpasok.
"Oo eh, nag-aral ako kagabi para maipakita dun sa kumag na teacher na yun na hindi ako nangongopya,"
pagsasara ni Eros ng gate ng hindi man lang tumitingin kaya lingid sa kaalaman nila ay sumunod pala ang pusang si
Love sa kanila kaya pati ito ay nakalabas ng gate.
"Yay! That's the spirit Ero-ero!" \^___^/
Nagpatuloy na sila sa paglalakad papuntang school habang hindi nila namamalayan ay tahimik na sumusunod na
pala sa kanila ang kuting.
Napagtanto na lang nila ang presensya ng kuting sa likod nila nung malapit na sila sa school.
"Meow~" nung marinig ni Eros yung ngiyaw ng pusa ay napalingon siya at nanlaki ang mga mata niya ng makita si
Love.
"HOY PUSA ANONG GINAGAWA MO DITO?!"
"Waaa. Eros, kumakausap ka ng pusa?" O_O XD
Sabay binatukan si Eris, "Heh! Teka nga, teka nga, bakit andito yang kuting na iyan?" O__O
"Aba ewan ko... sinundan tayo?"
"Eh paano nakalabas?"
"Ewan ko? Haay nako," lumuhod si Eris para kunin yung kuting, "Andito na lang rin naman tayo halos sa school
ay dalhin na lang natin siya."
"H-ha? Baliw ka talaga ano? Anong dadalhin natin sa school iyan? Ibalik na natin yan sa bahay!"
"Hindi pwede, anong oras na kaya! Sige ka ma-late ka, 1st subject pa man din natin ang Earth Science. May
quiz ka pa dun."
"Tss! Anak ng... Eh saan naman natin ilalagay yan? Hindi naman pwedeng ipakalat kalat yan sa classroom."
"Edi sa backpack mo!" ^______________^
"Tss. Bakit sa backpack ko?"
"Eh wala akong backpack eh! Hohoho! Dali na, hindi naman mabigat si Love eh!"
"Tsssssss! Sige na nga," kinuha niya na si Love at nilagay sa loob ng backpack niya, hindi niya sinara totally yung
zipper ng bag para makahinga kahit papaano yung kuting.
Luckily nung nasa classroom na sila ay hindi nagiingay si Love, sobrang behave nito.
Kumuha na rin si Eros ng retake sa Earth Science, pinaupo siya sa unahan para matutukan ng teacher kung
nanggagaya ito o hindi. Tuwang tuwa naman si Eros habang nagsasagot siya ng retake, sobrang confident niya kasi
na mape-perfect niya iyon dahil nagpuyat siya kagabi para lang paulit ulit na mabasa at matandaan ang coverage.
"Ito na sir, tapos na." tumayo si Eros at inabot sa teacher yung quiz paper, "Correct mo na ngayon."
Nakatingin ang buong klase sa kanilang dalwa ng teacher niya sa unahan. Tinignan muna ng seryoso ng teacher si
Eros at saka kinuha yung papel at sinimulan ng i-correct ang quiz.
Habang nagche-check ang teacher ay palaki ng palaki ang mga mata nito, nilinis niya pa nga ang salamin niya dahil
hindi siya makapaniwala sa papel na chine-check niya. Binalikan niya pa nga yung name na nakalagay sa papel at
hindi talaga siya makapaniwalang "Eros Magdayo" ang nakalagay dun.
Sa 40 questions niya kasi, walang kahit isang mali. Kahit isa, wala. As in WALA.
"Ano na? Tapos na ba? Anong nakuha ko?"
Napalunok yung teacher at hindi mapakaling tumingin kay Eros, "P-perfect score."
Tinaas niya yung kamay with closed fist sa may waist level ang elbow habang sumigaw ng, "OHYEAHHHH!!!"
"Waaa! Ang galing galing Ero-ero!" *clap clap* panay naman ang palakpak ni Eros.
Yung mga kaklase naman niya ay hindi makapaniwala sa nangyari, si Yohanne palihim na nakangiti lang dun dahil
alam naman niyang posible yung nangyari.
"Ako, nangopya?"
"Oo, nangopya ako. Kita mo yung babaeng yun," bigla niyang tinuro si Eris sa teacher niya, "Dyan ako
nangopya, kinopya ko ang kasipagan niya sa pag-aaral. Kinokopya ko ang mga kabutihan niya. Gago man
ako pero sa buhay hindi ito parang exam MO na "no erasures", I can erase my mistakes, kaya ko silang
baguhin. I'll show you."
"BRAVO BRAVO! BEST SPEECH OF THE YEAR!!! TEARS OF JOY!" tumayo si Eris at pumalakpak. (^/**\^)
Naitakip na lang ni Eros ang isang palad sa mukha at napailing, "Pero yung kabaliwan niya hindi ko kokopyahin
kahit kelan."
***
"Yehey! Tapos na ang klase!" naguunat ng brasong saad ni Eris pagkababa nila ng building ng classroom nila, "It's
time for operation: YOHANNE . GAZELLE. Hohoho!"
"Mai-invite ba natin si Gazelle? Baka busy siya..." tanong ni Yohanne, napagusapan kasi nila na i-invite si Gazelle
sa bahay ni Yohanne, maggu-group study sana kasi malapit na din naman ang exams ng year nila. In that way daw
baka sakaling maging close sina Yohanne at Gazelle.
"Oo naman nuh! Hanapin muna natin si Gazelle!" nakangiting sabi ni Eris.
"Meow, meow~"
"Nag-iingay na ulit si Love, I think pwede mo na siyang ilabas Ero-ero sa backpack." alam rin ni Yohanne na
may dalang kuting si Eros, kinuwento nila kay Yohanne yung ginawang pagsunod ni Love sa kanila kaninang umaga.
"Ay tae! Oyyyy!!!" nabigla si Eros nang pagkabukas niya ng backpack ay biglang tumalon si Love, "Oy saglit!"
Nagtatakbo si Love palayo.
"Habulin natin siya dali!" sigaw ni Eris kaya hinabol nila yung kuting pero hindi nagtagal ay nawala sa paningin nila
yung kuting.
"Asan na? Saan nagpunta si Love? Hala! Eros, Yohanne, maghiwa-hiwalay kaya tayo para makita agad natin
siya?"
"Tss. Hayaan na lang natin. Babalik rin siguro yun sa bahay."
"Ano ba Eros! Paano kung may kumuha dun? Tapos gawing siopao? Konsensya mo yan sige ka! Kawawa
naman si Love pag nagkataon! Kaya mabuti pang maghiwa-hiwalay tayo para mahanap agad natin siya! Dito
ka sa bandang ito Yohanne," turo sa kaliwa, "Dito ko sa kanan Eros tapos ako padiretso ako. Magkita kita na
lang tayo sa gate okay?"
"Tsss, OA talaga oh. Osige na," nagdiretso na si Eros sa bandang kaliwa ng school at sinimulan hanapin si Love.
"Asan ba yung kuting na yun? Tama ba namang tumakas? Problema nung kuting na yun? Ay nako! Bwuset."
napapakamot na lang ng ulo si Eros habang naglalakad lakad at patingin tingin sa paligid.
"Meoww~"
Nagpanting ang mga tenga ni Eros nang makarinig ng ngiyaw ng isang pusa, nanggagaling sa may likod ng building
ng gym ng school nila. Lumapit siya dun at nakita niya sa may malapit sa backdoor ng gym, sa may tapat ng
hugasan si Love... na nilalaro ni Gazelle.
"Ang cute cute mo naman, saan ka galing?" habang nakaupo ito ay buhat buhat niya si Love. Naka-P.E. uniform
si Gazelle at may backpack na nakasabit sa isang balikat, "Anong pangalan mo mingming?"
Sinubukan lumapit ni Eros pero hindi pa man ito nakakalapit ng tuluyan ay napalingon si Gazelle at nakita siya, "Oh
Eros! Anong ginagawa mo dito?"
"Love."
"Ha?" nagtaka si Gazelle sa sinabi niya kaya tinuro niya yung kuting na hawak ni Gazelle.
"Love ang pangalan niya, kuting ko."
"Waaaa! Iyo ito? Seryoso?" O__O
"Oo..."
"Ang cute cute naman ng kuting mo! Teka bakit dinala mo sa school?"
"Hindi ko dinala, sumunod sakin." =__=
"Ayeee! Love na love ka ng kuting mo, sinusundan ka! Hihi! So Love ang name niya? How cute!" <3
Tumayo na si Gazelle at inabot kay Eros yung kuting, "Pauwi ka na ba? Sabay na tayo!"
"Ha?" nabigla si Eros.
"Wala kasi akong kasabay. Yung mga kaibigan ko mga nauna ng umalis, ayaw akong pasabayin sa kanila.
Sabi kasi nila bibili sila ng regalo sakin kaya ayaw nilang sumabay ako para surprise daw."
"Eh? Birthday mo ba?"
"Umm, oo malapit na. The day after tomorrow." ^___^
"Hmm... I see..." napaisip si Eros at biglang may pumasok sa isip niya na isang magandang plano kaya naman...
"Okay, sabay na tayong umuwi."
***
"Talaga?"
"Yup! I love sweets! Lalo na yung mga chocolates! Sobrang addicted ako dun!"
Nagpunta na si Yohanne sa may school gate kasi hindi niya talaga mahanap si Love pero nung papunta na siya
dun ay may narinig siyang boses na kilalang kilala niya at nabigla na lang siya nang paglingon niya ay nakita
niya si Gazelle na kasama si Eros. Palabas na sila ng gate. Nagtago si Yohanne sa likod ng isang pader habang
pinagmamasdan at sinusubukan pakinggan ang pinaguusapan nung dalwa.
Napakuyom siya ng mga palad ng pagmasdan niyo kung gaano ngumiti at tumawa si Gazelle habang kasama si
Eros. Parang ang saya saya nilang dalwa na magkasama.
Naiinggit siya at pakiramdam niya tinatraydor siya. Akala niya ba tutulungan siya ni Eros eh bakit ito ang nakikita niya
ngayon? Wala na siyang maintindihan.
"Yohanne! Ahhh!" lumapit si Eris sa kanya at pinatong ang isang kamay sa balikat niya habang ang isa ay sa tuhod
nito, nakayuko ito at medyo hinahapo pa, "Pwew! Kapagod, nakita mo ba si Love? Hindi ko kasi nakita eh. Si
Eros? Wala pa din?"
"Nakita ko si Love," walang buhay na sabi ni Yohanne.
"Talaga?" tuwang tuwang inangat ni Eris ang ulo niya pero medyo nagtaka siya sa facial expression ni Yohanne.
"Kasama ni Eros."
"Eh? Asan si Eros?" nagpalinga linga si Eris sa paligid niya pero hindi naman niya makita si Eros.
"Kasama ni Gazelle."
"Ehhhhhhhhhhh? Asan? Asan?" O___O
"Lumabas na ng gate."
"Ehhhhhhhhhhh? Bakit? Bakit hindi nila tayo inantay? Diba group study nga?" O__________O
"Malay ko, bakit ako tinatanong mo!" nabigla na lang si Eris sa biglang pagbabago ng tono ng boses ni Yohanne,
parang galit ito, "Sabi niyo tutulungan niyo ako eh bakit parang nilalayo niyo lang ata siya sakin?"
"Ha?" walang maintindihan si Eris sa pinagsasabi ni Yohanne.
"May balak bang agawin ni Eros si Gazelle sa akin? Sabihin niya na lang sana hindi yung may pa-cupid cupid
pa siyang nalalaman!"
"H-hindi Yohanne! Ano ba sinasabi mo?" >___<
"Anong hindi?!!! Sige nga, explain mo sakin yung dahilan kung bakit ko sila madalas makita na magkasama?
Yung bakit parang close na close na agad sila at kami ni Gazelle kahit konting progress wala pa ring
nangyayari? Pinagloloko niyo lang ata ako eh!"
"..." hindi makaimik si Eris, kahit siya nalilito.
"Wag niyo na nga lang akong tulungan! Pinapaasa niyo lang ako! Naniwala pa man din ako sa inyo... lalong
lalo na sa kanya! Salamat na lang, pasabi rin kay Eros, goodluck sa kanya! I was crazy to think that we were
friends, but I forgot how can I be friends with such a good for nothing guy? Sa isang tao na walang pagasang
magbago kahit kelan, sa isang selfish na tulad niya! Akala ko kaibigan ko siya, nagkamali pala ako!"
Nagdiretso na palabas si Yohanne.
"Yohanne! Wait! Yohanne!!!" sinubukan tawagin ni Eris si Yohanne pero dire-diretso lang ito at lumayo na ng
tuluyan.
Naiwan na lang si Eris sa kinatatayuan niya at napasabi na lang ng,
"Oh no... Eros, ano nanaman ba ginawa mo..."
ITUTULOY
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento