Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE DIED [21]


"Go!"
"H-ha?"
"Go sabi!" panay ang tulak ni Eris kay Eros pero ayaw pa rin kumibo ni Eros dahil kinakabahan ito ng sobra.
"Hindi ko kaya Eris, ayoko na. Back out na ako, tara na uwi na lang tayo!" tumalikod na si Eros para maglakad
na pabalik pero pinigilan lang siya ni Eris sa magkabila niyang balikat at iniharap ulit ito sa direksyon ng bahay ni
Eris.


Nasa may tapat sila ng bahay ni Eris nung buhay pa ito, dahil nakalabas na sa ospital si Eros at ayon sa usapan nila
ay gagawin na nila yung number 4 sa Evil Dummy's guide to Kindness na "forgive yourself and forgive others" ay
binisita nila ngayon ang dating bahay ni Eris kung saan matatagpuan ang tunay na ina ni Eros na si Mylene.


"May usapan tayo Eros!" nag-pout si Eris.
Napaupo na lamang si Eros, yung upo na hindi nakasayad yung pwetan sa may sahig at nakatingkayad ang paa
habang nakayuko at ginugulo ang buhok sa kaba, "Ahh! Hindi ko talaga kaya! Iniisip ko pa lamang na kelangan
ko siyang harapin at kausapin hindi ko na malaman kung anong ire-react ko, kung magagalit ba ako, ngingiti
ba o poker face!" /(=__=)\

Pinatong ni Eris ang kamay niya sa balikat ni Eros, "Relax ka lang! Moment of truth na ito Eros, wag mo ng
palampasin! It's time na tanggapin mo na ang nangyari sa nakaraan at patawarin mo na siya, time to let go of
that anger in your heart!"


"Akala mo ganun lang kadali yun palibhasa hindi mo naranasan ilagay sa box at iwan sa kalsada!" =__=

"Para ka namang bata ee! Sige na, tumayo ka na diyan," hinigit ni Eris si Eros sa may braso nito para itayo, "Pag
mission accomplished ka promise ililibre kita ng lollipop!"

He glared at her, "Tingin mo sakin? Pupuntang dentista at takot magpabungi tapos pag nagpabungi ako may
compensation na lollipop? Tss! Saka isa pa wala ka namang pambiling lollipop, wala kang pera." =__=

Ngumiti ng malawak si Eris, "Edi ako na lang ilibre mo! Yehey!" \(*u*)/

"Tsss! Wala ka pa rin talagang pinagbago." =__=

"Enough talking, ring the doorbell na!" pagkasabi nun ni Eris siya na rin mismo sana ang pipindot ng doorbell pero
biglang hinawakan ni Eros ang forearm niya para pigilan siya.

"Promise me na kasama ka sa loob," tinitigan ni Eros si Eris ng mataman sa mga mata, halatang kabadong
kabado talaga siya.

"Promise!"

Ibinaba na ni Eros ang forearm ni Eris at siya na ang pumindot ng doorbell, ilang saglit lang may nagsalita na sa may
receiver.


"Sino po sila?"
"Eros Magdayo." pagkasabi nun ni Eros wala na ulit nagsalita mula sa receiver pero malipas rin ang ilang segundo
ay nagbukas automatically yung gate at sinundan ito ng boses mula sa receiver.


"Tuloy."

 Pumasok na sila at pagkarating nila sa may pinto ng bahay ay pinagbuksan sila ni Mylene. Nung una nagtinginan
lang sila, walang nagiimikan.

"Sana naalala mo pa ako, ako si Eros Magdayo." he said in a monotone.
"Oo Eros, naalala pa kita at hindi kita makakalimutan ana---" she was about to say "anak" pero naghesitate siya,
alam niyang magagalit nanaman ito sa kanya kung babanggitin niya ang salitang yun. 3yrs ago she tried talking to
Eros pero tuwing lalapit siya lagi na lang siyang sinisigawan at tinutulak ni Eros, never syang nagkaroon ng chance
na makausap ito at humingi ng sorry kaya in the end sumuko na siya sa paghabol dito para makausap ito kasi
sobrang obvious na walang balak si Eros kahit kelan na makipagusap sa kanya kaya naman ngayon sobrang nabigla
siya na makita si Eros sa harapan niya, nagtataka siya na dati ayaw siyang kausapin nito at heto ngayon si Eros
at pinuntahan siya mismo sa bahay niya. Sobrang nakakapagtaka, parang nagkaroon lamang ng isang malaking
himala, hindi niya akalaing dadating ang araw na ito na lalapitan siya ng anak niya na inabandona niya at sobrang


laki ng galit sa kanya.


"P-pasok kayo," pinapasok niya si Eros at pati na rin ang babaeng kasama nito. Pinagmasdan niya rin yung
babaeng kasama ni Eros, pakiramdam niya parang nakita niya na ito, pamilyar ang mukha ng babaeng kasama ni
Eros pero hindi niya maalala o maisip kung saan niya ito nakita.


"Excuse me, pwede po ba ako makigamit ng banyo?" nung nasa loob na sila ng bahay ay pinag-serve muna ni
Mylene ang dalwa ng maiinom at nung magsisimula na sana silang magusap ni Eros ay nagpasintabi si Eris upang
magbanyo.
"Sige hija, diretso ka lang tapos sa dulo kumanan ka at makikita mo na yung banyo." tumayo na si Eris at
nagdiretso na papuntang banyo. Ang totoo niyan hindi naman niya talaga kelangan gumamit ng banyo pero gusto
lamang niyang mapag-isa muna si Eros at ang tunay na ina nito.


Nung kumaliwa na siya papuntang banyo ay nakita niya malapit sa banyo ang "dating kwarto niya" nung buhay
pa siya, bigla bigla ay nakaramdam siya ng great nostalgia at napangiti siya habang nilalapitan niya ang pinto at
hinawakan ang doorknob nito. Nung inikot niya yung doorknob at nagbukas ang pinto ay mas lumapad ang ngiti niya,
naisip niyang tutal kelangan din naman nina Eros at ng tunay na ina nito na mag-usap ng sila lang ay dito muna siya
sa dating kwarto niya. Na-miss niya kasi ito.


"Tulad pa rin ng dati, walang nagbago..." mas lalo siyang natuwa nang makitang walang masyadong nagbago sa
kwarto niya, kung paano niya ito huling nakita ay ganun pa rin ito pwera na lang sa ilang gabok ng panahon.


Tinignan niya isa isa ang mga naiwan niyang gamit, niyakap niya ang mga luma niyang teddy bear, pinagmasdan
ang lumang closet niya na naglalaman pa rin ng mga luma niyang damit at nakita niya rin yung luma niyang treasure
box. Isang simple at maliit na box lang ito na naglalaman ng mga bagay na mahahalaga sa kanya tulad ng "candy
wrapper", "panyo", "hair clip" at mga bagay na may mga sentimental value. At sa kadulu-duluhan ng treasure box na
ito ay isang kapirasong papel na gusot gusot at halatang pinilas lamang sa isang notebook.


"Yung love letter na sinulat niya," hindi talaga mapigilan ni Eris ang mga ngiti sa labi niya habang kinukuha mula
sa treasure box ang kapirasong papel at dahan dahang binubuklat ito.


***
Halos kalhating oras na rin ang paghihintay ni Eris sa loob ng kwarto niya, pakiwari niya ay nakalimutan na nina
Eros at Mommy Mylene ang pagkawala ng presensya niya sa may living room, siguro masyadong masinsinan na
paguusap na ang nagaganap. Paikot ikot lang siya sa kwarto niya at nagkakalkal ng mga gamit na namiss na niya,
siguro magi-isang oras na iyon nang marinig nyang may pumasok sa kwarto.


"Ah, andito ka lang pala napunta. Hinahanap ka na ni Eros."
Napalingon si Eris nang marinig ang boses ni mommy Mylene, "A-ah, sorry po kung pumasok ako dito sa kwarto
na ito ng walang paalam... ginusto ko po muna kasi kayong mapag-isa ni Eros..."



Nginitian siya ni Mylene at nilapitan, "Wag kang mag-alala, okay lang yun. Alam mo ba itong kwarto na ito ay
kwarto ng step daughter ko na halos tinuring ko ng tunay na anak ko... siya yung naging girlfriend ni Eros
but she died because of me..."


Pinatong ni Eris ang kamay niya sa balikat ni Mylene, "Eros said the same thing, he thought it was his fault that
she died pero wag niyo dapat sisihin ang mga sarili niyo, wala kayong kasalanan sa pagkamatay niya."
"It was my fault, I've raised someone's child instead of my own child."
"Stop blaming yourself, I know that girl is now at peace. She would never blame you or Eros for her death."
"Sa tingin mo?"
Ngumiti si Eris, "Can you not feel her presence? She's in this room right now, watching you and smiling at
you."
"Hala! Can you see her spirit right now? May 3rd eye ka ba?"


Nagpigil si Eris ng tawa niya, if only her stepmom Mylene knows.

"Wala po akong 3rd eye but I'm sure she would be really happy if everyone can move on from her tragic end.
She wouldn't want to see the people she loves still suffering for this long." pinunasan ni Eris yung tumulong
luha sa pisngi ng stepmom niya.
"You really remind me of her..." napangiti na rin ito sa wakas, "Girlfriend ka ba ni Eros?"


"Opo, girlfriend niya nga po ako." :)
"Ikaw ba ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon at nagdesisyong kausapin ako?"
"Tinulak ko po siya ng konti pero sariling desisyon niya po iyon."
"Nararamdaman kong isa kang mabuting tao, ano nga pala ang pangalan mo?"
"Eris."


Nabigla si Mylene, pakiwari niya ay narinig na niya ang pangalan na iyon at parang kilala niya pero hindi niya maalala
kung saan niya ba iyon narinig o kung kilala niya ba talaga, "Ah Eris, ako pala si Mylene. Sa tingin ko maswerte
sayo ang anak kong si Eros... Ako ng nakikiusap sayo, wag mo siyang pababayaan. He might look tough
pero he's actually a fragile boy, I already made a big crack on his life kaya I'm begging you... don't break him,
don't break his heart. Wag mo siyang iiwan, please stay by his side forever."


"Forever?" nasambit ni Eris sa isipan niya na medyo nagpalungkot sa kanya, "I can't even stay by his side for a
month."

"Don't worry po, I'll take care of him. Sige po aalis na po ako baka naiinip na po si Eros. Alagaan niyo rin po
ang sarili niyo," yun na ang huling sinabi ni Eris bago tuluyang lumabas ng bahay.

Nakita ni Eris si Eros na nasa labas na ng gate at nakasandal ang likod pati na rin ang nakataas na isang paa sa may
pader habang nakapamulsa at nakatungo, "Kamusta Ero ero?"


Inangat ni Eros ang ulo na medyo nabigla sa boses ni Eris, "Ah andyan ka na pala, saan ka nanggaling?"

"Sa kwarto ko." :)
"Ahh..." matamlay na sabi ni Eros at umalis na sa pagkakasandal upang makapagsimula ng maglakad.
Naglakad sa tabi niya si Eris na nagaalala para sa kanya, "Bakit matamlay ka? Anong nangyari? Anong
napagusapan niyo?"

"Sabi niya pinagsisisihan niya daw na inabandona niya ako, masyado daw kasi siyang bata nung ipagbuntis
niya ako. 17 lang daw siya nun at naging bunga daw ako ng kapusukan niya, yung tunay na ama ko naman
na dating boyfriend niya ay may asawa na pala at simula ng malaman na buntis siya ay pinagtakwilan siya at
lumipat na ito ng ibang bayan kasama ng tunay na pamilya nito. Sobrang nasaktan daw siya sa pangyayaring
yun, she knew that he was 10yrs older than her pero ang hindi niya alam ay may asawa at pamilya na pala
ito. In short, niloko lang siya, pinaasa at ginamit."

Napansin ni Eris na his fists start to tighten sa magkabilang gilid nito, sign na nakakaramdam nanaman ito ng
matinding galit, this time hindi sa mom nito kundi sa real dad nito kaya naman hinawakan ni Eris yung left fist ni Eros
para pakalmahin ito, "Stay calm, Eros."

Sinubukang buklatin ni Eris ang nakasarang palad ni Eros at matapos niyang magawa iyon ay nilagay niya ang
mga daliri niya sa pagitan ng bawat daliri ni Eros, "Pagpatuloy mo lang ang pagkekwento, wag kang magalala...
hawak ko ang kamay mo, pag nagalit ka at naisipan mo nanaman gumawa ng mga bagay na makakapamahak
sayo, pipigilan kita."

Tumango si Eros at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Eris at nagpatuloy silang muli sa paglalakad, "Dahil nga
bata pa lamang siya nang ipagbuntis niya ako, nagalit ang mga magulang niya sa kanya. Gusto nila ipaabort
na lamang ako dahil hindi naman niya pa ako kayang palakihin dahil hamak na studyante sa kolehiyo
pa lamang siya. Pero hindi siya sumangayon sa mga ito, ayaw niya akong patayin kaya nagmakaawa siya
sa mga magulang niya na kahit maipanganak man lang muna niya ako at pinagbigyan naman siya ng mga
magulang niya pero mga ilang araw pagkapanganak sakin ay pinilit siya ng mga magulang niya na itapon na
daw ako. Wala na siyang nagawa kundi iwan ako sa isang gilid ng kalsada sa isang box kahit sobrang labag
sa kalooban niya."

"Pero hindi daw siya mapakali sa ginawa niya, sobrang nagaalala daw siya sakin kaya naman nung gabi ding
yun imbis na dumiretso na sa bahay niya ay napagdesisyunan niyang balikan ako, pero pagbalik niya ay
nakita niya sa hindi kalayuan na may dalwang tao na mukhang mag-asawa ang napadaan sa gawing iyon
at nakapansin sakin sa may box sa gilid ng kalsada. Pinili niyang magtago sa likod ng isang pader na hindi
kalayuan upang pagmasdan ang nangyayari at upang mapakinggan ang usapan ng dalwang magasawa,
narinig niyang magdesisyon yung magasawa na kupkupin ako dahil naawa silang makita ako sa isang box."


"Gusto daw sana niyang pigilan ang mga ito na kunin ang anak niya, na kunin ako pero pinili niyang manatili
sa kinatatayuan niya sa likod ng pader dahil naisip niyang mas makabubuti daw na hayaan na lang niya ako
sa mga kumupkop sakin dahil sa tingin niya mas nasa tamang edad naman yung mga kumupkop sakin para
maalagaan ako ng ayos at mapalaki ng malusog hindi tulad niya na labing pitong taon pa lamang."

"Kaya naman nagdesisyon siyang tumalikod na at humakbang palayo sakin, she didn't want to hurt me, she
just wanted to give me a better life."

"And all this time I hated her for her sacrifices..."

Tumigil si Eris sa paglalakad para yakapin si Eros kasi nakita niyang umiiyak na ito, "Sshh, tahan na. Okay lang
yan, shhh. Tahan na."

Naramdaman niyang niyakap din siya pabalik ni Eros, isang mahigpit na yakap, isang yakap na humihingi ng alalay
mula sa kanya, "Gusto kong magalit sa tunay kong ama, gusto kong magalit sa ginawa niya, gusto kong
magalit sa pananakit niya sa tunay kong ina, gusto kong magalit kasi dahil sa kanya nagalit ako sa isang
taong wala naman pala talagang kasalanan. Gusto kong magalit sa tunay kong ama kasi dahil sa kanya
naging ganto ako ngayon pero...."

"Ayoko ng magalit, nakakapagod masyado. Gusto kong magmahal, gusto kong makatapos ng pag-aaral,
gusto kong makahanap ng magandang trabaho, gusto kong pakasalan ka, gusto kong bumuo ng pamilya,
gusto ko magkaanak... at pag nagkaanak ako, aalagaan ko siya, palalakihin ko siya, hinding hindi ko siya
iiwan at pababayaan, pupunuin ko siya ng pagmamahal..."

"Eris," bumitaw si Eros sa pagkakayakap kay Eris at hinarap ito, "Hindi ko pinagsisihan na kinausap ko ang
tunay kong ina kasi sa araw na ito may narealise ako."

"Ano yun?"

"Narealise ko na all this time nabuhay ako sa galit at sa galit na iyon, wala akong narating na maganda.
Ngayon, gusto ko naman mabuhay sa pagmamahal, baka sakaling may marating akong makahulugan."

Ngumiti si Eris, sobrang natutuwa siya sa mga naririnig niya na lumalabas mula sa bibig ni Eros. It's like everyday a
miracle is happening. Her Eros is no longer a boy, nagma-mature na ito. He is growing up into a loving man.

"32%."
"Ha?"
"32% na yung necklace, sa wakas natutuhan mo din magpatawad. Napatawad mo na ang sarili mo at ang
iyong tunay na ina."
"Eris, pagkatapos ng mission na ito... anong unang gusto mong gawin?"



Napailing si Eris, "Ewan ko pa, maaga pa para isipin yan."
Dahil pagkatapos ng mission wala na siyang pagkakataon para isipin kung anong gusto niyang gawin kasi mawawala
na siya sa buhay ni Eros.


"Hmmm, hindi ka nga pala nakilala ni Myle--- mommy Mylene," medyo naiilang pa rin si Eros na bigkasin ang
mga salitang "mommy",


"Eh kasi nga diba wala naman talaga dapat makakaalala sakin sa panahon ng mission ko kaya ganun."
"Miss ka na din daw niya..."
"Miss ko na rin siya pero ganyan talaga, hindi habambuhay nasa tabi natin yung mga taong mahal natin."


Humigpit ang hawak ni Eros sa kamay ni Eris, "Pero gusto ko nasa tabi kita habambuhay, wag mo akong iiwan."


Tinaas ni Eris ang mga kamay nilang magkahawak at pinagmasdan ito, "It feels great to see the spaces between
your fingers filled with the fingers of the one you love, diba?"


Pinagmasdan din ni Eros ang mga kamay nila at napangiti, "Yeah, you feel complete."

Malungkot na inalis ni Eris ang mga kamay niya mula sa kamay ni Eros at lubhang pinagtaka naman ito ni Eros pero
bago pa man makita ni Eros ang malungkot na mukha ni Eris ay napaltan na agad ito ng mga ngiti, "Look what I've
got!"

"Ha? Ano yan?" nagtataka siya sa nilabas na papel ni Eris mula sa bulsa nito.
"Edi papel! Ahahaha!"
"Alam kong papel yan." =___=
"Hehe! Tanda mo yung kauna-unahang loveletter na sinulat mo sakin?"
"O____________O"
"Ito yun! AHAHAHAHA! Tara basahin ulit natin!"
"Waaaaaaaaaaaag!!!" balak sanang agawin at hablutin ni Eros yung loveletter kaso nakailag agad si Eris at
tumakbo palayo kay Eros.
"Para sa aking prinsesang mahal Eris," nabuklat na ni Eris ang loveletter at binabasa na ito habang tumatakbo
dahil hinahabol siya ni Eros, "Ito ang kauna-unahang beses na susulat ako para sa isang babae..."


"Hoooooyyyyy! Wag sabi! Wag mong basahin!!!" pilit hinahabol ni Eros si Eris kasi sobrang nahihiya siya nang
maalala niya kung ano ang mga sinulat niya sa loveletter na iyon. Hindi naman kasi talaga siya yung tipong may
pagka-"romantiko" at yun talaga yung kauna-unahang beses na nagsulat siya ng tulad nun. Sobrang namumula na
siya sa hiya habang hinahabol niya si Eris kasi she's reading it aloud eh may mga dumadaan pa man ding mga tao
sa may kalsada na mga nakakarinig ng binabasa niya.

"Bleh bleh! Habulin mo ako!"


"Waaaaaa!!! Eris waaaaag!!! Lilibre kitang ice cream promise! Wag mo ng basahin!" >__<
"Blehhhhhhh! Babasahin ko pa rin para marinig ng buong mundo!"
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" (>///<) para ng kamatis sa pula ang mukha ni Eros.

Natatawa na lang tuloy si Eris habang nililingon niya ang namumulang mukha ni Eros na humahabol sa kanya. Konti
na lang, mawawala na siya sa buhay ni Eros. Mami-miss niya ito ng sobra...

"Para sa aking prinsesang mahal Eris,

Ito ang kauna-unahang beses na susulat ako para sa isang babae... Ang tunay niyan, ito ang kauna-unahang susulat
ako ng isang matinong sulat. Alam mo namang hindi ako mahilig magsulat, ni hindi nga ako nagdadala ng notebook

o kaya ballpen sa bag ko tuwing napasok ako sa school kaya kahit ako nabibigla sa sarili ko kung papaano ako
nagkaroon ng papel at ballpen para makapagsulat ng isang loveletter. Pero siguro nga tunay yung sabi nila na pag
nagmamahal ka ng isang tao, nagagawa mo yung mga bagay na kahit kelan hindi mo aasahang magagawa mo.
Napakahiwaga ng pag-ibig, parang tinransform niya ako sa isang alien. Ibig kong sabihin ay andaming mga
pagbabagong naganap sakin simula ng makilala kita, hindi naman ako ganto dati, pakiramdam ko nga minsan hindi
ko na kilala kung sino ako. Sobrang andaming nagbago sakin at sobrang gusto ko pang magbago para sayo.


Simula ng makilala kita, natutuhan kong ngumiti at mabuhay ng masaya. Kahit malungkot ako o sobrang badtrip ng
araw ko, makita lang kita parang nabura na lahat ng kalungkutan o pagkabadtrip ko. May magic powers ka ba? Ang
lakas ng hatak mo sakin eh. Minsan pakiramdam ko baliw na ata ako kasi bigla bigla na lang akong mapapangiti pag
naaalala kita. Haay. At gabi gabi ginagambala mo ang isipan ko, hindi na nga ako makatulog ng dahil sayo! Kahit sa
panaginip ko andun ka pa din. Pero okay lang, okay lang na maging isang malaking eyebag na lang ako dahil enjoy
naman akong makita ka palagi sa isip ko bago matulog at pati sa panaginip ko.


Haaay ano ba yang mga sinusulat ko, ang korni ko na ba? Hala ewan! Hindi talaga ako marunong nito. T__T


Pasensya ka na kung ang baduy ng loveletter ko ha? Pero promise mahal kita.


Ikaw yung bestfriend ko.
Ikaw yung girlfriend ko.
Ikaw yung happiness ko.
Ikaw yung gusto ko makasama habambuhay.
Ikaw yung babaeng mahal na mahal ko.


Salamat Eris kasi pinadama mo sakin na ang isang gagong tulad ko ay makakahanap din pala ng taong
magmamahal sa kanya sa kabila ng mga depekto niya.



Mahal kita.


Maniwala ka pag sinabi kong "Mahal kita" kasi hindi ko lang yun sinasabi kundi ginagawa at pinaparamdam ko rin
yun.


Hinding hindi kita sasaktan, pag sinaktan kita parang sinaktan ko na rin ang sarili ko. Tandaan mo, hindi ako
masokista kaya hindi ko gagawin yun, hindi ko sasaktan ang "buhay" ko. Ikaw ang buhay ko.


Eris Jane Trinidad, wag mo pagtawanan ang kakornihan na ito ha. Iiyak ako. :(
Seryoso lahat ng nakasulat dito, ilang papel na ang naubos ko para lang maisulat ng husto ito.


. <--- ito ang puso ko, alam ko panget ang pagkaka-drawing ko pero sana ingatan mo itong sulat na ito kasi nandito
ang puso ko.


Alam ko paulit ulit na ako, para na akong sirang plaka pero gusto ko ulit sabihin sayo na...


Eris Jane Trinidad, mahal kita. Mahal na mahal kita."


-Eros Magdayo





ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento