April 4.
"Hmm..."
"Meow meow..."
"Hmmm... Love, wag, hmm..." tinulak ng mahina ni Eros ang pusa na patuloy na kumikiliti sa may pisngi niya
habang natutulog siya.
*Kring!!! Kring!!!*
Nagmulat na si Eros ng mga mata at nakita agad niya si Love sa harapan niya kaya hinawakan niya ito sa ulo, "Mas
maaga ka pang manggising sa alarm clock ko."
Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at pinatay ang maingay na alarm clock.
"Ahhh! Today is the day!" sambit niya habang nagiinat, "Ga-graduate na din ako sa wakas!"
*knock knock*
Nakarinig siya ng mga katok sa kanyang pinto at nagbukas ito, "Tamang tama, gising ka na, pinagluto kita
ng sinangag with hotdog plus sunny side up. Halika na sa baba, kain ka na, hindi pwedeng hindi ka
magaalmusal ngayon dahil importante ang araw na ito kaya dapat full of energy ka."
Ngumiti siya sa babaeng nasa harapan niya, "Ga-graduate na ako... hindi ako makapaniwala."
Tumayo na siya at lumapit sa babaeng nasa may pinto niya at inakbayan ito, "Parang isang malaking himala diba?
Hindi ko aakalaing dadating ang araw na ito..."
"Ang saya ko... ate Risa."
3months ago, isa pa siyang sira ulo at walang alam gawin kundi mambugbog ng kung sinu-sino. Ni hindi nga siya
pumapasok ng school kaya lagi siyang nagre-repeat ng year. Pero hindi niya matandaan kung anong nagpabago sa
kanya, hindi niya alam bakit isang araw nagising na lang siya at pakiramdam niya "gusto na niyang magbago".
Natatandaan niya na para bang may anghel na nagsabi sa kanyang "Eros, magbago ka na!"
Pero natatawa siya kasi imposible naman yun, hindi pwedeng bumaba ang mga anghel dito sa lupa. Naisip niya na
lang siguro na narinig niya yung mga katagang yun sa panaginip niya. Basta kasi natagpuan na lang niya ang sarili
niya na unti unting nagbabago, hindi na siya naninigarilyo, hindi na siya nangaaway ni nagmumura at higit sa lahat
pumapasok na siya araw araw sa school. At sobrang nagaaral na siya ng mabuti na noon ay hindi niya nagawa kaya
nga sobrang natuwa siya nang malaman niyang nakakuha siya ng matataas na grades sa final exam nila at nabigyan
siya ng chance para makagraduate sa highschool, magsu-summer class na lang daw siya para mapunan yung mga
absences na nagawa niya.
"Hmm!!! Ang sarap ng luto mo ate! The best ka talaga kahit kelan!" saad ni Eros pagkasubo ng kanin.
"Haay nako binobola mo nanaman ako! Simpleng sinangag lang yan at hotdog at itlog, ano ka ba."
Nginitian ni Eros ang Ate Risa niya, natutuwa siyang makita ito sa harapan niya ngayon at nakangiti kasi 3months
ago nangangamba pa siya na baka isang araw hindi na niya makita pa ang ate Risa niya. Last January kasi ay
naospital ang ate niya dahil sa lung cancer nito, malala na ang sakit nito at nabigyan na nga ng mga doctor ng
tinatawag na "expiration date".
Pero nung mga araw na naospital ang ate niya ay may nangyaring hindi maganda, tumakas sa ospital nung gabi
ang ate Risa niya at natagpuan na lang ito na nabaril sa isang convenient store pagkatapos. Dinala agad ito sa
emergency room para mailigtas...
Akala ni Eros mawawala na ng tuluyan ang ate Risa niya, akala nito mamamatay na talaga ang ate Risa niya kaya
for the first time in his life... natutunan niyang magdasal. Hindi siya noon naniniwala sa Diyos pero basta that night,
hindi na niya talaga alam ang gagawin niya, gusto niyang mailigtas ang ate Risa niya mula sa kamatayan pero hindi
niya alam kung papaano... kung kanino siya hihingi ng tulong kaya naman tila parang may isang anghel na bumulong
sa kanya at sinabing...
"Andyan si God, tutulungan ka niya."
Iniwan niya yung emergency room at pumunta mag-isa sa may chapel upang magdasal, ipinagdasal niya mula sa
puso niya na sana maligtas ang ate Risa niya.
At pagkatapos niyang magdasal, bumalik na siya sa emergency room at after some minutes, lumabas ang doktor
mula sa emergency room at binalita sa kanilang out of danger na ang Ate Risa niya. Sobrang natuwa si Eros, hindi
siya makapaniwala sa narinig niya at napatingin na lang siya sa itaas at napasabing, "Salamat God."
Pagkatapos nun, ilang araw ding walang malay ang Ate Risa niya, nagkamalay lang ito after a week. Nagtagal din
ang ate Risa niya sa ospital for a month at unti unti naman itong bumabalik sa dating lakas nito, nagtataka nga ng
husto ang mga doktor kasi ang alam nila hindi na magtatagal pa ang buhay ng ate Risa niya for more than a week
dahil sa malalang cancer nito pero patagal ng patagal napapansin ng mga doktor na imbis na manghina dahil sa
cancer parang gumagaling ang ate Risa niya. Palakas ito ng palakas, nagkakalaman na nga ito kahit papaano, hindi
na ito sobrang payat at hindi na rin mukhang pale.
Hanggang sa pinayagan na ng mga doktor na pauwiin ang ate Risa niya kasi wala silang nakikitang paglala sa
cancer ng ate Risa niya, ayon sa kanila parang may nangyaring "himala".
Napangiti tuloy si Eros, he doesn't really believe in miracles pero nung mga oras na yun parang nagbago ang mga
paniniwala niya. Kinausap niya si God at alam niyang pinakinggan siya nito.
Simula nun, naniniwala na siya kay God. Kahit kasi naging gago siya, pinakinggan pa rin siya nito. He's really
thankful.
*tok tok tok*
"Eros, andyan na si Yohanne." narinig niyang sabi ng ate niya mula sa labas ng pinto ng kwarto niya habang
nagbibihis na siya ng uniform niya pagkatapos maligo.
"Ate pasabi, bababa na ako!" sigaw niya habang inaayos na ang necktie ng uniform niya.
Humarap na siya sa may salamin at sinuklayan ng konti ang buhok nung matapos niyang masuklayan ang buhok ay
ngumiti siya sa reflection niya sa salamin, "Ngayong araw na ito, makakatungtong na rin ako sa stage ng school
at mahahawakan ko na rin ang diploma ko." :)
"Eros alam mo ba pangarap kong makagraduate? Pero namatay ako a month before graduation! I never made it...
but you... you can still make it! Wag kang ganyan Eros, wag mong ipagdamot sa sarili mo yung bagay na hindi ko
nagawa!"
"Gusto kitang makitang grumaduate..."
Napailing si Eros kasi pakiramdam niya parang may nag-play na scene sa isipan niya, may nakita siyang babae sa
isipan niya, kinakausap niya ito pero hindi niya makita ang mukha nito. Hindi niya maalala kung sino ito at bakit may
nagpe-play na ganun sa isipan niya.
Lately kasi may mga biglaan na lang magpe-play sa isipan niya, laging "yung babaeng" iyon pero hindi niya makita
ang mukha nito at hindi niya maalala kung sino ito o kung kilala niya ba ito. Ni hindi niya nga alam kung parte ba yun
ng alaala niya o imagination niya lang. Naguguluhan siya pero madalas isinasawalangbahala niya na lang iyon, sa
tingin niya kasi "imagination" niya lang yun.
"Ero-ero!" .
Napalingon siya nang may marinig siya pero paglingon niya sa kwarto niya, wala naman tao... wala naman tumawag
sa kanya pero minsan pakiramdam niya talaga parang may naririnig siyang boses sa isipan niya na minsan ay
tumatawag sa pangalan niya... hindi lang sa pangalan niya kundi sa isang nickname. "Ero-ero"... wala naman
tumatawag sa kanya ng ganyan pero pakiramdam niya na minsan sa buhay niya lumingon na siya sa isang taong
tumawag sa kanya sa nickname na iyon.
"Eros! Matagal ka pa ba daw tanong ni Yohanne?" naantala siya sa malalim na pagiisip nang marinig niya ang
sigaw ng ate niya.
Iniling na lang niya ang ulo niya para mawala sa isipin niya ang mga weird thoughts at dumiretso na agad siya sa
may pinto,
"Eto na ate! Pasabi kay 'hanggang friends' na pababa na ako!" pang-asar niya lang kay Yohanne
yung "hanggang friends" kasi hanggang ngayon hindi pa rin makaget over si Yohanne na hanggang friends lang
sila ni Gazelle. Inlove na inlove kasi si Gazelle kay Larry at napagtanto rin ni Yohanne na kahit mukhang playboy
si Larry ay inlove pala naman talaga ito kay Gazelle. Pakiramdam tuloy ni Yohanne, wala na talaga siyang pagasa,
"hanggang friends" na lang talaga kaya ayun inaasar tuloy siya ni Eros na "hanggang friends".
"Hoy narinig ko yung sinabi mo!" kunwaring inis na sabi ni Yohanne kay Eros pagkababa nito.
"Mwahahahaha. Joke lang! Emo ka nanaman dyan! Move on na kasi pare, ga-graduate na rin tayo!"
"Nako Yohanne, hindi ka pa rin ba nakakamove on?" natanong ni Ate Risa, alam din kasi ni ate Risa ang tungkol
sa pagiging basted ni Yohanne kay Gazelle since paminsan minsan dumadaan si Yohanne sa bahay nina Eros at
madalas pag nasa bahay nina Eros si Yohanne ay patuloy siyang inaasar ni Eros kaya in the end naikwento din ni
Yohanne ang storya kay Ate Risa.
Tuwang tuwa naman si Ate Risa na makitang nakatagpo ng sobrang close na kaibigan si Eros, nagpapasalamat siya
at nagkaroon ito ng "bestfriend". Masaya siyang makitang masaya si Eros kasama ang kaibigan nito.
"Ate Risa," ate na rin ang tawag ni Yohanne kay ate Risa, "Don't worry, pagka-graduate ko ngayon, I'll make
sure ga-graduate na rin ang feelings ko for Gazelle."
"That's the spirit pre!" sabay pinatong ni Eros ang kamay niya sa balikat ni Yohanne sabay ngumisi ng pangasar,
"Para makagraduate ka na rin sa nickname mong 'hanggang friends'. Saka marami pang babae dyan na
pwedeng mambasted sayo! MWAHAHAHAHAHA."
"Ate Risa pwede pasapak sa kapatid mo? Isa lang please." =___=
Natawa na lang si Ate Risa sa kakulitan ng dalwa, "Haay nako kayo, lumakad na nga kayo. Magpi-picture-an
pa kayo ng mga classmates niyo ee, marami pa kayong gagawin before the ceremony kaya mabuti bang
lumakad na kayo. Susunod kami bago magstart ang ceremony."
Lumabas na nga sila ng bahay nina Eros at naglakad na papuntang school, hindi naman kasi kalayuan atsaka gusto
nilang i-take ang time nila since sobrang aga pa nila para sa ceremony. May 2hrs pa sila.
"Ang bilis ng panahon nuh?" sabi ni Yohanne habang naglalakad sila.
"Oo nga ee, ga-graduate na tayo. Tapos after ilang months, magka-college na tayo."
"Tama... saan mo balak mag-college?"
"Sa **** University, kukuha pa ako ng entrance exam. Sana madali lang."
"Woah. Sa **** University ka din?"
"Oo, bakit dun ka din ba?"
"Oo kaya! Mag-po-political science ako."
"Nosebleed naman yang kukunin mo."
"Di ah! Eh ikaw ba anong balak mong kunin?"
"Educ, balak ko mag-teacher."
"Wehhhhh? Ikaw? Teacher? Wehhhh? Hindi ko ma-imagine pre!" O__O
"Sira ulo. Bagay kayo ako mag-teacher."
"Pwede din, terror teacher. Wahahahaha."
"Ewan ko sayo." =__=
"Haha! Eh anong gusto mong ituro?"
"Ewan ko, di ko pa naiisip. Kahit ano basta maging teacher ako. Gusto ko kasing maging teacher, yung klase
ng teacher na pwedeng lapitan ng mga studyanteng namomroblema at nangangailangan ng tulong. Yung
klase ng teacher na imbis na pagalitan ang studyante niya dahil mabababa ang grades ay i-e-encourage niya
pa ito upang magpursige at huwag sumuko. Yung klase ng teacher na hindi hahayaang may maiwan sa mga
studyante niya sa araw ng graduation."
"Hmm... ibig mong sabihin yung klase ng teacher na opposite sa homeroom teacher natin? Or let's say na
opposite sa halos lahat ng mga teacher natin na tinignan ka lang ng masama at tinuring na parang basura,
na imbis na i-encourage ay mas lalong tinulak pababa?"
Ngumiti si Eros, "Gusto kong maging teacher kasi hindi lang yung laman ng mga libro ang gusto kong ituro
kundi gusto ko rin ituro sa magiging mga studyante ko ang mga bagay bagay na kahit kelan hindi mo
matutunan sa libro."
"Hindi matutunan sa libro? Ano naman yun?"
"Ano pa ba? Edi ang buhay ng bawat isa sa mundong ito."
"Wooooow pare, ikaw ata ang nakakanosebleed dyan. Ano ba yang mga sinasabi mo, parang hindi ikaw. Ang
bait mong pakinggan, para ka tuloy anghel kung magsalita. Unbelibabeeeels." O____O
Natawa si Eros, "Anghel? Hmm... Yohanne, naniniwala ka ba sa anghel?"
"Siguro... ata, pwede na din... Ewan."
"Yohanne, hindi mo ba nararamdaman yung nararamdaman ko?"
"Eeeeeeeeeeehh? Yung nararamdaman mo? Ha? Ano yun? Noooo! Wag mong sabihing.... pare, we're just
friends," pats shoulder, "Hanggang friends lang tayo dude, hindi tayo pwedeng maging more than friends. I'm
sorry pero hindi ko nararamdaman ang nararamdaman mo."
*WAPAKKK!!!*
"Sinapak mo ako, kala ko ba you have feelings for me? Is this how you show your love? Ajuju!" //(Y__Y)\\
"Pinagsasabi mo! Ang gay mo! Hindi yun ang ibig kong sabihin sa nararamdaman ko! Ibig kong sabihin hindi
mo ba nararamdaman na parang may kulang?"
"May kulang? Anong kulang?"
"Ewan ko... pagkatapos nung gabing nabaril si ate Risa... parang pakiramdam ko, may nawala... parang may
kulang..."
"Ano bang kulang yang sinasabi mo?"
"Ewan ko. Hindi mo ba nararamdaman yun?"
"Huh? Hindi? Pare, ano ka ba, ang weird mo. Anong pinagsasabi mong kulang, yang turnilyo ata sa utak mo
ang kulang kulang ee." =__=
"Tss! Seryoso ako. Ano kasi... lagi na lang may parang mga scenes na biglang papasok sa isipan ko..."
"Scenes?"
"Oo, para bang memories na biglang magfa-flashback sa isipan ko... pero sa scenes na ito, laging may isang
babae..."
"Isang babae?"
"Oo... lahat ng tao nasa paligid sa scenes na pumapasok sa isip ko ay sobrang linaw pero yung isang
babaeng ito laging naka-blurred ang itsura niya... hindi ko siya makita, hindi ko siya makilala... Pero naririnig
ko yung boses niya... pamilyar yung boses niya sakin, pakiramdam ko lagi ko yun naririnig dati pero... ewan
ko, wala akong maalala. Hindi ko nga alam kung imagination ko lang ba yung babaeng iyon. Ang weird."
"Oh? Imagination lang yan pre, kulang ka lang sa lovelife! Wahahaha!"
"Sira ulo ka talaga." =___= "Pero hindi mo ba talaga nararamdaman na parang may kulang?"
"Hindi nga sabi, ang kulit nito."
Nagbuntong hininga si Eros, "Haaay. Imagination lang nga talaga..."
"Pero bakit ganun? Parang totoo." dagdag ni Eros sa isipan niya.
***
After 7yrs...
~ ... "I still hear your voice when you sleep next to me
I still feel your touch in my dreams
Forgive me my weakness, but I don't know why
Without you it's hard to survive" ~...
"Goodmorning class, I am your new teacher, my name is Eros Magdayo," humarap si Eros sa may blackboard
para isulat ang buo niyang pangalan. This is his first time to work as a teacher at ito ang first class na iha-handle
niya. After so many years of his hard work sa college, ito siya ngayon, nagi-start na siya ng sariling career. He's going
to teach 4th year highschool students and he's contented about it, he promised to himself na everyone in his class
will graduate.
"I am your adviser and I'll also be your Physics teacher. Sa first day niyo, I'll teach you something about
Physics already."
"Awwwww. Sir, lesson agad? Hindi ba dapat sa first day magpapakilala muna kami?"
"Oo nga po sir, wag muna po tayo maglesson."
"Relax muna tayo sir, first day pa lang naman po ee."
Natawa siya sa reaction ng mga students niya, he expected that already. Syempre nga naman first day na first day
magle-lesson siya? Syempre magrereklamo talaga mga students niya pero sa tingin niya kelangan niya ng ituro agad
itong "lesson" na ito sa first day. Kasi isa itong "lesson" na magagamit ng mga studyante niya hindi lang sa exam
kundi sa buhay nila.
"Class, alam niyo ba kung ano ang inertia?" nakangiti niyang tanong.
"Sir naman ee... bakit tayo magle-lesson agad." >___<
"Haha! Don't worry guys, saglit lang itong ile-lesson ko. Madaling madali lang."
Humarap ulit siya sa blackboard para isulat ang salitang "inertia" at pati ang meaning nito, "I will not elaborate yet
pero I will give you an idea about inertia..."
"The law of inertia states that a body in motion tends to remain in motion, and a body at rest tends to remain
at rest.”
"Sir, nosebleed!" >___>
Nagtawanan ang buong klase dun sa isang student na nagsabi nun. Natawa lang din si Eros.
"Kilala niyo ba si Albert Einstein?"
May nagtaas ng kamay, tinuro ito ni Eros para sumagot.
"Sir, si Albert Einstein po? Sus, bestfriend ko po yan!"
Sabay may isa pang studyanteng sumigaw, "Kuya ko yun!"
May sumunod ulit na sumigaw, "Katulong ata namin yun."
Nagtawanan nanaman ang buong klase sa kakulitan ng mga kaklase nila kahit si Eros hindi niya mapigilang tumawa.
Masyadong masiyahin ang klaseng iha-handle niya.
"Kidding aside guys, Albert Einstein is the father of modern physics and he once said that:
“nothing happens until something moves”
~... "Cause everytime we touch, I get this feeling
And everytime we kiss, I swear I could fly
Can't you feel my heart beat fast?
I want this to lastI need you by my side" ~...
May nagtaas ng kamay, "So sir parang yun din yung law of inertia right? Yung a body in motion tends to
remain in motion, and a body at rest tends to remain at rest chuchu echorva."
"Exactly. And this is what I want to teach you guys, I want you to always remember the law of inertia because
in our life, we all know that without doing anything nothing will happen. For example, if we want something
to happen but we just sit there in a corner waiting for it to happen, it will never happen."
"I want to confess something to you guys, 2 beses akong nagrepeat nung highschool ako," nabigla yung mga
students niya nung sinabi niya yun, "Magta-tatlong beses pa nga sana kung hindi lang ako nagbago. Hindi ako
maka-graduate graduate sa highschool. You see, I was a rebel, yun bang hindi pumapasok, nakikipagbasag
ulo sa kalsada, yung klase ng tao na sinasabi ng iba na walang kwenta. Pero one day natauhan na lang ako
na parang mali lahat ng ginagawa ko, na para bang pakiramdam ko na pag pinatuloy ko yung pagrerebelde
ko wala akong mararating sa buhay ko. Kahit kelan hindi ako makakaalis sa kinatatayuan ko, habambuhay
na lang akong hindi makaka-graduate. Dito pumasok sa buhay ko ang law of inertia, I made a move to make
something happen. Para rin magkaroon ng change sa paulit ulit na pattern ng buhay ko."
"Nung natauhan din ako sa mga maling ginagawa ko, sinikap kong magbago. I tried my best na pumasok
araw araw at makapasa sa mga exams, nagpupuyat ako sa pagaaral para lang maipasa ang exam ko at sa
huli naka-graduate ako sa wakas. At alam niyo, ang sarap sa feeling na finally nagawa ko din makahakbang
mula sa kinatatayuan ko."
"Nagpatuloy ako sa college upang maisakatuparan ang pangarap kong maging isang guro at eto ako ngayon,
nasa harapan niyo at nagtuturo. A lot of things happened just because I made a move."
"Ito ang first lesson ko para sa inyo guys, the law of inertia. If you want something to happen, don't let
anything or anyone to stop you from making it happen."
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa buong klase, ilan sa kanila ay na-touched sa kwento ng bagong teacher nila.
Hindi rin nagtagal ay may nagtaas ng kamay, "Sir, para bang sa love diba? Na pag hindi ka nagmake ng move
mo halimbawa hindi mo sinabi sa kanya kahit kelan ang nararamdaman mo, walang mangyayari diba?"
"Oo, kung ipagtatapat mo sa isang tao ang nararamdaman mo may mangyayaring isang bagay na
magpapabago ng lahat."
May sumagot na isang studyante sa sinabi niya, "Magpapabago sa buhay mo either in a positive or negative
way, pwede kang mabusted at masira ang mabuting pagkakaibigan na nabuo sa inyo ng taong mahal mo.
Kaya minsan sa tingin ko some things are better to leave the way they are, it's better not to take a move so
not to ruin anything."
"Hmm... fear of losing that person na sobrang lapit sayo?" tanong ni Eros sa studyante niya.
"Opo sir, based on experience. Nagtapat ako sa bestfriend ko pero pagkatapos nun iniwasan niya ako, siguro
nailang o ewan ko. Pero basta sir, pagkatapos nun parang naging sobrang distant na namin sa isa't isa. Hindi
na niya ako pinapansin. Kaya sir sa tingin ko minsan it's better na wag na magmake ng move."
"I see. Pero ang puso mo, pwede niya din gawin ang law of inertia, MOVE ON." :)
"Sir!" biglang may nagtaas ng kamay, "From Inertia to love ang topic natin aa, nainlove na po ba kayo sir?"
Sabay nag-"ayeeeee" ang mga estudyante niya.
~... "‘Cause everytime we touch, I feel the static
And everytime we kiss, I reach for the sky
Can't you hear my heart beat so?
I can't let you goI want you in my life" ~...
"Hmm.... no."
"Awww sir? Hindi nga po? As in never? Kahit crush man lang? Imposible yun sir!
"Crush? Hmm, wala din ee."
"Imposible yun sir. Never po kayong nagandahan kahit kanino? O hindi niyo po na-feel yung butterflies in
your stomach?"
"Hmmm... hindi eh pero yes may mga times na nagandahan ako sa isang babae pero hanggang dun lang
yun, I don't know why pero I've never felt attracted to anyone."
"Sir, ang bato naman po ng puso niyo!"
"Hindi naman, let's say na siguro hindi pa lang dumadating yung babaeng magpapatibok ng puso ko." :)
Nagpatuloy sila sa kwentuhan nila, nagpakilala na rin isa isa ang mga estudyante niya and in the end of the day,
napalapit na ng husto ang mga estudyante niya sa kanya at kuntento naman siya sa naging resulta ng first day niya.
"Ahhh, at home at last," binuksan na niya yung gate ng pintuan ng bahay nila pero pagbukas niya ng pinto ay
nabigla siya kasi saktong lumabas si Love mula sa gate at tumakbo palayo, "Hey Love!!!"
Hinagis ni Eros ang gamit sa may garden at sinarhan ulit yung gate ng bahay at hinabol si Love sa may kalsada.
Tinatawag niya ang pangalan ng pusa niya kasi hindi niya na makita kung saan ito nagpunta.
"Love! Lo---" nung lumiko siya sa may isang eskinita ay napatigil siya nang makita ang itim na pusa , "Andyan ka
lang pala Love!"
"Umm... miss," nakita ni Eros na may babaeng nakaupo sa harap ni Love at pine-pet ito sa ulo, hindi niya masilip
ang itsura nito kasi nakayuko ito tapos naka-shade pa, pero mahaba ang buhok nito at nakaputing bestida ito,
mukhang hindi nalalayo ang edad nila, "Kukunin ko lang yung pusa ko."
~... "Your arms are my castle, your heart is my sky
They wipe away tears that I cry
The good and the bad times, we've been through them all
You make me rise when I fall" ~...
Inangat nung babae yung ulo niya at binuhat si Love atsaka tumayo para mapantayan ang level ni Eros kaso maliit
lang siya hanggang balikat lang siya ni Eros, "Iyo ba itong pusa na ito?"
"Meooow." :3
Inabot niya kay Eros ang pusa, "Yeah, tumakas kasi siya sa bahay. Ang weird nga ee, she doesn't usually do
that kaya sobrang nabigla ako nang pagbukas ko ng gate ng bahay bigla na lang siya tumakbo palabas."
"Ganun ba, baka may gusto siyang puntahan." nginitian siya nung babae, "Love ba ang pangalan niya?"
"Yeah."
"Ang cute naman ng pangalan niya. Kadalasan takot ang mga tao sa itim na pusa, they even think na cursed
cat ang mga itim na pusa dahil they bring bad luck only pero ikaw nag-alaga ka ng black cat and you even
named it Love."
"I don't believe in such kasi. Hindi naman badluck si Love saka isa pa, may similarities kami ng pusang ito.
Tulad ng pusang ito, takot din ang mga tao sakin dati kasi masama akong tao pero ang pangalan ko ay Eros
which actually means Love in Greek."
"Oh Eros ang name mo? Para bang si Eros na God of love sa Greek Mythology?"
"Yup." :)
"That's so cool, my name is from Greek mythology too."
"Talaga?"
"Yes, pero opposite nga lang yung names natin kasi kung ang name mo ay galing sa God of love, yung name
ko naman galing sa Goddess of Discord ng Greek Mythology," tinanggal nung babae yung sunglasses niya at
nilagay sa may ulo saka tinignan si Eros sa mga mata, inabot niya ang kamay niya dito at naghand shake sila, "My
name is Eris."
~... "'Cause everytime we touch, I get this feeling
And everytime we kiss I swear I could fly
Can't you feel my heart beat fast?
I want this to lastI need you by my side" ~...
"Hoy sino ka!"
"I'm Eris Jane Trinidad, you can call me Eris." tapos nagcurtsey pa ito, "At ako ang iyong guardian angel! Yehey!"
*claps claps*
Napatigil si Eros sa kinatatayuan niya nang magtapat ang mga mata nila nung babae at nagdaop ang mga palad nila
at lalo na rin ng marinig niya ang pangalan nito, para bang isa isang naglalabasan ang mga eksena sa isipan niya.
"Love!"
"Ha?"
"Let's name her LOVE!"
"Ha?!"
"Pangalanan natin yung kuting na LOVE! Diba ang cute?"
Hindi niya maalala kung saan galing yung mga eksenang iyon na nagpe-play sa utak niya, they seems
like "memories" pero hindi niya magets kung saan galing yung mga alaalang iyon.
"Thank you... thank you for falling inlove with me."
Yung babaeng kaharap niya ngayon, andun siya sa mga scenes na nagpe-play sa utak niya pero nagtataka siya kasi
wala siyang maalala na nakita na niya noon ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Naguguluhan siya.
"Yup. Yung mission ko ay involve sayo. Ikaw, Eros Magdayo, ay isang rebelde. Mahilig kang makipag-away, galit ka
sa mga tao at iniisip mong masama kang tao pero ako na magsasabi sayo Eros... hindi ka ganun kasama tulad ng
iniisip mo. You always tell to yourself that you hate everything but I know that deep inside," bigla niyang tinuro yung
left chest ni Eros, "You care for something, for someone. My mission is to make you realise that you are not really a
person full of hate, that love can also spring from that heart of yours.""
"Umm... are you okay?" nabalik lang siya sa reality nang marinig niyang magsalita ulit yung babae sa harapan niya.
"A-ah? O-oo! S-sige, aalis na ako. Bye!" naguguluhan pa rin si Eros pero pinili na lang niyang talikuran na yung
babae at bumalik na sa bahay.
Pero habang naglalakad na siya palayo biglang may isa ulit scene na nagplay sa isipan niya...
"Anong gagawin ko?"
"Lumuhod muna tayo," lumuhod si Eris at pinatong ang mga kamay sa may unahan, ginaya naman ito ni Eros.
"Ulitin mo ang sasabihin ko," kinuha ni Eris ang kanang kamay ni Eros at tinaas ito at pinatong sa may noo, "Sa
ngalan ng Ama,"
"Sa ngalan ng Ama," inulit ni Eros ang sinabi ni Eris.
Ginabayan muli ni Eris ang mga kamay ni Eros upang magform ito ng sign of the cross, "Anak at Espirito Santos,
Amen."
"Amen," nabigkas ni Eros ang salitang iyon at sa hindi malamang dahilan para bang isa isang bumalik sa alaala niya
ang lahat ng nangyari...
~... " 'Cause everytime we touch, I feel the static
And everytime we kiss, I reach for the sky
Can't you hear my heart beat so?
I can't let you goI want you in my life" ~...
Yung anghel na sobrang annoying...
Yung mission...
Yung necklace...
Yung babaeng mahal na mahal niya...
Si Eris....
Lumingon agad si Eros at tumakbo palapit dun sa babae kanina na ngayon ay naglalakad na rin palayo sa kabilang
daan, nung naabot niya ito ay hinawakan niya ito sa braso at napalingon tuloy ito sa kanya,
"Miss, nagkita na ba tayo?"
Ngumiti yung babae, "Hindi ko alam, hindi kasi ako taga dito. Ngayon lang ako nakarating dito sa syudad na
ito, kalilipat ko lang ngayon."
"Sigurado ka ba? I mean wala ka bang naaalala sa nangyari 7yrs ago? Yung mission, yung necklace..."
Umiling yung babae at medyo kumunot ang noo nito, a sign na hindi nito nagegets ang sinasabi ni Eros, "Anong
mission? Anong necklace? I'm sorry pero hindi kita magets."
"Hindi mo ba tanda? Diba namatay ka? Tapos ang sabi mo pag nagawa natin yung mission, mabubuhay
kang muli... pero bakit pagkatapos ng mission natin parang nabura ang alaala ko, bakit ngayon ko lang ulit
natandaan atsaka bakit parang wala ka ng maalala?"
Natawa yung babae, "Hindi kita magets, hindi kaya nasosobrahan ka sa panunuod o pagbabasa ng mga
fantasy story?"
Nagbuntong hininga na lang si Eros, hindi niya magets kung bakit hindi maalala ni Eris ang mga nangyari pero
napagtanto niya na siguro part yun ng rules ng "mission". Isa sa mga rules na siguro nasabi na sa kanya dati ni Eris
pero hindi lang siya nakinig ng maayos. Yung rule na pag natapos siguro yung mission, maga-grant yung wish niya
tapos mabubuhay muli si Eris pero wala silang maaalala sa mga nangyari pagkatapos. Kaya nga siguro noon pa man
pakiramdam niya may "kulang", yun pala isang parte ng alaala niya ang nawala.
Pero nagtataka siya na bakit bigla niya ulit naalala ang lahat ngayon?
"Ah, sorry miss," binitawan na niya yung braso ni Eris at tumalikod na, siguro hindi na talaga siya naaalala nito.
"Sige bye," tumalikod na ulit siya at naglakad na.
Nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig niyang magsalita si Eris, "Nice meeting you Ero-ero."
Ero-ero? Nanlaki ang mga mata ni Eros at napalingon muli kay Eris.
"YOU REMEMBER?!" O______O
Ngumiti si Eris, "Secret!" :P
Napangiti na ng tuluyan si Eros, the moment she called him "Ero-ero" he knew na she could still remember. It was
her nickname to him.
"You were just pretending that you don't remember!" >__<
"Remember what?" she said grinning.
"Arghhh!!!" hinigit ni Eros si Eris palapit sa kanya at niyakap ito ng sobrang higpit, napatalon tuloy si Love sa takot
na maipit sa kanilang dalwa, "Na you don't remember me."
"Eeek. Stranger, you're hugging me. This is sexual harrassment!" pabirong sabi ni Eris.
"Napaka mo, tinatakot mo ako ee. Akala ko talaga hindi mo na maalala."
"Hindi ko talaga naalala Eros, like you nawala din ang memory ko 7yrs ago. Nabuhay ako as an 18yr old
girl sa kabilang syudad, I was given different memories like having different parents, different childhood
memories, different friends, different life."
"Hindi talaga kita naalala Eros kasi parte yun ng mission natin, makakalimutan natin ang isa't isa."
"Pero kung ganun nga, bakit ngayon naaalala ko na ulit lahat?"
Umiling si Eris, "Kahit ako ngayon ko lang din naalala ang lahat nang magtama muli ang mga mata natin at
magdaop ang mga palad natin."
"Lumipat ako sa syudad na ito kasi dito ako nakahanap ng trabaho at katatapos ko lang ipasok sa bagong
bahay lahat ng mga gamit ko. Medyo napagod ako kakaayos ng mga gamit kaya napagisipan kong magtake
a break muna kaya lumabas ako para maglakad lakad at kilalanin ng konti ang syudad na ito but then nung
naglalakad ako sa eskinita na ito biglang nakita ko si Love at napatigil ako sa paglalakad."
"Pagkatapos bigla kang dumating...."
"At nagtagpo muli ang mga landas natin." si Eros na tumapos sa sasabihin ni Eris.
Tumango si Eris, "Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik ang mga alaala natin at nagtagpo tayong muli
pagkatapos ng pitong taon pero isa lang ang sigurado ako..."
"Ano yun?"
"This is God's plan."
Ngumiti si Eros, "Si God talaga oh."
Natawa na lang si Eris, "Kamusta ka na?"
"Isa na akong teacher."
"Wow! Talaga?"
"Oo, at ito yung first day ko na nagturo ako. At alam mo ba isa sa mga estudyante ko tinanong ako kung
nainlove na daw ba ako?"
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko hindi pa kahit kelan." nagpout si Eris sa sinabi ni Eros pero kinurot lang ni Eros ang pisngi ni Eris,
"Pasensya na, nagkamali ako ng sagot. Ngayong naaalala ko na ang lahat, alam ko na na isang beses sa
buhay ko nahawakan ko na ang kamay ng babaeng nagpatibok ng sobrang lakas ng puso ko."
Hinawakan niya ang kamay ni Eris, "At hinding hindi ko na bibitawan pa iyon."
~... " 'Cause everytime we touch, I get this feeling
And everytime we kiss, I swear I could fly
Can't you feel my heart beat fast?
I want this to lastI need you by my side " ~...
Eros was a bad boy, Eris was literally an angel.
She died, she came back for a mission and now she got her second life.
He hated life, he got himself a mission and now he has his "happiness" in front of him.
God knew they were meant for each other.
There's a reason why Love the cat ran away, it's to lead Eros to his other half.
That's inertia, “nothing happens until something moves”.
Real mission: Find your other half.
Mission finally accomplished.
THE END .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento