Mga Pahina

Biyernes, Marso 21, 2014

SHE DIED [20]




. "When I see your smile
Tears run down my faceI can't replace
And now that I'm stronger I've figured out" .

"Hmm..." medyo nagigising na si Eros, medyo masakit ang katawan niya at pakiramdam niya dinaganan siya ng
sampung elepante.
"Eros! Sa wakas nagising ka na din!" habang pinagmamasdan ni Eros ang paligid niya ay narinig niya ang boses
ni Eris mula sa gilid ng higaan niya.
"A-anong ginagawa ko sa hospital?" unang tanong na lumabas mula sa mga bibig niya dahil wala pa siyang
masyadong maalala kung paano siya nakarating sa hospital. Masyado pa siyang confused para makapagisip ng
ayos.
"Nakipagaway ka nanaman kasi..." malungkot na sagot ni Eris.



"Ahh..." bigla bumalik lahat sa utak ni Eros ang mga nangyari.
"Nakakainis ka Eros..." napalingon ng hindi oras si Eros kay Eris kasi naramdaman na lang niyang umubob ito
sa may gilid ng kama niya at narinig na lang niya ang paghikbi nito, "Pinagalala mo ako ng sobra! Andami dami
mong sugat, punong puno ka ng dugo, wala ka pang malay nung makita kita! Bakit ka ba ganyan, lagi mo na
lang dinadaan sa pakikipagbugbugan! Napakabayolente mo! Asar ka!" :(

. "How this world turns cold
And breaks through my soul
And I know, I'll find deep inside meI can be the one" .

"S-sorry..."
Inangat ni Eris ang umiiyak na mukha, "Sorry ka dyan! Tignan mo 2% na lang natitira sa necklace! Nasayang
lahat ng efforts natin! Paano na lang yung mission natin?" :(
"Ah oo nga pala yung mission... Eris... diba sabi mo sa period ng mission mo na ito walang makakaalala sayo
pero bakit kagabi naalala ko ang lahat... sobrang linaw ng mga pangyayari sa isipan ko... Naalala muli kita..."
"Hiniling ko kasi kay God na sana kahit ikaw man lang maalala mo ako..."
"Bakit?"
"Kasi sobrang natuwa ako nung gabing sinabi mong 'minahal' mo ako noon... Akala ko kasi hindi mo ako
minahal..."
Pinilit tumayo ni Eros mula sa pagkakahiga niya kaya inalalayan naman siya agad ni Eris, "Wait Eros, bawal ka
pang tumayo!"
"Akala mo hindi kita minahal? Dahil ba nung gabing yun? Dahil ba hinayaan lang kita?"


Yumuko si Eris at napakagat ng labi, naiiyak nanaman ulit siya. Pero nabigla na lamang siya nang biglang
naramdaman niyang lumapat ang labi ni Eros sa may labi niya, saglit lang yun pero parang pinatigil nito ang oras.

"Sorry Eris... nadala lang ako sa galit ko noon pero wag mong iisipin na hindi kita minahal..." pinatong ni
Eros ang ulo niya sa may balikat ni Eris, "Mahal na mahal kita... Sorry, sorry talaga. Kasalanan ko kung bakit
namatay ka... Sorry Eris... Gagawin ko lahat para lang makabawi sa kasalanang nagawa ko sayo, ano ba
dapat kong gawin? Yung mission? Sige, gagawin ko lahat para mapuno yung necklace! Kung yun lang yung
paraan para bumalik ka ulit, para mabuhay ka..."

. "I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to Heaven" .


Inalis ni Eris si Eros sa may balikat niya at iniharap ito sa kanya, hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at ngumiti,

"Eros, hiniling ko kay God ang mission na ito hindi para sakin kundi para sayo... Okay lang kung hindi na ako
mabuhay pang muli pero ang gusto ko Eros ay yung mawala na yung galit sa puso mo... Hanggang ngayon
kasi hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit ka nagkakaganyan, kung bakit nagrerebelde ka at higit sa lahat,
bakit nagalit ka kay Mommy Mylene? Hindi ko nagets yung nangyari nung gabing iyon..."

"Yung babaeng yun..." napahawak ng mahigpit sa may kumot si Eros with gritted teeth upon remembering the
woman who abandoned him.

"Ayan ka nanaman, nagagalit ka nanaman," hinawakan ni Eris ang kamay ni Eros at tinanggal ang mahigpit na
hawak nito sa may kumot, "Nakwento sakin ni Seven dati ang tungkol sa pagiging adopted mo. Yung stepmom
ko ba... siya yung real mom mo?"

Huminga ng malalim si Eros para mapigilan ang galit na namumuo nanaman sa puso niya, "Paano ka ba hindi
magagalit sa taong binasura ka lang?"

"Eros, nalulungkot ako sa pangyayari sa buhay mo pero mas nalulungkot akong makitang nabubuhay ka sa
galit at sama ng loob. Pamula pa noon dala dala mo na sa saloobin mo yang sama ng loob na yan diba? Kaya
ka laging nagrerebelde kasi sa pagrerebelde doon mo lang nalalabas ang sama ng loob mo. Pero Eros hindi
ba sa tingin mo masyado ng napapatagal yang galit at sama ng loob sa puso mo? Sige ka, inaamag na yan
dyan sa puso mo."


Naisuklay ng mga daliri ni Eros ang buhok niya out of frustration, "Ano ba magagawa ko, tuwing naalala ko ang
pagabandona niya sakin nagagalit na lang ako bigla. Bakit hindi niya ako pinalaki, bakit iniwan niya lang ako
sa isang box sa kalsada na parang kuting..."
"Parang si Love?" naalala ni Eris ang itim na kuting na napulot nila ni Eros sa may kalsada.
"Oo... parang si Love..."
"Eros, sa tingin mo bakit iniwan si Love sa may box sa may kalsada?"
"...kasi walang may pakelam sa kanya. Walang nagmamahal sa kanya."
"Pwedeng ganun nga pero naisip mo ba na pwedeng iniwan siya dun kasi hindi siya kayang palakihin ng
may-ari sa kanya?"
"Ha?"
"Halimbawa yung may-ari ni Love, mahirap lang sila at dahil nanganak ng madaming kuting yung nanay
ni Love napilitan yung may-ari na iwan si Love sa box sa may kalsada kasi hindi nila kayang kupkupin at
palakihin ito dahil naghihirap sila."
"Hindi ba nila naisip na pwedeng mamatay si Love sa lamig sa kalsada o kaya sa gutom?"
"Naisip nila yun pero naisip din nila na kung kupkupin nila si Love, ganun din mangyayari kay Love kasi
hindi nga nila kayang pakainin din ito dahil naghihirap nga sila at marami na rin silang kuting. Pero iniwan
siguro nila si Love sa may box sa kalsada dahil nagbabakasakali silang sa ganung paraan may makakapulot
kay Love at may kukupkop dito at aalagaan ito ng husay."
"Eh naisip ba nila na paano kung walang kumupkop?!"



Eris smiled softly, "Eros, kelangan mong maintindihan na hindi ganun kadali ang buhay, na may mga
pagsubok na darating sa buhay mo na minsan kelangan harapin mo mag-isa. Kung saka-sakaling walang
kumupkop kay Love, kakailanganing kaharapin ni Love ang mga pagsubok na makakaharap niya mag-isa."
"Kuting pa lang siya masyado pa siyang maliit, sa tingin mo kaya niyang mabuhay mag-isa kung hindi ko
siya kinupkop? Hindi nya pa kayang mabuhay mag-isa!"
"Hmmm... Eros, patatagan lang." :)
"Patatagan. Tss. Ako iniwan niya ako sanggol pa lang ako, sa tingin mo tatatag ako mag-isa? Kung hindi ako
kinupkop, sa tingin mo kaya kong mabuhay mag-isa? Sanggol pa lang ako nang itapon niya, ni hindi pa ako
nakakalakad ni nakakapagsalita!"

Hinawakan ulit ni Eris sa magkabilang pisngi si Eros at nilapit ang mukha niya sa mukha nito hanggang sa ipinatong
na niya ang noo niya sa noo ni Eros, "Hindi ka naman pinabayaan ni God diba?"

"Bakit ba lagi mo na lang binabanggit yang God na yan!"
"Kasi Eros," pumikit si Eris habang nakangiti, "Iiwan ka na ng lahat pero si God hindi."
"Ewan ko, hindi ako naniniwala sa kanya."
"Sana Eros balang araw makilala mo na rin si God, masarap sa pakiramdam pag nakilala mo na siya." :)


"Ewan ko..." habang magkapatong pa rin ang mga noo nila ay hinawakan ni Eros ang nakasabit na kwintas sa
leeg ni Eris at pinagmasdan ito, "Buti hindi nasira... grabe pala pag nakipag-away ako, ang laki pala talaga ng
nababawas..."
"Oo nga eh, sobrang natakot ako akala ko mission failed tayo."
"Maaasar lalo ako sa sarili ko pag nangyari yun kasi for the 2nd time, dahil sa sarili kong kagagawan
mawawala ka nanaman. Pero Eris... hindi ka ba galit sakin?"
"Ha? Magagalit saan?"
"Dun sa ginawa ko sayo nung gabing yun... may nangyari hindi kanais nais sayo dahil pinabayaan kita..."
"Ano ka ba, wag mo ng isipin yun. Hindi mo naman yun kasalanan saka isa pa, hindi ako galit sayo kaya
nga ako bumalik diba? Eros, diba nga sabi ko sayo yung mission hiniling ko yun kay God pero hindi talaga
yun para sakin, para sayo yun... Gusto kong bumalik dito sa mundo kasi ayaw kitang iwan kung papaano
kita huling nakita... Nung huling beses na nagtapat ang ating mga mata noon, punong puno ka ng galit.
Ayaw kong mamuhay na lamang ang galit dyan sa puso mo kaya hiniling ko itong mission na ito, gusto ko
magbago ka para sa ikabubuti mo dahil alam kong pag nagawa mong magbago, magagawa mong mahanap
ang tunay na kasiyahan. Para sayo ang mission, hindi para sakin. Okay lang kahit hindi na ako mabuhay muli
basta mahanap mo lang ang kasiyahan sa isang pusong walang nakatanim na galit."


. "It's okay, it's okay, it's okay
Seasons are changing and waves are crashing
And stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter


I can show you, I'll be the one" .

"Ganun ba matatagpuan ang tunay na kasiyahan? Kung ganun nga, sa tingin ko may kulang pa rin...
gusto ko mabuhay ka din kasi ikaw ang kasiyahan ko... Promise Eris, gagawin natin yang mission na yan.
Magbabago na talaga ako para mabuhay kang muli, para bumalik ka. Para bumalik na tayo sa dati, para
maging masaya tayo."

Ngumiti si Eris, pero ngiting malungkot at hindi siya nakatingin sa mga mata ni Eros at nilayo na niya ang mukha niya
kay Eros, "Gagawin mo na talaga yung mission?"

. "I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to Heaven
'Cause you're my, you're my, my
My true love, my whole heart
Please don't throw that away" .

"Oo, kung pwedeng mag-start na tayo ngayon, tara ng mag-start! Ano ba ang dapat kong gawin? Magdonate
ng dugo? Ng pera? Tumulong? Ano dapat kong gawin prinsesa? Gagawin ko."
"Natatandaan mo ba yung ginawa nating Evil Dummy's guide to Kindness?"
"Ha? Ano yun?"
"Ahaha, malilimutin ka talaga. Sige ipapaalala ko sayo..."


"Number 1: Ask forgiveness to those you've done wrong.
Number 2: Make friends, learn to smile and laugh with others. Nagawa mo na yung number 2."


"Ha? Talaga?"


"Yup, naging kaibigan mo sina Yohanne at Gazelle. Pero siguro Eros mas maganda sana kung magagawa mo
rin maging kaclose ang buong klase mo, tutal ga-graduate nanaman kayo." :)
"Malabo yun... ayaw nila sakin.
"Nakalimutan mo na ba? Diba dati ayaw din sayo ng buong klase natin? Pero in the end nagustuhan ka din
nila, kelangan lang ng effort at konting patience Eros."
"Sige susubukan ko..."
"Gawin mo, wag mong subukan. Tapos number 3: Study hard and be a responsible person. You're improving
with this part, konting push na lang."



"Then number 4: Remove all hate in your heart. Learn to forgive yourself. Alam kong galit ka pa rin sa
sarili mo dahil sa nangyari sakin noon pero kelangan mong mapatawad ang sarili mo Eros, wala ka naman
kasalanan. Atsaka isa pa Eros, you must remove "all hate" dyan," sabay turo sa kaliwang dibdib ni Eros,
"Including the hate you have for your biological parents, kay mommy Mylene at sa real dad mo kung sino
man siya."


"Ha? Pero..." nagaalangan si Eros.
"Eros, number 5: Respect yourself and others. Yan yung mga guidelines para magawa natin ang mission.
Kung magagawa mong lahat yan, mapupuno agad natin yung necklace in no time."
"Lima lang sila pero parang ang dami dami kong dapat gawin..."


"Hindi mo naman kelangan gawin ng sabay sabay, one step at a time Eros. Bukas pwede ka na daw lumabas
ng hospital, sa tingin mo ready ka na kayang gawin ang number 4?"
"H-ha?"
"I know where she is tomorrow... you have to talk to her..."
"Hindi ko kaya..."
"Diba may mga katanungan ka na tulad ng 'bakit ka niya iniwan'? 'Bakit hindi ka niya pinalaki at ibang bata
ang pinalaki niya'? Sa tingin mo paano mo makukuha ang mga kasagutan sa tanong mo kung hindi mo siya
kakausapin? Eros, hindi mo magawang bitawan ang galit sa puso mo kasi marami pa rin mga katanungan
ang bumabagabag sa iyo. Kausapin mo siya at sana pag nakausap mo siya, mapatawad mo na siya. Alam
kong hindi tama yung ginawa niya na iwan ka niya pero lahat ng tao nagkakamali Eros, sigurado nagsisisi rin
siya sa ginawa niya. The only way to remove the anger filling your heart is to learn to forgive those who have
hurt you so bad."


Pinikit ni Eros ang mga mata at nagisip ng matagal at nang makapagdesisyon na siya ay huminga siya ng malalim at
minulat muli ang mga mata, nakatingin kay Eris na parang isang batang kinakabahan na natatakot, "Samahan mo
ako..."

. "'Cause I'm here for you
Please don't walk away
And please tell me, you'll stay, stay
Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know, I'll be okay
Though my skies are turning gray " .

Ngumiti si Eris, "Oo naman, sasamahan kita. Wag kang magalala." :)

***


Nung gabi na pinauwi na ni Eros si Eris sa may clubhouse pero nung pagkabalik ni Eris sa may clubhouse
sumalubong agad sa kanya si Memo na nagche-chess mag-isa sa may table ng kusina.

"Welcome back," sabi nito ng hindi man lang siya nililingon habang iniikot nito ang chess board dahil parehas na
black & white pieces ang kino-control niya.
"Ah, salamat." saad ni Eris, aakyat na sana kaso biglang nagsalita ulit si Memo.
"Mission huh?"
"What?"
"I didn't really understand yung pinaguusapan niyo kanina ni Eros pero haay, how can I manipulate a story
that includes an angel? How complicated this game is."
"How did you---"
"I went to the hospital to pay Eros a visit but when I was about to enter the room, I heard you guys talking so
I stayed outside to listen or to eavesdrop, whatever you prefer."
"Memo, I don't really care kung anong narinig mo at kung anong balak mo. I will always block your moves,
I'm not a chess piece, I can be a chess player so don't even dare touch our lives, especially Eros."


Biglang ginulo ni Memo yung chess pieces sa may chess board at sinimulang itago na yung mga pieces sa loob ng
chess board, nagsawa na siyang maglaro, "No problem, I'll end this game and call it quits. It's too complicated,
an angel involved. Hah. I've got more games to play anyway."

Tumayo na si Memo pagkatapos imisin yung chess pieces, "Goodnight Eris."
"Stop it before you regret everything." biglang sabi ni Eris, "Goodnight Memo."

Hindi na niya hinintay makapagsalita si Memo at umakyat na siya ng tuluyan at pumunta sa kwarto niya sa
clubhouse. Hinagis na niya ang sarili sa may kama pagkapasok na pagkapasok niya.

"Haaay, what a day!" hinawakan niya yung necklace niya at pinagmasdan ito, "Lord God, salamat po sa araw na
ito, salamat at nakumbinsi ko na rin po si Eros na kausapin si mommy Mylene bukas at sana nga po bukas
maging successful, sana mapatawad na nga po ni Eros si mommy Mylene."

"Ganun ba matatagpuan ang tunay na kasiyahan? Kung ganun nga, sa tingin ko may kulang pa rin... gusto ko
mabuhay ka din kasi ikaw ang kasiyahan ko... Promise Eris, gagawin natin yang mission na yan. Magbabago na
talaga ako para mabuhay kang muli, para bumalik ka. Para bumalik na tayo sa dati, para maging masaya tayo."

Naalala ni Eris yung mga sinabi kanina ni Eros at napapikit siya at napahawak ng mahigpit sa may necklace,

"Nakalimutan na ata niya yung sinabi ko sa kanya..."


"...na pagkatapos ng mission at successful ito, mabubuhay nga akong muli pero wala ng makakaalala sa
existence ko bilang Eris... hindi na niya ako maaalala at hindi ko na rin siya maaalala dahil pagkatapos ng
mission, sa second life ko... hindi na ako si Eris, hindi ako nagexist sa buhay ni Eros."

. "I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to Heaven" .




ITUTULOY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento