Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE DIED [8]

- ERIS JANE TRINIDAD


"Hmm, gising na kaya si Eros?" nilagay ko sa may baba ko ang hintuturo ko habang naglalakad papunta sa
bahay ni Eros. Nakasuot na ako ng uniform na binigay ng ate niya, papasok na ulit kami ni Eros sa school! Yehey!
Nakakamiss pumuntang school, when I was still alive going to school was one of my favourites! Kasi sa school kahit
gaano man kahirap ang mga lesson at quizzes ay nage-enjoy naman ako sa company ng mga classmates ko na
naging mga kaibigan ko na. Sa school hindi lang mga bagay sa libro ang mga natutunan ko, natutunan ko rin yung
mga bagay tungkol sa buhay. Haay, nakaka-miss, isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto ko pa ulit mabuhay. Sana


nga po Lord magkasecond chance ako... hindi lang ako pati na rin si Eros, sana magkasecond chance din siya upang
mabago ang buhay niya.


*ding dong*


"Eris! Goodmorning!" si ate Risa ang nagbukas ng gate para sakin at pinapasok niya ako.
"Goodmorning din ate Risa! Gising na ba si Eros?"
"Naku hindi pa nga ee! Gusto mo bang ikaw na gumising sa kanya?" mabilis na tumango tango ako sa tanong
niya at dinala niya ako sa may kwarto ni Eros. Agad agad naman akong pumasok, sabi ni ate Risa kahit wag na daw
ako kumatok kasi hindi din naman daw magigising si Eros sa bastang katok lang.


Lumapit ako sa kanya sa may higaan, may certain sleeping position siya: face on the pillow while an arm is under the
pillow. Yumuko ako hanggang sa makalapit ako sa may isang tenga niya, huminga muna ako ng malalim at...


"GOOOOOOOOOOOOOOODMOOOOOOOOOOOORNING EROS!"

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" buti nakalayo agad ako nung malaglag siya sa
may higaan niya dahil sa pagkabigla sakin. Hihi. Sinadya ko yun para magising agad siya. :D

"Pot---"
"Chicken," pagko-correct ko agad sa kanya kasi nararamdaman kong magmumura nanaman siya. Yun kasi ang
automatic na lumalabas sa bibig niya everytime mabibigla siya or maiinis.

"Taeng chicken ka oh! Aatakihin ako sa puso sayo! Kita mong natutulog yung tao tapos sisigawan mo! Asar
ka!" naiinis na bumangon siya sa pagkakalaglag kanina.
"Eeee kasi Eros, look at the time oh," tinuro ko yung wall clock niya sa kwarto, "Male-late tayo pag hindi ka
gumising agad saka maghilamos, maligo at magayos ka na! Bilis bilis! Male-late tayo!" >__<


Tinulak tulak ko siya para kumilos na siya kasi babalik nanaman ulit sana siya sa kama pero pinigilan ko.

"OO NA! OO NA! Wag mo nga ako itulak, ito na oh kikilos na! BWISET!" sabay kumuha siya ng uniform sa closet
niya at nagdiretso na sa banyo ng kwarto niya at pabalibag na sinarhan ito.

Naiwan ako dun na naghihintay para sa kanya, naglibot libot ako sa kwarto niya, wala man lang picture frame o photo
album na pwedeng pagmasdan dito. Pero infairness, hindi masyadong makalat ang kwarto niya.

"Ero-ero! Wag kang matulog dyan sa loob ha! Bilisan mo baka malate tayo!" kinatok ko siya sa may pinto ng
banyo kasi baka mamaya natutulog lang yun ulit sa loob ng banyo. Pagkatapos nun napansin ko yung kama niya
na medyo makalat pa kaya naman nilapitan ko ito upang ayusin dahil wala naman akong ibang magawa habang
naghihintay.


Pero nung pagkalapit ko sa kama niya at kukunin ko na sana yung kumot napansin ko sa may bandang dulo, sa may
malapit sa pader ay may nakahigang maliit na bagay na itim...

"Ha? Ano yun?" out of curiosity ay nilipitan ko pa ito ng maigi at sobrang nabigla ako nang iniangat nito ang ulo nito
at sinabing...

"MEOW~~"

"Uwaaaaa~~." *~( .m. )~*

Sa sobrang tuwa ko at sa sobrang cute nung kuting ay kinuha ko ito mula sa kama at kinarga, "Kaya pala biglang
nadagdagan ng 20% sa necklace kagabi! Uwaaa! Nakakatuwa! Hindi ko aakalaing babalikan at kukupkupin ka
ni Eros! Sobrang nakakatuwa!" <3

Hindi ako makapagpigil ng kasiyahan sa nakita at napagtanto ko kaya pagkalabas na pagkalabas ni Eros ng banyo
ay niyakap ko agad siya!

"HOOOOOOY! LUMAYO KA NGA! KALILIGO KO LANG DUDUMIHAN MO NANAMAN AGAD AKO SA GERMS
MO!" sabay tulak sakin. *pouts*

"Eros! Eros! Ang bait bait mo! Sobra! Salamat at kinupkop mo ang kuting!" sabay kuha ko ulit nung kuting at
hinarap sa kanya.

Napansin kong nabigla siya at parang nataranta tapos sabay napaltan ang expression ng mukha niya, mukhang
naiinis siya at bigla niyang tinuro gamit ng hintuturo niya yung kuting na buhat buhat ko, "A-ANONG GINAGAWA
NIYAN DITO?! A-ANONG KINUPKOP? DI KO KINUKUPKOP YAN! NAKO BAKA SINUNDAN AKO NIYAN! MAY
SANIB ATA YANG PUSA AT NAKAPASOK SA BAHAY AT KWARTO KO!"

Pinilit kong pigilan ang tawa ko kasi obvious naman na umaarte lang si Eros na naiinis siya, alam ko naman kasi pag
natural ang reaksyon niya o hindi at sa ngayon alam kong "palabas" lang yung ginagawa niya.

"Kunwari ka pa ee!" sabay abot ko sa kanya nung pusa at pinalo ko ng mahina ang kanang braso niya, "Aminin
mo na! May puso ka naman ee na kayang lumambot kahit paminsan minsan!"

"H-hoy! A-anong pinagsasabi mo ha?! Saka o-oy! Bakit mo binigay sakin itong pusa! Kita mo ng kaliligo ko
lang tapos iaabot mo sakin, oy kunin mo nga ito ang dumi dumi nito! Madudumihan lang ulit tuloy ako!"


"Eeee! Deny ka pa dyan ee! Ang linis linis na kaya niya! Pinaliguan mo siya nuh? Saka mukhang hindi na
siya gutom, pinakain mo rin nuh? Ayeeee! Ang sweet sweet mo talaga Ero ero!" <3 <3 <3

"H-HOY! Sweet mo mukha mo! Sinabi ng hindi ko nga alam kung paano nakarating itong pusang ito dito!
Saka quit calling me Ero ero!!!"

"Hmp! Don't be shy na kasi! Ang labo mo Eros, pag gumagawa ka ng masasamang bagay hindi ka nahihiya
pero pag gumagawa ka ng mabuting bagay, kinahihiya mo? Baliktad ata! Kahit kelan wag na wag mong
ikahihiya ang mga bagay na ginawa mo na alam mong mabuti..."

"Tandaan mo, mas mahirap gumawa ng mabubuting bagay kesa sa masasamang bagay kaya yung
paghihirap na yun... ipagmalaki mo yun kasi alam mo sa sarili mong nagawa mo ang tama."

"E-ewan ko sayo! Di ko alam mga pinagsasabi mo!" sabay patong ng kuting sa may kama. Haaay, alam ko
naman na kinupkop niya talaga yung pusa, nahihiya lang siyang aminin. Di ko magets kung anong nakakahiya dun
pero that's Eros, siguro hindi lang talaga siya sanay sa biglang pagbabagong nagaganap sa kanya kaya hindi niya pa
agad maipagmalaki. Pero I can't wait na dumating yung araw kung saan maipagmamalaki niya ang sarili niya dahil
nakakagawa siya ng mabubuting bagay. :">

"But look Eros, nadadagdagan tayo ng 20% dahil sa kabutihang ginawa mo! 49% na Eros! 51% to go!
Kalahati na lang Eros! Malapit na tayo! Aren't you happy?" **\\(^_________^)//**

"Tsss!" yun lang yung sinabi niya tapos tumalikod na siya pero for a second there, I thought I saw him smile.

***

"Love!"


"Ha?"
"Let's name her LOVE!" habang naglalakad na kami papuntang classroom ay kinukulit ko pa rin siya tungkol dun sa
pusa.


"Ha?!"
"Pangalanan natin yung kuting na LOVE! Diba ang cute?"
"Ang bading." =___= "Saka bakit mo ba iniintinding pangalanan yun, pusa lang naman yun."
"Kahit pusa yun may buhay din yun! Ikaw kaya matutuwa ka kung wala kang pangalan?"
"Tsss, ewan ko sayo."
"So deal ha? Love na ang name niya!"
"Ang baduy."
"Eh anong gusto mo ipangalan?"
"Annoying."
"Ha? Bakit annoying? That's not a good name." *pouts*
"Annoying because you are ANNOYING!"



"Ohwell, Love na lang name niya! Teehee!" ^__^
"Arghhh! YOU ARE VERY VERY ANNOYING!"

Nakarating na rin kami sa may classroom at pagkapasok na pagkapasok namin biglang tumahimik yung klase,
maingay siya kanina, naririnig ko nga kanina yung mga tawanan at sigawan nila habang nasa may hallway pa lang
kami pero biglang tumahimik talaga nung pumasok kami. Halos lahat sila nakatungo at tumigil sa mga ginagawa nila
habang dumadaan kami ni Eros, para bang iniiwasan nila kami... o si Eros? Para bang ayaw o takot sila sa kanya.


This is one of those thing na kelangan maayos. Masaya sana kung hindi ganito ang trato nila kay Eros.
Alam kong kasalanan din ito ni Eros kung bakit ganto ang tingin sa kanya ng mga kaklase niya pero gusto ko sana
sa pagbabago ni Eros ay magbago rin ang tingin ng mga kaklase niya. Gusto ko maging malapit din sila kay Eros,
makipagtawanan at makisalimuha sila sa kanya. At gusto ko rin sana na balang araw magkaroon ng kaibigang
matuturing si Eros sa klaseng ito.


Diba po Lord, hindi malabong mangyari yun? Kayo na po nagsabi sakin na everyone deserves a second chance kaya
maniniwala po ako sa inyo.

***


Wala naman masyadong nangyari sa morning class, as usual natutulog si Eros pero pinipilit ko siyang gumising at
makinig sa teacher na siyang labis niyang kinaiinis. Haay, hindi sapat yung pumasok lang siya sa school, kelangan
niya ring matuto.


Pero dumating yung lunch time at biglang pinatawag si Eros sa may faculty, sumama ako syempre dahil gusto kong
malaman kung bakit. Nung una nga ayaw akong papasukin nung teacher pero sa huli ay pumayag na rin itong
papasukin ako dahil sa kakulitan ko.


"Mr. Magdayo, I'm sorry to say this pero you won't make it to the graduation AGAIN."
"Kelangan i-emphasize yung 'AGAIN' ha?!" asar na sabi nito. Pero ako nabigla ako, noooo! Hindi siya
makakagraduate? That means magre-repeat nanaman siya for the 3rd or 4th time? Nooo! >__<
"Wait mr. teacher! Bakit po hindi siya makakagraduate? Ano po ang dahilan?" tanong ko.
"Lack of attendance. Poor grades." kibit balikat nito na wari mo'y hindi man lang nalulungkot sa balitang ito. Bakit
ganun, teacher siya pero parang wala siyang malasakit sa sariling studyante? Hindi porket may bad attitude si Eros
kelangan ganun na ang reaksyon niya sa balitang ito! That's unfair! Dapat sa lahat ng studyante niya fair ang tingin
niya kahit ano pa man ang katauhan o ugali ng mga ito.


"Yun lang sasabihin mo? Sige alis na ako. Kabagot dito." tatalikod na sana si Eros pero pinigilan ko siya.


"Wait!" habang hawak ko sa may damit niya si Eros ay hinarap ko ulit yung teacher, "Wala na po ba chance na
makagraduate siya?"
"Wala na, masyadong scarce ang attendance niya. Saka ang baba ng grades niya."


"Pero mr. teacher! Hindi po ba pwedeng bigyan niyo siya ng chance? I mean sisiguraduhin ko pa sa inyo na
pipilitin niyang tumaas ang mga grades niya sa mga nalalabing quizzes, exams, recitations at kung anu ano
pa!"
"Okay sana yun kaso kulang talaga ang attendance niya. He won't make it sa graduation."


"Pero... paano po kung nagawa niyang pataasin mga grades niya tapos pag naipasa niya po lahat ay
pagraduate-in niyo po siya? But after that babawiin niya na lang po ang attendance niya by attending a
summer class? Please po!" I tried bargaining and I hoped for it to work pero...


"I'm sorry... I don't think that'll work."
"Pero mr teacher... please po... please.... pa--- ow!"
Nabigla ako nang may humawak sa may braso ko at bigla akong hinigit, "ANO KA BA! PARA KANG TANGA!
ITIGIL MO NGA YAN! HINDI MO KELANGAN MAGMAKAAWA PARA SAKIN!"


"Pero Eros---"
"KUNG HINDI GA-GRADUATE EDI HINDI! PROBLEMA BA YUN!"
"Oo Eros, problema yun! Paulit ulit ka na lang, ayaw mo bang makatapos?"
"ALAM MO KUNG ANONG PROBLEMA? IKAW! NAPAKAPAKELAMERA MO! EH ANO KUNG HINDI AKO
MATAPOS? TSSS!!!"


"Eros wait!" bigla kasi niyang binuksan ang pinto at nagwalk out.

"Mr. teacher, please consider it. Please po..." yun lang sinabi ko sabay tumakbo na ako palabas para habulin si
Eros.

"Eros! Eros! Hintay!" halos hinahapo na ako kakahabol sa kanya, ang bilis niya kasing maglakad tapos ang haba
haba pa ng mga legs niya hindi tulad ng akin na maiksi lang kaya hirap na hirap akong habulin siya kahit natakbo na
ako.

Umakyat siya papuntang rooftop kaya nasundan ko siya hanggang dun.

"Buntot ka ba ha? SUNOD KA NG SUNOD! Bwiset!" sabi niya nung umupo siya sa may sahig at sumandal sa
isang pader dun sa may rooftop.

Umupo ako sa may tabi niya at kinuha ko sa kamay niya yung sigarilyong sisindihan niya na sana, nainis siya sa
ginawa kong yun at sinigawan ulit ako, "ANO BA! IBALIK MO NGA SAKIN YAN!"


Nasa palad ko yung sigarilyo at madiin na sinara ko ang palad ko upang masira ang sigarilyo at seryosong hinarap
ko siya, "Smoking kills."

"I know, hindi ako tanga, nakasulat sa lagayan."
"Eh bakit mo pa rin ginagawa?"
"Pakelam mo ba?"
"Alam mo rin bang, smoking kills those around you?"
"Patay ka na diba? So I can smoke. Badtrip sinira mo yung sigarilyo," kumuha siya ng panibago sa pack ng
sigarilyo niya pero agad ko din naman inagaw iyon pati na yung pack.


"Oo nga patay na ako pero ikaw buhay ka pa pero pinapatay mo na ang sarili mo. Tingin mo tama yang
ginagawa mo? Tingin mo makatarungan yan para saming mga hindi nagkaroon ng chance na mabuhay ng
mahaba? Isipin mo na lang yung ate Risa mo na gusto pang mabuhay pero limited na lang ang mga oras
niya... tapos ikaw, ang haba haba pa ng buhay mo pero pinapaikli mo na agad?"


Hindi siya sumagot. Nakagat ko ang labi ko at nagbuntong hininga ako pagkatapos.

"Please Eros... magmakaawa ka..."
"Ha? Magmakaawa?"
"Magmakaawa ka sa teacher mo na bigyan ka ng chance... beg for him..."
"HA? ANO AKO TANGA?"
"Ibaba mo ang pride mo sa pagkakataong ito, kelangan mo ito Eros kaya ipagmakaawa mo. Para ito sa
kapakanan mo, kelangan mo grumaduate. Kung ikaw mismo ang magmamakaawa baka isipin niyang
determinado ka talaga makapasa at makagraduate kaya baka bigyan ka niya ng 2nd chance."
"Hindi ko kelangan magmakaawa kahit kanino!"


"Ano bang mawawala sayo kung gagawin mo yun?"


Tumigil siya saglit na waring hindi mahanap ang sagot sa tanong ko pero maya-maya lang ay sinagot niya lang ako
ng isang, "Ewan ko sayo!"

"Sagutin mo ako Eros, ano bang mawawala sayo kung magmamakaawa ka kahit ngayon lang?"

Hindi siya tumitingin sakin, nakayuko lang siya. Hindi umiimik.

"UY EROS! SAGUTIN MO AKO! ANO BA!" niyuyugyog ko na siya sa may balikat niya habang pinipilit kong wag
tumulo ang mga luha ko, "Eros alam mo ba pangarap kong makagraduate? Pero namatay ako a month before
graduation! I never made it..."

"I never made it... but you... you can still make it!" sigaw ko sa kanya.


"Wag kang ganyan Eros, wag mong ipagdamot sa sarili mo yung bagay na hindi ko nagawa!"

"Please Eros... nagmamakaawa ako sayo... gusto kitang makitang grumaduate... please Eros... please...
please..." patuloy ko siyang niyuyugyog sa balikat niya habang nakatungo na ako at dire diretso ng tumutulo ang
mga luha ko.

*toink*

Napatigil ako sa pagyugyog sa balikat niya at napabitaw ako nang maramdaman kong bigla niyang nilagay ang
buong palad niya sa may mukha ko at mabilis na binaba ito na para bang pinahid ang mga luha ko.

"Ang panget mo umiyak."

Sabay bigla siyang tumayo at pinagpagpag ang pantalon, "Dyan ka lang, wag mo akong susundan. Babalik din
ako."

Nagsimula na siyang maglakad papuntang pinto pero bigla rin ulit siyang tumigil at sinabi niya sakin ng hindi
lumilingon, "Diba may magic yang God mo? Pakisabi nga sa kanya i-magic yung teacher na yun na pakinggan
ako."

Hindi ko agad nagets yung sinabi niya pero pagkasara niya ng pinto ng rooftop at naiwan na lang ako dun saka ko
narealise ang gusto niyang ipahiwatig.

Gusto niyang ipagdasal ko siya na sana pakinggan siya ni mr. teacher sa pagmamakaawang gagawin niya, gusto
niyang ipagdasal ko siya na nawa'y mabigyan siya ng isa pa uling pagkakataon.

 Napangiti ako at napatingin sa itaas.

'Lord, maraming salamat po kasi pinakinggan ni Eros ang mga sinabi ko.'

Hindi ko alam kung lumambot ang puso ni Eros nang marinig niya ang storya ko na namatay ako bago pa man ako
makagraduate kaya bigla siyang tumayo upang kausapin ang teacher niya pero kung anuman ang dahilan, masaya
ako.


Unti unti na talaga siyang nagbabago.


Hindi naman kasi talaga siya masamang tao.
Wala namang tao sa mundo na ubod ng sama, lahat tayo may puso.


Nadagdagan ng 5%, 54% na. Konting konti na lang.





ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento