Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE'S DATING THE GANGSTER [11]








“Siyempre, hinde kita papabalikin kay Abigail.. Kasi--“

“Sabi ko na nga ba eh!” tapos tumingin siya sa may court. “Alam ko namang gusto mo ko.” tapos nag smirk siya sa akin.

“Hinde mo pa ko pinapatapos delos Reyes!”

“Sige na, sabihin mo na yung mga gusto mong sabihin sa akin.”

“Siyempre, hinde kita papabalikin kay Abigail! Kasi, sino na lang ang magbibili sakin ng bagong cellphone? Sinong manlilibre sakin tuwing lunch at tuwing lalabas tayo? You know that I love FREEBIES! Pati--“

“TAMA NA! GOLD DIGGER!!” nag grin ako sa kanya

“I know your games, stupid! Sa tingin mo maloloko mo ko? PWEDE BA! Sinong magkakagusto sa isang katulad mo?!”

Tumayo siya tapos humarap sa akin.

Nagsmile siya sa akin, “Sila.” tapos tumuro siya sa may likuran ko.

Pagtingin ko, 5 babae na nakatayo tapos naka tingin ng masama sa akin. UH-OH! Barney and Friends yang mga yan! Lagot na ako!

Napatayo rin ako tapos nagsmile ako sa kanila, “Hi.. nagddrama lang ako.. hehehe.. gusto ko naman si Kenji eh, per--“

“Wag mo ngang kakausapin si Kenji ng ganun! Sino ka para gamitin siya??”

“Ang kapal naman ng mukha mo! gold digger! Alam mo sa totoo lang hinde naman kayo bagay eh!!”

“Mali kayo ng iniisip!! I’m not a gold digger!!” humarap ako kay Kenji pero nasa may court na pala siya nag lalaro ng basketball.

“STFU B!tch!!!” lumapit sa akin yung isang babae tapos sinampal ako sa left cheek ko.

Hinawakan ko yung left na pisngi ko, “WHAT WAS THAT FOR?!?”

“Wala lang. Gusto lang kitang sampalin.” WTF?! Walang dahilan yun?!

Lumapit yung isang babae at sinampal niya naman yung right na cheek ko. OMG THEY LOVE SLAPPING OTHERS!!

Hindi ko alam kung bakit.. pero naiyak na lang ako.

“HOY!!  SUBUKAN NIYO PANG SAKTAN SI ATHENA AT LAGOT KAYO SA AKIN!!!”

“K-kk-kirby..”

tumakbo papalapit sa akin si Kirby tapos hinawakan yung pisnge ko, “Ok ka lang ba??” tiningnan niya yung left and right na pisngi ko tapos tumingin dun sa mga babae, “Pag nalaman to ni Jigs, lagot kayo dun. At pag hinde pa kayo umalis sa harapan ko ng 3 seconds ako na mismo ang papatol sa inyo.” Naglakihan yung mga mata nila tapos tumakbo na papalayo sa amin.

“Ano bang nangyari?? Si Kenji??”

“Ang kapal ng mukha niyang lalaking yan.. siya may kasalanan ng lahat.. ang kapal talaga..” patuloy pa rin pag iyak ko.

Hinde ko alam kung bakit ako naiyak, hinde naman dahil weak ako, oh dahil alam kong matatalo ako..hinde yun eh. nakakaasar lang kasi, alam na nga niyang inaaway ako hinde niya ako pinagtanggol! Anong klaseng boyfriend siya?? Kay Abigail lang ba siya mabait?? Kasi kung ganun, ayoko na!! bumalik na siya dun!

“Ayun pala siya!” napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.

“KENJI!!! HALIKA DITO!”

“Sige Kirby.. mauna na ako..”

“Ha? Eh si Kenji eto na..” kinuha ko yung bag ko sa may swing at tumakbo paalis sa park. Hinde ko na tiningnan pa si Kirby, at lalong ayaw ko ng makita pa yang KENJI NA YAN!

Ang kapal talaga ng mukha niya. I hate him!!


Kirby’s POV

Tumakbo na lang bigla si Athena, ano bang nangyari sa kanila ni Kenj?? Ang naabutan ko lang ay sinampal siya nung isang babae. Hinde matutuwa si Jigs pag nalaman niya tong nangyari. Ayaw niyang nasasaktan yung mga close sa kanya, lalo na si Athena, don’t get me wrong, kahit ako nung una akala ko may gusto siya kay Athena yun pala kaya niya lang ginagawa ito kasi sobrang mabait si Athena. I agree.

Tama na si Jigs, bumalik na tayo sa flow ng story.

Lumapit sa akin si Kenji na pawis, “Oh bakit umalis yun?”

“Hinde mo alam?? Sabi ni Athena ikaw daw may kasalanan ng lahat..”

“Lahat? Ano bang ginawa ko? Nagbasketball lang ako eh!”

“G@go ka pare! Sinampal siya kanina nung mga babae dito! Hinde ko sila kilala eh, pero schoolmate natin yun!”

Nagulat si Kenji nung narinig niya yung mga sinabi ko, hinde niya nga alam. Anong klaseng boyfriend ba to!

“Tado ka! Sundan mo na yun! Galit sayo eh.”

“Bakit siya sinampal? Ano bang ginawa niya???” Ang kulit naman nitong amp na to!

“Amp! Kenj, wala akong alam, tinanong ko siya pero hinde niya sinagot yung tanong ko. umiiyak lang siya habang sinasabing ang kapal daw ng mukha mo tapos ayun, tumakbo na! Alam mo, tama na mga pagtatanong mo dyan! Puntahan mo na lang siya. Sigurado akong hinde pa siya nakakarating sa bahay niya.”

“Sige sige. Una na ko paps!” kinuha niya yung bag niya sa may swing tapos tinapik ako sa may balikat.

Etong dalawang to, hinde na ata magkakasundo eh. bagay naman silang dalawa. Parang si Sara at Jigs sila! mas malala nga lang!


Kenji’s POV

Ano kayang nangyari? Sabi ni Kerb sinampal daw si Athena.. amp naman! Anong pumasok sa mga babaeng yun?! bakit ba kasi iniwan ko pa siya! hinde ko naman aakalaing sasampalin siya ng mga yun! humanda sila sakin bukas!

Tumakbo na ako para mahabol ko si Athena.

After 3 streets, nakita ko siya kasama si Lucas.

Malayo pa lang ako nakikita kong masaya siya, si Lucas naman nagyoyosi.

Ang sabi sa akin ni Kerby umiiyak siya.. pero bakit nakangiti naman siya? bakit parang ang saya niya? Niloloko lang ba ako ni Kerb? Anong pinaguuspaan nila? Ganito ba sila tuwing nagkakasalubong silang dalawa?

Hinde na ko nag dalawang isip pang lapitan sila.

“Athena!!! Nandito ka lang pala! kanina pa kita hinahanap!!”

Tumingin lang siya sa akin na parang hinde niya ako kilala. Yung ngiti niya biglang nawala.

“Uy Kenji.” Bati sakin ni Lucas. Tiningnan ko lang siya tapos tumingin ulit ako kay Athena

“Tara na, ihahatid na kita.” Hinawakan ko yung kamay ni Athena at hinila siya.

“Bitawan mo ako.” napahinto ako sa pag lalakad.

“Ano bang problema mo!?” hinila ni Athena yung makay niya sa pag kakahawak ko.

“Kenji, ako na lang mag hahatid sa kanya. On the way rin naman eh..”

“Oo nga. Si Lucas na lang maghahatid sa akin. Tutal magkikita rin naman tayo mamaya eh.”

Sa nakikita kong expression ng mukha ni Athena, wala na akong magawa pa. Tiningnan ko si Lucas tapos kay Athena.

“Babe.. I trust you.” Tumalikod ako sa kanila. Nanalo na naman si Lucas.

Hinde ko alam kung ano bang meron sa kanya na wala ako, nahuka na nga niya loob ni Bee, pati yung kay Athena nakuha niya pa. Feeling ko lahat ng babaeng magiging girlfriend ko makukuha niya yung loob.

Pati nung nakita ko si Athena habang kasama niya si Lucas..

Parang.. ang saya niya. Tumatawa siya.. nakangiti.. hinde ko pa siya nakikitang ganun tuwing magkasama kami. Pero pag kasama naman namin sila Kerb at Jigs, tumatawa at ngumingiti siya, pero pag kaming dalawa na lang..wala! olats! Amp! Ganun ba kasama loob niya sa akin? Pinapahirapan ko ba siya?

Dumeretso na ko sa bahay para makapag pahinga. Pero hinde ko pa rin matanggal sa isip ko yung kay Athena, bakit pag sa iba ang saya niya.. nakikipag tawanan siya, pero pag dating sa akin, naka simangot siya tapos laging sumisigaw.

Minsan napapaisip na rin ako kung tama bang siya yung napili ko! ang dami namang nagkakandarapa sa akin dyan. Hinde, dapat hinde ako mag sisi, kaya ko siya pinili dahil alam kong maibabalik niya sa akin si Bee.

Natulog ako for 2 hours tapos naghanda na ko para sa lakad namin mamaya. mga 8:10 ako nakarating sa 310. nandun na si Jigs, Sara, Kerb at Athena.

Pumunta si Athena.. akala ko hinde siya sasama kasi galit siya sa akin..

Tumabi ako kay Kerb, “Paps, reserved to para sa chick. Dun ka sa tabi ni Athena.” Tumayo ako tapos lumipat sa tabi ni Athena.

Lumapit ako sa may tenga niya, “Akala ko hinde ka sasama..”

“Kelangan eh. Ibabalik ko kasi sayo to.” Nilapag niya yung cellphone na binili ko at P2,000. “Ayoko na Kenji, tama na.”

Ayaw na niya?? hinde pwede!

“AYOKO! Hinde ako pumapayag!” napatingin samin yung mga tao sa loob ng 310.

“Sorry ka! I don’t like you! NO, I HATE YOU! Please, let’s end this!”

“Sorry na!! hinde ko alam na sasaktan ka nung mga yun eh.. pati naayos ko na yung lahat. Sabi mo sakin tutulungan mo ko maibalik sakin si Bee?? Bakit sumusuko ka na?”

“FINE! Hinde na.. ayoko lang yung ginawa mong pag iwan sakin kanina, hinde ako nagagalit kasi nasampal ako eh. Naasar ako kasi nawala ka sa tabi ko nung inaaway nila ako.”

“Sorry na sorry na! ok? Peace na tayo.” Nagsmile ako tapos nag pout lang siya. POUT?! Hinde ba pwedeng SMILE??

“Ano ba yan! LQ pa rin kayo hanggan dito?! Tsktsk.”

“Hoy! Manahimik ka na nga dyan! Ikaw rin naman malakas mang away eh! akala mo kung sinong mabait!”

Mas matindi pa pala tong dalawang to kesa sa amin ni Athena. Paano kaya nakakatiis si Kerb sa kanila?

Nakaka 12 rounds na kami ng beer nila Jigs at Kerb, si Sara at Athena naman nakaka 3 na beer at isang shot ng tequila. Ang tindi nilang dalawa nakakatayo pa rin sila medyo gegewang gewang nga lang pero parang wala lang sa kanila yung iniinom nila eh.

“JIGS!!! Sayaw tayo! Gusto ko yang kanta eh!!!”

“Ayoko!!! Kayo na lang ni Kerby!!” nagpout si Sara

“Tara Kirby!! Sayaw tayo! Favorite ko yang kanta eh!” Tumayo si Kerb at Sara tapos hinila ni Sara si Kerb sa may dance floor.

Bumulong ako, “Gusto mong sumayaw?” napatingin siya sakin, nagulat ata siya.

“Tara! Gusto ko rin yan eh!” hinila ko siya papunta sa dance floor.


Athena’s POV

“Gusto mong sumayaw?” bulong sakin ni Kenji, SAYAW?! Ok lang siya???

Hinawakan niya left hand ko, “Tara! Gusto ko rin yan eh!” tapos hinila niya ako sa may dance floor.

Nagsisimula na siyang sumayaw, ako naman nakatayo lang. Pinag mamasdan ko siyang sumayaw, ang galing niya. Malambot pala katawan niya. Bagay sa kanya yung tugtog.. SEXY LOVE.

Hinde ko alam kung bakit pero nadala ako masyado sa pag sayaw niya. Okaaay. Now we’re dancing Sexy Love. WOW. Ang close na sobra ng body namin, nag form na ng circle yung mga tao sa paligid namin, nadala na ata ako ng alcohol.

Pinapanood nila kaming sumayaw pero hinde pa rin ako nahihiya. Jusko. Gwapo ba naman kasayaw mo mahihiya ka pa ba? Gwapo ba yung sinabi ko? Lasing na nga siguro ako.

Matatapos na yung kanta kaya medyo hinde na ‘wild’ yung sayaw namin.

“Sexy Love ka pala eh!”

Nagsmile siya sa akin, “Bilib ka na ba sa akin?”

“Tss. Tara na balik na tayo sa table natin, iniintay na tayo nila Jigs.”

Nagsimula na akong maglakad pero hinawakan ni Kenji yung kamay ko. Nagstop ako tapos tumingin sa kanya, “Bakit?”

Hinila niya ako papalapit sa kanya tapos..


He kissed me, on the lips.




ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento