"Kinakabahan ako." hindi mapakaling sabi ni Yohanne habang panay ang paggalaw ng mga daliri niya sa may
table.
"Relax ka nga lang dyan mukhang natataeng ewan ka na eh," naiinis na sabi ni Eros sa hindi mapakaling
Yohanne.
Nasa may garden ng bahay na sila nina Gazelle at nakaupo sa isang table, simple lang naman yung birthday party
ni Gazelle, may kainan, kantahan at konting gimik. Mga 7pm na kasi nagstart yung party. Ang mga nandun ay mga
kaklase, kaibigan at ilang kamaganak ni Gazelle.
Hindi kasi mapakali si Yohanne, hindi niya malaman kung papaano ba siya magtatapat kay Gazelle. Ngayon na kasi
niya balak magtapat sa mismong birthday nito pero sobrang kinakabahan siya.
"Argghh! Hindi ko kaya, uuwi na ako!" napatayo na lang si Yohanne at aalis na sana.
"Oy gago ka ba? Bumalik ka nga sa upuan mo!" sabay higit ni Eros kay Yohanne sa damit para bumalik sa
kinauupuan nito.
"Yohanne, wag kang umalis. Just wait for the right time, magagawa mo din makapagtapat sa kanya," saad
naman ni Eris na nasa same table nila.
"Right time? Kelan? Tignan niyo nga oh lagi na lang napapaligiran si Gazelle ng mga kaibigan niya o kaya ng
mga kaklase o kamag-anak, paano ako makakalapit sa kanya at magkaka-chance na makausap siya ng kami
lang? Hindi ko na magagawang magtapat sa kanya, sabi ko na habambuhay na lang akong mangangarap sa
kanya ng patago." pinukpok ni Yohanne ang ulo sa may table at nagstay sa ganung position. He feels so desperate.
Nagaalala naman si Eris para kay Yohanne kaya tinanong niya si Eros na katabi niya, "Uy Ero-ero, anong gagawin
nating mga cupids nila? Look oh, kawawa naman si Yohanne. Gawa ka naman ng way para makausap niya si
Gazelle para makapagtapat siya. Uy Ero-ero."
Hindi siya pinapansin ni Eros at kumakain lang ito kaya kinulit niya ito sa pamamagitan ng paghigit sa sleeves ng
uniform nito, "Uy Ero-ero, dali na... Ero-ero naman ee, puro pagkain inuuna mo dyan. Ero-ero!!!"
"Oh sinong next na kakanta?" may biglang nag-announce nun sa may karaoke sa may unahan, katatapos lang nito
kumanta.
Sa sobrang inis ni Eros sa kakulitan ni Eris ay sumagot siya dun sa nag-announce sa unahan at tinuro si Yohanne na
nakapatong pa rin ang ulo sa lamesa, "ETO! KAKANTA DAW!"
Napa-angat naman ng ulo si Yohanne ng hindi oras, "ANO? HA? AKO? HINDI AH!"
Tinulak ni Eros patayo si Yohanne at patuloy na itinulak papuntang unahan para kumanta, "GO! Uupakan kita pag
di ka pumunta sa unahan."
"Pero Eros... nakakahiya. Ano ba... Ayoko..."
Lumapit sa kanya si Eros at bumulong, "Hindi mo siya magawang malapitan para makausap? Oh ayan, nakamicrophone
ka na, ewan ko na lang kung hindi ka pa niya mapansin at marinig."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
Tinapik lang siya ng malakas ni Eros sa likod at tinulak muli, "Go!"
Napapunta na si Yohanne sa unahan kakatulak ni Eros at inabot nung last na kumanta sa kanya yung mic at sinabi
sa kanya, "Hi! Pili ka na ng song na gusto mo."
Pumili si Yohanne at pinili ang kantang "Ngiti" by Ronnie Liang.
. "Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit..." ~.
Medyo uncomfortable pa si Yohanne nung simula siyang kumanta, hindi kasi siya masyadong kumakanta sa harap
ng maraming tao lalo na't hindi naman niya halos kilala ang mga ito. Si Eros at Eris lang kilala niya. Pati si Gazelle.
Ah si Gazelle...
Asan kaya siya? Nasabi ni Yohanne sa sarili niya at nilibot ng paningin niya ang paligid para hanapin ang babaeng
matagal niya ng pinagmamasdan ng palihim.
Napatigil ang paglalakbay ng mga mata niya sa paligid nang makita niya ang mukhang araw araw ay
pinagmamasdan niya, nakita niya si Gazelle na nakatayo malapit sa may isang table at may kausap na isang babae.
Napangiti siya. Parang nawala ang kaba at pagiging uncomfortable niya sa pagtayo sa unahan.... paano kasi si
Gazelle na lang ang nakikita niya sa mataong lugar nung mga oras na iyon.
. "Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik" ~.
Pero nabigla na lang siya nang ito ay biglang lumingon sa unahan, sa kanya... nagtama ang mga mata nila. At
sobrang nabigla siya nang ngitian siya nito at kawayan.
Pakiramdam niya sasabog ang puso niya, tugma ang kanta sa nararamdaman niya dahil sa tinagal tagal ng lihim na
pagtingin niya kay Gazelle, ang mga ngiti nito ang paborito niyang pagmasdan.
. "Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/r/ronnie_liang/ngiti.html ]
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid" ~.
Kinakanta ni Yohanne ng buong puso ang kantang iyon habang nakatingin pa rin siya kay Gazelle. Nakatingin pa rin
sa kanya si Gazelle at nakikinig sa pagkanta niya. Gusto ni Yohanne na sa pagkanta niyang iyon ay maiparating niya
kay Gazelle ang tunay niyang nararamdaman.
Natapos ang pagkanta ni Yohanne at bumalik na siya sa upuan niya.
"Wow Yohanne ang galing mo kumanta!" pagpalakpak ni Eris sa tuwa.
"Kung hindi ngayon, kelan pa?"
"Eh?" naguluhan sina Eros at Eris sa biglang sinabi ni Yohanne, parang kausap nito ang sarili.
"Magtatapat na ako, hindi ko na kaya. Magtatapat na ako ngayon." biglang tumakbo si Yohanne, iniwan sina
Eros at Eris sa table at nilapitan si Gazelle at hinawakan ito sa may braso.
"Oh Yohanne? Uy ang galing mo pa lang kumanta!"
"Gazelle, can we talk?"
"Aren't we talking na ba?"
"In private Gazelle... please." seryosong sabi ni Yohanne.
. "Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib" ~.
"Eh? Ah, sige..." pagpayag ni Gazelle at nagdiretso sila sa may loob ng bahay, sa may kusina kasi doon lang
walang tao. Nasa may garden ng bahay ang lahat.
"Ano yun Yohanne? Bakit kelangan in private pa tayo magusap? Hindi ba pwedeng marinig ng iba?"
nagtatakang tanong ni Gazelle once makarating sila sa may kusina.
"Gazelle..." ang lakas ng tibok ng puso ni Yohanne, pakiramdam niya babaluktot na anytime ang dila niya, ayaw
niyang matorpe sa mga oras na ito pero sobra sobrang kaba na ang nararamdaman niya.
"Yeah? Ano yun Yohanne?"
. "Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin" ~.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita, "Hindi mo siguro natatandaan o napapansin pero simula
elementary pa lang tayo schoolmate na tayo..."
"Eh? Talaga? Wow! Hindi ko alam yun Yohanne..."
"Oo... magkaiba nga lang tayo palagi ng section... Pero kahit magkaiba tayo ng section lagi pa rin kitang
pinagmamasdan... tuwang tuwa ako sa tuwing nakakasalubong kita sa may hallway kahit hindi mo ako
napapansin kahit hindi mo alam na nakakasalubong mo ako... kahit hindi mo alam na nage-exist pala ako...
tuwang tuwa pa rin ako. Kasi tuwing makikita kita, nakakalimutan ko na ata ang lahat."
"T-teka Yohanne..."
"Di ko aakalaing dadating yung araw na magagawa rin kitang makausap... yung malalaman mong may isang
Yohanne Garcia pala na nage-exist dito sa mundo..."
"Yohanne... a-ano ba... Y-yohanne..."
"Kahit kelan hindi ko nagustuhan ang pangalan ko, ang panget kasi, gusto ko ng ibang pangalan yung
medyo astig pakinggan pero... pero pag binabanggit mo ang pangalan ko, pakiramdam ko napakaswerte
kong tao at napangalanan akong Yohanne, isang pangalan na nabigkas minsan ng mga bibig mo."
"Eh? UY ANO BA! Ano ba yang mga sinasabi mo? Di kita magets..." hindi mapakaling sabi ni Gazelle, ang
seryoso kasi ng mga tingin sa kanya ni Yohanne.
"Gazelle... mahal kita."
Hindi nakaimik si Gazelle ng halos ilang segundo dahil sa pagkabigla sa mga sinabi ni Yohanne. Pero nung
mahimasmasan siya ay pabirong pinalo palo niya si Yohanne sa may balikat nito.
"AHAHAHA! Uy birthday na birthday ko pinagtitripan mo ako sa ganyang joke ha! Ikaw talaga Yohanne!"
Pinigilan ni Yohanne ang kamay ni Gazelle na pabirong pumapalo sa balikat niya, "Eh paano kung sabihin kong
hindi kita pinagtitripan? Na hindi yun isang joke? Paano kung sabihin kong seryoso ako?"
"Y-yohanne..." hindi malaman ni Gazelle ang sasabihin niya...
"Gazelle... mahal kita, mahal talaga kita. Mahal na mahal kita."
"Ah eh..." lost for words si Gazelle, biglaan kasi.
"Pwede ba akong manligaw?"
"Uy Gazelle! Andyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap!" nabigla parehas sina Gazelle at Yohanne
nang dumating ang ilan sa mga kaibigang babae ni Gazelle.
"Dumating na si Larry! Yung poging poging manliligaw mo! Ayeeee! Dali ano ka ba! Hinahanap ka ng boylet
mo!!!" biglang hinila ng isa sa kanila si Gazelle sa braso at dinala palayo kay Yohanne.
"T-teka!" hindi siya narinig ng mga kaibigan niya at patuloy siyang hinila pabalik sa garden at habang hinihila siya ay
napalingon na lang siya kay Yohanne na mukhang nabigla.
Bad timing ang mga kaibigan niya. Nagtapat sa kanya si Yohanne at sakto naman dumating si Larry. Si Larry, si
Larry yung isa sa mga varsity players ng basketball team ng school nila na halos 3months ng nanliligaw sa kanya.
Malaki ang pagka-crush niya kay Larry kasi sobrang gwapo nito. Medyo naawa tuloy siya nung tignan niya ang
medyo nabigla at medyo disappointed na itsura ni Yohanne, hindi man lang niya nabigyan ito ng sagot dahil sa
paghila sa kanya ng mga kaibigan niya.
"Oh ano kamusta?" pagkabalik na pagkabalik ni Yohanne sa table nina Eros at Eris ay binati agad siya ng mga ito.
"Uuwi na ako," nanamlay na sabi nito.
"Eh? Bakit? Anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Eris.
"Uuwi na ako," ulit lamang nito.
"Tara," tumayo na si Eros.
"Eh teka? Uuwi na tayo? Tara muna magpaalam kay Gazelle," naguguluhang sabi ni Eris.
Hinigit lang ni Eros si Eris sa may damit nito, "Tara na sabi."
"Eeeee. Saglit, magpaalam muna tayo kay Gazelle."
"Tara na nga!" umalis na sila ng hindi nagpapaalam kay Gazelle. Naintindihan agad ni Eros kung anong nangyari
kaya gusto ng umuwi agad ni Yohanne at kaya naman mas pinili niyang wag ng magpaalam kay Gazelle kahit gaano
man ang pagpipilit ni Eris.
"Yohanne, anong nangyari?" tanong agad ni Eris pagkalabas nila at habang naglalakad na sila sa may kalsada.
"Ang tanga ko, ang tanga tanga ko," lumapit si Yohanne sa may isang poste at pinukpok ng pinukpok ang ulo
dun, "Masyado akong na-excite nakalimutan ko nga pa lang may Larry na siya."
"Sinong Larry?" tanong ni Eris.
"Yung varsity player, yung nanliligaw sa kanya. Yung lalaking sa tingin ko ay gusto din ni Gazelle."
"Eh? Bakit mo naman nasabi?" pagtataka ni Eris.
"Araw araw kong pinagmamasdan si Gazelle at minsan nakikita ko siyang kasama si Larry, nung una akala
ko boyfriend niya pero na-overheard ko na nanliligaw pala sa kanya. At sa tingin ko may gusto din si Gazelle
dun kasi sa tuwing magkasama sila lagi ko siyang nakikitang masaya, para bang naeenjoy niya ang company
ni Larry."
"Nasabi mo na ba nararamdaman mo sa kanya?"
"Eh?" nabigla si Yohanne sa tanong ni Eros na parang binalewala lang yung kasasabi niya lamang tungkol sa
manliligaw ni Gazelle.
"Nasabi mo na ba? Nagtapat ka na ba? Tinanong mo na kung pwede kang manligaw?"
"Ah... eh... oo."
"Oh anong sabi?"
"Wala eh... bigla siyang hinila ng mga kaibigan niya gawa ng dumating daw yung si Larry..."
"Hindi ka naman pala nareject eh! Anong ikinade-depress mo dyan?"
"Hindi mo ba narinig sinabi ko? Nanliligaw na sa kanya si Larry!"
"Eh ano naman? Bakit, boyfriend na ba niya? Hindi pa diba? Edi ligawan mo din si Gazelle! Bukas na bukas
hingin mo yung sagot niya, pag sinabi niyang 'oo' wag ka ng babading bading diyan, mag-effort ka ng
manligaw dahil may kaagaw ka pala. Tss! Ang dali mong sumuko! Ewan ko sayo! Uuwi na nga ako! Bahala ka
dyan!" tumalikod na si Eros kay Yohanne at nagsimula ng maglakad pauwi.
"Eros wait, uy Yohanne babye ha? See you tomorrow! Eros uy wait sabi!" sumunod naman si Eris kay Eros
pagkatapos nito magpaalam kay Yohanne.
"Bakit ka ba sunod ng sunod sakin para kang buntot!" =_=
"Iisa lang kaya daan natin pauwi! Bleh!" >__<
"Tss."
"Sana payagan ni Gazelle na manligaw si Yohanne kahit nililigawan na siya ni Larry."
"Papayag yun."
"Eh? Bakit parang sure na sure ka sa sagot mo?"
"Tinanong ko na nga kasi sya nung isang araw diba, nung kasama ko siya nung pauwi at nagalit pa nga
sakin si Yohanne."
"Ahh... oo nga pala. Pero naikwento niya rin ba siya ang tungkol kay Larry?"
"Medyo. Sabi niya nanliligaw daw ito sa kanya pero hindi daw siya masyadong naniniwala kay Larry."
"Eh? Anong ibig mong sabihin?"
"Ewan ko, ang sabi niya parang trip trip lang daw panliligaw sa kanya ni Larry. Minsan daw kasi pakiramdam
niya puro labas sa ilong yung mga sinasabi ni Larry sa kanya, kahit kelan daw hindi niya naramdaman ang
sincerity sa mga salita ni Larry."
"Hala, talaga? Eh kung ganun bakit nagpapaligaw pa rin siya dun?"
"Kahit papaano naman daw nageenjoy siya sa company nito at may nararamdaman siya kahit papaano dito,
masaya daw kasama saka hindi pa naman talaga siya sure, tinetesting niya muna daw yun kung pinagtitripan
ba talaga siya o kung seryoso."
"Ahh... Naku! Sana pag pinayagan ni Gazelle na manligaw si Yohanne ay ma-conquer talaga ni Yohanne ang
puso ni Gazelle kasi atleast si Yohanne, sigurado tayong sincere ang feelings niya for Gazelle!"
"Ewan," biglang humikab si Eros, "Nakakaantok."
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa kanilang dalwa habang naglalakad sila sa may kalsada.
"Eros..."
"Oh?"
"Umm..." nakayuko si Eris habang naglalakad, "Ang complicated talaga ng love ano?"
"Aba malay ko. Bakit sakin mo tinatanong." =__=
"Eh kasi diba sabi mo nainlove ka na? It means naranasan mo din yung mga complications between you and
that girl na naging girlfriend mo."
"Ahh. Ewan." tinatamad na sabi ni Eros.
"Anong ewan?! Hala! Napaka mo! Magkwento ka naman tungkol sa kanya!"
"Ayoko nga, bakit naman ako magkekwento sayo."
"Eh kasi hindi talaga ako makapaniwala na nainlove ka Eros... akala ko puro hatred dati ang laman ng puso
mo..."
"Minsan lang ako nainlove, wala na yun kaya wala akong ikekwento sayo."
"Andamot mo. Haay Eros, minahal mo ba talaga yung girl na yun?"
"Ang kulit mo, wag ka na ngang matanong." =__=
"Ano nga kasi... minahal mo ba siya?"
"Sinagot ko na yan kagabi ah!"
"Nakalimutan ko na!"
"Ewan ko sayo!"
"Ano nga kasi! Minahal mo ba talaga siya?"
"Tss! Oo nga sabi, minahal ko siya at mahal ko pa rin siya! Ano, okay na? Manahimik ka nga lang ang kulit
kulit mo. Sapakin kita dyan ee." =_=
Nabigla si Eris sa sinabi ni Eros kaya napatigil siya sa paglalakad. Napansin ito ni Eros kaya napalingon siya.
"Oh? Tinatayo tayo mo dyan? Bakit ka tumigil? Tara na nga oy!"
"Eros..."
"O-OY! Umiiyak ka ba? Oy! Bakit ka umiiyak? Problema mo?!" nabigla si Eros nang makita na lamang niya na
may mga luha ng pumapatak sa mga mata ni Eris.
"Eros..." pilit pinupunasan ni Eris ang mga luha niya gamit ang braso niya.
"O-OY BALIW NA ANGEL! Bakit ka naiyak? OY?" lumapit si Eros sa kanya at tinanggal yung braso ni Eris mula sa
mga mata nito, "ANONG NANGYARI SAYO? SINO SUMUNDOT NG MATA MO BAKIT KA NAIYAK DIYAN? Oy
inosente ako ha, wala akong ginagawa sayo, hindi kita pinaiyak."
Natawa ng saglit si Eris kahit tumutulo pa rin ang mga luha niya, "Eros..alam mo ba..."
Medyo paputol putol pa magsalita si Eris dahil sa paghikbi niya.
"Alam mo ba..."
"Ano?!"
"Falling inlove with someone is actually a miracle?"
"E-eh?" hindi magets ni Eros kung anong gustong iparating ni Eris.
Tumingin ng diretso si Eris sa mga mata ni Eros, "Thank you Eros, thank you."
"Ha? Thank you saan?"
"Thank you for the miracle... thank you for falling inlove with me."
ITUTULOY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento